NANGINGINIG ang kamay ni Zia habang nakatingin kay Lindsay. Hindi malaman kung saang parte ng katawan hahawakan ang kaibigan.“Lindsay…” aniya sa garalgal na boses saka maingat na hinaplos ang pisngi nitong may galos.Lumapit naman ang driver ng taxi habang may tinatawagan sa cellphone. “’Wag kang mag-alala, Miss at tumatawag na ‘ko ng ambulansya,” untag pa ng driver.Ang mga tao sa hindi kalayuan ay nag-umpisang lumapit para maki-osyuso. Kaya nag-angat ng tingin si Zia at desperadang humingi ng saklolo sa mga ito.Hanggang sa magmulat ng mata si Lindsay nang marinig ang nakikiusap na tinig ng kaibigan. “Z-Zia…” naghihikahos niyang tawag dito. “Ang anak ko… si baby?”Nagbaba ng tingin si Zia nang marinig ang sinabi nito. “Ang baby mo?” aniya saka tiningnan ang tiyan ng kaibigan pero napasinghap siya. Matapos mapuna na ang dugo na lumalabas mula sa katawan ni Lindsay ay galing mismo sa puw*rta nito.“Anong nangyari sa baby ko?” tanong muli ni Lindsay na gustong iangat ang ulo para masi
Nabigla si Zia sa isiniwalat ni Louie. Wala siyang kaide-ideya na konektado pala ang dalawa sa isa’t isa. Kahit nagulat sa nalaman ay nanatili siyang kalmado.Dahil kilala niya si tita Faye. Mabait ito at itinuturing siyang parang isang anak kaya kahit anong sabihin ng dating asawa ay hindi magbabago ang pagtingin niya sa Ginang.“Hindi mo ‘ko masisising magganito, Zia dahil gaya ng ginawa ng kanyang Ina ay baka maagaw ka rin niya sa’kin,” saad ni Louie.“Anong sinasabi mo? Wala namang maaagaw sa’yo dahil hindi mo naman ako pagmamay-ari. ‘Wag mo sanang kakalimutan na hiwalay na tayo.”Mas lalong dumilim ang aura ni Louie na bahagya pang lumapit. “So, balewala sa’yo ang nalaman? Ipagpapatuloy mo pa rin ang pagiging malapit kay Patrick? Hindi ka ba nandidiri na may nangyayari sa inyo knowing na baka magkapatid pala kami?”Isang malutong na sampal ang pinadapo ni Zia sa pagmumukha nito. “Napakawalang-hiya mo talaga! Anong tingin mo sa’kin, pumapatol sa iba kahit kahihiwalay lang?”“Bakit
DAHIL sa ginawang pagtakas ni Austin ay na-move ang kasal sa ibang araw at ginanap pa sa ibang bansa para mailayo ito kay Lindsay. Iyon ang narinig na balita ni Zia matapos bumalik kay Louie. Naipaliwanag na niya ang side sa magulang at parehong hindi masaya ang dalawa sa desisyon niyang iyon gaya ni Patrick. Magkaganoon man ay hindi naman tumutol ang mga ito kahit pa ilang beses sinabihan ni Maricar, habang si Arturo ay nanatiling tahimik. Lumipas ang mga araw at nakapag-adjust na ulit si Zia sa bahay. Ang kaibahan nga lang ay pinakikitunguhan siya nang mabuti ni Louie, hindi tulad ng dati. At sa araw na iyon ay sinabihan siya nito na dadalo sa wedding celebration ng pamilya Lopez at Javier. "Ayokong magpunta ro'n at makita ang pagmumukha ng mga taong sumira sa buhay ni Lindsay," ani Zia na kumukulo ang dugo marinig lang ang pangalan ng dalawang pamilya. "Mas higit mong kailangan magpunta. Ipakita mo at ipamukha sa kanila ang ginawa nilang masama sa kaibigan mo," saad ni Louie.
