BINAWI ni Louie ang braso mula sa Ina saka ito hinarap, upang pakinggan ang sasabihin nito. Makailang-beses na kumurap si Lucia, bakas ang kaba sa mukha. "Pwede bang sa ibang lugar o hindi kaya ay sa mansion na--" Walang ano-ano ay naglakad si Louie para bumalik sa facility dahil sa huli, sa kabila ng pagbibigay ng pagkakataon ay hindi pala talaga aamin ang Ina. "Louie!" hiyaw ni Lucia na tinangka pang habulin ang anak at nagawa naman niya itong mapigilan sa damit. Halos magkanda dapa-dapa siya sa pagtakbo. "Inutusan ko lang naman 'yung lalake na bigyan ng gamot si Zia para pabagalin ang pag-recover nito," pag-amin ni Lucia. Lumingon bigla si Louie dahilan para mahila ang kamay nitong nakakapit sa damit. Muntik nang masubsob sa lupa si Lucia, mabuti na lamang at nagawang masuportahan ang sarili gamit ang kamay. Ngumiwi pa nga nang masaktan sa nangyari. "Bakit niyo 'yun ginawa?!" Tumayo nang maayos si Lucia saka galit na hinarap ang anak. "It's for your own good! Dahil alam kong
KINAHAPUNAN ay umuwi sa bahay si Louie matapos ng trabaho. Dumiretso siya sa guest room na pansamantalang inuukupa ni Zia para magpagaling.Pumasok siya sa kwarto habang hinuhubad ang suot na kurbata. "Kamusta?" aniya kay Zia. "May nararamdaman ka bang kakaiba?" Saka binalingan ng tingin ang Nurse.Kaagad naman itong tumayo sa kinauupuan at lumabas ng kwarto upang bigyan sila ng pagkakataong makapag-usap ni Zia na sila lang dalawa.Pagkasara ng pinto ay binalik ni Louie ang tingin kay Zia kung saan ay nakatingin din pala ito sa kanya.Nagtagal ang titig ni Zia nang ilang segundo saka nagtanong, "Bakit mo 'ko binalik dito? 'Yung kasunduan natin, tuparin mo 'yun!" aniya sa namamaos at mahinang boses.Umiling si Louie. "Naisip kong ibalik ka na lang dito dahil mas lalo ka lang mahihirapan do'n. Ang sabi pa sa'kin ng doctor ay gusto mo raw laging mapag-isa at nasa kwarto. Kaya pa'no bubuti ang kondisyon mo kung ganoon lang palagi ang nangyayari? Baka habang patagal nang patagal ang bumags
MAHIGIT isang buwan ang lumipas, naging maayos naman ang buhay ni Zia simula nang tumira kasama ang Ina.Nagi-improve at bumabalik ang dati niyang pangangatawan. Maayos niya na ring naaalagaan ang anak.Kahit hiwalay at wala ng rason para muling mag-usap ni Louie ay hindi ito nakakalimot sa kanila. Araw-araw ay nangungumusta ito.Nagre-reply naman siya kapag si Luiza ang pinag-uusapan pero kapag tungkol sa ibang bagay ay hindi na lamang niya pinapansin. Hindi siya manhid para hindi malaman na gusto nitong makipag-ayos, na muli silang magkabalikan pero hindi na talaga kaya ni Zia ang ganoon.Maayos na ang buhay niya kasama ang Ina at anak. Kaya kapag nauuwi sa ganoon ang usapan sa linya ng cellphone ay pinaprangka na niya si Louie. Hindi naman ito nagagalit at tumatahimik na lamang hanggang sa naging madalang na ang pagtawag at pag-text nito.Hindi na rin naman niya pinapansin pa dahil abala siya sa pamilya at ang planong paglipat sa Cebu.~*~SA ARAW na iyon ay nagtungo si Zia sa past
SAPUL at talagang tinamaan si Louie ng mga binitawang salita ni Zia. Kaya sa halip na kausapin ito ay nanahimik na lamang siya sa puwesto at nagmaneho.Malapit nang lumubog ang araw ng makarating sila sa bahay. Naunang lumabas sa sasakyan si Zia habang nakasunod si Louie.Si Maricar na nasa sala kasama ang Nanny ay napalingon. Bahagyang nabigla nang makitang kasama ng anak si Louie."Gusto niyang makita ang bata," paliwanag ni Zia kahit wala pa namang tinatanong ang Ina.Lumapit naman si Louie upang magbigay-galang kay Maricar na hesitant pa nang una."Nasa kwarto po si Luiza. Gusto niyo pong puntahan, Sir? Natutulog po siya ngayon," saad naman ng Nanny.Tumango lang si Louie saka sumunod sa Nanny na patungo sa kwarto ng bata.Pagkaalis ng dalawa ay nilapitan ni Maricar ang anak. "Akala ko'y si Lindsay ang kasama mo. Dito ba siya maghahapunan?""Uuwi rin agad siya, 'Ma."Tinitigan nang matagal ni Maricar ang anak saka nagtanong, "May nangyari ba?"Umiling si Zia pero kalaunan ay ikinu
