NAGTANONG si Zia kung bakit sa dinami-rami ng branch ay sa Pilipinas pa siya inilipat.Saka, sa pagkakaalam niya ay wala naman silang branch doon, pero ngayon ay meron na?Ayaw niya mang mag-isip ng kakaiba pero hindi niya maiwasang maghinala na baka may kinalaman dito si Louie. Lalo pa at napakalayo ng sagot ng amo sa naitanong niya. Parang nagdahilan na lamang pero hindi naman talaga iyon ang totoong rason ng kanyang paglipat.Nang makauwi ay dumiretso si Zia sa kwarto kung saan ay naabutan niya ang ina'ng si Maricar na inaantok habang nagbabantay sa natutulog na anak.Tahimik na lumapit si Zia saka ito hinawakan sa balikat. "Lipat na po kayo sa kwarto niyo, 'Ma."Nagising naman si Maricar saka tumayo. "Kamusta ang trabaho?""Ayos lang po, 'Ma.""Nag-nosebleed nga pala kanina si Luiza," pahayag ni Maricar.Nag-alala agad si Zia. "Dinala niyo po ba sa ospital?" Saka naupo sa kama at hinaplos-haplos ang buhok ng anak."Wala tayong pampa-ospital. Ayoko namang gamitin ang perang inipon
SA HALIP na pasiyalan ay ang ospital ang unang pinuntahan nilang mag-ina, mga wala pang isang linggo matapos nilang makabalik ng bansa.Pinasuri agad ni Zia ang anak dahil nagdurugo na naman ang ilong nito. Sa tulong ni Patrick ay hindi naman sila nahirapang magpa-schedule sa doctor na inirekomenda.Matapos ma-examine si Luiza ay bumalik sila sa opisina ni doctor Zapanta. Doon ay sinabi nito na kailangang ma-operahan ang bata sa lalong madaling panahon.Alam naman iyon ni Zia dahil makailang-beses na rin siyang sinabihan ng Thai doctor noon ni Luiza. Pero magpasahanggang ngayon, sa tuwing naiisip na dadaan sa ganoong proseso ang anak sa mura nitong edad ay hindi niya maiwasang maiyak.Nahihirapan siya bilang isang Ina. Na dapat sa ganoong edad ng anak ay ini-enjoy nito ang mga bagay na ginagawa ng isang bata."Mama? Bakit ka iyak?" tanong ni Luiza.Umiling-iling naman si Zia pero patuloy pa ring umaagos ang luha sa mga mata."Ang mas mabuti pa'y ilalabas ko muna ang bata," saad ni Mar
SAMANTALANG ang naiwan na si Louie ay naglakad pabalik sa kotse kung saan ay naghihintay si Alice."Sa'n po kayo galing, Sir? Kanina ko pa kayo hinihintay," anito."Nakita ko si Zia kasama ang anak namin.""Talaga po?" natutuwa nitong saad. "Kamusta po sila?"Sumakay muna sa sasakyan si Louie. "Gusto kong alamin mo ang medical records ni Luiza sa ospital na ito. Ipadala mo sa'kin hanggang mamayang gabi... Bukas na lang pala," biglang bawi ni Louie nang maisip na may anak na nga rin pala si Alice na dapat alagaan.Kaya limitado na lamang ang pinapagawa niyang trabaho at hangga't maaari ay hindi niya ninanakaw ang pahinga nito sa gabi. Ang trabaho sa kompanya ay sa desk lang nito ginagawa at hindi inuuwi sa sariling bahay para naman magkaroon pa ng oras para sa anak.Kaya kumuha na rin siya ng isa pang assistant bukod kay James na ilang taon ng nagtatrabaho sa kanya.Kinabukasan, sa opisina ay natanggap niya ang medical record ni Luiza. Seryosong binabasa ni Louie ang nilalaman ng dokum