DAHIL sa namumuong tensyon ay hindi na nga nakaligtas sa ibang guest ang nangyayaring kumosyon sa table na iyon. May ibang nagtangkang lumapit at maki-osyuso ngunit hinarangan na kaagad ng mga tauhan ng pamilya Lopez. At kahit maging ang pamilya Javier ay napasugod na rin. "Papâ, pinagtitinginan na tayo ng lahat," saad ni Clara kay Don Felipe. Ngunit hindi natinag ang matanda at masama pa rin ang tingin kay Louie. "Pati ba naman ikaw, Louie ay kinakalaban ako?" may paghahamong tanong ni Felipe. Kahit sa katunayan ay ayaw niya rin ng gulo dahil higit na mas makapangyarihan ang estado at kakayahan ni Louie pagdating sa kanila. Mahirap kalabanin ang isang Rodriguez. "Hindi ko gusto ng gulo, Don Felipe. Pero kung iaatras mo lahat ng mga tauhan mo ay baka madadaan pa tayo sa matinong usapan. Pero kilala niyo naman ako, ayoko ng simpleng usapan lang," saad ni Louie na makikitaan ng kompyansa kahit sa sitwasyong iyon. Mas lalong dumilim ang aura ng matanda. Ayaw niyang sumuko at mauwing
MATAPOS ng mainit na pagniniig ay bumangon si Zia sa kama. Gustuhin niya mang magsuot ng damit ay hindi na niya ginawa at didiretso naman sa banyo para mag-shower. Dahil nanlalagkit siya ng husto, lalo na 'down there'. Hindi nag-cond*m si Louie kaya kailangang linisin ang sarili ng maigi. Paglingon niya ay nakangiti si Louie pero siya ay hindi. Hindi niya makuhang mag-enjoy pagkatapos ng nangyari. Pagod siya mula sa wedding celebration pero ito... mas lalo siyang pinagod ni Louie. Nadagdagan ang trabaho ni Zia at paniguradong magtatagal siya sa banyo sa kakalinis ng 'down there' niya. "Bakit hindi ka nagsuot ng proteksyon?" mahinanong reklamo ni Zia. "Paano ko ngayon 'to lilinisin?" "Gusto mo bang ako na gumawa?" ani Louie na akmang babangon sa kama. "No, thanks at baka humirit ka pa," ani Zia at baka hindi paglilinis ang mangyari. "Okay, pero sabay na tayo?" Saka bumangon na hubo't hubad kaya napaiwas si Zia ng tingin. "Sa kabilang kwarto ka and please, pagpahingahin mo naman
PARANG biglang lumubo ang utak ni Zia sa impormasyong sinabi ng Nurse. Hilong-hilo at nalilito siya kung bakit? "Y-You mean..." hindi na niya makuhang tapusin ang salita dahil nilalamon na siya ng takot na nararamdaman para sa kaibigan. Gusto niyang puntahan si Lindsay pero natatakot siyang makitang sinasagip ito ng doctor. Baka hindi niya kayanin sa oras na maglinya na ang ECG monitor. Umiiyak siya ngunit ang iyak niyang iyon ay kakaiba. Kinakapos na hagulgol, na sadyang nakakalungkot makita at marinig. Kaya ang Nurse na kasama ay pilit siyang pinapakalma. "Huminahon po kayo, Ma'am. Nagpa-panic attack po kayo," anito saka siya pinaupo sa malapit na bench. "Si Lindsay..." usal ni Zia habang patuloy pa ring umiiyak. "May gusto po ba kayong tawagan na kapamilya para samahan kayo rito?" anito. "... Louie," ani Zia. Ibinigay naman ng Nurse ang cellphone. "Ito po, tawagan niyo." Nanginginig naman ang kamay ni Zia ng kunin niya ang cellphone. Saka tinawagan si Louie. Ngunit imbis n
