Napakagat labi na lang si Benjamin bago siya magsalita. “Celestine, ayaw kitang pilitin sa isang bagay. Lalo na sa ganito.”
Sa totoo lang, dapat nga ay maging masaya siya dahil gusto na ni Celestine makipag-divorce. Pero, noong tiningnan niya si Celestine kanina ay parang may kung anong pumipigil sa kanya. “Napag-isipan mo na ba ito ng maraming beses? Sigurado ka na bang gusto mo na ng divorce?” nang tingnan ni Benjamin si Celestine, sa unang pagkakataon ay parang ibang tao ang kausap niya. Alam ni Benjamin na si Celestine talaga ang may gusto noong kasal. Sobra-sobra ang kanyang ginawa para lang maging mag-asawa sila. Hindi ito basta-basta magdedesisyon ng hiwalayan. Sa sobrang gwapo ni Benjamin ay malabong ayawan siya ni Celestine. Maayos ang kanyang pananamit, maganda rin ang kanyang mga mata, macho. Lahat na ay nasa kanya kaya hindi siya makapaniwala na gusto na siyang hiwalayan ng asawa. Para manatili sa relasyon na iyon, tiniis ni Celestine ang mga malalamig na tingin at pakikitungo sa kanya ni Benjamin. Lalo na ang relasyon na patago nito kay Diana. Kailangan niyang magpanggap at tanggapin ang lahat dahil sobra ang pagmamahal niya sa taong pinakasalan niya. Pero ang isang relasyon ay gagana lang kapag kayo pareho ang may kagustuhan na gumana ito. Kung ayaw ng isa, malabong maging maganda ang takbo. Ayaw na niyang maging isang cover up at isa pa, ayaw na rin niyang makasira ng isang relasyon. Dahil sa tuwing kailangan niyang magpanggap bilang asawa ni Benjamin ay nagseselos sa kanya si Diana. “Oo, napag-isipan ko na ito. Matagal na,” sagot ni Celestine pagkatapos ay ngumiti. Hindi makapaniwala si Benjamin, kitang-kita ang inis sa kanyang mga mata. Pansin ni Celestine na iritang-irita ito sa sagot niya. Nabalot na ng galit ang puso ni Benjamin dahil sa kanyang asawa. “Minahal kita ng pitong taon, Benj pero sa sitwasyon natin ngayon? Palagay ko ay natalo na ako,” sabi ni Celestine. Pinigilan niyang lumuha pero sobrang sakit talaga ng puso niya. Pero, ngumiti pa rin siya. Noong una ay ayaw pa niyang tanggapin sa kanyang sarili na isa siyang talunan pero ngayon? Buong puso niya ‘yong tatanggapin. Natalo siya dahil ultimo ang puso ni Benjamin ay hindi niya nakuha. Nakinig lang sa kanya si Benjamin noon pero hindi talaga nito tanggap ang desisyon niya. “Ikaw ang bahala,” sabi ni Benjamin pagkatapos ay tumayo na at naglakad papalayo. Para kay Celestine ay wala na iyon dahil sanay naman na siya sa ganoong ugali ng asawa. Hindi siya papansinin nito ng ilang araw pero pagkatapos ay kakausapin din siya kapag may kailangan na si Benjamin na para bang walang nangyari na away. Padabog na sinara ng kanyang asawa ang pinto kaya napaupo na lang siya ulit sa sofa. Ilang minuto pa ay kinuha na niya ang kanyang cellphone at may tinawagan doon. “Papa, tama ka. Hindi talaga mapapasa’kin ang puso ni Benjamin. Maling-mali ako sa desisyon ko. Gusto ko na lang na umuwi dyan sa atin.” Nag-echo pa ang boses ni Celestine sa buong kwarto kung nasaan siya. Ang Yllana family ang pinakamayaman sa Nueva Ecija. Pamilya sila ng mga doktor doon. Ang lolo ni Celestine ay isang businessman pagkatapos ang asawa naman nito