Iniisip ni Celestine na siguradong nakita ni Nancy si Benjamin na isinama si Diana roon sa press conference.Nakaramdam siya ng awa para sa pamilya Yllana dahil kahit hindi man nila sabihin, alam ni Celestine na napahiya sila.Talagang sumobra si Benjamin sa pagkakataong ito at hindi na niya pinahalagahan ang pamilya Yllana bilang pamilya ng kanyang asawa.Napangiwi si Celestine noon at hindi napigilang tumingin kay Nancy. Naglilinis si Nancy habang pinapagalitan si Celestine, "Hindi mo man lang malinis nang maayos ang bahay na ito!"Nagdilim ang mga mata ni Celestine pagkarinig noon, alam niyang may iba pang ibig sabihin ang mga salita nito. Kaya ngumiti siya at nagbiro, "Nagpa-kalkula na naman ba si Lolo Manuel sa mga nabasa niya tungkol sa general cleaning?"Kumaway si Nancy bilang tugon sw anak, "Ay hindi ‘no! Hindi na tayo maniniwala sa Lolo Manuel mo. Maghugas ka na ng kamay, sabay tayong kakain, nandito na rin naman ang Tito Axl mo ngayon.”Kumurap si Celestine nang marinig ang
“Pwede ba Celestine? Huwag mo nang asahan na mamahalin kita!” sigaw ni Benjamin Peters sa asawa nito. Mahigpit niyang hinawakan ang leeg ng kanyang asawa at saka tinulak sa kama. Kitang-kita ang galit sa kanyang mga mata. “Inubos mo na talaga ang pasensya ko sa iyo. Hindi ko na alam ang gagawin ko! Hayaan mo, divorced naman na tayo pagkatapos ng anim na buwan. Konti na lang.” “Hindi ko naman talaga tinulak si Diana sa pool. Nawalan siya ng balanse noon kaya nalaglag siya,” sagot ni Celestine sa kanyang asawa. May takot sa boses ni Celestine. Basa rin ang buo niyang katawan. Nanginginig din siya habang kausap ang asawa. Kitang-kita pa sa kanya ang pagkagulat sa pagkakalaglag niya sa swimming pool kanina. “Huwag nang maraming satsat! Kung anu-ano pang alibi mo dyan. Alam mo naman na takot si Diana sa tubig tapos ginawa mo pa iyon sa kanya? Matagal na kayong magkaibigan, hindi ba?! Dapat alam mo iyon!” sigaw ni Benjamin sa asawa. “Alam mo, kapag namatay siya ay isasama talaga kita
Agad na inayos ni Benjamin ang kanyang suot na suit pagkatapos sabihin iyon kay Celestine. Doon na nakaramdam ng hiya si Celestine sa kanyang sarili. Naisip niya tuloy ‘yong sinabi ni Shiela sa kanya. Si Shiela ay matalik niyang kaibigan kaya kilalang-kilala nito si Celestine. ‘Celestine, ikaw ang panganay na anak ng mga Yllana. Lahat ng gusto mo ay binibigay nila sa iyo. Ang atensyon nila ay nasa iyo lang dahil mahal na mahal ka nila pagkatapos hahayaan mo lang na ganyan ang trato sa iyo ni Benjamin?” Sa totoo lang, hindi na rin niya alam. Marahil kaya siya ganoon ay dahil noong na-bully siya noong seventeen years old pa lang siya ay prinotektahan siya ni Benjamin. Lagi siyang sinasabihan nito na huwag siyang matakot dahil nasa tabi lang siya lagi ni Celestine. Ang hindi niya alam ay pwedeng-pwede pa lang sabihin ni Benjamin iyon kahit kanino. Hindi lang sa kanya. Akala niya ay espesyal siya para rito pero nirmal lang pala sa kanya na maging maaalalahanin. Dahil doon ay sagl
