“Pwede ba Celestine? Huwag mo nang asahan na mamahalin kita!” sigaw ni Benjamin Peters sa asawa nito.
Mahigpit niyang hinawakan ang leeg ng kanyang asawa at saka tinulak sa kama. Kitang-kita ang galit sa kanyang mga mata. “Inubos mo na talaga ang pasensya ko sa iyo. Hindi ko na alam ang gagawin ko! Hayaan mo, divorced naman na tayo pagkatapos ng anim na buwan. Konti na lang.” “Hindi ko naman talaga tinulak si Diana sa pool. Nawalan siya ng balanse noon kaya nalaglag siya,” sagot ni Celestine sa kanyang asawa. May takot sa boses ni Celestine. Basa rin ang buo niyang katawan. Nanginginig din siya habang kausap ang asawa. Kitang-kita pa sa kanya ang pagkagulat sa pagkakalaglag niya sa swimming pool kanina. “Huwag nang maraming satsat! Kung anu-ano pang alibi mo dyan. Alam mo naman na takot si Diana sa tubig tapos ginawa mo pa iyon sa kanya? Matagal na kayong magkaibigan, hindi ba?! Dapat alam mo iyon!” sigaw ni Benjamin sa asawa. “Alam mo, kapag namatay siya ay isasama talaga kita sa hukay niya. Tandaan mo iyan,” habol pa niyang sabi na labis na dumurog sa puso ni Celestine. Tumahimik lang si Celestine noon, nakaupo pa rin sa sofa at basang-basa dahil nga sa pagkakahulog niya sa pool. Hindi niya alam pero sa bawat salita na lumalabas sa bibig ng asawa niya ay siyang hiwa naman sa puso niya. Hindi na siya halos makahinga. ‘Matagal na kayong magkaibigan ‘ ‘yong mga salitang iyon ay tumatak na sa isip ni Celestine. Nagulat na lang siya nang maramdaman na may luha na tumulo sa kanyang mga mata. Hindi siya makapaniwala na ang taong nagtatanggol sa ibang babae ay mismong ang asawa niya. Pitong taon na ang kanilang relasyon, apat na taon bilang magkasintahan at tatlong taon naman bilang mag-asawa. Tatlong taon na ang nakakalipas noong malaman niyang ikakasal sila ni Benjamin ay sobrang saya niya. Matagal na kasi niyang pangarap ang pagiging isang asawa. Pero, pagkatapos niyang ikasal sa asawa ay nalaman niyang ayaw lang pala ng nanay ni Benjamin kay Diana para rito. Ginamit lang siyang kasangkapan ng ginang para masabing kasal na ang kanyang anak at tuluyan nang magkalayo sina Benjamin at Diana sa isa’t isa. Noong nalaglag si Diana, ang daming gustong tumulong sa kanya pero noong si Celestine ang naroon sa pool, kahit mamatay na siya ay wala pa ring sumaklolo sa kanya. Sobrang nasaktan si Celestine noon dahil naalala ni Benjamin na takot si Diana sa tubig pero hindi man lang naalala nito na ang asawa ay takot din sa tubig. Natatawa na lang siya sa kanyang sarili dahil ang relasyon na pilit niyang binubuo sa asawa ay puro kalokohan lang pala. Ang sabi nga ng iba, sa una lang maganda ang lahat ng bagay sa mundo. Tiningnan siya nang masama ni Benjamin habang siya ay nasa sofa. “Baliw!” Oo, aminado naman siya sa kanyang sarili na baliw siya. Hindi niya kasi sinunod ang kanyang ama kahit na pinagsabihan na siya nitong huwag magpapakasal kay Benjamin. Tinalikuran niya ang kanyang pamilya na umabot na sa puntong kailangan nang dalhin sa ospital ng kanyang ama dahil sa sama ng loob na binigay niya rito. Sinabihan na siya ng kanyang ama noon na kapag nagpakasal siya sa lalaking hindi naman siya mahal ay siya rin ang uuwing luhaan pero hindi nakinig si Celestine. Ang tanga niya para maniwala na gusto siyang pakasalan ni Benjamin. Dati kasi ay ito ang