Ngumiti si Benjamin, "Bakit ka nagpapakahirap sa sarili mo?”
"Ano? Hindi kita maintindihan,” Nanginig ang pakiramdam ni Diana, at kitang-kita sa mukha niya ang takot."Diana, sinabi ko naman na pakakasalan kita, di ba? Bakit mo pa ginagawa ito?" Nakasimangot si Benjamin at dumiretso sa gusto niyang puntuhin.Halos huminto na sa paghinga si Diana. Puno siya ng takot dahil hindi niya maintindihan kung ano ang sinasabi ni Benjamin sa kanya."Benj,hindi ko maintindihan ang sinasabi mo," yumuko si Diana pagkatapos sabihin iyon.Tatlong segundo siyang nanahimik, pagkatapos ay kinuha niya ang kanyang cellphone at binuksan ang isang video.Sa screen, makikita si Diana na hinawakan ang braso ni Celestine, pagkatapos ay sinampal ang sarili. Pagkatapos noon, bumagsak siya sa hagdan at itinulak si Celestine!Bago pa niya muling mapanood ito, agad nang binawi ni Benjamin ang kanyang cellphone.<Isang gabi, sa Columbus Garden.Isang sinaunang restaurant ito, tahimik at elegante ang nasabing place.Huli nang dumating si Celestine, may hawak na nakatiklop na pamaypay, suot ang berdeng damit na may mga butones. Binuksan niya ang pinto ng restaurant at agad na tumayo ang mga taong nagkakape at nag-uusap sa loob.Tumama ang ilaw sa kanyang katawan, at ang kanyang balat ay napakaputi at kaakit-akit. Mataas ang hiwa ng kanyang damit, kaya't kitang-kita ang mahahaba at tuwid niyang mga binti.Ang kanyang buhok ay nakatali gamit ang isang hairpin, at natakpan ng kanyang bangs ang sugat sa kanyang noo.Lahat ay natulala sa kagandahan niya."Aba, hindi ba ito si Miss Yllana?" unang nagsalita ang isang lalaking nasa edad trenta na.Si Ian Villaflores ay matalik na kaibigan ni Jolo. Siya ang nag-organize sa private dinner noong gabing iyon, lahat ng dumalo ay mga kilalang magaling at betera
Lahat ay tumingin sa mga taong papasok ng restaurant, at sinabi ni Ian, "Alam niyo, kapag pahulihin talaga ay dapat parusahan ang mga iyan!”Tumingin si Celestine sa labas ng pinto at biglang narinig ang isang pamilyar na boses, "Pasensya na po sa lahat, nahuli ako."Ang boses na ito ay galing kay.."Ah, Benjamin? Akala ko ang tatay mo ang darating,” sabi ni Ian."Sean, hindi rin ba darating ang tatay mo?"Mula sa likod ng screen ay narinig ang boses ni Marc.Biglang sumikip ang dibdib ni Celestine. Hindi niya alam kung bakit pumunta pa siya sa private dinner na ito.Sa likod ng screen, nakita ni Celestine ang dalawang taong dahan-dahang lumalapit.Si Benjamin at si Sean.Naka-itim na suit si Benjamin at agad niyang nakita si Celestine na nakaupo sa gitna ng karamihan.Ang ganda ng suot ni Celestine at masyado siyang kapansin-pansin sa gitna ng napakaraming mga tao.Kumunot ang noo ni
Mabangis na ngumiti ang lalaki at hinila si Celestine sa kanyang mga bisig, "Isang daang milyon? Sige ba! Isang bukas lang ng bibig ko ay kayang-kaya ko na ibigay sa iyo ‘yon!”Pinikit ni Celestine ang kanyang mga mata. Oh? Ang yabang naman pala ng lalaking ito?"Pasensya na po, Sir, taga saan kayo? Bakit ngayon ko lang kayo nakita?" Ngumiti si Celestine at matapang na tinitigan ang lalaking nasa harapan niya.Mataas ang tingin ng lalaki sa sarili, "Ako ang presidente ng Fairy House Inc. Bakit? Ako si Brian Cay.”Biglang natawa si Celestine sa kanyang narinig.Brian Cay?Hindi ba ito ang bobo at tiwaling tagapagmana ng pamilya Cay? Pinakasikat dahil siya ay naloko ng walong milyong piso ng isang lalaking nagkunwaring babae sa internet!Isang malaking hangal at ang maipagmamalaki niya lang ay ang fact na marami siyang pera!"Ano'ng tinatawanan mo? Minamaliit mo ba ako, ha?" Galit na tinitigan ni Brian si Celesti
