BINALIKAN ni Zia si Lindsay mula sa cellphone. "Hello, nandiyan ka pa ba? Mamaya na lang tayo mag-usap at may dumating na bisita.""Narinig ko ang sinabi ng katulong, 'yan ba 'yung tinutukoy ko?""Hindi ko alam at haharapin ko pa siya," ani Zia."Baka siya 'yan kaya mag-iingat ka kung anong sasabihin o gagawin ng babaeng 'yan, baka saktan ka niya?""Don't worry at may kasama naman ako rito sa bahay. Sige, at mamaya na lang tayo mag-usap.""Okay, ingat ka Zia."Pagkatapos ng tawag ay lumabas na siya ng kwarto para harapin ang babaeng nagpakilalang Hazel. Sa may hagdan pa lang kung saan ay matatanaw na ang living room ay tinititigan na ni Zia ang naturang babae.Nakatalikod ito sa puwesto niya kaya hindi niya makita ang mukha nito. Nang makalapit siya ay saka lang ito lumingon.Maganda, iyon ang unang napuna ni Zia. Bumaba ang tingin niya sa suot nitong dress, eleganteng tingnan.Tipid na napangiti si Zia at ganoon din ang ginawa nito. "Hi, ako nga pala si Zia," pakilala niya."Ako nama
NAALIMPUNGATAN si Louie sa tunog ng cellphone. Hindi niya namalayang nakatulog pala siya sa study room. Maingay pa rin ang cellphone kaya kinuha niya ito, at nakitang mag-aalas-singko pa lang ng umaga at ang caller ay ang kanyang Ina.Biglang nagising ang diwa niya dahil hindi naman tumatawag ng ganoon kaaga si Lucia, maliban na lamang kung may nangyaring hindi maganda. At bigla niyang naisip si Esmeralda."Hello, napatawag kayo, anong problema, 'Mmy?""Louie..." panimula ni Lucia sa malungkot na boses. "Sobrang hina na ni Mama, at ang sabi ng doctor ay hindi na siya magtatagal pa. Kaya pumunta ka na rito habang may oras pa't isama mo si Zia para makita siya."Nang sabihin iyon ng Ina ay alam na niyang dapat siyang mabahala. Ayaw nito kay Zia kaya ang sabihing dalhin niya ang asawa para makita si Esmeralda ay talagang hindi na ito..."O-Okay, magpupunta kaagad kami riyan," aniya saka tinapos ang tawag. Mabilis ang hakbang pabalik sa master's bedroom at ginising ang asawa.Nagmulat ng
MARIING naikuyom ni Louie ang kamay na may benda, pero hindi niya alintana ang kirot. Nag-uumpisang dumilim ang paningin niya sa galit.Nagluluksa sila pero sa paningin niya ay tila hindi iyon ang nakikita sa mukha ni Zia. Banayad itong nakatingin at nakikipag-usap kay Patrick."Sir?" tawag pansin ni Alice nang mapuna ang madilim nitong aura habang nakatingin kay Zia at Patrick.Binalewala lang ni Louie ang sekretarya at naglakad palapit sa dalawa na agad natigil sa pag-uusap. Nag-angat si Zia ng tingin at mapagtanong na tiningnan si Louie."Bakit?"Walang salitang lumabas sa bibig ni Louie at nanatili lang ang seryosong ekspresyon habang nakakuyom pa rin ang kamay.Napuna iyon ni Patrick at hindi nagdalawang-isip na tumayo para tuluyan ng makapagpaalam. "Hindi na 'ko magtatagal pa't kailangan ko ng umalis, Zia."Awtomatikong lumingon si Zia at hinawakan ang braso nito. "Ba-!" hindi na niya natapos ang sasabihin ng marealize na gusto niya itong pigilan sa pag-alis... Sa harap mismo ni
NGUNIT pinigilan na kaagad ito ni Zia sa braso, hindi niya hahayaang makaalis si Louie nang hindi nila napag-uusapan ang tungkol sa trial ng kapatid."Importante itong sasabihin ko. Tumawag si lawyer Torres at sinabing may posibilidad na masentensyahan si Kuya ng lima o higit pang taon. Louie, kailangan ko ang tulong mo, please," nagsusumamong sabi ni Zia na mahigpit pa ang pagkakahawak sa braso nito.Mula sa mukha ni Zia ay nagbaba ng tingin si Louie sa braso niyang hawak nito. Sa mga nagdaang buwan ay ngayon lang naging desperada at nangailangan sa kanya ng ganito ang asawa.Kung hindi pa dahil sa kapatid nito."Paano kung ayoko?"Agad rumehistro sa mukha ni Zia ang takot. Hindi siya makakapayag na makulong ng ganoon kahaba ang kapatid. "G-Gagawin ko lahat ng gusto mong mangyari! Kahit anong ipagawa mo, kung kinakailangan na ibenta ko uli ang sarili--""Zia!" malakas at um-echo pa sa buong kwarto ang boses ni Louie. "Naririnig mo ba ang sarili mo? Ibenta? Nabili na kita noon pa man.