mapilit na nagsasabi ng kung anu-ano tungkol sa kasal. Naniwala rin siya noon na kapag minahal niya nang totoo si Benjamin ay lalambot ang puso nito sa kanya at mamahalin siya pabalik. Nilaban pa ni Celestine sa kanyang ama ang relasyon nila ni Benjamin. Pinangako niya rito na magiging masaya sila pagdating ng panahon pagkatapos ng kasal nila. Pero, anong nangyari? Nagkamali siya. Kahit gaano mo pala mahalin ang isang tao, o kahit gaano mo pa siya pakitaan ng tama ay mali ka pa rin para sa kanya. Baka nga pati ang paghinga mo ay mali na rin sa kanyang mga mata. Napagtanto niya na ang pagkapanalo pala ng kanilang relasyon o ang pagkatalo nito ay hindi manggagaling sa kanya kung hindi kay Benjamin Peters. Agad na nagliwanag ang mga mata ni Benjamin nang makita ang caller ID ng taong tumatawag sa kanya. Para bang nabura ang lahat ng galit na kanyang nararamdaman sa asawa. Kahit hindi naka-loudspeaker ay rinig na rinig ni Celestine ang boses ng isang babae sa kabilang linya. Hindi niya lang alam kung ano ang sinasabi nito kay Benjamin pero sigurado siyang babae iyon. Agad niyang kinuha ang kanyang suit habang hawak pa rin sa isang kamay ang kanyang cellphone. “O, huwag ka nang masyadong magalaw dyan, ha? Hintayin mo ako. Papunta na ako dyan.” Sa huling pagkakataon ay tiningnan ni Benjamin ang kanyang asawa at saka naglakad na palayo. Ni hindi na siya tumingin kay Celestine ulit. “Benjamin Peters,” malinaw na sabi ni Celestine. Ilang minuto pa ay nagsalita ulit siya. “Takot din naman ako sa tubig, ah?” Napatigil si Benjamin, ang iniisip niya ay sobrang kulit ni Celestine. Kitang-kita ang inis sa kanyang mga mata. Natakot lang si Diana noon sa tubig dahil na-kidnap si Benjamin dati. Kinailangan niyang lumangoy para masagip ang buhay ng lalaki. Simula noon ay namuo na ang takot sa tubig ni Diana. Pero, si Celestine? Marami pa nga itong medal at cetificate sa larangan nang pagda-dive pagkatapos ay sasabihin nito na takot siya sa tubig? Hindi siya naniniwala sa asawa. Ano bang akala niya? Mamahalin na siya ni Benjamin oras na sinabi niya iyon? Hindi, hindi pa rin siya mamahalin ng kanyang asawa. Ilang minuto pa ay nakita na ni Celestine na paalis na si Benjamin, durog na durog na naman ang kanyang puso. Hindi na niya alam ang gagawin kaya bigla na lang niyang natanong ang asawa tungkol sa isang bagay. “Minahal mo ba ako kahit minsan?” ang mga luha niya ay pumapatak na naman sa sobrang lungkot. Umaasa pa rin siya na kahit paano ay may pagmamahal pa rin si Benjamin sa kanya. Kahit awa na nga lang ay tatanggapin na niya. Noong mga oras na iyon ay nilingon na ni Benjamin ang kanyang asawa. Handa na niyang kausapin ito. “Sa tingin mo ay ngayon talaga ang tamang oras para pag-usapan ang pag-ibig na iyan? Celestine naman, huwag ka namang magpaawa sa akin. Hindi na gagana iyan,” masakit at sobrang linaw para kay Celestine ng mga binitawang salita ni Benjamin para sa kanya. Ang buong akala niya ay madali lang ang buhay noong maging asawa niya ang isang Benjamin Peters, pero ang hindi niya alam ay ganito pala ang sasapitin niya. Ganitong klaseng pagmamahal ang kayang ibigay sa kanya ng kanyang asawa. Puro luha.Agad na inayos ni Benjamin ang kanyang suot na suit pagkatapos sabihin iyon kay Celestine. Doon na nakaramdam ng hiya si Celestine sa kanyang sarili. Naisip