Kinabukasan, nagmamadali ang pamilya Yllana dahil nalaman nilang pupunta sina Eduard at Henry Villaroman sa bahay nila.
Sisiguraduhin nila na magiging perfect ang pagpunta ng pamilya Villaroman sa bahay nila."Ito ang unang beses na bumisita ang pamilya Villaroman, Celestine, bakit mo suot 'yan?!""Alicia, masyadong kaunti ang mga prutas na narito, maghanda ka pa!""Celestine, bilisan mo. Hindi maganda ang hitsura ng jeans na 'yan, magpalit ka ng palda!"Abala si Bekkah sa pag-aasikaso, at pati ang puting T-shirt at jeans na suot ni Celestine ay naging problema."Halika na, sundin mo si Alicia ha." Tinulak ni Jolo si Celestine at tinapik siya upang magpalit.Hindi bagay ang kasuotan niyang ito para sa okasyon mamaya.Tumayo si Celestine sa harap ng salamin at tiningnan ang sarili, nakasimangot.Hindi ba maganda? Okay naman ah.Napakaganda niya, para siyang isang buhay na mannequin kahit pa ano"Marunong bang maglaro ng golf si Celestine?" tanong ni Henry kay Celestine.Umiling si Celestine. Marami siyang alam, pero hindi siya marunong mag-golf.“Hindi po eh,” sagot ni Celestine.Alam niyang ang larong ito ay nangangailangan ng pasensya.Hindi siya kailanman naging matiyaga maliban na lang pagdating sa paghahabol kay Benjamin noon.Masayang-masaya si Henry nang marinig niyang hindi marunong mag-golf si Celestine."Sakto! Si Eduard ay magaling sa larangan ng golf! Hayaan mong turuan ka niya!"Tumango si Eduard kay Celestine. "Oo ba, sige. Tuturuan kita ng golf. Wala namang problema sa akin. Kung gusto mo lang naman."Dahil sa nakita niyang kasiyahan ni Jolo, ayaw nang sirain pa ni Celestine ang ngiti sa mga labi ng kanyang kapatid kaya pumayag siya.Ang pinakamalaking golf course sa Nueva Ecija ay nasa labas ng lungsod.Tinawag ni Jolo ang kanyang Daddy at Mommy para sumama rin sa
Si Benjamin ay nakasuot ng gray suit at mukhang masaya.Pero nang makita niya si Celestine, agad na bumagsak ang kanyang matalim na kilay. Tiningnan niya si Eduard pagkatapos ay muling tumingin kay Eduard na nakatayo sa likod ni Celestine, hawak ang mga kamay ni Celestine na may napakalalim na ekspresyon sa kanyang mukha.Huminga nang malalim si Diana; hindi niya inasahang makikita muli sina Celestine at Eduard roon sa golf course.Ang gusto lang naman niya ay makasama si Benjamin nang silang dalawa lang! Pero ngayon ay nakaramdam na siya ng inis dahil pilit na pinagkikita ng universe ‘yong dalawa.Binitiwan ni Eduard ang kamay ni Celestine, umatras ng dalawang hakbang, at tumayo sa tabi ng babae."Ang galing nga naman ng pagkakataon," unang nagsalita si Benjamin, may halong panunuya ang kanyang tono.Tinitigan siya ni Celestine at tinanggap ang kanyang pang-uuyam. "Oo nga, ang galing
Halos kasing lamig ng yelo ang atmosphere roon at dali-daling nagsalita si Diana, "Benj, bakit kayo laging nag-aaway ni Celestine kapag nagkikita kayo?"Ibinaba ni Benjamin ang kanyang tingin, madilim ang ekspresyon sa mukha.Napilitan si Diana na ngumiti at nagpatuloy, "Sabi ng mga tao, ang mag-asawa kahit isang araw lang sa isang daang araw ay dapat may pagpapahalaga sa isa't isa . Alam naman natin na hindi mo na siya mahal pero si Celestine ay isang babae pa rin... Hindi mo ba siya kayang pagbigyan?"Ayaw nang makinig ni Celestine kay Diana noong mga oras na iyon.Kung gusto niyang kumbinsihin si Benjamin, dapat si Benjamin ang kinakausap niya, hindi na niya kailangang apakan pa si Celestine. Ano ang ibig sabihin niya sa “alam naman natin na hindi mo na siya mahal"? Hindi ba niya alam na wala talagang nararamdaman si Benjamin para sa kanya? Kailangan pa ba niyang ipaalala iyon? Nakakainis lang tingnan."Simula't sapul na nagk
"Diana, bakit naman ganoon ang gusto mong laro? Seryoso ka ba sa sinasabi mo?" agad na tanong ni Eduard sa kanya. Tinaas ni Diana ang kanyang mga mata. Masyado bang malaki ang laro na gusto niya? "Oo. Seryoso ako sa sinasabi ko. Masyado bang malaki ang hinihiling kong laro? Hindi ba, kapag mas malaki, mas masaya?” Pinaglaruan ni Diana ang kanyang pulso at ngumiti kay Eduard. Mukha siyang inosente at walang masamang intensyon. Kumunot ang noo ni Eduard at dahan-dahang pinigilan ang kanyang kanang kamao. Bihira siyang magkaroon ng conversation kay Diana sa araw-araw, pero ngayong araw nakita at nakausap niya ito. Ang panganay na dalaga ng pamilya Valdez ay masyadong maraming alam. "Sige." Lumapit si Celestine at tumayo sa tabi ni Diana. "Celestine, hindi mo kailangang lumaban sa kanya ha," Paalala ni Eduard kay Celestine.
