PAGKATAPOS ng libing ay agad ng pinalipat ni Louie sina Zia sa mansion. Kahit nagluluksa pa sa pagkamatay ni Lucia ay kailangan pa rin nilang magpatuloy sa buhay.Kailangan pa rin ni Louie na magpatuloy para sa mga naiwan sa buhay lalo na sa anak. Na naging matagumpay ang operasyon at nagpapagaling na lamang sa ospital.At dahil hindi na gaanong abala sa kanya-kanyang gawain at trabaho ay naisipan ni Zia na bisitahin ang kapatid kasama si Maricar.Pagdating sa kulungan ay naghintay sila ng ilang sandali para kay Chris. Pagpasok na pagpasok nito ay agad sinalubong ni Zia ng yakap ang kapatid.Habang si Maricar ay naghintay na lamang sa may table."Mabuti at napadalaw ulit kayo," ani Chris, na gumanti rin nang mahigpit na yakap. "Kamusta ang pamangkin ko?""Sorry, Kuya at ngayon na lang din ulit kami nakadalaw gawa ng maraming inaasikaso. Naging abala rin kami sa libing saka sa paglipat sa mansion. Si Luiza naman ay nagpapagaling na mula sa operasyon.""Nabalitaan ko nga ang nangyari ka
ISANG UMAGA habang nasa pastries shop para magtrabaho ay napansin ni Zia na tulala at nakapangalumbaba ang kaibigan. Kaya nilapitan niya si Lindsay at tinanong, "Anong iniisip mo?""'Yung monthsary namin, wala pa 'kong naiisip na gift. Si Arnold na lang laging nagbibigay kaya ito, tinatablan na 'ko ng hiya," tugon ni Lindsay na nakatulala pa rin. "Ano bang magandang ibigay?" Sabay lingon sa kaibigan."Hindi ko rin alam, mahirap magbigay ng regalo sa mga taong meron na ang lahat.""Exactly! Every month na lang akong nahihirapan mag-isip, nagmumukha na siyang sugar daddy sa kabibigay sa'kin ng kung ano-ano kahit wala namang occassion... Pero hindi ako nagrereklamo, a? Gusto ko nga 'yung nasu-surprise pero this time, gusto ko namang magbigay rin para fair."Naningkit ang mata ni Zia at napanguso, nag-iisip kung paano matutulungan ang kaibigan. "Ang hirap naman mag-isip."Napangisi si Lindsay at makahulugang tumingin. "Ang hirap talaga maging disney princess," aniya saka hinawi-hawi ang b
ILANG LINGGO nang napapansin ni Zia na madali siyang mapagod at nagiging antukin kahit sa kalagitnaan ng trabaho. Kaya napapadalas ang pagpuslit niya sa office ng shop para matulog at gigisingin na lamang ni Lindsay kapag kakain ng tanghalian o hindi kaya ay nasa labas na si Louie para siya ay sunduin. "Ba't lagi na lang kitang nakikitang natutulog? Siguro... pinupuyat ka lagi ni Louie, 'no?" pabirong tanong ni Lindsay. Natawa lang si Zia pero para makasiguro kung ano nga ba itong nararamdaman ay nagpa-check up na siya para makasiguro lalo pa at abala na sila para sa preperasyon sa kasal. Mag-isa siyang nagtungo sa ospital. Sinuri at in-ultrasound ng Doctor matapos niyang sabihin na delayed na siya ng ilang araw sa monthly menstruation. Tuwa at kaba ang nararamdaman ni Zia nang sabihin na posibleng siya ay buntis. "Congratulations, Ma'am. Your five weeks pregnant," saad ng Doctor. Naiyak sa sobrang tuwa ni Zia. Gusto niyang sabihin sa pamilya ang magandang balita ngunit pin
Book 2: Christopher Cruz and Shiela Torres story. Blurb Namuhay ng mag-isa si Shiela matapos mawala ang magulang at malayo sa nag-iisang kapatid. Nang makilala niya si Christopher Cruz o kilala bilang Chris, na isang bagong saltang negosyante sa bayan ng Cebu ay agad nahulog ang kanyang loob. Nagpakasal sila ngunit... bigla itong nagbago at naging malupit. Ang lalakeng inibig dahil sa maginoo at marespeto nitong pagtrato sa kanya ay biglang naging masama matapos ang kasal. Labis siyang nagdusa sa piling nito sa hindi malamang dahilan. Anong gagawin niya sa oras na matuklasang ginamit lang pala siya ni Chris, pinaibig at inuto para lang makapaghiganti sa kasalanang nagawa ng kanyang kapatid?
