Kinabukasan, nagising na lang si Celestine na sobrang sakit ng ulo. Agad niyang hinimas-himas ang kanyang sintido.
Tiningnan niya ang orasan kahit pikit pa ang kanyang isang mata, nagulat siya dahil tanghali na pala.Hindi niya nga alam kung paano siya nakauwi sa bahay nila. Wala na siyang maalala sobrang kalasingan niya.Kahit antok pa ay kinuha niya ang kanyang cellphone sa side table ng kama at nag-browse sa social media.Napapikit na lang siya sa inis nang makita ang isang video kung saan nandoon si Benjamin at Diana, magkasama. Product launch ito ng isa sa mga produkto ng kumpanya ng mga Peters.May-ari kasi ng isang cosmetic company ang pamilya Peters, ang ‘D Belinda.Kitang-kita ni Celestine kung paano hinawakan ni Diana ang kanyang asawa, malanding-malandi ang pagkakahawak. Bagay na bagay sila.‘Kung minamalas ka nga naman..’ sabi niya sNatigilan si Celestine nang marinig ang sinabi ni John. Alam niya na si Benjamin lang ang pwedeng tukuyin ni John dahil ito lang ang may malaking kumpanya sa Nueva Ecija.Nang lumingon sa likod si Celestine ay nakita niya ang taong ayaw niyang makita, si Benjamin. Sobrang gwapo nito sa custom-made suit na suot nito. Kitang-kita ang ganda ng katawan ng lalaki dahil doon sa suit.Pagpasok pa lang niya sa party ay kung sinu-sino na ang lumalapit sa kanya. Parang ang lahat ay gusto siyang makausap at malapitan.Kahit ang mga senior managers ay mataas ang respeto kay Benjamin. Sa mga mata ni Celestine, perpekto naman ang kanyang dating asawa, pero iyon nga lang, hindi siya minahal nito.Nagulat din ang lahat dahil may ka
Grabe ang tingin ni Benjamin kay Celestine dahil sa pagtawag nitong ‘Mr. Peters’ sa kanya. Galit na galit ang kanyang mga mata. Palagay ni Benjamin ay talagang hindi siya minahal ng asawa dahil nakakaya nitong tawagin lang siya sa apelyido niya.Ang ganda ng mga ngiti ni Celestine pero alam ni Benjamin na gusto na siyang saksakin ng asawa kung may pagkakataon lang ito. Mas lalong nagkaroon ng tensyon nang hindi ilahad ni Benjamin ang kanyang kamay pabalik.Pero, hindi na lang pinansin ni Celestine iyon. Hindi naman iyon ang unang beses na binalewala niya ang asawa, sanay na siya. Sa mga mata ni Benjamin, kahit kailan ay hindi niya rerespetuhin si Celestine.Hindi naman napansin ni John ang alitan ng dalawa. Ngumiti pa ito sa kanila at saka nagsalita. “Si Ce
“Nandito ba ngayon ang pamilya ni Mr. Villaroman? Kung nandito, nasaan? At saka, may iba pa ba siyang sakit maliban sa heart disease?” tanong ni Diana pero walang ni isang sumagot sa kanya.“Ah, may pinuntahan lang ‘yong assistant ni Mr. Villaroman pero ngayong tinatawagan ko na, cannot be reached naman ang phone niya,” sabi ng isa sa mga kaibigan ni Mr. Villaroman.Hindi na pinansin pa ni Diana ‘yon, buti na lang at may gamot na dala si Mr. Villaroman kaya kahit paano ay umayos ang lagay nito. Also, Diana performed cardiopulmonary resuscitation.Maraming business tycoon ang nasa party kaya perfect opportunity iyon para kay Diana dahil mapapakita niya sa lahat, lalo na sa pamilya ng mga Peters na worthy siyang mapabilan
