Nang bumalik si Celestine sa bahay, nakaupo ang buong pamilya sa sofa na naghihintay sa kanya.
Tumayo si Celestine sa harapan nila nang maayos at tahimik na naghintay ng sasabihin."Lolo, hindi naman effective ang necklace na ito..." Tahimik niyang inilapag ang necklace sa mesa.Nagulat ang matanda. Paano nangyari iyon? Gumastos siya ng malaki para ipa-bless ang necklace na iyon tapos walang bisa?Nang marinig ito ni Manuel, alam niyang hindi nagtagumpay ang proseso ng divorce ni Celestine.Iniangat niya ang kanyang mga binti at umakyat sa itaas, punong-puno ng galit ang kanyang puso.Naiiyak si Celestine, "Lola..."Gusto rin niyang makipaghiwalay na pero may hindi inaasahang nangyari."Ay! Sabi ko na nga ba, siguradong nagdalawang-isip siya kung itutuloy niya iyon!"Napailing si Bekkah hinila si Jolo paakyat habang sinasabing."Pag-aralan natin ito, o kumuha ulit ng isa? Baka may mali lang!Hindi kailanman nagsalita nang malakas si Jolo sa kanya, pero ngayon ay puno ito ng paninindigan.Mukhang nainis si Jolo dahil hindi natuloy ang processing ng divorce nila Celestine kaya gagawa na lang ito ng paraan para matulungan ang kanyang kapatid.“Kuya, pwede bang hindi ako pumunta? Pangako ko sa iyo, magpa-file talaga kami ni Benjamin ng divorce.” Ibinaba ni Celestine ang kanyang tono.Alam niya na kung hindi sumagot si Jo, ang ibig sabihin nito ay hindi siya pumapayag.“Kuya, alam mo naman.. Mahirap na, baka magalit sa akin si Benjamin kapag nalaman niyang gagawin ko iyan. Kahit paano naman siguro ay may pake siya sa akin, ‘di ba?" Tanong ni Celestine na may lungkot sa kanyang mukha.“Wala siyang pakialam simula noong pinili niya ang Diana na iyon, wala na dapat siyang pakialam sa iyo!” Sagot ni Jolo nang buong tapang.Napangiti nang pilit si Celestine. Sa isip-isip niya, pwede kayang katulad
Itinaas ni Benjamin ang kanyang mga mata pagkatapos ay niyakap ni Diana ang kanyang braso at seryosong sinabi, "I know that this time, kailangan kong gawin ang lahat para matanggap na ako ni Lola Belen, ng lahat ng family members mo.”Nakaramdam din ng awa si Benjamin para kay Diana. Wala siyang ginawang mali, ngunit dahil kay Celestine, hindi siya tinanggap ng pamilya Peters."Bihira ang snow lotus grass. Saan kayo maghahanap noon?" may pag-aalalang sabi ni Benjamin."Oo, kaya lahat sa pamilya Valdez ay ginagawa ang lahat para hanapin ito,” sagot ni Diana, puno ng pag-asa ang kanyang mga mata.Tumingin si Diana kay Benjamin, hinaplos niya ang pisngi nito gamit ang kanyang mga daliri at malumanay na sinabi, "Benj, sa loob ng tatlong taon, tiniis ko ang maraming pangungutya dahil mahal kita. Talagang umaasa akong magiging asawa mo ako ngayong taon."Tiningnan ni Benjamin ang kanyang mga mata at tumango. "Sige."