ISANG mahaba at satisfying na ungol ang pinakawalan ni Chris matapos mailabas ang gigil, frustrations at katas sa babaeng kaniig.Bago pa man niya hugutin ang sandata ay tuluyan itong nawalan ng malay dahil sa marahas niyang pamamaraan sa pakikipagtalik. Ngunit sa halip na makonsensya ay walang-awa niya lamang itong tiningnan na basang-basa ang mukha dahil sa pinaghalong pawis at luha.Bumangon siya sa kama at iniwang nakatiwangwang ang babaeng hubo't hubad, ni hindi niya man lamang ito nagawang kumutan. Matapos ay kumuha ng sigarilyo at lighter nang may kumatok sa pinto."Ano 'yun?" aniya na hindi na pinagpatuloy ang paninigarilyo. Pinulot na lamang niya ang boxer saka sinuot upang harapin ang taong nasa labas ng kwarto."Pasensya na sa istorbo, Sir, pero ayaw niya talagang magsalita," saad ng assistant na si Jeric."Pinahirapan niyo ba?"Tumango si Jeric bilang tugon."Baka naman nagiging malambot kayo ro'n sa tao? Hindi niyo yata pinapahirapan, e?" ani Chris."Hindi po, Sir. Gaya n
MARAHANG nagmulat ng mata si Shiela. Nang bumungad sa kanya ang galit na galit na pagmumukha ni Chris. "'Wag!" hiyaw niya sa takot saka sinalag ang dalawang braso.Ilang sandali pa ay minulat niya ang mga mata saka lang napagtanto na wala naman talaga sa kanyang harapan ang asawa. Isang aparisyon ang kanyang nakita dahil sa trauma'ng naranasan mula kay Chris.Parang isang bangungot na paulit-ulit niyang nakikita ang nanlilisik nitong mga mata habang siya ay inaangkin. Na kahit anong pagmamakaawang gawin ay para itong bingi sa kanyang mga daing.Pumikit siyang muli at sunod-sunod na umagos ang luha sa kanyang mga mata. Sa tuwing naaalala kung paano'ng ang lalakeng minamahal ay ganoon na lamang ang galit sa kanya na animo ay isa siyang hayop.Makailang beses niyang inisip kung ano ang kanyang naging mali? Kung paparusahan man siya, bakit ganito kalupit?Hindi ganito ang pinangarap niyang buhay nang pakasalan si Chris. Ang lalakeng nakilala at pinaibig siya nang husto. Ang lalakeng nagpa
SA ARAW na iyon ay maagang nag-inspeksyon si Chris kasama ang assistant at ilang tauhan bago magtungo sa sariling opisina.Magdadalawang taon pa lamang siya sa Cebu ay marami-rami na siyang naipatayong negosyo na kasosyo ang ilang kilalang angkan sa lugar.Kasalukuyan silang nasa kotse at patungo sa susunod na distinasyon nang bahagyang bumagal ang daloy ng trapiko."Ilan na lang ba ang pupuntahan natin?" tanong ni Chris."Tatlo na lamang po, Sir," tugon ni Jeric.Habang naghihintay na umusad ang sasakyan ay tumunog ang cellphone ni Jeric. Sinagot naman agad ng assistant at saglit na nakipag-usap sa caller.Matapos ang tawag ay nilingon si Chris na nasa backseat. "Sir, tumawag po ang isa nating tauhan na naiwan sa apartment para magbantay. Naro'n na ang Doctor para sa regular check-up kaso... biglang nagwala si Ma'am Shiela sa puntong nasasaktan na niya ang sarili," pahayag ni Jeric.Pumikit at napahilot sa magkabilang sintido si Chris gamit ang isang kamay. Bukod sa mga negosyo, ay i
