PABAGSAK na naupo sa sofa si Louie. Nakatukod ang siko sa tuhod at sapo-sapo ng kamay ang noo. Problemado sa binitawang salita ng Ina.At naroon na naman ang takot niyang baka may mangyaring masama kay Zia. Kung pwede nga lang ay ipinahuli na niya ang Ina sa mga awtoridad sa mga kasalanan nito ay ginawa na niya... pero...Hindi niya kaya dahil... umaasa pa rin siyang magbabago ito, na magsisisi sa nagawa at hihingi ng kapatawaran.Ngunit pusong bato talaga si Lucia. Sobrang taas na kahit nakalubog na sa putik ay nanatiling mapagmataas.Ilang minutong nasa ganoong posisyon si Louie na sa tuwing may napapadaang katulong ay hindi malaman kung kakausapin ba siya o hahayaan na lamang?Hanggang sa may naglakas-loob na kumausap, "Sir? Hindi pa po ba kayo magpapahinga? Pasado alas-onse na po ng gabi," saad ng katulong.Saka lang gumalaw si Louie. Tumayo siya at umakyat para magpahinga. Ngunit kahit nasa kama na ay naroon pa rin ang pag-aalala para sa kanyang mag-ina. Sa huli ay hindi siya nak
KINAUMAGAHAN ay nagpunta si Zia sa dati nilang mansion na ngayon ay pagmamay-ari at tinitirhan na ni Louie.Hindi na itinuloy ang planong pagpunta sa ospital para patingnan si Luiza dahil muli na namang naging normal ang temperatura nito. Kaya ngayong umaga ay napagdesisyonan na niyang sabihin kay Louie ang kondisyon ng bata.Ngunit ngayong nasa tapat na siya ng gate ay bigla naman siyang naestatuwa. Biglaan ang pagpunta niya at wala man lang pasabi, ni wala nga siyang contact number ni Louie kaya hindi rin niya sigurado kung nasa loob pa ba ito o nasa kompanya na.Ilang sandali pa ay biglang bumukas ang gate at lumabas ang babaeng naka-uniporme na may ngiti sa labi. "Ma'am Zia, kamusta po. Tuloy po kayo sa loob," paanyaya ng katulong.Ito ang unang beses na nakita ni Zia ang babae pero kilala na agad siya nito. Nakakapagtaka ring alam nitong nasa labas siya. Kaya bago pumasok ay napatingin muna si Zia sa itaas ng gate kung may CCTV ba, at meron nga.Kahit ang totoo naman talaga ay in
NAGTAGAL ang tingin ni Zia kay Patrick. Nami-misinterpret nito ang nais niyang ipunto. "Hindi ako makikipagbalikan sa kanya. Wala iyon sa isip ko, Pat." Saglit siyang tumigil para piliin ang tamang salita upang hindi ito mag-react nang masama. "Kontento na 'ko sa buhay ko ngayon. Ang akin lang, gusto kong bigyan ng chance si Louie na maging okay kami bilang magulang ni Luiza. Hindi ko gustong ipagkait ang pagiging ama niya kaya gusto ko na kahit papaano, maging civil kami sa isa't isa. Saka, tatlong taon na ang lumipas... baka sa loob ng mga panahong 'yun ay tuluyan na nga talaga siyang nagbago. Nothing more, nothing less kaya sana, hindi porke't binibigyan ko siya ng pagkakataong mapalapit sa'min ay gusto kong makipagbalikan. Naiintindihan mo naman 'yung ibig kong sabihin, 'di ba? Gusto ko lang ng tahimik na buhay na walang taong kinamumuhian, pagod na 'ko sa gano'n, Pat. Gusto ko na lang siyang patawarin para makapag-move forward na," mahabang paliwanag ni Zia. Napatiim-bagang si P