niya tuloy ‘yong sinabi ni Shiela sa kanya. Si Shiela ay matalik niyang kaibigan kaya kilalang-kilala nito si Celestine. ‘Celestine, ikaw ang panganay na anak ng mga Yllana. Lahat ng gusto mo ay binibigay nila sa iyo. Ang atensyon nila ay nasa iyo lang dahil mahal na mahal ka nila pagkatapos hahayaan mo lang na ganyan ang trato sa iyo ni Benjamin?” Sa totoo lang, hindi na rin niya alam. Marahil kaya siya ganoon ay dahil noong na-bully siya noong seventeen years old pa lang siya ay prinotektahan siya ni Benjamin. Lagi siyang sinasabihan nito na huwag siyang matakot dahil nasa tabi lang siya lagi ni Celestine. Ang hindi niya alam ay pwedeng-pwede pa lang sabihin ni Benjamin iyon kahit kanino. Hindi lang sa kanya. Akala niya ay espesyal siya para rito pero nirmal lang pala sa kanya na maging maaalalahanin. Dahil doon ay sagl
Napakagat labi na lang si Benjamin bago siya magsalita. “Celestine, ayaw kitang pilitin sa isang bagay. Lalo na sa ganito.”Sa totoo lang, dapat nga ay maging masaya siya dahil gusto na ni Celestine makipag-divorce. Pero, noong tiningnan niya si Celestine kanina ay parang may kung anong pumipigil sa kanya. “Napag-isipan mo na ba ito ng maraming beses? Sigurado ka na bang gusto mo na ng divorce?” nang tingnan ni Benjamin si Celestine, sa unang pagkakataon ay parang ibang tao ang kausap niya.Alam ni Benjamin na si Celestine talaga ang may gusto noong kasal. Sobra-sobra ang kanyang ginawa para lang maging mag-asawa sila. Hindi ito basta-basta magdedesisyon ng hiwalayan.Sa sobrang gwapo ni Benjamin ay malabong ayawan siya ni Celestine. Maayos ang kanyang pananamit, maganda rin ang kanyang mga mata, macho. Lahat na ay nasa kanya kaya hindi siya makapaniwala na gusto na siyang hiwalayan ng asawa.Para manatili sa relasyon na iyon, tiniis ni Celestine ang mga malalamig na tingin at pakiki
Ilang minuto pa ay narinig niyang nag-park sa harapan ng mansion ng mga Peters ang kotse na kanina pa niya hinihintay. Isa ‘tong kotse na ang brand ay Pagani, kulay purple ang kulay noon at ang ganda-ganda.Paglabas niya ng mansion ay agad niyang nakita ang isang lalaki ang bumaba mula roon sa kotse. Nag-joke pa nga ito sa kanya. “Miss Yllana, handa ka na ba talagang alisan ang impyernong lugar na ito?”Tumawa lang noon si Celestine pagkatapos ay nagsalita. “Oo, ang bilis mo ngang dumating eh.”Nang lumapit siya sa kotse ay agad siyang umupo sa driver’s seat. Si Vernard ay kababata ni Celestine na naging kanang kamay na rin niya dahil noong bata sila ay muntik nang malunod si Vernard dahil sa likot at kakulitan niya. Buti na lang talaga at nandoon si Celestine para sagipin siya.Simula noon, naging matalik na silang magkaibigan at kung nasaan si Celestine ay nandoon din siya. Kahit anong iutos ni Celestine ay agad na sinusunod ni Vernard.“Oo naman, ang tagal ko kayang hinintay na ma