‘Diyos ko! Nasa panganib ako!’ iyon na lang ang nasabi ni Brian sa kanyang isip.Lumingon si Benjamin, bumagsak ang kanyang mga mata kay Celestine, at malamig ang kanyang boses nang siya ay nagsalita, "May problema ba? May ginawa ba siya sa’yong masama?"Tumingala si Celestine, umiling, at bahagyang magulo ang kanyang paghinga dahil sa pakikipaglaban niya kay Brian kanina.Muling tiningnan ni Benjamin si Brian, ang kanyang mga mata ay malamig na parang handa siyang pumatay. "Ang lakas naman yata ng loob mong hawakan ang asawa ko?”Inaayos ni Celestine ang kanyang damit, ngunit nanigas siya nang marinig ang sinabi ni Benjamin.‘Ang lakas naman yata ng loob mong hawakan ang asawa ko?’Paulit-ulit iyong nag-play sa utak niya, tila ayaw rumehistro dahil ngayon lang niya iyon narinig kay Benjamin.Isang pangungusap na dati niyang sinasabi lamang kapag pinoprotektahan niya si Diana. Ngayon, narinig niya ito mula sa kanya at para sa kanya na iyon at hindi para kay Diana. Parang isang panagi
Napamulagat si Celestine saglit, bahagyang nagulat na talagang tiningnan ni Benjamin ang CCTV footage.Pero para sa kanya ngayon, hindi na iyon mahalaga.Idinikit ni Celestine ang band-aid sa sugat, isinara ang kahon ng gamot at sinabi, "Tapos na. Siguro naman ay magiging okay ka na niyan."Kumunot ang noo ni Benjamin habang tinitingnan ang kalmadong mukha ni Celestine. Hindi niya nagustuhan ang reaksyon niya."Celestine, narinig mo ba ang sinabi ko? Sabi ko, pinanood ko na ang CCTV footage," binigyang-diin niya ulit.Tumingala si Celestine sa kanya at ngumiti, "Oo. Narinig ko. Hindi naman ako bingi para hindi marinig."Kumunot lalo ang noo ni Benjamin ng mga oras na iyon, narinig lang niya? Hindi ba niya kailangan ng sorry o kahit ano pa?Nakita ni Celestine ang pagkalito at pagkahiya ni Benjamin kaya tumayo siya at ibinalik ang kahon ng gamot sa kinalalagyan nito pagkatapos ay mahina
"Mas iniintindi mo pa ba ang opinyon ni Diana?" mahinang tanong ni Benjamin. "Naawa lang ako kay Diana," Tumawa nang sarkastiko si Celestine. "Walang kaalam-alam siyang naghihintay na pakasalan mo siya, pero ikaw naman ay abala sa akin na dati mong asawa." Lumalim ang tingin ni Benjamin at binitiwan si Celestine. Nang marinig ang sagot niya, nakaramdam siya ng sama ng loob. Hindi ba dapat siya ang iniintindi? "Benjamin, bitawan mo na ako kung hindi mo ako mahal. Tigilan mo na ang mga ginagawa mong nakakalito ng damdamin kasi nakakadiri na." Sabi ni Celestine bago siya lumabas. Nanatiling nakatayo si Benjamin doon, tila tulala. Madilim ang kanyang mga mata, at umalingawngaw sa kanyang isipan ang mga salitang binitiwan ni Celestine ngayon lang. Hindi niya akalain na ang mga salitang sinabi niya noon kay Celestine ay babalik sa kanya nang buo. Ang taong
