SAPUL at talagang tinamaan si Louie ng mga binitawang salita ni Zia. Kaya sa halip na kausapin ito ay nanahimik na lamang siya sa puwesto at nagmaneho.Malapit nang lumubog ang araw ng makarating sila sa bahay. Naunang lumabas sa sasakyan si Zia habang nakasunod si Louie.Si Maricar na nasa sala kasama ang Nanny ay napalingon. Bahagyang nabigla nang makitang kasama ng anak si Louie."Gusto niyang makita ang bata," paliwanag ni Zia kahit wala pa namang tinatanong ang Ina.Lumapit naman si Louie upang magbigay-galang kay Maricar na hesitant pa nang una."Nasa kwarto po si Luiza. Gusto niyo pong puntahan, Sir? Natutulog po siya ngayon," saad naman ng Nanny.Tumango lang si Louie saka sumunod sa Nanny na patungo sa kwarto ng bata.Pagkaalis ng dalawa ay nilapitan ni Maricar ang anak. "Akala ko'y si Lindsay ang kasama mo. Dito ba siya maghahapunan?""Uuwi rin agad siya, 'Ma."Tinitigan nang matagal ni Maricar ang anak saka nagtanong, "May nangyari ba?"Umiling si Zia pero kalaunan ay ikinu
NAGTUNGO agad si Louie sa Cebu para puntahan si Zia ngunit wala siyang naabutan. Bakante ang bagong bahay na itinayo sa lupain nito.Sinubukan niya ring kausapin si Lindsay at magtanong kay Patrick pero bigo siyang makakalap ng kahit kaunting impormasyon kung nasaan ang kanyang mag-ina.Kinausap na rin niya si Mrs. Lim pero wala rin itong nalalaman. Pinuntahan na rin niya sa kulungan si Chris para makiusap pero maging ito ay ayaw magsalita.Sa sobrang desperado niyang mahanap ang kanyang mag-ina ay kumuha na siya ng private investigator para alamin kung saang lupalop ng bansa nagpunta ang mga ito.Halos isang buwan ang hinintay niya para malaman ang lokasyon ni Zia. Ngunit ang impormasyon na binigay sa kanya ng investigator ay mas lalo lang nakadagdag problema sa kanya.Ayon sa investigator ay umalis ng bansa si Zia at nagpunta sa Thailand. Kaya mas lalong nahirapan si Louie na mahanap ito ngunit hindi siya sumuko.Ipinahanap niya sa mga tauhan ang kanyang mag-ina maging si Maricar na
SA HALIP na magpunta sa staff room ay dumiretso si Zia patungo sa banyo. Mabilis ang lakad hanggang sa tuluyang manlambot ang tuhod at napakapit sa pader.Pagpasok sa loob ay agad siyang humarap sa sink saka binuksan ang faucet. Gusto lang niyang marinig ang lagaslas ng tubig para okupahin ang isip.Humarap siya sa salamin at pinakatitigan ang sariling repleksyon, nananalangin na sana ay hindi napansin ni Louie ang kabang nararamdaman.Sa totoo lang ay gusto na talaga niyang magtago kanina, taguan ang dating asawa. Pero hindi naman niya pwedeng pabayaan na lamang ang kasamahan na apihin ng customer lalo at wala naman itong nagawang mali.Naghugas siya ng kamay at pagkatapos ay tatlong beses na huminga nang malalim dahil nasisiguro na muli niyang makakaharap si Louie sa oras na bumalik siya sa...Bigla siyang napalingon sa pintuan nang makita si Louie mula sa repleksyon ng salamin na nakasandal sa hamba ng bukas na pinto."A-Anong ginagawa mo rito? Ladies room 'to," aniya na bahagya pa