Sa kabila ng pag-aaway nila ni Celestine ay nagawa pa rin ni Benjamin na pumunta sa ospital para dalawin si Diana.Habang siya ay nagbabalat ng apple ay narinig na lang niyang nagsalita si Diana habang nakahiga ito sa kama. “Benjamin, bakit ba hindi na lang tayo maghiwalay?”Nanlaki ang mga mata ni Nenjamin dahil sa sinabi ni Diana sa kanya. “Ano namang sinasabi mo dyan? Walang kwenta.”“Mahal na mahal ka ni Celestine at ayaw ko na siyang saktan,” naiiyak na sagot ni Diana.Napasimangot na lang noon si Benjamin.Naisip niya bigla ang nangyari kanina, ‘yong gusto na rin ni Celestine na mag-divorce sila. Hindi pa rin siya makapaniwala na gusto na ni Celestine na makipaghiwalay sa kanya.Iniisip na lang ni Benjamin na ginagamit na lang na palusot ni Celestine ang divorce para takbuhan nito ang responsibilidad niya kay Diana.“ Huwag kang mag-alala, dadalhin ko siya rito para personal na makahingi ng tawad sa iyo, ha?” sabi ni Benjamin pagkatapos ay binigay na kay Diana ‘yong binalatan ni
Bumaba ng hagdan si Benjamin, mabigat ang kanyang pakiramdam. Lumingon pa siya sa paligid bago tuluyang mapansin na wala ang painting na ginawa nila ni Celestine noon. Hindi ito nakasabit sa dingding. Nagulat na lang siya nang makita na nasa may trash can ang painting at sira-sira na ito. Huminga siya nang malalim. Naalala niya kung paano ba nila nakuha ‘yong painting na iyon. Pagkatapos kasi siyang pakasalan ni Celestine ay lagi na itong nagtatanong kung pwede ba siyang samahan ng asawa sa pagso-shopping. Dahil busy siya sa trabaho ay hindi pumapayag si Benjamin. Hanggang sa dumating ang birthday ni Celestine, pumunta ito sa kumpanya para hanapin siya at tanungin. “Pwede mo ba akong samahan sa mall ngayon? Birthday ko naman, e. Kung sobrang busy mo, pwede naman na thirty minutes mo lang akong samahan. Promise! After noon, hindi na ako mangungulit pa sa iyo.” Dahil na-guilty na rin siya sa paulit-ulit na pangungulit ng asawa tapos lagi naman siyang hindi pwede ay pumayag na rin
Alam naman niya kung gaano kahalaga para sa pamilya niya ang career at business pero gusto naman niyang buuin ang kanyang sarili dahil alam niyang nasayang ang tatlong taon ng buhay niya kasama ang Benjamin Peters na iyon. Pumunta sila sa The A Club para magsaya ni Shiela. Tinakpan niyang maigi ang kanyang tainga dahil sa lakas ng sounds sa The A Club. Kitang-kita niyang nagsasaya na ang ibang tao dahil nagsasayaw ito sa gitna, sa dance floor. Sumakit pa nga ang mata niya dahil sa kung anu-anong kulay ang nakikita niya sa The A Club. Nakasuot siya ng red-tight skirt at naka-10 cm high heels. Pansin ang kanyang mahahabang legs. Dahil tight nga ang kanyang suot ay kitang-kita ang hubog ng kanyang katawan. Nag-make up din siya para naman magmukhang presentable siya oras na may lumapit sa kanya. Nakalugay din ang kanyang curly na buhok. Isama mo pa ang magaganda niyang mata na sa tuwing ngi-ngiti siya ay parang nakangiti na rin ang mga ito. Paminsan-minsan ay naiilawan siya sa The A
Nakita pa ni Benjamin na binasa ng kanyang asawa ang bibig. Unti-unti rin niyang hinuhubad ang polo shirt ni Anthony pagkatapos ay nagsalita. “Gusto mo ba na ituloy natin ‘to?” malandi ang pagkakasabi ni Celestine noon kaya kuhang-kuha niya si Anthony. “Paano?” may pagtatakang tanong ni Anthony. “Mag-hotel tayo,” deretsahang sagot ni Celestine, malandi pa rin ang tono. Ramdam na ng dalawa ang init sa pagitan nilang dalawa. Idagdag pa na mina-match talaga sila ng mga taong naroon sa club. Hindi maipinta ang mukha ni Benjamin. Kahit hindi sabihin ni Benjamin ay ramdam na ramdam ni Sean na galit ang kaibigan niya sa kung ano man ang nakikita nito. “Ms. Yllana, seryoso ako,” sabi ni Anthony. “Mukha ba akong nagloloko dito?” seryoso ang mukha ni Celestine nang sabihin iyon. Agad tuloy na tumayo si Anthony at nilunok ang kanyang laway. “Tara na,” yaya ni
