KINAUMAGAHAN ay nagpunta si Zia sa dati nilang mansion na ngayon ay pagmamay-ari at tinitirhan na ni Louie.Hindi na itinuloy ang planong pagpunta sa ospital para patingnan si Luiza dahil muli na namang naging normal ang temperatura nito. Kaya ngayong umaga ay napagdesisyonan na niyang sabihin kay Louie ang kondisyon ng bata.Ngunit ngayong nasa tapat na siya ng gate ay bigla naman siyang naestatuwa. Biglaan ang pagpunta niya at wala man lang pasabi, ni wala nga siyang contact number ni Louie kaya hindi rin niya sigurado kung nasa loob pa ba ito o nasa kompanya na.Ilang sandali pa ay biglang bumukas ang gate at lumabas ang babaeng naka-uniporme na may ngiti sa labi. "Ma'am Zia, kamusta po. Tuloy po kayo sa loob," paanyaya ng katulong.Ito ang unang beses na nakita ni Zia ang babae pero kilala na agad siya nito. Nakakapagtaka ring alam nitong nasa labas siya. Kaya bago pumasok ay napatingin muna si Zia sa itaas ng gate kung may CCTV ba, at meron nga.Kahit ang totoo naman talaga ay in
NAGTAGAL ang tingin ni Zia kay Patrick. Nami-misinterpret nito ang nais niyang ipunto. "Hindi ako makikipagbalikan sa kanya. Wala iyon sa isip ko, Pat." Saglit siyang tumigil para piliin ang tamang salita upang hindi ito mag-react nang masama. "Kontento na 'ko sa buhay ko ngayon. Ang akin lang, gusto kong bigyan ng chance si Louie na maging okay kami bilang magulang ni Luiza. Hindi ko gustong ipagkait ang pagiging ama niya kaya gusto ko na kahit papaano, maging civil kami sa isa't isa. Saka, tatlong taon na ang lumipas... baka sa loob ng mga panahong 'yun ay tuluyan na nga talaga siyang nagbago. Nothing more, nothing less kaya sana, hindi porke't binibigyan ko siya ng pagkakataong mapalapit sa'min ay gusto kong makipagbalikan. Naiintindihan mo naman 'yung ibig kong sabihin, 'di ba? Gusto ko lang ng tahimik na buhay na walang taong kinamumuhian, pagod na 'ko sa gano'n, Pat. Gusto ko na lang siyang patawarin para makapag-move forward na," mahabang paliwanag ni Zia. Napatiim-bagang si P
SA ARAW na iyon ay yakap at kandong ni Zia ang anak habang si Louie ay hawak naman ang munti nitong kamay.Patungo sila ngayon sa Rodriguez hospital para i-confine si Luiza dahil naka-schedule na ang operasyon nito, isang buwan na lang ang kanilang hihintayin para sa preperasyon.May kabang nararamdaman si Zia dahil baka matakot si Luiza, lalo at umaayaw na itong sumama o magpunta sa ospital.Minsan nang nagsabi ang bata na hindi nito gusto sa tuwing kinukuhanan ng dugo para sa check-up."Sa'n tayo punta, 'Ma?" tanong ni Luiza dahil walang nagsabi kung saang lugar sila pupunta.Iniiwasan nilang sabihin dahil aayaw at iiyak lang ang bata kapag nalalaman na sa ospital ang punta.Si Maricar na nakaupo sa tabi ng driver ay napalingon at malungkot na tiningnan ang apo.Nang walang makuhang sagot ang bata ay lumingon ito sa ama."Hulaan mo, baby. Sa'n tayo pupunta?" masiglang tanong ni Louie.Kumurap naman ito saka yumakap nang mahigpit sa Ina. "Playground?"Tipid lang na ngumiti si Louie s
