NAGKATINGINAN ang mag-asawa dahil sa sinabi ng katulong. Biglaan at walang pasabi ang pagdating ni Lucia kaya bumigat pang lalo ang sitwasyon.Pakiramdam ng dalawa ay may dala itong masamang balita o hindi magandang pakay sa kanila."Bababa lang ako," ani Louie sa asawa, saka sumunod sa katulong para harapin ang Ina.Paglabas ng kwarto ay paparating naman si Lucia na may bitbit na pagkarami-raming paper bag. Naging mabilis ang paglalakad ni Louie upang salubungin ito."Hinintay niyo na sana ako sa ibaba, 'Mmy," aniya."Gusto kong makita ang apo ko, para sa kanya 'tong pinamili ko," saad naman ni Lucia saka tuloy-tuloy na nagtungo sa master's bedroom kung nasaan si Zia at ang bata.Naningkit ang mga mata ni Lucia nang makita ang manugang. Ang ayos nito ay hindi kaaya-aya sa paningin. "Louie," tawag niya sa anak. "Mag-isa lang ba si Zia na nag-aalaga sa bata? Ba't ganyan ang ayos niya?"Muling nagkatinginan ang mag-asawa saka mabilis na inayos ni Zia ang sarili sa harap ng biyenan. "Pas
SIMULA ng gabing iyon ay hindi na natulog si Louie sa master's bedroom. Lagi siyang sa study room at sa guest room nagpapalipas ng gabi. Dahil ang malalang relasyon nilang mag-asawa ay mas may ilalala pa pala.Ganoon man ang takbo ng samahan nilang dalawa ay wala pa ring plano si Louie na makipaghiwalay. Kahit pa halos gabi-gabi niyang napapanaginipan na iniwan siya ni Zia.Muli, gaya ng ibang mga gabing nagdaan ay nagising na naman siya sa isang masamang panaginip. Pawis na pawis at hinihingal si Louie nang bumangon sa kama saka nagtungo sa master's bedroom para masigurong naroon sa kama si Zia.Pero wala, ang magulong kumot lang ang nakikita niya. Bigla ay nakaramdam siya ng takot kaya tinawag niya ito, "Zia?"Pero walang sumagot hanggang sa lumabas ito mula sa cloakroom. "Bakit?"Nahigit ni Louie ang sariling hininga saka dahan-dahang huminga. Lumapit siya kay Zia saka ito niyakap nang mahigpit."Ano bang nangyayari?" tanong ni Zia saka pilit kumakawala sa yakap nito.Pinakawalan n
MATAPOS ang maikling speech sa harap ng mga taong naroon sa conference room ay bumalik sa opisina si Louie, kung saan ay nadaanan niya pa si Alice na abala sa pag-aayos ng dokumento.Nakaupo na siya sa swivel chair nang sumunod ang sekretarya saka ibinigay ang resume at application letter ni Kyla. Sinuri niya ito at wala naman siyang nakikitang mali. Maayos ang pag-apply nito."Iisa lang ba ang tumanggap sa mga bagong recruit at sa mga nag-apply for OJT?" tanong ni Louie."Yes, Sir naitawag ko na po kanina sa HR," tugon ni Alice.Muling sinuri ni Louie ang resume ni Kyla kung saan ay may naka-attach pang 2x2 picture.Sa unang tingin talaga ay aakalaing magkamukha ito at si Zia, ngunit para kay Louie ay hindi... magkaibang-magkaiba ang dalawa."Naka-assign siya sa marketing department. Gusto niyo bang ipalipat?" tanong ni Alice dahil nasa kabilang dako lang ng floor ang departamentong iyon.Malaki ang tsansang magkita ang dalawa at baka may makaalam pa na magkakilala ang mga ito."Hind
