KINABUKASAN ay nagtungo si Zia sa Rodriguez company para isauli ang jewelry box. May ibang empleyadong bumabati pa rin kahit na hindi na siya asawa ni Louie. Habang ang iba ay pinili na lamang tumingin. Pagbukas ng elevator ay direkta siyang napatingin kay Alice na nasa table. Lumingon naman ito sa gawi niya at napatayo sabay lapit. “Anong ginagawa niyo rito, Ma’am?” “Gusto ko lang sana ‘tong isauli,” ani Zia at inilabas sa dalang bag ang jewelry box. “Nasa meeting pa si Sir, kaya pwede niyong iwan ‘yan sa table niya.” “Okay, iiwan ko na lang doon.” Saka dumiretso si Zia sa office ni Louie at iniwan sa table nito ang jewelry box at sa drawer naman ang special key. Kaagad namang humarang si Alice pagkalabas ni Zia. “Hindi niyo po ba hihintayin si Sir?” “Hindi na, wala rin naman akong gustong sabihin sa kanya,” ani Zia saka tuluyang sumakay sa elevetor. Wala na ring nagawa si Alice at hinayaan itong umalis. Makalipas ang halos isang oras ay natapos na ang meeting ni Louie
BUNTONG-HININGA ang naging sagot ni Mia sa tanong ni Zia. At ilang sandali pa ay idinitalye ang nangyari, “Nagtanong ako kung bakit ganoon ang nangyari ngunit walang nakapagbigay sa’kin ng sagot o tamang sabihing ayaw nilang mangialam. Ang mas mabuti pa’y tanungin mo na lamang si Mr. Rodriguez at baka may nalalaman siya.” Pagkatapos ay binuhay ang makina ng sasakyan. “May mga bagay na hindi ko na saklaw na maaaring kaya niya kaya sa kanya ka lumapit, Zia,” payo ni Mia saka tuluyang nagmaneho paalis.Nanatili sa puwesto si Zia, hindi na gumalaw hanggang sa dumating ang kotse na maghahatid sa kanya pauwi.Ilang oras ang lumipas ay nakarating na rin sa bahay si Zia habang nakayakap sa brown envelop. Sa halip na pumasok sa loob ay natigilan lang siya sa labas ng pinto, hawak ang doorknob ngunit hindi naman magawang pihitin para buksan.Kaya nanatili siya sa labas ng bahay hanggang sa hindi na niya namalayan ang oras. Mayamaya pa ay napagdesisyonan na tawagan ang dating asawa.Sa kabilang
UMIWAS ng tingin si Zia at hindi sinunod ang demand ni Louie. Kaya ang isa nitong kamay ay humawak na sa kanyang pisngi para iharap.Pero agad kumawala si Zia saka pasinghal itong tinanong, “Ano bang ginagawa mo?! S*x ang habol mo sa’kin, ‘di ba? Bakit hindi pa natin gawin para hindi tayo nagsasayang ng oras dito?!”Nagtaas ng kilay si Louie at sa isang iglap ay tila gustong parusahan si Zia dahil sa pagtataray nito, pero agad ring nagbago ang isip. At niyakap habang nakasubsob ang mukha sa dibdib nito. Mas gusto niyang ganito kaysa gumawa ng isang ‘bagay’ na alam niyang hindi bukal sa puso nito at napipilitan lang.“Ano ba, Louie!” reklamo ni Zia saka nagpumiglas ngunit sadyang mahigpit ang kapit nito.“Madaling araw na, gusto mo bang dito na matulog?”“Ayoko, uuwi ako,” ani Zia saka kumawala sa yakap nito na nagawa naman niya.“Okay, magbihis ka na at ihahatid kita.” Hawak ang bewang ni Zia ay inalalayan niya itong tumayo mula sa pagkakaupo sa kanyang hita.“Ipahatid mo na lang ako
