Lumuhod siya!Ang lalaki ay nagpatirapa at humagulgol habang umiiyak, "Isa kang Diyos! Nagkamali ako! Alam kong nagkamali ako!""Sorry, hindi kasi kita kilala at nahusgahan agad kita. Hindi ko alam na malakas ka pala at kaya mong magpagaling!""Patawarin mo ako, kahit ngayon lang. Pangako, hindi na ako uulit!""Maawa ka sa akin, maawa ka!"Patuloy siyang nakadapa, at nanginginig ang kanyang mga binti.Kung gaano kasakit ang kanyang mga salita nang iligtas ni Celestine si Mr. Villaroman sa harapan ng mga tao, ganoon naman siya ngayon kaduwag.Bahagyang tumagilid ang ulo ni Celestine, ang kanyang mga mata ay lumibot sa paligid, at ang madilim niyang mga mata ay tila nagtatanong’mayroon pa bang hindi nasisiyahan sa napapanuod nila?Tahimik ang paligid na parang may anghel na dumaan. Lahat ay nakamasid sa mga pangyayari, at walang sinumang nangahas magsalita.Halos patayin na ni Celestine ang taong umaway sa kanya—sino ang maglalakas-loob na sumuway kung ganoon?Bihirang makita si Celesti
Pero nang maisip niya kung gaano kagusto ni Benjamin na hiwalayan siya ay bumalik ang pait sa kanyang mga labi. Hindi niya makakalimutan kung paano siya inaayawan ng asawa noon."Celestine? " Isang pamilyar na boses ang biglang narinig niya mula sa likuran.Lumingon si Celestine para tingnan kung sino ang taong tumawag sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya ng makita si John.Hawak ni John ang isang itim na payong sa ibabaw ng kanyang ulo at nakangiti, "Bakit ka nagpapaulan? Dapat nag-iingat ka, baka magkasakit ka. ""Hindi ko naman kasi alam na umuulan dito sa labas," seryosong tumingin si Celestine sa mga mata ni John at sumagot."Oo nga, biglaang bumuhos ang ulan," itinaas ni John ang kamay at pinahiran ang mga patak ng ulan mula sa buhok ni Celestine nang malapitan."Celestine, ihahatid na kita pauwi. Okay lang ba?"Ang biglaang paglapit ni John ay ikinagulat ni Celestine.Halos hindi niya namalayang umatras siya ng isang hakbang, saka napatingin kay Benjamin. Ngunit agad din niyang
Naputol ang boses ni Celestine, lumambot ang tono. Mukhang kailangan niya talaga ng tulong."Benj, masakit."Si Benjamin ay palaging ganito, hindi alintana ang kanyang nararamdaman. Kung ang taong sumusunod sa kanya ngayon ay si Diana, magiging ganoon pa rin ba siya kabastos?Biglaang naantig ang puso ni Benjamin. Diretsong binuhat niya si Celestine nang pahiga, at sa sandaling nabuhat niya ito, napagtanto niyang payat na payat na si Celestine kasi napakagaan at napakalambot sa baywang, walang labis na taba.Lumaki ang mga mata ni Celestine, tinitingnan siya nang hindi makapaniwala, habang maingat na hinahawakan ang manggas ng kanyang damit.Inilagay ni Benjamin si Celestine sa loob ng kotse, at pagkatapos ay lumibot sa harapan ng kotse at sumakay.Lalong nalilito si Celestine kung ano ang balak niyang gawin.Tahimik sila sa loob ng kotse; pareho silang nanatiling tahimik at walang nagsalita.Ang balat ni Celestine, na dating maputi, ay ngayo’y ay nabasa dahil sa ulan. Panay tubig tul
