ILANG segundo ang dumaan pero wala man lang dumamping halik. Napamulat ng mata ang babae at nakitang nakatingin lang si Louie, madilim ang ekspresyong pinapakita. "W-What? Hindi mo ba ako hahalikan?" kabadong tanong ng babae. "Sino ka ba para halikan ko?" Ang mapulang mukha ng babae dahil sa blush-on at ininom na alak ay mas lalo pang pumula dahil sa hiya. Bago pa maitulak ay kusa ng lumayo si Louie at bumalik sa paghuhugas ng kamay. "Kadiri," bulong ni Louie na narinig ng babae. Sa galit ay akma itong susugod ngunit humarap si Louie at madilim ang tingin sa babae. "Kilala mo ba ako? Kung hindi ay bibigyan kita ng pagkakataong umalis bago pa kita ipadampot sa security," babala niya. "Wala akong pakialam kung--" Naglakad na paalis si Louie at hindi pinansin ang babae. Tuloy-tuloy palabas ng club at hindi na nagpaalam sa mga kasamahan. Saka tumawag ng chauffeur para ipagmaneho pauwi. Pagdating sa bahay ay dumiretso siya sa kwarto kung saan ay natutulog na si Zia, hindi man lang
SA HALIP na makapagsalita ay katok sa pinto ang gumambala sa dalawa. At maingat na pumasok ang katulong dala ang luggage ni Louie. "Ito na po ang bagahe niyo, Sir." Pagkatapos ay kaagad ring umalis. Sa pagsulyap ni Zia ay nakapikit na ito na animo ay natutulog. "Nagugutom ka ba, gusto mong ipaghanda kita ng makakain?" Hindi sumagot si Louie kaya nagpasiya na lamang siyang lumabas para ipaghanda ito ng pagkain. Pagkaalis ni Zia ay nagmulat ng mata si Louie at nagtungo sa study room. Matapos ay dinukot sa bulsa ang cellphone para basahin ang mensahe ng doctor ni Bea. Na muling ooperahan matapos makitaan ng chance of survival rate ng doctor. Isang magandag balita kaya agad na ipinaasikaso ni Louie sa assistant ang operasyon kay Bea, gawa ng hindi niya maipasa kay Alice ang trabaho dahil abala ito sa kompanya. Ayos na sana ang lahat pero muli na namang nangungulit si Bea na magpakita si Louie sa mismong araw ng operasyon. Siyempre, hindi pumayag si Louie dahil sa dami ng trabahong m
MALAKAS ang kabog ng dibdib ni Zia ng mga sandaling iyon sa puntong naririnig na niya ang pagtibok ng puso.Nasa may sink lang ang pregnancy test kit, tinititigan niya ng matagal hanggang sa napagpasiyahan na ngang gamitin. May guide sa likod ng box na kahit makailang-beses ng binasa ay tila hindi niya maisaulo ang instruction. Lutang na lutang ang isip niya."Tama ba 'yung ginawa ko? Parang mali ata," kausap niya sa sarili habang hinihintay ang resulta.Nakatutok siya sa pregnancy test kit habang nakakagat sa kuko ng hinlalaking daliri. Pigil hininga si Zia nang magsimulang gumuhit ng kulay pula ang aparato.Ilang sandali pa ay kumurap-kurap. Sinisiguradong hindi siya namamalik-mata sa nakikita.Ang sabi sa guide, kapag dalawang pulang guhit ang nagpakita ay nangangahulugang buntis ang gumamit ng aparato.Isa... dalawa....Iyon ang bilang ni Zia. Ibig sabihin ay...Agad siyang umiling-iling. "Baka sira lang 'to," aniya saka kumuha pa ng isang pregnancy test kit. Apat ang binili niya
