HINDI lang ang doctor kung hindi maging si Lucia ay nabigla sa sinabi ng anak. Isang napakabigat na desisyon na kahit maging siya, sa kabila ng poot na nararamdaman kay Zia ay hindi niya pa rin nanaising mapunta ito sa ganoong klaseng lugar. "Louie! Anong sinasabi mo?" react ni Lucia. "Ba't mo ilalagay sa ganoong lugar si Zia? Hindi naman siya nasisiraan ng bait!" Napatiim-bagang si Louie. "Hindi pa ba, 'Mmy? Sa ginawa niya sa sarili niya, sa tingin mo nasa matinong pag-iisip pa siya?" "Mr. Rodriguez, wala pong sakit sa pag-iisip ang asawa niyo. May depression po siya na kailangang unawain at intindihin," sabat naman ng doctor. Natahimik si Louie. Alam na alam naman niya iyon dahil nagtapos siya ng medisina. Pero sadyang, hindi na siya makapag-isip nang maayos sa ginagawa ni Zia. Kung patuloy nitong sasaktan ang sarili ay baka siya itong tuluyang masiraan ng bait. Sa ngayon, ang gusto lang niya ay matigil na ang asawa sa pananakit nito sa sarili. At wala siyang ibang nakikitang p
SIMULA nang umalis si Zia ay malaki ang nagbago sa takbo ng buhay ni Louie kahit hindi man halata.Napapadalas ang pagkakaroon niya ng insomnia. Kung nakakatulog man ay laging laman ng kanyang panaginip si Zia. Napapanaginipan niya ang munting sandaling masaya silang dalawa.Ngunit madalas ay binabangungot siya. Ang masasayang sandali nilang magkasama ni Zia sa panaginip ay nauuwi sa isang nakakatakot na scenario. Naroong nagpapaalam ito at iiwan siya pero madalas ay bigla na lang itong maglalaho na parang bula.Kaya sa araw-araw, kapag papasok sa kompanya ay lagi siyang pagod. Hindi magawang makapag-focus sa trabaho."Sir, ayos lang ba kayo?" tanong ni Alice. Pansin niya ang pagod sa mukha ng amo."I'm fine, dalhan mo na lang ako ng kape," utos ni Louie.Mabigat na napabuntong-hininga si Alice saka umalis. Pagbalik, sa halip na kape ay tsaa ang ibinigay niya. "Ito po ang inumin niyo at pagkatapos ay magpahinga muna kayo."Nagtaas ng matalim na tingin si Louie sa sekretarya. "Kape ang
HABANG wala si Zia ay sinamantala ni Lucia ang pagkakataon na ilapit si Megan sa anak. Aniya, maghihiwalay rin lang naman sina Louie at Zia kaya mas mabuti pang unti-untiin niyang gawan ng paraan para magkalapit ang dalawa.Dahil gusto niya talaga si Megan para kay Louie. Hindi na mahalaga sa kanya ang reputasyon at night-life ng dalaga. Ang importante ay ang magandang benefits na makukuha kung magsasama ang Rodriguez at Lim.At pabor para kay Megan ang nangyayari dahil gusto niya talaga si Louie, hindi na mahalaga kung may anak ito sa iba. Cute naman ang bata at baka sakaling pagdaan ng araw ay magustuhan niya ang bata."Stop, Megan. Kung ano man 'tong ginagawa mo," ani Louie nang muli na namang pumunta ang dalaga sa kompanya.Sa pag-alis ni Zia ay napapadalas ang pagpunta nito sa opisina lalo na sa bahay, kasama ang ina'ng si Lucia.Pagak na natawa si Megan. "What are you talking about? Wala akong ginagawa." Depensa niya sa sarili kahit pa halata sa mukha na may hidden-agenda siya.