Kinabukasan ng gabi.Sa Polaris Restaurant, dumating si Celestine sa lugar ng kanyang blind date ayon sa napag-usapan.Nakatayo si Celestine sa harap ng bintana na nakapulupot ang mga braso, pinagmamasdan ang tanawin. Naka-puting short skirt siya na may one-shoulder na disenyo, na nagbigay sa kanya ng napaka-sexy na aura."Miss Yllana?" Isang boses ng lalaki ang nagmula sa likod niya.Ang boses na ito ay pamilyar.Lumingon si Celestine, at nang makita niya ang lalaki, napuno ng gulat ang kanyang mga mata."Mr. Villaroman?" Nanlaki ang mata ni Celestine sa pagkabigla.Ang kanyang blind date pala ay si Eduard Villaroman?Kaya pala sobrang saya ng kanyang Kuya Jolo nang marinig nitong nailigtas niya si Mr. Villaroman noong gabing iyon.Tinitigan siya ng lalaki at marahang ngumiti, ang kanyang mga mata at kilay ay napakaganda. Mahinahon. Payapa."Ak
"Ano ang ginagawa mo rito?" tanong ni Diana kay Eduard.Tumingin si Eduard kay Benjamin at pagkatapos ay tumingin din kay Celestine.Para bang tinatanong niya si Celestine kung okay lang bang sabihin sa dalawa kung bakit sila nasa Polaris Restaurant.Lubos na na-appreciate ni Celestine ang pag-aalalang iyon ni Eduard para sa nararamdaman niya, kaya tumango siya.Tinitigan ni Benjamin ang palitan ng tingin ng dalawa at nakaramdam ng inis sa kanyang puso. Parang gusto niyang suntukin si Eduard nooon pero hindi niya magawa.Makalipas ang ilang sandali, sinabi ni Eduard,”Ah, nakipag blind date ako with Miss Yllana.”Agad na tumingin si Benjamin kay Eduard, lumamig ang kanyang tingin, at inulit ang sinabi nito, "Nakipag blind date ka with Celestine?”Uminom si Celestine ng isang lagok ng red wine at hindi tumingin kay Benjamin. Pero naramdaman niya ang mainit na titig na bumagsak sa kanya."Kayo? Nag blind date?" Mul
Narinig ito ni Celestine at tiningnan ang madilim na mukha ni Benjamin, at bigla siyang natuwa.Inangat niya ang gilid ng kanyang labi at biglang lumapit kay Eduard, sabay yakap sa braso nito.Itinaas ni Celestine ang kanyang mukha at ngumiti kay Eduard. Ang kanyang mga mata na maganda ay kumikislap ng maliliit na ilaw, at para siyang isang kaakit-akit na na diwata. Tinanong niya, Mr. Villaroman, dahil sinabi ni Miss Valdez na bagay tayo, pwede ba nating subukang mag-date?"Pinikit ni Eduard ang kanyang mga mata at tiningnan sina Benjamin at Diana.Hindi na pwedeng maging mas madilim pa ang mukha ni Benjamin noong mga oras na iyon.Mukhang naintindihan naman ni Eduard ang ibig sabihin ni Celestine sa sinabi nito.Kung ganoon, sasabayan niya lang ang laro na sinimulan ni Celestine.Iniunat ni Eduard ang kanyang kamay para yakapin ang payat na baywang ni Celestine at hinila siya papalapit
Nang naghihintay si Benjamin sa elevator sa hindi kalayuan, ay nasaksihan niya ang buong eksena. Ang dalawa ay nag-uusap at nagtatawanan, tila naglalambingan pa nga."You know what? I'm happy for Celestine, finally. She found the love of her life," ani Diana na may ngiti sa labi.Narinig ni Benjamin ang sinabi ni Diana kaya mas lalong lumamig ang kanyang tingin. Love of her life? Agad niyang iniwas ang paningin at pumasok na lang sa elevator nang walang ekspresyon, halatang hindi natutuwa.Napansin ni Diana ang pagbabago sa aura ni Benjamin. Pakiramdam niya ay hindi maganda ang timpla nito, may di maipaliwanag na bigat sa kanyang presensya na nagpatahimik kay Diana. Simula noong gusto na ni Benjamin na mag-file ng divorce kay Celestine, palagi na siyang nagiging maagagalitin tuwing may kinalaman ang mga bagay kay Celestine. Hindi ito nagbigay ng magandang pakiramdam kay Diana. Feeling niya ay may mas malalim pang dahilan kung