BUMABIYAHE na ang kotse patungo sa airport nang biglang magbago ang isip ni Chris."Jeric, ikaw na lang ang sumundo sa kapatid ko sa airport at babalik ako sa apartment," aniya.Lumingon si Jeric mula sa passenger seat. "Bakit po, Sir?"Napahawak at bahagyang nilaro ni Chris ang sariling labi habang nag-iisip. "Dahil paniguradong hahanapin niya sa'kin si Shiela sa oras na magkita kami. Pagsundo niyo sa kanya ay dumiretso kayo sa mansion, 'wag niyong ipapaalam na nasa apartment ako. Sabihin mo rin na nagbakasyon kami.""Kung magtatanong po siya kung saan lugar kayo nagbakasyon, sasabihin ko po ba?"Naningkit ang mga mata ni Chris, muling napaisip. "Hindi, dahil siguradong susunod siya kung nasa'n ako. Makulit ang kapatid kong 'yun. Kapag nagtanong ay sabihin mo'ng hindi ako nagsabi ng lokasyon.""Masusunod po, Sir."Matapos ay inutusan ni Chris ang driver na ibaba na lamang siya sa tabi."Ihahatid na lamang namin kayo pabalik, Sir," saad ng driver."Hindi na kailangan," tanggi ni Chris
SA MGA SUMUNOD na sandali ay pareho silang natahimik habang lumuluha. Lugmok at nakatungo si Chris habang nasa mga mata ang isang kamay. Si Shiela naman ay nakatingala, animo ay kayang ibalik ang luhang pumapatak.Ilang sandali pa ay may dumating na katulong. Kumatok sa bukas na pinto. "S-Sir... tumawag po ang security guard sa may entrance ang sabi ay may kotse pong gustong pumasok para sunduin si Ma'am Shiela.Sumenyas lang si Chris, itinataboy ang katulong kaya agad rin itong tumalima at umalis."Sino 'yung susundo sa'yo?""Tauhan ni Lolo," tugon ni Shiela.Biglang tumayo si Chris saka lumabas ng kwarto habang nanlilisik ang mga mata. Nang mapansin iyon ni Shiela ay bigla na lamang siyang kinabahan.Hinabol niya agad ang asawa pero sa bilis ng paglalakad ni Chris ay hindi niya ito mapigilan. "Sandali lang, Chris!"Sina Zia at Maricar ay nabigla rin nang mabilis itong dumaan habang nakakuyom ang kamay at galit na galit."Pigilan niyo siya!" sigaw ni Shiela nang patungo na sa gate si
PALABAS na ng police station si Shiela nang humarang si Jeric."Anong ginagawa mo? Tumabi ka.""Pero tinatawag po kayo ni Sir--""Naririnig ko pero ayaw ko na siyang kausapin pa," ani Shiela na matalim ang tinging ipinupukol kahit pa bakas ang pagluha."Shiela!" sigaw ni Chris sa loob ng selda."Hoy, tumahimik ka't nakakabulahaw ka sa mga nagtatrabaho," saway ng isang pulis."Sir, baka pwede niyo naman akong palabasin na nang maaga? Kailangan ko lang kausapin ang asawa ko. Ayon siya." Sabay turo.Nang marinig iyon ni Shiela ay dali-dali siyang naglakad paalis sa lugar, na sinundan naman ni Jeric."Sa'n po kayo pupunta?""Uuwi na.""Ihahatid ko na po kayo, sandali lang," ani Jeric saka mabilis na bumalik sa selda. "Sir, gusto ng umuwi ni Ma'am Shiela, ihahatid ko lang po siya," paalam pa niya sa amo.Saka lang natahimik si Chris. "Sige..." aniya kahit gulong-gulo pa rin sa binitawang salita ng asawa. "Magkita na lang tayo mamaya sa mansion."Tumango naman si Jeric saka umalis upang sun
