Agad na inalis ni Celestine ang kanyang kamay.Alam niyang hindi basta-basta magpapakabait si Benjamin sa kanya. Lahat ay may dahilan. Ang nasa isip niya, baka may kailangan si Benjamin sa kanya kaya mabait ito.Pinatay ni Benjamin ang Bluetooth ng kanyang cellphone, kinuha ang kanyang cellphone at nilagay niya ito sa kanyang tenga.“Sige, makikipagkita ako sa iyo, pupuntahan kita mamaya.”Medyo malungkot ang atmosphere sa loob ng kotse dahil sa pangyayari. Kahit na pinatay niya ang Bluetooth, narinig pa rin ni Celestine ang malabong boses ni Diana sa kabilang linya.“Sige, maliligo na ako at hihintayin kita.”Lumiko si Celestine ng tingin palabas sa bintana, habang ang kanyang puso ay tila nawasak at hindi niya maipaliwanag ang pakiramdam.Binitawan ni Benjamin ang kanyang cellphone.“Sabihin mo na lang kung ano ang gusto mong sabihin. Huwag ka nang paliguy-liguy, nakakainis na,” seryosong sabi ni Celestine.Tumingin si Benjamin sa likod ni Celestine, ngunit biglang nawala ang mga sa
Nang makita ni Celestine ang reaksiyon nito, alam niyang hindi niya ito naaalala."Lahat ng mga regalong binigay mo sa akin ay nasa drawer ng study room," ani Benjamin."Hmm. Wala akong hinihingi na kahit na anong involved sa divorce natin, ang singsing lang na iyon. Babalik ako sa mansion kapag nagkaroon ako ng oras, kukunin ko ang mga gamit ko at aalis na rin pagkatapos."Pagkatapos niyang magsalita, agad na siyang nagbabalak na bumaba sa sasakyan.Di sinasadyang hinawakan ni Benjamin ang kanyang kamay at nakita siyang maayos na nagsasalita tungkol sa iba’t ibang bagay.Unti-unting sumiklab ang isang hindi maipaliwanag na galit sa kanyang puso, "Nagmamadali ka ba sa divorce natin?"
Wala nang magawa si Jolo kundi magsalita sa likuran ni Celestine. “Kapatid, alam mo ba? Ang pinakamabisang paraan para makalimutan mo ang sakit ay magpaka-busy ka.”“Huwag mong isipin na pinipilit ka lang ni Daddy na i-run ang business ng family. Sa totoo lang, tinutulungan ka ni Daddy na malimutan ang sakit na dinulot sa’yo noong Benjamin na iyon!”“Kung ganoon, may dinner party si Daddy bukas ng gabi; dapat sumama ka kay Daddy ha?” dagdag pa ni Jolo.Pumunta na lang si Celestine sa kanyang kwarto, namumula ang mukha sa galit.Bagaman mabuti na maging busy para malimutan ang mga nasa isip niya ay sobrang siksik naman ng kanyang iskedyul. Paano na? May hustisya pa kaya sa mundong ito?Pumunta si Celestine sa kama at agad na kinuha ang kanyang cellphone nang makatanggap siya ng text message mula kay Vernard.“Boss, nakuha mo na ba ang singsing? Hindi na ako makapaghintay na patayin silang lahat kasama ka!”Ang singsing.
