SA ISANG iglap ay naglaho ang tuwang nararamdaman ni Louie dahil sa anak at napalitan ng pangamba dahil sa sinabi ng Ina."Bakit hindi niyo po sinabi kaagad ang kondisyon ni Lola, 'Mmy?""Pinagbawalan ako ni Mama at inaalala niya ang pagbubuntis ni Zia. Masiyado ka na raw abala sa kompanya at sa asawa mo't ayaw na niyang makadagdag pa," paliwanag ni Lucia.Nais pa sanang magsalita ni Louie ngunit hinawakan na siya ni Zia sa braso para pigilan. Umiling-iling ito at umusal ng 'huwag ng makipagtalo' kaya iyon ang ginawa niya."Okay, pupunta na lang ako riyan, isasama ko si Zia.""'Wag na, Louie. Siya ang isa sa rason ni Mama kaya ayaw nitong sabihin sa'yo ang kondisyon tapos isasama mo pa? Baka magalit lang siya sa'kin."Napalingon sa kanyang tabi si Louie, sa palagay niya ay narinig ni Zia ang sinabi ng Ina. Kaya saglit na tinakpan ang cellphone saka kinausap si Zia, "Ayos lang ba sa'yong ihatid muna kita sa bahay?"Tumango naman si Zia. "Pakisabi kay Lola na 'wag siyang mag-alala sa'ki
NAGULUHAN pa noong una si Zia hanggang sa mapagtanto niya kung ano ang ibig nitong sabihin. Awtomatiko siyang napatingin sa kama ngunit nilagpasan iyon ni Louie. Nakahinga siya nang maluwag dahil nagkamali lang pala siya ng akala hanggang sa huminto ito sa harap ng sofa. Saka lang niya naisip na favorite spot nga pala iyon ni Louie. "Wait, sandali--" Hindi na natapos ni Zia ang sasabihin ng halikan siya nito sa labi sabay tulak nang marahan pasandal sa sofa. Awtomatikong humawak ang dalawang kamay ni Zia sa balikat ng asawa para awatin ito at itulak. Pero hindi man lang natinag si Louie na ang dalawang kamay ay nasa bewang at batok ni Zia, humahaplos at pumipisil sa malambot na balat. Ang banayad na halik ni Louie ay naging mapusok at mapaghanap. Ginagalugad ang bibig ni Zia at nakikipag-espadahan sa dila nito. Ang kamay ng asawa na nasa balikat niya ay biglang napakapit at pilit inilalayo ang mukha na parang ayaw na nitong makipaghalikan. "Hindi ako makahinga--" bigkas pa ni Zia
SA UMAGANG iyon ay paalis na si Zia patungo sa airport. Nakasakay na siya sa kotse at hinihintay na lamang matapos ang driver sa paglagay ng luggage sa trunk. Pero hindi lang si Lito ang pumasok sa sasakyan dahil maging si Louie ay naupo sa kanyang tabi."Anong ginagawa mo?""Sasabay na 'ko't gusto kitang ihatid sa airport," tugon ni Louie."Pero mali-late ka sa trabaho."Hindi nagsalita si Louie kaya wala na rin nagawa si Zia at hinayaan ito, tutal ay pinagbigyan siyang bumiyahe ng mag-isa patungong sa Cebu."Tatawag ako sa'yo pagdating mo roon," kausap ni Louie sa asawa.Ilang oras ang dumaan at narating na nila ang airport. Hinatid pa rin siya ni Louie hanggang sa loob."'Wag mo na akong hintaying makasakay," ani Zia na tinulak-tulak na ito palayo."Mag-isa ka lang dito.""Louie! Super late ka na sa trabaho mo," pagalit na wika ni Zia.Napabuntong-hininga si Louie saka nagpasiya ng umalis. "Mag-iingat ka, i-update mo 'ko oras-oras, 'kay?" Sabay halik sa noo at labi ni Zia.Pagkaali
