Napamulagat si Celestine saglit, bahagyang nagulat na talagang tiningnan ni Benjamin ang CCTV footage.
Pero para sa kanya ngayon, hindi na iyon mahalaga.Idinikit ni Celestine ang band-aid sa sugat, isinara ang kahon ng gamot at sinabi, "Tapos na. Siguro naman ay magiging okay ka na niyan."Kumunot ang noo ni Benjamin habang tinitingnan ang kalmadong mukha ni Celestine. Hindi niya nagustuhan ang reaksyon niya."Celestine, narinig mo ba ang sinabi ko? Sabi ko, pinanood ko na ang CCTV footage," binigyang-diin niya ulit.Tumingala si Celestine sa kanya at ngumiti, "Oo. Narinig ko. Hindi naman ako bingi para hindi marinig."Kumunot lalo ang noo ni Benjamin ng mga oras na iyon, narinig lang niya? Hindi ba niya kailangan ng sorry o kahit ano pa?Nakita ni Celestine ang pagkalito at pagkahiya ni Benjamin kaya tumayo siya at ibinalik ang kahon ng gamot sa kinalalagyan nito pagkatapos ay mahina"Mas iniintindi mo pa ba ang opinyon ni Diana?" mahinang tanong ni Benjamin. "Naawa lang ako kay Diana," Tumawa nang sarkastiko si Celestine. "Walang kaalam-alam siyang naghihintay na pakasalan mo siya, pero ikaw naman ay abala sa akin na dati mong asawa." Lumalim ang tingin ni Benjamin at binitiwan si Celestine. Nang marinig ang sagot niya, nakaramdam siya ng sama ng loob. Hindi ba dapat siya ang iniintindi? "Benjamin, bitawan mo na ako kung hindi mo ako mahal. Tigilan mo na ang mga ginagawa mong nakakalito ng damdamin kasi nakakadiri na." Sabi ni Celestine bago siya lumabas. Nanatiling nakatayo si Benjamin doon, tila tulala. Madilim ang kanyang mga mata, at umalingawngaw sa kanyang isipan ang mga salitang binitiwan ni Celestine ngayon lang. Hindi niya akalain na ang mga salitang sinabi niya noon kay Celestine ay babalik sa kanya nang buo. Ang taong
Lumabas si Benjamin mula sa restaurant. Sa kabilang linya, sinabi ni Veronica, "Mr. Peters, may isang bagay akong gustong sabihin sa inyo...""Ano iyon? Sige, sabihin mo sa akin.""Kaninang lang, tinanong ako ni Miss Valdez tungkol sa iskedyul mo at sinabi ko pong nasa Columbus Garden ka. Maaaring siya po ay..." Bago pa matapos ni Veronica ang kanyang sinasabi, nakita na ni Benjamin si Diana na naghihintay sa kanya sa pintuan ng restaurant.Ibinaba ni Benjamin ang kanyang cellphone. Habang tinitingnan niya ang payat na pangangatawan ni Diana, hindi niya maiwasang maisip kung paano nagawa ng isang maliit at payat na pangangatawan niya ang harapin ang mga kidnapper noon?Naalala ni Benjamin ang mga sinabi ni Sean kanina lang.‘Isa lang ang maaari mong piliin sa pagitan nina Diana at Celestine.’Alam niya sa sarili na kailangan niyang piliin si Diana.Mabuti si Diana at hindi niya maa
Natakot siyang baka peke lang ang lahat ng ito, kaya hindi niya maiwasang kumpirmahin kay Benjamin ang narinig niya kanina."Benjamin, totoong magdi-divorce na kayo ni Celestine bukas ng umaga?""Oo,” simple pero deretso niyang tugon kay Diana.Mahigpit na hinawakan ni Diana ang seatbelt at mahina niyang sinabi, "Ah, sigurado ako na makakagaan na ito sa inyong dalawa."Madilim ang tingin ni Benjamin. Makakagaan ba talaga ito sa kanya?Kung tatanungin niya ang sarili, naging pabigat ba sa kanya ang tatlong taong kasal nila? O kay Celestine lang ang lahat ng bigat ng iyon?Wala. Winaglit na lang niya iyon sa kanyang isipan.Dahil kung may makakaramdam ng ginhawa, si Celestine iyon. Alam niyang matagal na nitong gusto na maghiwalay sila. Kaya nga, pinirmahan na nito ang divorce papers nila."Kung maghihiwalay na kayo ni Celestine ay kailangan kong mas pagbutihin pa para magustuhan ako nina