“Huwag kang magmadali. Kaya mo iyan,” Pinaalalahanan ni Eduard si Celestine.Tumango si Celestine at ngumiti kay Eduard.“Sige. Salamat. Susubukan ko na lang ulit.”“Sige, nandito lang ako to cheer you,” sagot ni Eduard.Ang ngiting iyon ay parang humila sa puso ni Benjamin.Ngunit agad ding bumalik ang kanyang composure.Kailan pa siya nagsimulang mag-alala tungkol kay Celestine? Wala naman siyang pake rito noon pa.Sa sandaling ito, hindi ba dapat nakatuon ang atensyon niya kay Diana? Mabilis na naipasok ni Diana ang bola, at bawat galaw niya ay malinis at eksakto. Kitang-kita na sanay siyang maglaro ng golf for a long time.Pilit na ibinalik ni Benjamin ang atensyon niya kay Diana at pinalakpakan siya. “Ang galing mo, Diana. Sabi ko naman kasi sa iyo, kaya mo ‘yan. Ikaw pa ba?”“Oo naman. Lalo na kung nandyan ka para i-cheer ako. Lalong lalakas ang loob ko,” sagot naman ni Diana.Kumindat si Diana kay Benjamin at matamis na ngumiti. “Mahal kita, Benj, para sa’yo ito!”Nakatutok si
Nanlaki ang mga mata ni Celestine dahil sa gulat at agad na nagtanong. “Benjamin, ano bang problema mo, ha? Gagawin ko lang naman ang gustong ipagawa sa akin ni Diana. Bakit mo ko kailangang pigilan?!” Nanlilisik ang mga mata ni Celestine sa galit noong mga oras na iyon. "Ikaw pa rin ang nakikilala bilang Mrs. Peters pagkatapos ng lahat. Oo, pwedeng hindi ka na nahihiya, pero ako, marunong pa ako mahiya sa mga tao!" Mariing sabi niya habang kinakagat ang kanyang likod na ngipin. Bukod pa rito, kung makarating ito kay Lola Belen hindi ba’t imposibleng maitago ang kanilang pag-file ng divorce? Kaya’t hindi kailanman papayagan ni Benjamin na mangyari ang ganitong kabaliwan sa harap niya mismo at ng iba pang tao! Hangga’t hindi pa nila nakukuha ang certificate nila bilang divorced individual ay kailangang umakto nang maayos si Celestine para sa kanya! "Ah, ganoon ba? So, ako.. Nahihiya ka sa gagawin ko, samantalang ikaw na labas nang labas ay hindi nakakahiya?” sagot ni Celestine.