SA ARAW na iyon ay yakap at kandong ni Zia ang anak habang si Louie ay hawak naman ang munti nitong kamay.Patungo sila ngayon sa Rodriguez hospital para i-confine si Luiza dahil naka-schedule na ang operasyon nito, isang buwan na lang ang kanilang hihintayin para sa preperasyon.May kabang nararamdaman si Zia dahil baka matakot si Luiza, lalo at umaayaw na itong sumama o magpunta sa ospital.Minsan nang nagsabi ang bata na hindi nito gusto sa tuwing kinukuhanan ng dugo para sa check-up."Sa'n tayo punta, 'Ma?" tanong ni Luiza dahil walang nagsabi kung saang lugar sila pupunta.Iniiwasan nilang sabihin dahil aayaw at iiyak lang ang bata kapag nalalaman na sa ospital ang punta.Si Maricar na nakaupo sa tabi ng driver ay napalingon at malungkot na tiningnan ang apo.Nang walang makuhang sagot ang bata ay lumingon ito sa ama."Hulaan mo, baby. Sa'n tayo pupunta?" masiglang tanong ni Louie.Kumurap naman ito saka yumakap nang mahigpit sa Ina. "Playground?"Tipid lang na ngumiti si Louie s
BOLTA-BOLTAHING kuryente ang dumaloy sa buong katawan ni Zia matapos dumampi ang labi ni Louie.Ang halik nitong nagbibigay init sa malamig na gabi ay nanunuot at sumasakop sa kanyang sistema. Marahan hanggang sa unti-unting lumalim sa puntong wala na siyang ibang naiisip kundi ang halik nitong nakakalunod at nagbibigay ng kakaibang sensasyon na ngayon na lamang niya muling naramdaman.Ang kamay ni Louie na nasa pisngi ay humahaplos na pababa sa leeg. Si Zia na tuluyan nang nakalimot ay inalay na ang lantad na leeg, pigil ang sariling mapaungol hanggang sa maramdaman ang kamay nitong nagtatangkang alisin ang suot niyang damit."S-Sandali lang, Louie." Saka lumayo.Si Louie na nalalasing pa sa halik ay hinabol ang labi ngunit tuluyan nang hinarang ni Zia ang kamay. "Tigil muna, Louie. 'Wag muna tayong magpadala sa emosyon... Kailangan pa nating magpunta sa ospital, baka naghihintay na sila."Tumagal ang titig ni Louie, tila pinoproseso pa ng utak ang sinabi nito dahil isa lang talaga a
MAY KABIGATAN ang dalang bag ni Zia habang naglalakad sa pasilyo ng ospital. Papunta siya ngayon sa private room ng anak dahil day-off niya at dalawang araw siyang magsi-stay.Nang marating ang kwarto ay sumilip muna siya sa pinto at tiningnan kung anong nangyayari sa loob.Makikitang nakaupo sa kama si Luiza at nanunuod ng paboritong kids show sa tablet. Si Maricar na nasa tabi ng kama ay napalingon nang mapansin na may tao sa labas. "Nandito na si Mama, apo," pahayag niya.Agad namang nabaling ang tingin ng bata kay Zia kaya tuluyan nang pumasok sa loob. "Mama!" tili ni Luiza."Namiss mo ba ako, anak?" ani Zia sabay yakap, maging sa Ina. "Si ate Emelia?" matapos ay hinanap ang caregiver."May binili lang sa labas, babalik din 'yun," tugon ni Maricar. Pagkatapos ay kinuha ang bag saka nagpaalam sa dalawa. "Aalis na 'ko at babalik na lang bukas ng hapon.""Magpahinga kayo nang mabuti, 'Ma," ani Zia saka muling niyakap ang Ina.Mayamaya pa ay bumalik si Emelia pagkaalis ni Maricar. Ngu