SA HALIP na sumagot ay lumabas lang ng kotse si Louie, nagpunta sa puwesto ni Zia para pagbuksan ito ng pinto habang nakalahad ang kamay upang alalayan itong makalabas sa sasakyan. Si Zia na naguguluhan pa rin ay walang nagawa kundi ang lumabas ng kotse. Sa oras na iyon ay nasisiguro niyang walang misa dahil nakikita naman niya ang loob ng simbahan. "Tara," ani Louie saka hinawakan ang kamay nito. Pagpasok sa loob ay napansin ni Zia na nasa altar pala ang Pari, hindi niya napansin kanina gawa ng nakaupo ito. "Ano bang nangyayari, Louie?" tanong niyang muli. Pagkatapos ay napatingin sa taong papalapit, si Alice. May dala itong veil at wedding bouquet. Sa mga sandaling iyon ay kinabahan na si Zia. Mabilis niyang binawi ang kamay at gustong tumakbo. "Hindi mo 'to sinabi sa'kin, Louie!" may halong sumbat niyang saad. Sa halip na magalit ay kalmado lang si Louie na nakuha pang ngumiti. Nakalapit na si Alice at ibinigay ang bouquet kay Zia. Matapos ay sunod namang ikinabit ang ve
UNTI-UNTI ng nagsisialisan ang mga customer pagsapit ng hapon. Kahit may ngiti at maaliwalas ang aura ay hindi nawaglit sa isip ni Zia ang nangyaring sa pagitan nila ni Louie. Umalis na lang siyang bigla sa opisina ng hindi nareresolba ang alitan. Napansin na lang niyang lumabas ito ng shop at nanatili na sa kotse hanggang hapon. Matapos makaalis ng pinakahuling costumer ay nagsimula na silang magligpit. Nag-aayos sa may counter si Zia ng lumapit si Lindsay. "May problema ba kayo ni Louie?" "Hmm? Wala," sagot ni Zia. "Kanina pa kasi siya sa labas," puna pa ni Lindsay. "Ganoon ba, hindi ko pansin sa sobrang busy ko," pagdadahilan ni Zia. Saka tinigil ang ginagawa at nilapitan ito. "Gusto mo na bang umuwi? Itatawag kita ng taxi." Medyo nagtagal ang titig ni Lindsay sa kaibigan. Walang duda na iniiwasan nito ang mapag-usapan si Louie. "Inaway ka ba niya, sinaktan?" Napatingin si Zia. "Walang ganoon na nangyari, ako ang may kasalanan." "Ano naman 'yung nagawa mo?" Natahimik si Z
HINAYAAN ni Shiela na yakapin siya ni Chris. Ngunit nang may dumaan na motor ay mabilis pa siya sa alas-kuwatro na kumawala."Kailangan ko nang pumasok sa loob para makapagpahinga na," aniya.Humakbang naman si Chris at akma pang susunod nang lingunin niya. "Sorry pero, hindi ko gustong tumanggap ng kahit sinong bisita ngayon. Bumalik ka na lang sa Manila.""Pero, hindi mo ba narinig ang sinabi ko?"Napabuntong-hininga si Shiela. "Matagal ko nang tanggap na darating ang panahon na matutuon sa iba ang atensyon ni Archie. Na balang-araw ay maga-asawa ka ulit at magkakaroon siya ng step-mom."Seryosong nakatitig si Chris, hindi maproseso ng utak ang sinasabi nito. Hindi niya matanggap na susukuan na lamang ni Shiela ang lahat. "Naririnig mo bang sinasabi mo? Gusto mong mag-asawa ako't magkaroon ng ibang Ina si Archie?!""Anong masama ro'n? Basta maaalagaan nang maayos ang anak ko ay walang problema--""Shiela!" biglang taas ng boses ni Chris. "Hinding-hindi ako magpapakasal sa iba, dahil
MATAGAL bago sinagot ni Chris ang tawag, "Hello, Shiela, napatawag ka?""Totoo ba, na nagpunta riyan si Harry para makita si Lucas?""Oo," tipid na sagot ni Chris.Si Shiela na nakatingin sa salamin at nakikita ang sarili sa repleksyon ay hindi maiwasang mahabag."Bakit hindi mo sinabi sa'kin na magkapatid si Henry at Harry?""Sasabihin ko naman sa'yo pero gusto kong magkausap muna kayo ni Harry dahil iyon ang hiniling niya--""Kahit na! Sinabi mo sana sa'kin, hindi 'yung para akong tanga. Ibang tao ba 'ko sa'yo, Chris para ilihim mo sa'kin ang totoo?" sumbat niya."Hindi gano'n ang intensyon ko--""Kung ganito at mananatiling ganito ang lahat ay mas mabuti pang ituloy na natin ang annulment. Sawang-sawa na 'kong magmukhang tanga. Walang kaalam-alam sa mga nangyayari," ani Shiela."Nang dahil lang kay Harry ay nagkakaganyan ka? 'Wag mo sabihing may gusto ka sa kanya?" pang-aakusa pa ni Chris."Hindi tungkol sa kanya ang ikinasasama ko ng loob! Nasasaktan ako na inililihim mo sa'kin la