ay isang kilalang professor ng cardiac surgery. Bagay na bagay talaga sila. Bata pa lang ay inaaral na ni Celestine ang medisina kasama ang lola niya. Ang sabi ng lola niya ay matalino raw siya pagdating sa pagme-memorize ng mga gamot kaya iyon ang gusto ng lola niya na maging trabaho niya. Ang lolo at lola niya ang nag-ayos ng lahat para lang may maayos siyang kinabukasan. Habang ang tatay niya naman ay kung saan-saan na bumibili ng lupa na kanyang mamanahin. Ang sabi pa nga ng nanay niya noon, hindi na siya kailangan pang magtrabaho dahil lahat ay binigay na sa kanya. Pero, nang piliin niya ang isang Benjamin Peters ay nagbago na ang lahat. Nawala ang tiwala at kayamanan niya dahil sa pagtalikod sa pamilya Yllana. Ang buong akala niya noon ay madali lang ang buhay kapag pinaglaban niya ang taong pinakamamahal, hindi pala. Dahil sa sobrang dami ng kanyang iniisip, palagay niya ay may tubig na nga sa ulo niya. Para mawala ang kanyang mga iniisip ay minabuti na niyang tumayo, pumanhik siya sa taas para maligo at magpalit ng damit. Naglagay din siya ng konting make up para naman hindi siya magmukhang bangkay sa harapan ng asawa. Pagkatapos noon ay inayos na niya ang kanyang mga gamit. Nagulat na lang siya nang mapansin ang isang painting ng sunset. Naalala niyang sila ni Benjamin ang tumapos gumawa noong painting na iyon. Hindi niya napigilan ang sarili na hawakan ang painting. Naalala niya na kahit paano ay naging masaya siya noong makasal siya kay Benjamin. Ang sabi noon ng ina ni Benjamin ay gusto naman talaga ng asawa na makasal sa kanya pero walang magaganap na kasal. Hindi pumayag noon si Celestine, ang importante sa kanya ay makasal siya sa lalaking pinakamamahal. Wala na siyang pakialam kung hindi iyon engrande. Nang marinig ng ama ni Celestine iyon ay nagalit ito. Sinabihan pa siya na hindi man lang siya nag-isip nang mabuti. Kitang-kita ng kanyang ama na talagang nagmamadali itong makasal kaya sigurado din siyang madali itong masasaktan. Agad na inalis ni Celestine sa pagkakasabit iyong painting. Sinira niya ito at tinapon sa basurahan. Itong pagkakabagsak ng kanyang buhay ay matagal na at sising-sisi siya na naranasan pa niya ito. Simula ngayon ay gagawin niya ang lahat para maayos lang ang buhay niya. Hindi na niya hahayaan na masira pa ito ng kung sino. Lalo na kung si Benjamin Peters pa ang sisira rito. Agad niyang kinuha ang kanilang divorce papers. Binigay iyon ni Benjamin sa kanya, gabi nang ikasal silang dalawa pero hanggang ngayon ay hindi pa niya ito pinipirmahan. “Benjamin Peters, ibibigay ko na sa iyo ngayon ang kalayaan na gusto mo noon pa. Sana ay maging masaya ka na pagkatapos nito.”Ilang minuto pa ay narinig niyang nag-park sa harapan ng mansion ng mga Peters ang kotse na kanina pa niya hinihintay. Isa ‘tong kotse na ang brand ay Pagani, kulay purple ang kulay noon at ang ganda-ganda.Paglabas niya ng mansion ay agad niyang nakita ang isang lalaki ang bumaba mula roon sa kotse. Nag-joke pa nga ito sa kanya. “Miss Yllana, handa ka na ba talagang alisan ang impyernong lugar na ito?”Tumawa lang noon si Celestine pagkatapos ay nagsalita. “Oo, ang bilis mo ngang dumating eh.”Nang lumapit siya sa kotse ay agad siyang umupo sa driver’s seat. Si Vernard ay kababata ni Celestine na naging kanang kamay na rin niya dahil noong bata sila ay muntik nang malunod si Vernard dahil sa likot at kakulitan niya. Buti na lang talaga at nandoon si Celestine para sagipin siya.Simula noon, naging matalik na silang magkaibigan at kung nasaan si Celestine ay nandoon din siya. Kahit anong iutos ni Celestine ay agad na sinusunod ni Vernard.