SERYOSONG nakatingin si Louie sa babae habang inaalala ang naganap kagabi. Oo, pamilyar ito sa kanya at may kaunting flashback na nakikita mula sa pinuntahang club pero wala siyang naaalala sa sinasabi nito.Nagdududa si Louie kung may nangyari ba sa kanilang dalawa. Kaya tiningnan niya ang sahig, nakakalat ang damit nito."What's your name again?" ani Louie."Hazel," ngiti nitong tugon."Sabi mo artista ka? What management, ang manager mo?" muling tanong ni Louie habang may hinahanap sa sahig at puwesto niya sa kama pero wala, hindi niya makita ang ginamit na cond*m. Kahit nilukot na tissue ay wala rin kaya nakakaduda na may nangyari sa kanila.Pagbaling sa mukha ni Hazel ay biglang nag-iba ang ekspresyon nito, tila kabado pero naroon pa rin ang ngiti sa labi."Ba't 'di ka na makapagsalita? You knew me, right? Nasisiguro kong kilala mo 'ko, not only by my name.""W-What do you mean?"Lumapit si Louie sa puwesto nito saka marahas na hinablot ang kumot na tumatakip sa katawan nito.Nap
BINALIKAN ni Zia si Lindsay mula sa cellphone. "Hello, nandiyan ka pa ba? Mamaya na lang tayo mag-usap at may dumating na bisita.""Narinig ko ang sinabi ng katulong, 'yan ba 'yung tinutukoy ko?""Hindi ko alam at haharapin ko pa siya," ani Zia."Baka siya 'yan kaya mag-iingat ka kung anong sasabihin o gagawin ng babaeng 'yan, baka saktan ka niya?""Don't worry at may kasama naman ako rito sa bahay. Sige, at mamaya na lang tayo mag-usap.""Okay, ingat ka Zia."Pagkatapos ng tawag ay lumabas na siya ng kwarto para harapin ang babaeng nagpakilalang Hazel. Sa may hagdan pa lang kung saan ay matatanaw na ang living room ay tinititigan na ni Zia ang naturang babae.Nakatalikod ito sa puwesto niya kaya hindi niya makita ang mukha nito. Nang makalapit siya ay saka lang ito lumingon.Maganda, iyon ang unang napuna ni Zia. Bumaba ang tingin niya sa suot nitong dress, eleganteng tingnan.Tipid na napangiti si Zia at ganoon din ang ginawa nito. "Hi, ako nga pala si Zia," pakilala niya."Ako nama
NAALIMPUNGATAN si Louie sa tunog ng cellphone. Hindi niya namalayang nakatulog pala siya sa study room. Maingay pa rin ang cellphone kaya kinuha niya ito, at nakitang mag-aalas-singko pa lang ng umaga at ang caller ay ang kanyang Ina.Biglang nagising ang diwa niya dahil hindi naman tumatawag ng ganoon kaaga si Lucia, maliban na lamang kung may nangyaring hindi maganda. At bigla niyang naisip si Esmeralda."Hello, napatawag kayo, anong problema, 'Mmy?""Louie..." panimula ni Lucia sa malungkot na boses. "Sobrang hina na ni Mama, at ang sabi ng doctor ay hindi na siya magtatagal pa. Kaya pumunta ka na rito habang may oras pa't isama mo si Zia para makita siya."Nang sabihin iyon ng Ina ay alam na niyang dapat siyang mabahala. Ayaw nito kay Zia kaya ang sabihing dalhin niya ang asawa para makita si Esmeralda ay talagang hindi na ito..."O-Okay, magpupunta kaagad kami riyan," aniya saka tinapos ang tawag. Mabilis ang hakbang pabalik sa master's bedroom at ginising ang asawa.Nagmulat ng
MARIING naikuyom ni Louie ang kamay na may benda, pero hindi niya alintana ang kirot. Nag-uumpisang dumilim ang paningin niya sa galit.Nagluluksa sila pero sa paningin niya ay tila hindi iyon ang nakikita sa mukha ni Zia. Banayad itong nakatingin at nakikipag-usap kay Patrick."Sir?" tawag pansin ni Alice nang mapuna ang madilim nitong aura habang nakatingin kay Zia at Patrick.Binalewala lang ni Louie ang sekretarya at naglakad palapit sa dalawa na agad natigil sa pag-uusap. Nag-angat si Zia ng tingin at mapagtanong na tiningnan si Louie."Bakit?"Walang salitang lumabas sa bibig ni Louie at nanatili lang ang seryosong ekspresyon habang nakakuyom pa rin ang kamay.Napuna iyon ni Patrick at hindi nagdalawang-isip na tumayo para tuluyan ng makapagpaalam. "Hindi na 'ko magtatagal pa't kailangan ko ng umalis, Zia."Awtomatikong lumingon si Zia at hinawakan ang braso nito. "Ba-!" hindi na niya natapos ang sasabihin ng marealize na gusto niya itong pigilan sa pag-alis... Sa harap mismo ni
