MAY KABIGATAN ang dalang bag ni Zia habang naglalakad sa pasilyo ng ospital. Papunta siya ngayon sa private room ng anak dahil day-off niya at dalawang araw siyang magsi-stay.Nang marating ang kwarto ay sumilip muna siya sa pinto at tiningnan kung anong nangyayari sa loob.Makikitang nakaupo sa kama si Luiza at nanunuod ng paboritong kids show sa tablet. Si Maricar na nasa tabi ng kama ay napalingon nang mapansin na may tao sa labas. "Nandito na si Mama, apo," pahayag niya.Agad namang nabaling ang tingin ng bata kay Zia kaya tuluyan nang pumasok sa loob. "Mama!" tili ni Luiza."Namiss mo ba ako, anak?" ani Zia sabay yakap, maging sa Ina. "Si ate Emelia?" matapos ay hinanap ang caregiver."May binili lang sa labas, babalik din 'yun," tugon ni Maricar. Pagkatapos ay kinuha ang bag saka nagpaalam sa dalawa. "Aalis na 'ko at babalik na lang bukas ng hapon.""Magpahinga kayo nang mabuti, 'Ma," ani Zia saka muling niyakap ang Ina.Mayamaya pa ay bumalik si Emelia pagkaalis ni Maricar. Ngu
ISINUGOD ni Louie ang Ina sa Rodriguez ospital. Doon, napag-alaman niya mula sa doctor na may malubhang sakit ang Ina, cancer."Bakit hindi niyo sinabi agad, 'Mmy?" tanong ni Louie nang magising ang Ina."Anong ginagawa ko rito sa ospital?" naguguluhang tanong ni Lucia saka nagtangkang umalis sa kama.Lumapit agad si Louie para mapigilan ito. "Kailangan niyong mag-stay rito, may sakit kayo at hindi niyo man lang naisip na sabihin sa'kin.""Bakit, concern ka ba? Matapos ng lahat? Pagkatapos mo 'kong away-awayin at kalimutang nanggaling ka sa'kin? Ayoko ng awa mo dahil lang may sakit ako.""Hindi sa gano'n, 'Mmy. Oo, may hindi tayo pagkakaunawaan pero... at the end of the day, you're still my Mother. At hindi ako naaawa sa'yo, mahal kita kaya ako ganito."Iyon ang unang beses na sinabi ni Louie ang napaka-special na salitang iyon. Hindi niya akalaing darating ang araw na masasabi niya ito sa Ina at sa ganoong sitwasyon pa.Kaagad namang nanubig ang mga mata ni Lucia. Matapos marinig ang
FEW DAYS AGO...Isang hapon, matapos umuwi ni Zia matapos ang trabaho ay tinanong siya ni Maricar."Anak... pwede ka bang makausap?"Nagpalit muna si Zia ng damit saka nilapitan ang Ina sa kusina habang nagluluto ito ng hapunan nila."Ano po 'yun, 'Ma?""Napansin ko kasing medyo... nagiging malapit kayo ni Louie. Ramdam kong hindi ka na umiiwas sa kanya."Natigilan si Zia dahil dumating na nga ang araw na kailangan niyang ipagtapat ang tunay na estado ng relasyon nila ni Louie.Hingang malalim ang ginawa niya saka nagkuwento, "Ang totoo, 'Ma... nagkabalikan na kami."Bakas ang kalituhan sa mukha ni Maricar. "Bakit? Pinilit ka ba niya? Nakipagbalikan ka kapalit ng operasyon ni Luiza?"Umiling-iling si Zia. "Hindi po gano'n ang nangyari, 'Ma. Alam kong mahirap paniwalaan pero... nagbago na si Louie. Wala po siyang ginawa, hindi niya 'ko pinilit. Pareho po naming gustong magkabalikan.""Dahil ba kay Luiza? Gusto mo ba siyang bigyan ng kompletong pamilya? Nape-pressure ka na baka hanapin