“Oo naman, ang tagal ko kayang hinintay na ma
Sa kabila ng pag-aaway nila ni Celestine ay nagawa pa rin ni Benjamin na pumunta sa ospital para dalawin si Diana.Habang siya ay nagbabalat ng apple ay narinig na lang niyang nagsalita si Diana habang nakahiga ito sa kama. “Benjamin, bakit ba hindi na lang tayo maghiwalay?”Nanlaki ang mga mata ni Nenjamin dahil sa sinabi ni Diana sa kanya. “Ano namang sinasabi mo dyan? Walang kwenta.”“Mahal na mahal ka ni Celestine at ayaw ko na siyang saktan,” naiiyak na sagot ni Diana.Napasimangot na lang noon si Benjamin.Naisip niya bigla ang nangyari kanina, ‘yong gusto na rin ni Celestine na mag-divorce sila. Hindi pa rin siya makapaniwala na gusto na ni Celestine na makipaghiwalay sa kanya.Iniisip na lang ni Benjamin na ginagamit na lang na palusot ni Celestine ang divorce para takbuhan nito ang responsibilidad niya kay Diana.“ Huwag kang mag-alala, dadalhin ko siya rito para personal na makahingi ng tawad sa iyo, ha?” sabi ni Benjamin pagkatapos ay binigay na kay Diana ‘yong binalatan ni
Bumaba ng hagdan si Benjamin, mabigat ang kanyang pakiramdam. Lumingon pa siya sa paligid bago tuluyang mapansin na wala ang painting na ginawa nila ni Celestine noon. Hindi ito nakasabit sa dingding. Nagulat na lang siya nang makita na nasa may trash can ang painting at sira-sira na ito. Huminga siya nang malalim. Naalala niya kung paano ba nila nakuha ‘yong painting na iyon. Pagkatapos kasi siyang pakasalan ni Celestine ay lagi na itong nagtatanong kung pwede ba siyang samahan ng asawa sa pagso-shopping. Dahil busy siya sa trabaho ay hindi pumapayag si Benjamin. Hanggang sa dumating ang birthday ni Celestine, pumunta ito sa kumpanya para hanapin siya at tanungin. “Pwede mo ba akong samahan sa mall ngayon? Birthday ko naman, e. Kung sobrang busy mo, pwede naman na thirty minutes mo lang akong samahan. Promise! After noon, hindi na ako mangungulit pa sa iyo.” Dahil na-guilty na rin siya sa paulit-ulit na pangungulit ng asawa tapos lagi naman siyang hindi pwede ay pumayag na rin
Alam naman niya kung gaano kahalaga para sa pamilya niya ang career at business pero gusto naman niyang buuin ang kanyang sarili dahil alam niyang nasayang ang tatlong taon ng buhay niya kasama ang Benjamin Peters na iyon. Pumunta sila sa The A Club para magsaya ni Shiela. Tinakpan niyang maigi ang kanyang tainga dahil sa lakas ng sounds sa The A Club. Kitang-kita niyang nagsasaya na ang ibang tao dahil nagsasayaw ito sa gitna, sa dance floor. Sumakit pa nga ang mata niya dahil sa kung anu-anong kulay ang nakikita niya sa The A Club. Nakasuot siya ng red-tight skirt at naka-10 cm high heels. Pansin ang kanyang mahahabang legs. Dahil tight nga ang kanyang suot ay kitang-kita ang hubog ng kanyang katawan. Nag-make up din siya para naman magmukhang presentable siya oras na may lumapit sa kanya. Nakalugay din ang kanyang curly na buhok. Isama mo pa ang magaganda niyang mata na sa tuwing ngi-ngiti siya ay parang nakangiti na rin ang mga ito. Paminsan-minsan ay naiilawan siya sa The A