NGUNIT pinigilan na kaagad ito ni Zia sa braso, hindi niya hahayaang makaalis si Louie nang hindi nila napag-uusapan ang tungkol sa trial ng kapatid."Importante itong sasabihin ko. Tumawag si lawyer Torres at sinabing may posibilidad na masentensyahan si Kuya ng lima o higit pang taon. Louie, kailangan ko ang tulong mo, please," nagsusumamong sabi ni Zia na mahigpit pa ang pagkakahawak sa braso nito.Mula sa mukha ni Zia ay nagbaba ng tingin si Louie sa braso niyang hawak nito. Sa mga nagdaang buwan ay ngayon lang naging desperada at nangailangan sa kanya ng ganito ang asawa.Kung hindi pa dahil sa kapatid nito."Paano kung ayoko?"Agad rumehistro sa mukha ni Zia ang takot. Hindi siya makakapayag na makulong ng ganoon kahaba ang kapatid. "G-Gagawin ko lahat ng gusto mong mangyari! Kahit anong ipagawa mo, kung kinakailangan na ibenta ko uli ang sarili--""Zia!" malakas at um-echo pa sa buong kwarto ang boses ni Louie. "Naririnig mo ba ang sarili mo? Ibenta? Nabili na kita noon pa man.
Chapter 139KAHIT abala ang mag-asawa sa pag-serve ng pagkain sa mga customer ay napansin pa rin nila ang isang babaeng papalapit kasama ng dalawang naka-unipormeng lalake.Sa suot pa lang ng babae at sa kasama nito ay walang duda na nagmula ito sa mayamang pamilya. “Kausapin mo at baka may kailangan,” ani Ernesto.At iyon naman ang ginawa ni Victoria. “Magandang araw, Miss. May kailangan po kayo o hinahanap?”Tumango si Shiela saka ngumiti. Natigilan si Victoria dahil sa malapitan ay kahawig nito ang anak lalo na nang ngumiti.“Hello po, itatanong ko lang kung may kilala kayong Sheilla?”Nagbago ang ekspresyon ni Victoria matapos nitong banggitin ang pangalan ng anak. “Bakit, anong kailangan mo sa kanya?”Nilahad naman ni Shiela ang kamay saka nagpakilala, “Ako nga po pala si Shiela, may kailangan lang ako sa kanya, nandiyan ba siya?”Mapanuri ang tingin ni Victoria pero kalaunan ay tumango. “Sandali at tatawagin ko. Tumuloy ka muna.”Ngumiti lang si Shiela. Hindi niya gustong makais
LINGGO ng araw na iyon kaya walang pasok si Chris. Pero maaga siyang umalis ng bahay kasama ang anak at ang Nanny nito upang sunduin ang asawa dahil magsisimba sila.Pagdating ay pinapasok sila sa Moreno mansion. Agad kinarga ni Shiela ang anak at hinalik-halikan. “Ang bango naman ng Archie ko… Nasa taas si Lolo, iaakyat ko muna para makita niya ang bata.”Tumango lang si Chris at naghintay sa may salas kasama ng Nanny. Mayamaya pa ay may lumapit na katulong na may dalang inumin para sa kanilang bisita.Sa taas, sa mismong kwarto ng matanda ay kumatok si Shiela. “’Lo, gising na po kayo?”“Tuloy ka,” ani Mario.Binuksan ni Shiela ang pinto at nakangiting pumasok. “Kasama ko si Archie.”Nakatalikod ng mga sandaling iyon si Mario nang mapalingon at ngumiti. “Anong ginagawa mo rito?~” malambing na saad niya sa bata.Lumapit si Shiela. “Magmano ka kay Lolo, Archie.”Ang inosenteng bata ay sinunod naman ang utos ng Ina.Bakas sa mata ni Mario ang tuwa saka hinaplos-haplos ang buhok nito. “G