Sa Civil Affairs Bureau. Si Celestine ay naghihintay kay Benjamin dala ang kanyang ID card at certificate of marriage. Naalala niya ang araw na kinuha niya ang certificate of marriage tatlong taon na ang nakalipas, kung saan malakas ang ulan sa Nueva Ecija. Noong una, sinabi ni Benjamin na abala siya at mahuhuli ng dating. Kalaunan, sinabi niyang masyadong malakas ang ulan, kaya’t ipagpaliban na lang muna ang pagkuha ng certificate. Mag-isa siyang nakatayo sa harapan ng Civil Affairs Bureau, pinagmamasdan ang ulan na palakas at humuhupa, hanggang sa halos magsara na ang tanggapan, at saka lamang dumating si Benjamin. Pinanood ni Celestine ang mga magkasintahang nagtatawanan at naglalaro sa paligid niya, at hindi niya napigilan ang pagbuntong-hininga. Kung talagang mahal niya ako ay hindi niya ipagpapaliban ang pagkikita kahit pa malakas ang ulan. Lalo na sa isang m
"Dahil nandito na rin lang tayo, bakit hindi na natin unahin ang divorce natin? Mabilis lang naman ito, ilang minuto lang." Ito ang nasa isip ni Celestine habang nasa harap sila ng tanggapan ng Civil Affairs Bureau. Matalim ang tingin ni Benjamin sa kanya, punong-puno ng hindi maipaliwanag na emosyon. Nang makita niyang hindi ito tumutugon, napilitan si Celestine na magkompromiso at sumakay na ng tuluyan sa sasakyan. Doon lang napansin ni Benjamin na maingat na inayos ni Celestine ang kanyang sarili. Maganda ang kanyang bihis at amoy na amoy pa ang pabango niya. May banayad na halimuyak ng orange blossom ang scent noon. Hindi matapang pero sapat na upang maamoy. Umalis na ang sasakyan ni Benjamin na nag-iiwan ng alikabok sa daan. Nakatingin si Celestine sa bintana, halatang may lungkot dahil hindi natuloy ang divorce nila ni Benjamin. Tahimik lang sila sa loob ng sasakyan. Habang naghihintay sa red traffic lights, walang pakialam na nagtanong si Benjamin, "Ganoon ka ba ka
Agad na inayos ni Celestine ang kanyang sarili. Inalalayan niya si Lola Belen at mahinahong sinabi, "Lola, syempre,fake news lang po ang lahat ng naririnig niyo. Huwag po kayong makinig sa mga tsismis sa labas ha?”Hindi aaminin ni Celestine ang kanilang divorce ni Benjamin sa harap ng matanda.Kapag pinigilan kasi sila ng matanda sa paghihiwalay, hindi na kailanman makakapagpakasal si Benjamin sa babaeng mahal niya. Tiyak na magagalit sa kanya ito kapag nangyari iyon.Galit na ito sa kanya, at ayaw niyang gugulin ang natitirang buhay niya sa ilalim ng kanyang pagkasuklam."Tingnan mo po ako ngayon, napakaganda ng suot ko ‘di ba? Paano ako magpa-file ng divorce?" Umiikot pa si Celestine sa kanyang kinatatayuan, at lalong lumitaw ang kanyang payat na katawan dahil sa suot niyang damit. Ang ganda-ganda niya.Napabuntong-hininga si Benjamin, pero meron pa din siyang pagdududa kay Celestine.Abala ang ma