ISINUGOD ni Louie ang Ina sa Rodriguez ospital. Doon, napag-alaman niya mula sa doctor na may malubhang sakit ang Ina, cancer."Bakit hindi niyo sinabi agad, 'Mmy?" tanong ni Louie nang magising ang Ina."Anong ginagawa ko rito sa ospital?" naguguluhang tanong ni Lucia saka nagtangkang umalis sa kama.Lumapit agad si Louie para mapigilan ito. "Kailangan niyong mag-stay rito, may sakit kayo at hindi niyo man lang naisip na sabihin sa'kin.""Bakit, concern ka ba? Matapos ng lahat? Pagkatapos mo 'kong away-awayin at kalimutang nanggaling ka sa'kin? Ayoko ng awa mo dahil lang may sakit ako.""Hindi sa gano'n, 'Mmy. Oo, may hindi tayo pagkakaunawaan pero... at the end of the day, you're still my Mother. At hindi ako naaawa sa'yo, mahal kita kaya ako ganito."Iyon ang unang beses na sinabi ni Louie ang napaka-special na salitang iyon. Hindi niya akalaing darating ang araw na masasabi niya ito sa Ina at sa ganoong sitwasyon pa.Kaagad namang nanubig ang mga mata ni Lucia. Matapos marinig ang
FEW DAYS AGO...Isang hapon, matapos umuwi ni Zia matapos ang trabaho ay tinanong siya ni Maricar."Anak... pwede ka bang makausap?"Nagpalit muna si Zia ng damit saka nilapitan ang Ina sa kusina habang nagluluto ito ng hapunan nila."Ano po 'yun, 'Ma?""Napansin ko kasing medyo... nagiging malapit kayo ni Louie. Ramdam kong hindi ka na umiiwas sa kanya."Natigilan si Zia dahil dumating na nga ang araw na kailangan niyang ipagtapat ang tunay na estado ng relasyon nila ni Louie.Hingang malalim ang ginawa niya saka nagkuwento, "Ang totoo, 'Ma... nagkabalikan na kami."Bakas ang kalituhan sa mukha ni Maricar. "Bakit? Pinilit ka ba niya? Nakipagbalikan ka kapalit ng operasyon ni Luiza?"Umiling-iling si Zia. "Hindi po gano'n ang nangyari, 'Ma. Alam kong mahirap paniwalaan pero... nagbago na si Louie. Wala po siyang ginawa, hindi niya 'ko pinilit. Pareho po naming gustong magkabalikan.""Dahil ba kay Luiza? Gusto mo ba siyang bigyan ng kompletong pamilya? Nape-pressure ka na baka hanapin
SA MGA SUMUNOD na sandali ay pareho silang natahimik habang lumuluha. Lugmok at nakatungo si Chris habang nasa mga mata ang isang kamay. Si Shiela naman ay nakatingala, animo ay kayang ibalik ang luhang pumapatak.Ilang sandali pa ay may dumating na katulong. Kumatok sa bukas na pinto. "S-Sir... tumawag po ang security guard sa may entrance ang sabi ay may kotse pong gustong pumasok para sunduin si Ma'am Shiela.Sumenyas lang si Chris, itinataboy ang katulong kaya agad rin itong tumalima at umalis."Sino 'yung susundo sa'yo?""Tauhan ni Lolo," tugon ni Shiela.Biglang tumayo si Chris saka lumabas ng kwarto habang nanlilisik ang mga mata. Nang mapansin iyon ni Shiela ay bigla na lamang siyang kinabahan.Hinabol niya agad ang asawa pero sa bilis ng paglalakad ni Chris ay hindi niya ito mapigilan. "Sandali lang, Chris!"Sina Zia at Maricar ay nabigla rin nang mabilis itong dumaan habang nakakuyom ang kamay at galit na galit."Pigilan niyo siya!" sigaw ni Shiela nang patungo na sa gate si
PALABAS na ng police station si Shiela nang humarang si Jeric."Anong ginagawa mo? Tumabi ka.""Pero tinatawag po kayo ni Sir--""Naririnig ko pero ayaw ko na siyang kausapin pa," ani Shiela na matalim ang tinging ipinupukol kahit pa bakas ang pagluha."Shiela!" sigaw ni Chris sa loob ng selda."Hoy, tumahimik ka't nakakabulahaw ka sa mga nagtatrabaho," saway ng isang pulis."Sir, baka pwede niyo naman akong palabasin na nang maaga? Kailangan ko lang kausapin ang asawa ko. Ayon siya." Sabay turo.Nang marinig iyon ni Shiela ay dali-dali siyang naglakad paalis sa lugar, na sinundan naman ni Jeric."Sa'n po kayo pupunta?""Uuwi na.""Ihahatid ko na po kayo, sandali lang," ani Jeric saka mabilis na bumalik sa selda. "Sir, gusto ng umuwi ni Ma'am Shiela, ihahatid ko lang po siya," paalam pa niya sa amo.Saka lang natahimik si Chris. "Sige..." aniya kahit gulong-gulo pa rin sa binitawang salita ng asawa. "Magkita na lang tayo mamaya sa mansion."Tumango naman si Jeric saka umalis upang sun