LUMIPAS ang mga araw na hindi na nagpupunta sa pastries shop si Harry.Noong una ay binalewala iyon ni Shiela pero habang tumatagal ay napapatanong na rin ang kapwa niya staff."Mukhang natakot ata ang customer natin sa asawa mo," komento ng isa nilang kasamahan na lalake. "Kung ako rin naman siguro ang nasa posisyon niya, paniguradong hindi na 'ko magpapakita--"Pinandilatan sabay siko naman ito ng kasamahan."'Yang bibig mo talaga, daig mo pa babae. Baka lang may inasikaso. Hindi lang naman dito sa shop umiikot ang mundo ng mga tao.""Naks, lalim no'n, a!" pagbibiro pa ng isa."Magsibalik na nga kayo sa trabaho, baka mapagalitan pa tayo ni Manager, kayo rin."Matapos iyong sabihin ng isa nilang kasamahan ay nagkanya-kanya na sa pagtatrabaho ang iba habang naiwan si Cory at Shiela."Ayos ka lang?" ani Cory.Tumango naman si Shiela. "Iniisip ko lang kasi na baka may nangyaring masama sa kanya. Mag-iisang linggo na siyang hindi nagagawi rito.""Concern ka ba sa kanya?""Oo naman, nagin
KAGABI ay nakatanggap siya ng tawag mula kay Benji. Sinabi nito ang tungkol sa totoong pagkatao ni Harry kaya ngayon ay sasadyain niya ito bago man lang umalis.Habang naglalakad ay may mga mangilan-ngilan na taong nakatambay sa labas. Tinitingnan si Chris na bagong dayo."May hinahanap ka, hijo?"Napalingon siya sa nagsalita. Isang matandang lalake na sa tingin niya ay nasa edad limampu pataas.Lumapit naman si Chris para ito ay kausapin. Sinabi niya ang pakay at tinuro naman nito ang daan patungo sa bahay ni Harry."Salamat po," aniya saka nagpatuloy.Ang sabi sa kanya ng matanda ay liliko siya sa maliit na eskinitang makikita sa pagitan ng asul na bahay.Nang gawin niya iyon ay natigilan siya. Sa liit ng eskinita ay halos isang tao lang ang kasiya. Magkaganoon man ay nagpatuloy siya.Hanggang sa marating ang maliit na bahay na halatang pinagtagpi-tagpi na lamang.Kumatok siya nang makailang-beses sa pinto pero walang sumasagot. Napaatras pa tuloy siya saka nagpalinga-linga sa palig
TATLONG ARAW nanatili sa Cebu si Chris at ang bata. Noong una ay masakit pa sa loob ni Shiela na iwan ang dalawa sa apartment dahil buong araw siyang magtatrabaho.Buti na lamang at nagpupunta si Chris kasama ang bata sa pastries shop pagsapit ng hapon. Diretso, tatlong araw nitong ginagawa.Umu-order ng inumin habang ang ibang staff na medyo libre ang oras ay nakikipaglaro sa bata.Na kung minsan pa nga ay tinutukso ng mga ito si Shiela, "Naghiwalay na ba talaga kayo, para namang hindi?""Oo," tipid na tugon ni Shiela dahil abala siya sa paghuhugas ng tasa at platito."Sayang naman kung gano'n. Ang gwapo ng asawa mo, mas magandang lalake kaysa kay Harry."Kunot-noo itong nilingon ni Shiela. "Anong sinasabi mo? Ba't nasali si Harry?"Nagkibit-balikat ito saka umalis.Habang ang isa pang kasamahan ay nanatili at nagkomento rin, "Parang hindi kayo naghiwalay, Ate. Ramdam ko kasing may feelings pa rin sa'yo ang asawa mo," anito dahil mas matanda ng ilang taon si Shiela."Ganyan lang tala
SA EKSPRESYON pa lang ni Chris ay alam na ni Shiela na magkakagulo. Kaya bago pa iyon mangyari ay pumagitna na siya sa dalawa.Asiwa niyang tiningnan si Harry. "Asawa ko nga pala, si Chris. Anak naman namin, si Archie." Sabay turo sa bata na nasa loob ng kotse.Bakas ang pagkabigla sa mukha ni Harry nang balingan nang tingin si Chris. "Hindi ko alam, pasensya na."Nagpalipat-lipat ang tingin ni Shiela sa dalawa hanggang sa lingunin si Cory."Sa tingin ko ay hindi na 'ko tutuloy," aniya."Bakit, may lakad kayo?" sabat naman ni Chris."Magsisimba sana kaming tatlo," tugon ni Shiela saka hinawakan ang kamay nitong kanina pa nakakuyom. Gusto niyang huminahon ang asawa dahil walang ginagawang masama si Harry.Lumambot naman ang tingin ni Chris at pinagsalikop ang kamay nilang dalawa ni Shiela. "Kung gano'n ay ba't 'di tayo magsimbang lahat?"Si Cory na kanina pa nanunuod at nakikiramdam ay pansin ang bigat ng hangin sa paligid simula nang dumating ang asawa ni Shiela. Pero ang mas ipinagta
