UMIWAS ng tingin si Zia at hindi sinunod ang demand ni Louie. Kaya ang isa nitong kamay ay humawak na sa kanyang pisngi para iharap.Pero agad kumawala si Zia saka pasinghal itong tinanong, “Ano bang ginagawa mo?! S*x ang habol mo sa’kin, ‘di ba? Bakit hindi pa natin gawin para hindi tayo nagsasayang ng oras dito?!”Nagtaas ng kilay si Louie at sa isang iglap ay tila gustong parusahan si Zia dahil sa pagtataray nito, pero agad ring nagbago ang isip. At niyakap habang nakasubsob ang mukha sa dibdib nito. Mas gusto niyang ganito kaysa gumawa ng isang ‘bagay’ na alam niyang hindi bukal sa puso nito at napipilitan lang.“Ano ba, Louie!” reklamo ni Zia saka nagpumiglas ngunit sadyang mahigpit ang kapit nito.“Madaling araw na, gusto mo bang dito na matulog?”“Ayoko, uuwi ako,” ani Zia saka kumawala sa yakap nito na nagawa naman niya.“Okay, magbihis ka na at ihahatid kita.” Hawak ang bewang ni Zia ay inalalayan niya itong tumayo mula sa pagkakaupo sa kanyang hita.“Ipahatid mo na lang ako
NANGINGINIG ang kamay ni Zia habang nakatingin kay Lindsay. Hindi malaman kung saang parte ng katawan hahawakan ang kaibigan.“Lindsay…” aniya sa garalgal na boses saka maingat na hinaplos ang pisngi nitong may galos.Lumapit naman ang driver ng taxi habang may tinatawagan sa cellphone. “’Wag kang mag-alala, Miss at tumatawag na ‘ko ng ambulansya,” untag pa ng driver.Ang mga tao sa hindi kalayuan ay nag-umpisang lumapit para maki-osyuso. Kaya nag-angat ng tingin si Zia at desperadang humingi ng saklolo sa mga ito.Hanggang sa magmulat ng mata si Lindsay nang marinig ang nakikiusap na tinig ng kaibigan. “Z-Zia…” naghihikahos niyang tawag dito. “Ang anak ko… si baby?”Nagbaba ng tingin si Zia nang marinig ang sinabi nito. “Ang baby mo?” aniya saka tiningnan ang tiyan ng kaibigan pero napasinghap siya. Matapos mapuna na ang dugo na lumalabas mula sa katawan ni Lindsay ay galing mismo sa puw*rta nito.“Anong nangyari sa baby ko?” tanong muli ni Lindsay na gustong iangat ang ulo para masi
Nabigla si Zia sa isiniwalat ni Louie. Wala siyang kaide-ideya na konektado pala ang dalawa sa isa’t isa. Kahit nagulat sa nalaman ay nanatili siyang kalmado.Dahil kilala niya si tita Faye. Mabait ito at itinuturing siyang parang isang anak kaya kahit anong sabihin ng dating asawa ay hindi magbabago ang pagtingin niya sa Ginang.“Hindi mo ‘ko masisising magganito, Zia dahil gaya ng ginawa ng kanyang Ina ay baka maagaw ka rin niya sa’kin,” saad ni Louie.“Anong sinasabi mo? Wala namang maaagaw sa’yo dahil hindi mo naman ako pagmamay-ari. ‘Wag mo sanang kakalimutan na hiwalay na tayo.”Mas lalong dumilim ang aura ni Louie na bahagya pang lumapit. “So, balewala sa’yo ang nalaman? Ipagpapatuloy mo pa rin ang pagiging malapit kay Patrick? Hindi ka ba nandidiri na may nangyayari sa inyo knowing na baka magkapatid pala kami?”Isang malutong na sampal ang pinadapo ni Zia sa pagmumukha nito. “Napakawalang-hiya mo talaga! Anong tingin mo sa’kin, pumapatol sa iba kahit kahihiwalay lang?”“Bakit
DAHIL sa ginawang pagtakas ni Austin ay na-move ang kasal sa ibang araw at ginanap pa sa ibang bansa para mailayo ito kay Lindsay. Iyon ang narinig na balita ni Zia matapos bumalik kay Louie. Naipaliwanag na niya ang side sa magulang at parehong hindi masaya ang dalawa sa desisyon niyang iyon gaya ni Patrick. Magkaganoon man ay hindi naman tumutol ang mga ito kahit pa ilang beses sinabihan ni Maricar, habang si Arturo ay nanatiling tahimik. Lumipas ang mga araw at nakapag-adjust na ulit si Zia sa bahay. Ang kaibahan nga lang ay pinakikitunguhan siya nang mabuti ni Louie, hindi tulad ng dati. At sa araw na iyon ay sinabihan siya nito na dadalo sa wedding celebration ng pamilya Lopez at Javier. "Ayokong magpunta ro'n at makita ang pagmumukha ng mga taong sumira sa buhay ni Lindsay," ani Zia na kumukulo ang dugo marinig lang ang pangalan ng dalawang pamilya. "Mas higit mong kailangan magpunta. Ipakita mo at ipamukha sa kanila ang ginawa nilang masama sa kaibigan mo," saad ni Louie.