TEN MINUTES AGO...Ay nakatanggap ng tawag si Alice habang papunta sa mall. Ang tawag ay mula sa facility kung nasaan si Zia. Ang sabi ng staff ay bigla na lamang nanghina at nawalan ng malay si Zia."Sinusubukan naming tawagan si Mr. Rodriguez pero hindi siya sumasagot kaya sa inyo na po kami tumawag," saad ng staff."Okay at susubukan ko siyang kontakin," ani Alice.Ngunit gaya ng sinabi ng staff ay hindi talaga sumasagot si Louie sa tawag. Dahil madadaanan naman niya ang subdivision bago magtungo sa mall ay dumiretso na siya patungo roon.Pagdating, wala pa man siya sa mismong entrance ng bahay ay narinig na niyang may kung anong nabasag sa loob kasunod ang tili ng kung sino mang nagmamay-ari ng mga boses.Pero hindi na mahalaga kay Alice kung anong komusyon man ang nangyayari sa loob dahil higit na mas importante si Zia."Sir, kanina ko pa kayo tinatawagan pero hindi kayo sumasagot. Si Ma'am Zia po, may nangyari sa kanyang hindi maganda!"Napalingon si Louie, ang galit na nararamd
BINAWI ni Louie ang braso mula sa Ina saka ito hinarap, upang pakinggan ang sasabihin nito. Makailang-beses na kumurap si Lucia, bakas ang kaba sa mukha. "Pwede bang sa ibang lugar o hindi kaya ay sa mansion na--" Walang ano-ano ay naglakad si Louie para bumalik sa facility dahil sa huli, sa kabila ng pagbibigay ng pagkakataon ay hindi pala talaga aamin ang Ina. "Louie!" hiyaw ni Lucia na tinangka pang habulin ang anak at nagawa naman niya itong mapigilan sa damit. Halos magkanda dapa-dapa siya sa pagtakbo. "Inutusan ko lang naman 'yung lalake na bigyan ng gamot si Zia para pabagalin ang pag-recover nito," pag-amin ni Lucia. Lumingon bigla si Louie dahilan para mahila ang kamay nitong nakakapit sa damit. Muntik nang masubsob sa lupa si Lucia, mabuti na lamang at nagawang masuportahan ang sarili gamit ang kamay. Ngumiwi pa nga nang masaktan sa nangyari. "Bakit niyo 'yun ginawa?!" Tumayo nang maayos si Lucia saka galit na hinarap ang anak. "It's for your own good! Dahil alam kong
KINAHAPUNAN ay umuwi sa bahay si Louie matapos ng trabaho. Dumiretso siya sa guest room na pansamantalang inuukupa ni Zia para magpagaling.Pumasok siya sa kwarto habang hinuhubad ang suot na kurbata. "Kamusta?" aniya kay Zia. "May nararamdaman ka bang kakaiba?" Saka binalingan ng tingin ang Nurse.Kaagad naman itong tumayo sa kinauupuan at lumabas ng kwarto upang bigyan sila ng pagkakataong makapag-usap ni Zia na sila lang dalawa.Pagkasara ng pinto ay binalik ni Louie ang tingin kay Zia kung saan ay nakatingin din pala ito sa kanya.Nagtagal ang titig ni Zia nang ilang segundo saka nagtanong, "Bakit mo 'ko binalik dito? 'Yung kasunduan natin, tuparin mo 'yun!" aniya sa namamaos at mahinang boses.Umiling si Louie. "Naisip kong ibalik ka na lang dito dahil mas lalo ka lang mahihirapan do'n. Ang sabi pa sa'kin ng doctor ay gusto mo raw laging mapag-isa at nasa kwarto. Kaya pa'no bubuti ang kondisyon mo kung ganoon lang palagi ang nangyayari? Baka habang patagal nang patagal ang bumags