Napakagat labi na lang si Benjamin bago siya magsalita. “Celestine, ayaw kitang pilitin sa isang bagay. Lalo na sa ganito.”Sa totoo lang, dapat nga ay maging masaya siya dahil gusto na ni Celestine makipag-divorce. Pero, noong tiningnan niya si Celestine kanina ay parang may kung anong pumipigil sa kanya. “Napag-isipan mo na ba ito ng maraming beses? Sigurado ka na bang gusto mo na ng divorce?” nang tingnan ni Benjamin si Celestine, sa unang pagkakataon ay parang ibang tao ang kausap niya.Alam ni Benjamin na si Celestine talaga ang may gusto noong kasal. Sobra-sobra ang kanyang ginawa para lang maging mag-asawa sila. Hindi ito basta-basta magdedesisyon ng hiwalayan.Sa sobrang gwapo ni Benjamin ay malabong ayawan siya ni Celestine. Maayos ang kanyang pananamit, maganda rin ang kanyang mga mata, macho. Lahat na ay nasa kanya kaya hindi siya makapaniwala na gusto na siyang hiwalayan ng asawa.Para manatili sa relasyon na iyon, tiniis ni Celestine ang mga malalamig na tingin at pakiki
Ilang minuto pa ay narinig niyang nag-park sa harapan ng mansion ng mga Peters ang kotse na kanina pa niya hinihintay. Isa ‘tong kotse na ang brand ay Pagani, kulay purple ang kulay noon at ang ganda-ganda.Paglabas niya ng mansion ay agad niyang nakita ang isang lalaki ang bumaba mula roon sa kotse. Nag-joke pa nga ito sa kanya. “Miss Yllana, handa ka na ba talagang alisan ang impyernong lugar na ito?”Tumawa lang noon si Celestine pagkatapos ay nagsalita. “Oo, ang bilis mo ngang dumating eh.”Nang lumapit siya sa kotse ay agad siyang umupo sa driver’s seat. Si Vernard ay kababata ni Celestine na naging kanang kamay na rin niya dahil noong bata sila ay muntik nang malunod si Vernard dahil sa likot at kakulitan niya. Buti na lang talaga at nandoon si Celestine para sagipin siya.Simula noon, naging matalik na silang magkaibigan at kung nasaan si Celestine ay nandoon din siya. Kahit anong iutos ni Celestine ay agad na sinusunod ni Vernard.“Oo naman, ang tagal ko kayang hinintay na ma
Sa kabila ng pag-aaway nila ni Celestine ay nagawa pa rin ni Benjamin na pumunta sa ospital para dalawin si Diana.Habang siya ay nagbabalat ng apple ay narinig na lang niyang nagsalita si Diana habang nakahiga ito sa kama. “Benjamin, bakit ba hindi na lang tayo maghiwalay?”Nanlaki ang mga mata ni Nenjamin dahil sa sinabi ni Diana sa kanya. “Ano namang sinasabi mo dyan? Walang kwenta.”“Mahal na mahal ka ni Celestine at ayaw ko na siyang saktan,” naiiyak na sagot ni Diana.Napasimangot na lang noon si Benjamin.Naisip niya bigla ang nangyari kanina, ‘yong gusto na rin ni Celestine na mag-divorce sila. Hindi pa rin siya makapaniwala na gusto na ni Celestine na makipaghiwalay sa kanya.Iniisip na lang ni Benjamin na ginagamit na lang na palusot ni Celestine ang divorce para takbuhan nito ang responsibilidad niya kay Diana.“ Huwag kang mag-alala, dadalhin ko siya rito para personal na makahingi ng tawad sa iyo, ha?” sabi ni Benjamin pagkatapos ay binigay na kay Diana ‘yong binalatan ni
Bumaba ng hagdan si Benjamin, mabigat ang kanyang pakiramdam. Lumingon pa siya sa paligid bago tuluyang mapansin na wala ang painting na ginawa nila ni Celestine noon. Hindi ito nakasabit sa dingding. Nagulat na lang siya nang makita na nasa may trash can ang painting at sira-sira na ito. Huminga siya nang malalim. Naalala niya kung paano ba nila nakuha ‘yong painting na iyon. Pagkatapos kasi siyang pakasalan ni Celestine ay lagi na itong nagtatanong kung pwede ba siyang samahan ng asawa sa pagso-shopping. Dahil busy siya sa trabaho ay hindi pumapayag si Benjamin. Hanggang sa dumating ang birthday ni Celestine, pumunta ito sa kumpanya para hanapin siya at tanungin. “Pwede mo ba akong samahan sa mall ngayon? Birthday ko naman, e. Kung sobrang busy mo, pwede naman na thirty minutes mo lang akong samahan. Promise! After noon, hindi na ako mangungulit pa sa iyo.” Dahil na-guilty na rin siya sa paulit-ulit na pangungulit ng asawa tapos lagi naman siyang hindi pwede ay pumayag na rin
