Sa Civil Affairs Bureau.
Si Celestine ay naghihintay kay Benjamin dala ang kanyang ID card at certificate of marriage. Naalala niya ang araw na kinuha niya ang certificate of marriage tatlong taon na ang nakalipas, kung saan malakas ang ulan sa Nueva Ecija. Noong una, sinabi ni Benjamin na abala siya at mahuhuli ng dating. Kalaunan, sinabi niyang masyadong malakas ang ulan, kaya’t ipagpaliban na lang muna ang pagkuha ng certificate. Mag-isa siyang nakatayo sa harapan ng Civil Affairs Bureau, pinagmamasdan ang ulan na palakas at humuhupa, hanggang sa halos magsara na ang tanggapan, at saka lamang dumating si Benjamin. Pinanood ni Celestine ang mga magkasintahang nagtatawanan at naglalaro sa paligid niya, at hindi niya napigilan ang pagbuntong-hininga. Kung talagang mahal niya ako ay hindi niya ipagpapaliban ang pagkikita kahit pa malakas ang ulan. Lalo na sa isang m"Dahil nandito na rin lang tayo, bakit hindi na natin unahin ang divorce natin? Mabilis lang naman ito, ilang minuto lang." Ito ang nasa isip ni Celestine habang nasa harap sila ng tanggapan ng Civil Affairs Bureau. Matalim ang tingin ni Benjamin sa kanya, punong-puno ng hindi maipaliwanag na emosyon. Nang makita niyang hindi ito tumutugon, napilitan si Celestine na magkompromiso at sumakay na ng tuluyan sa sasakyan. Doon lang napansin ni Benjamin na maingat na inayos ni Celestine ang kanyang sarili. Maganda ang kanyang bihis at amoy na amoy pa ang pabango niya. May banayad na halimuyak ng orange blossom ang scent noon. Hindi matapang pero sapat na upang maamoy. Umalis na ang sasakyan ni Benjamin na nag-iiwan ng alikabok sa daan. Nakatingin si Celestine sa bintana, halatang may lungkot dahil hindi natuloy ang divorce nila ni Benjamin. Tahimik lang sila sa loob ng sasakyan. Habang naghihintay sa red traffic lights, walang pakialam na nagtanong si Benjamin, "Ganoon ka ba ka
Agad na inayos ni Celestine ang kanyang sarili. Inalalayan niya si Lola Belen at mahinahong sinabi, "Lola, syempre,fake news lang po ang lahat ng naririnig niyo. Huwag po kayong makinig sa mga tsismis sa labas ha?”Hindi aaminin ni Celestine ang kanilang divorce ni Benjamin sa harap ng matanda.Kapag pinigilan kasi sila ng matanda sa paghihiwalay, hindi na kailanman makakapagpakasal si Benjamin sa babaeng mahal niya. Tiyak na magagalit sa kanya ito kapag nangyari iyon.Galit na ito sa kanya, at ayaw niyang gugulin ang natitirang buhay niya sa ilalim ng kanyang pagkasuklam."Tingnan mo po ako ngayon, napakaganda ng suot ko ‘di ba? Paano ako magpa-file ng divorce?" Umiikot pa si Celestine sa kanyang kinatatayuan, at lalong lumitaw ang kanyang payat na katawan dahil sa suot niyang damit. Ang ganda-ganda niya.Napabuntong-hininga si Benjamin, pero meron pa din siyang pagdududa kay Celestine.Abala ang ma
Sinabi ng matandang ginang, "Aba, ibig sabihin ay may space na kayo para ilagay ang wedding photo niyo rito. Ipa-frame niyo tapos ilagay niyo riyan. Sigurado akong mas gaganda ang bahay niyo.”Ngumiti si Celestine "Sige, kapag may oras po kami, gagawin po namin ‘yan.”Pagkatapos noon, umupo siya para kumain. "Lola, huwag ka na pong madalas pumunta rito in the future ha? Kung nami-miss mo ako, tawagan mo na lang ako at ako na po ang pupunta sa'yo. Lalo na kapag wala po akong ginagawa.”Pagkasabi noon ay ngumiti siya.Para maiwasan ang nangyari ngayon, kinailangan na siya ang bumisita sa matanda.Bukod pa rito, lahat ng may kinalaman sa kanya ay inalis na mula sa mansion na ito. Matalino si Lola Belen kahit matanda na, kung patuloy itong pupunta roon ay siguradong malalaman niya rin ang totoo balang araw."Busy naman kasi kayong lahat. Kaya, hayaan niyo na lang akong pumunta kahit saan ko gusto. Isa pa, mag-iingat naman ako. Huwag kayong mag-alala sa akin.”Tumingin si Celestine kay Be