PAGKAUWI ni Louie sa bahay ay dumiretso siya sa master's bedroom pero wala si Zia. Ang nandoon ay ang kinuha nilang Nanny na magbabantay sa bata."Welcome back po, Sir," bati pa nito habang buhat si Luiza at isinasayaw-sayaw.Hindi pa man nakakalapit si Louie ay pumapadyak-padyak na sa tuwa ang bata ng makita siya. "Luiza~" tawag pa niya sa anak.Humagikhik naman ito sa tuwa at mas lalong naglilikot. Kaya lumapit na si Louie para kargahin ang anak. "Namiss mo si Daddy?" kausap niya pa na tila naiintindihan nito ang kanyang sinasabi. "Si Zia nga pala?" Baling naman niya sa Nanny."Nasa dining area po, Sir kumakain.""Ngayon pa lang siya naghapunan?""Ayaw po kasing magpa-iwan ng bata kanina," paliwanag naman nito.Tiningnan muli ni Louie ang anak. "Totoo, Luiza? Ayaw mong magpaiwan, bakit?" aniya saka ito hinalik-halikan sa pisngi na ikinatawa ng bata.Tila napawing lahat ng pagod ni Louie mula sa trabaho nang marinig ang tawa at masayang mukha ng anak. Kaya imbis na magpalit ng damit
BIGLANG nag-iba ang ekspresyon ni Louie sa sinabi ng Ina. Alam niyang alam na nito kung sino si Kyla at hindi na siya kailangan pang tanungin."Gusto mo bang pag-usapan natin siya ngayon, 'Mmy?" aniya, tila naghahamon.Naningkit ang mga mata ni Lucia saka makahulugang ngumiti. "Hindi na kailangan at hindi naman siya mahalaga, 'di ba? Ang akin lang naman, 'wag mong ulitin ang pagkakamaling nagawa mo noon at baka magaya lang din siya ng pinsan niya," babala pa niya.Napatiim-bagang si Louie dahil alam na niya kung anong ibig nitong sabihin. "Pina-imbestigahan mo na ba siya? Kung oo, I'm sure na alam mong wala kaming relasyon."Pagak na natawa si Lucia. "Pinoprotektahan mo na ba siya ngayon, anak? Bakit, dahil magkahawig sila ni Zia? Nagugustuhan mo na ba ang babaeng 'yun?" akusa niya pa."Hindi dahil si Zia lang ang gusto ko, 'Mmy. Ang akin lang ay 'wag mo nang pakialaman ang ibang taong wala namang ginagawang masama."Mas lumawak ang ngiti sa labi ni Lucia sa sinabi ng anak. Saktong ti
SAMANTALANG si Louie naman ng mga sandaling iyon ay nagmamaneho sa kahabaan ng kalsada, nagpapalipas ng oras bago magpasiyang bumalik sa bahay.Walang direksyon ang pagmamaneho niya at kung saan-saang kalsada lumiliko makaiwas lang sa traffic. Hanggang sa mapadpad siya sa isang tahimik at may kadilimang kalsada. May mga ilaw naman ng poste ngunit sadyang malalayo sa isa't isa.Paliko ang daan kaya binaybay lang niya ang kalsada hanggang sa makita na niya ang labasan. May iilang tao na rin siyang nakikita sa kalsada na naglalakad at isa na roon si Kyla.Dapat ay lalagpasan ito ni Louie ngunit may nagtutulak sa kanyang bagalan ang takbo ng sasakyan. Sa huli ay napagpasiyahan niyang tanungin si Kyla, "Ba't nasa labas ka pa ng ganitong oras?"Pagkabigla ang rumehistro sa mukha ni Kyla nang makita ito. "S-Sir?! Ano pong ginagawa niyo rito?""Ikaw ang tinatanong ko, anong oras na ba't nasa labas ka pa?" Saka pinasadahan ng tingin ang damit ng dalaga. "Galing ka pa sa kompanya?"Humigpit ang
PAGDATING sa Rodriguez hospital ay nakahanda na ang lahat para kay Zia. Diniretso ito sa emergency room habang si Louie ay pinagbawalan na lumapit.Bukod sa staff na inilalayo siya sa lugar ay tanging ang likod lang ng doctor ang nakikita niya, nakaharang din ang kurtina kaya mas lalong nahirapan na makita kung anong nangyayari sa loob."Hindi naman ako lalapit, hayaan niyo lang ako rito," pakiusap ni Louie. "Gusto ko lang na nandito ako."Sa huli ay hinayaan siya ng staff saka bumalik sa counter. Nakatayo lang doon si Louie kahit may bench naman sa malapit.Ang mga taong naroon ay gustong maki-osyuso pero hindi pinansin ni Louie ang nakukuhang atensyon dahil nasa iisang direksyon lang ang tingin, kay Zia.Mayamaya pa ay pinalapit siya ng doctor upang tanungin ng ilang mahahalagang detalye at kung anong mga ininum na gamot ni Zia."Safe na po ba siya, Dok?" balik tanong niya sa halip na sagutin ito."As of now, yes pero kailangan pa namin siyang obserbahan dahil masiyadong mahina ang