ANG tatlong araw na pananatili sa ibang bansa para sa operasyon ni Bea ay na-extent pa dahil sa biglaang pagbabago ng schedule. Dahil nasa Canada na rin naman si Louie ay isinabay na niya ang pakikipag-meeting sa mga prospect client at investor.Kaya halos isang buwan na patawid-tawid sa ibang lugar. Napuntahan na nila ang Denmark, United Kingdom at pinakamatagal sa United States.Sa pagbabalik bansa ay sinalubong kaagad siya ng trabaho ni Alice. Sunod-sunod ang pagbanggit ng mga susunod niyang business trip."Kauuwi ko lang, 'wag muna ngayon at pagod ako," awat ni Louie sa sekretarya."Okay, Sir, didiretso po ba tayo sa kompanya?""Gusto ko munang umuwi at magpahinga ng isang buong araw. Kaya lubuyan niyo muna ako ng tungkol sa trabaho ngayon," ani Louie, nakapikit at sandal na sa kinauupuan.Oras ang lumipas ng marating ang bahay dahil na rin sa traffic. Nasa labas na ang mga katulong para salubungin ang pagdating ni Louie ngunit wala ang asawa. Inisip niya na lamang na baka nasa pa
SA ARAW na iyon ay bumisita si Zia sa bahay ng magulang at bigla niyang namiss ang mga ito. Nabo-bored na rin siya sa bahay at si Louie mismo ang nagsabi na makakatulong sa pagbubuntis niya ang pumasiyal-pasiyal.Tapik sa kamay ang ginawa ni Maricar matapos maaktuhan si Zia na hawak ang kuts*lyo. "Maupo ka riyan at 'wag mo ng pakialaman ang trabaho ko sa pagluluto. Madaling mapagod ang buntis kaya maupo ka lang diyan," aniya sa anak.Sumimangot at humaba ang nguso ni Zia. Nangalumbaba pa nga sa harap ng lamesa.Habang naghihiwa ng gulay si Maricar ay napatanong siya. "Kamusta naman, masaya ka ba ngayon, anak? Nagugustuhan mo na ba ulit si Louie ngayong nagbabago na siya?"Nagbaba ng tingin si Zia, hindi makasagot kaya iniba na lamang ni Maricar ang usapan, "Nakuwento nga pala ni Lindsay na may bagong pinapatayong branch sa Cebu. Hindi ba parang mas maaga naman ata para magtayo ng panibago? Bakit hindi ka muna magdahan-dahan at buntis ka pa naman.""'Wag po kayong mag-alala, 'Ma. Hindi
MASAMA ang loob at hindi mawari ang ekspresyong ipinapakita ni Megan nang sundan ang katulong."Where are we heading to? Ang sabi ko'y gusto kong makausap si Louie," mataray niyang saad.Tumigil sa paglalakad ang katulong ng makarating sila sa patio malapit sa garden. "Dito raw po kayo kakausapin ni, Sir, Miss Megan. May gusto po ba kayong inumin?" may paggalang na tanong ng katulong."No need, pakisabi na naghihintay na 'ko rito, ayokong mag-aksaya ng oras," ani Megan saka naupo sa isa sa mga upuan na naroon.Bahagya namang yumukod ang katulong bilang pagtugon saka tuluyang umalis. Ilang sandali pa ay nakita na ni Megan si Louie na papalapit kaya agad siyang ngumiti. Nawala ang iritasyong nararamdaman na ang bisitang gaya niya ay sa labas dinala sa halip na sa loob ng bahay.Para siyang hindi welcome sa pamamahay nito. Sa palagay niya ay si Zia nag-utos doon sa katulong.Tuluyang nakalapit si Louie. "Anong kailangan mo?" aniya sabay upo sa harap nito.Napalis ang tuwa sa mukha ni Meg
SA ISANG iglap ay naglaho ang tuwang nararamdaman ni Louie dahil sa anak at napalitan ng pangamba dahil sa sinabi ng Ina."Bakit hindi niyo po sinabi kaagad ang kondisyon ni Lola, 'Mmy?""Pinagbawalan ako ni Mama at inaalala niya ang pagbubuntis ni Zia. Masiyado ka na raw abala sa kompanya at sa asawa mo't ayaw na niyang makadagdag pa," paliwanag ni Lucia.Nais pa sanang magsalita ni Louie ngunit hinawakan na siya ni Zia sa braso para pigilan. Umiling-iling ito at umusal ng 'huwag ng makipagtalo' kaya iyon ang ginawa niya."Okay, pupunta na lang ako riyan, isasama ko si Zia.""'Wag na, Louie. Siya ang isa sa rason ni Mama kaya ayaw nitong sabihin sa'yo ang kondisyon tapos isasama mo pa? Baka magalit lang siya sa'kin."Napalingon sa kanyang tabi si Louie, sa palagay niya ay narinig ni Zia ang sinabi ng Ina. Kaya saglit na tinakpan ang cellphone saka kinausap si Zia, "Ayos lang ba sa'yong ihatid muna kita sa bahay?"Tumango naman si Zia. "Pakisabi kay Lola na 'wag siyang mag-alala sa'ki