Nakita pa ni Benjamin na binasa ng kanyang asawa ang bibig. Unti-unti rin niyang hinuhubad ang polo shirt ni Anthony pagkatapos ay nagsalita. “Gusto mo ba na ituloy natin ‘to?” malandi ang pagkakasabi ni Celestine noon kaya kuhang-kuha niya si Anthony. “Paano?” may pagtatakang tanong ni Anthony. “Mag-hotel tayo,” deretsahang sagot ni Celestine, malandi pa rin ang tono. Ramdam na ng dalawa ang init sa pagitan nilang dalawa. Idagdag pa na mina-match talaga sila ng mga taong naroon sa club. Hindi maipinta ang mukha ni Benjamin. Kahit hindi sabihin ni Benjamin ay ramdam na ramdam ni Sean na galit ang kaibigan niya sa kung ano man ang nakikita nito. “Ms. Yllana, seryoso ako,” sabi ni Anthony. “Mukha ba akong nagloloko dito?” seryoso ang mukha ni Celestine nang sabihin iyon. Agad tuloy na tumayo si Anthony at nilunok ang kanyang laway. “Tara na,” yaya ni
Dahil sa sinabi ng asawa ay napaisip si Celestine. Hindi niya alam kung ano ang tinutumbok ni Benjamin sa kanya. “Ha? Anong ibig mong sabihin na gusto ko?” “Kaya ka lang naman nagsuot at nag-ayos ng ganyan ay dahil gusto mong may mga lalaking makapansin sa iyo sa labas, ‘di ba? So, ito na. Pinapansin na kita,” may mapang-asar na tingin si Benjamin kaya mas lalong nagalit si Celestine. “Huwag ka nang magkunwaring anghel dyan, alam ko naman kung ano ang gusto mo eh. De-deny ka pa.” Muli niyang sinampal si Benjamin dahil hindi siya makapaniwala na kayang sabihin iyon ng lalaking nasa harapan niya. Hindi ba talaga nito alam kung ano lang ang gusto ni Celestine mula sa kanya? Pagmamahal lang, ‘yong totoong pagmamahal. “Siraulo ka talaga! Bakit ba naging asawa pa kita?!” sigaw ulit ni Celestine. “O, bakit ba nagagalit ka sa akin? Kapag ibang tao, pwedeng gawin sa iyo ang mga bagay na g
Kinabukasan, nagising na lang si Celestine na sobrang sakit ng ulo. Agad niyang hinimas-himas ang kanyang sintido. Tiningnan niya ang orasan kahit pikit pa ang kanyang isang mata, nagulat siya dahil tanghali na pala. Hindi niya nga alam kung paano siya nakauwi sa bahay nila. Wala na siyang maalala sobrang kalasingan niya. Kahit antok pa ay kinuha niya ang kanyang cellphone sa side table ng kama at nag-browse sa social media. Napapikit na lang siya sa inis nang makita ang isang video kung saan nandoon si Benjamin at Diana, magkasama. Product launch ito ng isa sa mga produkto ng kumpanya ng mga Peters. May-ari kasi ng isang cosmetic company ang pamilya Peters, ang ‘D Belinda. Kitang-kita ni Celestine kung paano hinawakan ni Diana ang kanyang asawa, malanding-malandi ang pagkakahawak. Bagay na bagay sila. ‘Kung minamalas ka nga naman..’ sabi niya s