BOLTA-BOLTAHING kuryente ang dumaloy sa buong katawan ni Zia matapos dumampi ang labi ni Louie.Ang halik nitong nagbibigay init sa malamig na gabi ay nanunuot at sumasakop sa kanyang sistema. Marahan hanggang sa unti-unting lumalim sa puntong wala na siyang ibang naiisip kundi ang halik nitong nakakalunod at nagbibigay ng kakaibang sensasyon na ngayon na lamang niya muling naramdaman.Ang kamay ni Louie na nasa pisngi ay humahaplos na pababa sa leeg. Si Zia na tuluyan nang nakalimot ay inalay na ang lantad na leeg, pigil ang sariling mapaungol hanggang sa maramdaman ang kamay nitong nagtatangkang alisin ang suot niyang damit."S-Sandali lang, Louie." Saka lumayo.Si Louie na nalalasing pa sa halik ay hinabol ang labi ngunit tuluyan nang hinarang ni Zia ang kamay. "Tigil muna, Louie. 'Wag muna tayong magpadala sa emosyon... Kailangan pa nating magpunta sa ospital, baka naghihintay na sila."Tumagal ang titig ni Louie, tila pinoproseso pa ng utak ang sinabi nito dahil isa lang talaga a
MAY KABIGATAN ang dalang bag ni Zia habang naglalakad sa pasilyo ng ospital. Papunta siya ngayon sa private room ng anak dahil day-off niya at dalawang araw siyang magsi-stay.Nang marating ang kwarto ay sumilip muna siya sa pinto at tiningnan kung anong nangyayari sa loob.Makikitang nakaupo sa kama si Luiza at nanunuod ng paboritong kids show sa tablet. Si Maricar na nasa tabi ng kama ay napalingon nang mapansin na may tao sa labas. "Nandito na si Mama, apo," pahayag niya.Agad namang nabaling ang tingin ng bata kay Zia kaya tuluyan nang pumasok sa loob. "Mama!" tili ni Luiza."Namiss mo ba ako, anak?" ani Zia sabay yakap, maging sa Ina. "Si ate Emelia?" matapos ay hinanap ang caregiver."May binili lang sa labas, babalik din 'yun," tugon ni Maricar. Pagkatapos ay kinuha ang bag saka nagpaalam sa dalawa. "Aalis na 'ko at babalik na lang bukas ng hapon.""Magpahinga kayo nang mabuti, 'Ma," ani Zia saka muling niyakap ang Ina.Mayamaya pa ay bumalik si Emelia pagkaalis ni Maricar. Ngu
ISINUGOD ni Louie ang Ina sa Rodriguez ospital. Doon, napag-alaman niya mula sa doctor na may malubhang sakit ang Ina, cancer."Bakit hindi niyo sinabi agad, 'Mmy?" tanong ni Louie nang magising ang Ina."Anong ginagawa ko rito sa ospital?" naguguluhang tanong ni Lucia saka nagtangkang umalis sa kama.Lumapit agad si Louie para mapigilan ito. "Kailangan niyong mag-stay rito, may sakit kayo at hindi niyo man lang naisip na sabihin sa'kin.""Bakit, concern ka ba? Matapos ng lahat? Pagkatapos mo 'kong away-awayin at kalimutang nanggaling ka sa'kin? Ayoko ng awa mo dahil lang may sakit ako.""Hindi sa gano'n, 'Mmy. Oo, may hindi tayo pagkakaunawaan pero... at the end of the day, you're still my Mother. At hindi ako naaawa sa'yo, mahal kita kaya ako ganito."Iyon ang unang beses na sinabi ni Louie ang napaka-special na salitang iyon. Hindi niya akalaing darating ang araw na masasabi niya ito sa Ina at sa ganoong sitwasyon pa.Kaagad namang nanubig ang mga mata ni Lucia. Matapos marinig ang
FEW DAYS AGO...Isang hapon, matapos umuwi ni Zia matapos ang trabaho ay tinanong siya ni Maricar."Anak... pwede ka bang makausap?"Nagpalit muna si Zia ng damit saka nilapitan ang Ina sa kusina habang nagluluto ito ng hapunan nila."Ano po 'yun, 'Ma?""Napansin ko kasing medyo... nagiging malapit kayo ni Louie. Ramdam kong hindi ka na umiiwas sa kanya."Natigilan si Zia dahil dumating na nga ang araw na kailangan niyang ipagtapat ang tunay na estado ng relasyon nila ni Louie.Hingang malalim ang ginawa niya saka nagkuwento, "Ang totoo, 'Ma... nagkabalikan na kami."Bakas ang kalituhan sa mukha ni Maricar. "Bakit? Pinilit ka ba niya? Nakipagbalikan ka kapalit ng operasyon ni Luiza?"Umiling-iling si Zia. "Hindi po gano'n ang nangyari, 'Ma. Alam kong mahirap paniwalaan pero... nagbago na si Louie. Wala po siyang ginawa, hindi niya 'ko pinilit. Pareho po naming gustong magkabalikan.""Dahil ba kay Luiza? Gusto mo ba siyang bigyan ng kompletong pamilya? Nape-pressure ka na baka hanapin