MABAGAL at mapagbanta ang tingin ni Zia kay Louie. Buong akala niya, kahit papaano ay nagbago na ito pero ganoon pa rin pala ang ugali nito.Inaakusahan na naman siya ng mga bagay na wala namang basehan at katotohanan. Porke't may nagmalasakit lang, akala na nito ay may kung anong namamagitan sa kanila ng taong iyon."'Wag mo 'kong tinatanong ng ganyan dahil hindi rin kita kinukuwestiyon sa tuwing may kasama kang ibang babae," saad ni Zia. "Saka, ilang beses ko bang ipapaalala sa'yo na hiwalay na tayo?""May mali ba sa tanong ko? Look, Zia... lahat ng bagay may kapalit, wala ng libre sa panahon ngayon. Pure kindness? Oh come on! Sa tingin pa lang ng Francisco na iyon alam ko nang interesado siya sa'yo. Kaya 'wag kang magmaang-maangan. Imposibleng hindi mo 'yun napapansin. Unless... nagte-take advantage ka sa ginagawa niyang pagtulong?""Get out. Umalis ka ngayon sa pamamahay ko, Louie!" galit na saad ni Zia saka itinuro ang pinto."Mama... Papa?" boses ni Luiza na naglalakad palapit s
PABAGSAK na naupo sa sofa si Louie. Nakatukod ang siko sa tuhod at sapo-sapo ng kamay ang noo. Problemado sa binitawang salita ng Ina.At naroon na naman ang takot niyang baka may mangyaring masama kay Zia. Kung pwede nga lang ay ipinahuli na niya ang Ina sa mga awtoridad sa mga kasalanan nito ay ginawa na niya... pero...Hindi niya kaya dahil... umaasa pa rin siyang magbabago ito, na magsisisi sa nagawa at hihingi ng kapatawaran.Ngunit pusong bato talaga si Lucia. Sobrang taas na kahit nakalubog na sa putik ay nanatiling mapagmataas.Ilang minutong nasa ganoong posisyon si Louie na sa tuwing may napapadaang katulong ay hindi malaman kung kakausapin ba siya o hahayaan na lamang?Hanggang sa may naglakas-loob na kumausap, "Sir? Hindi pa po ba kayo magpapahinga? Pasado alas-onse na po ng gabi," saad ng katulong.Saka lang gumalaw si Louie. Tumayo siya at umakyat para magpahinga. Ngunit kahit nasa kama na ay naroon pa rin ang pag-aalala para sa kanyang mag-ina. Sa huli ay hindi siya nak
KINAUMAGAHAN ay nagpunta si Zia sa dati nilang mansion na ngayon ay pagmamay-ari at tinitirhan na ni Louie.Hindi na itinuloy ang planong pagpunta sa ospital para patingnan si Luiza dahil muli na namang naging normal ang temperatura nito. Kaya ngayong umaga ay napagdesisyonan na niyang sabihin kay Louie ang kondisyon ng bata.Ngunit ngayong nasa tapat na siya ng gate ay bigla naman siyang naestatuwa. Biglaan ang pagpunta niya at wala man lang pasabi, ni wala nga siyang contact number ni Louie kaya hindi rin niya sigurado kung nasa loob pa ba ito o nasa kompanya na.Ilang sandali pa ay biglang bumukas ang gate at lumabas ang babaeng naka-uniporme na may ngiti sa labi. "Ma'am Zia, kamusta po. Tuloy po kayo sa loob," paanyaya ng katulong.Ito ang unang beses na nakita ni Zia ang babae pero kilala na agad siya nito. Nakakapagtaka ring alam nitong nasa labas siya. Kaya bago pumasok ay napatingin muna si Zia sa itaas ng gate kung may CCTV ba, at meron nga.Kahit ang totoo naman talaga ay in
NAGTAGAL ang tingin ni Zia kay Patrick. Nami-misinterpret nito ang nais niyang ipunto. "Hindi ako makikipagbalikan sa kanya. Wala iyon sa isip ko, Pat." Saglit siyang tumigil para piliin ang tamang salita upang hindi ito mag-react nang masama. "Kontento na 'ko sa buhay ko ngayon. Ang akin lang, gusto kong bigyan ng chance si Louie na maging okay kami bilang magulang ni Luiza. Hindi ko gustong ipagkait ang pagiging ama niya kaya gusto ko na kahit papaano, maging civil kami sa isa't isa. Saka, tatlong taon na ang lumipas... baka sa loob ng mga panahong 'yun ay tuluyan na nga talaga siyang nagbago. Nothing more, nothing less kaya sana, hindi porke't binibigyan ko siya ng pagkakataong mapalapit sa'min ay gusto kong makipagbalikan. Naiintindihan mo naman 'yung ibig kong sabihin, 'di ba? Gusto ko lang ng tahimik na buhay na walang taong kinamumuhian, pagod na 'ko sa gano'n, Pat. Gusto ko na lang siyang patawarin para makapag-move forward na," mahabang paliwanag ni Zia. Napatiim-bagang si P