"Sorry," Palabas na sana si Celestine ng study room nang biglang hinawakan ni Diana ang braso ni Celestine.Huminto si Celestine at tiningnan siya, naghihintay sa sasabihin ni Diana sa kanya."Celestine, pinapayuhan kitang maging matino at makipag-divorce na kay Benj sa lalong madaling panahon." Itinaas niya ang kanyang baba at may pagbabanta sa kanyang tinig.Bahagyang ngumiti si Celestine, inalis ang kamay ni Diana sa kanyang braso, at sinabi ng may pangungutya, "Sa huli, magiging iyo rin naman ang posisyon bilang Mrs. Peters, hindi ba? Bakit ka nagmamadali?"Nagpanting ang tenga ni Diana sa galit, "Celestine, tigilan mo ang pagsasalita ng walang kwenta! Tatlong taon mong inangkin ang posisyong dapat ay sa akin, hindi ka ba nahihiya?"Tumingin si Celestine sa kanya nang malamig, "Ang sarili mong kahinaan ang dahilan kung bakit hindi ka kinilala ng pamilya Peters. Paano ko naging kasalanan ang pag-angkin ko sa pagiging Mrs. Pet
Nakita mismo ni Celestine kung paano hinawakan ni Benjamin ang pulso ni Diana at siya ang pinili, hindi siya.Ang pakiramdam ng pagbagsak at kawalan ng bigat ay naging napakalinaw, at agad na napuno ng kawalan ng pag-asa ang kanyang puso.Hindi kailanman siya pinili ni Benjamin, kahit minsan, kahit nga yata na pareho silang malugmok sa kumunoy ay hindi pa rin siya nito pipiliin.“Celestine!” tawag ni Diana na may kunwaring pag-aalala.Huminto si Celestine sa sulok ng hagdan, at ang sakit sa kanyang katawan at puso ay halos hindi niya kayanin.Dahan-dahan niyang itinaas ang kanyang ulo at nakita sina Benjamin at Diana na nakatingin pababa sa kanya.Ang kahihiyan, kawalan ng pag-asa, at sakit ay hindi sapat upang ilarawan ang kanyang nararamdaman sa sandaling iyon.Hindi naman kataasan ang hagdan, hindi siya mamamatay sa pagbagsak. Pero pinatay nito ang lahat ng lakas niya.Matalim ang tingin ni Benjamin kay Celes
"Mag-sorry? Bakit ako magso-sorry sa babaeng iyan?" Tinitigan ni Celestine si Benjamin.Nagtagpo ang kanilang mga mata—ang dating puno ng pagmamahal na tingin ni Celestine ay ngayon puno na ng poot at kawalan ng pag-asa.Dahan-dahang ngumiti si Celestine, parang isang sirang puting rosas—punung-puno ng sugat, ngunit patuloy pa ring umiindayog nang may kagandahan.Mahinahon niyang binigkas ang mga salita, "Maliban na lang kung mamatay ako."Itinulak niya si Benjamin palayo, hinawakan ang railing ng hagdan, at matigas ang loob na bumaba."Celestine, talagang wala kang modo!" sigaw ni Benjamin, nakakunot ang noo.Bumwelta si Celestine, "Ikaw ang walang modo, tanga!"Sa isip-isip niya, dahil mahal na mahal niya ang malanding iyon, sana magsama silang dalawa habambuhay!Sa tindi ng galit ni Benjamin, pinunit niya ang isang painting sa dingding at marahas na hinila ang kanyang kurbata.Talagang marunong na ng
Sa kumpanya ng ‘D Belinda.Pagdating pa lang ni Benjamin sa opisina, agad siyang sinalubong ni Veronica."Mr.Peters, hindi maganda ang pakiramdam ni Miss Valdez kaya dinala na siya sa ospital."“Okay, thank you for your kindness, Veronica. Maaasahan talaga kita sa mga ganitong bagay at sitwasyon,” nakangiti si Benjamin habang sinasabi iyon."Welcome po, Mr. Peters. Ang surveillance video rin po pala ng mansion na hiniling ninyo ay ipinadala na po sa inyong email, Mr. Peters,” sagot naman ni Veronica pagkatapos ay ngumiti.Tumango si Benjamin, hinila niya ang isang upuan at mabilis na binuksan ang kanyang laptop.Nang makita niya ang file ng video, hindi niya alam kung bakit, pero biglang tumigil ang kanyang kamay.Sa kanyang isipan, muling umalingawngaw ang nanginginig na tinig ni Celestine."Benjamin, ilang beses na. Hindi mo man lang inimbestigahan at agad mo akong hinatulan. Natatakot ka bang baka hindi kasin
Ngumiti si Benjamin, "Bakit ka nagpapakahirap sa sarili mo?”"Ano? Hindi kita maintindihan,” Nanginig ang pakiramdam ni Diana, at kitang-kita sa mukha niya ang takot."Diana, sinabi ko naman na pakakasalan kita, di ba? Bakit mo pa ginagawa ito?" Nakasimangot si Benjamin at dumiretso sa gusto niyang puntuhin.Halos huminto na sa paghinga si Diana. Puno siya ng takot dahil hindi niya maintindihan kung ano ang sinasabi ni Benjamin sa kanya."Benj,hindi ko maintindihan ang sinasabi mo," yumuko si Diana pagkatapos sabihin iyon.Tatlong segundo siyang nanahimik, pagkatapos ay kinuha niya ang kanyang cellphone at binuksan ang isang video.Sa screen, makikita si Diana na hinawakan ang braso ni Celestine, pagkatapos ay sinampal ang sarili. Pagkatapos noon, bumagsak siya sa hagdan at itinulak si Celestine!Bago pa niya muling mapanood ito, agad nang binawi ni Benjamin ang kanyang cellphone.