Alam naman niya kung gaano kahalaga para sa pamilya niya ang career at business pero gusto naman niyang buuin ang kanyang sarili dahil alam niyang nasayang ang tatlong taon ng buhay niya kasama ang Benjamin Peters na iyon. Pumunta sila sa The A Club para magsaya ni Shiela. Tinakpan niyang maigi ang kanyang tainga dahil sa lakas ng sounds sa The A Club. Kitang-kita niyang nagsasaya na ang ibang tao dahil nagsasayaw ito sa gitna, sa dance floor. Sumakit pa nga ang mata niya dahil sa kung anu-anong kulay ang nakikita niya sa The A Club. Nakasuot siya ng red-tight skirt at naka-10 cm high heels. Pansin ang kanyang mahahabang legs. Dahil tight nga ang kanyang suot ay kitang-kita ang hubog ng kanyang katawan. Nag-make up din siya para naman magmukhang presentable siya oras na may lumapit sa kanya. Nakalugay din ang kanyang curly na buhok. Isama mo pa ang magaganda niyang mata na sa tuwing ngi-ngiti siya ay parang nakangiti na rin ang mga ito. Paminsan-minsan ay naiilawan siya sa The A
Iniisip ni Celestine na siguradong nakita ni Nancy si Benjamin na isinama si Diana roon sa press conference.Nakaramdam siya ng awa para sa pamilya Yllana dahil kahit hindi man nila sabihin, alam ni Celestine na napahiya sila.Talagang sumobra si Benjamin sa pagkakataong ito at hindi na niya pinahalagahan ang pamilya Yllana bilang pamilya ng kanyang asawa.Napangiwi si Celestine noon at hindi napigilang tumingin kay Nancy. Naglilinis si Nancy habang pinapagalitan si Celestine, "Hindi mo man lang malinis nang maayos ang bahay na ito!"Nagdilim ang mga mata ni Celestine pagkarinig noon, alam niyang may iba pang ibig sabihin ang mga salita nito. Kaya ngumiti siya at nagbiro, "Nagpa-kalkula na naman ba si Lolo Manuel sa mga nabasa niya tungkol sa general cleaning?"Kumaway si Nancy bilang tugon sw anak, "Ay hindi ‘no! Hindi na tayo maniniwala sa Lolo Manuel mo. Maghugas ka na ng kamay, sabay tayong kakain, nandito na rin naman ang Tito Axl mo ngayon.”Kumurap si Celestine nang marinig ang
Napunta tuloy kay Diana ang atensyon ng media. Siya na ang tinatanong ng mga ito ng kung anu-ano."Miss Valdez! Ano ang masasabi mo sa sinabi ni Mrs. Belen Peters kanina? May katotohanan ba ito?"Hindi pa man nasasagot ni Diana ang tanong ay may isa na namang reporter ang kanyang narinig."Miss Valdez, ano ang relasyon mo kay Mr. Peters? Kayo ba ay palihim na nagde-date at niloloko niyo si Mrs. Peters?"Hindi pa roon nagtatapos, may nagtanong pang ibang reporter kay Diana."Bakit namutla ka Miss Valdez nang marinig mo na gusto kang ampunin ni Mrs. Belen Peters bilang anak-anakan ng pamilya Peters?”Sa reception area, dinala si Benjamin ni Lola Belen at nakaramdam ng awa si Diana para sa kanya.Pinalibutan si Diana ng mga reporter na sunod-sunod ang tanong, at hindi siya makaalis."Miss Valdez, totoo bang magdi-divorce na sina Mr. and Mrs. Peters? Dahil ba ito sa'yo? Tuluyan na ba kayong nagkaroon ng relasyon?""Miss Valdez, pakiusap, sagutin mo ang mga tanong namin! Kanina pa namin gu