Lumabas si Benjamin mula sa restaurant. Sa kabilang linya, sinabi ni Veronica, "Mr. Peters, may isang bagay akong gustong sabihin sa inyo...""Ano iyon? Sige, sabihin mo sa akin.""Kaninang lang, tinanong ako ni Miss Valdez tungkol sa iskedyul mo at sinabi ko pong nasa Columbus Garden ka. Maaaring siya po ay..." Bago pa matapos ni Veronica ang kanyang sinasabi, nakita na ni Benjamin si Diana na naghihintay sa kanya sa pintuan ng restaurant.Ibinaba ni Benjamin ang kanyang cellphone. Habang tinitingnan niya ang payat na pangangatawan ni Diana, hindi niya maiwasang maisip kung paano nagawa ng isang maliit at payat na pangangatawan niya ang harapin ang mga kidnapper noon?Naalala ni Benjamin ang mga sinabi ni Sean kanina lang.‘Isa lang ang maaari mong piliin sa pagitan nina Diana at Celestine.’Alam niya sa sarili na kailangan niyang piliin si Diana.Mabuti si Diana at hindi niya maa
Natakot siyang baka peke lang ang lahat ng ito, kaya hindi niya maiwasang kumpirmahin kay Benjamin ang narinig niya kanina."Benjamin, totoong magdi-divorce na kayo ni Celestine bukas ng umaga?""Oo,” simple pero deretso niyang tugon kay Diana.Mahigpit na hinawakan ni Diana ang seatbelt at mahina niyang sinabi, "Ah, sigurado ako na makakagaan na ito sa inyong dalawa."Madilim ang tingin ni Benjamin. Makakagaan ba talaga ito sa kanya?Kung tatanungin niya ang sarili, naging pabigat ba sa kanya ang tatlong taong kasal nila? O kay Celestine lang ang lahat ng bigat ng iyon?Wala. Winaglit na lang niya iyon sa kanyang isipan.Dahil kung may makakaramdam ng ginhawa, si Celestine iyon. Alam niyang matagal na nitong gusto na maghiwalay sila. Kaya nga, pinirmahan na nito ang divorce papers nila."Kung maghihiwalay na kayo ni Celestine ay kailangan kong mas pagbutihin pa para magustuhan ako nina
Sa Cardiac Surgery Department..Pagkabukas na pagkabukas ni Celestine ng pintuan ng kanyang opisina, agad niyang narinig si Dr. Feliciano na nagrereklamo, "Nakakahiya talaga ang pamilya Valdez ngayon. Maaga pa lang sinabi na nila sa media na magpapadala sila ng snow lotus grass, pero peke naman pala ang pinadala! Ginawa nilang tanga si Mrs. Belen Peters!"Tumango ang isa pang doktor, "Oo nga, parang sila pa mismo ang bumaril sa sarili nila. Sila ang tanga.""Uy, Dr. Yllana!" Kumaway si Dr. Feliciano kay Celestine, "Ayos ka na ba? Nakalabas ka na pala ng ospital.”Tumango si Celestine at hindi na nagsalita pa.Sumunod si Dr. Feliciano at nagtanong habang nanlalaki ang mga mata, "Dr. Yllana, paano mo nga pala nakuha ang snow lotus grass?"Binuksan ni Celestine ang kanyang bibig, pero paano niya sasagutin ang tanong na iyon?Sasabihin ba niyang isa siyang boss ng base na kahit anong gusto niya ay nakukuha niya? Hindi naman pwede siguro iyon?Habang nag-iisip pa si Celestine ng isasagot,
Palabas na sana siya ng kanyang cellphone, pero napansin niyang nagbabasa rin si Celestine ng balita sa kanyang cellphone.Agad niyang inagaw ang cellphone ni Celestine at itinuro ang nilalaman nito, "Hindi ba't ikaw ang may gawa nito? Aminin mo na kasi!”"Celestine, napaka-despicable mo! Gaano katagal na ba mula nang nangyari ang insidente sa snow lotus grass? Bakit mo ito muling binuhay? Dahil ba gusto ka nang hiwalayan ni Benjamin kaya gusto mong gumanti sa pamilya Valdez? Ganoon ba?”Tiningnan ni Celestine si Diana at naunawaan kung bakit ganoon na lang ang galit niya ngayon.Lumabas na siya pala ang pinaghihinalaan ni Diana na nagpakalat ng issue tungkol sa snow lotus grass.Tumayo si Celestine noong mga oras na iyon at akmang itutulak na naman siya ni Diana pagkatayo niya.Inalis ni Celestine ang kamay ni Diana, kaya napaatras ito ng dalawang hakbang.Nakapagkunot-noo si Diana habang tinititigan si Celestine.Maayos na inayos ni Celestine ang kanyang damit, isinuklay ang buhok,