KANINA pa tinitingnan ni Shiela ang screen ng cellphone. Ilang oras na siyang naghihintay pero wala pa ring reply ang asawa kung dumating na ba ito sa Cebu?Malapit ng magtanghali pero wala pa rin siyang balita. Kapag naman tinatawagan niya ay 'cannot be reach'."Shiela," tawag ni Evelyn. "Tara, kumain muna tayo at paniguradong maraming darating mamaya."Tumango lang siya saka itinago ang cellphone sa bulsa. Sinundan niya ito na lumapit kay Rolan na agad napansin ang pananamlay ng anak."Ayos ka lang ba? Masama ba ang pakiramdam mo?"Umiling si Shiela. "Medyo hindi ako nakatulog kagabi," pagdadahilan na lamang niya.Kahit ang totoo ay kung saan-saan na tumatakbo ang isip.'Pa'no kung nagkaproblema ulit sa factory?''Pa'no kung may nangyari nang masama nn wala siyang kaalam-alam?'"Shiela, sigurado ka bang ayos ka lang? Pwede ka naman magpahinga," ani Evelyn.Nasa hapagkainan na sila pero kanina niya pa napapansin na tumutulala ito. Ni hindi na nga nababawasan ang pagkain.Tipid na pag
NAGPALIPAT-LIPAT ang tingin ni Chris sa dalawa. "'Ma, Zia, sa taas po muna kayo at ako nang bahala rito."Ngunit ni isa sa dalawa ay walang kumilos. Sa sinabi ng pulis ay nakaramdam ng takot ang mga ito para kay Chris.Natakot sina Zia at Maricar na muli itong makulong gaya ng nangyari noon."Dito lang kami, anak," ani Maricar na naluluha na nang mga sandaling iyon."Ako rin Kuya. Kung ano man ang sasabihin nila ay makikinig kami."Napabuntong-hininga si Chris. "Please, sundin niyo na lang ako." Mas mapapanatag ang loob niya kung hindi maririnig ng mga ito ang lahat.Pero sadyang matigas ang ulo ng dalawa kaya kahit palubog na ang araw ay sinabi na lamang niyang sasama sa police station upang doon makipag-usap.Hindi na nakasunod ang kapatid at Ina nang umalis siya kasama ang mga pulis. Habang nasa police car ay tumunog ang kanyang cellphone, tumatawag si Louie."Hmm, napatawag ka?""Pauwi na 'ko nang tumawag si Zia, umiiyak habang kinukwento ang nangyari.""Masiyado lang silang nag-a
PINANUOD ni Chris ang footage pero hindi niya nakikilala ang tinutukoy ng pulis. Hinalukay niya ang memorya nang bumisita kanina sa factory pero hindi niya talaga ito namumukhaan."Kate, nakikilala mo ba siya?" aniya sa assistant.Pinagmasdan naman nito ang monitor. "Hindi rin po, Sir pero pamilyar siya sa'kin. Sa tingin ko'y bagong trabahador sa factory.""Alamin mo kung kailan siya natanggap," utos ni Chris saka muling itinuon ang atensyon sa monitor. Ilang segundo siyang tulala na ipinagtaka ng pulis."Sir, ayos lang kayo?"Natauhan naman si Chris saka tumango. "O-Oo, ayos lang."Napansin naman ni Kate na tila distracted o wala ito sa wisyo kaya kinausap niya ito, "Sir, ang mas mabuti pa'y umuwi na muna kayo at magpahinga. Ako na lamang po ang bahala rito.""Hindi, ayos--" hindi na niya natapos ang sasabihin nang tumunog ang cellphone. Kaya kinuha niya mula sa bulsa at nakitang tumatawag ang asawa.Natigilan siya at hindi makuhang sagutin ang tawag hanggang sa tumigil ang pagtunog.
