BAHAGYANG nakaangat ang dalawang kamay ni Louie, tila sumusuko sa harap ni Zia. "Hindi kita lalapitan... pero lumayo ka muna sa railings, delikado."Kung ano-anong masasamang ideya ang pumapasok sa isip ni Louie. Kaya hangga't maaari ay gusto niyang kumalma ang asawa."Umalis ka na lang!" singhal muli ni Zia."Oo, aalis ako kung lalayo ka muna. Please, Zia umalis ka riyan." Saka unti-unting humakbang patalikod si Louie pabalik sa pinanggalingang pintuan.Ngunit nang muling tumalikod si Zia ay saka siya mabalis na tumakbo palapit dito at niyakap sa bewang palayo sa railings."Bitawan mo 'ko!" nagsisisigaw na sabi ni Zia. Nagpupumiglas at pinapadyak pa ang paa para lang makawala.Pero hindi nagpatinag si Louie na binuhat ito patungo sa pintuan ng rooftop. "Pakawalan mo 'ko, Louie!""Hindi! Hangga't hindi ko nasisigurong safe ka't walang gagawin na masama!"Tila napagtanto naman ni Zia ang ibig nitong sabihin kaya mas lalo siyang nagpumiglas sa puntong sinabunutan na niya at nagawang kag
MATAPOS ang libing ni Arturo ay nagpaalam si Maricar na mauuna nang umuwi kasama si Lindsay. Makikisabay ito sa kotse ni Patrick kasama ang Ina."Sasama na rin po ako sa inyo, 'Ma," ani Zia."Hindi ka babalik ng ospital?" tanong ni Maricar."Pwede naman kitang ihatid roon," sabat ni Patrick.Tumango si Zia pero bago pa makaalis kasama nila ay lumapit na si Louie at hinawakan ang braso ng asawa. "Sa'n ka pupunta? Babalik pa tayo sa ospital.""Sasabay ako sa kanila," sagot ni Zia saka binawi ang braso."Hindi, sasama ka sa'kin," pinal na sabi ni Louie.Si Maricar na agad naramdaman ang tensyon ng mag-asawa sa isa't isa ay agad na nagsalita, "Sumama ka na lang sa kanya, Zia at baka hindi na tayo magkasiya pa sa sasakyan ni Patrick."At dahil si Maricar na ang nagsalita ay hindi na umapela si Zia at labag sa loob na nagmartsa patungo sa kotse ni Louie.Pabagsak pa nga niyang sinara ang pinto ng sasakyan. Pagpasok nito sa loob ay saka siya nagsalita, "'Wag mo 'kong pinipilit na sumama sa'y
HINDI na talaga kaya ni Zia na makasama si Louie sa iisang bubong. Ang makatabi ito sa kama at makita ay sadyang mahirap na sa kanya. Para siyang nasasakal, nahihirapang huminga sa tuwing nakikita at nakakausap niya ito.Dahil sa ginawang pag-alis ni Louie ay muntikan na siyang mawala sa mundo kasama ang anak. Kaya sa papaanong paraan niya pa kakayaning makasama ito?Araw-araw, sa pagmulat ng mata ay lagi niyang naaalala ang gabing iyon na nahihirapan siya nang sumakit ang tiyan at wala man lamang mahingan ng tulong. Nakaka-trauma."Wala na kong nakikitang rason para magsama pa tayo, Louie. Kaya para hindi na tayo magkasakitan pa'y mas mabuting maghiwalay na lang tayo."Naging matagal ang titig ni Louie hanggang sa tumayo ito at nagpasiyang lumabas ng kwarto. "Saka na natin 'to pag-usapan, bababa muna ako't hindi pa 'ko nakakakain ng hapunan."Marahang isinara ni Louie ang pinto kahit nanginginig ang kamay at gustong ibagsak ang pagsara. Iniisip na lamang niya ang anak na kakapahinga