"Shiela." Mahinang tinawag ni Celestine si Shiela, ang kanyang boses ay puno ng paghikbi.Marahang hinaplos ni Shiela ang buhok sa tabi ng kanyang tenga at tumango, "Celestine, nandito lang ako para sa iyo. Kung ano man ang dahilan ng pag-iyak mo, sige iiyak mo lang."Hinawakan ni Celestine ang kanyang dibdib, namumula ang kanyang mga mata, at nakaramdam ng hindi maipaliwanag na sakit sa kanyang puso."Maghihiwalay na kami at napagdesisyunan na naming bumitaw sa isa't isa, pero bakit parang ang sakit pa rin? Hindi ba pwedeng madali na lang ang proseso nito?" Bahagyang kunot-noo si Celestine habang hinihintay ang sagot ni Shiela.Nang makita sa isip niyang yakap-yakap ni Diana si Benjamin at naglalambing ito sa kanya, naramdaman niya ang tila alon ng sakit na bumalot sa kanyang katawan. Maiintindihan pa rin kaya siya ni Shiela kung iyon ang iniiyak niya?"Celestine, kailangan mo lang ng oras para tanggapin ang lahat. Na hindi na talaga kayo para sa isa’t isa. Hindi madali ang proseso p
Naroon at biglang lumingon ang lalaki at nakita siya.Nagningning ang kanilang mga mata.Malinaw na nakita ni Celestine na tumatakbo papalapit sa kanya ang lalaki."Celestine, what a coincidence. Nakita kita rito. Mag isa ka lang ba?" tanong ni Sean sa masiglang tono habang lumilinga-linga.Pinagdikit ni Chu Mian ang kanyang mga labi, bahagyang walang magawa. Kahit na saan siya magpunta o kahit sumasayaw lang siya, nakakatagpo pa rin siya ng kakilala na ayaw naman niyang makita. Talagang maliit lang ang Nueva Ecija."Kasama ko si Shiela." Itinuro ni Celestine ang babae sa isang booth sa gilid.Tumingin si Sean sa booth at nakita si Shiela na nakayuko habang nakatutok sa kanyang cellphone, mukhang payat pero maganda. Kahit marami pang tao sa bar, sapat na siya para maakit ang pansin ng iba sa isang tingin.Ang ugali ni Shiela ay talagang kakaiba, isang bagay na hindi madaling gayahin ng iba. Kaya niya nga naging kaibigan si Celestine.Itinaas ni Sean ang kanyang kilay at bahagyang nags
Unti-unting lumayo ang itim na Ferrari.Si Celestine ay nakaupo sa passenger’s seat at nakatingin lang sa harapan, hindi maipaliwanag ang lungkot na nadarama.Nagawa talagang baguhin ni Diana ang sitwasyon, kanina ay siya ang talunan pero sa huli ay naging mabuti pa rin si Benjamin sa kanya.Sa isip-isip niya, baka ito na ang panahon kung kailan ipapakilala na ng tuluyan ni Diana si Benjamin sa kanyang pamilya. Siguro ay doon na rin talaga papunta ang relasyon nila.Hindi niya mapigilang maalala ang panahon kung kailan bagong kasal pa lang sila ni Benjamin.Gusto rin niyang dalhin si Benjamin sa kanilang bahay, gusto niyang sabihin sa kanyang ama na tama ang naging desisyon niya, at gusto niyang mapanatag ang loob nito.Pero ipinagpaliban niya ito nang paulit-ulit, hanggang sa ngayon, ang bilang ng beses na nakita ng kanyang ama si Benjamin ay mabibilang lang sa daliri.O pag-ibig nga naman, kung minsan ay hindi malinaw ang mga sagot nang bagay-bagay.Kinuha ni Celestine ang kanyang c