MARIING pinikit ni Chris ang mga mata sa narinig. Hindi niya akalaing sa isang iglap. Ang tatlo sa mga nakasalamuha niya kanina ay wala na ngayon. "Malapit na 'ko," iyon na lang ang nasabi niya saka tinapos ang tawag. Mabuti na lamang at naging maayos naman ang daloy ng trapiko kaya nakarating agad siya, hindi gaya kanina. Tatlong ambulansya at isang fire-truck ang naroon sa factory. Maraming mga manggagawa ang nasa labas at ang ilan ay halatang may mga natamong sugat o galos. Hinanap ng mga mata niya si Kate at si Fernan. "Sir!" Narinig niya ang boses nito sa kumpol ng mga manggagawa. Kaya tumakbo siya palapit at nakita na may nire-revive ang isang rescuer. "Ilan ang bilang ng mga nasaktan?" aniya kay Kate. "Kanina ay nasa fifteen pero may ilan pa pong naiwan sa loob at patuloy na nililigtas." "Nililigtas? Bakit, hindi ba lahat ay nakalabas?" "Nagkasunog at mabilis na kumalat ang apoy. Mabuti na lamang po at naapula bago pa matupok lahat ng gamit sa loob." "Si ku
HABANG bumabiyahe pauwi sa mansion ay nakatanggap ng message si Shiela mula sa asawa.Chris: Kamusta ang araw mo? Ako, kauuwi pa lang.Katabi niya ng mga sandaling iyon si Evelyn na halata ang pagod sa mukha, ang talukap ng mga mata ay bumabagsak na.Shiela: Okay lang, pauwi pa lang kami para maghapunan.Nang mabasa iyon ni Chris ay napahimas siya sa mukha. Hinihintay niyang mag-open up ito sa nangyari at ayaw niyang makahalata ang asawa na mayroon siyang nalalaman.Shiela: Tatawagan sana kita pero katabi ko si Tita, mamaya na lang after ng dinner.Chris: Okay, I'll wait.Nang mabasa iyon ni Shiela ay itinabi na muna niya ang cellphone at baka maistorbo niya si Evelyn na tuluyan nang nakatulog sa kinauupuan.Maging siya ay unti-unti na ring inaantok hanggang sa hindi na namalayang nakarating na pala sila sa mansion. Pagpasok ay agad silang nagtungo sa dining area para kumain."Manang, maglagay pa kayo ng isang pinggan," utos ni Rolan. "Ilagay niyo sa upuan na laging pinupuwestuhan ni
HUMAKBANG palapit si Shiela ngunit hinarangan agad si Rolan."'Wag kang sumama sa kanya, anak."Tipid na pagngiti ang ginawa ni Shiela saka hinawakan ang kamay nito. "'Wag kayong mag-alala, 'Pa. Hindi ako sasama at kakausapin ko lang siya."Lumapit na rin si Evelyn na bakas ang kaba sa mukha. "Sigurado ka ba? Nag-aalala kaming baka may gawin siya sa'yo."Hinaplos ni Shiela ang balikat nito upang ipakita na walang masamang mangyayari sa kanya. "Salamat sa pag-aalala. Kakausapin ko lang siya't babalik agad ako."Hindi na napigilan ni Rolan ang anak at hinatid na lamang ng tingin habang papalayo upang sundan si Mario."'Wag po kayong mag-alala at ako nang bahalang magbantay," saad naman ni Jeric saka sinundan ang mga ito.Paglabas ni Shiela sa funeral homes ay nakita niyang pabalik sa kotse ang matanda."Hindi niyo ba ako narinig? Ang sabi ko'y makikipag-usap lang ako at hindi sasama sa inyo."Sa pagtitig ng matanda ay agad nakaramdam ng kaba si Shiela. Pakiramdam niya ay may mangyayari
MAAGA pa lang ay nakahanda na sa pag-alis si Shiela at ganoon din si Chris na siya mismong maghahatid sa airport.Gising na rin ng mga sandaling iyon si Maricar at naghanda pa ng babaunin ni Shiela kung sakaling magutom sa biyahe."Hanggang ilang araw ka ro'n?" aniya sa manugang."Hanggang sa mailibing na po si Tanya, 'Ma.""Kaya pala dalawang luggage ang dala mo." Matapos ay tiningnan ang anak. "Kailan ka naman luluawas?""Baka sa makalawa o kung wala ng masiyadong aasikasuhin sa opisina."Matapos ay naglakad na ang dalawa patungo sa kotse kung saan ay naghihintay si Jeric, may dala rin itong luggage."Hindi ko nga pala nasabi sa'yo na sasamahan ka ni Jeric sa Cebu," ani Chris.Hindi na tumanggi si Shiela bilang proteksyon na rin. Mas mapapanatag nga naman siya kung may kasama sa oras na magkaharap sila ni Mario.Inilagay ng driver at ni Jeric ang luggages sa trunk saka sila bumiyahe patungo sa airport.Kahit maaga naman silang umalis ay hindi pa rin naiwasang ma-stuck sa traffic. Ha