DAHIL sa namumuong tensyon ay hindi na nga nakaligtas sa ibang guest ang nangyayaring kumosyon sa table na iyon. May ibang nagtangkang lumapit at maki-osyuso ngunit hinarangan na kaagad ng mga tauhan ng pamilya Lopez. At kahit maging ang pamilya Javier ay napasugod na rin. "Papâ, pinagtitinginan na tayo ng lahat," saad ni Clara kay Don Felipe. Ngunit hindi natinag ang matanda at masama pa rin ang tingin kay Louie. "Pati ba naman ikaw, Louie ay kinakalaban ako?" may paghahamong tanong ni Felipe. Kahit sa katunayan ay ayaw niya rin ng gulo dahil higit na mas makapangyarihan ang estado at kakayahan ni Louie pagdating sa kanila. Mahirap kalabanin ang isang Rodriguez. "Hindi ko gusto ng gulo, Don Felipe. Pero kung iaatras mo lahat ng mga tauhan mo ay baka madadaan pa tayo sa matinong usapan. Pero kilala niyo naman ako, ayoko ng simpleng usapan lang," saad ni Louie na makikitaan ng kompyansa kahit sa sitwasyong iyon. Mas lalong dumilim ang aura ng matanda. Ayaw niyang sumuko at mauwing
MATAPOS ng mainit na pagniniig ay bumangon si Zia sa kama. Gustuhin niya mang magsuot ng damit ay hindi na niya ginawa at didiretso naman sa banyo para mag-shower. Dahil nanlalagkit siya ng husto, lalo na 'down there'. Hindi nag-cond*m si Louie kaya kailangang linisin ang sarili ng maigi. Paglingon niya ay nakangiti si Louie pero siya ay hindi. Hindi niya makuhang mag-enjoy pagkatapos ng nangyari. Pagod siya mula sa wedding celebration pero ito... mas lalo siyang pinagod ni Louie. Nadagdagan ang trabaho ni Zia at paniguradong magtatagal siya sa banyo sa kakalinis ng 'down there' niya. "Bakit hindi ka nagsuot ng proteksyon?" mahinanong reklamo ni Zia. "Paano ko ngayon 'to lilinisin?" "Gusto mo bang ako na gumawa?" ani Louie na akmang babangon sa kama. "No, thanks at baka humirit ka pa," ani Zia at baka hindi paglilinis ang mangyari. "Okay, pero sabay na tayo?" Saka bumangon na hubo't hubad kaya napaiwas si Zia ng tingin. "Sa kabilang kwarto ka and please, pagpahingahin mo naman
PARANG biglang lumubo ang utak ni Zia sa impormasyong sinabi ng Nurse. Hilong-hilo at nalilito siya kung bakit? "Y-You mean..." hindi na niya makuhang tapusin ang salita dahil nilalamon na siya ng takot na nararamdaman para sa kaibigan. Gusto niyang puntahan si Lindsay pero natatakot siyang makitang sinasagip ito ng doctor. Baka hindi niya kayanin sa oras na maglinya na ang ECG monitor. Umiiyak siya ngunit ang iyak niyang iyon ay kakaiba. Kinakapos na hagulgol, na sadyang nakakalungkot makita at marinig. Kaya ang Nurse na kasama ay pilit siyang pinapakalma. "Huminahon po kayo, Ma'am. Nagpa-panic attack po kayo," anito saka siya pinaupo sa malapit na bench. "Si Lindsay..." usal ni Zia habang patuloy pa ring umiiyak. "May gusto po ba kayong tawagan na kapamilya para samahan kayo rito?" anito. "... Louie," ani Zia. Ibinigay naman ng Nurse ang cellphone. "Ito po, tawagan niyo." Nanginginig naman ang kamay ni Zia ng kunin niya ang cellphone. Saka tinawagan si Louie. Ngunit imbis n
SA HALIP na sumagot ay lumabas lang ng kotse si Louie, nagpunta sa puwesto ni Zia para pagbuksan ito ng pinto habang nakalahad ang kamay upang alalayan itong makalabas sa sasakyan. Si Zia na naguguluhan pa rin ay walang nagawa kundi ang lumabas ng kotse. Sa oras na iyon ay nasisiguro niyang walang misa dahil nakikita naman niya ang loob ng simbahan. "Tara," ani Louie saka hinawakan ang kamay nito. Pagpasok sa loob ay napansin ni Zia na nasa altar pala ang Pari, hindi niya napansin kanina gawa ng nakaupo ito. "Ano bang nangyayari, Louie?" tanong niyang muli. Pagkatapos ay napatingin sa taong papalapit, si Alice. May dala itong veil at wedding bouquet. Sa mga sandaling iyon ay kinabahan na si Zia. Mabilis niyang binawi ang kamay at gustong tumakbo. "Hindi mo 'to sinabi sa'kin, Louie!" may halong sumbat niyang saad. Sa halip na magalit ay kalmado lang si Louie na nakuha pang ngumiti. Nakalapit na si Alice at ibinigay ang bouquet kay Zia. Matapos ay sunod namang ikinabit ang ve