SAMANTALANG ang batang bagong silang pa lamang ay nailagay na sa incubator para obserbahan ng ilang araw.Sa labas ng intensive care unit ay naroon si Lucia na nakamasid sa apo. May ngiti sa labi kahit may pag-aalala para sa batang premature.Kahit malayo-layo sa kanyang puwesto ay hindi maikakailang namana ng bata ang mata at kilay ni Louie.Hanggang sa maalala ang pagpanaw ni Arturo kaya inutusan niya ang kasamang katulong na pumunta sa ospital at alamin kung anong pwede nilang maitulong. Kilala sa industriya si Arturo kaya nasisiguro niyang maaaring may makaalam ng pagkamatay nito. Kailangan niyang magpaabot kaagad ng assistance bago pa may masabi ang ibang tao tungkol sa pamilya niya, lalo at nangyari ang lahat ng ito habang wala ang anak na pinaghihinalaan niyang nagpunta sa lugar kung nasaan si Bea."Yes po, Madam," tugon ng katulong saka umalis.Sa kabilang dako naman, ay pinipigilan ni Lindsay at Nurse si Zia na umalis sa ospital."Mahina ka pa," ani Lindsay."Kailangan kong p
NAPAKUNOT-NOO si Louie sa narinig. "Pa'nong nanganak si Zia? May nangyari bang masama?"Bago sumagot ay naibaling muna ni Alice ang tingin sa babaeng kasama nito. Ang kanyang mata ay mababakasan ng panghuhusga. "... Inatake sa puso ang biyenan niyo't naging sanhi kung bakit napaaga ang panganganak ni Ma'am Zia. Muntik na po silang mapahamak ng bata kung wala pong nakakita at nagmalasakit na dalhin siya sa ospital," mahabang paliwanag ni Alice na panaka-naka ang tingin sa babae."Safe na ba ang mag-ina ko ngayon?" ani Louie na tinanguan ni Alice."Tara na po sa kotse, Sir at ihahatid ko po kayo ngayon sa ospital.""Dumiretso muna tayo sa funeral home."Mariing nailapat ni Alice ang labi saka nag-alangan na sabihin ang totoo. "Sir... hindi po kayo pinapayagan ni Ma'am Zia na magpunta roon.""At bakit?""Siya na lamang po ang tanungin niyo."Napatiim-bagang si Louie. Hindi makatarungan para sa kanya ang ganoon pero marahil ay kasalanan niya rin ang lahat. Dahil mas pinili niyang umalis s
BAHAGYANG nakaangat ang dalawang kamay ni Louie, tila sumusuko sa harap ni Zia. "Hindi kita lalapitan... pero lumayo ka muna sa railings, delikado."Kung ano-anong masasamang ideya ang pumapasok sa isip ni Louie. Kaya hangga't maaari ay gusto niyang kumalma ang asawa."Umalis ka na lang!" singhal muli ni Zia."Oo, aalis ako kung lalayo ka muna. Please, Zia umalis ka riyan." Saka unti-unting humakbang patalikod si Louie pabalik sa pinanggalingang pintuan.Ngunit nang muling tumalikod si Zia ay saka siya mabalis na tumakbo palapit dito at niyakap sa bewang palayo sa railings."Bitawan mo 'ko!" nagsisisigaw na sabi ni Zia. Nagpupumiglas at pinapadyak pa ang paa para lang makawala.Pero hindi nagpatinag si Louie na binuhat ito patungo sa pintuan ng rooftop. "Pakawalan mo 'ko, Louie!""Hindi! Hangga't hindi ko nasisigurong safe ka't walang gagawin na masama!"Tila napagtanto naman ni Zia ang ibig nitong sabihin kaya mas lalo siyang nagpumiglas sa puntong sinabunutan na niya at nagawang kag
MATAPOS ang libing ni Arturo ay nagpaalam si Maricar na mauuna nang umuwi kasama si Lindsay. Makikisabay ito sa kotse ni Patrick kasama ang Ina."Sasama na rin po ako sa inyo, 'Ma," ani Zia."Hindi ka babalik ng ospital?" tanong ni Maricar."Pwede naman kitang ihatid roon," sabat ni Patrick.Tumango si Zia pero bago pa makaalis kasama nila ay lumapit na si Louie at hinawakan ang braso ng asawa. "Sa'n ka pupunta? Babalik pa tayo sa ospital.""Sasabay ako sa kanila," sagot ni Zia saka binawi ang braso."Hindi, sasama ka sa'kin," pinal na sabi ni Louie.Si Maricar na agad naramdaman ang tensyon ng mag-asawa sa isa't isa ay agad na nagsalita, "Sumama ka na lang sa kanya, Zia at baka hindi na tayo magkasiya pa sa sasakyan ni Patrick."At dahil si Maricar na ang nagsalita ay hindi na umapela si Zia at labag sa loob na nagmartsa patungo sa kotse ni Louie.Pabagsak pa nga niyang sinara ang pinto ng sasakyan. Pagpasok nito sa loob ay saka siya nagsalita, "'Wag mo 'kong pinipilit na sumama sa'y