SA ARAW na iyon ay yakap at kandong ni Zia ang anak habang si Louie ay hawak naman ang munti nitong kamay.Patungo sila ngayon sa Rodriguez hospital para i-confine si Luiza dahil naka-schedule na ang operasyon nito, isang buwan na lang ang kanilang hihintayin para sa preperasyon.May kabang nararamdaman si Zia dahil baka matakot si Luiza, lalo at umaayaw na itong sumama o magpunta sa ospital.Minsan nang nagsabi ang bata na hindi nito gusto sa tuwing kinukuhanan ng dugo para sa check-up."Sa'n tayo punta, 'Ma?" tanong ni Luiza dahil walang nagsabi kung saang lugar sila pupunta.Iniiwasan nilang sabihin dahil aayaw at iiyak lang ang bata kapag nalalaman na sa ospital ang punta.Si Maricar na nakaupo sa tabi ng driver ay napalingon at malungkot na tiningnan ang apo.Nang walang makuhang sagot ang bata ay lumingon ito sa ama."Hulaan mo, baby. Sa'n tayo pupunta?" masiglang tanong ni Louie.Kumurap naman ito saka yumakap nang mahigpit sa Ina. "Playground?"Tipid lang na ngumiti si Louie s
HINAYAAN ni Shiela na yakapin siya ni Chris. Ngunit nang may dumaan na motor ay mabilis pa siya sa alas-kuwatro na kumawala."Kailangan ko nang pumasok sa loob para makapagpahinga na," aniya.Humakbang naman si Chris at akma pang susunod nang lingunin niya. "Sorry pero, hindi ko gustong tumanggap ng kahit sinong bisita ngayon. Bumalik ka na lang sa Manila.""Pero, hindi mo ba narinig ang sinabi ko?"Napabuntong-hininga si Shiela. "Matagal ko nang tanggap na darating ang panahon na matutuon sa iba ang atensyon ni Archie. Na balang-araw ay maga-asawa ka ulit at magkakaroon siya ng step-mom."Seryosong nakatitig si Chris, hindi maproseso ng utak ang sinasabi nito. Hindi niya matanggap na susukuan na lamang ni Shiela ang lahat. "Naririnig mo bang sinasabi mo? Gusto mong mag-asawa ako't magkaroon ng ibang Ina si Archie?!""Anong masama ro'n? Basta maaalagaan nang maayos ang anak ko ay walang problema--""Shiela!" biglang taas ng boses ni Chris. "Hinding-hindi ako magpapakasal sa iba, dahil
MATAGAL bago sinagot ni Chris ang tawag, "Hello, Shiela, napatawag ka?""Totoo ba, na nagpunta riyan si Harry para makita si Lucas?""Oo," tipid na sagot ni Chris.Si Shiela na nakatingin sa salamin at nakikita ang sarili sa repleksyon ay hindi maiwasang mahabag."Bakit hindi mo sinabi sa'kin na magkapatid si Henry at Harry?""Sasabihin ko naman sa'yo pero gusto kong magkausap muna kayo ni Harry dahil iyon ang hiniling niya--""Kahit na! Sinabi mo sana sa'kin, hindi 'yung para akong tanga. Ibang tao ba 'ko sa'yo, Chris para ilihim mo sa'kin ang totoo?" sumbat niya."Hindi gano'n ang intensyon ko--""Kung ganito at mananatiling ganito ang lahat ay mas mabuti pang ituloy na natin ang annulment. Sawang-sawa na 'kong magmukhang tanga. Walang kaalam-alam sa mga nangyayari," ani Shiela."Nang dahil lang kay Harry ay nagkakaganyan ka? 'Wag mo sabihing may gusto ka sa kanya?" pang-aakusa pa ni Chris."Hindi tungkol sa kanya ang ikinasasama ko ng loob! Nasasaktan ako na inililihim mo sa'kin la