ILANG MINUTO ang lumipas nang masinagan ng ilaw na nagmumula sa isang lumang tricycle ang katawan ni Zia. Nawalan na ito ng malay dahil sa dinaranas na sakit. Ang hita ay may bahid ng dugo kaya inakala ng tricycle driver na nasugatan ito. "Jusko! Anong nangyari sa kanya?!" saad ng babaeng pasahero. "Tulungan natin at buntis pa naman," aniya sa driver. Kaya pinagtulungan ng dalawa na buhatin si Zia at madala sa pinakamalapit na ospital. "Tulong, nakita naman siya sa may daan na duguan!" untag ng pasahero matapos makarating sa ospital. "Hindi niyo po siya kilala, Ma'am?" tanong ng Nurse. Umiling ito at saka naman binigay ang bag ni Zia na kinuha nila mula sa kotse. "Ito ang bag at cellphone niya, kayo ng bahalang komuntak sa kamag-anak niya't kailangan na naming umalis." Tumango naman ang Nurse at matapos ay saka na umalis ang dalawang estranghero. Bumalik ang Nurse sa counter saka naghanap ng impormasyon tungkol kay Zia nang biglang tumunog ang cellphone. "Hello?" "Zia, hindi
SAMANTALANG ang batang bagong silang pa lamang ay nailagay na sa incubator para obserbahan ng ilang araw.Sa labas ng intensive care unit ay naroon si Lucia na nakamasid sa apo. May ngiti sa labi kahit may pag-aalala para sa batang premature.Kahit malayo-layo sa kanyang puwesto ay hindi maikakailang namana ng bata ang mata at kilay ni Louie.Hanggang sa maalala ang pagpanaw ni Arturo kaya inutusan niya ang kasamang katulong na pumunta sa ospital at alamin kung anong pwede nilang maitulong. Kilala sa industriya si Arturo kaya nasisiguro niyang maaaring may makaalam ng pagkamatay nito. Kailangan niyang magpaabot kaagad ng assistance bago pa may masabi ang ibang tao tungkol sa pamilya niya, lalo at nangyari ang lahat ng ito habang wala ang anak na pinaghihinalaan niyang nagpunta sa lugar kung nasaan si Bea."Yes po, Madam," tugon ng katulong saka umalis.Sa kabilang dako naman, ay pinipigilan ni Lindsay at Nurse si Zia na umalis sa ospital."Mahina ka pa," ani Lindsay."Kailangan kong p
NAPAKUNOT-NOO si Louie sa narinig. "Pa'nong nanganak si Zia? May nangyari bang masama?"Bago sumagot ay naibaling muna ni Alice ang tingin sa babaeng kasama nito. Ang kanyang mata ay mababakasan ng panghuhusga. "... Inatake sa puso ang biyenan niyo't naging sanhi kung bakit napaaga ang panganganak ni Ma'am Zia. Muntik na po silang mapahamak ng bata kung wala pong nakakita at nagmalasakit na dalhin siya sa ospital," mahabang paliwanag ni Alice na panaka-naka ang tingin sa babae."Safe na ba ang mag-ina ko ngayon?" ani Louie na tinanguan ni Alice."Tara na po sa kotse, Sir at ihahatid ko po kayo ngayon sa ospital.""Dumiretso muna tayo sa funeral home."Mariing nailapat ni Alice ang labi saka nag-alangan na sabihin ang totoo. "Sir... hindi po kayo pinapayagan ni Ma'am Zia na magpunta roon.""At bakit?""Siya na lamang po ang tanungin niyo."Napatiim-bagang si Louie. Hindi makatarungan para sa kanya ang ganoon pero marahil ay kasalanan niya rin ang lahat. Dahil mas pinili niyang umalis s