Tatlong beses nang tumawag si Diana kay Benjamin pero hindi niya ito sinagot dahil sa sobrang busy.Ilang minuto pa ay biglang nag-ring ang cellphone ni Veronica. Iyon pala, si Diana ang tumatawag sa kanya.Agad naman niya iyong sinagot at nilagay ang cellphone sa bandang tainga.“Hello, Veronica. Where is Benjamin? Kailangan ko siyang makausap!” sigaw ni Diana sa kabilang linya.Tinakpan ni Veronica ang kanyang tainga dahil sa sigaw na narinig niya.“Miss Diana, sobrang busy po ni Mr. Peters ngayon. Baka po hindi niya na kayo makausap. Pasensya -” hindi natapos ni Veronica ang kanyang sasabihin dahil sumagot agad si Diana sa kanya.“No! I want to talk to Benj! Give it to him!” sigaw ni Diana ulit.“Miss Diana, hindi nga po pwede-” natigilan na naman si Veronica sa kanyang pagsasalita dahil napansin ni Benjamin ang pagbulong ng kanyang secretary sa cellphone nito.“Veronica, sino iyan? Bakit bumubulong ka?” tanong ni Benjamin, labis ang kanyang pagtataka.“Mr. Peters, si Miss Diana po
Agad na lumayo si Celestine sa lahat para tawagan si Shiela. Aalamin niya kung bakit nagawa iyon ng kanyang kaibigan at kung may iba pa ba itong plano kay Diana.Sinagot naman ni Shiela ang tawag “Yes? Nakita mo na ba ang kinalat kong picture? Sige, sabihin mo sa akin kung ano ang reaksyon ng babaeng iyon sa ginawa ko. I want to hear it!”Napailing na lang si Celestine sa narinig. Yes, she is thankful sa pagtulong ng kaibigan niya sa kanya pero may guilt pa rin siyang nararamdaman.“Satisfied naman ako sa pagkabalisa niya, pero kailangan ba talagang umabot sa ganito, Shiela? Na gagamit tayo ng iba para lang makaganti sa kanya? Hindi ba masyadong komplikado ‘yon?”“Hey, ikaw ba talaga ang kaibigan kong si Celestine o nasapian ka na ng masamang espiritu? Alam mo, bagay lang sa kanya iyon. Kulang pa nga eh. Iisip pa ko ng igaganti natin sa kanya!”“Ikaw ang bahala. Ang akin lang naman, ayaw kong madamay ka pa rito. Kaya ko naman si Diana kahit ako lang ang umaway sa kanya,” may pag-aalal
Nakita ni Celestine ang picture na kinunan ni Shiela sa restaurant. It was posted online at viral na ito.Iyon pala ang sinasabi ni Shiela sa kanya na purpose kaya niya pinapunta si Gilbert sa ospital.“Thank you, Danica. Ito na phone mo,” iyon na lang ang nasabi ni Celestine dahil sa gulat.Habang naglalakad ay naririnig niya ang bawat komento ng mga ilang doktor at nurses na naroon. Pati nga ang mga pasyente ay may komento na rin.“Akala ko ba ay si Mr. Benjamin Peters ang gusto niya? Bakit iba naman ang kasama niya rito sa picture?”“Oo nga eh, sweet na sweet pa sila. Alam na kaya ‘to ni Mr. Peters?” “Siguro. Kalat na kalat na eh. ‘Yong niloko, niloko na rin. Hay, ano ba namang pag-ibig ‘yan. Kung minsan ay nakakaloka eh.”Samantala, sa kwarto kung nasaan si Diana ay nagkatinginan ang nurse at si Gilbert pagkatapos nilang makita ang viral photo sa social media.Agad na