NANGINGINIG ang kamay ni Zia habang nakatingin kay Lindsay. Hindi malaman kung saang parte ng katawan hahawakan ang kaibigan.“Lindsay…” aniya sa garalgal na boses saka maingat na hinaplos ang pisngi nitong may galos.Lumapit naman ang driver ng taxi habang may tinatawagan sa cellphone. “’Wag kang mag-alala, Miss at tumatawag na ‘ko ng ambulansya,” untag pa ng driver.Ang mga tao sa hindi kalayuan ay nag-umpisang lumapit para maki-osyuso. Kaya nag-angat ng tingin si Zia at desperadang humingi ng saklolo sa mga ito.Hanggang sa magmulat ng mata si Lindsay nang marinig ang nakikiusap na tinig ng kaibigan. “Z-Zia…” naghihikahos niyang tawag dito. “Ang anak ko… si baby?”Nagbaba ng tingin si Zia nang marinig ang sinabi nito. “Ang baby mo?” aniya saka tiningnan ang tiyan ng kaibigan pero napasinghap siya. Matapos mapuna na ang dugo na lumalabas mula sa katawan ni Lindsay ay galing mismo sa puw*rta nito.“Anong nangyari sa baby ko?” tanong muli ni Lindsay na gustong iangat ang ulo para masi
Nabigla si Zia sa isiniwalat ni Louie. Wala siyang kaide-ideya na konektado pala ang dalawa sa isa’t isa. Kahit nagulat sa nalaman ay nanatili siyang kalmado.Dahil kilala niya si tita Faye. Mabait ito at itinuturing siyang parang isang anak kaya kahit anong sabihin ng dating asawa ay hindi magbabago ang pagtingin niya sa Ginang.“Hindi mo ‘ko masisising magganito, Zia dahil gaya ng ginawa ng kanyang Ina ay baka maagaw ka rin niya sa’kin,” saad ni Louie.“Anong sinasabi mo? Wala namang maaagaw sa’yo dahil hindi mo naman ako pagmamay-ari. ‘Wag mo sanang kakalimutan na hiwalay na tayo.”Mas lalong dumilim ang aura ni Louie na bahagya pang lumapit. “So, balewala sa’yo ang nalaman? Ipagpapatuloy mo pa rin ang pagiging malapit kay Patrick? Hindi ka ba nandidiri na may nangyayari sa inyo knowing na baka magkapatid pala kami?”Isang malutong na sampal ang pinadapo ni Zia sa pagmumukha nito. “Napakawalang-hiya mo talaga! Anong tingin mo sa’kin, pumapatol sa iba kahit kahihiwalay lang?”“Bakit
DAHIL sa ginawang pagtakas ni Austin ay na-move ang kasal sa ibang araw at ginanap pa sa ibang bansa para mailayo ito kay Lindsay. Iyon ang narinig na balita ni Zia matapos bumalik kay Louie. Naipaliwanag na niya ang side sa magulang at parehong hindi masaya ang dalawa sa desisyon niyang iyon gaya ni Patrick. Magkaganoon man ay hindi naman tumutol ang mga ito kahit pa ilang beses sinabihan ni Maricar, habang si Arturo ay nanatiling tahimik. Lumipas ang mga araw at nakapag-adjust na ulit si Zia sa bahay. Ang kaibahan nga lang ay pinakikitunguhan siya nang mabuti ni Louie, hindi tulad ng dati. At sa araw na iyon ay sinabihan siya nito na dadalo sa wedding celebration ng pamilya Lopez at Javier. "Ayokong magpunta ro'n at makita ang pagmumukha ng mga taong sumira sa buhay ni Lindsay," ani Zia na kumukulo ang dugo marinig lang ang pangalan ng dalawang pamilya. "Mas higit mong kailangan magpunta. Ipakita mo at ipamukha sa kanila ang ginawa nilang masama sa kaibigan mo," saad ni Louie.