NAGULUHAN pa noong una si Zia hanggang sa mapagtanto niya kung ano ang ibig nitong sabihin. Awtomatiko siyang napatingin sa kama ngunit nilagpasan iyon ni Louie. Nakahinga siya nang maluwag dahil nagkamali lang pala siya ng akala hanggang sa huminto ito sa harap ng sofa. Saka lang niya naisip na favorite spot nga pala iyon ni Louie. "Wait, sandali--" Hindi na natapos ni Zia ang sasabihin ng halikan siya nito sa labi sabay tulak nang marahan pasandal sa sofa. Awtomatikong humawak ang dalawang kamay ni Zia sa balikat ng asawa para awatin ito at itulak. Pero hindi man lang natinag si Louie na ang dalawang kamay ay nasa bewang at batok ni Zia, humahaplos at pumipisil sa malambot na balat. Ang banayad na halik ni Louie ay naging mapusok at mapaghanap. Ginagalugad ang bibig ni Zia at nakikipag-espadahan sa dila nito. Ang kamay ng asawa na nasa balikat niya ay biglang napakapit at pilit inilalayo ang mukha na parang ayaw na nitong makipaghalikan. "Hindi ako makahinga--" bigkas pa ni Zia
Chapter 139KAHIT abala ang mag-asawa sa pag-serve ng pagkain sa mga customer ay napansin pa rin nila ang isang babaeng papalapit kasama ng dalawang naka-unipormeng lalake.Sa suot pa lang ng babae at sa kasama nito ay walang duda na nagmula ito sa mayamang pamilya. “Kausapin mo at baka may kailangan,” ani Ernesto.At iyon naman ang ginawa ni Victoria. “Magandang araw, Miss. May kailangan po kayo o hinahanap?”Tumango si Shiela saka ngumiti. Natigilan si Victoria dahil sa malapitan ay kahawig nito ang anak lalo na nang ngumiti.“Hello po, itatanong ko lang kung may kilala kayong Sheilla?”Nagbago ang ekspresyon ni Victoria matapos nitong banggitin ang pangalan ng anak. “Bakit, anong kailangan mo sa kanya?”Nilahad naman ni Shiela ang kamay saka nagpakilala, “Ako nga po pala si Shiela, may kailangan lang ako sa kanya, nandiyan ba siya?”Mapanuri ang tingin ni Victoria pero kalaunan ay tumango. “Sandali at tatawagin ko. Tumuloy ka muna.”Ngumiti lang si Shiela. Hindi niya gustong makais
LINGGO ng araw na iyon kaya walang pasok si Chris. Pero maaga siyang umalis ng bahay kasama ang anak at ang Nanny nito upang sunduin ang asawa dahil magsisimba sila.Pagdating ay pinapasok sila sa Moreno mansion. Agad kinarga ni Shiela ang anak at hinalik-halikan. “Ang bango naman ng Archie ko… Nasa taas si Lolo, iaakyat ko muna para makita niya ang bata.”Tumango lang si Chris at naghintay sa may salas kasama ng Nanny. Mayamaya pa ay may lumapit na katulong na may dalang inumin para sa kanilang bisita.Sa taas, sa mismong kwarto ng matanda ay kumatok si Shiela. “’Lo, gising na po kayo?”“Tuloy ka,” ani Mario.Binuksan ni Shiela ang pinto at nakangiting pumasok. “Kasama ko si Archie.”Nakatalikod ng mga sandaling iyon si Mario nang mapalingon at ngumiti. “Anong ginagawa mo rito?~” malambing na saad niya sa bata.Lumapit si Shiela. “Magmano ka kay Lolo, Archie.”Ang inosenteng bata ay sinunod naman ang utos ng Ina.Bakas sa mata ni Mario ang tuwa saka hinaplos-haplos ang buhok nito. “G