Nararamdaman niyang pumayag na lang si Benjamin sa iniisip na isa siyang tuso at kasuklam-suklam na babae.Galit at hinanakit ang bumalot sa puso ni Celestine ng mga oras na iyon.Kahit pa wala na siyang pakialam sa tingin sa kanya ni Benjamin, ang paulit-ulit nitong pagtatanong ay nakakasira pa rin sa kanyang dignidad.Bahagyang ngumiti si Celestine, may pait sa kanyang tinig, "Dahil napakababa ng tingin mo sa akin, bakit hindi mo na lang sabihin kay lola na hiwalay na tayo? Para matapos na ang mga problema natin.""Subukan mo lang!" Sumigaw si Benjamin pagkatapos ay lumapit kay Celestine.Mula sa kilos ng matanda kanina, halata kung gaano niya pinahahalagahan ang pagsasama noong dalawa.Kung sasabihin nila ngayon na maghihiwalay sila, hindi ba't para na rin nilang sinadya na pahirapan ang matanda? Mahirap na, baka kung ano pa ang mangyari kay Lola Belen.Bago ang birthday ni
Nang bumalik si Celestine sa bahay, nakaupo ang buong pamilya sa sofa na naghihintay sa kanya.Tumayo si Celestine sa harapan nila nang maayos at tahimik na naghintay ng sasabihin."Lolo, hindi naman effective ang necklace na ito..." Tahimik niyang inilapag ang necklace sa mesa.Nagulat ang matanda. Paano nangyari iyon? Gumastos siya ng malaki para ipa-bless ang necklace na iyon tapos walang bisa?Nang marinig ito ni Manuel, alam niyang hindi nagtagumpay ang proseso ng divorce ni Celestine. Iniangat niya ang kanyang mga binti at umakyat sa itaas, punong-puno ng galit ang kanyang puso.Naiiyak si Celestine, "Lola..."Gusto rin niyang makipaghiwalay na pero may hindi inaasahang nangyari."Ay! Sabi ko na nga ba, siguradong nagdalawang-isip siya kung itutuloy niya iyon!" Napailing si Bekkah hinila si Jolo paakyat habang sinasabing."Pag-aralan natin ito, o kumuha ulit ng isa? Baka may mali lang!
Hindi kailanman nagsalita nang malakas si Jolo sa kanya, pero ngayon ay puno ito ng paninindigan.Mukhang nainis si Jolo dahil hindi natuloy ang processing ng divorce nila Celestine kaya gagawa na lang ito ng paraan para matulungan ang kanyang kapatid.“Kuya, pwede bang hindi ako pumunta? Pangako ko sa iyo, magpa-file talaga kami ni Benjamin ng divorce.” Ibinaba ni Celestine ang kanyang tono.Alam niya na kung hindi sumagot si Jo, ang ibig sabihin nito ay hindi siya pumapayag.“Kuya, alam mo naman.. Mahirap na, baka magalit sa akin si Benjamin kapag nalaman niyang gagawin ko iyan. Kahit paano naman siguro ay may pake siya sa akin, ‘di ba?" Tanong ni Celestine na may lungkot sa kanyang mukha.“Wala siyang pakialam simula noong pinili niya ang Diana na iyon, wala na dapat siyang pakialam sa iyo!” Sagot ni Jolo nang buong tapang.Napangiti nang pilit si Celestine. Sa isip-isip niya, pwede kayang katulad
Itinaas ni Benjamin ang kanyang mga mata pagkatapos ay niyakap ni Diana ang kanyang braso at seryosong sinabi, "I know that this time, kailangan kong gawin ang lahat para matanggap na ako ni Lola Belen, ng lahat ng family members mo.”Nakaramdam din ng awa si Benjamin para kay Diana. Wala siyang ginawang mali, ngunit dahil kay Celestine, hindi siya tinanggap ng pamilya Peters."Bihira ang snow lotus grass. Saan kayo maghahanap noon?" may pag-aalalang sabi ni Benjamin."Oo, kaya lahat sa pamilya Valdez ay ginagawa ang lahat para hanapin ito,” sagot ni Diana, puno ng pag-asa ang kanyang mga mata.Tumingin si Diana kay Benjamin, hinaplos niya ang pisngi nito gamit ang kanyang mga daliri at malumanay na sinabi, "Benj, sa loob ng tatlong taon, tiniis ko ang maraming pangungutya dahil mahal kita. Talagang umaasa akong magiging asawa mo ako ngayong taon."Tiningnan ni Benjamin ang kanyang mga mata at tumango. "Sige."