MAHIGIT isang buwan ang lumipas, naging maayos naman ang buhay ni Zia simula nang tumira kasama ang Ina.Nagi-improve at bumabalik ang dati niyang pangangatawan. Maayos niya na ring naaalagaan ang anak.Kahit hiwalay at wala ng rason para muling mag-usap ni Louie ay hindi ito nakakalimot sa kanila. Araw-araw ay nangungumusta ito.Nagre-reply naman siya kapag si Luiza ang pinag-uusapan pero kapag tungkol sa ibang bagay ay hindi na lamang niya pinapansin. Hindi siya manhid para hindi malaman na gusto nitong makipag-ayos, na muli silang magkabalikan pero hindi na talaga kaya ni Zia ang ganoon.Maayos na ang buhay niya kasama ang Ina at anak. Kaya kapag nauuwi sa ganoon ang usapan sa linya ng cellphone ay pinaprangka na niya si Louie. Hindi naman ito nagagalit at tumatahimik na lamang hanggang sa naging madalang na ang pagtawag at pag-text nito.Hindi na rin naman niya pinapansin pa dahil abala siya sa pamilya at ang planong paglipat sa Cebu.~*~SA ARAW na iyon ay nagtungo si Zia sa past
SAPUL at talagang tinamaan si Louie ng mga binitawang salita ni Zia. Kaya sa halip na kausapin ito ay nanahimik na lamang siya sa puwesto at nagmaneho.Malapit nang lumubog ang araw ng makarating sila sa bahay. Naunang lumabas sa sasakyan si Zia habang nakasunod si Louie.Si Maricar na nasa sala kasama ang Nanny ay napalingon. Bahagyang nabigla nang makitang kasama ng anak si Louie."Gusto niyang makita ang bata," paliwanag ni Zia kahit wala pa namang tinatanong ang Ina.Lumapit naman si Louie upang magbigay-galang kay Maricar na hesitant pa nang una."Nasa kwarto po si Luiza. Gusto niyo pong puntahan, Sir? Natutulog po siya ngayon," saad naman ng Nanny.Tumango lang si Louie saka sumunod sa Nanny na patungo sa kwarto ng bata.Pagkaalis ng dalawa ay nilapitan ni Maricar ang anak. "Akala ko'y si Lindsay ang kasama mo. Dito ba siya maghahapunan?""Uuwi rin agad siya, 'Ma."Tinitigan nang matagal ni Maricar ang anak saka nagtanong, "May nangyari ba?"Umiling si Zia pero kalaunan ay ikinu
SA MGA SUMUNOD na sandali ay pareho silang natahimik habang lumuluha. Lugmok at nakatungo si Chris habang nasa mga mata ang isang kamay. Si Shiela naman ay nakatingala, animo ay kayang ibalik ang luhang pumapatak.Ilang sandali pa ay may dumating na katulong. Kumatok sa bukas na pinto. "S-Sir... tumawag po ang security guard sa may entrance ang sabi ay may kotse pong gustong pumasok para sunduin si Ma'am Shiela.Sumenyas lang si Chris, itinataboy ang katulong kaya agad rin itong tumalima at umalis."Sino 'yung susundo sa'yo?""Tauhan ni Lolo," tugon ni Shiela.Biglang tumayo si Chris saka lumabas ng kwarto habang nanlilisik ang mga mata. Nang mapansin iyon ni Shiela ay bigla na lamang siyang kinabahan.Hinabol niya agad ang asawa pero sa bilis ng paglalakad ni Chris ay hindi niya ito mapigilan. "Sandali lang, Chris!"Sina Zia at Maricar ay nabigla rin nang mabilis itong dumaan habang nakakuyom ang kamay at galit na galit."Pigilan niyo siya!" sigaw ni Shiela nang patungo na sa gate si
PALABAS na ng police station si Shiela nang humarang si Jeric."Anong ginagawa mo? Tumabi ka.""Pero tinatawag po kayo ni Sir--""Naririnig ko pero ayaw ko na siyang kausapin pa," ani Shiela na matalim ang tinging ipinupukol kahit pa bakas ang pagluha."Shiela!" sigaw ni Chris sa loob ng selda."Hoy, tumahimik ka't nakakabulahaw ka sa mga nagtatrabaho," saway ng isang pulis."Sir, baka pwede niyo naman akong palabasin na nang maaga? Kailangan ko lang kausapin ang asawa ko. Ayon siya." Sabay turo.Nang marinig iyon ni Shiela ay dali-dali siyang naglakad paalis sa lugar, na sinundan naman ni Jeric."Sa'n po kayo pupunta?""Uuwi na.""Ihahatid ko na po kayo, sandali lang," ani Jeric saka mabilis na bumalik sa selda. "Sir, gusto ng umuwi ni Ma'am Shiela, ihahatid ko lang po siya," paalam pa niya sa amo.Saka lang natahimik si Chris. "Sige..." aniya kahit gulong-gulo pa rin sa binitawang salita ng asawa. "Magkita na lang tayo mamaya sa mansion."Tumango naman si Jeric saka umalis upang sun