NAGTUNGO agad si Louie sa Cebu para puntahan si Zia ngunit wala siyang naabutan. Bakante ang bagong bahay na itinayo sa lupain nito.Sinubukan niya ring kausapin si Lindsay at magtanong kay Patrick pero bigo siyang makakalap ng kahit kaunting impormasyon kung nasaan ang kanyang mag-ina.Kinausap na rin niya si Mrs. Lim pero wala rin itong nalalaman. Pinuntahan na rin niya sa kulungan si Chris para makiusap pero maging ito ay ayaw magsalita.Sa sobrang desperado niyang mahanap ang kanyang mag-ina ay kumuha na siya ng private investigator para alamin kung saang lupalop ng bansa nagpunta ang mga ito.Halos isang buwan ang hinintay niya para malaman ang lokasyon ni Zia. Ngunit ang impormasyon na binigay sa kanya ng investigator ay mas lalo lang nakadagdag problema sa kanya.Ayon sa investigator ay umalis ng bansa si Zia at nagpunta sa Thailand. Kaya mas lalong nahirapan si Louie na mahanap ito ngunit hindi siya sumuko.Ipinahanap niya sa mga tauhan ang kanyang mag-ina maging si Maricar na
SA HALIP na magpunta sa staff room ay dumiretso si Zia patungo sa banyo. Mabilis ang lakad hanggang sa tuluyang manlambot ang tuhod at napakapit sa pader.Pagpasok sa loob ay agad siyang humarap sa sink saka binuksan ang faucet. Gusto lang niyang marinig ang lagaslas ng tubig para okupahin ang isip.Humarap siya sa salamin at pinakatitigan ang sariling repleksyon, nananalangin na sana ay hindi napansin ni Louie ang kabang nararamdaman.Sa totoo lang ay gusto na talaga niyang magtago kanina, taguan ang dating asawa. Pero hindi naman niya pwedeng pabayaan na lamang ang kasamahan na apihin ng customer lalo at wala naman itong nagawang mali.Naghugas siya ng kamay at pagkatapos ay tatlong beses na huminga nang malalim dahil nasisiguro na muli niyang makakaharap si Louie sa oras na bumalik siya sa...Bigla siyang napalingon sa pintuan nang makita si Louie mula sa repleksyon ng salamin na nakasandal sa hamba ng bukas na pinto."A-Anong ginagawa mo rito? Ladies room 'to," aniya na bahagya pa
NAGTANONG si Zia kung bakit sa dinami-rami ng branch ay sa Pilipinas pa siya inilipat.Saka, sa pagkakaalam niya ay wala naman silang branch doon, pero ngayon ay meron na?Ayaw niya mang mag-isip ng kakaiba pero hindi niya maiwasang maghinala na baka may kinalaman dito si Louie. Lalo pa at napakalayo ng sagot ng amo sa naitanong niya. Parang nagdahilan na lamang pero hindi naman talaga iyon ang totoong rason ng kanyang paglipat.Nang makauwi ay dumiretso si Zia sa kwarto kung saan ay naabutan niya ang ina'ng si Maricar na inaantok habang nagbabantay sa natutulog na anak.Tahimik na lumapit si Zia saka ito hinawakan sa balikat. "Lipat na po kayo sa kwarto niyo, 'Ma."Nagising naman si Maricar saka tumayo. "Kamusta ang trabaho?""Ayos lang po, 'Ma.""Nag-nosebleed nga pala kanina si Luiza," pahayag ni Maricar.Nag-alala agad si Zia. "Dinala niyo po ba sa ospital?" Saka naupo sa kama at hinaplos-haplos ang buhok ng anak."Wala tayong pampa-ospital. Ayoko namang gamitin ang perang inipon
SA HALIP na pasiyalan ay ang ospital ang unang pinuntahan nilang mag-ina, mga wala pang isang linggo matapos nilang makabalik ng bansa.Pinasuri agad ni Zia ang anak dahil nagdurugo na naman ang ilong nito. Sa tulong ni Patrick ay hindi naman sila nahirapang magpa-schedule sa doctor na inirekomenda.Matapos ma-examine si Luiza ay bumalik sila sa opisina ni doctor Zapanta. Doon ay sinabi nito na kailangang ma-operahan ang bata sa lalong madaling panahon.Alam naman iyon ni Zia dahil makailang-beses na rin siyang sinabihan ng Thai doctor noon ni Luiza. Pero magpasahanggang ngayon, sa tuwing naiisip na dadaan sa ganoong proseso ang anak sa mura nitong edad ay hindi niya maiwasang maiyak.Nahihirapan siya bilang isang Ina. Na dapat sa ganoong edad ng anak ay ini-enjoy nito ang mga bagay na ginagawa ng isang bata."Mama? Bakit ka iyak?" tanong ni Luiza.Umiling-iling naman si Zia pero patuloy pa ring umaagos ang luha sa mga mata."Ang mas mabuti pa'y ilalabas ko muna ang bata," saad ni Mar