LUMIPAS ang mga araw na hindi na nagpupunta sa pastries shop si Harry.Noong una ay binalewala iyon ni Shiela pero habang tumatagal ay napapatanong na rin ang kapwa niya staff."Mukhang natakot ata ang customer natin sa asawa mo," komento ng isa nilang kasamahan na lalake. "Kung ako rin naman siguro ang nasa posisyon niya, paniguradong hindi na 'ko magpapakita--"Pinandilatan sabay siko naman ito ng kasamahan."'Yang bibig mo talaga, daig mo pa babae. Baka lang may inasikaso. Hindi lang naman dito sa shop umiikot ang mundo ng mga tao.""Naks, lalim no'n, a!" pagbibiro pa ng isa."Magsibalik na nga kayo sa trabaho, baka mapagalitan pa tayo ni Manager, kayo rin."Matapos iyong sabihin ng isa nilang kasamahan ay nagkanya-kanya na sa pagtatrabaho ang iba habang naiwan si Cory at Shiela."Ayos ka lang?" ani Cory.Tumango naman si Shiela. "Iniisip ko lang kasi na baka may nangyaring masama sa kanya. Mag-iisang linggo na siyang hindi nagagawi rito.""Concern ka ba sa kanya?""Oo naman, nagin
KAGABI ay nakatanggap siya ng tawag mula kay Benji. Sinabi nito ang tungkol sa totoong pagkatao ni Harry kaya ngayon ay sasadyain niya ito bago man lang umalis.Habang naglalakad ay may mga mangilan-ngilan na taong nakatambay sa labas. Tinitingnan si Chris na bagong dayo."May hinahanap ka, hijo?"Napalingon siya sa nagsalita. Isang matandang lalake na sa tingin niya ay nasa edad limampu pataas.Lumapit naman si Chris para ito ay kausapin. Sinabi niya ang pakay at tinuro naman nito ang daan patungo sa bahay ni Harry."Salamat po," aniya saka nagpatuloy.Ang sabi sa kanya ng matanda ay liliko siya sa maliit na eskinitang makikita sa pagitan ng asul na bahay.Nang gawin niya iyon ay natigilan siya. Sa liit ng eskinita ay halos isang tao lang ang kasiya. Magkaganoon man ay nagpatuloy siya.Hanggang sa marating ang maliit na bahay na halatang pinagtagpi-tagpi na lamang.Kumatok siya nang makailang-beses sa pinto pero walang sumasagot. Napaatras pa tuloy siya saka nagpalinga-linga sa palig
TATLONG ARAW nanatili sa Cebu si Chris at ang bata. Noong una ay masakit pa sa loob ni Shiela na iwan ang dalawa sa apartment dahil buong araw siyang magtatrabaho.Buti na lamang at nagpupunta si Chris kasama ang bata sa pastries shop pagsapit ng hapon. Diretso, tatlong araw nitong ginagawa.Umu-order ng inumin habang ang ibang staff na medyo libre ang oras ay nakikipaglaro sa bata.Na kung minsan pa nga ay tinutukso ng mga ito si Shiela, "Naghiwalay na ba talaga kayo, para namang hindi?""Oo," tipid na tugon ni Shiela dahil abala siya sa paghuhugas ng tasa at platito."Sayang naman kung gano'n. Ang gwapo ng asawa mo, mas magandang lalake kaysa kay Harry."Kunot-noo itong nilingon ni Shiela. "Anong sinasabi mo? Ba't nasali si Harry?"Nagkibit-balikat ito saka umalis.Habang ang isa pang kasamahan ay nanatili at nagkomento rin, "Parang hindi kayo naghiwalay, Ate. Ramdam ko kasing may feelings pa rin sa'yo ang asawa mo," anito dahil mas matanda ng ilang taon si Shiela."Ganyan lang tala
SA EKSPRESYON pa lang ni Chris ay alam na ni Shiela na magkakagulo. Kaya bago pa iyon mangyari ay pumagitna na siya sa dalawa.Asiwa niyang tiningnan si Harry. "Asawa ko nga pala, si Chris. Anak naman namin, si Archie." Sabay turo sa bata na nasa loob ng kotse.Bakas ang pagkabigla sa mukha ni Harry nang balingan nang tingin si Chris. "Hindi ko alam, pasensya na."Nagpalipat-lipat ang tingin ni Shiela sa dalawa hanggang sa lingunin si Cory."Sa tingin ko ay hindi na 'ko tutuloy," aniya."Bakit, may lakad kayo?" sabat naman ni Chris."Magsisimba sana kaming tatlo," tugon ni Shiela saka hinawakan ang kamay nitong kanina pa nakakuyom. Gusto niyang huminahon ang asawa dahil walang ginagawang masama si Harry.Lumambot naman ang tingin ni Chris at pinagsalikop ang kamay nilang dalawa ni Shiela. "Kung gano'n ay ba't 'di tayo magsimbang lahat?"Si Cory na kanina pa nanunuod at nakikiramdam ay pansin ang bigat ng hangin sa paligid simula nang dumating ang asawa ni Shiela. Pero ang mas ipinagta