Nagulat sina Eduard at Celestine sa nakita. Ano ang ginagawa niya? Binitiwan niya si Diana nang makita niya itong pumasok?"Ah, oo Eduard. Nahanap ko na, tara na." Ngumiti si Celestine at sumunod sa mga hakbang ni Eduard.Napansin ni Diana na wala sa sarili si Benjamin. May takot siyang nararamdaman pero hindi na niya iyon pinansin dahil tinatamad na siyang makipagtalo pa."C’mon Benj,tara na." Tumayo si Diana at lumabas, bakas sa mukha niya ang pagkainis sa nakita niyang reaksyon ni Benjamin.Napansin ni Benjamin ang nararamdaman ni Diana at sumunod siya, "Diana, please let me explain.”Tinulak siya ni Diana nang galit, may hinanakit sa mga mata niya. Naluluha pa nga siya.Ang maganda sana nilang sandali ay nasira pa. Litong-lito na si Diana kung ano ang nangyayari kay Benjamin.Simula kasi nang lagi nitong nakikita si Celestine ay palagi. nang natingin si Benjamin sa kanya. Binitiwan niya si Diana nang makita si Celestine na pumasok.Alam niya na madalas, ang mga kilos na hindi sin
Nang makita niyang hindi ito alam, agad na kinuha ni Sean ang kanyang cellphone.Maaga pa lang ay nakita na niya ito at agad na nag-screenshot para kapag nagkita silang dalawa ni Benjamin ay agad niya iyong mapakita.Kaya binasa niya ito nang malakas kay Benjamin "Bumisita sina Eduard Villaroman at ang kanyang ama sa pamilya Yllana, pinaghihinalaang matagal nang divorced sina Benjamin Peters at Celestine Yllana."Kumunot ang noo ni Benjamin at bumagsak ang tingin niya kay Sean.Umubo si Sean at ipinagpatuloy ang pagbasa ng susunod na balita, "Bumisita sina Eduard Villaroman at Henry Villaroman sa pamilya Yllana dahil nalalapit na ang petsa ng kasal nilang dalawa!”Nang sabihin niya ito, medyo nag-alinlangan si Sean.Masasabi talagang napakabold ng media na ito sa kanilang mga sinusulat. Magsisimula sa isang picture, tapos ang natitira ay imbento na lang? Paano nila masasabing malapit na ang kasal?Tiningnan niya si Benjamin nang palihim. Madilim ang ilaw sa loob ng private bar, at ang
Malamig na napasinghal si Lola Belen at sinermonan si Benjamin, "Mukha talagang nalilito ka na! Wala ka na sa sarili mo, ‘no?" Kumunot ang noo ni Benjamin, halatang medyo galit na siya sa sitwasyon, "Grandma, pwede ba huwag ka nang makialam sa mga bagay na inaayos namin? Hayaan niyo na lang po kami. Kaya naman po namin iyon." "Ito ay tungkol sa reputasyon ng pamilya Peters, kaya kailangan kong makialam! Naiintindihan mo ba iyon?" Hindi umurong si Lola Belen kahit na nakiusap na si Benjamin sa kanya. Nagkatensyon sila sa gitna ng stage.At ang masaklap pa, si Lola Belen mismo ang nakaharang sa harap ni Benjamin, dahilan para lalo siyang mabuwisit. Tumingin si Lola Belen sa lahat ng mga tao at seryosong sinabi, "Maraming salamat sa inyong pag-aalala sa mga usapin ng apo kong si Benjamin at asawa niyang si Celestine. Sana ay maintindihan niyo kami.""Aaminin ko sa inyo ngayon, sa inyong lahat na hindi pa annulled o divorced sina Benjamin at Ce
Biglang hinawakan ni Diana ang kamay ni Benjamin. Sinulyapan niya ang gilid ng mukha ni Benjamin, umaasang sasabihin nito sa reporter na oo, hiwalay na sila ni Celestine at sila na ni Diana ang ikakasal very soon. Napansin ng reporter ang kilos ni Diana at agad na inilapit ang camera sa kanya. Akala ni Celestine na sa pagkakita sa dalawa na ganyan ang kilos, hindi na siya maaapektuhan. Pero sa sandaling iyon, may kaunting galit pa rin pala sa kanyang puso na hindi matanggal-tanggal. Ang dahilan ng kanyang galit ay hindi ba't pareho nilang itinago ito sa ibang tao? Isa itong press conference, at naka-livestream pa sa buong bansa. Nakakahiya sa lahat ng makakakita. Kung makita ito ng mga magulang at Lolo Manuel at Lola Celia niya, siguradong magagalit na naman sila at kung anu-ano na naman ang sasabihin nila kay Celestine. "Si Celestine at ako ay talaga namang..." Hindi pa tapos si Benjamin sa pa