PUMASOK si Chris sa cloakroom upang mabilisang magpalit ng damit habang ang cellphone ay inipit sa pagitan ng leeg at tenga. “Nasa’n ka at pupuntahan kita ngayon.”Sinabi ni Sheilla ang lugar kaya agad siyang lumabas ng kwarto.Paakyat na nang mga sandaling iyon si Maricar upang magpahinga nang mabilis na dumaang ang anak. “Sa’n ka pupunta?”“May importante lang akong gagawin, ‘wag niyo na ‘kong hintayin,” tugon ni Chris na lakad-takbo ang ginagawa. “Buksan niyo ang gate!” utos niya pa sa isang tauhan na nakabantay sa gate ng mansion bago pumasok sa sasakyan.Matapos buhayin ang makina ay agad niyang pinaharurot ang kotse. Mabuti na lamang at hindi traffic kaya agad rin siyang nakarating sa sinasabi nitong lugar.Pero nang makita ang signage sa itaas ay napakunot-noo siya. “Anong ginagawa niya sa motel?”Kahit kahina-hinala ang lugar kung saan binabalak ni Sheilla na wakasan ay sariling buhay ay pumasok pa rin siya sa loob. May sumita naman na staff at sinabi niyang may hinahanap lang
MAHIGPIT ang kapit ni Shiela sa damit ng asawa habang umiiyak. “Sorry talaga,” pagngawa niya pa.Natawa naman si Chris dahil ang pangit ng iyak nito. “’Wag ka nang umiyak, baka isipin pa nila inaaway kita.” Matapos ay pinagsalikop ang kamay nilang dalawa. “Tara sa kotse at marami-rami pa tayong dapat pag-usapan. Kailangan nating ilabas lahat ng sama ng loob sa isa’t isa para maayos natin kung ano man ang hindi pagkakaunawaan.”Tumango naman si Shiela saka nagpahila rito patungo sa kotse. Una siyang pinasakay at ito na rin mismo ang kusang nagkabit ng seat-belt. Natawa nga siya dahil sa extra effort nito. “Kaya ko na—” hindi na niya natapos ang sasabihin nang biglang sunggaban ng halik.Nabigla man sa ginawa ng asawa pero agad ring tumugon si Shiela. Awtomatikong nilingkis ang dalawang braso sa batok nito. Bahagya lang nilaliman ni Chris ang halik saka humiwalay. Isang matamis na ngiti ang iginawad, lumabas ng kotse at sinara ang pinto saka lumipat sa driver seat. Matapos ay nagmaneho
NAPATIIM-BAGANG si Chris nang mayabangan sa sinabi nito. Hindi rin niya gusto ang kakaiba nitong ngiti, halatang nang-iinis. “Anong kailangan mo sa asawa ko?”Napakunot-noo si Enzo na animo ay walang kaalam-alam sa tinutukoy nito. “What do you mean?”“Asawa ko ang sadya mo sa loob, si Shiela.”Nagtaas ng kilay si Enzo. “Really? Then, ba’t ko naman sasabihin sa’yo kung anong kailangan ko sa kanya.”“Kasi ako ang—”“Oh, come on! Wag na tayong maglokohan dito,” putol ni Enzo. “Matapos nang nakita namin sa ospital, nasasabi mo pa talaga ‘yan?”Naguluhan naman si Chris. “A-Anong ibig mong sabihin? N-Nasa ospital kayo ni Shiela kahapon?!”“Ano pa ba sa tingin mo?”Ang Guard na palipat-lipat ang tingin sa mga ito ay hindi malaman kung ano ang dapat gawin. Kung pipigilan ba ang dalawa bago pa magkagulo o tatawag sa Moreno mansion upang kunin ang permiso upang makapasok si Enzo.“Mawalang-galang na mga, Sir. Sa oras na magkagulo kayo rito ay tatawag ako nang pulis. Maba-ban din kayo at hindi n
Chapter 134NALUHA si Shiela nang masaksihan ang tagpong iyon saka humakbang palapit upang sugurin ang dalawa nang pigilan ni Enzo kaya tiningnan niya ito nang masama. “Bitawan mo ‘ko.”“At ano, susugurin mo sila? Ospital ‘to, Shiela, paniguradong magkakagulo kung gagawin mo ‘yan.”“Wala akong pakialam, kaya bitawan mo na ‘ko.” Saka nagpumiglas pero ayaw talaga siyang bitawan ng binata. “Bitaw sabi!”Umiling lang si Enzo. Sa inis ni Shiela ay tinulak niya ito saka umalis sa lugar.“Sandali lang!” Habol pa ng binata.Samantalang si Chris naman na walang kaalam-alam na naroon ang asawa ay hinawakan ang magkabilang balikat ng dalaga. “A-Anong ginagawa mo?!”Rumehistro ang pagkabigla at hiya ni Sheilla sa nagawa. “H-Hindi ko sinasadya!” Saka tumakbo palayo.Nasapo na lamang ni Chris ang sariling noo. Hindi niya akalaing ang pagmamagandang-loob sa empleyado ay ganoon ang maidudulot. Kailangan niyang linawin ang lahat bago pa lumala kaya sinundan niya ito.Sa labas ng ospital ay nahabol ni