MALALIM at nakakalunod ang halik na kanilang pinagsasaluhan. Ang braso ni Zia ay nakapulupot na sa batok nito. At sa isang galaw ay binuhat ni Louie ang asawa saka naupo sa sofa habang inupo naman niya ito sa kanyang kandungan.Pareho na silang naghahabol ng hininga nang magtangka si Louie na hubaran ang asawa--Katok sa pinto ang nagpatigil sa dalawa. "Sir, nandito na po ang lunch niyo.""Nasa labas si Alice," ani Zia na akmang tatayo nang yakapin ni Louie sa bewang para mapigilan.Pagkatapos ay kinuha sa bulsa ang cellphone para tawagan ang sekretarya. Nakarinig sila ng ringtone mula sa labas."Mamaya ko na kukunin ang pagkain namin," ani Louie na agad hinampas ng asawa sa balikat."Ano ka ba, baka kung anong isipin niya," bulong ni Zia."At bakit? Kala ko ba gutom na kayo? Naku, naku, Louie. Alam ko na 'yang ginagawa mo. Pakainin mo muna si Zia bago siya ang kainin mo," ani Alice mula sa kabilang linya na nasa labas lang naman ng opisina.Nang marinig ni Zia ang sinabi ng sekretary
DUMIDILIM na nang makaalis ang mag-asawa. Kahit tahimik lang si Louie na nagmamaneho ay ramdam ni Zia na magaan ang pakiramdam nito. At dahil iyon sa nakapag-usap saka nagkapatawaran na ang mag-ama. "Kamusta ang pag-uusap niyo?" tanong ni Zia. Tumango sabay ngiti si Louie. "Ayos lang, gumaan ang pakiramdam ko." Napangiti rin sa narinig si Zia. "Sana, makilala rin ni Luiza ang Lolo niya." "Nasabi ko kay Daddy ang tungkol kay Luiza at ang sabi ay gusto niyang makita ang anak natin... Saka, Zia... 'pag tapos ng operasyon, gusto ko sanang sa mansion na kayo tumira ni Mama. Naisip kong baka namimiss na niya ang dating lugar." "Sasabihin ko sa kanya, I'm sure, matutuwa si Mama na muling tumira sa mansion," ani Zia. Mayamaya pa ay naramdaman ang kamay ni Louie na hinawakan ang kanya, pinagsalikop na tila walang balak bumitaw. "Ihahatid na kita pauwi pero Zia... pwede bang sa mansion ka na matulog? Samahan mo 'ko, gusto pa kitang makasaman ng matagal." Mabagal ang paglingong ginawa ni
MAGKASUNOD na araw ang operasyon ng mag-lola. Mauuna si Lucia kaya talagang sinusulit nito ang bawat sandali na kasama ang mga mahal sa buhay.Halos araw-araw ay may nagpupunta sa private room para mangamusta. Si Wilbert ay bumisita na rin noong nakaraan at muling magpupunta sa araw ng operasyon."Sa susunod na araw na ang operation ko," bulong ni Lucia habang nasa kama.Si Louie na nasa sofa na nakatutok sa laptop, abala sa trabaho ay nag-angat ng tingin sa Ina. "You don't have to worry, 'Mmy. Magiging successful ang operasyon niyo.""I know, pero hindi ko lang maiwasan na mag-alala at kabahan.""I understand--"Katok sa pinto ang nagpatigil kay Louie. Pagbukas ng pinto ay pumasok si Zia na hawak ang munting kamay ng anak na naka-hospital gown pa."Papa~" ani Luiza nang makita ang ama saka binitawan ang kamay ng Ina at patakbong nilapitan si Louie sabay yakap."Hello, 'Ma," ani Zia. "Gusto kayong makita ni Luiza kaya dinala ko rito."Ngumiti naman si Lucia. "Gano'n ba? Sige nga, come
PAGKATAPOS ng libing ay agad ng pinalipat ni Louie sina Zia sa mansion. Kahit nagluluksa pa sa pagkamatay ni Lucia ay kailangan pa rin nilang magpatuloy sa buhay.Kailangan pa rin ni Louie na magpatuloy para sa mga naiwan sa buhay lalo na sa anak. Na naging matagumpay ang operasyon at nagpapagaling na lamang sa ospital.At dahil hindi na gaanong abala sa kanya-kanyang gawain at trabaho ay naisipan ni Zia na bisitahin ang kapatid kasama si Maricar.Pagdating sa kulungan ay naghintay sila ng