NAPATIIM-BAGANG si Louie sa narinig. Paulit-ulit na parang sirang plaka si Zia sa gusto nitong mangyari at nakakairita na."Ilang beses ko bang sasabihin na hindi tayo maghihiwalay?! Gusto mo talagang makita akong sumabog at mawalan ng pasensiya sa'yo?"Saglit na pagsulyap sa anak ang ginawa ni Zia bago ibalik ang tingin kay Louie. "Hinaan mo lang ang boses mo't magigising ang bata," aniya habang inis na nakatingin dito.May gigil na napahawak si Louie sa sariling batok para ilabas ang inis saka nagtungo sa cloakroom para magpalit ng kasuotan. Napagpasiyahan niyang pumasok na lang sa kompanya kaysa magtagal sa bahay na paniguradong magtatalo lang sila ni Zia.Paglabas ay naka-suit na siya at inaayos ang kurbata. At kahit iritado ay nagpaalam pa rin siya kay Zia na aalis. Wala naman itong sinabi kaya nagpatuloy si Louie, kinuha ang suitcase saka lumabas ng kwarto.Pagsakay sa kotse ay saka niya tinawagan si Alice para utusan na magpadala ng maraming bodyguard na magbabantay kay Zia. Ma
BAHAGYANG natigilan si Louie. Ang malambot na ekspresyon para sa biyenan ay biglang naglaho. Naging seryoso ang tingin niya kay Maricar."Hindi po sasama sa inyo si Zia. Dito lang siya," saad ni Louie, na nanatiling marespeto sa Ginang."Tumawag sa'kin si Zia at sinabing ikinukulong mo siya rito.""Hindi po totoo 'yun, 'Ma. Malaya po siyang nakakagalaw rito sa buong bahay.""Ang sabi ng anak ko'y hindi mo siya pinapayagang umalis at may nakabantay sa kanyang bodyguard, twenty-four-seven," ani Maricar."Dahil gusto niyang makipaghiwalay at iwan ako. At hindi ko 'yun mapapayagang mangyari.""Kaya ikinukulong mo siya rito?" giit muli ni Maricar.Napabuntong-hininga si Louie. Hindi na dapat niya ipapaalam ang nangyari dahil isang sensitibong usapin ang isisiwalat niya sa biyenan. Pero kailangan nitong malaman ang totoo para maintindihan nito na para lang sa ikabubuti ni Zia ang gusto niyang mangyari. "Noong nakaraang araw ay nagpunta kami sa ospital dahil nahihirapan siyang mag-produce ng
NAGKATINGINAN ang mag-asawa dahil sa sinabi ng katulong. Biglaan at walang pasabi ang pagdating ni Lucia kaya bumigat pang lalo ang sitwasyon.Pakiramdam ng dalawa ay may dala itong masamang balita o hindi magandang pakay sa kanila."Bababa lang ako," ani Louie sa asawa, saka sumunod sa katulong para harapin ang Ina.Paglabas ng kwarto ay paparating naman si Lucia na may bitbit na pagkarami-raming paper bag. Naging mabilis ang paglalakad ni Louie upang salubungin ito."Hinintay niyo na sana ako sa ibaba, 'Mmy," aniya."Gusto kong makita ang apo ko, para sa kanya 'tong pinamili ko," saad naman ni Lucia saka tuloy-tuloy na nagtungo sa master's bedroom kung nasaan si Zia at ang bata.Naningkit ang mga mata ni Lucia nang makita ang manugang. Ang ayos nito ay hindi kaaya-aya sa paningin. "Louie," tawag niya sa anak. "Mag-isa lang ba si Zia na nag-aalaga sa bata? Ba't ganyan ang ayos niya?"Muling nagkatinginan ang mag-asawa saka mabilis na inayos ni Zia ang sarili sa harap ng biyenan. "Pas
SIMULA ng gabing iyon ay hindi na natulog si Louie sa master's bedroom. Lagi siyang sa study room at sa guest room nagpapalipas ng gabi. Dahil ang malalang relasyon nilang mag-asawa ay mas may ilalala pa pala.Ganoon man ang takbo ng samahan nilang dalawa ay wala pa ring plano si Louie na makipaghiwalay. Kahit pa halos gabi-gabi niyang napapanaginipan na iniwan siya ni Zia.Muli, gaya ng ibang mga gabing nagdaan ay nagising na naman siya sa isang masamang panaginip. Pawis na pawis at hinihingal si Louie nang bumangon sa kama saka nagtungo sa master's bedroom para masigurong naroon sa kama si Zia.Pero wala, ang magulong kumot lang ang nakikita niya. Bigla ay nakaramdam siya ng takot kaya tinawag niya ito, "Zia?"Pero walang sumagot hanggang sa lumabas ito mula sa cloakroom. "Bakit?"Nahigit ni Louie ang sariling hininga saka dahan-dahang huminga. Lumapit siya kay Zia saka ito niyakap nang mahigpit."Ano bang nangyayari?" tanong ni Zia saka pilit kumakawala sa yakap nito.Pinakawalan n