BAHAGYANG nakaangat ang dalawang kamay ni Louie, tila sumusuko sa harap ni Zia. "Hindi kita lalapitan... pero lumayo ka muna sa railings, delikado."Kung ano-anong masasamang ideya ang pumapasok sa isip ni Louie. Kaya hangga't maaari ay gusto niyang kumalma ang asawa."Umalis ka na lang!" singhal muli ni Zia."Oo, aalis ako kung lalayo ka muna. Please, Zia umalis ka riyan." Saka unti-unting humakbang patalikod si Louie pabalik sa pinanggalingang pintuan.Ngunit nang muling tumalikod si Zia ay saka siya mabalis na tumakbo palapit dito at niyakap sa bewang palayo sa railings."Bitawan mo 'ko!" nagsisisigaw na sabi ni Zia. Nagpupumiglas at pinapadyak pa ang paa para lang makawala.Pero hindi nagpatinag si Louie na binuhat ito patungo sa pintuan ng rooftop. "Pakawalan mo 'ko, Louie!""Hindi! Hangga't hindi ko nasisigurong safe ka't walang gagawin na masama!"Tila napagtanto naman ni Zia ang ibig nitong sabihin kaya mas lalo siyang nagpumiglas sa puntong sinabunutan na niya at nagawang kag
PALABAS na ng police station si Shiela nang humarang si Jeric."Anong ginagawa mo? Tumabi ka.""Pero tinatawag po kayo ni Sir--""Naririnig ko pero ayaw ko na siyang kausapin pa," ani Shiela na matalim ang tinging ipinupukol kahit pa bakas ang pagluha."Shiela!" sigaw ni Chris sa loob ng selda."Hoy, tumahimik ka't nakakabulahaw ka sa mga nagtatrabaho," saway ng isang pulis."Sir, baka pwede niyo naman akong palabasin na nang maaga? Kailangan ko lang kausapin ang asawa ko. Ayon siya." Sabay turo.Nang marinig iyon ni Shiela ay dali-dali siyang naglakad paalis sa lugar, na sinundan naman ni Jeric."Sa'n po kayo pupunta?""Uuwi na.""Ihahatid ko na po kayo, sandali lang," ani Jeric saka mabilis na bumalik sa selda. "Sir, gusto ng umuwi ni Ma'am Shiela, ihahatid ko lang po siya," paalam pa niya sa amo.Saka lang natahimik si Chris. "Sige..." aniya kahit gulong-gulo pa rin sa binitawang salita ng asawa. "Magkita na lang tayo mamaya sa mansion."Tumango naman si Jeric saka umalis upang sun
KANINA pa tinitingnan ni Shiela ang screen ng cellphone. Ilang oras na siyang naghihintay pero wala pa ring reply ang asawa kung dumating na ba ito sa Cebu?Malapit ng magtanghali pero wala pa rin siyang balita. Kapag naman tinatawagan niya ay 'cannot be reach'."Shiela," tawag ni Evelyn. "Tara, kumain muna tayo at paniguradong maraming darating mamaya."Tumango lang siya saka itinago ang cellphone sa bulsa. Sinundan niya ito na lumapit kay Rolan na agad napansin ang pananamlay ng anak."Ayos ka lang ba? Masama ba ang pakiramdam mo?"Umiling si Shiela. "Medyo hindi ako nakatulog kagabi," pagdadahilan na lamang niya.Kahit ang totoo ay kung saan-saan na tumatakbo ang isip.'Pa'no kung nagkaproblema ulit sa factory?''Pa'no kung may nangyari nang masama nn wala siyang kaalam-alam?'"Shiela, sigurado ka bang ayos ka lang? Pwede ka naman magpahinga," ani Evelyn.Nasa hapagkainan na sila pero kanina niya pa napapansin na tumutulala ito. Ni hindi na nga nababawasan ang pagkain.Tipid na pag
NAGPALIPAT-LIPAT ang tingin ni Chris sa dalawa. "'Ma, Zia, sa taas po muna kayo at ako nang bahala rito."Ngunit ni isa sa dalawa ay walang kumilos. Sa sinabi ng pulis ay nakaramdam ng takot ang mga ito para kay Chris.Natakot sina Zia at Maricar na muli itong makulong gaya ng nangyari noon."Dito lang kami, anak," ani Maricar na naluluha na nang mga sandaling iyon."Ako rin Kuya. Kung ano man ang sasabihin nila ay makikinig kami."Napabuntong-hininga si Chris. "Please, sundin niyo na lang