Pakiramdam ni Danica ay nawawalan na siya ng hininga.Parang lumilihis na ng landas ang mga pangyayari sa harapan niya. Kagabi ay nag-aalala si Mr. Peters tungkol kay Dr. Yllana at pinuntahan pa siya sa gabi.Bakit ngayong tungkol kay Diana ang usapan, agad-agad niyang hinarap si Dr. Yllana? Hindi man lang niya tinanong kung ano ang nangyari, basta na lang siya sinisi.Ibinaba ni Celestine ang kanyang ulo, naupo sa silya at napabuntong-hininga.“Dr. Yllana…” tawag ni Danica kay Celestine.Tumingala si Celestine, “Ha? Bakit?”“Hindi mo narinig ang tanong ko. Sabi ko, ayos ka lang ba?” may pag-aalalang tanong ni Danica.Napa-nguso si Celestine, ano bang masama ang pwedeng mangyari sa kanya? Tiningnan niya ang sarili. Okay naman siya.Hindi na ito ang una o pangalawang beses na siya’y hindi nauunawaan ni Benjamin, matagal na siyang manhid sa mga ganito. Hindi na iyon bago sa kanya.Dumating si Dr. Feliciano ng huli, tinawag siya, “Dr. Yllana.”Tiningnan siya ni Celestine, at nagtanong si
Pakiramdam ni Danica ay nawawalan na siya ng hininga.Parang lumilihis na ng landas ang mga pangyayari sa harapan niya. Kagabi ay nag-aalala si Mr. Peters tungkol kay Dr. Yllana at pinuntahan pa siya sa gabi.Bakit ngayong tungkol kay Diana ang usapan, agad-agad niyang hinarap si Dr. Yllana? Hindi man lang niya tinanong kung ano ang nangyari, basta na lang siya sinisi.Ibinaba ni Celestine ang kanyang ulo, naupo sa silya at napabuntong-hininga.“Dr. Yllana…” tawag ni Danica kay Celestine.Tumingala si Celestine, “Ha? Bakit?”“Hindi mo narinig ang tanong ko. Sabi ko, ayos ka lang ba?” may pag-aalalang tanong ni Danica.Napa-nguso si Celestine, ano bang masama ang pwedeng mangyari sa kanya? Tiningnan niya ang sarili. Okay naman siya.Hindi na ito ang una o pangalawang beses na siya’y hindi nauunawaan ni Benjamin, matagal na siyang manhid sa mga ganito. Hindi na iyon bago sa kanya.Dumating si Dr. Feliciano ng huli, tinawag siya, “Dr. Yllana.”Tiningnan siya ni Celestine, at nagtanong si
Hinawakan ni Celestine ang braso ni Diana gamit ang likod ng kanyang kamay at itinulak siya pabalik. Nakakunot ang noo ni Celestine, at may mabigat na ekspresyon sa kanyang magandang mukha habang sumigaw, “Tama na!” Agad na natahimik ang buong departament.Hindi sinasadyang natumba si Diana sa sahig, namula ang buong mukha niya, at dalawang butones ng kanyang blouse ang napigtas. Itinaas niya ang ulo at tiningnan si Celestine, biglang tumulo ang kanyang mga luha. “Celestine, kinakaya-kaya mo na lang ako?”“Bakit, masama bang saktan ka? Hindi ba dapat lang? Palengkera ka kasi!” malamig na sabi ni Celestine habang nakasigaw pa rin.Itinuro siya ni Diana, habol-hininga at umiiyak. Kinuha niya ang kanyang cellphone at agad na tinawagan si Benjamin at umiiyak, “Benj, sinaktan ako ni Celestine, bilisan mo! Pumunta ka rito! Baka mamaya ay patayin niya na ako eh!”May pag-aalalang sumagot si Benjamin, “Ha? Ikaw? Papatayin ni Celestine?”Nainis pa si Diana dahil parang hindi naman naniwala s