Natigilan si Celestine nang marinig ang sinabi ni John. Alam niya na si Benjamin lang ang pwedeng tukuyin ni John dahil ito lang ang may malaking kumpanya sa Nueva Ecija.Nang lumingon sa likod si Celestine ay nakita niya ang taong ayaw niyang makita, si Benjamin. Sobrang gwapo nito sa custom-made suit na suot nito. Kitang-kita ang ganda ng katawan ng lalaki dahil doon sa suit.Pagpasok pa lang niya sa party ay kung sinu-sino na ang lumalapit sa kanya. Parang ang lahat ay gusto siyang makausap at malapitan.Kahit ang mga senior managers ay mataas ang respeto kay Benjamin. Sa mga mata ni Celestine, perpekto naman ang kanyang dating asawa, pero iyon nga lang, hindi siya minahal nito.Nagulat din ang lahat dahil may ka
"Benjamin? Bakit ka nandito?"Nagulat si Benjamin nang makita niyang si Wendell ang naroon. Sa isip-isip niya, baka kaya kasama ni Celestine ang kanyang pamilya ay dahil namamabhikan na si Eduard sa kanila.Tiningnan ni Wendell si Benjamin mula ulo hanggang paa. Pagkatapos, lumingon siya kay Celestine at nagtanong, "Ikaw ba ang nag-invite sa kanya na pumunta rito?”"Hindi niya po ako ininvite. Ako po mismo ang pumunta," sagot ni Benjamin habang nilampasan si Wendell papunta sa loob ng kwarto.Nagulat si Wendell dahil tila wala sa lugar ang kilos ni Benjamin. Kahit hindi gusto ni Benjamin si Celestine, lagi naman siyang maayos ang asal tuwing nakikita niya ito at si Nancy nitong mga nakaraang taon.Pero ngayon, halatang hindi niya napigilan ang kanyang emosyon at walang paki sa mag-asawa.Pagpasok ni Benjamin sa kwarto, napansin niyang dalawa lang ang naroon, si Wendell at si Nancy. Nang makita siya ng dalawa, bahagyang lumitaw ang pagkalito sa kanilang mga mata, at tumayo silang pare
"Celestine, kailan mo ipapadala sa akin ang kabayaran sa mga nalugi sa kumpanya ko?" Sinimulan na niyang pag-usapan ang tungkol sa negosyo.Gusto sanang pagalitan ni Celestine si Benjamin sa pagiging baliw at sa palaging pagtawag sa kanya.Pero nang marinig niya ito, bahagyang bumaba ang tono ng kanyang boses, "Kailangan ko ng oras para makapag-ipon ng ibabayad ko sa iyo. Hindi mo ba alam na may proseso iyon? Hindi naman pwedeng bigla na lang akong magbigay ng pera sa iyo, ‘no.”"Tawagan mo ako mamayang gabi. Pag-uusapan natin ito nang mabuti.”Malamig ang tono ni Benjamin. Halatang seryoso sa kanyang sinasabi.Hindi nakasagot si Celestine noon.Nanaginip ba si Benjamin? Paano niya ipapadala ni Celestine ang pera sa gitna ng gabi?! Sarado na ang bangko at siguradong kahit ang online banking ay hindi kakayanin na bayaran iyon."Hinihintay kita sa Metropolis, pumunta ka na ngayon." Ang tono niya ay parang nag-uutos kaya lalong nainis si Celestine.Nang marinig ito, bahagyang nanginig an
Sa sumunod na araw..Tinitingnan ni Celestine ang medical book nang marinig niyang tinanong ni Shiela sa kanyang headset, "Alam mo ba ang tungkol sa cruise party sa susunod na buwan?""Oo. Bakit?" Yumuko si Celestine. Naka-puting coat siya na may pink na pangloob, at bagay na bagay ito sa kanya. Kitang-kita ang ganda niya.Sabi ni Shiela, "Sumama ako sa isang organizer sa cruise party noong nakaraang taon, at masasabi ko lang... sobrang dumi nila. Alam mo ‘yon? Ang daming issues."Ngumiti si Celestine. Paano ba magiging malinis ang mundo ng mayayaman? Parang kahit kailan, hindi naman.Pero para sa mga tao labas, isa lang itong pagkakataon para maging magkakaibigan ang lahat."Yung boss ng isa sa mga brand na ineendorse ko, gusto akong samahan ngayong taon, pero nag-aalangan akong tanggapin." Nag-inat si Shiela at napabuntong-hininga."Ah, kung ako ang tatanungin mo? Pupunta ako." Sagot ni Celestine.Nagulat si Shiela. "Diyos ko, tama ba ang narinig ko? Ikaw mismo, pupunta ka roon?”Si