ako." Mas mapapanatag ang loob niya kung hindi maririnig ng mga ito ang lahat.Pero sadyang matigas ang ulo ng dalawa kaya kahit palubog na ang araw ay sinabi na lamang niyang sasama sa police station upang doon makipag-usap.Hindi na nakasunod ang kapatid at Ina nang umalis siya kasama ang mga pulis. Habang nasa police car ay tumunog ang kanyang cellphone, tumatawag si Louie."Hmm, napatawag ka?""Pauwi na 'ko nang tumawag si Zia, umiiyak habang kinukwento ang nangyari.""Masiyado lang silang nag-a
PINANUOD ni Chris ang footage pero hindi niya nakikilala ang tinutukoy ng pulis. Hinalukay niya ang memorya nang bumisita kanina sa factory pero hindi niya talaga ito namumukhaan."Kate, nakikilala mo ba siya?" aniya sa assistant.Pinagmasdan naman nito ang monitor. "Hindi rin po, Sir pero pamilyar siya sa'kin. Sa tingin ko'y bagong trabahador sa factory.""Alamin mo kung kailan siya natanggap," utos ni Chris saka muling itinuon ang atensyon sa monitor. Ilang segundo siyang tulala na ipinagtaka ng pulis."Sir, ayos lang kayo?"Natauhan naman si Chris saka tumango. "O-Oo, ayos lang."Napansin naman ni Kate na tila distracted o wala ito sa wisyo kaya kinausap niya ito, "Sir, ang mas mabuti pa'y umuwi na muna kayo at magpahinga. Ako na lamang po ang bahala rito.""Hindi, ayos--" hindi na niya natapos ang sasabihin nang tumunog ang cellphone. Kaya kinuha niya mula sa bulsa at nakitang tumatawag ang asawa.Natigilan siya at hindi makuhang sagutin ang tawag hanggang sa tumigil ang pagtunog.
MARIING pinikit ni Chris ang mga mata sa narinig. Hindi niya akalaing sa isang iglap. Ang tatlo sa mga nakasalamuha niya kanina ay wala na ngayon. "Malapit na 'ko," iyon na lang ang nasabi niya saka tinapos ang tawag. Mabuti na lamang at naging maayos naman ang daloy ng trapiko kaya nakarating agad siya, hindi gaya kanina. Tatlong ambulansya at isang fire-truck ang naroon sa factory. Maraming mga manggagawa ang nasa labas at ang ilan ay halatang may mga natamong sugat o galos. Hinanap ng mga mata niya si Kate at si Fernan. "Sir!" Narinig niya ang boses nito sa kumpol ng mga manggagawa. Kaya tumakbo siya palapit at nakita na may nire-revive ang isang rescuer. "Ilan ang bilang ng mga nasaktan?" aniya kay Kate. "Kanina ay nasa fifteen pero may ilan pa pong naiwan sa loob at patuloy na nililigtas." "Nililigtas? Bakit, hindi ba lahat ay nakalabas?" "Nagkasunog at mabilis na kumalat ang apoy. Mabuti na lamang po at naapula bago pa matupok lahat ng gamit sa loob." "Si ku
HABANG bumabiyahe pauwi sa mansion ay nakatanggap ng message si Shiela mula sa asawa.Chris: Kamusta ang araw mo? Ako, kauuwi pa lang.Katabi niya ng mga sandaling iyon si Evelyn na halata ang pagod sa mukha, ang talukap ng mga mata ay bumabagsak na.Shiela: Okay lang, pauwi pa lang kami para maghapunan.Nang mabasa iyon ni Chris ay napahimas siya sa mukha. Hinihintay niyang mag-open up ito sa nangyari at ayaw niyang makahalata ang asawa na mayroon siyang nalalaman.Shiela: Tatawagan sana kita pero katabi ko si Tita, mamaya na lang after ng dinner.Chris: Okay, I'll wait.Nang mabasa iyon ni Shiela ay itinabi na muna niya ang cellphone at baka maistorbo niya si Evelyn na tuluyan nang nakatulog sa kinauupuan.Maging siya ay unti-unti na ring inaantok hanggang sa hindi na namalayang nakarating na pala sila sa mansion. Pagpasok ay agad silang nagtungo sa dining area para kumain."Manang, maglagay pa kayo ng isang pinggan," utos ni Rolan. "Ilagay niyo sa upuan na laging pinupuwestuhan ni