MALALIM at nakakalunod ang halik na kanilang pinagsasaluhan. Ang braso ni Zia ay nakapulupot na sa batok nito. At sa isang galaw ay binuhat ni Louie ang asawa saka naupo sa sofa habang inupo naman niya ito sa kanyang kandungan.Pareho na silang naghahabol ng hininga nang magtangka si Louie na hubaran ang asawa--Katok sa pinto ang nagpatigil sa dalawa. "Sir, nandito na po ang lunch niyo.""Nasa labas si Alice," ani Zia na akmang tatayo nang yakapin ni Louie sa bewang para mapigilan.Pagkatapos ay kinuha sa bulsa ang cellphone para tawagan ang sekretarya. Nakarinig sila ng ringtone mula sa labas."Mamaya ko na kukunin ang pagkain namin," ani Louie na agad hinampas ng asawa sa balikat."Ano ka ba, baka kung anong isipin niya," bulong ni Zia."At bakit? Kala ko ba gutom na kayo? Naku, naku, Louie. Alam ko na 'yang ginagawa mo. Pakainin mo muna si Zia bago siya ang kainin mo," ani Alice mula sa kabilang linya na nasa labas lang naman ng opisina.Nang marinig ni Zia ang sinabi ng sekretary
SA ISANG IGLAP ay tumulo ang luha sa mga mata ni Chantal. Halo-halo ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon pero mas nanaig ang galit at pagkabigo.Pakiramdam niya ay pinagtaksilan siya ni Archie. Oo, siya itong nakipaghiwalay pero ni minsan ay hindi niya kinalantari si Edward o ibang lalake. Ginamit niya man ang binata pero hindi siya humantong sa kahit na anong physical touch.Si Archie mismo ang paulit-ulit na nagsasabing walang namamagitan na relasyon kay Heather pero ano itong nakikita niya ngayon?Sa huli, sa halip na sugurin ang dalawa ay umalis na lamang siya at bumalik sa restaurant. "Excuse po, sa'n dito ang restroom niyo?""A-Ayos lang kayo, Ma'am?" tanong ng waitress sabay turo sa direksyon ng restroom. "Doon banda, Ma'am."Tumango lang si Chantal bilang pasasalamat saka nagmamadaling magtungo roon. Hindi siya pwedeng bumalik sa table na ganoon ang kanyang itsura, paniguradong tatanungin siya ng pamilya kung bakit siya umiiyak.Pumasok siya sa isa sa mga cubicle saka i
BAGO pa man makakilos si Chantal ay binuksan na agad ni Archie ang pinto ng kotse at hinila siya palabas. "S-Sandali, nasasaktan ako!" exaggerated niyang sabi kahit hindi naman ganoon kahigpit ang pagkakahawak nito."Lumabas ka riyan, kanina pa kita tinatawagan pero hindi ka sumasagot!" inis na sabi ni Archie.Nang walang ano-ano ay hinawakan ni Edward ang braso nito. "Pare, nasasaktan mo na ang kapatid mo.""Hindi ko siya kapatid!" sumabog na ng tuluyan si Archie saka tinabig ang kamay nitong nakahawak.Hindi naman nagustuhan ni Edward ang inasal nito kaya lumabas siya sa kotse upang harapin ang binata.Naalarma naman si Chantal, kinakabahan na baka magkagulo ang mga ito kaya lumabas na rin siya sa sasakyan at humarang sa pagitan ng dalawa. "Please, 'wag kayong mag-aaway." Saka hinarap si Archie. "Nanuod lang kami ng movie kaya sorry kung hindi ko napansin ang tawag mo."Para naman walang narinig si Archie at nakipagsukatan pa ng masamang tingin kay Edward. "Sugod," paghahamon pa niy