“Para ba sa iyo ay nakakadiri akong babae?!” galit na sambit ni Celestine habang nakangiwi ang mga ngipin. Kung ang nakaraang segundo ay puno pa ng lambing, sa susunod na segundo’y pawang kalupitan na lamang ang natira para sa kanya. Hinawakan ni Benjamin ang kanyang damit, ngumisi siya, nakakadiri? Kailan niya sinabi iyon? Ang ganitong klase ng pakikitungo ay bagay na bagay sa kanyang mayabang at dominanteng ugali! “Puntahan mo na si Diana, pakasalan mo siya. Sana’y maging masaya kayo! Wala nang pipigil sa inyo!” Kinuha ni Celestine ang mansanas sa tabi ng kama at inihagis ito kay Benjamin, “Lumayas ka! Hindi kita kailangan dito!” Pakiramdam niya ay malas kung manatili pa ito ng isang segundo sa loob ng kwarto niya! Nandoon nga si Diana, pero nandoon din naman siya, hindi ba? Buhay na buhay! Sinabi pa ni Benjamin na iba siya kay Diana. Oo nga naman, magkaibang-magkaiba sila. Si Celestine ay mas marangal at mas mataas kaysa kay Diana nang maraming ulit! Nawalan ng pasensya si
Mahigpit na hawak ni Celestine ang kanyang cellphone, kinukumpirma ang hinala sa kanyang isipan.Nag-panic si Benjamin dahil hindi niya agad nakita si Celestine sa kwarto nito.Nagkakagusto na ba siya kay Celestine kaya ganoon ang reaksyon ni Benjamin?"Makakalabas ka na ba bukas sa ospital?" tanong niya bigla.Pinatay ni Celestine ang kanyang cellphone, at nang siya’y tumingin pataas, hawak ni Benjamin ang hair dryer at pinatutuyo ang kanyang buhok.Tumango si Celestine, "Oo. Bukas na nga.""Hindi ka na kailangang sunduin pa ni Eduard sa ospital, ako na ang maghahatid sa’yo pauwi. Basta, hintayin mo ako rito bukas." Habang sinasabi niya iyon, patuloy siyang nagpapatuyo ng buhok.Isinuksok ni Celestine ang sarili sa kumot at nag-mutter siya, "Huwag mo na akong alalahanin, Benjamin. Kaya ko naman na ang sarili ko.”"Ha?” Napangisi siya, kinamot ang buhok gamit ang dulo ng daliri, at isinara ang hair dryer.Itinapon niya ito sa cabinet, tapos tumingin kay Celestine, "Kung ayaw mong maka
Hanggang sa tumigil na ang mga yabag.Nang mapatingin si Celestine nang hindi sinasadya, nakita niya ang isang pamilyar na lalaki.Dahan-dahang ibinaba ni Celestine ang mga hawak niya at tumayo, saka tinitigan ang lalaki mula ulo hanggang paa.“Benj.. Benjamin? Anong nangyari sa’yo?" medyo tulala si Celestine noong mga oras na iyon.Napatingin si Danica sa kanila. Kitang-kita ang gulat sa kanyang itsura. Basa ng ulan ang buhok ni Benjamin. Nakakunot ang noo at nakatitig kay Celestine, halatang puno ng kaba at pag-aalala.Nasa likod ni Benjamin sina Veronica at dalawang guards mula sa ospital."Bakit hindi mo sinasagot ang cellphone mo? Kanina pa ko tawag nang tawag." Galit at puno ng paninisi ang tono ni Benjamin pagbungad pa lang ng mga salita niya.Kinapa ni Celestine ang bulsa niya. Cellphone niya?Ah, nakalimutan niyang kunin ito noong nagpalit siya ng damit. Naiwan ni
Tahimik si Benjamin ng ilang ulit.Naging seryoso ang mukha ni Celestine, parang galit na galit ang kanyang mukha.Napakatahimik sa kwartong iyon, at kitang-kita ang mainit na paghinga ng dalawa. Nakita ni Celestine na bumibilis ang paghinga ni Benjamin, at sa huli ay nawalan ito ng kontrol at itinulak siya palayo.“Wag kang umasa na mangyayari iyon sa atin.” Hinding-hindi niya mamahalin si Celestine. Hindi niya makita ang sarili na mamahalin niya ito.Ang malamig at walang emosyon na sagot ay nagpadapa ng damdamin Celestine.“Hindi talaga ako aasa,” mahinang sagot ni Celestine sa sagot ni Benjamin.Ilang ulit na rin niya itong sinabi sa sarili kaya sanay na siya. Hindi na nagulat pa sa sinabi ni Benjamin.Tumindig si Benjamin, inayos ang kanyang kwelyo, at kita sa leeg niya ang gumagalaw na lalamunan. Hindi na niya kayang tingnan pa si Celestine, kaya tumingin na lamang siya sa bintana.Matagal na nakatitig si Celestine sa likod niya, bago siya tumawa. “Nagbibiro lang naman ako, para