ilang sandali para kay Chris. Pagpasok na pagpasok nito ay agad sinalubong ni Zia ng yakap ang kapatid.Habang si Maricar ay naghintay na lamang sa may table."Mabuti at napadalaw ulit kayo," ani Chris, na gumanti rin nang mahigpit na yakap. "Kamusta ang pamangkin ko?""Sorry, Kuya at ngayon na lang din ulit kami nakadalaw gawa ng maraming inaasikaso. Naging abala rin kami sa libing saka sa paglipat sa mansion. Si Luiza naman ay nagpapagaling na mula sa operasyon.""Nabalitaan ko nga ang nangyari ka
ISANG UMAGA habang nasa pastries shop para magtrabaho ay napansin ni Zia na tulala at nakapangalumbaba ang kaibigan. Kaya nilapitan niya si Lindsay at tinanong, "Anong iniisip mo?""'Yung monthsary namin, wala pa 'kong naiisip na gift. Si Arnold na lang laging nagbibigay kaya ito, tinatablan na 'ko ng hiya," tugon ni Lindsay na nakatulala pa rin. "Ano bang magandang ibigay?" Sabay lingon sa kaibigan."Hindi ko rin alam, mahirap magbigay ng regalo sa mga taong meron na ang lahat.""Exactly! Every month na lang akong nahihirapan mag-isip, nagmumukha na siyang sugar daddy sa kabibigay sa'kin ng kung ano-ano kahit wala namang occassion... Pero hindi ako nagrereklamo, a? Gusto ko nga 'yung nasu-surprise pero this time, gusto ko namang magbigay rin para fair."Naningkit ang mata ni Zia at napanguso, nag-iisip kung paano matutulungan ang kaibigan. "Ang hirap naman mag-isip."Napangisi si Lindsay at makahulugang tumingin. "Ang hirap talaga maging disney princess," aniya saka hinawi-hawi ang b
SA MGA SUMUNOD na sandali ay pareho silang natahimik habang lumuluha. Lugmok at nakatungo si Chris habang nasa mga mata ang isang kamay. Si Shiela naman ay nakatingala, animo ay kayang ibalik ang luhang pumapatak.Ilang sandali pa ay may dumating na katulong. Kumatok sa bukas na pinto. "S-Sir... tumawag po ang security guard sa may entrance ang sabi ay may kotse pong gustong pumasok para sunduin si Ma'am Shiela.Sumenyas lang si Chris, itinataboy ang katulong kaya agad rin itong tumalima at umalis."Sino 'yung susundo sa'yo?""Tauhan ni Lolo," tugon ni Shiela.Biglang tumayo si Chris saka lumabas ng kwarto habang nanlilisik ang mga mata. Nang mapansin iyon ni Shiela ay bigla na lamang siyang kinabahan.Hinabol niya agad ang asawa pero sa bilis ng paglalakad ni Chris ay hindi niya ito mapigilan. "Sandali lang, Chris!"Sina Zia at Maricar ay nabigla rin nang mabilis itong dumaan habang nakakuyom ang kamay at galit na galit."Pigilan niyo siya!" sigaw ni Shiela nang patungo na sa gate si
PALABAS na ng police station si Shiela nang humarang si Jeric."Anong ginagawa mo? Tumabi ka.""Pero tinatawag po kayo ni Sir--""Naririnig ko pero ayaw ko na siyang kausapin pa," ani Shiela na matalim ang tinging ipinupukol kahit pa bakas ang pagluha."Shiela!" sigaw ni Chris sa loob ng selda."Hoy, tumahimik ka't nakakabulahaw ka sa mga nagtatrabaho," saway ng isang pulis."Sir, baka pwede niyo naman akong palabasin na nang maaga? Kailangan ko lang kausapin ang asawa ko. Ayon siya." Sabay turo.Nang marinig iyon ni Shiela ay dali-dali siyang naglakad paalis sa lugar, na sinundan naman ni Jeric."Sa'n po kayo pupunta?""Uuwi na.""Ihahatid ko na po kayo, sandali lang," ani Jeric saka mabilis na bumalik sa selda. "Sir, gusto ng umuwi ni Ma'am Shiela, ihahatid ko lang po siya," paalam pa niya sa amo.Saka lang natahimik si Chris. "Sige..." aniya kahit gulong-gulo pa rin sa binitawang salita ng asawa. "Magkita na lang tayo mamaya sa mansion."Tumango naman si Jeric saka umalis upang sun