HINDI na talaga kaya ni Zia na makasama si Louie sa iisang bubong. Ang makatabi ito sa kama at makita ay sadyang mahirap na sa kanya. Para siyang nasasakal, nahihirapang huminga sa tuwing nakikita at nakakausap niya ito.Dahil sa ginawang pag-alis ni Louie ay muntikan na siyang mawala sa mundo kasama ang anak. Kaya sa papaanong paraan niya pa kakayaning makasama ito?Araw-araw, sa pagmulat ng mata ay lagi niyang naaalala ang gabing iyon na nahihirapan siya nang sumakit ang tiyan at wala man lamang mahingan ng tulong. Nakaka-trauma."Wala na kong nakikitang rason para magsama pa tayo, Louie. Kaya para hindi na tayo magkasakitan pa'y mas mabuting maghiwalay na lang tayo."Naging matagal ang titig ni Louie hanggang sa tumayo ito at nagpasiyang lumabas ng kwarto. "Saka na natin 'to pag-usapan, bababa muna ako't hindi pa 'ko nakakakain ng hapunan."Marahang isinara ni Louie ang pinto kahit nanginginig ang kamay at gustong ibagsak ang pagsara. Iniisip na lamang niya ang anak na kakapahinga
NAPATIIM-BAGANG si Louie sa narinig. Paulit-ulit na parang sirang plaka si Zia sa gusto nitong mangyari at nakakairita na."Ilang beses ko bang sasabihin na hindi tayo maghihiwalay?! Gusto mo talagang makita akong sumabog at mawalan ng pasensiya sa'yo?"Saglit na pagsulyap sa anak ang ginawa ni Zia bago ibalik ang tingin kay Louie. "Hinaan mo lang ang boses mo't magigising ang bata," aniya habang inis na nakatingin dito.May gigil na napahawak si Louie sa sariling batok para ilabas ang inis saka nagtungo sa cloakroom para magpalit ng kasuotan. Napagpasiyahan niyang pumasok na lang sa kompanya kaysa magtagal sa bahay na paniguradong magtatalo lang sila ni Zia.Paglabas ay naka-suit na siya at inaayos ang kurbata. At kahit iritado ay nagpaalam pa rin siya kay Zia na aalis. Wala naman itong sinabi kaya nagpatuloy si Louie, kinuha ang suitcase saka lumabas ng kwarto.Pagsakay sa kotse ay saka niya tinawagan si Alice para utusan na magpadala ng maraming bodyguard na magbabantay kay Zia. Ma
BAHAGYANG natigilan si Louie. Ang malambot na ekspresyon para sa biyenan ay biglang naglaho. Naging seryoso ang tingin niya kay Maricar."Hindi po sasama sa inyo si Zia. Dito lang siya," saad ni Louie, na nanatiling marespeto sa Ginang."Tumawag sa'kin si Zia at sinabing ikinukulong mo siya rito.""Hindi po totoo 'yun, 'Ma. Malaya po siyang nakakagalaw rito sa buong bahay.""Ang sabi ng anak ko'y hindi mo siya pinapayagang umalis at may nakabantay sa kanyang bodyguard, twenty-four-seven," ani Maricar."Dahil gusto niyang makipaghiwalay at iwan ako. At hindi ko 'yun mapapayagang mangyari.""Kaya ikinukulong mo siya rito?" giit muli ni Maricar.Napabuntong-hininga si Louie. Hindi na dapat niya ipapaalam ang nangyari dahil isang sensitibong usapin ang isisiwalat niya sa biyenan. Pero kailangan nitong malaman ang totoo para maintindihan nito na para lang sa ikabubuti ni Zia ang gusto niyang mangyari. "Noong nakaraang araw ay nagpunta kami sa ospital dahil nahihirapan siyang mag-produce ng
NAGKATINGINAN ang mag-asawa dahil sa sinabi ng katulong. Biglaan at walang pasabi ang pagdating ni Lucia kaya bumigat pang lalo ang sitwasyon.Pakiramdam ng dalawa ay may dala itong masamang balita o hindi magandang pakay sa kanila."Bababa lang ako," ani Louie sa asawa, saka sumunod sa katulong para harapin ang Ina.Paglabas ng kwarto ay paparating naman si Lucia na may bitbit na pagkarami-raming paper bag. Naging mabilis ang paglalakad ni Louie upang salubungin ito."Hinintay niyo na sana ako sa ibaba, 'Mmy," aniya."Gusto kong makita ang apo ko, para sa kanya 'tong pinamili ko," saad naman ni Lucia saka tuloy-tuloy na nagtungo sa master's bedroom kung nasaan si Zia at ang bata.Naningkit ang mga mata ni Lucia nang makita ang manugang. Ang ayos nito ay hindi kaaya-aya sa paningin. "Louie," tawag niya sa anak. "Mag-isa lang ba si Zia na nag-aalaga sa bata? Ba't ganyan ang ayos niya?"Muling nagkatinginan ang mag-asawa saka mabilis na inayos ni Zia ang sarili sa harap ng biyenan. "Pas