DAHIL sa namumuong tensyon ay hindi na nga nakaligtas sa ibang guest ang nangyayaring kumosyon sa table na iyon. May ibang nagtangkang lumapit at maki-osyuso ngunit hinarangan na kaagad ng mga tauhan ng pamilya Lopez. At kahit maging ang pamilya Javier ay napasugod na rin. "Papâ, pinagtitinginan na tayo ng lahat," saad ni Clara kay Don Felipe. Ngunit hindi natinag ang matanda at masama pa rin ang tingin kay Louie. "Pati ba naman ikaw, Louie ay kinakalaban ako?" may paghahamong tanong ni Felipe. Kahit sa katunayan ay ayaw niya rin ng gulo dahil higit na mas makapangyarihan ang estado at kakayahan ni Louie pagdating sa kanila. Mahirap kalabanin ang isang Rodriguez. "Hindi ko gusto ng gulo, Don Felipe. Pero kung iaatras mo lahat ng mga tauhan mo ay baka madadaan pa tayo sa matinong usapan. Pero kilala niyo naman ako, ayoko ng simpleng usapan lang," saad ni Louie na makikitaan ng kompyansa kahit sa sitwasyong iyon. Mas lalong dumilim ang aura ng matanda. Ayaw niyang sumuko at mauwing
MATAPOS ng mainit na pagniniig ay bumangon si Zia sa kama. Gustuhin niya mang magsuot ng damit ay hindi na niya ginawa at didiretso naman sa banyo para mag-shower. Dahil nanlalagkit siya ng husto, lalo na 'down there'. Hindi nag-cond*m si Louie kaya kailangang linisin ang sarili ng maigi. Paglingon niya ay nakangiti si Louie pero siya ay hindi. Hindi niya makuhang mag-enjoy pagkatapos ng nangyari. Pagod siya mula sa wedding celebration pero ito... mas lalo siyang pinagod ni Louie. Nadagdagan ang trabaho ni Zia at paniguradong magtatagal siya sa banyo sa kakalinis ng 'down there' niya. "Bakit hindi ka nagsuot ng proteksyon?" mahinanong reklamo ni Zia. "Paano ko ngayon 'to lilinisin?" "Gusto mo bang ako na gumawa?" ani Louie na akmang babangon sa kama. "No, thanks at baka humirit ka pa," ani Zia at baka hindi paglilinis ang mangyari. "Okay, pero sabay na tayo?" Saka bumangon na hubo't hubad kaya napaiwas si Zia ng tingin. "Sa kabilang kwarto ka and please, pagpahingahin mo naman
PARANG biglang lumubo ang utak ni Zia sa impormasyong sinabi ng Nurse. Hilong-hilo at nalilito siya kung bakit? "Y-You mean..." hindi na niya makuhang tapusin ang salita dahil nilalamon na siya ng takot na nararamdaman para sa kaibigan. Gusto niyang puntahan si Lindsay pero natatakot siyang makitang sinasagip ito ng doctor. Baka hindi niya kayanin sa oras na maglinya na ang ECG monitor. Umiiyak siya ngunit ang iyak niyang iyon ay kakaiba. Kinakapos na hagulgol, na sadyang nakakalungkot makita at marinig. Kaya ang Nurse na kasama ay pilit siyang pinapakalma. "Huminahon po kayo, Ma'am. Nagpa-panic attack po kayo," anito saka siya pinaupo sa malapit na bench. "Si Lindsay..." usal ni Zia habang patuloy pa ring umiiyak. "May gusto po ba kayong tawagan na kapamilya para samahan kayo rito?" anito. "... Louie," ani Zia. Ibinigay naman ng Nurse ang cellphone. "Ito po, tawagan niyo." Nanginginig naman ang kamay ni Zia ng kunin niya ang cellphone. Saka tinawagan si Louie. Ngunit imbis n