Masamang tiningnan ni Diana si Celestine, tila ba kukunin nito ang lahat sa kanya. Habang ang lahat ay pinupuri si Diana, bigla namang kumislot si Mr. Villaroman. Parang may hindi tama sa ginawa ni Diana.“Anong nangyayari kay Mr. Villaroman? Miss Diana, tingnan niyo po siya!”Ang lahat ng tao ay nakatingin lang kay Mr. Villaroman. Hindi lang parang may mali sa kanya, pero ang itsura nito ay naging malala na kaysa sa kanina.Agad na tumakbo si Diana para tingnan si Mr. Villaroman, pero nang lumapit siya rito ay alam na niyang nahihirapan nang huminga ang matanda.Para bang nawala ng konti sa kanyang sarili si Diana. Hindi niya alam kung nangyari ito dahil sa kumplikasyon ng matanda sa kanyang puso o dahil sa maling
‘Nakakatawa kasi ilang taon na tayong kasal pero hindi mo pa rin pala ako kilala.’ paulit-ulit iyon sa isip ni Benjamin.Napalunok na lang si Benjamin at natahimik. Masama niyang tiningnan si Celestine. Galit na galit siya.Naglabas ng isang ballpen si Celestine.Noong mga oras na iyon ay gulat na gulat ang lahat. Sa isip-isip ng lahat noong nakakita, saan naman gagamitin ni Celestine ang ballpen na iyon?“Ano ba ang gagawin niya?”“Huwag niyong hahayaan na makapatay ang babaeng iyan, kung hindi..”Kahit na marami na silang sinasabi kay Celestine ay may ginawa pa ang babae na lalo nilang kinagulat.Talagang tinanggal niya ang harapang bahagi ng panulat at isinaksak ito sa leeg ni Mr. Villaroman. Malinis, mabilis, at matindi ang kanyang galaw.Nagwala na naman ang mga tao, galit na galit kay Celestine.“Miss, nababaliw ka na ba?”“Kapag may nangy
Hindi na nagtaka pa si Benjamin dahil kahit paano ay kilala niya ang kanyang asawa. Sa tatlong taon nila ay kitang-kita ni Benjamin kung gaano kamahal ni Celestine ang pagbabasa ng libro tungkol sa medisina.Sa bahay nila ay marami ring libro tungkol sa science ang binabasa ni Celestine. Kaya, hindi na dapat kwestyunin pa ng tao ang kakayahan niya kapag medisina ang pinag-uusapan.Pero, nagtaka rin siya sa kanyang sarili dahil noong ginagamot ni Celestine si Mr. Villaroman ay tinanong din niya sa kanyang sarili kung kaya ba ng asawa na sagipin ang matanda.Iniisip niya ang sinabi ni Celestine kanina, nakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na kahihiyan para sa kanyang sarili. Hindi nga ba niya talaga kilala ang asawa?Lumingon si Celestine, bahagya siyang nahilo, at hindi niya napigilang umatras ng isang hakbang.May hypoglycemia siya at hindi nakapagpahinga nang maayos sa nakaraang dalawang araw. Ang tagal niya kasing nakayuko kanina at nagkakaroon na rin ng presyon kaya nakaramdam siy
Lumuhod siya!Ang lalaki ay nagpatirapa at humagulgol habang umiiyak, "Isa kang Diyos! Nagkamali ako! Alam kong nagkamali ako!""Sorry, hindi kasi kita kilala at nahusgahan agad kita. Hindi ko alam na malakas ka pala at kaya mong magpagaling!""Patawarin mo ako, kahit ngayon lang. Pangako, hindi na ako uulit!""Maawa ka sa akin, maawa ka!"Patuloy siyang nakadapa, at nanginginig ang kanyang mga binti.Kung gaano kasakit ang kanyang mga salita nang iligtas ni Celestine si Mr. Villaroman sa harapan ng mga tao, ganoon naman siya ngayon kaduwag.Bahagyang tumagilid ang ulo ni Celestine, ang kanyang mga mata ay lumibot sa paligid, at ang madilim niyang mga mata ay tila nagtatanong’mayroon pa bang hindi nasisiyahan sa napapanuod nila?Tahimik ang paligid na parang may anghel na dumaan. Lahat ay nakamasid sa mga pangyayari, at walang sinumang nangahas magsalita.Halos patayin na ni Celestine ang taong umaway sa kanya—sino ang maglalakas-loob na sumuway kung ganoon?Bihirang makita si Celesti