MATAPOS ang maikling speech sa harap ng mga taong naroon sa conference room ay bumalik sa opisina si Louie, kung saan ay nadaanan niya pa si Alice na abala sa pag-aayos ng dokumento.Nakaupo na siya sa swivel chair nang sumunod ang sekretarya saka ibinigay ang resume at application letter ni Kyla. Sinuri niya ito at wala naman siyang nakikitang mali. Maayos ang pag-apply nito."Iisa lang ba ang tumanggap sa mga bagong recruit at sa mga nag-apply for OJT?" tanong ni Louie."Yes, Sir naitawag ko na po kanina sa HR," tugon ni Alice.Muling sinuri ni Louie ang resume ni Kyla kung saan ay may naka-attach pang 2x2 picture.Sa unang tingin talaga ay aakalaing magkamukha ito at si Zia, ngunit para kay Louie ay hindi... magkaibang-magkaiba ang dalawa."Naka-assign siya sa marketing department. Gusto niyo bang ipalipat?" tanong ni Alice dahil nasa kabilang dako lang ng floor ang departamentong iyon.Malaki ang tsansang magkita ang dalawa at baka may makaalam pa na magkakilala ang mga ito."Hind
PALABAS na ng police station si Shiela nang humarang si Jeric."Anong ginagawa mo? Tumabi ka.""Pero tinatawag po kayo ni Sir--""Naririnig ko pero ayaw ko na siyang kausapin pa," ani Shiela na matalim ang tinging ipinupukol kahit pa bakas ang pagluha."Shiela!" sigaw ni Chris sa loob ng selda."Hoy, tumahimik ka't nakakabulahaw ka sa mga nagtatrabaho," saway ng isang pulis."Sir, baka pwede niyo naman akong palabasin na nang maaga? Kailangan ko lang kausapin ang asawa ko. Ayon siya." Sabay turo.Nang marinig iyon ni Shiela ay dali-dali siyang naglakad paalis sa lugar, na sinundan naman ni Jeric."Sa'n po kayo pupunta?""Uuwi na.""Ihahatid ko na po kayo, sandali lang," ani Jeric saka mabilis na bumalik sa selda. "Sir, gusto ng umuwi ni Ma'am Shiela, ihahatid ko lang po siya," paalam pa niya sa amo.Saka lang natahimik si Chris. "Sige..." aniya kahit gulong-gulo pa rin sa binitawang salita ng asawa. "Magkita na lang tayo mamaya sa mansion."Tumango naman si Jeric saka umalis upang sun
KANINA pa tinitingnan ni Shiela ang screen ng cellphone. Ilang oras na siyang naghihintay pero wala pa ring reply ang asawa kung dumating na ba ito sa Cebu?Malapit ng magtanghali pero wala pa rin siyang balita. Kapag naman tinatawagan niya ay 'cannot be reach'."Shiela," tawag ni Evelyn. "Tara, kumain muna tayo at paniguradong maraming darating mamaya."Tumango lang siya saka itinago ang cellphone sa bulsa. Sinundan niya ito na lumapit kay Rolan na agad napansin ang pananamlay ng anak."Ayos ka lang ba? Masama ba ang pakiramdam mo?"Umiling si Shiela. "Medyo hindi ako nakatulog kagabi," pagdadahilan na lamang niya.Kahit ang totoo ay kung saan-saan na tumatakbo ang isip.'Pa'no kung nagkaproblema ulit sa factory?''Pa'no kung may nangyari nang masama nn wala siyang kaalam-alam?'"Shiela, sigurado ka bang ayos ka lang? Pwede ka naman magpahinga," ani Evelyn.Nasa hapagkainan na sila pero kanina niya pa napapansin na tumutulala ito. Ni hindi na nga nababawasan ang pagkain.Tipid na pag