Kinabukasan, nagmamadali ang pamilya Yllana dahil nalaman nilang pupunta sina Eduard at Henry Villaroman sa bahay nila.Sisiguraduhin nila na magiging perfect ang pagpunta ng pamilya Villaroman sa bahay nila."Ito ang unang beses na bumisita ang pamilya Villaroman, Celestine, bakit mo suot 'yan?!""Alicia, masyadong kaunti ang mga prutas na narito, maghanda ka pa!""Celestine, bilisan mo. Hindi maganda ang hitsura ng jeans na 'yan, magpalit ka ng palda!"Abala si Bekkah sa pag-aasikaso, at pati ang puting T-shirt at jeans na suot ni Celestine ay naging problema."Halika na, sundin mo si Alicia ha." Tinulak ni Jolo si Celestine at tinapik siya upang magpalit.Hindi bagay ang kasuotan niyang ito para sa okasyon mamaya.Tumayo si Celestine sa harap ng salamin at tiningnan ang sarili, nakasimangot.Hindi ba maganda? Okay naman ah.Napakaganda niya, para siyang isang buhay na mannequin kahit pa ano
"Marunong bang maglaro ng golf si Celestine?" tanong ni Henry kay Celestine.Umiling si Celestine. Marami siyang alam, pero hindi siya marunong mag-golf.“Hindi po eh,” sagot ni Celestine.Alam niyang ang larong ito ay nangangailangan ng pasensya.Hindi siya kailanman naging matiyaga maliban na lang pagdating sa paghahabol kay Benjamin noon.Masayang-masaya si Henry nang marinig niyang hindi marunong mag-golf si Celestine."Sakto! Si Eduard ay magaling sa larangan ng golf! Hayaan mong turuan ka niya!"Tumango si Eduard kay Celestine. "Oo ba, sige. Tuturuan kita ng golf. Wala namang problema sa akin. Kung gusto mo lang naman."Dahil sa nakita niyang kasiyahan ni Jolo, ayaw nang sirain pa ni Celestine ang ngiti sa mga labi ng kanyang kapatid kaya pumayag siya.Ang pinakamalaking golf course sa Nueva Ecija ay nasa labas ng lungsod.Tinawag ni Jolo ang kanyang Daddy at Mommy para sumama rin sa
Malamig na napasinghal si Lola Belen at sinermonan si Benjamin, "Mukha talagang nalilito ka na! Wala ka na sa sarili mo, ‘no?" Kumunot ang noo ni Benjamin, halatang medyo galit na siya sa sitwasyon, "Grandma, pwede ba huwag ka nang makialam sa mga bagay na inaayos namin? Hayaan niyo na lang po kami. Kaya naman po namin iyon." "Ito ay tungkol sa reputasyon ng pamilya Peters, kaya kailangan kong makialam! Naiintindihan mo ba iyon?" Hindi umurong si Lola Belen kahit na nakiusap na si Benjamin sa kanya. Nagkatensyon sila sa gitna ng stage.At ang masaklap pa, si Lola Belen mismo ang nakaharang sa harap ni Benjamin, dahilan para lalo siyang mabuwisit. Tumingin si Lola Belen sa lahat ng mga tao at seryosong sinabi, "Maraming salamat sa inyong pag-aalala sa mga usapin ng apo kong si Benjamin at asawa niyang si Celestine. Sana ay maintindihan niyo kami.""Aaminin ko sa inyo ngayon, sa inyong lahat na hindi pa annulled o divorced sina Benjamin at Ce
Biglang hinawakan ni Diana ang kamay ni Benjamin. Sinulyapan niya ang gilid ng mukha ni Benjamin, umaasang sasabihin nito sa reporter na oo, hiwalay na sila ni Celestine at sila na ni Diana ang ikakasal very soon. Napansin ng reporter ang kilos ni Diana at agad na inilapit ang camera sa kanya. Akala ni Celestine na sa pagkakita sa dalawa na ganyan ang kilos, hindi na siya maaapektuhan. Pero sa sandaling iyon, may kaunting galit pa rin pala sa kanyang puso na hindi matanggal-tanggal. Ang dahilan ng kanyang galit ay hindi ba't pareho nilang itinago ito sa ibang tao? Isa itong press conference, at naka-livestream pa sa buong bansa. Nakakahiya sa lahat ng makakakita. Kung makita ito ng mga magulang at Lolo Manuel at Lola Celia niya, siguradong magagalit na naman sila at kung anu-ano na naman ang sasabihin nila kay Celestine. "Si Celestine at ako ay talaga namang..." Hindi pa tapos si Benjamin sa pa