Sinabi ng matandang ginang, "Aba, ibig sabihin ay may space na kayo para ilagay ang wedding photo niyo rito. Ipa-frame niyo tapos ilagay niyo riyan. Sigurado akong mas gaganda ang bahay niyo.”Ngumiti si Celestine "Sige, kapag may oras po kami, gagawin po namin ‘yan.”Pagkatapos noon, umupo siya para kumain. "Lola, huwag ka na pong madalas pumunta rito in the future ha? Kung nami-miss mo ako, tawagan mo na lang ako at ako na po ang pupunta sa'yo. Lalo na kapag wala po akong ginagawa.”Pagkasabi noon ay ngumiti siya.Para maiwasan ang nangyari ngayon, kinailangan na siya ang bumisita sa matanda.Bukod pa rito, lahat ng may kinalaman sa kanya ay inalis na mula sa mansion na ito. Matalino si Lola Belen kahit matanda na, kung patuloy itong pupunta roon ay siguradong malalaman niya rin ang totoo balang araw."Busy naman kasi kayong lahat. Kaya, hayaan niyo na lang akong pumunta kahit saan ko gusto. Isa pa, mag-iingat naman ako. Huwag kayong mag-alala sa akin.”Tumingin si Celestine kay Be
Nararamdaman niyang pumayag na lang si Benjamin sa iniisip na isa siyang tuso at kasuklam-suklam na babae.Galit at hinanakit ang bumalot sa puso ni Celestine ng mga oras na iyon.Kahit pa wala na siyang pakialam sa tingin sa kanya ni Benjamin, ang paulit-ulit nitong pagtatanong ay nakakasira pa rin sa kanyang dignidad.Bahagyang ngumiti si Celestine, may pait sa kanyang tinig, "Dahil napakababa ng tingin mo sa akin, bakit hindi mo na lang sabihin kay lola na hiwalay na tayo? Para matapos na ang mga problema natin.""Subukan mo lang!" Sumigaw si Benjamin pagkatapos ay lumapit kay Celestine.Mula sa kilos ng matanda kanina, halata kung gaano niya pinahahalagahan ang pagsasama noong dalawa.Kung sasabihin nila ngayon na maghihiwalay sila, hindi ba't para na rin nilang sinadya na pahirapan ang matanda? Mahirap na, baka kung ano pa ang mangyari kay Lola Belen.Bago ang birthday ni
"Shiela." Mahinang tinawag ni Celestine si Shiela, ang kanyang boses ay puno ng paghikbi.Marahang hinaplos ni Shiela ang buhok sa tabi ng kanyang tenga at tumango, "Celestine, nandito lang ako para sa iyo. Kung ano man ang dahilan ng pag-iyak mo, sige iiyak mo lang."Hinawakan ni Celestine ang kanyang dibdib, namumula ang kanyang mga mata, at nakaramdam ng hindi maipaliwanag na sakit sa kanyang puso."Maghihiwalay na kami at napagdesisyunan na naming bumitaw sa isa't isa, pero bakit parang ang sakit pa rin? Hindi ba pwedeng madali na lang ang proseso nito?" Bahagyang kunot-noo si Celestine habang hinihintay ang sagot ni Shiela.Nang makita sa isip niyang yakap-yakap ni Diana si Benjamin at naglalambing ito sa kanya, naramdaman niya ang tila alon ng sakit na bumalot sa kanyang katawan. Maiintindihan pa rin kaya siya ni Shiela kung iyon ang iniiyak niya?"Celestine, kailangan mo lang ng oras para tanggapin ang lahat. Na hindi na talaga kayo para sa isa’t isa. Hindi madali ang proseso p
Naroon at biglang lumingon ang lalaki at nakita siya.Nagningning ang kanilang mga mata.Malinaw na nakita ni Celestine na tumatakbo papalapit sa kanya ang lalaki."Celestine, what a coincidence. Nakita kita rito. Mag isa ka lang ba?" tanong ni Sean sa masiglang tono habang lumilinga-linga.Pinagdikit ni Chu Mian ang kanyang mga labi, bahagyang walang magawa. Kahit na saan siya magpunta o kahit sumasayaw lang siya, nakakatagpo pa rin siya ng kakilala na ayaw naman niyang makita. Talagang maliit lang ang Nueva Ecija."Kasama ko si Shiela." Itinuro ni Celestine ang babae sa isang booth sa gilid.Tumingin si Sean sa booth at nakita si Shiela na nakayuko habang nakatutok sa kanyang cellphone, mukhang payat pero maganda. Kahit marami pang tao sa bar, sapat na siya para maakit ang pansin ng iba sa isang tingin.Ang ugali ni Shiela ay talagang kakaiba, isang bagay na hindi madaling gayahin ng iba. Kaya niya nga naging kaibigan si Celestine.Itinaas ni Sean ang kanyang kilay at bahagyang nags