Pero nang maisip niya kung gaano kagusto ni Benjamin na hiwalayan siya ay bumalik ang pait sa kanyang mga labi. Hindi niya makakalimutan kung paano siya inaayawan ng asawa noon."Celestine? " Isang pamilyar na boses ang biglang narinig niya mula sa likuran.Lumingon si Celestine para tingnan kung sino ang taong tumawag sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya ng makita si John.Hawak ni John ang isang itim na payong sa ibabaw ng kanyang ulo at nakangiti, "Bakit ka nagpapaulan? Dapat nag-iingat ka, baka magkasakit ka. ""Hindi ko naman kasi alam na umuulan dito sa labas," seryosong tumingin si Celestine sa mga mata ni John at sumagot."Oo nga, biglaang bumuhos ang ulan," itinaas ni John ang kamay at pinahiran ang mga patak ng ulan mula sa buhok ni Celestine nang malapitan."Celestine, ihahatid na kita pauwi. Okay lang ba?"Ang biglaang paglapit ni John ay ikinagulat ni Celestine.Halos hindi niya namalayang umatras siya ng isang hakbang, saka napatingin kay Benjamin. Ngunit agad din niyang
Itinaas ni Celestine ang kanyang ulo, hawak ang balikat gamit ang isang kamay.Lumabas na sina Lola Belen at Zsa Zsa pala iyon, kapwa nagmamadali at halatang nag-aalala para kay Celestine."Celestine, anong nangyari? Pagkakita namin ng balita sa TV kanina, agad kaming pumunta rito! Kamusta ka na? Nasaan ang lalaking may gawa sa iyo nito?!" may pag-aalalang tanong ni Lola Belen.“Oo nga, aba dapat ay magbayad siya dahil sa ginawa niya! Ipapakulong natin siya!” sabi naman ni Zsa Zsa.Nag-aalala si Lola Belen habang sinusuportahan si Celestine para makaupo. Tinitingnan din niya kung okay si Celestine mula ulo hanggang paa.Tiningnan ni Celestine ang dalawa, at naalala rin ang kanyang pamilya na agad na rumesponde. Kumpara kay Carene, talagang napagtanto niyang napakaswerte niya. Si Carene, wala nang pamilya ang titingin para sa kanya. Pero siya, ito at dalawa pa.“Lola Belen , Mommy, ayos lang po ako. Hindi niyo na po ko kailangan puntahan pa rito. Naabala pa phone tuloy kayo,” Binuka n
Sinabi ni Celestine na isa siyang independent individual. Kahit na siya ang asawa ni James, pasyente pa rin siya na dapat tulungan. “Carene, sinabi ko dati na gagamutin kita, kaya gagamutin kita ha.” Lumingon si Celestine sa doktor sa labas at sumigaw, “Miss Georgia, nasugatan po si Carene!” “Dr. Yllana, salamat. Kahit mamatay ako, ayos lang sa akin dahil tinulungan mo na ako noon pa.” Mahina at banayad ang tinig ni Carene nang sabihin niya iyon. Ramdam ni Celestine ang matinding awa para sa kanya sa mga sandaling iyon. Sino ba naman ang ayaw maging maganda at elegante ang kanyang buhay, pero itinulak siya ng buhay para maging isang simpleng babae sa probinsya. Dinala na ng pulis si James. Hindi matahimik ang puso ni Celestine, hindi niya magawang palayain si James. Sinabi niya noon na si Carene ay duwag, at kinamumuhian niya ang ganitong uri ng tao. Pero nang papalapit na si James para saktan siya, si Carene na isang duwag at ordinaryong tao ang siyang humarang at pumrotekta s