Ahente siya ng kotse? Kailan pa?Huminga nang malalim si Benjamin, inayos ang kanyang isip, at napagtanto kung gaano katanga ang kanyang ginagawa. Bakit nga ba siya nandito? Kung anuman ang nangyayari sa pagitan nina Celestine at Eduard ay wala na dapat siyang pakialam doon.Inatras ni Benjamin ang kanyang kamay, tumingin sa pintuan ng private room, at tumalikod para umalis. Hindi dapat nakatuon ang isip niya kay Celestine, dapat ay kay Diana.Pagkaalis ni Benjamin, lumabas sina Celestine at ang lalaki mula sa private room."Gusto kong kumain ngayon ng hotpot, ikaw ang taya," malambing ang boses ng lalaki.Tumango si Celestine, "Sige, sige, kahit anong gusto mong kainin, ililibre kita.""Pinag-isipan mo ba nang mabuti ang sinabi ko sa'yo?" tanong ng lalaki.Napangiti nang pilit si Celestine, hindi niya pa ito isinasaalang-alang...Napairap ang lalaki at tinapik siya sa noo...Pagdating ni Benjamin sa ospital, sa kwarto ni Diana, nakatanggap siya ng text message mula kay Sean.“Ah, Be
Hinigpitan ni Benjamin ang hawak niya sa kanyang cellphone, at biglang sumagi sa isip niya ang imahe ng lalaking nakita niya kanina. Talagang kamukha niya si Eduard.Kaya ibig sabihin, umabot na sa puntong nagkikita na sa hotel sina Celestine at Eduard?Paano nagawang sumabay ni Celestine sa parehong elevator kagabi para makipagkita kay Eduard nang hindi man lang namumula o kinakabahan?Nagyakapan pa silang dalawa. Hindi ba ito isang harapang panloloko sa kanya?Sa pag-iisip nito, nakaramdam si Benjamin ng hindi maipaliwanag na pagkabalisa at panlulumo. Gusto niyang bumalik at harapin si Celestine para tanungin kung ano ang nangyayari at kung sino ba talaga ang lalaking iyon.Hinack na niya ang kanyang cellphone at ang kumpanya, tapos biglang nakipag-date sa ibang lalaki sa hotel? Nababaliw na ba siya?Mula nang hilingin ni Celestine ang divorce, paulit-ulit siyang nagugulat sa mga ginagawa nito, para bang muli niya itong nakikilala.Samantala, biglang bumahing si Celestine habang pa
Dahil sa ginawa ni Benjamin sa kanya, naisip ni Celestine na kailanganin niyang humingi ng tulong kay Wendell. Sa Sherika Hotel. Pumunta si Celestine, sinabi ang impormasyon na nalalaman niya sa front desk, at nagtanong, "Sorry, pero nasaan ang provate room na ito rito?” Sa oras na iyon, s Benjamin ay papasok din mula sa labas. Hawak niya ang kanyang cellphone at mahina niyang sinabi sa kausap, "Nandito na ako." Pumasok siya sa elevator at napansin niyang sumunod sa kanya si Celestine. Kumunot ang noo ni Benjamin at sinipat si Celestine mula ulo hanggang paa. Kahit isang araw lang silang hindi nagkita, pakiramdam nila ay parang magkaaway pa rin sila, at walang gustong magpatawad ni isa sa kanila. "Anong klaseng trabaho meron ang asawa ko? Nagtatrabaho ka yata dati sa hotel," sarkastikong biro ni Celestine. Walang ekspresyon sa mukha ni Benjamin at hindi siya pinansin. Napansin ni Celestine na pareho sila ng palapag na pupuntahan. Hindi niya napigilang tingnan si Be