Dahil sa sinabi ng asawa ay napaisip si Celestine. Hindi niya alam kung ano ang tinutumbok ni Benjamin sa kanya. “Ha? Anong ibig mong sabihin na gusto ko?” “Kaya ka lang naman nagsuot at nag-ayos ng ganyan ay dahil gusto mong may mga lalaking makapansin sa iyo sa labas, ‘di ba? So, ito na. Pinapansin na kita,” may mapang-asar na tingin si Benjamin kaya mas lalong nagalit si Celestine. “Huwag ka nang magkunwaring anghel dyan, alam ko naman kung ano ang gusto mo eh. De-deny ka pa.” Muli niyang sinampal si Benjamin dahil hindi siya makapaniwala na kayang sabihin iyon ng lalaking nasa harapan niya. Hindi ba talaga nito alam kung ano lang ang gusto ni Celestine mula sa kanya? Pagmamahal lang, ‘yong totoong pagmamahal. “Siraulo ka talaga! Bakit ba naging asawa pa kita?!” sigaw ulit ni Celestine. “O, bakit ba nagagalit ka sa akin? Kapag ibang tao, pwedeng gawin sa iyo ang mga bagay na g
"Celestine, kailan mo ipapadala sa akin ang kabayaran sa mga nalugi sa kumpanya ko?" Sinimulan na niyang pag-usapan ang tungkol sa negosyo.Gusto sanang pagalitan ni Celestine si Benjamin sa pagiging baliw at sa palaging pagtawag sa kanya.Pero nang marinig niya ito, bahagyang bumaba ang tono ng kanyang boses, "Kailangan ko ng oras para makapag-ipon ng ibabayad ko sa iyo. Hindi mo ba alam na may proseso iyon? Hindi naman pwedeng bigla na lang akong magbigay ng pera sa iyo, ‘no.”"Tawagan mo ako mamayang gabi. Pag-uusapan natin ito nang mabuti.”Malamig ang tono ni Benjamin. Halatang seryoso sa kanyang sinasabi.Hindi nakasagot si Celestine noon.Nanaginip ba si Benjamin? Paano niya ipapadala ni Celestine ang pera sa gitna ng gabi?! Sarado na ang bangko at siguradong kahit ang online banking ay hindi kakayanin na bayaran iyon."Hinihintay kita sa Metropolis, pumunta ka na ngayon." Ang tono niya ay parang nag-uutos kaya lalong nainis si Celestine.Nang marinig ito, bahagyang nanginig an
Sa sumunod na araw..Tinitingnan ni Celestine ang medical book nang marinig niyang tinanong ni Shiela sa kanyang headset, "Alam mo ba ang tungkol sa cruise party sa susunod na buwan?""Oo. Bakit?" Yumuko si Celestine. Naka-puting coat siya na may pink na pangloob, at bagay na bagay ito sa kanya. Kitang-kita ang ganda niya.Sabi ni Shiela, "Sumama ako sa isang organizer sa cruise party noong nakaraang taon, at masasabi ko lang... sobrang dumi nila. Alam mo ‘yon? Ang daming issues."Ngumiti si Celestine. Paano ba magiging malinis ang mundo ng mayayaman? Parang kahit kailan, hindi naman.Pero para sa mga tao labas, isa lang itong pagkakataon para maging magkakaibigan ang lahat."Yung boss ng isa sa mga brand na ineendorse ko, gusto akong samahan ngayong taon, pero nag-aalangan akong tanggapin." Nag-inat si Shiela at napabuntong-hininga."Ah, kung ako ang tatanungin mo? Pupunta ako." Sagot ni Celestine.Nagulat si Shiela. "Diyos ko, tama ba ang narinig ko? Ikaw mismo, pupunta ka roon?”Si