KANINA pa tinitingnan ni Shiela ang screen ng cellphone. Ilang oras na siyang naghihintay pero wala pa ring reply ang asawa kung dumating na ba ito sa Cebu?Malapit ng magtanghali pero wala pa rin siyang balita. Kapag naman tinatawagan niya ay 'cannot be reach'."Shiela," tawag ni Evelyn. "Tara, kumain muna tayo at paniguradong maraming darating mamaya."Tumango lang siya saka itinago ang cellphone sa bulsa. Sinundan niya ito na lumapit kay Rolan na agad napansin ang pananamlay ng anak."Ayos ka lang ba? Masama ba ang pakiramdam mo?"Umiling si Shiela. "Medyo hindi ako nakatulog kagabi," pagdadahilan na lamang niya.Kahit ang totoo ay kung saan-saan na tumatakbo ang isip.'Pa'no kung nagkaproblema ulit sa factory?''Pa'no kung may nangyari nang masama nn wala siyang kaalam-alam?'"Shiela, sigurado ka bang ayos ka lang? Pwede ka naman magpahinga," ani Evelyn.Nasa hapagkainan na sila pero kanina niya pa napapansin na tumutulala ito. Ni hindi na nga nababawasan ang pagkain.Tipid na pag
NAGPALIPAT-LIPAT ang tingin ni Chris sa dalawa. "'Ma, Zia, sa taas po muna kayo at ako nang bahala rito."Ngunit ni isa sa dalawa ay walang kumilos. Sa sinabi ng pulis ay nakaramdam ng takot ang mga ito para kay Chris.Natakot sina Zia at Maricar na muli itong makulong gaya ng nangyari noon."Dito lang kami, anak," ani Maricar na naluluha na nang mga sandaling iyon."Ako rin Kuya. Kung ano man ang sasabihin nila ay makikinig kami."Napabuntong-hininga si Chris. "Please, sundin niyo na lang ako." Mas mapapanatag ang loob niya kung hindi maririnig ng mga ito ang lahat.Pero sadyang matigas ang ulo ng dalawa kaya kahit palubog na ang araw ay sinabi na lamang niyang sasama sa police station upang doon makipag-usap.Hindi na nakasunod ang kapatid at Ina nang umalis siya kasama ang mga pulis. Habang nasa police car ay tumunog ang kanyang cellphone, tumatawag si Louie."Hmm, napatawag ka?""Pauwi na 'ko nang tumawag si Zia, umiiyak habang kinukwento ang nangyari.""Masiyado lang silang nag-a
PINANUOD ni Chris ang footage pero hindi niya nakikilala ang tinutukoy ng pulis. Hinalukay niya ang memorya nang bumisita kanina sa factory pero hindi niya talaga ito namumukhaan."Kate, nakikilala mo ba siya?" aniya sa assistant.Pinagmasdan naman nito ang monitor. "Hindi rin po, Sir pero pamilyar siya sa'kin. Sa tingin ko'y bagong trabahador sa factory.""Alamin mo kung kailan siya natanggap," utos ni Chris saka muling itinuon ang atensyon sa monitor. Ilang segundo siyang tulala na ipinagtaka ng pulis."Sir, ayos lang kayo?"Natauhan naman si Chris saka tumango. "O-Oo, ayos lang."Napansin naman ni Kate na tila distracted o wala ito sa wisyo kaya kinausap niya ito, "Sir, ang mas mabuti pa'y umuwi na muna kayo at magpahinga. Ako na lamang po ang bahala rito.""Hindi, ayos--" hindi na niya natapos ang sasabihin nang tumunog ang cellphone. Kaya kinuha niya mula sa bulsa at nakitang tumatawag ang asawa.Natigilan siya at hindi makuhang sagutin ang tawag hanggang sa tumigil ang pagtunog.