DAHIL sa namumuong tensyon ay hindi na nga nakaligtas sa ibang guest ang nangyayaring kumosyon sa table na iyon. May ibang nagtangkang lumapit at maki-osyuso ngunit hinarangan na kaagad ng mga tauhan ng pamilya Lopez. At kahit maging ang pamilya Javier ay napasugod na rin. "Papâ, pinagtitinginan na tayo ng lahat," saad ni Clara kay Don Felipe. Ngunit hindi natinag ang matanda at masama pa rin ang tingin kay Louie. "Pati ba naman ikaw, Louie ay kinakalaban ako?" may paghahamong tanong ni Felipe. Kahit sa katunayan ay ayaw niya rin ng gulo dahil higit na mas makapangyarihan ang estado at kakayahan ni Louie pagdating sa kanila. Mahirap kalabanin ang isang Rodriguez. "Hindi ko gusto ng gulo, Don Felipe. Pero kung iaatras mo lahat ng mga tauhan mo ay baka madadaan pa tayo sa matinong usapan. Pero kilala niyo naman ako, ayoko ng simpleng usapan lang," saad ni Louie na makikitaan ng kompyansa kahit sa sitwasyong iyon. Mas lalong dumilim ang aura ng matanda. Ayaw niyang sumuko at mauwing
MATAPOS ng mainit na pagniniig ay bumangon si Zia sa kama. Gustuhin niya mang magsuot ng damit ay hindi na niya ginawa at didiretso naman sa banyo para mag-shower. Dahil nanlalagkit siya ng husto, lalo na 'down there'. Hindi nag-cond*m si Louie kaya kailangang linisin ang sarili ng maigi. Paglingon niya ay nakangiti si Louie pero siya ay hindi. Hindi niya makuhang mag-enjoy pagkatapos ng nangyari. Pagod siya mula sa wedding celebration pero ito... mas lalo siyang pinagod ni Louie. Nadagdagan ang trabaho ni Zia at paniguradong magtatagal siya sa banyo sa kakalinis ng 'down there' niya. "Bakit hindi ka nagsuot ng proteksyon?" mahinanong reklamo ni Zia. "Paano ko ngayon 'to lilinisin?" "Gusto mo bang ako na gumawa?" ani Louie na akmang babangon sa kama. "No, thanks at baka humirit ka pa," ani Zia at baka hindi paglilinis ang mangyari. "Okay, pero sabay na tayo?" Saka bumangon na hubo't hubad kaya napaiwas si Zia ng tingin. "Sa kabilang kwarto ka and please, pagpahingahin mo naman
SA LAKAS ng sampal na pinadapo ni Shiela ay napaling sa ibang direksyon ang mukha ni Chris. May parang tusok-tusok itong naramdaman sa pisnging nakatikim ng palad nito. Medyo may kaunting tinis na tunog din siyang naririnig sa kaliwang tenga.Pero sa halip na magalit sa ginawang pananakit ni Shiela ay napaismid lang si Chris. "Oppss, nabisto agad ako." Saka hinimas-himas ang pisngi na nasaktan. "Ito ba ang pang-welcome mo sa'kin?" sarkasmo niyang tanong.Nanlisik naman ang mga mata ni Shiela saka ito pinagsususuntok sa dibdib. "Walanghiya ka! Anong kasalanang ginawa ni Lolo para gawin mo 'to?!"Nang una ay tinitiis lang ni Chris ang natatamong suntok nito hanggang sa tuluyan na niyang pigilan at mahigpit na hinawakan ang magkabila nitong braso. "Tumigil ka na! Tinatanong mo kung anong nagawa niyang mali?! 'Wag mo sabihing lumipas lang ang isang taon ay nakalimot ka na sa mga ginawa niya sa'kin, sa'tin?!"Sa narinig ay natauhan si Shiela. Napagtanto niya ang mga maling nagawa ng Abuelo
PARANG nakakita ng multo si Shiela sa sinabi nito. Hindi siya makapaniwala--mali. Hindi niya talaga mapaniwalaan dahil napaka-imposible iyong mangyari sa kanyang Abuelo."Sinong nagsabi sa'yo niyan?""Tinawagan po kami ng secretary at sinabing 'wag magpapapasok ng kahit sino, utos ni Senior. Wala rin pong pinapayagan na lumabas.""Pa'no ko mapupuntahan si Lolo kung hindi--" Natigilan si Shiela nang tumunog ang phone. Sa pag-aakalang emergency ay agad niyang kinuha sa bulsa para lang mag-alangan na sagutin ang tawag mula sa ama.Huminga muna siya nang malalim saka ito sinagot, "Hello, 'Pa?""Papunta pa lang kami sa hotel ng makatanggap ng tawag na hinuli ng pulis si Papa?" tukoy ni Rolan sa ama."Hindi ako pumunta kaya ngayon ko lang din po nalaman. Ang sabi ay sinugod siya sa ospital matapos atakihin, puntahan niyo po siya ngayon, 'Pa. Hindi rin po kasi ako makalabas dito dahil inutos ni Lolo na walang magpapapasok at lalabas--" Saka muling tiningnan ang gate. "Nakaharang po ang mga t