Ahente siya ng kotse? Kailan pa?Huminga nang malalim si Benjamin, inayos ang kanyang isip, at napagtanto kung gaano katanga ang kanyang ginagawa. Bakit nga ba siya nandito? Kung anuman ang nangyayari sa pagitan nina Celestine at Eduard ay wala na dapat siyang pakialam doon.Inatras ni Benjamin ang kanyang kamay, tumingin sa pintuan ng private room, at tumalikod para umalis. Hindi dapat nakatuon ang isip niya kay Celestine, dapat ay kay Diana.Pagkaalis ni Benjamin, lumabas sina Celestine at ang lalaki mula sa private room."Gusto kong kumain ngayon ng hotpot, ikaw ang taya," malambing ang boses ng lalaki.Tumango si Celestine, "Sige, sige, kahit anong gusto mong kainin, ililibre kita.""Pinag-isipan mo ba nang mabuti ang sinabi ko sa'yo?" tanong ng lalaki.Napangiti nang pilit si Celestine, hindi niya pa ito isinasaalang-alang...Napairap ang lalaki at tinapik siya sa noo...Pagdating ni Benjamin sa ospital, sa kwarto ni Diana, nakatanggap siya ng text message mula kay Sean.“Ah, Be
Hinigpitan ni Benjamin ang hawak niya sa kanyang cellphone, at biglang sumagi sa isip niya ang imahe ng lalaking nakita niya kanina. Talagang kamukha niya si Eduard.Kaya ibig sabihin, umabot na sa puntong nagkikita na sa hotel sina Celestine at Eduard?Paano nagawang sumabay ni Celestine sa parehong elevator kagabi para makipagkita kay Eduard nang hindi man lang namumula o kinakabahan?Nagyakapan pa silang dalawa. Hindi ba ito isang harapang panloloko sa kanya?Sa pag-iisip nito, nakaramdam si Benjamin ng hindi maipaliwanag na pagkabalisa at panlulumo. Gusto niyang bumalik at harapin si Celestine para tanungin kung ano ang nangyayari at kung sino ba talaga ang lalaking iyon.Hinack na niya ang kanyang cellphone at ang kumpanya, tapos biglang nakipag-date sa ibang lalaki sa hotel? Nababaliw na ba siya?Mula nang hilingin ni Celestine ang divorce, paulit-ulit siyang nagugulat sa mga ginagawa nito, para bang muli niya itong nakikilala.Samantala, biglang bumahing si Celestine habang pa
Dahil sa ginawa ni Benjamin sa kanya, naisip ni Celestine na kailanganin niyang humingi ng tulong kay Wendell. Sa Sherika Hotel. Pumunta si Celestine, sinabi ang impormasyon na nalalaman niya sa front desk, at nagtanong, "Sorry, pero nasaan ang provate room na ito rito?” Sa oras na iyon, s Benjamin ay papasok din mula sa labas. Hawak niya ang kanyang cellphone at mahina niyang sinabi sa kausap, "Nandito na ako." Pumasok siya sa elevator at napansin niyang sumunod sa kanya si Celestine. Kumunot ang noo ni Benjamin at sinipat si Celestine mula ulo hanggang paa. Kahit isang araw lang silang hindi nagkita, pakiramdam nila ay parang magkaaway pa rin sila, at walang gustong magpatawad ni isa sa kanila. "Anong klaseng trabaho meron ang asawa ko? Nagtatrabaho ka yata dati sa hotel," sarkastikong biro ni Celestine. Walang ekspresyon sa mukha ni Benjamin at hindi siya pinansin. Napansin ni Celestine na pareho sila ng palapag na pupuntahan. Hindi niya napigilang tingnan si Be
"Celestine, tinatakot mo ba ako?" Bahagyang naningkit ang mga mata ni Benjamin, may banta sa kanyang tingin.Tumayo nang tuwid si Celestine at seryosong tumingin kay Benjamin. "Wala akong intensyong takutin ka, swear to God! Sinasabi ko lang naman ang totoo.”Kahit gusto niyang takutin ito, hindi niya aaminin iyon sa harap ni Benjamin.Hindi siya baliw para gawin iyon.Nanlamig ang mukha ni Benjamin, at lalong lumala ang kanyang ekspresyon. Mukhang galit na galit siya."Miss Yllana, ito ang bill para sa pagkalugi ng kumpanya. Tingnan mo para malaman mo kung magkano ang babayaran mo sa akin," tumayo siya at inilagay ang makapal na dokumento sa mesa, malamig ang tono. "Umaasa akong mababayaran mo ito agad-agad, kung hindi, magkikita tayo sa korte dahil magpa-file ako ng kaso sa’yo.”Kumunot ang noo ni Celestine. Walang interes siyang binuklat ang bill at nanlaki ang mga mata. Sobrang laki ng bill na binigay sa kanya.Ayos lang ba si Benjamin? Kailangan niya rin talaga niyang bayaran ang