NAGTANONG si Zia kung bakit sa dinami-rami ng branch ay sa Pilipinas pa siya inilipat.Saka, sa pagkakaalam niya ay wala naman silang branch doon, pero ngayon ay meron na?Ayaw niya mang mag-isip ng kakaiba pero hindi niya maiwasang maghinala na baka may kinalaman dito si Louie. Lalo pa at napakalayo ng sagot ng amo sa naitanong niya. Parang nagdahilan na lamang pero hindi naman talaga iyon ang totoong rason ng kanyang paglipat.Nang makauwi ay dumiretso si Zia sa kwarto kung saan ay naabutan niya ang ina'ng si Maricar na inaantok habang nagbabantay sa natutulog na anak.Tahimik na lumapit si Zia saka ito hinawakan sa balikat. "Lipat na po kayo sa kwarto niyo, 'Ma."Nagising naman si Maricar saka tumayo. "Kamusta ang trabaho?""Ayos lang po, 'Ma.""Nag-nosebleed nga pala kanina si Luiza," pahayag ni Maricar.Nag-alala agad si Zia. "Dinala niyo po ba sa ospital?" Saka naupo sa kama at hinaplos-haplos ang buhok ng anak."Wala tayong pampa-ospital. Ayoko namang gamitin ang perang inipon
SA HALIP na pasiyalan ay ang ospital ang unang pinuntahan nilang mag-ina, mga wala pang isang linggo matapos nilang makabalik ng bansa.Pinasuri agad ni Zia ang anak dahil nagdurugo na naman ang ilong nito. Sa tulong ni Patrick ay hindi naman sila nahirapang magpa-schedule sa doctor na inirekomenda.Matapos ma-examine si Luiza ay bumalik sila sa opisina ni doctor Zapanta. Doon ay sinabi nito na kailangang ma-operahan ang bata sa lalong madaling panahon.Alam naman iyon ni Zia dahil makailang-beses na rin siyang sinabihan ng Thai doctor noon ni Luiza. Pero magpasahanggang ngayon, sa tuwing naiisip na dadaan sa ganoong proseso ang anak sa mura nitong edad ay hindi niya maiwasang maiyak.Nahihirapan siya bilang isang Ina. Na dapat sa ganoong edad ng anak ay ini-enjoy nito ang mga bagay na ginagawa ng isang bata."Mama? Bakit ka iyak?" tanong ni Luiza.Umiling-iling naman si Zia pero patuloy pa ring umaagos ang luha sa mga mata."Ang mas mabuti pa'y ilalabas ko muna ang bata," saad ni Mar
SAMANTALANG ang naiwan na si Louie ay naglakad pabalik sa kotse kung saan ay naghihintay si Alice."Sa'n po kayo galing, Sir? Kanina ko pa kayo hinihintay," anito."Nakita ko si Zia kasama ang anak namin.""Talaga po?" natutuwa nitong saad. "Kamusta po sila?"Sumakay muna sa sasakyan si Louie. "Gusto kong alamin mo ang medical records ni Luiza sa ospital na ito. Ipadala mo sa'kin hanggang mamayang gabi... Bukas na lang pala," biglang bawi ni Louie nang maisip na may anak na nga rin pala si Alice na dapat alagaan.Kaya limitado na lamang ang pinapagawa niyang trabaho at hangga't maaari ay hindi niya ninanakaw ang pahinga nito sa gabi. Ang trabaho sa kompanya ay sa desk lang nito ginagawa at hindi inuuwi sa sariling bahay para naman magkaroon pa ng oras para sa anak.Kaya kumuha na rin siya ng isa pang assistant bukod kay James na ilang taon ng nagtatrabaho sa kanya.Kinabukasan, sa opisina ay natanggap niya ang medical record ni Luiza. Seryosong binabasa ni Louie ang nilalaman ng dokum
MABAGAL at mapagbanta ang tingin ni Zia kay Louie. Buong akala niya, kahit papaano ay nagbago na ito pero ganoon pa rin pala ang ugali nito.Inaakusahan na naman siya ng mga bagay na wala namang basehan at katotohanan. Porke't may nagmalasakit lang, akala na nito ay may kung anong namamagitan sa kanila ng taong iyon."'Wag mo 'kong tinatanong ng ganyan dahil hindi rin kita kinukuwestiyon sa tuwing may kasama kang ibang babae," saad ni Zia. "Saka, ilang beses ko bang ipapaalala sa'yo na