MARIING pinikit ni Chris ang mga mata sa narinig. Hindi niya akalaing sa isang iglap. Ang tatlo sa mga nakasalamuha niya kanina ay wala na ngayon. "Malapit na 'ko," iyon na lang ang nasabi niya saka tinapos ang tawag. Mabuti na lamang at naging maayos naman ang daloy ng trapiko kaya nakarating agad siya, hindi gaya kanina. Tatlong ambulansya at isang fire-truck ang naroon sa factory. Maraming mga manggagawa ang nasa labas at ang ilan ay halatang may mga natamong sugat o galos. Hinanap ng mga mata niya si Kate at si Fernan. "Sir!" Narinig niya ang boses nito sa kumpol ng mga manggagawa. Kaya tumakbo siya palapit at nakita na may nire-revive ang isang rescuer. "Ilan ang bilang ng mga nasaktan?" aniya kay Kate. "Kanina ay nasa fifteen pero may ilan pa pong naiwan sa loob at patuloy na nililigtas." "Nililigtas? Bakit, hindi ba lahat ay nakalabas?" "Nagkasunog at mabilis na kumalat ang apoy. Mabuti na lamang po at naapula bago pa matupok lahat ng gamit sa loob." "Si ku
HABANG bumabiyahe pauwi sa mansion ay nakatanggap ng message si Shiela mula sa asawa.Chris: Kamusta ang araw mo? Ako, kauuwi pa lang.Katabi niya ng mga sandaling iyon si Evelyn na halata ang pagod sa mukha, ang talukap ng mga mata ay bumabagsak na.Shiela: Okay lang, pauwi pa lang kami para maghapunan.Nang mabasa iyon ni Chris ay napahimas siya sa mukha. Hinihintay niyang mag-open up ito sa nangyari at ayaw niyang makahalata ang asawa na mayroon siyang nalalaman.Shiela: Tatawagan sana kita pero katabi ko si Tita, mamaya na lang after ng dinner.Chris: Okay, I'll wait.Nang mabasa iyon ni Shiela ay itinabi na muna niya ang cellphone at baka maistorbo niya si Evelyn na tuluyan nang nakatulog sa kinauupuan.Maging siya ay unti-unti na ring inaantok hanggang sa hindi na namalayang nakarating na pala sila sa mansion. Pagpasok ay agad silang nagtungo sa dining area para kumain."Manang, maglagay pa kayo ng isang pinggan," utos ni Rolan. "Ilagay niyo sa upuan na laging pinupuwestuhan ni
HUMAKBANG palapit si Shiela ngunit hinarangan agad si Rolan."'Wag kang sumama sa kanya, anak."Tipid na pagngiti ang ginawa ni Shiela saka hinawakan ang kamay nito. "'Wag kayong mag-alala, 'Pa. Hindi ako sasama at kakausapin ko lang siya."Lumapit na rin si Evelyn na bakas ang kaba sa mukha. "Sigurado ka ba? Nag-aalala kaming baka may gawin siya sa'yo."Hinaplos ni Shiela ang balikat nito upang ipakita na walang masamang mangyayari sa kanya. "Salamat sa pag-aalala. Kakausapin ko lang siya't babalik agad ako."Hindi na napigilan ni Rolan ang anak at hinatid na lamang ng tingin habang papalayo upang sundan si Mario."'Wag po kayong mag-alala at ako nang bahalang magbantay," saad naman ni Jeric saka sinundan ang mga ito.Paglabas ni Shiela sa funeral homes ay nakita niyang pabalik sa kotse ang matanda."Hindi niyo ba ako narinig? Ang sabi ko'y makikipag-usap lang ako at hindi sasama sa inyo."Sa pagtitig ng matanda ay agad nakaramdam ng kaba si Shiela. Pakiramdam niya ay may mangyayari
MAAGA pa lang ay nakahanda na sa pag-alis si Shiela at ganoon din si Chris na siya mismong maghahatid sa airport.Gising na rin ng mga sandaling iyon si Maricar at naghanda pa ng babaunin ni Shiela kung sakaling magutom sa biyahe."Hanggang ilang araw ka ro'n?" aniya sa manugang."Hanggang sa mailibing na po si Tanya, 'Ma.""Kaya pala dalawang luggage ang dala mo." Matapos ay tiningnan ang anak. "Kailan ka naman luluawas?""Baka sa makalawa o kung wala ng masiyadong aasikasuhin sa opisina."Matapos ay naglakad na ang dalawa patungo sa kotse kung saan ay naghihintay si Jeric, may dala rin itong luggage."Hindi ko nga pala nasabi sa'yo na sasamahan ka ni Jeric sa Cebu," ani Chris.Hindi na tumanggi si Shiela bilang proteksyon na rin. Mas mapapanatag nga naman siya kung may kasama sa oras na magkaharap sila ni Mario.Inilagay ng driver at ni Jeric ang luggages sa trunk saka sila bumiyahe patungo sa airport.Kahit maaga naman silang umalis ay hindi pa rin naiwasang ma-stuck sa traffic. Ha