KANINA pa tinitingnan ni Shiela ang screen ng cellphone. Ilang oras na siyang naghihintay pero wala pa ring reply ang asawa kung dumating na ba ito sa Cebu?Malapit ng magtanghali pero wala pa rin siyang balita. Kapag naman tinatawagan niya ay 'cannot be reach'."Shiela," tawag ni Evelyn. "Tara, kumain muna tayo at paniguradong maraming darating mamaya."Tumango lang siya saka itinago ang cellphone sa bulsa. Sinundan niya ito na lumapit kay Rolan na agad napansin ang pananamlay ng anak."Ayos ka lang ba? Masama ba ang pakiramdam mo?"Umiling si Shiela. "Medyo hindi ako nakatulog kagabi," pagdadahilan na lamang niya.Kahit ang totoo ay kung saan-saan na tumatakbo ang isip.'Pa'no kung nagkaproblema ulit sa factory?''Pa'no kung may nangyari nang masama nn wala siyang kaalam-alam?'"Shiela, sigurado ka bang ayos ka lang? Pwede ka naman magpahinga," ani Evelyn.Nasa hapagkainan na sila pero kanina niya pa napapansin na tumutulala ito. Ni hindi na nga nababawasan ang pagkain.Tipid na pag
NAGPALIPAT-LIPAT ang tingin ni Chris sa dalawa. "'Ma, Zia, sa taas po muna kayo at ako nang bahala rito."Ngunit ni isa sa dalawa ay walang kumilos. Sa sinabi ng pulis ay nakaramdam ng takot ang mga ito para kay Chris.Natakot sina Zia at Maricar na muli itong makulong gaya ng nangyari noon."Dito lang kami, anak," ani Maricar na naluluha na nang mga sandaling iyon."Ako rin Kuya. Kung ano man ang sasabihin nila ay makikinig kami."Napabuntong-hininga si Chris. "Please, sundin niyo na lang ako." Mas mapapanatag ang loob niya kung hindi maririnig ng mga ito ang lahat.Pero sadyang matigas ang ulo ng dalawa kaya kahit palubog na ang araw ay sinabi na lamang niyang sasama sa police station upang doon makipag-usap.Hindi na nakasunod ang kapatid at Ina nang umalis siya kasama ang mga pulis. Habang nasa police car ay tumunog ang kanyang cellphone, tumatawag si Louie."Hmm, napatawag ka?""Pauwi na 'ko nang tumawag si Zia, umiiyak habang kinukwento ang nangyari.""Masiyado lang silang nag-a
PINANUOD ni Chris ang footage pero hindi niya nakikilala ang tinutukoy ng pulis. Hinalukay niya ang memorya nang bumisita kanina sa factory pero hindi niya talaga ito namumukhaan."Kate, nakikilala mo ba siya?" aniya sa assistant.Pinagmasdan naman nito ang monitor. "Hindi rin po, Sir pero pamilyar siya sa'kin. Sa tingin ko'y bagong trabahador sa factory.""Alamin mo kung kailan siya natanggap," utos ni Chris saka muling itinuon ang atensyon sa monitor. Ilang segundo siyang tulala na ipinagtaka ng pulis."Sir, ayos lang kayo?"Natauhan naman si Chris saka tumango. "O-Oo, ayos lang."Napansin naman ni Kate na tila distracted o wala ito sa wisyo kaya kinausap niya ito, "Sir, ang mas mabuti pa'y umuwi na muna kayo at magpahinga. Ako na lamang po ang bahala rito.""Hindi, ayos--" hindi na niya natapos ang sasabihin nang tumunog ang cellphone. Kaya kinuha niya mula sa bulsa at nakitang tumatawag ang asawa.Natigilan siya at hindi makuhang sagutin ang tawag hanggang sa tumigil ang pagtunog.