SA HALIP na sagutin ang tanong ay ngumisi lang si Archie at pagkatapos ay isinubsob ang mukha sa balikat ng dalaga.Hindi naman iyon nagustuhan ni Chantal dahil amoy na amoy niya ang alak sa katawan nito. "Ano ba, ang baho mo!" Saka ito tinulak-tulak.Ngunit hindi natinag si Archie at niyakap lang ito nang mahigpit. "Miss na miss na kita.""Lasing ka na!" reklamo ni Chantal saka pilit kumakawala. Nang matagumpay na maialis ang braso nitong nakapulupot sa kanyang bewang ay agad siyang umalis sa kama. "Umalis ka na bago pa may makapansin." Sabay turo sa pinto.Kumurap-kurap si Archie at sa isang iglap ay bigla na lang sumigaw, "Ba't ganyan ka sa'kin?!"Napasinghap at nataranta si Chantal sa ginawa nito. Natatakot siyang baka marinig ito ng kasama nila sa bahay. Kaya dali-dali siyang lumabas ng kwarto matapos kunin ang phone. Tumakbo siya hanggang sa makababa ng hagdan.Kapag lasing si Archie, kailangan niya lang hindi magpakita para hindi siya kulitin. Dahil kapag hindi siya lumayo ay p
SIMULA ng bumalik si Chantal sa Baguio ay lagi na niyang dinadahilan na busy siya sa tuwing pinapauwi kapag may okasyon. Kung hindi naman ay sinasadya niya talagang wala si Archie, nalalaman niya iyon kapag tinatawagan niya si Asher o hindi kaya si Amber.Sa loob ng limang buwan ay hindi siya umuuwi hanggang sa dumating ang Christmas holiday.Hapon ng araw na iyon ng dumating siya sa bahay. Mahigpit na yakap sa bewang ang sinalubong ng kapatid."Mabuti naman at nandito ka na, Ate! Kanina pa kita hinihintay," excited na sabi ni Amber.Hinaplos naman ni Chantal ang buhok nito. "Sina Mama at Papa?""Si Papa, wala pa pero si Mama ay nasa kitchen, nagluluto."May lumapit naman na katulong at nag-alok na ito na lamang ang mag-aakyat ng bagahe sa kwarto.Hinayaan naman ni Chantal at sumunod kasama ang kapatid. "Si Asher, nasa'n?""Nasa room... Si kuya Archie naman ay hindi pa umuuwi like Papa," tugon ni Amber.Medyo natigilan saglit si Chantal ng banggitin nito ang pangalan ni Archie. Hindi
NAPALUNOK si Chantal habang nakatitig sa Ina. Kulang na nga lang ay mabuwal siya sa labis na kabang nararamdaman."... 'Ma," sambit niya pa rito.Bumuntong-hininga si Shiela saka in-off ang ilaw. "Dis-oras na ng gabi pero nag-iingay kayong dalawa ni Archie. 'Wag niyong hintayin na si Chris ang magising." Pagkatapos ay tumalikod na siya upang lumabas."S-Sandali lang, 'Ma," pigil ni Chantal. "Hindi ba kayo magtatanong?"Lumupaypay ang balikat ni Shiela saka nagsalita ng hindi ito nililingon. "Hindi na kailangan ng tanong, halata naman." Saka sinara ang pinto.Akmang magsasalita at pipigilan pa ito Chantal pero sa huli ay pinili na lamang manahimik. Nanghihina siyang bumalik sa kama at naupo.Ilang minuto siyang natahimik, lumuluha habang iniisip kung anong sunod na gagawin ngayon natuklasan na ang lihim nilang relasyon ni Archie?Ang pag-iyak niyang iyon ay nakatulugan niya hanggang sa magising na halos hindi niya maibuka ang mga mata. Namamaga sa labis na pag-iyak.Nanunuyot din ang l
NANATILING tahimik ng ilang segundo sa kwarto kaya binuksan na ni Shiela ang pinto at tumambad sa kanya ang anak na nakatayo sa malapit. "Si Chantal?" tanong niya nang hindi ito makita, saka pumasok sa loob.Nilibot niya ang paningin sa buong kwarto at nilingon si Archie. "Ba't 'di ka sumasagot, nasaan ang kapatid mo?"Napalingon naman si Archie sa pinto ng banyo nang bumukas ito at lumabas si Chantal na nakatungo.Kumunot-noo naman si Shiela saka nagpalipat-lipat ang tingin sa dalawa. "Ano bang nangyayari sa inyo at ba't kayo nagsisigawan?""Wala lang po 'yun--""Nainis ako," putol ni Archie sa sasabihin ni Chantal. "Kasi naman, ilang beses ko ng sinasabi na kung hindi naman niya gusto ay 'wag siyang basta-bastang um-oo sa mga request niyo."Napasinghap si Shiela sabay baling ng tingin kay Chantal. "Totoo ba? Napilitan ka lang na um-oo na makipag-date kay Edward?""Kilala niyo naman si Chantal, 'Ma. Mahihiya 'yang humindi sa inyo," si Archie ang sumagot.Naikuyom naman ni Chantal ang