KALANSING ng kubyertos ang maririnig sa hapagkainan. Kanina pa kumakain si Shiela at ganoon din si Mario. Matatapos na nga sana ang matanda dahil kaunti lang naman itong kumain kaya sinamantala na niya ang pagkakataon bago pa ito umalis. "'Lo, advance happy birthday po." "Salamat," tipid na sagot ni Mario. "Gusto ko sanang pumunta bukas sa celebration." Nag-angat ng tingin si Mario. "Pupunta ka? Akala ko ba'y ayaw mo?" Asiwang napangiti si Shiela. "Wala na rin pong rason para iwasan ko si Chris dahil nagkita na kami." Mataman ang tingin ni Mario saka muling binalingan ang pagkain. "Gusto mong pumunta? Walang problema sasabihan ko si Cedric na sunduin ka rito." Napakurap si Shiela. "Ba't siya, 'Lo? Hindi ba pwedeng sa'yo na lang ako sumama?" "Mas mainam na makita kayo ng mga bisita bukas na magkasama." Parang wala lang kay Mario ang sinabi nito pero hindi para kay Shiela. Hindi niya nagustuhan ang ideya na kailangan niyang pumunta sa celebration na kasama ng binata. Pa
HININTAY muna ni Shiela na magising ang anak saka sila bumaba para makakain ng almusal. Nakaharap na rin niya ang bagong Nanny ng anak na naghihintay sa sala at mukha naman itong mabait. Galing sa isang kilalang agency kaya panatag siya.Nagpakilala si Aileen na mas matanda ng sampung taon kay Shiela. Ayon dito ay isang dekada na rin nagtatrabaho bilang Yaya."Katatapos lang po ng kontrata ko sa dating amo, Ma'am. Dalawang taon din ako sa kanilang nanilbihan," kuwento pa nito."Anong rason at ba't hindi ka na nagtatrabaho ro'n?" tanong naman ni Shiela saka binaba ang anak sa upuan."Hindi na po nila ni-renew, Ma'am at nagbabawas sila ng tao. Malaki na rin po kasi ang inaalagaan ko, five years old."Tumango-tango naman si Shiela saka kinausap ang isang katulong. "Ate, kakain na po kami ni Archie. Pakikuha ng cereal niya at pakakainin ko.""Okay po, Miss." Na bahagya pang yumukod.Nakasunod ang tingin ni Aileen sa katulong. "Miss pala po ang tawag nila sa'yo rito, Ma'am. Kung gano'n ay
MATAGAL tinitigan ni Shiela ang Abuelo saka nagsalita, "Sigurado po ba kayong gusto niyong malaman kung anong napag-usapan namin?"Nagbaba ng tingin si Mario sa pagkain na animo ay walang narinig. "Hindi na pala kailangan." Saka humigpit ang hawak sa kubyertos matapos mapagtanto na nawala siya sa sarili at nasabi iyon. Nagmumkha siyang desperado kung ano man ang napag-usapan ng dalawa. "Baka lang kasi may sinabi na naman siyang hindi totoo.""Wala pong nangyaring gano'n. Kinarga lang niya ang bata at pagkatapos ay umalis na. Natagalan lang kami dahil iyak nang iyak si Archie pagkaalis nito," paliwanag ni Shiela saka pinagpatuloy ang pagkain.Pero kahit anong gawin niya ay ayaw ng kumain ang anak, nagtatampo. Hanggang sa matapos na silang maghapunan. Lumipat silang muli sa sala kung saan ay nag-usap pa sina Janette at Mario. Habang si Shiela ay napagpasiyahan na iakyat ang anak dahil aborido na talaga ito.Pero sa hagdan pa lang ay natigilan na sila dahil sa tauhan na nagbabantay sa la