NAGPALIPAT-LIPAT ang tingin ni Chris sa dalawa. "'Ma, Zia, sa taas po muna kayo at ako nang bahala rito."Ngunit ni isa sa dalawa ay walang kumilos. Sa sinabi ng pulis ay nakaramdam ng takot ang mga ito para kay Chris.Natakot sina Zia at Maricar na muli itong makulong gaya ng nangyari noon."Dito lang kami, anak," ani Maricar na naluluha na nang mga sandaling iyon."Ako rin Kuya. Kung ano man ang sasabihin nila ay makikinig kami."Napabuntong-hininga si Chris. "Please, sundin niyo na lang ako." Mas mapapanatag ang loob niya kung hindi maririnig ng mga ito ang lahat.Pero sadyang matigas ang ulo ng dalawa kaya kahit palubog na ang araw ay sinabi na lamang niyang sasama sa police station upang doon makipag-usap.Hindi na nakasunod ang kapatid at Ina nang umalis siya kasama ang mga pulis. Habang nasa police car ay tumunog ang kanyang cellphone, tumatawag si Louie."Hmm, napatawag ka?""Pauwi na 'ko nang tumawag si Zia, umiiyak habang kinukwento ang nangyari.""Masiyado lang silang nag-a
PINANUOD ni Chris ang footage pero hindi niya nakikilala ang tinutukoy ng pulis. Hinalukay niya ang memorya nang bumisita kanina sa factory pero hindi niya talaga ito namumukhaan."Kate, nakikilala mo ba siya?" aniya sa assistant.Pinagmasdan naman nito ang monitor. "Hindi rin po, Sir pero pamilyar siya sa'kin. Sa tingin ko'y bagong trabahador sa factory.""Alamin mo kung kailan siya natanggap," utos ni Chris saka muling itinuon ang atensyon sa monitor. Ilang segundo siyang tulala na ipinagtaka ng pulis."Sir, ayos lang kayo?"Natauhan naman si Chris saka tumango. "O-Oo, ayos lang."Napansin naman ni Kate na tila distracted o wala ito sa wisyo kaya kinausap niya ito, "Sir, ang mas mabuti pa'y umuwi na muna kayo at magpahinga. Ako na lamang po ang bahala rito.""Hindi, ayos--" hindi na niya natapos ang sasabihin nang tumunog ang cellphone. Kaya kinuha niya mula sa bulsa at nakitang tumatawag ang asawa.Natigilan siya at hindi makuhang sagutin ang tawag hanggang sa tumigil ang pagtunog.
MARIING pinikit ni Chris ang mga mata sa narinig. Hindi niya akalaing sa isang iglap. Ang tatlo sa mga nakasalamuha niya kanina ay wala na ngayon. "Malapit na 'ko," iyon na lang ang nasabi niya saka tinapos ang tawag. Mabuti na lamang at naging maayos naman ang daloy ng trapiko kaya nakarating agad siya, hindi gaya kanina. Tatlong ambulansya at isang fire-truck ang naroon sa factory. Maraming mga manggagawa ang nasa labas at ang ilan ay halatang may mga natamong sugat o galos. Hinanap ng mga mata niya si Kate at si Fernan. "Sir!" Narinig niya ang boses nito sa kumpol ng mga manggagawa. Kaya tumakbo siya palapit at nakita na may nire-revive ang isang rescuer. "Ilan ang bilang ng mga nasaktan?" aniya kay Kate. "Kanina ay nasa fifteen pero may ilan pa pong naiwan sa loob at patuloy na nililigtas." "Nililigtas? Bakit, hindi ba lahat ay nakalabas?" "Nagkasunog at mabilis na kumalat ang apoy. Mabuti na lamang po at naapula bago pa matupok lahat ng gamit sa loob." "Si ku
HABANG bumabiyahe pauwi sa mansion ay nakatanggap ng message si Shiela mula sa asawa.Chris: Kamusta ang araw mo? Ako, kauuwi pa lang.Katabi niya ng mga sandaling iyon si Evelyn na halata ang pagod sa mukha, ang talukap ng mga mata ay bumabagsak na.Shiela: Okay lang, pauwi pa lang kami para maghapunan.Nang mabasa iyon ni Chris ay napahimas siya sa mukha. Hinihintay niyang mag-open up ito sa nangyari at ayaw niyang makahalata ang asawa na mayroon siyang nalalaman.Shiela: Tatawagan sana kita pero katabi ko si Tita, mamaya na lang after ng dinner.Chris: Okay, I'll wait.Nang mabasa iyon ni Shiela ay itinabi na muna niya ang cellphone at baka maistorbo niya si Evelyn na tuluyan nang nakatulog sa kinauupuan.Maging siya ay unti-unti na ring inaantok hanggang sa hindi na namalayang nakarating na pala sila sa mansion. Pagpasok ay agad silang nagtungo sa dining area para kumain."Manang, maglagay pa kayo ng isang pinggan," utos ni Rolan. "Ilagay niyo sa upuan na laging pinupuwestuhan ni