KANINA pa tinitingnan ni Shiela ang screen ng cellphone. Ilang oras na siyang naghihintay pero wala pa ring reply ang asawa kung dumating na ba ito sa Cebu?Malapit ng magtanghali pero wala pa rin siyang balita. Kapag naman tinatawagan niya ay 'cannot be reach'."Shiela," tawag ni Evelyn. "Tara, kumain muna tayo at paniguradong maraming darating mamaya."Tumango lang siya saka itinago ang cellphone sa bulsa. Sinundan niya ito na lumapit kay Rolan na agad napansin ang pananamlay ng anak."Ayos ka lang ba? Masama ba ang pakiramdam mo?"Umiling si Shiela. "Medyo hindi ako nakatulog kagabi," pagdadahilan na lamang niya.Kahit ang totoo ay kung saan-saan na tumatakbo ang isip.'Pa'no kung nagkaproblema ulit sa factory?''Pa'no kung may nangyari nang masama nn wala siyang kaalam-alam?'"Shiela, sigurado ka bang ayos ka lang? Pwede ka naman magpahinga," ani Evelyn.Nasa hapagkainan na sila pero kanina niya pa napapansin na tumutulala ito. Ni hindi na nga nababawasan ang pagkain.Tipid na pag
NAGPALIPAT-LIPAT ang tingin ni Chris sa dalawa. "'Ma, Zia, sa taas po muna kayo at ako nang bahala rito."Ngunit ni isa sa dalawa ay walang kumilos. Sa sinabi ng pulis ay nakaramdam ng takot ang mga ito para kay Chris.Natakot sina Zia at Maricar na muli itong makulong gaya ng nangyari noon."Dito lang kami, anak," ani Maricar na naluluha na nang mga sandaling iyon."Ako rin Kuya. Kung ano man ang sasabihin nila ay makikinig kami."Napabuntong-hininga si Chris. "Please, sundin niyo na lang ako." Mas mapapanatag ang loob niya kung hindi maririnig ng mga ito ang lahat.Pero sadyang matigas ang ulo ng dalawa kaya kahit palubog na ang araw ay sinabi na lamang niyang sasama sa police station upang doon makipag-usap.Hindi na nakasunod ang kapatid at Ina nang umalis siya kasama ang mga pulis. Habang nasa police car ay tumunog ang kanyang cellphone, tumatawag si Louie."Hmm, napatawag ka?""Pauwi na 'ko nang tumawag si Zia, umiiyak habang kinukwento ang nangyari.""Masiyado lang silang nag-a
PINANUOD ni Chris ang footage pero hindi niya nakikilala ang tinutukoy ng pulis. Hinalukay niya ang memorya nang bumisita kanina sa factory pero hindi niya talaga ito namumukhaan."Kate, nakikilala mo ba siya?" aniya sa assistant.Pinagmasdan naman nito ang monitor. "Hindi rin po, Sir pero pamilyar siya sa'kin. Sa tingin ko'y bagong trabahador sa factory.""Alamin mo kung kailan siya natanggap," utos ni Chris saka muling itinuon ang atensyon sa monitor. Ilang segundo siyang tulala na ipinagtaka ng pulis."Sir, ayos lang kayo?"Natauhan naman si Chris saka tumango. "O-Oo, ayos lang."Napansin naman ni Kate na tila distracted o wala ito sa wisyo kaya kinausap niya ito, "Sir, ang mas mabuti pa'y umuwi na muna kayo at magpahinga. Ako na lamang po ang bahala rito.""Hindi, ayos--" hindi na niya natapos ang sasabihin nang tumunog ang cellphone. Kaya kinuha niya mula sa bulsa at nakitang tumatawag ang asawa.Natigilan siya at hindi makuhang sagutin ang tawag hanggang sa tumigil ang pagtunog.