Sa Cardiac Surgery Department..Pagkabukas na pagkabukas ni Celestine ng pintuan ng kanyang opisina, agad niyang narinig si Dr. Feliciano na nagrereklamo, "Nakakahiya talaga ang pamilya Valdez ngayon. Maaga pa lang sinabi na nila sa media na magpapadala sila ng snow lotus grass, pero peke naman pala ang pinadala! Ginawa nilang tanga si Mrs. Belen Peters!"Tumango ang isa pang doktor, "Oo nga, parang sila pa mismo ang bumaril sa sarili nila. Sila ang tanga.""Uy, Dr. Yllana!" Kumaway si Dr. Feliciano kay Celestine, "Ayos ka na ba? Nakalabas ka na pala ng ospital.”Tumango si Celestine at hindi na nagsalita pa.Sumunod si Dr. Feliciano at nagtanong habang nanlalaki ang mga mata, "Dr. Yllana, paano mo nga pala nakuha ang snow lotus grass?"Binuksan ni Celestine ang kanyang bibig, pero paano niya sasagutin ang tanong na iyon?Sasabihin ba niyang isa siyang boss ng base na kahit anong gusto niya ay nakukuha niya? Hindi naman pwede siguro iyon?Habang nag-iisip pa si Celestine ng isasagot,
Palabas na sana siya ng kanyang cellphone, pero napansin niyang nagbabasa rin si Celestine ng balita sa kanyang cellphone. Agad niyang inagaw ang cellphone ni Celestine at itinuro ang nilalaman nito, "Hindi ba't ikaw ang may gawa nito? Aminin mo na kasi!” "Celestine, napaka-despicable mo! Gaano katagal na ba mula nang nangyari ang insidente sa snow lotus grass? Bakit mo ito muling binuhay? Dahil ba gusto ka nang hiwalayan ni Benjamin kaya gusto mong gumanti sa pamilya Valdez? Ganoon ba?” Tiningnan ni Celestine si Diana at naunawaan kung bakit ganoon na lang ang galit niya ngayon. Lumabas na siya pala ang pinaghihinalaan ni Diana na nagpakalat ng issue tungkol sa snow lotus grass. Tumayo si Celestine noong mga oras na iyon at akmang itutulak na naman siya ni Diana pagkatayo niya. Inalis ni Celestine ang kamay ni Diana, kaya napaatras ito ng dalawang hakbang. Nakapagkunot-noo si Diana habang tinititigan si Celestine. Maayos na inayos ni Celestine ang kanyang damit, isinuk
“Para ba sa iyo ay nakakadiri akong babae?!” galit na sambit ni Celestine habang nakangiwi ang mga ngipin. Kung ang nakaraang segundo ay puno pa ng lambing, sa susunod na segundo’y pawang kalupitan na lamang ang natira para sa kanya. Hinawakan ni Benjamin ang kanyang damit, ngumisi siya, nakakadiri? Kailan niya sinabi iyon? Ang ganitong klase ng pakikitungo ay bagay na bagay sa kanyang mayabang at dominanteng ugali! “Puntahan mo na si Diana, pakasalan mo siya. Sana’y maging masaya kayo! Wala nang pipigil sa inyo!” Kinuha ni Celestine ang mansanas sa tabi ng kama at inihagis ito kay Benjamin, “Lumayas ka! Hindi kita kailangan dito!” Pakiramdam niya ay malas kung manatili pa ito ng isang segundo sa loob ng kwarto niya! Nandoon nga si Diana, pero nandoon din naman siya, hindi ba? Buhay na buhay! Sinabi pa ni Benjamin na iba siya kay Diana. Oo nga naman, magkaibang-magkaiba sila. Si Celestine ay mas marangal at mas mataas kaysa kay Diana nang maraming ulit! Nawalan ng pasensya si
Mahigpit na hawak ni Celestine ang kanyang cellphone, kinukumpirma ang hinala sa kanyang isipan.Nag-panic si Benjamin dahil hindi niya agad nakita si Celestine sa kwarto nito.Nagkakagusto na ba siya kay Celestine kaya ganoon ang reaksyon ni Benjamin?"Makakalabas ka na ba bukas sa ospital?" tanong niya bigla.Pinatay ni Celestine ang kanyang cellphone, at nang siya’y tumingin pataas, hawak ni Benjamin ang hair dryer at pinatutuyo ang kanyang buhok.Tumango si Celestine, "Oo. Bukas na nga.""Hindi ka na kailangang sunduin pa ni Eduard sa ospital, ako na ang maghahatid sa’yo pauwi. Basta, hintayin mo ako rito bukas." Habang sinasabi niya iyon, patuloy siyang nagpapatuyo ng buhok.Isinuksok ni Celestine ang sarili sa kumot at nag-mutter siya, "Huwag mo na akong alalahanin, Benjamin. Kaya ko naman na ang sarili ko.”"Ha?” Napangisi siya, kinamot ang buhok gamit ang dulo ng daliri, at isinara ang hair dryer.Itinapon niya ito sa cabinet, tapos tumingin kay Celestine, "Kung ayaw mong maka