Malamig na napasinghal si Lola Belen at sinermonan si Benjamin, "Mukha talagang nalilito ka na! Wala ka na sa sarili mo, ‘no?" Kumunot ang noo ni Benjamin, halatang medyo galit na siya sa sitwasyon, "Grandma, pwede ba huwag ka nang makialam sa mga bagay na inaayos namin? Hayaan niyo na lang po kami. Kaya naman po namin iyon." "Ito ay tungkol sa reputasyon ng pamilya Peters, kaya kailangan kong makialam! Naiintindihan mo ba iyon?" Hindi umurong si Lola Belen kahit na nakiusap na si Benjamin sa kanya. Nagkatensyon sila sa gitna ng stage.At ang masaklap pa, si Lola Belen mismo ang nakaharang sa harap ni Benjamin, dahilan para lalo siyang mabuwisit. Tumingin si Lola Belen sa lahat ng mga tao at seryosong sinabi, "Maraming salamat sa inyong pag-aalala sa mga usapin ng apo kong si Benjamin at asawa niyang si Celestine. Sana ay maintindihan niyo kami.""Aaminin ko sa inyo ngayon, sa inyong lahat na hindi pa annulled o divorced sina Benjamin at Ce
Biglang hinawakan ni Diana ang kamay ni Benjamin. Sinulyapan niya ang gilid ng mukha ni Benjamin, umaasang sasabihin nito sa reporter na oo, hiwalay na sila ni Celestine at sila na ni Diana ang ikakasal very soon. Napansin ng reporter ang kilos ni Diana at agad na inilapit ang camera sa kanya. Akala ni Celestine na sa pagkakita sa dalawa na ganyan ang kilos, hindi na siya maaapektuhan. Pero sa sandaling iyon, may kaunting galit pa rin pala sa kanyang puso na hindi matanggal-tanggal. Ang dahilan ng kanyang galit ay hindi ba't pareho nilang itinago ito sa ibang tao? Isa itong press conference, at naka-livestream pa sa buong bansa. Nakakahiya sa lahat ng makakakita. Kung makita ito ng mga magulang at Lolo Manuel at Lola Celia niya, siguradong magagalit na naman sila at kung anu-ano na naman ang sasabihin nila kay Celestine. "Si Celestine at ako ay talaga namang..." Hindi pa tapos si Benjamin sa pa
Pakiramdam ni Danica ay nawawalan na siya ng hininga.Parang lumilihis na ng landas ang mga pangyayari sa harapan niya. Kagabi ay nag-aalala si Mr. Peters tungkol kay Dr. Yllana at pinuntahan pa siya sa gabi.Bakit ngayong tungkol kay Diana ang usapan, agad-agad niyang hinarap si Dr. Yllana? Hindi man lang niya tinanong kung ano ang nangyari, basta na lang siya sinisi.Ibinaba ni Celestine ang kanyang ulo, naupo sa silya at napabuntong-hininga.“Dr. Yllana…” tawag ni Danica kay Celestine.Tumingala si Celestine, “Ha? Bakit?”“Hindi mo narinig ang tanong ko. Sabi ko, ayos ka lang ba?” may pag-aalalang tanong ni Danica.Napa-nguso si Celestine, ano bang masama ang pwedeng mangyari sa kanya? Tiningnan niya ang sarili. Okay naman siya.Hindi na ito ang una o pangalawang beses na siya’y hindi nauunawaan ni Benjamin, matagal na siyang manhid sa mga ganito. Hindi na iyon bago sa kanya.Dumating si Dr. Feliciano ng huli, tinawag siya, “Dr. Yllana.”Tiningnan siya ni Celestine, at nagtanong si
Pakiramdam ni Danica ay nawawalan na siya ng hininga.Parang lumilihis na ng landas ang mga pangyayari sa harapan niya. Kagabi ay nag-aalala si Mr. Peters tungkol kay Dr. Yllana at pinuntahan pa siya sa gabi.Bakit ngayong tungkol kay Diana ang usapan, agad-agad niyang hinarap si Dr. Yllana? Hindi man lang niya tinanong kung ano ang nangyari, basta na lang siya sinisi.Ibinaba ni Celestine ang kanyang ulo, naupo sa silya at napabuntong-hininga.“Dr. Yllana…” tawag ni Danica kay Celestine.Tumingala si Celestine, “Ha? Bakit?”“Hindi mo narinig ang tanong ko. Sabi ko, ayos ka lang ba?” may pag-aalalang tanong ni Danica.Napa-nguso si Celestine, ano bang masama ang pwedeng mangyari sa kanya? Tiningnan niya ang sarili. Okay naman siya.Hindi na ito ang una o pangalawang beses na siya’y hindi nauunawaan ni Benjamin, matagal na siyang manhid sa mga ganito. Hindi na iyon bago sa kanya.Dumating si Dr. Feliciano ng huli, tinawag siya, “Dr. Yllana.”Tiningnan siya ni Celestine, at nagtanong si
