SERYOSONG nakatingin si Louie sa babae habang inaalala ang naganap kagabi. Oo, pamilyar ito sa kanya at may kaunting flashback na nakikita mula sa pinuntahang club pero wala siyang naaalala sa sinasabi nito.Nagdududa si Louie kung may nangyari ba sa kanilang dalawa. Kaya tiningnan niya ang sahig, nakakalat ang damit nito."What's your name again?" ani Louie."Hazel," ngiti nitong tugon."Sabi mo artista ka? What management, ang manager mo?" muling tanong ni Louie habang may hinahanap sa sahig at puwesto niya sa kama pero wala, hindi niya makita ang ginamit na cond*m. Kahit nilukot na tissue ay wala rin kaya nakakaduda na may nangyari sa kanila.Pagbaling sa mukha ni Hazel ay biglang nag-iba ang ekspresyon nito, tila kabado pero naroon pa rin ang ngiti sa labi."Ba't 'di ka na makapagsalita? You knew me, right? Nasisiguro kong kilala mo 'ko, not only by my name.""W-What do you mean?"Lumapit si Louie sa puwesto nito saka marahas na hinablot ang kumot na tumatakip sa katawan nito.Nap
BINALIKAN ni Zia si Lindsay mula sa cellphone. "Hello, nandiyan ka pa ba? Mamaya na lang tayo mag-usap at may dumating na bisita.""Narinig ko ang sinabi ng katulong, 'yan ba 'yung tinutukoy ko?""Hindi ko alam at haharapin ko pa siya," ani Zia."Baka siya 'yan kaya mag-iingat ka kung anong sasabihin o gagawin ng babaeng 'yan, baka saktan ka niya?""Don't worry at may kasama naman ako rito sa bahay. Sige, at mamaya na lang tayo mag-usap.""Okay, ingat ka Zia."Pagkatapos ng tawag ay lumabas na siya ng kwarto para harapin ang babaeng nagpakilalang Hazel. Sa may hagdan pa lang kung saan ay matatanaw na ang living room ay tinititigan na ni Zia ang naturang babae.Nakatalikod ito sa puwesto niya kaya hindi niya makita ang mukha nito. Nang makalapit siya ay saka lang ito lumingon.Maganda, iyon ang unang napuna ni Zia. Bumaba ang tingin niya sa suot nitong dress, eleganteng tingnan.Tipid na napangiti si Zia at ganoon din ang ginawa nito. "Hi, ako nga pala si Zia," pakilala niya."Ako nama
NAALIMPUNGATAN si Louie sa tunog ng cellphone. Hindi niya namalayang nakatulog pala siya sa study room. Maingay pa rin ang cellphone kaya kinuha niya ito, at nakitang mag-aalas-singko pa lang ng umaga at ang caller ay ang kanyang Ina.Biglang nagising ang diwa niya dahil hindi naman tumatawag ng ganoon kaaga si Lucia, maliban na lamang kung may nangyaring hindi maganda. At bigla niyang naisip si Esmeralda."Hello, napatawag kayo, anong problema, 'Mmy?""Louie..." panimula ni Lucia sa malungkot na boses. "Sobrang hina na ni Mama, at ang sabi ng doctor ay hindi na siya magtatagal pa. Kaya pumunta ka na rito habang may oras pa't isama mo si Zia para makita siya."Nang sabihin iyon ng Ina ay alam na niyang dapat siyang mabahala. Ayaw nito kay Zia kaya ang sabihing dalhin niya ang asawa para makita si Esmeralda ay talagang hindi na ito..."O-Okay, magpupunta kaagad kami riyan," aniya saka tinapos ang tawag. Mabilis ang hakbang pabalik sa master's bedroom at ginising ang asawa.Nagmulat ng
MARIING naikuyom ni Louie ang kamay na may benda, pero hindi niya alintana ang kirot. Nag-uumpisang dumilim ang paningin niya sa galit.Nagluluksa sila pero sa paningin niya ay tila hindi iyon ang nakikita sa mukha ni Zia. Banayad itong nakatingin at nakikipag-usap kay Patrick."Sir?" tawag pansin ni Alice nang mapuna ang madilim nitong aura habang nakatingin kay Zia at Patrick.Binalewala lang ni Louie ang sekretarya at naglakad palapit sa dalawa na agad natigil sa pag-uusap. Nag-angat si Zia ng tingin at mapagtanong na tiningnan si Louie."Bakit?"Walang salitang lumabas sa bibig ni Louie at nanatili lang ang seryosong ekspresyon habang nakakuyom pa rin ang kamay.Napuna iyon ni Patrick at hindi nagdalawang-isip na tumayo para tuluyan ng makapagpaalam. "Hindi na 'ko magtatagal pa't kailangan ko ng umalis, Zia."Awtomatikong lumingon si Zia at hinawakan ang braso nito. "Ba-!" hindi na niya natapos ang sasabihin ng marealize na gusto niya itong pigilan sa pag-alis... Sa harap mismo ni
NGUNIT pinigilan na kaagad ito ni Zia sa braso, hindi niya hahayaang makaalis si Louie nang hindi nila napag-uusapan ang tungkol sa trial ng kapatid."Importante itong sasabihin ko. Tumawag si lawyer Torres at sinabing may posibilidad na masentensyahan si Kuya ng lima o higit pang taon. Louie, kailangan ko ang tulong mo, please," nagsusumamong sabi ni Zia na mahigpit pa ang pagkakahawak sa braso nito.Mula sa mukha ni Zia ay nagbaba ng tingin si Louie sa braso niyang hawak nito. Sa mga nagdaang buwan ay ngayon lang naging desperada at nangailangan sa kanya ng ganito ang asawa.Kung hindi pa dahil sa kapatid nito."Paano kung ayoko?"Agad rumehistro sa mukha ni Zia ang takot. Hindi siya makakapayag na makulong ng ganoon kahaba ang kapatid. "G-Gagawin ko lahat ng gusto mong mangyari! Kahit anong ipagawa mo, kung kinakailangan na ibenta ko uli ang sarili--""Zia!" malakas at um-echo pa sa buong kwarto ang boses ni Louie. "Naririnig mo ba ang sarili mo? Ibenta? Nabili na kita noon pa man.