Mabilis na gumulong si Celestine sa gilid, kaya’t hindi tumama ang balisong ni James sa kanya. Mahigpit ang pagkakakagat ni James sa kanyang mga ngipin dahil sa galit, namumutok ang mga ugat sa kanyang noo, at sumigaw, “’Wag kang umilag! Papatayin talaga kita!”Pero hindi tanga si Celestine, kaya umiwas siya.Nakatitig si James kay Celestine, at tumayo na si Celestine. Dahan-dahan niyang ibinaba ang silver na needle mula sa manggas niya at hinawakan iyon sa pagitan ng kanyang mga daliri.Nang makitang hindi siya makalapit kay Celestine, biglang tumingin si James kay Carene.Natigilan si Carene noong mga oras na iyon, at agad siyang hinatak ni James sa kanyang harapan, itinapat ang balisong sa leeg nito.“Payagan mo kaming lumabas dito, kundi papatayin ko siya! Makikita mo!” sigaw ni James kay Celestine.Hindi napigilang mamangha ulit si Celestine sa lalaki.“James, asawa mo si Carene, hindi ba? Ilang taon na kayong magkasama sa iisang bubong! Hindi mo ito kailangang gawin!” paalala n
"Ibaba mo ang iyong balisong. Hindi nakakatulong iyan sa problema natin. Marami ka pang madadamay," Tinitigan ni Celestine ang balisong sa kamay nito.May mga taong paroo’t parito sa ospital, at maraming doktor at pasyente ang nanonood. Masama ang kahihinatnan kung may masaktan ang lalaki."Ipa-discharge mo nga sabi ang asawa ko! Hindi ba malinaw sa iyo iyon? Kung ginagawa mo na sana, hindi na ko magwawala pa rito!" sigaw ng lalaki."Sige. Ipapa-discharge ko na ang asawa mo kung iyon ang gusto mo," Tumango si Celestine at agad na pumayag.Nagtinginan ang lahat kay Celestine. Pumayag ba talaga siyang ipa-discharge na si Carene? Ang alam ng iba ay hindi pa pwede dahil may tests pa ito na kailangang gawin."Danica." Tumalikod si Celestine at tinawag si Danica.Lumapit si Danica, "Po? Ano po ang kailangan niyo, Dr. Yllana?"Kitang-kita ang takot ni Danica sa kanyang mga mata."Pumunta ka sa kwarto ni Carene at paki-discharge mo siya. Thank you.”Napakunot-noo si Danica, litong-lito. Totoo
Nang hindi sumagot si Celestine sa sinabi ni Shiela, alam na ni Shiela ang sagot. Hindi nga natuloy ang divorce nina Celestine at Benjamin.“Sige na, sabihin mo nga sa akin ang totoo, ayaw mo bang mawalay talaga sa kanya?” pagpupumilit ni Shiela.Nagsalin ng tubig si Celestine at napabuntong-hininga. “Ayaw na ayaw ko talaga. ID card ko kasi 'yun, at hindi ko kayang mawala 'yon!”Nagtakang tanong si Shiela, “ID card? Anong sinasabi mong ID card?”“Nawala ang ID card ko sa pinaka-importanteng oras. Doon pa talaga sa kailangan ko iyon. Wala akong magawa kundi maghintay na ma-reissue ito bago ako makapagpa-divorce.” Uminom si Celestine ng tubig, tumayo sa tabi ng bintana at tumingin palabas. Kita sa kanyang mga mata ang pagod at lungkot.Napabuntong-hininga si Shiela noong mga oras na iyon. “Ang dami niyong pinagdaanan nung nagpakasal kayo, pati ba naman ang divorce niyo may aberya pa rin? Hindi ko na talaga kayo maintindihan! Dyusko, kailan ba matatapos ito?”Napangiti na lang si Celesti
Pagkalabas ni Celestine, agad niyang nakita ang Maybach ni Benjamin. Binuksan niya ang pinto at sumakay.Ang lalaki ay naka-suot ng suit at may suot na mamahaling relo. Maayos ang kanyang itim na buhok at ang buong anyo niya ay nagpapakita ng isang uri ng karangyaan sa buhay na mahirap ipaliwanag.Tinanong niya si Celestine, "Nahanap mo na ba ang ID mo?”Umupo si Celestine nang patagilid, nakaharap kay Benjamin."Mr. Peters, hindi ka ba naniniwala sa akin? ‘Di ba, ang sabi ko, nawawala nga kanina? Nahihilo na nga ako kakahanap eh."Napatitig si Benjamin. Ano'ng klaseng reaksyon 'yon? Parang bata. Simple lang naman ang tanong niya ah."Kung iniisip mo na parang ayaw kong matuloy ang divorce, hindi ko talaga sinadyang hindi matuloy iyon, nawala lang talaga ang ID ko." Tahimik na tinaas ni Celestine ang kamay. "Sumusumpa ako, nawala talaga. Hinanap na namin ni Mommy sa kwarto ko, pero wala eh.”Tiningnan ni Benjamin ang mukhang punong-puno ng pagsisisi ni Celestine at may naramdaman siya