Kinabukasan ng gabi.Sa Polaris Restaurant, dumating si Celestine sa lugar ng kanyang blind date ayon sa napag-usapan.Nakatayo si Celestine sa harap ng bintana na nakapulupot ang mga braso, pinagmamasdan ang tanawin. Naka-puting short skirt siya na may one-shoulder na disenyo, na nagbigay sa kanya ng napaka-sexy na aura."Miss Yllana?" Isang boses ng lalaki ang nagmula sa likod niya.Ang boses na ito ay pamilyar.Lumingon si Celestine, at nang makita niya ang lalaki, napuno ng gulat ang kanyang mga mata."Mr. Villaroman?" Nanlaki ang mata ni Celestine sa pagkabigla.Ang kanyang blind date pala ay si Eduard Villaroman?Kaya pala sobrang saya ng kanyang Kuya Jolo nang marinig nitong nailigtas niya si Mr. Villaroman noong gabing iyon.Tinitigan siya ng lalaki at marahang ngumiti, ang kanyang mga mata at kilay ay napakaganda. Mahinahon. Payapa."Ak
Sa Cardiac Surgery Department..Pagkabukas na pagkabukas ni Celestine ng pintuan ng kanyang opisina, agad niyang narinig si Dr. Feliciano na nagrereklamo, "Nakakahiya talaga ang pamilya Valdez ngayon. Maaga pa lang sinabi na nila sa media na magpapadala sila ng snow lotus grass, pero peke naman pala ang pinadala! Ginawa nilang tanga si Mrs. Belen Peters!"Tumango ang isa pang doktor, "Oo nga, parang sila pa mismo ang bumaril sa sarili nila. Sila ang tanga.""Uy, Dr. Yllana!" Kumaway si Dr. Feliciano kay Celestine, "Ayos ka na ba? Nakalabas ka na pala ng ospital.”Tumango si Celestine at hindi na nagsalita pa.Sumunod si Dr. Feliciano at nagtanong habang nanlalaki ang mga mata, "Dr. Yllana, paano mo nga pala nakuha ang snow lotus grass?"Binuksan ni Celestine ang kanyang bibig, pero paano niya sasagutin ang tanong na iyon?Sasabihin ba niyang isa siyang boss ng base na kahit anong gusto niya ay nakukuha niya? Hindi naman pwede siguro iyon?Habang nag-iisip pa si Celestine ng isasagot,
Palabas na sana siya ng kanyang cellphone, pero napansin niyang nagbabasa rin si Celestine ng balita sa kanyang cellphone.Agad niyang inagaw ang cellphone ni Celestine at itinuro ang nilalaman nito, "Hindi ba't ikaw ang may gawa nito? Aminin mo na kasi!”"Celestine, napaka-despicable mo! Gaano katagal na ba mula nang nangyari ang insidente sa snow lotus grass? Bakit mo ito muling binuhay? Dahil ba gusto ka nang hiwalayan ni Benjamin kaya gusto mong gumanti sa pamilya Valdez? Ganoon ba?”Tiningnan ni Celestine si Diana at naunawaan kung bakit ganoon na lang ang galit niya ngayon.Lumabas na siya pala ang pinaghihinalaan ni Diana na nagpakalat ng issue tungkol sa snow lotus grass.Tumayo si Celestine noong mga oras na iyon at akmang itutulak na naman siya ni Diana pagkatayo niya.Inalis ni Celestine ang kamay ni Diana, kaya napaatras ito ng dalawang hakbang.Nakapagkunot-noo si Diana habang tinititigan si Celestine.Maayos na inayos ni Celestine ang kanyang damit, isinuklay ang buhok,