THREE HOURS AGO...Habang kumakain sina Shiela at Enzo ay dumating si Rolan."'Pa," anas ni Shiela saka mabilis na tumayo upang yakapin ang ama."Pasensya ka na at ngayon lang ako. Nagmadali talaga akong makabalik agad para sa'yo."Umiling sabay ngiti si Shiela. "Ayos lang po."Napatingin naman si Rolan kay Enzo at napakunot-noo. "Sino itong kasama mo, anak?"Pinakilala naman ni Shiela ang binata at gaya ng inimbento na kasinungalingan ay sinabi niyang magkaibigan silang dalawa.Tumayo si Enzo at saka nakipagkamay habang nagpapakilala. Kaya napakunot-noo si Rolan. "Kung hindi ako nagkakamali ay anak ka ni Michelle?""Tama ka po, Tito."Ang maaliwalas na ekspresyon sa mukha ni Rolan ay biglang naglaho saka tiningnan ang anak. "Ang sabi ni Evelyn ay may gusto ka raw sabihin sa'min?"Natigilan si Shiela at biglang kinabahan. Kung kanina ay medyo malakas pa ang loob niya na sabihin ang totoo ngayon naman na kaharap na niya ang Ama ay bigla siyang naduwag.Pero kung ipagpapaliban niya ang
NAGKATINGINAN sa isa't isa sina Shiela at Enzo matapos marinig ang boses ni Chris sa kabilang linya. Kaya mabilis na hinablot ni Shiela ang phone saka in-end ang call.Hindi niya pwedeng sagutin ang asawa lalo at may kasama siya. Hindi niya pwedeng sabihin kung sino si Enzo dahil hindi naman niya ito kaibigan, paniguradong mabubuko ang pagsisinungaling nila kay Evelyn kapag sinagot niya ang tawag ni Chris.Kaya nagmessage na lang siya sa asawa.Shiela: Lowbatt ang phone kaya in-end ko ang call.Lame excuse pero iyon na lang ang pumasok sa isip niya ng mga oras na iyon. Ilang sandali pa ay nagreply ito.Chris: Sino 'yung sumagot?"Asawa mo?" bulong ni Enzo malapit sa tenga nito.Marahan niya itong tinulak nang maramdaman ang hininga nitong tumatama sa kanyang mukha. "'Wag ka ngang dikit nang dikit," ani Shiela saka nireplyan ang asawa.Shiela: Nahulog ko ang phone, may nakapulot lang."Grabe," komento ni Enzo matapos makita ang reply nito. "Pa'no kung malaman niya?"Naging matalim ang
NANLAKI ang mga mata ni Shiela sa sinabi nito. "B-Ba-Bakit ka naman sasama sa'kin?" nauutal niyang tanong."As you can see, wala akong dalang bag, kahit anong gamit. Ang meron lang ako ay extra cash at ang cellphone. Buti na nga lang at hindi pa bina-block ang card ko kaya nakabili pa ng ticket," paliwanag naman ni Enzo."Pero kahit na, ba't sa'kin ka sasama?""Ikaw lang ang kilala ko.""Kung bumalik ka na lang kaya sa Manila para walang problema?"Umiling si Enzo saka nagpalinga-linga sa paligid, parang may kung anong hinahanap. "Paniguradong may nakaabang na sa'kin sa airport kaya hindi ako pwedeng bumalik agad sa City."Napangiwi si Shiela nang biglang ma-stress sa pinagsasasabi nito. "At ba't ka naman kasi tumakas tapos idadamay mo pa 'ko sa kalokohan mo?"Biglang sumeryoso ang ekspresyon ni Enzo at sumandal sa kinauupuan. "Gusto ni Mommy na i-meet ko 'yung babaeng natitipuhan niya sa'kin.""You mean...?""Hindi naman siguro bago sa'yo ang arrange-marriage, 'di ba? Kayo ba ng asaw