Agad na inalis ni Celestine ang kanyang kamay.Alam niyang hindi basta-basta magpapakabait si Benjamin sa kanya. Lahat ay may dahilan. Ang nasa isip niya, baka may kailangan si Benjamin sa kanya kaya mabait ito.Pinatay ni Benjamin ang Bluetooth ng kanyang cellphone, kinuha ang kanyang cellphone at nilagay niya ito sa kanyang tenga.“Sige, makikipagkita ako sa iyo, pupuntahan kita mamaya.”Medyo malungkot ang atmosphere sa loob ng kotse dahil sa pangyayari. Kahit na pinatay niya ang Bluetooth, narinig pa rin ni Celestine ang malabong boses ni Diana sa kabilang linya.“Sige, maliligo na ako at hihintayin kita.”Lumiko si Celestine ng tingin palabas sa bintana, habang ang kanyang puso ay tila nawasak at hindi niya maipaliwanag ang pakiramdam.Binitawan ni Benjamin ang kanyang cellphone.“Sabihin mo na lang kung ano ang gusto mong sabihin. Huwag ka nang paliguy-liguy, nakakainis na,” seryosong sabi ni Celestine.Tumingin si Benjamin sa likod ni Celestine, ngunit biglang nawala ang mga sa
Nang makita ni Celestine ang reaksiyon nito, alam niyang hindi niya ito naaalala."Lahat ng mga regalong binigay mo sa akin ay nasa drawer ng study room," ani Benjamin."Hmm. Wala akong hinihingi na kahit na anong involved sa divorce natin, ang singsing lang na iyon. Babalik ako sa mansion kapag nagkaroon ako ng oras, kukunin ko ang mga gamit ko at aalis na rin pagkatapos."Pagkatapos niyang magsalita, agad na siyang nagbabalak na bumaba sa sasakyan.Di sinasadyang hinawakan ni Benjamin ang kanyang kamay at nakita siyang maayos na nagsasalita tungkol sa iba’t ibang bagay.Unti-unting sumiklab ang isang hindi maipaliwanag na galit sa kanyang puso, "Nagmamadali ka ba sa divorce natin?"
Wala nang magawa si Jolo kundi magsalita sa likuran ni Celestine. “Kapatid, alam mo ba? Ang pinakamabisang paraan para makalimutan mo ang sakit ay magpaka-busy ka.”“Huwag mong isipin na pinipilit ka lang ni Daddy na i-run ang business ng family. Sa totoo lang, tinutulungan ka ni Daddy na malimutan ang sakit na dinulot sa’yo noong Benjamin na iyon!”“Kung ganoon, may dinner party si Daddy bukas ng gabi; dapat sumama ka kay Daddy ha?” dagdag pa ni Jolo.Pumunta na lang si Celestine sa kanyang kwarto, namumula ang mukha sa galit.Bagaman mabuti na maging busy para malimutan ang mga nasa isip niya ay sobrang siksik naman ng kanyang iskedyul. Paano na? May hustisya pa kaya sa mundong ito?Pumunta si Celestine sa kama at agad na kinuha ang kanyang cellphone nang makatanggap siya ng text message mula kay Vernard.“Boss, nakuha mo na ba ang singsing? Hindi na ako makapaghintay na patayin silang lahat kasama ka!”Ang singsing.
"Sorry," Palabas na sana si Celestine ng study room nang biglang hinawakan ni Diana ang braso ni Celestine.Huminto si Celestine at tiningnan siya, naghihintay sa sasabihin ni Diana sa kanya."Celestine, pinapayuhan kitang maging matino at makipag-divorce na kay Benj sa lalong madaling panahon." Itinaas niya ang kanyang baba at may pagbabanta sa kanyang tinig.Bahagyang ngumiti si Celestine, inalis ang kamay ni Diana sa kanyang braso, at sinabi ng may pangungutya, "Sa huli, magiging iyo rin naman ang posisyon bilang Mrs. Peters, hindi ba? Bakit ka nagmamadali?"Nagpanting ang tenga ni Diana sa galit, "Celestine, tigilan mo ang pagsasalita ng walang kwenta! Tatlong taon mong inangkin ang posisyong dapat ay sa akin, hindi ka ba nahihiya?"Tumingin si Celestine sa kanya nang malamig, "Ang sarili mong kahinaan ang dahilan kung bakit hindi ka kinilala ng pamilya Peters. Paano ko naging kasalanan ang pag-angkin ko sa pagiging Mrs. Pet