“Para ba sa iyo ay nakakadiri akong babae?!” galit na sambit ni Celestine habang nakangiwi ang mga ngipin. Kung ang nakaraang segundo ay puno pa ng lambing, sa susunod na segundo’y pawang kalupitan na lamang ang natira para sa kanya. Hinawakan ni Benjamin ang kanyang damit, ngumisi siya, nakakadiri? Kailan niya sinabi iyon? Ang ganitong klase ng pakikitungo ay bagay na bagay sa kanyang mayabang at dominanteng ugali! “Puntahan mo na si Diana, pakasalan mo siya. Sana’y maging masaya kayo! Wala nang pipigil sa inyo!” Kinuha ni Celestine ang mansanas sa tabi ng kama at inihagis ito kay Benjamin, “Lumayas ka! Hindi kita kailangan dito!” Pakiramdam niya ay malas kung manatili pa ito ng isang segundo sa loob ng kwarto niya! Nandoon nga si Diana, pero nandoon din naman siya, hindi ba? Buhay na buhay! Sinabi pa ni Benjamin na iba siya kay Diana. Oo nga naman, magkaibang-magkaiba sila. Si Celestine ay mas marangal at mas mataas kaysa kay Diana nang maraming ulit! Nawalan ng pasensya si
Mahigpit na hawak ni Celestine ang kanyang cellphone, kinukumpirma ang hinala sa kanyang isipan.Nag-panic si Benjamin dahil hindi niya agad nakita si Celestine sa kwarto nito.Nagkakagusto na ba siya kay Celestine kaya ganoon ang reaksyon ni Benjamin?"Makakalabas ka na ba bukas sa ospital?" tanong niya bigla.Pinatay ni Celestine ang kanyang cellphone, at nang siya’y tumingin pataas, hawak ni Benjamin ang hair dryer at pinatutuyo ang kanyang buhok.Tumango si Celestine, "Oo. Bukas na nga.""Hindi ka na kailangang sunduin pa ni Eduard sa ospital, ako na ang maghahatid sa’yo pauwi. Basta, hintayin mo ako rito bukas." Habang sinasabi niya iyon, patuloy siyang nagpapatuyo ng buhok.Isinuksok ni Celestine ang sarili sa kumot at nag-mutter siya, "Huwag mo na akong alalahanin, Benjamin. Kaya ko naman na ang sarili ko.”"Ha?” Napangisi siya, kinamot ang buhok gamit ang dulo ng daliri, at isinara ang hair dryer.Itinapon niya ito sa cabinet, tapos tumingin kay Celestine, "Kung ayaw mong maka
Hanggang sa tumigil na ang mga yabag.Nang mapatingin si Celestine nang hindi sinasadya, nakita niya ang isang pamilyar na lalaki.Dahan-dahang ibinaba ni Celestine ang mga hawak niya at tumayo, saka tinitigan ang lalaki mula ulo hanggang paa.“Benj.. Benjamin? Anong nangyari sa’yo?" medyo tulala si Celestine noong mga oras na iyon.Napatingin si Danica sa kanila. Kitang-kita ang gulat sa kanyang itsura. Basa ng ulan ang buhok ni Benjamin. Nakakunot ang noo at nakatitig kay Celestine, halatang puno ng kaba at pag-aalala.Nasa likod ni Benjamin sina Veronica at dalawang guards mula sa ospital."Bakit hindi mo sinasagot ang cellphone mo? Kanina pa ko tawag nang tawag." Galit at puno ng paninisi ang tono ni Benjamin pagbungad pa lang ng mga salita niya.Kinapa ni Celestine ang bulsa niya. Cellphone niya?Ah, nakalimutan niyang kunin ito noong nagpalit siya ng damit. Naiwan ni
Tahimik si Benjamin ng ilang ulit.Naging seryoso ang mukha ni Celestine, parang galit na galit ang kanyang mukha.Napakatahimik sa kwartong iyon, at kitang-kita ang mainit na paghinga ng dalawa. Nakita ni Celestine na bumibilis ang paghinga ni Benjamin, at sa huli ay nawalan ito ng kontrol at itinulak siya palayo.“Wag kang umasa na mangyayari iyon sa atin.” Hinding-hindi niya mamahalin si Celestine. Hindi niya makita ang sarili na mamahalin niya ito.Ang malamig at walang emosyon na sagot ay nagpadapa ng damdamin Celestine.“Hindi talaga ako aasa,” mahinang sagot ni Celestine sa sagot ni Benjamin.Ilang ulit na rin niya itong sinabi sa sarili kaya sanay na siya. Hindi na nagulat pa sa sinabi ni Benjamin.Tumindig si Benjamin, inayos ang kanyang kwelyo, at kita sa leeg niya ang gumagalaw na lalamunan. Hindi na niya kayang tingnan pa si Celestine, kaya tumingin na lamang siya sa bintana.Matagal na nakatitig si Celestine sa likod niya, bago siya tumawa. “Nagbibiro lang naman ako, para