hiwalay na tayo?""May mali ba sa tanong ko? Look, Zia... lahat ng bagay may kapalit, wala ng libre sa panahon ngayon. Pure kindness? Oh come on! Sa tingin pa lang ng Francisco na iyon alam ko nang interesado siya sa'yo. Kaya 'wag kang magmaang-maangan. Imposibleng hindi mo 'yun napapansin. Unless... nagte-take advantage ka sa ginagawa niyang pagtulong?""Get out. Umalis ka ngayon sa pamamahay ko, Louie!" galit na saad ni Zia saka itinuro ang pinto."Mama... Papa?" boses ni Luiza na naglalakad palapit s
PABAGSAK na naupo sa sofa si Louie. Nakatukod ang siko sa tuhod at sapo-sapo ng kamay ang noo. Problemado sa binitawang salita ng Ina.At naroon na naman ang takot niyang baka may mangyaring masama kay Zia. Kung pwede nga lang ay ipinahuli na niya ang Ina sa mga awtoridad sa mga kasalanan nito ay ginawa na niya... pero...Hindi niya kaya dahil... umaasa pa rin siyang magbabago ito, na magsisisi sa nagawa at hihingi ng kapatawaran.Ngunit pusong bato talaga si Lucia. Sobrang taas na kahit nakalubog na sa putik ay nanatiling mapagmataas.Ilang minutong nasa ganoong posisyon si Louie na sa tuwing may napapadaang katulong ay hindi malaman kung kakausapin ba siya o hahayaan na lamang?Hanggang sa may naglakas-loob na kumausap, "Sir? Hindi pa po ba kayo magpapahinga? Pasado alas-onse na po ng gabi," saad ng katulong.Saka lang gumalaw si Louie. Tumayo siya at umakyat para magpahinga. Ngunit kahit nasa kama na ay naroon pa rin ang pag-aalala para sa kanyang mag-ina. Sa huli ay hindi siya nak
SA MGA SUMUNOD na sandali ay pareho silang natahimik habang lumuluha. Lugmok at nakatungo si Chris habang nasa mga mata ang isang kamay. Si Shiela naman ay nakatingala, animo ay kayang ibalik ang luhang pumapatak.Ilang sandali pa ay may dumating na katulong. Kumatok sa bukas na pinto. "S-Sir... tumawag po ang security guard sa may entrance ang sabi ay may kotse pong gustong pumasok para sunduin si Ma'am Shiela.Sumenyas lang si Chris, itinataboy ang katulong kaya agad rin itong tumalima at umalis."Sino 'yung susundo sa'yo?""Tauhan ni Lolo," tugon ni Shiela.Biglang tumayo si Chris saka lumabas ng kwarto habang nanlilisik ang mga mata. Nang mapansin iyon ni Shiela ay bigla na lamang siyang kinabahan.Hinabol niya agad ang asawa pero sa bilis ng paglalakad ni Chris ay hindi niya ito mapigilan. "Sandali lang, Chris!"Sina Zia at Maricar ay nabigla rin nang mabilis itong dumaan habang nakakuyom ang kamay at galit na galit."Pigilan niyo siya!" sigaw ni Shiela nang patungo na sa gate si
PALABAS na ng police station si Shiela nang humarang si Jeric."Anong ginagawa mo? Tumabi ka.""Pero tinatawag po kayo ni Sir--""Naririnig ko pero ayaw ko na siyang kausapin pa," ani Shiela na matalim ang tinging ipinupukol kahit pa bakas ang pagluha."Shiela!" sigaw ni Chris sa loob ng selda."Hoy, tumahimik ka't nakakabulahaw ka sa mga nagtatrabaho," saway ng isang pulis."Sir, baka pwede niyo naman akong palabasin na nang maaga? Kailangan ko lang kausapin ang asawa ko. Ayon siya." Sabay turo.Nang marinig iyon ni Shiela ay dali-dali siyang naglakad paalis sa lugar, na sinundan naman ni Jeric."Sa'n po kayo pupunta?""Uuwi na.""Ihahatid ko na po kayo, sandali lang," ani Jeric saka mabilis na bumalik sa selda. "Sir, gusto ng umuwi ni Ma'am Shiela, ihahatid ko lang po siya," paalam pa niya sa amo.Saka lang natahimik si Chris. "Sige..." aniya kahit gulong-gulo pa rin sa binitawang salita ng asawa. "Magkita na lang tayo mamaya sa mansion."Tumango naman si Jeric saka umalis upang sun