Nakita mismo ni Celestine kung paano hinawakan ni Benjamin ang pulso ni Diana at siya ang pinili, hindi siya.Ang pakiramdam ng pagbagsak at kawalan ng bigat ay naging napakalinaw, at agad na napuno ng kawalan ng pag-asa ang kanyang puso.Hindi kailanman siya pinili ni Benjamin, kahit minsan, kahit nga yata na pareho silang malugmok sa kumunoy ay hindi pa rin siya nito pipiliin.“Celestine!” tawag ni Diana na may kunwaring pag-aalala.Huminto si Celestine sa sulok ng hagdan, at ang sakit sa kanyang katawan at puso ay halos hindi niya kayanin.Dahan-dahan niyang itinaas ang kanyang ulo at nakita sina Benjamin at Diana na nakatingin pababa sa kanya.Ang kahihiyan, kawalan ng pag-asa, at sakit ay hindi sapat upang ilarawan ang kanyang nararamdaman sa sandaling iyon.Hindi naman kataasan ang hagdan, hindi siya mamamatay sa pagbagsak. Pero pinatay nito ang lahat ng lakas niya.Matalim ang tingin ni Benjamin kay Celes
Sa Cardiac Surgery Department..Pagkabukas na pagkabukas ni Celestine ng pintuan ng kanyang opisina, agad niyang narinig si Dr. Feliciano na nagrereklamo, "Nakakahiya talaga ang pamilya Valdez ngayon. Maaga pa lang sinabi na nila sa media na magpapadala sila ng snow lotus grass, pero peke naman pala ang pinadala! Ginawa nilang tanga si Mrs. Belen Peters!"Tumango ang isa pang doktor, "Oo nga, parang sila pa mismo ang bumaril sa sarili nila. Sila ang tanga.""Uy, Dr. Yllana!" Kumaway si Dr. Feliciano kay Celestine, "Ayos ka na ba? Nakalabas ka na pala ng ospital.”Tumango si Celestine at hindi na nagsalita pa.Sumunod si Dr. Feliciano at nagtanong habang nanlalaki ang mga mata, "Dr. Yllana, paano mo nga pala nakuha ang snow lotus grass?"Binuksan ni Celestine ang kanyang bibig, pero paano niya sasagutin ang tanong na iyon?Sasabihin ba niyang isa siyang boss ng base na kahit anong gusto niya ay nakukuha niya? Hindi naman pwede siguro iyon?Habang nag-iisip pa si Celestine ng isasagot,
Palabas na sana siya ng kanyang cellphone, pero napansin niyang nagbabasa rin si Celestine ng balita sa kanyang cellphone.Agad niyang inagaw ang cellphone ni Celestine at itinuro ang nilalaman nito, "Hindi ba't ikaw ang may gawa nito? Aminin mo na kasi!”"Celestine, napaka-despicable mo! Gaano katagal na ba mula nang nangyari ang insidente sa snow lotus grass? Bakit mo ito muling binuhay? Dahil ba gusto ka nang hiwalayan ni Benjamin kaya gusto mong gumanti sa pamilya Valdez? Ganoon ba?”Tiningnan ni Celestine si Diana at naunawaan kung bakit ganoon na lang ang galit niya ngayon.Lumabas na siya pala ang pinaghihinalaan ni Diana na nagpakalat ng issue tungkol sa snow lotus grass.Tumayo si Celestine noong mga oras na iyon at akmang itutulak na naman siya ni Diana pagkatayo niya.Inalis ni Celestine ang kamay ni Diana, kaya napaatras ito ng dalawang hakbang.Nakapagkunot-noo si Diana habang tinititigan si Celestine.Maayos na inayos ni Celestine ang kanyang damit, isinuklay ang buhok,