Pagkatapos magsalita ni Eduard, sinulyapan niya si Benjamin na para bang ibang layunin.Nakita niyang nakatitig sa kanya si Benjamin nang walang emosyon. Kung nakakamatay ang tingin, pakiramdam ni Eduard ay patay na siya sa mga sandaling iyon. Ngumiti si Eduard sa gilid ng kanyang labi at umalis na nang tuluyan.Nang maisara ang pinto ng kwarto, dahan-dahang pinisil ni Benjamin ang kanyang mga kamao. Nagpipigil siya, nagliliyab ang kanyang mga mata."Hindi ka ba aalis dito? Umalis na si Eduard, umalis ka na rin," sabi ni Celestine na umalingawngaw sa kanyang tainga.Mabilis na tumingin si Benjamin kay Celestine at hindi napigilang matawa."Celestine, dinalhan kita ng dinner, at hindi pa nga ako naka-upo ng limang minuto, pinalalayas mo na ako? Do you have manners?”Samantalang si Eduard pa nga ang parang ayaw niyang paalisin kanina! Uminit na naman tuloy ang ulo ni Benjamin noong mga oras na iyon.Napakabilis talagang magpalit ng isip ng babaeng ito! Papalitan na lang siya nang ganoo
She will strive to live for her life. Iyon ang natutunan ni Carene kay Celestine. Gabi na noon. Nakahiga si Celestine sa kama at naglalaro ng games sa kanyang cellphone nang may kumatok sa pinto ng kanyang kwarto. Lumingon si Celestine at natigilan nang makita kung sino ang dumating, saka tumayo, “Eduard, ikaw pala iyan.” Naka-itim na suit si Eduard at may suot na gold-rimmed na salamin. Mayroon siyang kakaibang karisma at elegante rin ang kanyang dating. Lumapit siya bitbit ang isang bouquet ng lilies at may basket of fruits sa isang kamay, at pabirong nagsabi, “Dumating ako para bisitahin ang isang bayani.” Napasimangot si Celestine, “Anong bayani? Sa huli, may ibang humarang para sa akin. Kung may bayani rito, siya iyon at hindi ako.” “Bakit parang nadismaya kang hindi ikaw mismo ang nasaksak? Iba ang tono mo ah,” Ibinaba niya ang basket of fruits at iniabot ang mga bulaklak kay Celestine, “Lilies para sa iyo, sariwang-sariwa, kasing fresh ng mga ngiti mo.” Tiningnan ni Cel
“Miss Georgia, pakawalan mo na po dito sa ospital. Gusto ko na umuwi, at saka, ayos na ayos na po ako! Ang lakas ko na nga eh!”Bumisita si Georgia kay Celestine noong mga oras na iyon. Agad na hinawakan ni Celestine ang braso ni Georgia at nagmakaawang palabasin na siya, kawawang-kawawa ang kanyang itsura.Binuklat ni Georgia ang medical record ni Celestine at tamad na nagsalita, “Hindi ako ang ayaw kang palabasin, si Mr. Macabuhay ang ayaw. Wala akong magagawa. Siya na ang nagsalita eh.”“Oh…” Napaupo si Celestine sa kama na parang nawalan ng pag-asa, nakasimangot na tumingin kay Georgia. “Gusto ko nang bumalik sa trabaho. Mahal na mahal ko ang trabaho ko. Miss Georgia, naiintindihan mo naman ako, hindi ba?”Napatawa si Georgia sa narinig.Araw-araw silang magkasama sa operating room, busy mula umaga hanggang gabi, at madalas pa niya itong pinapagalitan. Mahal niya ang trabahong ‘yon? Iyon ba talaga ang dahilan kung bakit gusto niyang bumalik sa trabaho?“Sige, kakausapin ko si Mr.