SA HALIP na sumagot ay lumabas lang ng kotse si Louie, nagpunta sa puwesto ni Zia para pagbuksan ito ng pinto habang nakalahad ang kamay upang alalayan itong makalabas sa sasakyan. Si Zia na naguguluhan pa rin ay walang nagawa kundi ang lumabas ng kotse. Sa oras na iyon ay nasisiguro niyang walang misa dahil nakikita naman niya ang loob ng simbahan. "Tara," ani Louie saka hinawakan ang kamay nito. Pagpasok sa loob ay napansin ni Zia na nasa altar pala ang Pari, hindi niya napansin kanina gawa ng nakaupo ito. "Ano bang nangyayari, Louie?" tanong niyang muli. Pagkatapos ay napatingin sa taong papalapit, si Alice. May dala itong veil at wedding bouquet. Sa mga sandaling iyon ay kinabahan na si Zia. Mabilis niyang binawi ang kamay at gustong tumakbo. "Hindi mo 'to sinabi sa'kin, Louie!" may halong sumbat niyang saad. Sa halip na magalit ay kalmado lang si Louie na nakuha pang ngumiti. Nakalapit na si Alice at ibinigay ang bouquet kay Zia. Matapos ay sunod namang ikinabit ang ve
UNTI-UNTI ng nagsisialisan ang mga customer pagsapit ng hapon. Kahit may ngiti at maaliwalas ang aura ay hindi nawaglit sa isip ni Zia ang nangyaring sa pagitan nila ni Louie. Umalis na lang siyang bigla sa opisina ng hindi nareresolba ang alitan. Napansin na lang niyang lumabas ito ng shop at nanatili na sa kotse hanggang hapon. Matapos makaalis ng pinakahuling costumer ay nagsimula na silang magligpit. Nag-aayos sa may counter si Zia ng lumapit si Lindsay. "May problema ba kayo ni Louie?" "Hmm? Wala," sagot ni Zia. "Kanina pa kasi siya sa labas," puna pa ni Lindsay. "Ganoon ba, hindi ko pansin sa sobrang busy ko," pagdadahilan ni Zia. Saka tinigil ang ginagawa at nilapitan ito. "Gusto mo na bang umuwi? Itatawag kita ng taxi." Medyo nagtagal ang titig ni Lindsay sa kaibigan. Walang duda na iniiwasan nito ang mapag-usapan si Louie. "Inaway ka ba niya, sinaktan?" Napatingin si Zia. "Walang ganoon na nangyari, ako ang may kasalanan." "Ano naman 'yung nagawa mo?" Natahimik si Z
ILANG segundo ang dumaan pero wala man lang dumamping halik. Napamulat ng mata ang babae at nakitang nakatingin lang si Louie, madilim ang ekspresyong pinapakita. "W-What? Hindi mo ba ako hahalikan?" kabadong tanong ng babae. "Sino ka ba para halikan ko?" Ang mapulang mukha ng babae dahil sa blush-on at ininom na alak ay mas lalo pang pumula dahil sa hiya. Bago pa maitulak ay kusa ng lumayo si Louie at bumalik sa paghuhugas ng kamay. "Kadiri," bulong ni Louie na narinig ng babae. Sa galit ay akma itong susugod ngunit humarap si Louie at madilim ang tingin sa babae. "Kilala mo ba ako? Kung hindi ay bibigyan kita ng pagkakataong umalis bago pa kita ipadampot sa security," babala niya. "Wala akong pakialam kung--" Naglakad na paalis si Louie at hindi pinansin ang babae. Tuloy-tuloy palabas ng club at hindi na nagpaalam sa mga kasamahan. Saka tumawag ng chauffeur para ipagmaneho pauwi. Pagdating sa bahay ay dumiretso siya sa kwarto kung saan ay natutulog na si Zia, hindi man lang
SA HALIP na makapagsalita ay katok sa pinto ang gumambala sa dalawa. At maingat na pumasok ang katulong dala ang luggage ni Louie. "Ito na po ang bagahe niyo, Sir." Pagkatapos ay kaagad ring umalis. Sa pagsulyap ni Zia ay nakapikit na ito na animo ay natutulog. "Nagugutom ka ba, gusto mong ipaghanda kita ng makakain?" Hindi sumagot si Louie kaya nagpasiya na lamang siyang lumabas para ipaghanda ito ng pagkain. Pagkaalis ni Zia ay nagmulat ng mata si Louie at nagtungo sa study room. Matapos ay dinukot sa bulsa ang cellphone para basahin ang mensahe ng doctor ni Bea. Na muling ooperahan matapos makitaan ng chance of survival rate ng doctor. Isang magandag balita kaya agad na ipinaasikaso ni Louie sa assistant ang operasyon kay Bea, gawa ng hindi niya maipasa kay Alice ang trabaho dahil abala ito sa kompanya. Ayos na sana ang lahat pero muli na namang nangungulit si Bea na magpakita si Louie sa mismong araw ng operasyon. Siyempre, hindi pumayag si Louie dahil sa dami ng trabahong m