HINDI lang ang doctor kung hindi maging si Lucia ay nabigla sa sinabi ng anak. Isang napakabigat na desisyon na kahit maging siya, sa kabila ng poot na nararamdaman kay Zia ay hindi niya pa rin nanaising mapunta ito sa ganoong klaseng lugar. "Louie! Anong sinasabi mo?" react ni Lucia. "Ba't mo ilalagay sa ganoong lugar si Zia? Hindi naman siya nasisiraan ng bait!" Napatiim-bagang si Louie. "Hindi pa ba, 'Mmy? Sa ginawa niya sa sarili niya, sa tingin mo nasa matinong pag-iisip pa siya?" "Mr. Rodriguez, wala pong sakit sa pag-iisip ang asawa niyo. May depression po siya na kailangang unawain at intindihin," sabat naman ng doctor. Natahimik si Louie. Alam na alam naman niya iyon dahil nagtapos siya ng medisina. Pero sadyang, hindi na siya makapag-isip nang maayos sa ginagawa ni Zia. Kung patuloy nitong sasaktan ang sarili ay baka siya itong tuluyang masiraan ng bait. Sa ngayon, ang gusto lang niya ay matigil na ang asawa sa pananakit nito sa sarili. At wala siyang ibang nakikitang p
SA ISANG IGLAP ay tumulo ang luha sa mga mata ni Chantal. Halo-halo ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon pero mas nanaig ang galit at pagkabigo.Pakiramdam niya ay pinagtaksilan siya ni Archie. Oo, siya itong nakipaghiwalay pero ni minsan ay hindi niya kinalantari si Edward o ibang lalake. Ginamit niya man ang binata pero hindi siya humantong sa kahit na anong physical touch.Si Archie mismo ang paulit-ulit na nagsasabing walang namamagitan na relasyon kay Heather pero ano itong nakikita niya ngayon?Sa huli, sa halip na sugurin ang dalawa ay umalis na lamang siya at bumalik sa restaurant. "Excuse po, sa'n dito ang restroom niyo?""A-Ayos lang kayo, Ma'am?" tanong ng waitress sabay turo sa direksyon ng restroom. "Doon banda, Ma'am."Tumango lang si Chantal bilang pasasalamat saka nagmamadaling magtungo roon. Hindi siya pwedeng bumalik sa table na ganoon ang kanyang itsura, paniguradong tatanungin siya ng pamilya kung bakit siya umiiyak.Pumasok siya sa isa sa mga cubicle saka i
BAGO pa man makakilos si Chantal ay binuksan na agad ni Archie ang pinto ng kotse at hinila siya palabas. "S-Sandali, nasasaktan ako!" exaggerated niyang sabi kahit hindi naman ganoon kahigpit ang pagkakahawak nito."Lumabas ka riyan, kanina pa kita tinatawagan pero hindi ka sumasagot!" inis na sabi ni Archie.Nang walang ano-ano ay hinawakan ni Edward ang braso nito. "Pare, nasasaktan mo na ang kapatid mo.""Hindi ko siya kapatid!" sumabog na ng tuluyan si Archie saka tinabig ang kamay nitong nakahawak.Hindi naman nagustuhan ni Edward ang inasal nito kaya lumabas siya sa kotse upang harapin ang binata.Naalarma naman si Chantal, kinakabahan na baka magkagulo ang mga ito kaya lumabas na rin siya sa sasakyan at humarang sa pagitan ng dalawa. "Please, 'wag kayong mag-aaway." Saka hinarap si Archie. "Nanuod lang kami ng movie kaya sorry kung hindi ko napansin ang tawag mo."Para naman walang narinig si Archie at nakipagsukatan pa ng masamang tingin kay Edward. "Sugod," paghahamon pa niy