Ang lila na Pagani ay talagang kapansin-pansin sa daan, at hindi niya magawang ipagwalang-bahala ito.Twenty minutes na ang lumipas, at nakatayo na si Celestine sa tapat ni Benjamin.Isang lalaki ang eleganteng kumakain ng breakfast, at ang kanyang kilos ay marangal. Palihim na pumulandit ng mata si Celestine sa kanya sa kanyang isipan.Nakatayo sa tabi ni Benjamin si Veronica at tumango kay Celestine, "Mrs. Peters, maupo po kayo."Pinagdikit ni Celestine ang kanyang mga labi at nag-aalangan nang maupo. Pero narinig niyang malamig na nagsalita si Benjamin, "Sino ang nagsabing pwede siyang umupo sa tabi ko?”Nagkatinginan sina Celestine at Veronica, at bahagyang humingi ng sorry si Veronica kay Celestine, "I'm very sorry for that, maghihintay na lang po ako sa labas, Mr. Peters.”Mas mabuting hindi manatili roon si Veronica dahil ayaw niyang madamay sa awayan nila ni Celestine. Paraan na rin iyon para mabigyan ng privacy ang dalawa.Pinanood ni Celestine si Veronica na lumabas, pagkata
Nagising si Celestine sa tawag ni Vernard kinaumagahan. Halatang balisa ang tono ni Vernard, "Boss, delikado na ang sitwasyon natin!” Nakapikit pa rin si Celestine habang bumaligtad sa higaan, itinupi ang kumot sa ilalim ng kanyang mga binti, at kalmadong sinabi sa malabong boses na hindi pa lubusang gising, "Ano iyon? Sabihin mo na.” "Nalaman ni Benjamin kahapon na hinack ng base ang security system ng D’Belinda.” Kumunot ang noo ni Celestine. Sa isip-isip niya, hindi ba't nasabi na sa kanya kahapon? Bakit inuulit ito sa kanya ngayon? “Hmm, hindi naman na bago iyon. Alam ko na ang tungkol doon, ah.” "Hindi. Iba na kasi ngayon. Ngayon, nalaman niya na ako ang naglagay ng virus sa cellphone niya.” Sa narinig, biglang bumangon si Celestine mula sa kama. "Ano?! Paano nangyari iyon?!" "Vernard, anong nangyari sa'yo?" Kailan pa siya naging ganito kapabaya sa tauhan niya? Paano siya natuklasan ang tungkol doon? "Pero!" Mahinang umubo si Vernard at bumulong, "Ligtas pa rin ako ngay
Ngumiti ang clerk at sinabi, "Ma’am, magaling ang mga mata ninyo. Ito ay isang bagong model na kakarating lang ngayong araw. Bawat physical store po namin ay may isang piraso lang!” Nang papahawakan na ni Celestine ang item para tingnan ito, may narinig siyang boses ng isang babae mula sa likuran, "Bagong model ba kamo? Patingin nga!" Sabay na tumingin sina Celestine at Shiela sa likod nila. Nagulat ang babae nang makita kung sino iyon. "Miss Celestine Yllana?" Sandaling nanigas ang ngiti ni Celestine. Ang taong nasa harapan niya ay walang iba kundi si Mary Valdez, ang ina ni Diana! "Mrs. Valdez," magalang na bati ni Celestine. Saglit na tiningnan siya ni Mary bago lumapit. "Napakabata pa ni Miss Yllana pero mahilig na sa mga lumang bagay tulad nito?" may bahagyang pang-aasar sa tono ni Mary. Mahinang sumagot si Celestine, "Tinitingnan ko lang naman po.” "Oh, tinitingnan mo lang pala? Sabi ko na nga ba, kayong mga kabataan ay walang interes sa mga ganitong bagay. Aba, dapat a