MARIING pinikit ni Chris ang mga mata sa narinig. Hindi niya akalaing sa isang iglap. Ang tatlo sa mga nakasalamuha niya kanina ay wala na ngayon. "Malapit na 'ko," iyon na lang ang nasabi niya saka tinapos ang tawag. Mabuti na lamang at naging maayos naman ang daloy ng trapiko kaya nakarating agad siya, hindi gaya kanina. Tatlong ambulansya at isang fire-truck ang naroon sa factory. Maraming mga manggagawa ang nasa labas at ang ilan ay halatang may mga natamong sugat o galos. Hinanap ng mga mata niya si Kate at si Fernan. "Sir!" Narinig niya ang boses nito sa kumpol ng mga manggagawa. Kaya tumakbo siya palapit at nakita na may nire-revive ang isang rescuer. "Ilan ang bilang ng mga nasaktan?" aniya kay Kate. "Kanina ay nasa fifteen pero may ilan pa pong naiwan sa loob at patuloy na nililigtas." "Nililigtas? Bakit, hindi ba lahat ay nakalabas?" "Nagkasunog at mabilis na kumalat ang apoy. Mabuti na lamang po at naapula bago pa matupok lahat ng gamit sa loob." "Si ku
HABANG bumabiyahe pauwi sa mansion ay nakatanggap ng message si Shiela mula sa asawa.Chris: Kamusta ang araw mo? Ako, kauuwi pa lang.Katabi niya ng mga sandaling iyon si Evelyn na halata ang pagod sa mukha, ang talukap ng mga mata ay bumabagsak na.Shiela: Okay lang, pauwi pa lang kami para maghapunan.Nang mabasa iyon ni Chris ay napahimas siya sa mukha. Hinihintay niyang mag-open up ito sa nangyari at ayaw niyang makahalata ang asawa na mayroon siyang nalalaman.Shiela: Tatawagan sana kita pero katabi ko si Tita, mamaya na lang after ng dinner.Chris: Okay, I'll wait.Nang mabasa iyon ni Shiela ay itinabi na muna niya ang cellphone at baka maistorbo niya si Evelyn na tuluyan nang nakatulog sa kinauupuan.Maging siya ay unti-unti na ring inaantok hanggang sa hindi na namalayang nakarating na pala sila sa mansion. Pagpasok ay agad silang nagtungo sa dining area para kumain."Manang, maglagay pa kayo ng isang pinggan," utos ni Rolan. "Ilagay niyo sa upuan na laging pinupuwestuhan ni
HUMAKBANG palapit si Shiela ngunit hinarangan agad si Rolan."'Wag kang sumama sa kanya, anak."Tipid na pagngiti ang ginawa ni Shiela saka hinawakan ang kamay nito. "'Wag kayong mag-alala, 'Pa. Hindi ako sasama at kakausapin ko lang siya."Lumapit na rin si Evelyn na bakas ang kaba sa mukha. "Sigurado ka ba? Nag-aalala kaming baka may gawin siya sa'yo."Hinaplos ni Shiela ang balikat nito upang ipakita na walang masamang mangyayari sa kanya. "Salamat sa pag-aalala. Kakausapin ko lang siya't babalik agad ako."Hindi na napigilan ni Rolan ang anak at hinatid na lamang ng tingin habang papalayo upang sundan si Mario."'Wag po kayong mag-alala at ako nang bahalang magbantay," saad naman ni Jeric saka sinundan ang mga ito.Paglabas ni Shiela sa funeral homes ay nakita niyang pabalik sa kotse ang matanda."Hindi niyo ba ako narinig? Ang sabi ko'y makikipag-usap lang ako at hindi sasama sa inyo."Sa pagtitig ng matanda ay agad nakaramdam ng kaba si Shiela. Pakiramdam niya ay may mangyayari
MAAGA pa lang ay nakahanda na sa pag-alis si Shiela at ganoon din si Chris na siya mismong maghahatid sa airport.Gising na rin ng mga sandaling iyon si Maricar at naghanda pa ng babaunin ni Shiela kung sakaling magutom sa biyahe."Hanggang ilang araw ka ro'n?" aniya sa manugang."Hanggang sa mailibing na po si Tanya, 'Ma.""Kaya pala dalawang luggage ang dala mo." Matapos ay tiningnan ang anak. "Kailan ka naman luluawas?""Baka sa makalawa o kung wala ng masiyadong aasikasuhin sa opisina."Matapos ay naglakad na ang dalawa patungo sa kotse kung saan ay naghihintay si Jeric, may dala rin itong luggage."Hindi ko nga pala nasabi sa'yo na sasamahan ka ni Jeric sa Cebu," ani Chris.Hindi na tumanggi si Shiela bilang proteksyon na rin. Mas mapapanatag nga naman siya kung may kasama sa oras na magkaharap sila ni Mario.Inilagay ng driver at ni Jeric ang luggages sa trunk saka sila bumiyahe patungo sa airport.Kahit maaga naman silang umalis ay hindi pa rin naiwasang ma-stuck sa traffic. Ha