MALAKAS ang kabog ng dibdib ni Zia ng mga sandaling iyon sa puntong naririnig na niya ang pagtibok ng puso.Nasa may sink lang ang pregnancy test kit, tinititigan niya ng matagal hanggang sa napagpasiyahan na ngang gamitin. May guide sa likod ng box na kahit makailang-beses ng binasa ay tila hindi niya maisaulo ang instruction. Lutang na lutang ang isip niya."Tama ba 'yung ginawa ko? Parang mali ata," kausap niya sa sarili habang hinihintay ang resulta.Nakatutok siya sa pregnancy test kit habang nakakagat sa kuko ng hinlalaking daliri. Pigil hininga si Zia nang magsimulang gumuhit ng kulay pula ang aparato.Ilang sandali pa ay kumurap-kurap. Sinisiguradong hindi siya namamalik-mata sa nakikita.Ang sabi sa guide, kapag dalawang pulang guhit ang nagpakita ay nangangahulugang buntis ang gumamit ng aparato.Isa... dalawa....Iyon ang bilang ni Zia. Ibig sabihin ay...Agad siyang umiling-iling. "Baka sira lang 'to," aniya saka kumuha pa ng isang pregnancy test kit. Apat ang binili niya
PALABAS na ng police station si Shiela nang humarang si Jeric."Anong ginagawa mo? Tumabi ka.""Pero tinatawag po kayo ni Sir--""Naririnig ko pero ayaw ko na siyang kausapin pa," ani Shiela na matalim ang tinging ipinupukol kahit pa bakas ang pagluha."Shiela!" sigaw ni Chris sa loob ng selda."Hoy, tumahimik ka't nakakabulahaw ka sa mga nagtatrabaho," saway ng isang pulis."Sir, baka pwede niyo naman akong palabasin na nang maaga? Kailangan ko lang kausapin ang asawa ko. Ayon siya." Sabay turo.Nang marinig iyon ni Shiela ay dali-dali siyang naglakad paalis sa lugar, na sinundan naman ni Jeric."Sa'n po kayo pupunta?""Uuwi na.""Ihahatid ko na po kayo, sandali lang," ani Jeric saka mabilis na bumalik sa selda. "Sir, gusto ng umuwi ni Ma'am Shiela, ihahatid ko lang po siya," paalam pa niya sa amo.Saka lang natahimik si Chris. "Sige..." aniya kahit gulong-gulo pa rin sa binitawang salita ng asawa. "Magkita na lang tayo mamaya sa mansion."Tumango naman si Jeric saka umalis upang sun
KANINA pa tinitingnan ni Shiela ang screen ng cellphone. Ilang oras na siyang naghihintay pero wala pa ring reply ang asawa kung dumating na ba ito sa Cebu?Malapit ng magtanghali pero wala pa rin siyang balita. Kapag naman tinatawagan niya ay 'cannot be reach'."Shiela," tawag ni Evelyn. "Tara, kumain muna tayo at paniguradong maraming darating mamaya."Tumango lang siya saka itinago ang cellphone sa bulsa. Sinundan niya ito na lumapit kay Rolan na agad napansin ang pananamlay ng anak."Ayos ka lang ba? Masama ba ang pakiramdam mo?"Umiling si Shiela. "Medyo hindi ako nakatulog kagabi," pagdadahilan na lamang niya.Kahit ang totoo ay kung saan-saan na tumatakbo ang isip.'Pa'no kung nagkaproblema ulit sa factory?''Pa'no kung may nangyari nang masama nn wala siyang kaalam-alam?'"Shiela, sigurado ka bang ayos ka lang? Pwede ka naman magpahinga," ani Evelyn.Nasa hapagkainan na sila pero kanina niya pa napapansin na tumutulala ito. Ni hindi na nga nababawasan ang pagkain.Tipid na pag