MALIKOT ang mga mata ni Shiela ng mga sandaling iyon. Kung saan-saan na siya tumitingin dahil hindi niya alam kung anong sasabihin. Naa-awkward na siya sa harap ni Harry at gusto na nga sanang umalis pero nagsasalita pa ito, nagkukuwento ng kung ano-anong hindi na niya nasundan."Kung may gusto kang bilhin na damit ay may maire-recommend akong store na malapit dito. Quality at mura pa," ani Harry.Tumango-tango naman si Shiela. "Okay."Napatitig naman si Harry, ang ngiti sa labi ay biglang naglaho. Pansin na niyang naiilang ito kaya pasimple siyang nagpalinga-linga sa paligid."Ahm... may pupuntahan pa pala ako, nice meeting you ulit," aniya sabay turo sa direksyong hindi naman niya sigurado kung anong meron.Tumango lang si Shiela saka ito sinundan ng tingin habang papalayo. Wala naman siyang ginawang mali pero tila naging snob siya rito.Kaya matapos ang araw na iyon, sa tuwing nagpupunta sa pastries shop si Harry, umo-order ng inumin at cheesecake ay kinakausap niya ito para man la
NAKAUPO at nakasandal si Chris sa pader nang magising. Hindi niya namalayan na nakatulog pala siya sa pagbabantay ng shop.Madilim pa rin ang kalangitan at sobrang tahimik ng paligid. May mga huni ng insekto at alulong ng aso sa hindi kalayuan. Medyo nagmamanhid ang paa niya dahil sa posisyon kaya nag-inat-inat muna siya saka kinuha ang cellphone sa bulsa para tingnan ang oras.Pasado alas-tres ng madaling araw. Dalawang oras din siyang nakatulog sa ganoong posisyon, na hindi niya akalaing magagawa niya, epekto marahil ng alak na nainom.Nang muling tingnan ang cellphone ay may nag-missed calls pala, hindi niya napansin dahil naka-silent mode.Numero ng piloto sa private plane ni Louie. Hindi kasi siya pinayagang makasakay sa eroplano kaya gumawa na ng paraan si Louie upang matulungan siya.Doon lang din niya naalala na isang oras lang ang napag-usapan na maghihintay ang piloto at dapat ay bumalik siya sa tamang oras.Napaisip tuloy siya kung iniwan na ba siya nito, huwag naman sana d
NAKABALIK si Shiela bago pa man magsara ang pastries shop. Naabutan niyang kaunti na lamang ang customer saka nagliligpit na rin ang mga kasamahang staff.Agad siyang tumulong para mapabilis ang paglilinis."Day-off mo pa ngayon," pabirong sita ng staff na si Cory na siyang tumulong sa kanya para makapasok sa shop.Napangiti lang si Shiela saka naalala ang natuklasan ngayong araw. Kahit na planado ang pagtulong nito ay nakikita naman niyang mabait talaga si Cory. Ramdam niyang bukal talaga sa loob nitong tumulong kahit may kapalit."Salamat, a.""Para sa'n?" anito.Umiling siya. "Gusto ko lang magpasalamat sa ginawa mong pagtulong sa'kin noon."Napakunot-noo si Cory at nagtatakang tumingin. "Anong meron? Nagpapasalamat ka na naman sa'kin."Ngumiti lang ulit si Shiela saka pinagpatuloy ang ginagawa.Ilang sandali pa ay wala ng customer at nagpapaalam na ang mga staff na uuwi na. Dahil si Shiela ang maiiwan ay siya na ang tumapos sa paglilinis."Close na po kami ngayong gabi, Ma'am."Iy