Pagkatapos magsalita ni Eduard, sinulyapan niya si Benjamin na para bang ibang layunin.Nakita niyang nakatitig sa kanya si Benjamin nang walang emosyon. Kung nakakamatay ang tingin, pakiramdam ni Eduard ay patay na siya sa mga sandaling iyon. Ngumiti si Eduard sa gilid ng kanyang labi at umalis na nang tuluyan.Nang maisara ang pinto ng kwarto, dahan-dahang pinisil ni Benjamin ang kanyang mga kamao. Nagpipigil siya, nagliliyab ang kanyang mga mata."Hindi ka ba aalis dito? Umalis na si Eduard, umalis ka na rin," sabi ni Celestine na umalingawngaw sa kanyang tainga.Mabilis na tumingin si Benjamin kay Celestine at hindi napigilang matawa."Celestine, dinalhan kita ng dinner, at hindi pa nga ako naka-upo ng limang minuto, pinalalayas mo na ako? Do you have manners?”Samantalang si Eduard pa nga ang parang ayaw niyang paalisin kanina! Uminit na naman tuloy ang ulo ni Benjamin noong mga oras na iyon.Napakabilis talagang magpalit ng isip ng babaeng ito! Papalitan na lang siya nang ganoo
She will strive to live for her life. Iyon ang natutunan ni Carene kay Celestine. Gabi na noon. Nakahiga si Celestine sa kama at naglalaro ng games sa kanyang cellphone nang may kumatok sa pinto ng kanyang kwarto. Lumingon si Celestine at natigilan nang makita kung sino ang dumating, saka tumayo, “Eduard, ikaw pala iyan.” Naka-itim na suit si Eduard at may suot na gold-rimmed na salamin. Mayroon siyang kakaibang karisma at elegante rin ang kanyang dating. Lumapit siya bitbit ang isang bouquet ng lilies at may basket of fruits sa isang kamay, at pabirong nagsabi, “Dumating ako para bisitahin ang isang bayani.” Napasimangot si Celestine, “Anong bayani? Sa huli, may ibang humarang para sa akin. Kung may bayani rito, siya iyon at hindi ako.” “Bakit parang nadismaya kang hindi ikaw mismo ang nasaksak? Iba ang tono mo ah,” Ibinaba niya ang basket of fruits at iniabot ang mga bulaklak kay Celestine, “Lilies para sa iyo, sariwang-sariwa, kasing fresh ng mga ngiti mo.” Tiningnan ni Cel
“Miss Georgia, pakawalan mo na po dito sa ospital. Gusto ko na umuwi, at saka, ayos na ayos na po ako! Ang lakas ko na nga eh!”Bumisita si Georgia kay Celestine noong mga oras na iyon. Agad na hinawakan ni Celestine ang braso ni Georgia at nagmakaawang palabasin na siya, kawawang-kawawa ang kanyang itsura.Binuklat ni Georgia ang medical record ni Celestine at tamad na nagsalita, “Hindi ako ang ayaw kang palabasin, si Mr. Macabuhay ang ayaw. Wala akong magagawa. Siya na ang nagsalita eh.”“Oh…” Napaupo si Celestine sa kama na parang nawalan ng pag-asa, nakasimangot na tumingin kay Georgia. “Gusto ko nang bumalik sa trabaho. Mahal na mahal ko ang trabaho ko. Miss Georgia, naiintindihan mo naman ako, hindi ba?”Napatawa si Georgia sa narinig.Araw-araw silang magkasama sa operating room, busy mula umaga hanggang gabi, at madalas pa niya itong pinapagalitan. Mahal niya ang trabahong ‘yon? Iyon ba talaga ang dahilan kung bakit gusto niyang bumalik sa trabaho?“Sige, kakausapin ko si Mr.