HUMAKBANG palapit si Shiela ngunit hinarangan agad si Rolan."'Wag kang sumama sa kanya, anak."Tipid na pagngiti ang ginawa ni Shiela saka hinawakan ang kamay nito. "'Wag kayong mag-alala, 'Pa. Hindi ako sasama at kakausapin ko lang siya."Lumapit na rin si Evelyn na bakas ang kaba sa mukha. "Sigurado ka ba? Nag-aalala kaming baka may gawin siya sa'yo."Hinaplos ni Shiela ang balikat nito upang ipakita na walang masamang mangyayari sa kanya. "Salamat sa pag-aalala. Kakausapin ko lang siya't babalik agad ako."Hindi na napigilan ni Rolan ang anak at hinatid na lamang ng tingin habang papalayo upang sundan si Mario."'Wag po kayong mag-alala at ako nang bahalang magbantay," saad naman ni Jeric saka sinundan ang mga ito.Paglabas ni Shiela sa funeral homes ay nakita niyang pabalik sa kotse ang matanda."Hindi niyo ba ako narinig? Ang sabi ko'y makikipag-usap lang ako at hindi sasama sa inyo."Sa pagtitig ng matanda ay agad nakaramdam ng kaba si Shiela. Pakiramdam niya ay may mangyayari
MAAGA pa lang ay nakahanda na sa pag-alis si Shiela at ganoon din si Chris na siya mismong maghahatid sa airport.Gising na rin ng mga sandaling iyon si Maricar at naghanda pa ng babaunin ni Shiela kung sakaling magutom sa biyahe."Hanggang ilang araw ka ro'n?" aniya sa manugang."Hanggang sa mailibing na po si Tanya, 'Ma.""Kaya pala dalawang luggage ang dala mo." Matapos ay tiningnan ang anak. "Kailan ka naman luluawas?""Baka sa makalawa o kung wala ng masiyadong aasikasuhin sa opisina."Matapos ay naglakad na ang dalawa patungo sa kotse kung saan ay naghihintay si Jeric, may dala rin itong luggage."Hindi ko nga pala nasabi sa'yo na sasamahan ka ni Jeric sa Cebu," ani Chris.Hindi na tumanggi si Shiela bilang proteksyon na rin. Mas mapapanatag nga naman siya kung may kasama sa oras na magkaharap sila ni Mario.Inilagay ng driver at ni Jeric ang luggages sa trunk saka sila bumiyahe patungo sa airport.Kahit maaga naman silang umalis ay hindi pa rin naiwasang ma-stuck sa traffic. Ha
BIGLANG nagmanhid ang katawan ni Shiela. Sinasabi ng utak niya na wala na ang kapatid na si Tanya pero... hindi niya maramdaman.Parang nawalan siya ng emosyon habang pinapakinggan ang iyak ni Evelyn sa kabilang linya."K-Kailan po siya namatay, Tita?" iyon lang ang lumabas sa bibig niya sa halip na makisimpatya."Kanina lang, mag-iisang oras na ang lumipas," ani Evelyn na halos hindi na makapagsalita dahil sa labis na pag-iyak.Nagbaba lang ng tingin si Shiela. Talagang hindi pa nagsi-sink in sa kanya ang lahat. "Si Papa po?""Nasa morgue, ako lang ang lumabas dahil hindi ko kayang makita si Tanya na wala ng buhay."Kusa na lamang pumatak ang luha sa mga mata ni Shiela kahit hindi naman siya naiiyak. Parang doon lang tuluyang nagsink-in sa kanya ang lahat.Matapos ay isang mahabang katahimikan ang namayani sa dalawa hanggang sa ibaba na ni Evelyn ang tawag dahil iyak na lamang ito ng iyak.Si Shiela naman sa kabilang dako ay natulala na hanggang sa lumapit si Archie."Mama!" Nagpapap