NAGPALIPAT-LIPAT ang tingin ni Chris sa dalawa. "'Ma, Zia, sa taas po muna kayo at ako nang bahala rito."Ngunit ni isa sa dalawa ay walang kumilos. Sa sinabi ng pulis ay nakaramdam ng takot ang mga ito para kay Chris.Natakot sina Zia at Maricar na muli itong makulong gaya ng nangyari noon."Dito lang kami, anak," ani Maricar na naluluha na nang mga sandaling iyon."Ako rin Kuya. Kung ano man ang sasabihin nila ay makikinig kami."Napabuntong-hininga si Chris. "Please, sundin niyo na lang ako." Mas mapapanatag ang loob niya kung hindi maririnig ng mga ito ang lahat.Pero sadyang matigas ang ulo ng dalawa kaya kahit palubog na ang araw ay sinabi na lamang niyang sasama sa police station upang doon makipag-usap.Hindi na nakasunod ang kapatid at Ina nang umalis siya kasama ang mga pulis. Habang nasa police car ay tumunog ang kanyang cellphone, tumatawag si Louie."Hmm, napatawag ka?""Pauwi na 'ko nang tumawag si Zia, umiiyak habang kinukwento ang nangyari.""Masiyado lang silang nag-a
PINANUOD ni Chris ang footage pero hindi niya nakikilala ang tinutukoy ng pulis. Hinalukay niya ang memorya nang bumisita kanina sa factory pero hindi niya talaga ito namumukhaan."Kate, nakikilala mo ba siya?" aniya sa assistant.Pinagmasdan naman nito ang monitor. "Hindi rin po, Sir pero pamilyar siya sa'kin. Sa tingin ko'y bagong trabahador sa factory.""Alamin mo kung kailan siya natanggap," utos ni Chris saka muling itinuon ang atensyon sa monitor. Ilang segundo siyang tulala na ipinagtaka ng pulis."Sir, ayos lang kayo?"Natauhan naman si Chris saka tumango. "O-Oo, ayos lang."Napansin naman ni Kate na tila distracted o wala ito sa wisyo kaya kinausap niya ito, "Sir, ang mas mabuti pa'y umuwi na muna kayo at magpahinga. Ako na lamang po ang bahala rito.""Hindi, ayos--" hindi na niya natapos ang sasabihin nang tumunog ang cellphone. Kaya kinuha niya mula sa bulsa at nakitang tumatawag ang asawa.Natigilan siya at hindi makuhang sagutin ang tawag hanggang sa tumigil ang pagtunog.
MARIING pinikit ni Chris ang mga mata sa narinig. Hindi niya akalaing sa isang iglap. Ang tatlo sa mga nakasalamuha niya kanina ay wala na ngayon. "Malapit na 'ko," iyon na lang ang nasabi niya saka tinapos ang tawag. Mabuti na lamang at naging maayos naman ang daloy ng trapiko kaya nakarating agad siya, hindi gaya kanina. Tatlong ambulansya at isang fire-truck ang naroon sa factory. Maraming mga manggagawa ang nasa labas at ang ilan ay halatang may mga natamong sugat o galos. Hinanap ng mga mata niya si Kate at si Fernan. "Sir!" Narinig niya ang boses nito sa kumpol ng mga manggagawa. Kaya tumakbo siya palapit at nakita na may nire-revive ang isang rescuer. "Ilan ang bilang ng mga nasaktan?" aniya kay Kate. "Kanina ay nasa fifteen pero may ilan pa pong naiwan sa loob at patuloy na nililigtas." "Nililigtas? Bakit, hindi ba lahat ay nakalabas?" "Nagkasunog at mabilis na kumalat ang apoy. Mabuti na lamang po at naapula bago pa matupok lahat ng gamit sa loob." "Si ku
HABANG bumabiyahe pauwi sa mansion ay nakatanggap ng message si Shiela mula sa asawa.Chris: Kamusta ang araw mo? Ako, kauuwi pa lang.Katabi niya ng mga sandaling iyon si Evelyn na halata ang pagod sa mukha, ang talukap ng mga mata ay bumabagsak na.Shiela: Okay lang, pauwi pa lang kami para maghapunan.Nang mabasa iyon ni Chris ay napahimas siya sa mukha. Hinihintay niyang mag-open up ito sa nangyari at ayaw niyang makahalata ang asawa na mayroon siyang nalalaman.Shiela: Tatawagan sana kita pero katabi ko si Tita, mamaya na lang after ng dinner.Chris: Okay, I'll wait.Nang mabasa iyon ni Shiela ay itinabi na muna niya ang cellphone at baka maistorbo niya si Evelyn na tuluyan nang nakatulog sa kinauupuan.Maging siya ay unti-unti na ring inaantok hanggang sa hindi na namalayang nakarating na pala sila sa mansion. Pagpasok ay agad silang nagtungo sa dining area para kumain."Manang, maglagay pa kayo ng isang pinggan," utos ni Rolan. "Ilagay niyo sa upuan na laging pinupuwestuhan ni