KANINA pa tinitingnan ni Shiela ang screen ng cellphone. Ilang oras na siyang naghihintay pero wala pa ring reply ang asawa kung dumating na ba ito sa Cebu?Malapit ng magtanghali pero wala pa rin siyang balita. Kapag naman tinatawagan niya ay 'cannot be reach'."Shiela," tawag ni Evelyn. "Tara, kumain muna tayo at paniguradong maraming darating mamaya."Tumango lang siya saka itinago ang cellphone sa bulsa. Sinundan niya ito na lumapit kay Rolan na agad napansin ang pananamlay ng anak."Ayos ka lang ba? Masama ba ang pakiramdam mo?"Umiling si Shiela. "Medyo hindi ako nakatulog kagabi," pagdadahilan na lamang niya.Kahit ang totoo ay kung saan-saan na tumatakbo ang isip.'Pa'no kung nagkaproblema ulit sa factory?''Pa'no kung may nangyari nang masama nn wala siyang kaalam-alam?'"Shiela, sigurado ka bang ayos ka lang? Pwede ka naman magpahinga," ani Evelyn.Nasa hapagkainan na sila pero kanina niya pa napapansin na tumutulala ito. Ni hindi na nga nababawasan ang pagkain.Tipid na pag
NAGPALIPAT-LIPAT ang tingin ni Chris sa dalawa. "'Ma, Zia, sa taas po muna kayo at ako nang bahala rito."Ngunit ni isa sa dalawa ay walang kumilos. Sa sinabi ng pulis ay nakaramdam ng takot ang mga ito para kay Chris.Natakot sina Zia at Maricar na muli itong makulong gaya ng nangyari noon."Dito lang kami, anak," ani Maricar na naluluha na nang mga sandaling iyon."Ako rin Kuya. Kung ano man ang sasabihin nila ay makikinig kami."Napabuntong-hininga si Chris. "Please, sundin niyo na lang ako." Mas mapapanatag ang loob niya kung hindi maririnig ng mga ito ang lahat.Pero sadyang matigas ang ulo ng dalawa kaya kahit palubog na ang araw ay sinabi na lamang niyang sasama sa police station upang doon makipag-usap.Hindi na nakasunod ang kapatid at Ina nang umalis siya kasama ang mga pulis. Habang nasa police car ay tumunog ang kanyang cellphone, tumatawag si Louie."Hmm, napatawag ka?""Pauwi na 'ko nang tumawag si Zia, umiiyak habang kinukwento ang nangyari.""Masiyado lang silang nag-a
PINANUOD ni Chris ang footage pero hindi niya nakikilala ang tinutukoy ng pulis. Hinalukay niya ang memorya nang bumisita kanina sa factory pero hindi niya talaga ito namumukhaan."Kate, nakikilala mo ba siya?" aniya sa assistant.Pinagmasdan naman nito ang monitor. "Hindi rin po, Sir pero pamilyar siya sa'kin. Sa tingin ko'y bagong trabahador sa factory.""Alamin mo kung kailan siya natanggap," utos ni Chris saka muling itinuon ang atensyon sa monitor. Ilang segundo siyang tulala na ipinagtaka ng pulis."Sir, ayos lang kayo?"Natauhan naman si Chris saka tumango. "O-Oo, ayos lang."Napansin naman ni Kate na tila distracted o wala ito sa wisyo kaya kinausap niya ito, "Sir, ang mas mabuti pa'y umuwi na muna kayo at magpahinga. Ako na lamang po ang bahala rito.""Hindi, ayos--" hindi na niya natapos ang sasabihin nang tumunog ang cellphone. Kaya kinuha niya mula sa bulsa at nakitang tumatawag ang asawa.Natigilan siya at hindi makuhang sagutin ang tawag hanggang sa tumigil ang pagtunog.