SA HALIP na sagutin ang tanong ay ngumisi lang si Archie at pagkatapos ay isinubsob ang mukha sa balikat ng dalaga.Hindi naman iyon nagustuhan ni Chantal dahil amoy na amoy niya ang alak sa katawan nito. "Ano ba, ang baho mo!" Saka ito tinulak-tulak.Ngunit hindi natinag si Archie at niyakap lang ito nang mahigpit. "Miss na miss na kita.""Lasing ka na!" reklamo ni Chantal saka pilit kumakawala. Nang matagumpay na maialis ang braso nitong nakapulupot sa kanyang bewang ay agad siyang umalis sa kama. "Umalis ka na bago pa may makapansin." Sabay turo sa pinto.Kumurap-kurap si Archie at sa isang iglap ay bigla na lang sumigaw, "Ba't ganyan ka sa'kin?!"Napasinghap at nataranta si Chantal sa ginawa nito. Natatakot siyang baka marinig ito ng kasama nila sa bahay. Kaya dali-dali siyang lumabas ng kwarto matapos kunin ang phone. Tumakbo siya hanggang sa makababa ng hagdan.Kapag lasing si Archie, kailangan niya lang hindi magpakita para hindi siya kulitin. Dahil kapag hindi siya lumayo ay p
SIMULA ng bumalik si Chantal sa Baguio ay lagi na niyang dinadahilan na busy siya sa tuwing pinapauwi kapag may okasyon. Kung hindi naman ay sinasadya niya talagang wala si Archie, nalalaman niya iyon kapag tinatawagan niya si Asher o hindi kaya si Amber.Sa loob ng limang buwan ay hindi siya umuuwi hanggang sa dumating ang Christmas holiday.Hapon ng araw na iyon ng dumating siya sa bahay. Mahigpit na yakap sa bewang ang sinalubong ng kapatid."Mabuti naman at nandito ka na, Ate! Kanina pa kita hinihintay," excited na sabi ni Amber.Hinaplos naman ni Chantal ang buhok nito. "Sina Mama at Papa?""Si Papa, wala pa pero si Mama ay nasa kitchen, nagluluto."May lumapit naman na katulong at nag-alok na ito na lamang ang mag-aakyat ng bagahe sa kwarto.Hinayaan naman ni Chantal at sumunod kasama ang kapatid. "Si Asher, nasa'n?""Nasa room... Si kuya Archie naman ay hindi pa umuuwi like Papa," tugon ni Amber.Medyo natigilan saglit si Chantal ng banggitin nito ang pangalan ni Archie. Hindi
NAPALUNOK si Chantal habang nakatitig sa Ina. Kulang na nga lang ay mabuwal siya sa labis na kabang nararamdaman."... 'Ma," sambit niya pa rito.Bumuntong-hininga si Shiela saka in-off ang ilaw. "Dis-oras na ng gabi pero nag-iingay kayong dalawa ni Archie. 'Wag niyong hintayin na si Chris ang magising." Pagkatapos ay tumalikod na siya upang lumabas."S-Sandali lang, 'Ma," pigil ni Chantal. "Hindi ba kayo magtatanong?"Lumupaypay ang balikat ni Shiela saka nagsalita ng hindi ito nililingon. "Hindi na kailangan ng tanong, halata naman." Saka sinara ang pinto.Akmang magsasalita at pipigilan pa ito Chantal pero sa huli ay pinili na lamang manahimik. Nanghihina siyang bumalik sa kama at naupo.Ilang minuto siyang natahimik, lumuluha habang iniisip kung anong sunod na gagawin ngayon natuklasan na ang lihim nilang relasyon ni Archie?Ang pag-iyak niyang iyon ay nakatulugan niya hanggang sa magising na halos hindi niya maibuka ang mga mata. Namamaga sa labis na pag-iyak.Nanunuyot din ang l
NANATILING tahimik ng ilang segundo sa kwarto kaya binuksan na ni Shiela ang pinto at tumambad sa kanya ang anak na nakatayo sa malapit. "Si Chantal?" tanong niya nang hindi ito makita, saka pumasok sa loob.Nilibot niya ang paningin sa buong kwarto at nilingon si Archie. "Ba't 'di ka sumasagot, nasaan ang kapatid mo?"Napalingon naman si Archie sa pinto ng banyo nang bumukas ito at lumabas si Chantal na nakatungo.Kumunot-noo naman si Shiela saka nagpalipat-lipat ang tingin sa dalawa. "Ano bang nangyayari sa inyo at ba't kayo nagsisigawan?""Wala lang po 'yun--""Nainis ako," putol ni Archie sa sasabihin ni Chantal. "Kasi naman, ilang beses ko ng sinasabi na kung hindi naman niya gusto ay 'wag siyang basta-bastang um-oo sa mga request niyo."Napasinghap si Shiela sabay baling ng tingin kay Chantal. "Totoo ba? Napilitan ka lang na um-oo na makipag-date kay Edward?""Kilala niyo naman si Chantal, 'Ma. Mahihiya 'yang humindi sa inyo," si Archie ang sumagot.Naikuyom naman ni Chantal ang