Kinaumagahan, expected na ni Celestine na naroon si Benjamin sa ospital at binabantayan si Diana dahil sa allergy na nakuha niya.Pero laking gulat niya at pagtataka nang marinig niya ang kwentuhan ng mga nurse sa kanilang station.“Oo, akala ko talaga naroon si Mr. Peters sa kwarto ni Diana. Pero, wala! ‘Di ba, noong naospital din ito ay naroon siya? Pero ngayon, wala eh.”“Bakit kaya? Naku, feeling ko ay may tampuhan sila. Ganun ‘yan, ‘di ba? Hindi mo lang naman sisiputin ang karelasyon mo kapag may tampuhan kayo,” sagot ni Danica.“Ang sabihin mo, si Ms. Yllana naman ang kasama ni Mr. Peters kagabi kaya hindi niya naalagaan si Ms. Valdez. Kasi naman si Mr. Peters, dalawa ang karelasyon. Hindi pumili ng isa lang!”Agad na pinatahimik ni Danica ang isa sa mga nurses dahil nangangamba siyang baka marinig sila ni Celestine pero ang hindi nila alam ay huli na sila. Narinig na ni Celestine ang tsismisa
Ilang minuto pa pagkatapos kumagat ni Diana sa sandwich ay bigla na lang siyang hindi makahinga. Tuens out, she’s allergic to it kaya pala tawa nang tawa si Shiela nang makita iyon. Nagulat si Celestine at muntik pa niya itong tulungan, pinigilan lang siya ni Shiela kaya natigil iyon. “Hey, alam mo ba ang tungkol dito? I mean, that she's allergic to peanuts?” tanong ni Celestine ng may pag-aalala kay Diana. “Yeah, alam ko. At noong may pagkakataon ako para makaganti, iyan ang naisip ko. I'm so brilliant, right?” natatawa pa ring sagot ni Shiela. Agad na lumapit ang staff ng restaurant para tumulong. May iba naman na gusto lang makiusyoso sa nangyayari. Nakita pa nilang tumayo ang kaibigan ni Diana na si Janette para lapitan ang lalaking nagbigay sa kanya ng sandwich at drink. Inaway pa iyon ni Janette. “Are you crazy? Hindi ka man lang nag-research about Diana befo
Kinabukasan..Pauwi na si Celestine sa bahay nila nang biglang tumawag sa kanya si Shiela. Pagkasagot na pagkasagot pa lang ng tawag ay ramdam na agad ni Celestine ang inis na nararamdaman ng kanyang kaibigan.“Girl, nasaan ka? Nasa Macabuhay Medical Hospital ka pa ba? Susunduin kita. May nakita akong hindi dapat makita rito sa restaurant na kinakainan ko ngayon.”Agad na kumunot ang noo ni Celestine dahil sa sinabi ni Shiela.“Sino? ‘Yong kalaban mo sa isang role na gusto mong mapasa iyo kamakailan?” tanong ni Celestine, clueless pa rin kung sino ang tinutukoy ni Shiela.“Hindi! Pero sa nararamdaman ko ngayon, parang gusto ko siyang sabunutan katulad nang pagsabunot ko sa isa sa mga kontrabida sa isang TV show ko!”Hindi pinansin ni Celestine ang sinabi ni Shiela, “Kung sino man iyan, kaya mo na siyang harapin mag-isa. Sige na, ibababa ko na ang tawag dahil uuwi na ako.”Agad na pinigilan ni Shiela si Celestine.“Oh, no. Hindi pwede! Ipapasundo kita sa driver ko. Kailangan ay gumanti