MARIING pinikit ni Chris ang mga mata sa narinig. Hindi niya akalaing sa isang iglap. Ang tatlo sa mga nakasalamuha niya kanina ay wala na ngayon. "Malapit na 'ko," iyon na lang ang nasabi niya saka tinapos ang tawag. Mabuti na lamang at naging maayos naman ang daloy ng trapiko kaya nakarating agad siya, hindi gaya kanina. Tatlong ambulansya at isang fire-truck ang naroon sa factory. Maraming mga manggagawa ang nasa labas at ang ilan ay halatang may mga natamong sugat o galos. Hinanap ng mga mata niya si Kate at si Fernan. "Sir!" Narinig niya ang boses nito sa kumpol ng mga manggagawa. Kaya tumakbo siya palapit at nakita na may nire-revive ang isang rescuer. "Ilan ang bilang ng mga nasaktan?" aniya kay Kate. "Kanina ay nasa fifteen pero may ilan pa pong naiwan sa loob at patuloy na nililigtas." "Nililigtas? Bakit, hindi ba lahat ay nakalabas?" "Nagkasunog at mabilis na kumalat ang apoy. Mabuti na lamang po at naapula bago pa matupok lahat ng gamit sa loob." "Si ku
HABANG bumabiyahe pauwi sa mansion ay nakatanggap ng message si Shiela mula sa asawa.Chris: Kamusta ang araw mo? Ako, kauuwi pa lang.Katabi niya ng mga sandaling iyon si Evelyn na halata ang pagod sa mukha, ang talukap ng mga mata ay bumabagsak na.Shiela: Okay lang, pauwi pa lang kami para maghapunan.Nang mabasa iyon ni Chris ay napahimas siya sa mukha. Hinihintay niyang mag-open up ito sa nangyari at ayaw niyang makahalata ang asawa na mayroon siyang nalalaman.Shiela: Tatawagan sana kita pero katabi ko si Tita, mamaya na lang after ng dinner.Chris: Okay, I'll wait.Nang mabasa iyon ni Shiela ay itinabi na muna niya ang cellphone at baka maistorbo niya si Evelyn na tuluyan nang nakatulog sa kinauupuan.Maging siya ay unti-unti na ring inaantok hanggang sa hindi na namalayang nakarating na pala sila sa mansion. Pagpasok ay agad silang nagtungo sa dining area para kumain."Manang, maglagay pa kayo ng isang pinggan," utos ni Rolan. "Ilagay niyo sa upuan na laging pinupuwestuhan ni
HUMAKBANG palapit si Shiela ngunit hinarangan agad si Rolan."'Wag kang sumama sa kanya, anak."Tipid na pagngiti ang ginawa ni Shiela saka hinawakan ang kamay nito. "'Wag kayong mag-alala, 'Pa. Hindi ako sasama at kakausapin ko lang siya."Lumapit na rin si Evelyn na bakas ang kaba sa mukha. "Sigurado ka ba? Nag-aalala kaming baka may gawin siya sa'yo."Hinaplos ni Shiela ang balikat nito upang ipakita na walang masamang mangyayari sa kanya. "Salamat sa pag-aalala. Kakausapin ko lang siya't babalik agad ako."Hindi na napigilan ni Rolan ang anak at hinatid na lamang ng tingin habang papalayo upang sundan si Mario."'Wag po kayong mag-alala at ako nang bahalang magbantay," saad naman ni Jeric saka sinundan ang mga ito.Paglabas ni Shiela sa funeral homes ay nakita niyang pabalik sa kotse ang matanda."Hindi niyo ba ako narinig? Ang sabi ko'y makikipag-usap lang ako at hindi sasama sa inyo."Sa pagtitig ng matanda ay agad nakaramdam ng kaba si Shiela. Pakiramdam niya ay may mangyayari
MAAGA pa lang ay nakahanda na sa pag-alis si Shiela at ganoon din si Chris na siya mismong maghahatid sa airport.Gising na rin ng mga sandaling iyon si Maricar at naghanda pa ng babaunin ni Shiela kung sakaling magutom sa biyahe."Hanggang ilang araw ka ro'n?" aniya sa manugang."Hanggang sa mailibing na po si Tanya, 'Ma.""Kaya pala dalawang luggage ang dala mo." Matapos ay tiningnan ang anak. "Kailan ka naman luluawas?""Baka sa makalawa o kung wala ng masiyadong aasikasuhin sa opisina."Matapos ay naglakad na ang dalawa patungo sa kotse kung saan ay naghihintay si Jeric, may dala rin itong luggage."Hindi ko nga pala nasabi sa'yo na sasamahan ka ni Jeric sa Cebu," ani Chris.Hindi na tumanggi si Shiela bilang proteksyon na rin. Mas mapapanatag nga naman siya kung may kasama sa oras na magkaharap sila ni Mario.Inilagay ng driver at ni Jeric ang luggages sa trunk saka sila bumiyahe patungo sa airport.Kahit maaga naman silang umalis ay hindi pa rin naiwasang ma-stuck sa traffic. Ha