“Para ba sa iyo ay nakakadiri akong babae?!” galit na sambit ni Celestine habang nakangiwi ang mga ngipin. Kung ang nakaraang segundo ay puno pa ng lambing, sa susunod na segundo’y pawang kalupitan na lamang ang natira para sa kanya. Hinawakan ni Benjamin ang kanyang damit, ngumisi siya, nakakadiri? Kailan niya sinabi iyon? Ang ganitong klase ng pakikitungo ay bagay na bagay sa kanyang mayabang at dominanteng ugali! “Puntahan mo na si Diana, pakasalan mo siya. Sana’y maging masaya kayo! Wala nang pipigil sa inyo!” Kinuha ni Celestine ang mansanas sa tabi ng kama at inihagis ito kay Benjamin, “Lumayas ka! Hindi kita kailangan dito!” Pakiramdam niya ay malas kung manatili pa ito ng isang segundo sa loob ng kwarto niya! Nandoon nga si Diana, pero nandoon din naman siya, hindi ba? Buhay na buhay! Sinabi pa ni Benjamin na iba siya kay Diana. Oo nga naman, magkaibang-magkaiba sila. Si Celestine ay mas marangal at mas mataas kaysa kay Diana nang maraming ulit! Nawalan ng pasensya si
Mahigpit na hawak ni Celestine ang kanyang cellphone, kinukumpirma ang hinala sa kanyang isipan.Nag-panic si Benjamin dahil hindi niya agad nakita si Celestine sa kwarto nito.Nagkakagusto na ba siya kay Celestine kaya ganoon ang reaksyon ni Benjamin?"Makakalabas ka na ba bukas sa ospital?" tanong niya bigla.Pinatay ni Celestine ang kanyang cellphone, at nang siya’y tumingin pataas, hawak ni Benjamin ang hair dryer at pinatutuyo ang kanyang buhok.Tumango si Celestine, "Oo. Bukas na nga.""Hindi ka na kailangang sunduin pa ni Eduard sa ospital, ako na ang maghahatid sa’yo pauwi. Basta, hintayin mo ako rito bukas." Habang sinasabi niya iyon, patuloy siyang nagpapatuyo ng buhok.Isinuksok ni Celestine ang sarili sa kumot at nag-mutter siya, "Huwag mo na akong alalahanin, Benjamin. Kaya ko naman na ang sarili ko.”"Ha?” Napangisi siya, kinamot ang buhok gamit ang dulo ng daliri, at isinara ang hair dryer.Itinapon niya ito sa cabinet, tapos tumingin kay Celestine, "Kung ayaw mong maka
Hanggang sa tumigil na ang mga yabag.Nang mapatingin si Celestine nang hindi sinasadya, nakita niya ang isang pamilyar na lalaki.Dahan-dahang ibinaba ni Celestine ang mga hawak niya at tumayo, saka tinitigan ang lalaki mula ulo hanggang paa.“Benj.. Benjamin? Anong nangyari sa’yo?" medyo tulala si Celestine noong mga oras na iyon.Napatingin si Danica sa kanila. Kitang-kita ang gulat sa kanyang itsura. Basa ng ulan ang buhok ni Benjamin. Nakakunot ang noo at nakatitig kay Celestine, halatang puno ng kaba at pag-aalala.Nasa likod ni Benjamin sina Veronica at dalawang guards mula sa ospital."Bakit hindi mo sinasagot ang cellphone mo? Kanina pa ko tawag nang tawag." Galit at puno ng paninisi ang tono ni Benjamin pagbungad pa lang ng mga salita niya.Kinapa ni Celestine ang bulsa niya. Cellphone niya?Ah, nakalimutan niyang kunin ito noong nagpalit siya ng damit. Naiwan ni
Tahimik si Benjamin ng ilang ulit.Naging seryoso ang mukha ni Celestine, parang galit na galit ang kanyang mukha.Napakatahimik sa kwartong iyon, at kitang-kita ang mainit na paghinga ng dalawa. Nakita ni Celestine na bumibilis ang paghinga ni Benjamin, at sa huli ay nawalan ito ng kontrol at itinulak siya palayo.“Wag kang umasa na mangyayari iyon sa atin.” Hinding-hindi niya mamahalin si Celestine. Hindi niya makita ang sarili na mamahalin niya ito.Ang malamig at walang emosyon na sagot ay nagpadapa ng damdamin Celestine.“Hindi talaga ako aasa,” mahinang sagot ni Celestine sa sagot ni Benjamin.Ilang ulit na rin niya itong sinabi sa sarili kaya sanay na siya. Hindi na nagulat pa sa sinabi ni Benjamin.Tumindig si Benjamin, inayos ang kanyang kwelyo, at kita sa leeg niya ang gumagalaw na lalamunan. Hindi na niya kayang tingnan pa si Celestine, kaya tumingin na lamang siya sa bintana.Matagal na nakatitig si Celestine sa likod niya, bago siya tumawa. “Nagbibiro lang naman ako, para