Pakiramdam ni Danica ay nawawalan na siya ng hininga.Parang lumilihis na ng landas ang mga pangyayari sa harapan niya. Kagabi ay nag-aalala si Mr. Peters tungkol kay Dr. Yllana at pinuntahan pa siya sa gabi.Bakit ngayong tungkol kay Diana ang usapan, agad-agad niyang hinarap si Dr. Yllana? Hindi man lang niya tinanong kung ano ang nangyari, basta na lang siya sinisi.Ibinaba ni Celestine ang kanyang ulo, naupo sa silya at napabuntong-hininga.“Dr. Yllana…” tawag ni Danica kay Celestine.Tumingala si Celestine, “Ha? Bakit?”“Hindi mo narinig ang tanong ko. Sabi ko, ayos ka lang ba?” may pag-aalalang tanong ni Danica.Napa-nguso si Celestine, ano bang masama ang pwedeng mangyari sa kanya? Tiningnan niya ang sarili. Okay naman siya.Hindi na ito ang una o pangalawang beses na siya’y hindi nauunawaan ni Benjamin, matagal na siyang manhid sa mga ganito. Hindi na iyon bago sa kanya.Dumating si Dr. Feliciano ng huli, tinawag siya, “Dr. Yllana.”Tiningnan siya ni Celestine, at nagtanong si
Pakiramdam ni Danica ay nawawalan na siya ng hininga.Parang lumilihis na ng landas ang mga pangyayari sa harapan niya. Kagabi ay nag-aalala si Mr. Peters tungkol kay Dr. Yllana at pinuntahan pa siya sa gabi.Bakit ngayong tungkol kay Diana ang usapan, agad-agad niyang hinarap si Dr. Yllana? Hindi man lang niya tinanong kung ano ang nangyari, basta na lang siya sinisi.Ibinaba ni Celestine ang kanyang ulo, naupo sa silya at napabuntong-hininga.“Dr. Yllana…” tawag ni Danica kay Celestine.Tumingala si Celestine, “Ha? Bakit?”“Hindi mo narinig ang tanong ko. Sabi ko, ayos ka lang ba?” may pag-aalalang tanong ni Danica.Napa-nguso si Celestine, ano bang masama ang pwedeng mangyari sa kanya? Tiningnan niya ang sarili. Okay naman siya.Hindi na ito ang una o pangalawang beses na siya’y hindi nauunawaan ni Benjamin, matagal na siyang manhid sa mga ganito. Hindi na iyon bago sa kanya.Dumating si Dr. Feliciano ng huli, tinawag siya, “Dr. Yllana.”Tiningnan siya ni Celestine, at nagtanong si
Hinawakan ni Celestine ang braso ni Diana gamit ang likod ng kanyang kamay at itinulak siya pabalik. Nakakunot ang noo ni Celestine, at may mabigat na ekspresyon sa kanyang magandang mukha habang sumigaw, “Tama na!” Agad na natahimik ang buong departament.Hindi sinasadyang natumba si Diana sa sahig, namula ang buong mukha niya, at dalawang butones ng kanyang blouse ang napigtas. Itinaas niya ang ulo at tiningnan si Celestine, biglang tumulo ang kanyang mga luha. “Celestine, kinakaya-kaya mo na lang ako?”“Bakit, masama bang saktan ka? Hindi ba dapat lang? Palengkera ka kasi!” malamig na sabi ni Celestine habang nakasigaw pa rin.Itinuro siya ni Diana, habol-hininga at umiiyak. Kinuha niya ang kanyang cellphone at agad na tinawagan si Benjamin at umiiyak, “Benj, sinaktan ako ni Celestine, bilisan mo! Pumunta ka rito! Baka mamaya ay patayin niya na ako eh!”May pag-aalalang sumagot si Benjamin, “Ha? Ikaw? Papatayin ni Celestine?”Nainis pa si Diana dahil parang hindi naman naniwala s