"Celestine, tinatakot mo ba ako?" Bahagyang naningkit ang mga mata ni Benjamin, may banta sa kanyang tingin.Tumayo nang tuwid si Celestine at seryosong tumingin kay Benjamin. "Wala akong intensyong takutin ka, swear to God! Sinasabi ko lang naman ang totoo.”Kahit gusto niyang takutin ito, hindi niya aaminin iyon sa harap ni Benjamin.Hindi siya baliw para gawin iyon.Nanlamig ang mukha ni Benjamin, at lalong lumala ang kanyang ekspresyon. Mukhang galit na galit siya."Miss Yllana, ito ang bill para sa pagkalugi ng kumpanya. Tingnan mo para malaman mo kung magkano ang babayaran mo sa akin," tumayo siya at inilagay ang makapal na dokumento sa mesa, malamig ang tono. "Umaasa akong mababayaran mo ito agad-agad, kung hindi, magkikita tayo sa korte dahil magpa-file ako ng kaso sa’yo.”Kumunot ang noo ni Celestine. Walang interes siyang binuklat ang bill at nanlaki ang mga mata. Sobrang laki ng bill na binigay sa kanya.Ayos lang ba si Benjamin? Kailangan niya rin talaga niyang bayaran ang
Ang lila na Pagani ay talagang kapansin-pansin sa daan, at hindi niya magawang ipagwalang-bahala ito.Twenty minutes na ang lumipas, at nakatayo na si Celestine sa tapat ni Benjamin.Isang lalaki ang eleganteng kumakain ng breakfast, at ang kanyang kilos ay marangal. Palihim na pumulandit ng mata si Celestine sa kanya sa kanyang isipan.Nakatayo sa tabi ni Benjamin si Veronica at tumango kay Celestine, "Mrs. Peters, maupo po kayo."Pinagdikit ni Celestine ang kanyang mga labi at nag-aalangan nang maupo. Pero narinig niyang malamig na nagsalita si Benjamin, "Sino ang nagsabing pwede siyang umupo sa tabi ko?”Nagkatinginan sina Celestine at Veronica, at bahagyang humingi ng sorry si Veronica kay Celestine, "I'm very sorry for that, maghihintay na lang po ako sa labas, Mr. Peters.”Mas mabuting hindi manatili roon si Veronica dahil ayaw niyang madamay sa awayan nila ni Celestine. Paraan na rin iyon para mabigyan ng privacy ang dalawa.Pinanood ni Celestine si Veronica na lumabas, pagkata
Nagising si Celestine sa tawag ni Vernard kinaumagahan. Halatang balisa ang tono ni Vernard, "Boss, delikado na ang sitwasyon natin!” Nakapikit pa rin si Celestine habang bumaligtad sa higaan, itinupi ang kumot sa ilalim ng kanyang mga binti, at kalmadong sinabi sa malabong boses na hindi pa lubusang gising, "Ano iyon? Sabihin mo na.” "Nalaman ni Benjamin kahapon na hinack ng base ang security system ng D’Belinda.” Kumunot ang noo ni Celestine. Sa isip-isip niya, hindi ba't nasabi na sa kanya kahapon? Bakit inuulit ito sa kanya ngayon? “Hmm, hindi naman na bago iyon. Alam ko na ang tungkol doon, ah.” "Hindi. Iba na kasi ngayon. Ngayon, nalaman niya na ako ang naglagay ng virus sa cellphone niya.” Sa narinig, biglang bumangon si Celestine mula sa kama. "Ano?! Paano nangyari iyon?!" "Vernard, anong nangyari sa'yo?" Kailan pa siya naging ganito kapabaya sa tauhan niya? Paano siya natuklasan ang tungkol doon? "Pero!" Mahinang umubo si Vernard at bumulong, "Ligtas pa rin ako ngay