BAGO pa makapag-react si Archie ay may dumaan na babaeng customer patungo sa restroom. Kaya nagpigil siya, mariin kinuyom ang kamay. Bakas sa mukha niya ang iritasyon pero nagawa pa rin huminahon. "Sa bahay na natin 'to pag-usapan." Pagkatapos ay nauna nang umalis.Si Chantal naman ay pumasok sa restroom, naghugas ng kamay kahit hindi naman kailangan. Wala lang, gusto lang niyang mapag-isa kahit sandali."Ayos ka lang?" tanong ng babae kanina na dumaan.Tiningnan ito ni Chantal saka malungkot na nginitian, hindi alintana na naluluha siya ng sandaling iyon."Magkakaayos din kayo ng boyfriend mo," patuloy pa ng babae."Salamat." Pagkatapos ay umalis na siya. Pagbalik sa table ay ang malawak na ngiti agad ni Edward ang sumalubong."Ayos ka lang ba?"Natigilan si Chantal dahil pangalawang beses ng may nagtanong sa kanya, ibig sabihin ay mahahalata talaga sa mukha niya na hindi siya totally fine.Pagkatapos ay nilingon niya ang table kung saan nakaupo ang Ina saka si Archie, na masama ang
NABIGLA at napakunot-noo pa si Chris habang nakatingin sa anak. Nagtataka kung bakit ganoon na lang ang reaksyon nito. "Ba't parang gulat na gulat ka?"Kumurap-kurap ang mata si Archie, biglang natauhan. "W-Wala lang po, nabigla lang. Ito ang unang beses na ginawa niyo 'to. Masiyado pa naman kayong over-protective kay Chantal."Naging relax ang ekspresyon ni Chris sa sinabi ng anak. "Well, ayoko rin sa ideya na 'to. Para sa'kin ay walang sinong lalake ang nababagay para sa anak ko."Napalunok ng laway si Archie sa narinig ngunit pinanatiling walang reaksyon ang mukha. "Totoo, walang sino man ang nararapat kay Chantal--"'Dahil akin lang siya.'Iyon ang isinisigaw ng isip ni Archie. "Pero bakit niyo hinayaan, 'Pa?""Iyong isang kaibigan ng Mama mo, nakiusap dahil 'yung tarant*do-- Well, hindi naman talaga siya gano'n, ang sabi pa nga ay matino naman na binata--" Saka umakto na parang nasusuka. "Ang sabi ay nagustuhan ng anak ng kaibigan ni Shiela si Chantal kaya gustong makipag-date."
TUMANGO-TANGO si Chantal sa hiling ng bata. Hindi niya gustong masira ang wish nito. “Hmm… Oo naman, magiging happy family tayo. Forever.” Pag-angat ng tingin kay Archie ay nakatitig din pala ito sa kanya.Ilang segundo silang ganoon hanggang siya na ang unang umiwas ng tingin. Pagkatapos ay tuloy-tuloy na sila sa labas ng bahay.Si Shiela agad ang unang nakapansin sa kanila. “Kanina pa kita hindi nakikita, sa’n ka galing?” aniya habang nakahawak sa balikat nito. “Umiyak ka ba?”“Kasalanan ko, ‘Ma,” agap ni Archie.“Nag-away kayo?”“Wala lang po ‘yun, ‘Ma,” si Chantal ang nagsalita para hindi na lumalim ang usapan. “May fireworks po kayong hinanda?” pag-iiba niya pa ng topic.Tumango lang si Shiela at hindi na masiyadong inalam ang pinagtatalunan ng dalawang anak.Hindi nagtagal ay inaabangan na nila ang fireworks hanggang sa nagsimula na nga.Lahat ay nakatingala sa madilim na langit at pinagmamasdan ang makukulay na paputok. Napapahiyaw pa nga si Amber sa tuwa at pagkabigla sa sunod