Sa Cardiac Surgery Department..Pagkabukas na pagkabukas ni Celestine ng pintuan ng kanyang opisina, agad niyang narinig si Dr. Feliciano na nagrereklamo, "Nakakahiya talaga ang pamilya Valdez ngayon. Maaga pa lang sinabi na nila sa media na magpapadala sila ng snow lotus grass, pero peke naman pala ang pinadala! Ginawa nilang tanga si Mrs. Belen Peters!"Tumango ang isa pang doktor, "Oo nga, parang sila pa mismo ang bumaril sa sarili nila. Sila ang tanga.""Uy, Dr. Yllana!" Kumaway si Dr. Feliciano kay Celestine, "Ayos ka na ba? Nakalabas ka na pala ng ospital.”Tumango si Celestine at hindi na nagsalita pa.Sumunod si Dr. Feliciano at nagtanong habang nanlalaki ang mga mata, "Dr. Yllana, paano mo nga pala nakuha ang snow lotus grass?"Binuksan ni Celestine ang kanyang bibig, pero paano niya sasagutin ang tanong na iyon?Sasabihin ba niyang isa siyang boss ng base na kahit anong gusto niya ay nakukuha niya? Hindi naman pwede siguro iyon?Habang nag-iisip pa si Celestine ng isasagot,
Palabas na sana siya ng kanyang cellphone, pero napansin niyang nagbabasa rin si Celestine ng balita sa kanyang cellphone. Agad niyang inagaw ang cellphone ni Celestine at itinuro ang nilalaman nito, "Hindi ba't ikaw ang may gawa nito? Aminin mo na kasi!” "Celestine, napaka-despicable mo! Gaano katagal na ba mula nang nangyari ang insidente sa snow lotus grass? Bakit mo ito muling binuhay? Dahil ba gusto ka nang hiwalayan ni Benjamin kaya gusto mong gumanti sa pamilya Valdez? Ganoon ba?” Tiningnan ni Celestine si Diana at naunawaan kung bakit ganoon na lang ang galit niya ngayon. Lumabas na siya pala ang pinaghihinalaan ni Diana na nagpakalat ng issue tungkol sa snow lotus grass. Tumayo si Celestine noong mga oras na iyon at akmang itutulak na naman siya ni Diana pagkatayo niya. Inalis ni Celestine ang kamay ni Diana, kaya napaatras ito ng dalawang hakbang. Nakapagkunot-noo si Diana habang tinititigan si Celestine. Maayos na inayos ni Celestine ang kanyang damit, isinuk
“Para ba sa iyo ay nakakadiri akong babae?!” galit na sambit ni Celestine habang nakangiwi ang mga ngipin. Kung ang nakaraang segundo ay puno pa ng lambing, sa susunod na segundo’y pawang kalupitan na lamang ang natira para sa kanya. Hinawakan ni Benjamin ang kanyang damit, ngumisi siya, nakakadiri? Kailan niya sinabi iyon? Ang ganitong klase ng pakikitungo ay bagay na bagay sa kanyang mayabang at dominanteng ugali! “Puntahan mo na si Diana, pakasalan mo siya. Sana’y maging masaya kayo! Wala nang pipigil sa inyo!” Kinuha ni Celestine ang mansanas sa tabi ng kama at inihagis ito kay Benjamin, “Lumayas ka! Hindi kita kailangan dito!” Pakiramdam niya ay malas kung manatili pa ito ng isang segundo sa loob ng kwarto niya! Nandoon nga si Diana, pero nandoon din naman siya, hindi ba? Buhay na buhay! Sinabi pa ni Benjamin na iba siya kay Diana. Oo nga naman, magkaibang-magkaiba sila. Si Celestine ay mas marangal at mas mataas kaysa kay Diana nang maraming ulit! Nawalan ng pasensya si
Mahigpit na hawak ni Celestine ang kanyang cellphone, kinukumpirma ang hinala sa kanyang isipan.Nag-panic si Benjamin dahil hindi niya agad nakita si Celestine sa kwarto nito.Nagkakagusto na ba siya kay Celestine kaya ganoon ang reaksyon ni Benjamin?"Makakalabas ka na ba bukas sa ospital?" tanong niya bigla.Pinatay ni Celestine ang kanyang cellphone, at nang siya’y tumingin pataas, hawak ni Benjamin ang hair dryer at pinatutuyo ang kanyang buhok.Tumango si Celestine, "Oo. Bukas na nga.""Hindi ka na kailangang sunduin pa ni Eduard sa ospital, ako na ang maghahatid sa’yo pauwi. Basta, hintayin mo ako rito bukas." Habang sinasabi niya iyon, patuloy siyang nagpapatuyo ng buhok.Isinuksok ni Celestine ang sarili sa kumot at nag-mutter siya, "Huwag mo na akong alalahanin, Benjamin. Kaya ko naman na ang sarili ko.”"Ha?” Napangisi siya, kinamot ang buhok gamit ang dulo ng daliri, at isinara ang hair dryer.Itinapon niya ito sa cabinet, tapos tumingin kay Celestine, "Kung ayaw mong maka