ILANG MINUTO ang lumipas nang masinagan ng ilaw na nagmumula sa isang lumang tricycle ang katawan ni Zia. Nawalan na ito ng malay dahil sa dinaranas na sakit. Ang hita ay may bahid ng dugo kaya inakala ng tricycle driver na nasugatan ito. "Jusko! Anong nangyari sa kanya?!" saad ng babaeng pasahero. "Tulungan natin at buntis pa naman," aniya sa driver. Kaya pinagtulungan ng dalawa na buhatin si Zia at madala sa pinakamalapit na ospital. "Tulong, nakita naman siya sa may daan na duguan!" untag ng pasahero matapos makarating sa ospital. "Hindi niyo po siya kilala, Ma'am?" tanong ng Nurse. Umiling ito at saka naman binigay ang bag ni Zia na kinuha nila mula sa kotse. "Ito ang bag at cellphone niya, kayo ng bahalang komuntak sa kamag-anak niya't kailangan na naming umalis." Tumango naman ang Nurse at matapos ay saka na umalis ang dalawang estranghero. Bumalik ang Nurse sa counter saka naghanap ng impormasyon tungkol kay Zia nang biglang tumunog ang cellphone. "Hello?" "Zia, hindi
SAMANTALANG ang batang bagong silang pa lamang ay nailagay na sa incubator para obserbahan ng ilang araw.Sa labas ng intensive care unit ay naroon si Lucia na nakamasid sa apo. May ngiti sa labi kahit may pag-aalala para sa batang premature.Kahit malayo-layo sa kanyang puwesto ay hindi maikakailang namana ng bata ang mata at kilay ni Louie.Hanggang sa maalala ang pagpanaw ni Arturo kaya inutusan niya ang kasamang katulong na pumunta sa ospital at alamin kung anong pwede nilang maitulong. Kilala sa industriya si Arturo kaya nasisiguro niyang maaaring may makaalam ng pagkamatay nito. Kailangan niyang magpaabot kaagad ng assistance bago pa may masabi ang ibang tao tungkol sa pamilya niya, lalo at nangyari ang lahat ng ito habang wala ang anak na pinaghihinalaan niyang nagpunta sa lugar kung nasaan si Bea."Yes po, Madam," tugon ng katulong saka umalis.Sa kabilang dako naman, ay pinipigilan ni Lindsay at Nurse si Zia na umalis sa ospital."Mahina ka pa," ani Lindsay."Kailangan kong p
NAPAKUNOT-NOO si Louie sa narinig. "Pa'nong nanganak si Zia? May nangyari bang masama?"Bago sumagot ay naibaling muna ni Alice ang tingin sa babaeng kasama nito. Ang kanyang mata ay mababakasan ng panghuhusga. "... Inatake sa puso ang biyenan niyo't naging sanhi kung bakit napaaga ang panganganak ni Ma'am Zia. Muntik na po silang mapahamak ng bata kung wala pong nakakita at nagmalasakit na dalhin siya sa ospital," mahabang paliwanag ni Alice na panaka-naka ang tingin sa babae."Safe na ba ang mag-ina ko ngayon?" ani Louie na tinanguan ni Alice."Tara na po sa kotse, Sir at ihahatid ko po kayo ngayon sa ospital.""Dumiretso muna tayo sa funeral home."Mariing nailapat ni Alice ang labi saka nag-alangan na sabihin ang totoo. "Sir... hindi po kayo pinapayagan ni Ma'am Zia na magpunta roon.""At bakit?""Siya na lamang po ang tanungin niyo."Napatiim-bagang si Louie. Hindi makatarungan para sa kanya ang ganoon pero marahil ay kasalanan niya rin ang lahat. Dahil mas pinili niyang umalis s