Unti-unting lumayo ang itim na Ferrari.Si Celestine ay nakaupo sa passenger’s seat at nakatingin lang sa harapan, hindi maipaliwanag ang lungkot na nadarama.Nagawa talagang baguhin ni Diana ang sitwasyon, kanina ay siya ang talunan pero sa huli ay naging mabuti pa rin si Benjamin sa kanya.Sa isip-isip niya, baka ito na ang panahon kung kailan ipapakilala na ng tuluyan ni Diana si Benjamin sa kanyang pamilya. Siguro ay doon na rin talaga papunta ang relasyon nila.Hindi niya mapigilang maalala ang panahon kung kailan bagong kasal pa lang sila ni Benjamin.Gusto rin niyang dalhin si Benjamin sa kanilang bahay, gusto niyang sabihin sa kanyang ama na tama ang naging desisyon niya, at gusto niyang mapanatag ang loob nito.Pero ipinagpaliban niya ito nang paulit-ulit, hanggang sa ngayon, ang bilang ng beses na nakita ng kanyang ama si Benjamin ay mabibilang lang sa daliri.O pag-ibig nga naman, kung minsan ay hindi malinaw ang mga sagot nang bagay-bagay.Kinuha ni Celestine ang kanyang c
Tatlong beses nang tumawag si Diana kay Benjamin pero hindi niya ito sinagot dahil sa sobrang busy.Ilang minuto pa ay biglang nag-ring ang cellphone ni Veronica. Iyon pala, si Diana ang tumatawag sa kanya.Agad naman niya iyong sinagot at nilagay ang cellphone sa bandang tainga.“Hello, Veronica. Where is Benjamin? Kailangan ko siyang makausap!” sigaw ni Diana sa kabilang linya.Tinakpan ni Veronica ang kanyang tainga dahil sa sigaw na narinig niya.“Miss Diana, sobrang busy po ni Mr. Peters ngayon. Baka po hindi niya na kayo makausap. Pasensya -” hindi natapos ni Veronica ang kanyang sasabihin dahil sumagot agad si Diana sa kanya.“No! I want to talk to Benj! Give it to him!” sigaw ni Diana ulit.“Miss Diana, hindi nga po pwede-” natigilan na naman si Veronica sa kanyang pagsasalita dahil napansin ni Benjamin ang pagbulong ng kanyang secretary sa cellphone nito.“Veronica, sino iyan? Bakit bumubulong ka?” tanong ni Benjamin, labis ang kanyang pagtataka.“Mr. Peters, si Miss Diana po
Agad na lumayo si Celestine sa lahat para tawagan si Shiela. Aalamin niya kung bakit nagawa iyon ng kanyang kaibigan at kung may iba pa ba itong plano kay Diana.Sinagot naman ni Shiela ang tawag “Yes? Nakita mo na ba ang kinalat kong picture? Sige, sabihin mo sa akin kung ano ang reaksyon ng babaeng iyon sa ginawa ko. I want to hear it!”Napailing na lang si Celestine sa narinig. Yes, she is thankful sa pagtulong ng kaibigan niya sa kanya pero may guilt pa rin siyang nararamdaman.“Satisfied naman ako sa pagkabalisa niya, pero kailangan ba talagang umabot sa ganito, Shiela? Na gagamit tayo ng iba para lang makaganti sa kanya? Hindi ba masyadong komplikado ‘yon?”“Hey, ikaw ba talaga ang kaibigan kong si Celestine o nasapian ka na ng masamang espiritu? Alam mo, bagay lang sa kanya iyon. Kulang pa nga eh. Iisip pa ko ng igaganti natin sa kanya!”“Ikaw ang bahala. Ang akin lang naman, ayaw kong madamay ka pa rito. Kaya ko naman si Diana kahit ako lang ang umaway sa kanya,” may pag-aalal