HUMAKBANG palapit si Shiela ngunit hinarangan agad si Rolan."'Wag kang sumama sa kanya, anak."Tipid na pagngiti ang ginawa ni Shiela saka hinawakan ang kamay nito. "'Wag kayong mag-alala, 'Pa. Hindi ako sasama at kakausapin ko lang siya."Lumapit na rin si Evelyn na bakas ang kaba sa mukha. "Sigurado ka ba? Nag-aalala kaming baka may gawin siya sa'yo."Hinaplos ni Shiela ang balikat nito upang ipakita na walang masamang mangyayari sa kanya. "Salamat sa pag-aalala. Kakausapin ko lang siya't babalik agad ako."Hindi na napigilan ni Rolan ang anak at hinatid na lamang ng tingin habang papalayo upang sundan si Mario."'Wag po kayong mag-alala at ako nang bahalang magbantay," saad naman ni Jeric saka sinundan ang mga ito.Paglabas ni Shiela sa funeral homes ay nakita niyang pabalik sa kotse ang matanda."Hindi niyo ba ako narinig? Ang sabi ko'y makikipag-usap lang ako at hindi sasama sa inyo."Sa pagtitig ng matanda ay agad nakaramdam ng kaba si Shiela. Pakiramdam niya ay may mangyayari
MAAGA pa lang ay nakahanda na sa pag-alis si Shiela at ganoon din si Chris na siya mismong maghahatid sa airport.Gising na rin ng mga sandaling iyon si Maricar at naghanda pa ng babaunin ni Shiela kung sakaling magutom sa biyahe."Hanggang ilang araw ka ro'n?" aniya sa manugang."Hanggang sa mailibing na po si Tanya, 'Ma.""Kaya pala dalawang luggage ang dala mo." Matapos ay tiningnan ang anak. "Kailan ka naman luluawas?""Baka sa makalawa o kung wala ng masiyadong aasikasuhin sa opisina."Matapos ay naglakad na ang dalawa patungo sa kotse kung saan ay naghihintay si Jeric, may dala rin itong luggage."Hindi ko nga pala nasabi sa'yo na sasamahan ka ni Jeric sa Cebu," ani Chris.Hindi na tumanggi si Shiela bilang proteksyon na rin. Mas mapapanatag nga naman siya kung may kasama sa oras na magkaharap sila ni Mario.Inilagay ng driver at ni Jeric ang luggages sa trunk saka sila bumiyahe patungo sa airport.Kahit maaga naman silang umalis ay hindi pa rin naiwasang ma-stuck sa traffic. Ha
BIGLANG nagmanhid ang katawan ni Shiela. Sinasabi ng utak niya na wala na ang kapatid na si Tanya pero... hindi niya maramdaman.Parang nawalan siya ng emosyon habang pinapakinggan ang iyak ni Evelyn sa kabilang linya."K-Kailan po siya namatay, Tita?" iyon lang ang lumabas sa bibig niya sa halip na makisimpatya."Kanina lang, mag-iisang oras na ang lumipas," ani Evelyn na halos hindi na makapagsalita dahil sa labis na pag-iyak.Nagbaba lang ng tingin si Shiela. Talagang hindi pa nagsi-sink in sa kanya ang lahat. "Si Papa po?""Nasa morgue, ako lang ang lumabas dahil hindi ko kayang makita si Tanya na wala ng buhay."Kusa na lamang pumatak ang luha sa mga mata ni Shiela kahit hindi naman siya naiiyak. Parang doon lang tuluyang nagsink-in sa kanya ang lahat.Matapos ay isang mahabang katahimikan ang namayani sa dalawa hanggang sa ibaba na ni Evelyn ang tawag dahil iyak na lamang ito ng iyak.Si Shiela naman sa kabilang dako ay natulala na hanggang sa lumapit si Archie."Mama!" Nagpapap