PUMASOK si Chris sa cloakroom upang mabilisang magpalit ng damit habang ang cellphone ay inipit sa pagitan ng leeg at tenga. “Nasa’n ka at pupuntahan kita ngayon.”Sinabi ni Sheilla ang lugar kaya agad siyang lumabas ng kwarto.Paakyat na nang mga sandaling iyon si Maricar upang magpahinga nang mabilis na dumaang ang anak. “Sa’n ka pupunta?”“May importante lang akong gagawin, ‘wag niyo na ‘kong hintayin,” tugon ni Chris na lakad-takbo ang ginagawa. “Buksan niyo ang gate!” utos niya pa sa isang tauhan na nakabantay sa gate ng mansion bago pumasok sa sasakyan.Matapos buhayin ang makina ay agad niyang pinaharurot ang kotse. Mabuti na lamang at hindi traffic kaya agad rin siyang nakarating sa sinasabi nitong lugar.Pero nang makita ang signage sa itaas ay napakunot-noo siya. “Anong ginagawa niya sa motel?”Kahit kahina-hinala ang lugar kung saan binabalak ni Sheilla na wakasan ay sariling buhay ay pumasok pa rin siya sa loob. May sumita naman na staff at sinabi niyang may hinahanap lang
MAHIGPIT ang kapit ni Shiela sa damit ng asawa habang umiiyak. “Sorry talaga,” pagngawa niya pa.Natawa naman si Chris dahil ang pangit ng iyak nito. “’Wag ka nang umiyak, baka isipin pa nila inaaway kita.” Matapos ay pinagsalikop ang kamay nilang dalawa. “Tara sa kotse at marami-rami pa tayong dapat pag-usapan. Kailangan nating ilabas lahat ng sama ng loob sa isa’t isa para maayos natin kung ano man ang hindi pagkakaunawaan.”Tumango naman si Shiela saka nagpahila rito patungo sa kotse. Una siyang pinasakay at ito na rin mismo ang kusang nagkabit ng seat-belt. Natawa nga siya dahil sa extra effort nito. “Kaya ko na—” hindi na niya natapos ang sasabihin nang biglang sunggaban ng halik.Nabigla man sa ginawa ng asawa pero agad ring tumugon si Shiela. Awtomatikong nilingkis ang dalawang braso sa batok nito. Bahagya lang nilaliman ni Chris ang halik saka humiwalay. Isang matamis na ngiti ang iginawad, lumabas ng kotse at sinara ang pinto saka lumipat sa driver seat. Matapos ay nagmaneho
NAPATIIM-BAGANG si Chris nang mayabangan sa sinabi nito. Hindi rin niya gusto ang kakaiba nitong ngiti, halatang nang-iinis. “Anong kailangan mo sa asawa ko?”Napakunot-noo si Enzo na animo ay walang kaalam-alam sa tinutukoy nito. “What do you mean?”“Asawa ko ang sadya mo sa loob, si Shiela.”Nagtaas ng kilay si Enzo. “Really? Then, ba’t ko naman sasabihin sa’yo kung anong kailangan ko sa kanya.”“Kasi ako ang—”“Oh, come on! Wag na tayong maglokohan dito,” putol ni Enzo. “Matapos nang nakita namin sa ospital, nasasabi mo pa talaga ‘yan?”Naguluhan naman si Chris. “A-Anong ibig mong sabihin? N-Nasa ospital kayo ni Shiela kahapon?!”“Ano pa ba sa tingin mo?”Ang Guard na palipat-lipat ang tingin sa mga ito ay hindi malaman kung ano ang dapat gawin. Kung pipigilan ba ang dalawa bago pa magkagulo o tatawag sa Moreno mansion upang kunin ang permiso upang makapasok si Enzo.“Mawalang-galang na mga, Sir. Sa oras na magkagulo kayo rito ay tatawag ako nang pulis. Maba-ban din kayo at hindi n
Chapter 134NALUHA si Shiela nang masaksihan ang tagpong iyon saka humakbang palapit upang sugurin ang dalawa nang pigilan ni Enzo kaya tiningnan niya ito nang masama. “Bitawan mo ‘ko.”“At ano, susugurin mo sila? Ospital ‘to, Shiela, paniguradong magkakagulo kung gagawin mo ‘yan.”“Wala akong pakialam, kaya bitawan mo na ‘ko.” Saka nagpumiglas pero ayaw talaga siyang bitawan ng binata. “Bitaw sabi!”Umiling lang si Enzo. Sa inis ni Shiela ay tinulak niya ito saka umalis sa lugar.“Sandali lang!” Habol pa ng binata.Samantalang si Chris naman na walang kaalam-alam na naroon ang asawa ay hinawakan ang magkabilang balikat ng dalaga. “A-Anong ginagawa mo?!”Rumehistro ang pagkabigla at hiya ni Sheilla sa nagawa. “H-Hindi ko sinasadya!” Saka tumakbo palayo.Nasapo na lamang ni Chris ang sariling noo. Hindi niya akalaing ang pagmamagandang-loob sa empleyado ay ganoon ang maidudulot. Kailangan niyang linawin ang lahat bago pa lumala kaya sinundan niya ito.Sa labas ng ospital ay nahabol ni