Pagkatapos magsalita ni Eduard, sinulyapan niya si Benjamin na para bang ibang layunin.Nakita niyang nakatitig sa kanya si Benjamin nang walang emosyon. Kung nakakamatay ang tingin, pakiramdam ni Eduard ay patay na siya sa mga sandaling iyon. Ngumiti si Eduard sa gilid ng kanyang labi at umalis na nang tuluyan.Nang maisara ang pinto ng kwarto, dahan-dahang pinisil ni Benjamin ang kanyang mga kamao. Nagpipigil siya, nagliliyab ang kanyang mga mata."Hindi ka ba aalis dito? Umalis na si Eduard, umalis ka na rin," sabi ni Celestine na umalingawngaw sa kanyang tainga.Mabilis na tumingin si Benjamin kay Celestine at hindi napigilang matawa."Celestine, dinalhan kita ng dinner, at hindi pa nga ako naka-upo ng limang minuto, pinalalayas mo na ako? Do you have manners?”Samantalang si Eduard pa nga ang parang ayaw niyang paalisin kanina! Uminit na naman tuloy ang ulo ni Benjamin noong mga oras na iyon.Napakabilis talagang magpalit ng isip ng babaeng ito! Papalitan na lang siya nang ganoo
She will strive to live for her life. Iyon ang natutunan ni Carene kay Celestine. Gabi na noon. Nakahiga si Celestine sa kama at naglalaro ng games sa kanyang cellphone nang may kumatok sa pinto ng kanyang kwarto. Lumingon si Celestine at natigilan nang makita kung sino ang dumating, saka tumayo, “Eduard, ikaw pala iyan.” Naka-itim na suit si Eduard at may suot na gold-rimmed na salamin. Mayroon siyang kakaibang karisma at elegante rin ang kanyang dating. Lumapit siya bitbit ang isang bouquet ng lilies at may basket of fruits sa isang kamay, at pabirong nagsabi, “Dumating ako para bisitahin ang isang bayani.” Napasimangot si Celestine, “Anong bayani? Sa huli, may ibang humarang para sa akin. Kung may bayani rito, siya iyon at hindi ako.” “Bakit parang nadismaya kang hindi ikaw mismo ang nasaksak? Iba ang tono mo ah,” Ibinaba niya ang basket of fruits at iniabot ang mga bulaklak kay Celestine, “Lilies para sa iyo, sariwang-sariwa, kasing fresh ng mga ngiti mo.” Tiningnan ni Cel
“Miss Georgia, pakawalan mo na po dito sa ospital. Gusto ko na umuwi, at saka, ayos na ayos na po ako! Ang lakas ko na nga eh!”Bumisita si Georgia kay Celestine noong mga oras na iyon. Agad na hinawakan ni Celestine ang braso ni Georgia at nagmakaawang palabasin na siya, kawawang-kawawa ang kanyang itsura.Binuklat ni Georgia ang medical record ni Celestine at tamad na nagsalita, “Hindi ako ang ayaw kang palabasin, si Mr. Macabuhay ang ayaw. Wala akong magagawa. Siya na ang nagsalita eh.”“Oh…” Napaupo si Celestine sa kama na parang nawalan ng pag-asa, nakasimangot na tumingin kay Georgia. “Gusto ko nang bumalik sa trabaho. Mahal na mahal ko ang trabaho ko. Miss Georgia, naiintindihan mo naman ako, hindi ba?”Napatawa si Georgia sa narinig.Araw-araw silang magkasama sa operating room, busy mula umaga hanggang gabi, at madalas pa niya itong pinapagalitan. Mahal niya ang trabahong ‘yon? Iyon ba talaga ang dahilan kung bakit gusto niyang bumalik sa trabaho?“Sige, kakausapin ko si Mr.