Nakita ni Celestine ang picture na kinunan ni Shiela sa restaurant. It was posted online at viral na ito.Iyon pala ang sinasabi ni Shiela sa kanya na purpose kaya niya pinapunta si Gilbert sa ospital.“Thank you, Danica. Ito na phone mo,” iyon na lang ang nasabi ni Celestine dahil sa gulat.Habang naglalakad ay naririnig niya ang bawat komento ng mga ilang doktor at nurses na naroon. Pati nga ang mga pasyente ay may komento na rin.“Akala ko ba ay si Mr. Benjamin Peters ang gusto niya? Bakit iba naman ang kasama niya rito sa picture?”“Oo nga eh, sweet na sweet pa sila. Alam na kaya ‘to ni Mr. Peters?” “Siguro. Kalat na kalat na eh. ‘Yong niloko, niloko na rin. Hay, ano ba namang pag-ibig ‘yan. Kung minsan ay nakakaloka eh.”Samantala, sa kwarto kung nasaan si Diana ay nagkatinginan ang nurse at si Gilbert pagkatapos nilang makita ang viral photo sa social media.Agad na
Kinaumagahan, expected na ni Celestine na naroon si Benjamin sa ospital at binabantayan si Diana dahil sa allergy na nakuha niya.Pero laking gulat niya at pagtataka nang marinig niya ang kwentuhan ng mga nurse sa kanilang station.“Oo, akala ko talaga naroon si Mr. Peters sa kwarto ni Diana. Pero, wala! ‘Di ba, noong naospital din ito ay naroon siya? Pero ngayon, wala eh.”“Bakit kaya? Naku, feeling ko ay may tampuhan sila. Ganun ‘yan, ‘di ba? Hindi mo lang naman sisiputin ang karelasyon mo kapag may tampuhan kayo,” sagot ni Danica.“Ang sabihin mo, si Ms. Yllana naman ang kasama ni Mr. Peters kagabi kaya hindi niya naalagaan si Ms. Valdez. Kasi naman si Mr. Peters, dalawa ang karelasyon. Hindi pumili ng isa lang!”Agad na pinatahimik ni Danica ang isa sa mga nurses dahil nangangamba siyang baka marinig sila ni Celestine pero ang hindi nila alam ay huli na sila. Narinig na ni Celestine ang tsismisa
Ilang minuto pa pagkatapos kumagat ni Diana sa sandwich ay bigla na lang siyang hindi makahinga. Tuens out, she’s allergic to it kaya pala tawa nang tawa si Shiela nang makita iyon. Nagulat si Celestine at muntik pa niya itong tulungan, pinigilan lang siya ni Shiela kaya natigil iyon. “Hey, alam mo ba ang tungkol dito? I mean, that she's allergic to peanuts?” tanong ni Celestine ng may pag-aalala kay Diana. “Yeah, alam ko. At noong may pagkakataon ako para makaganti, iyan ang naisip ko. I'm so brilliant, right?” natatawa pa ring sagot ni Shiela. Agad na lumapit ang staff ng restaurant para tumulong. May iba naman na gusto lang makiusyoso sa nangyayari. Nakita pa nilang tumayo ang kaibigan ni Diana na si Janette para lapitan ang lalaking nagbigay sa kanya ng sandwich at drink. Inaway pa iyon ni Janette. “Are you crazy? Hindi ka man lang nag-research about Diana befo
Kinabukasan..Pauwi na si Celestine sa bahay nila nang biglang tumawag sa kanya si Shiela. Pagkasagot na pagkasagot pa lang ng tawag ay ramdam na agad ni Celestine ang inis na nararamdaman ng kanyang kaibigan.“Girl, nasaan ka? Nasa Macabuhay Medical Hospital ka pa ba? Susunduin kita. May nakita akong hindi dapat makita rito sa restaurant na kinakainan ko ngayon.”Agad na kumunot ang noo ni Celestine dahil sa sinabi ni Shiela.“Sino? ‘Yong kalaban mo sa isang role na gusto mong mapasa iyo kamakailan?” tanong ni Celestine, clueless pa rin kung sino ang tinutukoy ni Shiela.“Hindi! Pero sa nararamdaman ko ngayon, parang gusto ko siyang sabunutan katulad nang pagsabunot ko sa isa sa mga kontrabida sa isang TV show ko!”Hindi pinansin ni Celestine ang sinabi ni Shiela, “Kung sino man iyan, kaya mo na siyang harapin mag-isa. Sige na, ibababa ko na ang tawag dahil uuwi na ako.”Agad na pinigilan ni Shiela si Celestine.“Oh, no. Hindi pwede! Ipapasundo kita sa driver ko. Kailangan ay gumanti