THREE HOURS AGO...Habang kumakain sina Shiela at Enzo ay dumating si Rolan."'Pa," anas ni Shiela saka mabilis na tumayo upang yakapin ang ama."Pasensya ka na at ngayon lang ako. Nagmadali talaga akong makabalik agad para sa'yo."Umiling sabay ngiti si Shiela. "Ayos lang po."Napatingin naman si Rolan kay Enzo at napakunot-noo. "Sino itong kasama mo, anak?"Pinakilala naman ni Shiela ang binata at gaya ng inimbento na kasinungalingan ay sinabi niyang magkaibigan silang dalawa.Tumayo si Enzo at saka nakipagkamay habang nagpapakilala. Kaya napakunot-noo si Rolan. "Kung hindi ako nagkakamali ay anak ka ni Michelle?""Tama ka po, Tito."Ang maaliwalas na ekspresyon sa mukha ni Rolan ay biglang naglaho saka tiningnan ang anak. "Ang sabi ni Evelyn ay may gusto ka raw sabihin sa'min?"Natigilan si Shiela at biglang kinabahan. Kung kanina ay medyo malakas pa ang loob niya na sabihin ang totoo ngayon naman na kaharap na niya ang Ama ay bigla siyang naduwag.Pero kung ipagpapaliban niya ang
NAGKATINGINAN sa isa't isa sina Shiela at Enzo matapos marinig ang boses ni Chris sa kabilang linya. Kaya mabilis na hinablot ni Shiela ang phone saka in-end ang call.Hindi niya pwedeng sagutin ang asawa lalo at may kasama siya. Hindi niya pwedeng sabihin kung sino si Enzo dahil hindi naman niya ito kaibigan, paniguradong mabubuko ang pagsisinungaling nila kay Evelyn kapag sinagot niya ang tawag ni Chris.Kaya nagmessage na lang siya sa asawa.Shiela: Lowbatt ang phone kaya in-end ko ang call.Lame excuse pero iyon na lang ang pumasok sa isip niya ng mga oras na iyon. Ilang sandali pa ay nagreply ito.Chris: Sino 'yung sumagot?"Asawa mo?" bulong ni Enzo malapit sa tenga nito.Marahan niya itong tinulak nang maramdaman ang hininga nitong tumatama sa kanyang mukha. "'Wag ka ngang dikit nang dikit," ani Shiela saka nireplyan ang asawa.Shiela: Nahulog ko ang phone, may nakapulot lang."Grabe," komento ni Enzo matapos makita ang reply nito. "Pa'no kung malaman niya?"Naging matalim ang
NANLAKI ang mga mata ni Shiela sa sinabi nito. "B-Ba-Bakit ka naman sasama sa'kin?" nauutal niyang tanong."As you can see, wala akong dalang bag, kahit anong gamit. Ang meron lang ako ay extra cash at ang cellphone. Buti na nga lang at hindi pa bina-block ang card ko kaya nakabili pa ng ticket," paliwanag naman ni Enzo."Pero kahit na, ba't sa'kin ka sasama?""Ikaw lang ang kilala ko.""Kung bumalik ka na lang kaya sa Manila para walang problema?"Umiling si Enzo saka nagpalinga-linga sa paligid, parang may kung anong hinahanap. "Paniguradong may nakaabang na sa'kin sa airport kaya hindi ako pwedeng bumalik agad sa City."Napangiwi si Shiela nang biglang ma-stress sa pinagsasasabi nito. "At ba't ka naman kasi tumakas tapos idadamay mo pa 'ko sa kalokohan mo?"Biglang sumeryoso ang ekspresyon ni Enzo at sumandal sa kinauupuan. "Gusto ni Mommy na i-meet ko 'yung babaeng natitipuhan niya sa'kin.""You mean...?""Hindi naman siguro bago sa'yo ang arrange-marriage, 'di ba? Kayo ba ng asaw