MALIKOT ang mga mata ni Shiela ng mga sandaling iyon. Kung saan-saan na siya tumitingin dahil hindi niya alam kung anong sasabihin. Naa-awkward na siya sa harap ni Harry at gusto na nga sanang umalis pero nagsasalita pa ito, nagkukuwento ng kung ano-anong hindi na niya nasundan."Kung may gusto kang bilhin na damit ay may maire-recommend akong store na malapit dito. Quality at mura pa," ani Harry.Tumango-tango naman si Shiela. "Okay."Napatitig naman si Harry, ang ngiti sa labi ay biglang naglaho. Pansin na niyang naiilang ito kaya pasimple siyang nagpalinga-linga sa paligid."Ahm... may pupuntahan pa pala ako, nice meeting you ulit," aniya sabay turo sa direksyong hindi naman niya sigurado kung anong meron.Tumango lang si Shiela saka ito sinundan ng tingin habang papalayo. Wala naman siyang ginawang mali pero tila naging snob siya rito.Kaya matapos ang araw na iyon, sa tuwing nagpupunta sa pastries shop si Harry, umo-order ng inumin at cheesecake ay kinakausap niya ito para man la
NAKAUPO at nakasandal si Chris sa pader nang magising. Hindi niya namalayan na nakatulog pala siya sa pagbabantay ng shop.Madilim pa rin ang kalangitan at sobrang tahimik ng paligid. May mga huni ng insekto at alulong ng aso sa hindi kalayuan. Medyo nagmamanhid ang paa niya dahil sa posisyon kaya nag-inat-inat muna siya saka kinuha ang cellphone sa bulsa para tingnan ang oras.Pasado alas-tres ng madaling araw. Dalawang oras din siyang nakatulog sa ganoong posisyon, na hindi niya akalaing magagawa niya, epekto marahil ng alak na nainom.Nang muling tingnan ang cellphone ay may nag-missed calls pala, hindi niya napansin dahil naka-silent mode.Numero ng piloto sa private plane ni Louie. Hindi kasi siya pinayagang makasakay sa eroplano kaya gumawa na ng paraan si Louie upang matulungan siya.Doon lang din niya naalala na isang oras lang ang napag-usapan na maghihintay ang piloto at dapat ay bumalik siya sa tamang oras.Napaisip tuloy siya kung iniwan na ba siya nito, huwag naman sana d
NAKABALIK si Shiela bago pa man magsara ang pastries shop. Naabutan niyang kaunti na lamang ang customer saka nagliligpit na rin ang mga kasamahang staff.Agad siyang tumulong para mapabilis ang paglilinis."Day-off mo pa ngayon," pabirong sita ng staff na si Cory na siyang tumulong sa kanya para makapasok sa shop.Napangiti lang si Shiela saka naalala ang natuklasan ngayong araw. Kahit na planado ang pagtulong nito ay nakikita naman niyang mabait talaga si Cory. Ramdam niyang bukal talaga sa loob nitong tumulong kahit may kapalit."Salamat, a.""Para sa'n?" anito.Umiling siya. "Gusto ko lang magpasalamat sa ginawa mong pagtulong sa'kin noon."Napakunot-noo si Cory at nagtatakang tumingin. "Anong meron? Nagpapasalamat ka na naman sa'kin."Ngumiti lang ulit si Shiela saka pinagpatuloy ang ginagawa.Ilang sandali pa ay wala ng customer at nagpapaalam na ang mga staff na uuwi na. Dahil si Shiela ang maiiwan ay siya na ang tumapos sa paglilinis."Close na po kami ngayong gabi, Ma'am."Iy