NAPATINGIN si Shiela sa Abuelo matapos iyong sabihin ng katulong. Mabilis siyang tumayo pero bago umalis ay nagtanong ito."Anong nangyayari, Shiela? Sa'n ka pupunta?""M-May kukunin lang po ako, 'Lo," palusot niya pa kahit alam naman niyang sasabihin ng katulong ang totoo. Matapos ay naglakad na siya patungo sa bukana ng mansion.Saglit siyang tumigil upang pagmasdan mula sa malayo ang gate. Pansin niyang may nakaparadang sasakyan sa labas ng gate at doon nagsimulang kumabog ang kanyang dibdib, hindi sa excitement na muling makita ang dating asawa. Alam niyang malabong iyon ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon ngunit hindi niya lamang mapangalanan.Naglakad siya palapit hanggang sa unti-unti niyang nakikita ang lalakeng nakasandal sa itim na kotse, nakatalikod ito kaya hindi niya makita ang mukha pero nasisiguro niyang si Chris. Wakang duda kahit matagal na niya itong hindi nakikita.Umungot ang gate ng buksan niya kaya napalingon si Chris na may subo-subo pa sa bibig. Kumunot
NATIGILAN si Shiela at napakurap pa ng mata. "H-Hindi ko alam na ganito pala kayo mag-celebrate. Sorry."Mabigat ang ginawang pagbuntong-hininga ni Mario. "Ano pang magagawa ko kung nandito ka na... Gusto mo bang um-attend?"Umiling si Shiela. "Hindi pa 'ko ready na makaharap sila ate Zia."Sandaling katahimikan ang namayani sa dalawa hanggang sa muling nagsalita si Mario, "Ang mas mabuti pa'y magpahinga ka na muna. Ngayong nandito ka na'y may gusto akong ipakilala sa'yo.""Sino po?""Malalaman mo rin mamaya sa dinner."Gusto pa sanang magtanong ni Shiela ngunit halata naman na abala ito sa trabaho kahit nasa bahay lang. "Okay po, 'Lo," aniya saka nagpaalam ng aalis. Bumalik siya sa kwarto at tinabihan ang anak sa pagtulog.Nang magising ay palubog na ang araw. Paglingon ay bigla na lamang siyang napabangon dahil wala na sa kanyang tabi si Archie."A-Anak?" Bumaba siya sa kama saka naghanap sa buong kwarto ngunit hindi niya ito makita. Sa huli ay lumabas siya at bumaba.Wala siyang na
SANDALING katahimikan ang namayani sa dalawa. Gustong magsalita ni Shiela pero pinangunahan siya ng sariling emosyon. Sobrang unfair sa kanya ng sitwasyon."Sa tingin ko, mas mabuti na rin sigurong ganito ang kinalabasan ng relasyon natin dalawa. Kasi, napagtanto ko na baka... hindi talaga tayo para sa isa't isa. Na kahit anong gawin na'tin, darating at darating tayo sa puntong 'to," matapos iyong sabihin ay tumalikod na siya bago pa tuluyang umiyak sa harap nito. Si Chris naman ay napalingon at tinangka itong hawakan ngunit hindi niya maabot ang kamay ng asawa. Malayo-layo ang distansya nilang dalawa mula sa kama. Akmang babangon pa nga sana siya ngunit nahihirapan ng gumalaw, walang lakas sa katawan."Magpagaling ka at hangad ko ang kaligayahan ninyong dalawa," dagdag pa ni Shiela saka mabilis na naglakad palabas ng kwarto."S-Shiela! Sandali lang!" ani Chris, nakataas ang kamay at pilit itong inaabot. "Sandali lang, 'wag kang umalis..."Ngunit huli na para roon dahil nakalabas na
HINGANG MALALIM ang ginawa ni Shiela saka pinaunang isakay sa kotse ang anak. “Mama,” sambit ni Archie saka nagpupumilit na kumandong. Napangiti naman si Shiela at niyakap ang anak. Ilang sandali pa habang bumabiyahe sa national highway ay pinagmasdan niya ang paligid sa labas ng kotse. “Isang taon na rin,” sambit niya sa hangin. Pero tandang-tanda niya pa ang mga nangyari na animo ay parang kahapon lang naganap. Nagsimula iyon noong bumalik siya sa bansa matapos malaman na naaksidente si Chris. Dahil hindi naging maganda ang pag-uusap nila ni Zia ay pinagpatuloy nila iyon sa sumunod na araw kung saan ay pareho na silang mahinahon... “Hindi pa rin ba nagigising si Chris, Ate?” Umiling si Zia. “Hindi pa rin… Pero umaasa kaming magigising siya sa lalong madaling panahon.” “… E, ang babaeng ‘yun?” Nag-angat ng tingin si Zia, direkta sa mga mata nito. “Pansamantala siyang nasa puder namin—” “Bakit?!” kunot na kunot ang noo na tanong ni Shiela. “Wala siyang ibang matutuluyan. Lum