Gabi na noon. Bumili si Celestine ng maraming merienda at umuwi. Umiinom ng tsaa si Wendell habang pinagmamasdan ang anak niyang naka-pajama na kumakain ng potato chips sa sala, litong-lito. Bihira lang na makitang relaxed si Celestine ng ganito, kaya medyo kakaiba talaga iyon para sa kanya. “Ano’ng ginagawa mo?” napakunot ang noo ni Wendell, “May magandang balita ba para maging masaya ka ng ganyan?” Gustong sabihin ni Celestine na makikipag-divorce na siya kay Benjamin bukas. Pero naisip niyang palagi namang nauudlot ang divorce nila dati. Palagi siyang nagbibigay ng pag-asa, tapos mauuwi rin sa pagkadismaya. Kaya balak na lang niyang ipakita agad ang divorce certificate pagkatapos ng proseso bukas. Hindi pa siya kailanman naging ganito ka-determinado na makuha ang divorce certificate kaya sigurado siyang bukas na matatapos ang pagiging mag-asawa nila ni Benjamin. Napaisip pa siya, baliw na ba talaga siya? Simpleng bagay lang pero sobrang saya na niya. Muntik pa siyang mah
Talagang naramdaman ni Celestine na napakabaho ng amoy ng sigarilyo, parang kahit anong gawin niya ay hindi niya ito matanggal.Siyempre, hindi lang tungkol sa amoy ng sigarilyo ang tinutukoy niya, kundi pati na rin siya.Ngumiti si Celestine at mahina niyang sinabi, “Benjamin, patawad kung kailangan pa nating umabot dito.”Pagkasabi nito, tila nakahinga siya nang maluwag.Ibababa sana ni Benjamin ang tingin at kumirot ang lalamunan niya. Pinatay na niya ang sigarilyo, saka sinabi, “Uulitin ko lang ang sinabi ko kanina sa loob ng coffee shop.”Kumunot ang noo niya, at ang tingin niya kay Celestine ay puno ng pasensya at seryosong hindi pa niya ipinakita noon. Inulit niya, “Kahit ano ang gusto mong gawin, gagawin ko na rin. Irerespeto ko ang desisyon mo.”Tumango si Celestine nang mariin, “Sige, magpa-divorce na tayo para matapos na ang lahat ng ito.”Pinindot ni Benjamin nang madiin ang kamay niyang may hawak na upos ng sigarilyo, saka tumango, “Sige. Walang problema.”“Kailan tayo ma
Nakunot ang kanyang noo, at halatang magulo ang kanyang mga mata habang nakatingin kay Celestine. Alam ni Celestine na napahiya siya dahil sa mga sinabi ni Lola Belen. Natatakot din siyang magkamali ng pagkaintindi si Benjamin, na baka isipin nitong sinadya niya ang lahat para lang hindi ito iwan. "Hindi ako gagawa ng gano'ng kahina-hinalang hiling kay Lola Belen, huwag kang mag-alala," nakangiting sabi ni Celestine, na para bang sinisikap siyang pakalmahin. Pero habang mas lantaran ang paliwanag ni Celestine, mas lalo siyang naiinis. Malakas na isinara ang pinto ng coffee shop. Hindi maiwasang yumuko ni Celestine, at unti-unting nawala ang ngiti sa kanyang mukha. Napabuntong-hininga si Lola Belen, “Celestine, ikaw naman! Bakit mo ‘yon sinabi sa kanya? Ginagawa ko nga ang lahat para hindi na kayo maghiwalay!” “Hindi mo ba nakita? Nag-alinlangan siya kanina. Ibig sabihin, sa totoo lang ay hindi—" “Lola Belen, may gusto pa po ba kayong sabihin sa akin?” sabat ni Celestine agad,