MARIING pinikit ni Chris ang mga mata sa narinig. Hindi niya akalaing sa isang iglap. Ang tatlo sa mga nakasalamuha niya kanina ay wala na ngayon. "Malapit na 'ko," iyon na lang ang nasabi niya saka tinapos ang tawag. Mabuti na lamang at naging maayos naman ang daloy ng trapiko kaya nakarating agad siya, hindi gaya kanina. Tatlong ambulansya at isang fire-truck ang naroon sa factory. Maraming mga manggagawa ang nasa labas at ang ilan ay halatang may mga natamong sugat o galos. Hinanap ng mga mata niya si Kate at si Fernan. "Sir!" Narinig niya ang boses nito sa kumpol ng mga manggagawa. Kaya tumakbo siya palapit at nakita na may nire-revive ang isang rescuer. "Ilan ang bilang ng mga nasaktan?" aniya kay Kate. "Kanina ay nasa fifteen pero may ilan pa pong naiwan sa loob at patuloy na nililigtas." "Nililigtas? Bakit, hindi ba lahat ay nakalabas?" "Nagkasunog at mabilis na kumalat ang apoy. Mabuti na lamang po at naapula bago pa matupok lahat ng gamit sa loob." "Si ku
HABANG bumabiyahe pauwi sa mansion ay nakatanggap ng message si Shiela mula sa asawa.Chris: Kamusta ang araw mo? Ako, kauuwi pa lang.Katabi niya ng mga sandaling iyon si Evelyn na halata ang pagod sa mukha, ang talukap ng mga mata ay bumabagsak na.Shiela: Okay lang, pauwi pa lang kami para maghapunan.Nang mabasa iyon ni Chris ay napahimas siya sa mukha. Hinihintay niyang mag-open up ito sa nangyari at ayaw niyang makahalata ang asawa na mayroon siyang nalalaman.Shiela: Tatawagan sana kita pero katabi ko si Tita, mamaya na lang after ng dinner.Chris: Okay, I'll wait.Nang mabasa iyon ni Shiela ay itinabi na muna niya ang cellphone at baka maistorbo niya si Evelyn na tuluyan nang nakatulog sa kinauupuan.Maging siya ay unti-unti na ring inaantok hanggang sa hindi na namalayang nakarating na pala sila sa mansion. Pagpasok ay agad silang nagtungo sa dining area para kumain."Manang, maglagay pa kayo ng isang pinggan," utos ni Rolan. "Ilagay niyo sa upuan na laging pinupuwestuhan ni
HUMAKBANG palapit si Shiela ngunit hinarangan agad si Rolan."'Wag kang sumama sa kanya, anak."Tipid na pagngiti ang ginawa ni Shiela saka hinawakan ang kamay nito. "'Wag kayong mag-alala, 'Pa. Hindi ako sasama at kakausapin ko lang siya."Lumapit na rin si Evelyn na bakas ang kaba sa mukha. "Sigurado ka ba? Nag-aalala kaming baka may gawin siya sa'yo."Hinaplos ni Shiela ang balikat nito upang ipakita na walang masamang mangyayari sa kanya. "Salamat sa pag-aalala. Kakausapin ko lang siya't babalik agad ako."Hindi na napigilan ni Rolan ang anak at hinatid na lamang ng tingin habang papalayo upang sundan si Mario."'Wag po kayong mag-alala at ako nang bahalang magbantay," saad naman ni Jeric saka sinundan ang mga ito.Paglabas ni Shiela sa funeral homes ay nakita niyang pabalik sa kotse ang matanda."Hindi niyo ba ako narinig? Ang sabi ko'y makikipag-usap lang ako at hindi sasama sa inyo."Sa pagtitig ng matanda ay agad nakaramdam ng kaba si Shiela. Pakiramdam niya ay may mangyayari
MAAGA pa lang ay nakahanda na sa pag-alis si Shiela at ganoon din si Chris na siya mismong maghahatid sa airport.Gising na rin ng mga sandaling iyon si Maricar at naghanda pa ng babaunin ni Shiela kung sakaling magutom sa biyahe."Hanggang ilang araw ka ro'n?" aniya sa manugang."Hanggang sa mailibing na po si Tanya, 'Ma.""Kaya pala dalawang luggage ang dala mo." Matapos ay tiningnan ang anak. "Kailan ka naman luluawas?""Baka sa makalawa o kung wala ng masiyadong aasikasuhin sa opisina."Matapos ay naglakad na ang dalawa patungo sa kotse kung saan ay naghihintay si Jeric, may dala rin itong luggage."Hindi ko nga pala nasabi sa'yo na sasamahan ka ni Jeric sa Cebu," ani Chris.Hindi na tumanggi si Shiela bilang proteksyon na rin. Mas mapapanatag nga naman siya kung may kasama sa oras na magkaharap sila ni Mario.Inilagay ng driver at ni Jeric ang luggages sa trunk saka sila bumiyahe patungo sa airport.Kahit maaga naman silang umalis ay hindi pa rin naiwasang ma-stuck sa traffic. Ha