HUMAKBANG palapit si Shiela ngunit hinarangan agad si Rolan."'Wag kang sumama sa kanya, anak."Tipid na pagngiti ang ginawa ni Shiela saka hinawakan ang kamay nito. "'Wag kayong mag-alala, 'Pa. Hindi ako sasama at kakausapin ko lang siya."Lumapit na rin si Evelyn na bakas ang kaba sa mukha. "Sigurado ka ba? Nag-aalala kaming baka may gawin siya sa'yo."Hinaplos ni Shiela ang balikat nito upang ipakita na walang masamang mangyayari sa kanya. "Salamat sa pag-aalala. Kakausapin ko lang siya't babalik agad ako."Hindi na napigilan ni Rolan ang anak at hinatid na lamang ng tingin habang papalayo upang sundan si Mario."'Wag po kayong mag-alala at ako nang bahalang magbantay," saad naman ni Jeric saka sinundan ang mga ito.Paglabas ni Shiela sa funeral homes ay nakita niyang pabalik sa kotse ang matanda."Hindi niyo ba ako narinig? Ang sabi ko'y makikipag-usap lang ako at hindi sasama sa inyo."Sa pagtitig ng matanda ay agad nakaramdam ng kaba si Shiela. Pakiramdam niya ay may mangyayari
MAAGA pa lang ay nakahanda na sa pag-alis si Shiela at ganoon din si Chris na siya mismong maghahatid sa airport.Gising na rin ng mga sandaling iyon si Maricar at naghanda pa ng babaunin ni Shiela kung sakaling magutom sa biyahe."Hanggang ilang araw ka ro'n?" aniya sa manugang."Hanggang sa mailibing na po si Tanya, 'Ma.""Kaya pala dalawang luggage ang dala mo." Matapos ay tiningnan ang anak. "Kailan ka naman luluawas?""Baka sa makalawa o kung wala ng masiyadong aasikasuhin sa opisina."Matapos ay naglakad na ang dalawa patungo sa kotse kung saan ay naghihintay si Jeric, may dala rin itong luggage."Hindi ko nga pala nasabi sa'yo na sasamahan ka ni Jeric sa Cebu," ani Chris.Hindi na tumanggi si Shiela bilang proteksyon na rin. Mas mapapanatag nga naman siya kung may kasama sa oras na magkaharap sila ni Mario.Inilagay ng driver at ni Jeric ang luggages sa trunk saka sila bumiyahe patungo sa airport.Kahit maaga naman silang umalis ay hindi pa rin naiwasang ma-stuck sa traffic. Ha
BIGLANG nagmanhid ang katawan ni Shiela. Sinasabi ng utak niya na wala na ang kapatid na si Tanya pero... hindi niya maramdaman.Parang nawalan siya ng emosyon habang pinapakinggan ang iyak ni Evelyn sa kabilang linya."K-Kailan po siya namatay, Tita?" iyon lang ang lumabas sa bibig niya sa halip na makisimpatya."Kanina lang, mag-iisang oras na ang lumipas," ani Evelyn na halos hindi na makapagsalita dahil sa labis na pag-iyak.Nagbaba lang ng tingin si Shiela. Talagang hindi pa nagsi-sink in sa kanya ang lahat. "Si Papa po?""Nasa morgue, ako lang ang lumabas dahil hindi ko kayang makita si Tanya na wala ng buhay."Kusa na lamang pumatak ang luha sa mga mata ni Shiela kahit hindi naman siya naiiyak. Parang doon lang tuluyang nagsink-in sa kanya ang lahat.Matapos ay isang mahabang katahimikan ang namayani sa dalawa hanggang sa ibaba na ni Evelyn ang tawag dahil iyak na lamang ito ng iyak.Si Shiela naman sa kabilang dako ay natulala na hanggang sa lumapit si Archie."Mama!" Nagpapap