BAGO pa makapag-react si Archie ay may dumaan na babaeng customer patungo sa restroom. Kaya nagpigil siya, mariin kinuyom ang kamay. Bakas sa mukha niya ang iritasyon pero nagawa pa rin huminahon. "Sa bahay na natin 'to pag-usapan." Pagkatapos ay nauna nang umalis.Si Chantal naman ay pumasok sa restroom, naghugas ng kamay kahit hindi naman kailangan. Wala lang, gusto lang niyang mapag-isa kahit sandali."Ayos ka lang?" tanong ng babae kanina na dumaan.Tiningnan ito ni Chantal saka malungkot na nginitian, hindi alintana na naluluha siya ng sandaling iyon."Magkakaayos din kayo ng boyfriend mo," patuloy pa ng babae."Salamat." Pagkatapos ay umalis na siya. Pagbalik sa table ay ang malawak na ngiti agad ni Edward ang sumalubong."Ayos ka lang ba?"Natigilan si Chantal dahil pangalawang beses ng may nagtanong sa kanya, ibig sabihin ay mahahalata talaga sa mukha niya na hindi siya totally fine.Pagkatapos ay nilingon niya ang table kung saan nakaupo ang Ina saka si Archie, na masama ang
NABIGLA at napakunot-noo pa si Chris habang nakatingin sa anak. Nagtataka kung bakit ganoon na lang ang reaksyon nito. "Ba't parang gulat na gulat ka?"Kumurap-kurap ang mata si Archie, biglang natauhan. "W-Wala lang po, nabigla lang. Ito ang unang beses na ginawa niyo 'to. Masiyado pa naman kayong over-protective kay Chantal."Naging relax ang ekspresyon ni Chris sa sinabi ng anak. "Well, ayoko rin sa ideya na 'to. Para sa'kin ay walang sinong lalake ang nababagay para sa anak ko."Napalunok ng laway si Archie sa narinig ngunit pinanatiling walang reaksyon ang mukha. "Totoo, walang sino man ang nararapat kay Chantal--"'Dahil akin lang siya.'Iyon ang isinisigaw ng isip ni Archie. "Pero bakit niyo hinayaan, 'Pa?""Iyong isang kaibigan ng Mama mo, nakiusap dahil 'yung tarant*do-- Well, hindi naman talaga siya gano'n, ang sabi pa nga ay matino naman na binata--" Saka umakto na parang nasusuka. "Ang sabi ay nagustuhan ng anak ng kaibigan ni Shiela si Chantal kaya gustong makipag-date."
TUMANGO-TANGO si Chantal sa hiling ng bata. Hindi niya gustong masira ang wish nito. “Hmm… Oo naman, magiging happy family tayo. Forever.” Pag-angat ng tingin kay Archie ay nakatitig din pala ito sa kanya.Ilang segundo silang ganoon hanggang siya na ang unang umiwas ng tingin. Pagkatapos ay tuloy-tuloy na sila sa labas ng bahay.Si Shiela agad ang unang nakapansin sa kanila. “Kanina pa kita hindi nakikita, sa’n ka galing?” aniya habang nakahawak sa balikat nito. “Umiyak ka ba?”“Kasalanan ko, ‘Ma,” agap ni Archie.“Nag-away kayo?”“Wala lang po ‘yun, ‘Ma,” si Chantal ang nagsalita para hindi na lumalim ang usapan. “May fireworks po kayong hinanda?” pag-iiba niya pa ng topic.Tumango lang si Shiela at hindi na masiyadong inalam ang pinagtatalunan ng dalawang anak.Hindi nagtagal ay inaabangan na nila ang fireworks hanggang sa nagsimula na nga.Lahat ay nakatingala sa madilim na langit at pinagmamasdan ang makukulay na paputok. Napapahiyaw pa nga si Amber sa tuwa at pagkabigla sa sunod