Hinawakan ni Celestine ang braso ni Diana gamit ang likod ng kanyang kamay at itinulak siya pabalik. Nakakunot ang noo ni Celestine, at may mabigat na ekspresyon sa kanyang magandang mukha habang sumigaw, “Tama na!” Agad na natahimik ang buong departament.Hindi sinasadyang natumba si Diana sa sahig, namula ang buong mukha niya, at dalawang butones ng kanyang blouse ang napigtas. Itinaas niya ang ulo at tiningnan si Celestine, biglang tumulo ang kanyang mga luha. “Celestine, kinakaya-kaya mo na lang ako?”“Bakit, masama bang saktan ka? Hindi ba dapat lang? Palengkera ka kasi!” malamig na sabi ni Celestine habang nakasigaw pa rin.Itinuro siya ni Diana, habol-hininga at umiiyak. Kinuha niya ang kanyang cellphone at agad na tinawagan si Benjamin at umiiyak, “Benj, sinaktan ako ni Celestine, bilisan mo! Pumunta ka rito! Baka mamaya ay patayin niya na ako eh!”May pag-aalalang sumagot si Benjamin, “Ha? Ikaw? Papatayin ni Celestine?”Nainis pa si Diana dahil parang hindi naman naniwala s
Sa Cardiac Surgery Department..Pagkabukas na pagkabukas ni Celestine ng pintuan ng kanyang opisina, agad niyang narinig si Dr. Feliciano na nagrereklamo, "Nakakahiya talaga ang pamilya Valdez ngayon. Maaga pa lang sinabi na nila sa media na magpapadala sila ng snow lotus grass, pero peke naman pala ang pinadala! Ginawa nilang tanga si Mrs. Belen Peters!"Tumango ang isa pang doktor, "Oo nga, parang sila pa mismo ang bumaril sa sarili nila. Sila ang tanga.""Uy, Dr. Yllana!" Kumaway si Dr. Feliciano kay Celestine, "Ayos ka na ba? Nakalabas ka na pala ng ospital.”Tumango si Celestine at hindi na nagsalita pa.Sumunod si Dr. Feliciano at nagtanong habang nanlalaki ang mga mata, "Dr. Yllana, paano mo nga pala nakuha ang snow lotus grass?"Binuksan ni Celestine ang kanyang bibig, pero paano niya sasagutin ang tanong na iyon?Sasabihin ba niyang isa siyang boss ng base na kahit anong gusto niya ay nakukuha niya? Hindi naman pwede siguro iyon?Habang nag-iisip pa si Celestine ng isasagot,
Palabas na sana siya ng kanyang cellphone, pero napansin niyang nagbabasa rin si Celestine ng balita sa kanyang cellphone. Agad niyang inagaw ang cellphone ni Celestine at itinuro ang nilalaman nito, "Hindi ba't ikaw ang may gawa nito? Aminin mo na kasi!” "Celestine, napaka-despicable mo! Gaano katagal na ba mula nang nangyari ang insidente sa snow lotus grass? Bakit mo ito muling binuhay? Dahil ba gusto ka nang hiwalayan ni Benjamin kaya gusto mong gumanti sa pamilya Valdez? Ganoon ba?” Tiningnan ni Celestine si Diana at naunawaan kung bakit ganoon na lang ang galit niya ngayon. Lumabas na siya pala ang pinaghihinalaan ni Diana na nagpakalat ng issue tungkol sa snow lotus grass. Tumayo si Celestine noong mga oras na iyon at akmang itutulak na naman siya ni Diana pagkatayo niya. Inalis ni Celestine ang kamay ni Diana, kaya napaatras ito ng dalawang hakbang. Nakapagkunot-noo si Diana habang tinititigan si Celestine. Maayos na inayos ni Celestine ang kanyang damit, isinuk