Si Benjamin ay nakasuot ng gray suit at mukhang masaya.
Pero nang makita niya si Celestine, agad na bumagsak ang kanyang matalim na kilay.Tiningnan niya si Eduard pagkatapos ay muling tumingin kay Eduard na nakatayo sa likod ni Celestine, hawak ang mga kamay ni Celestine na may napakalalim na ekspresyon sa kanyang mukha.Huminga nang malalim si Diana; hindi niya inasahang makikita muli sina Celestine at Eduard roon sa golf course.Ang gusto lang naman niya ay makasama si Benjamin nang silang dalawa lang! Pero ngayon ay nakaramdam na siya ng inis dahil pilit na pinagkikita ng universe ‘yong dalawa.Binitiwan ni Eduard ang kamay ni Celestine, umatras ng dalawang hakbang, at tumayo sa tabi ng babae."Ang galing nga naman ng pagkakataon," unang nagsalita si Benjamin, may halong panunuya ang kanyang tono.Tinitigan siya ni Celestine at tinanggap ang kanyang pang-uuyam. "Oo nga, ang galingHalos kasing lamig ng yelo ang atmosphere roon at dali-daling nagsalita si Diana, "Benj, bakit kayo laging nag-aaway ni Celestine kapag nagkikita kayo?"Ibinaba ni Benjamin ang kanyang tingin, madilim ang ekspresyon sa mukha.Napilitan si Diana na ngumiti at nagpatuloy, "Sabi ng mga tao, ang mag-asawa kahit isang araw lang sa isang daang araw ay dapat may pagpapahalaga sa isa't isa . Alam naman natin na hindi mo na siya mahal pero si Celestine ay isang babae pa rin... Hindi mo ba siya kayang pagbigyan?"Ayaw nang makinig ni Celestine kay Diana noong mga oras na iyon.Kung gusto niyang kumbinsihin si Benjamin, dapat si Benjamin ang kinakausap niya, hindi na niya kailangang apakan pa si Celestine. Ano ang ibig sabihin niya sa “alam naman natin na hindi mo na siya mahal"? Hindi ba niya alam na wala talagang nararamdaman si Benjamin para sa kanya? Kailangan pa ba niyang ipaalala iyon? Nakakainis lang tingnan."Simula't sapul na nagk
"Diana, bakit naman ganoon ang gusto mong laro? Seryoso ka ba sa sinasabi mo?" agad na tanong ni Eduard sa kanya. Tinaas ni Diana ang kanyang mga mata. Masyado bang malaki ang laro na gusto niya? "Oo. Seryoso ako sa sinasabi ko. Masyado bang malaki ang hinihiling kong laro? Hindi ba, kapag mas malaki, mas masaya?” Pinaglaruan ni Diana ang kanyang pulso at ngumiti kay Eduard. Mukha siyang inosente at walang masamang intensyon. Kumunot ang noo ni Eduard at dahan-dahang pinigilan ang kanyang kanang kamao. Bihira siyang magkaroon ng conversation kay Diana sa araw-araw, pero ngayong araw nakita at nakausap niya ito. Ang panganay na dalaga ng pamilya Valdez ay masyadong maraming alam. "Sige." Lumapit si Celestine at tumayo sa tabi ni Diana. "Celestine, hindi mo kailangang lumaban sa kanya ha," Paalala ni Eduard kay Celestine.
“Huwag kang magmadali. Kaya mo iyan,” Pinaalalahanan ni Eduard si Celestine.Tumango si Celestine at ngumiti kay Eduard.“Sige. Salamat. Susubukan ko na lang ulit.”“Sige, nandito lang ako to cheer you,” sagot ni Eduard.Ang ngiting iyon ay parang humila sa puso ni Benjamin.Ngunit agad ding bumalik ang kanyang composure.Kailan pa siya nagsimulang mag-alala tungkol kay Celestine? Wala naman siyang pake rito noon pa.Sa sandaling ito, hindi ba dapat nakatuon ang atensyon niya kay Diana? Mabilis na naipasok ni Diana ang bola, at bawat galaw niya ay malinis at eksakto. Kitang-kita na sanay siyang maglaro ng golf for a long time.Pilit na ibinalik ni Benjamin ang atensyon niya kay Diana at pinalakpakan siya. “Ang galing mo, Diana. Sabi ko naman kasi sa iyo, kaya mo ‘yan. Ikaw pa ba?”“Oo naman. Lalo na kung nandyan ka para i-cheer ako. Lalong lalakas ang loob ko,” sagot naman ni Diana.Kumindat si Diana kay Benjamin at matamis na ngumiti. “Mahal kita, Benj, para sa’yo ito!”Nakatutok si
Nanlaki ang mga mata ni Celestine dahil sa gulat at agad na nagtanong. “Benjamin, ano bang problema mo, ha? Gagawin ko lang naman ang gustong ipagawa sa akin ni Diana. Bakit mo ko kailangang pigilan?!” Nanlilisik ang mga mata ni Celestine sa galit noong mga oras na iyon. "Ikaw pa rin ang nakikilala bilang Mrs. Peters pagkatapos ng lahat. Oo, pwedeng hindi ka na nahihiya, pero ako, marunong pa ako mahiya sa mga tao!" Mariing sabi niya habang kinakagat ang kanyang likod na ngipin. Bukod pa rito, kung makarating ito kay Lola Belen hindi ba’t imposibleng maitago ang kanilang pag-file ng divorce? Kaya’t hindi kailanman papayagan ni Benjamin na mangyari ang ganitong kabaliwan sa harap niya mismo at ng iba pang tao! Hangga’t hindi pa nila nakukuha ang certificate nila bilang divorced individual ay kailangang umakto nang maayos si Celestine para sa kanya! "Ah, ganoon ba? So, ako.. Nahihiya ka sa gagawin ko, samantalang ikaw na labas nang labas ay hindi nakakahiya?” sagot ni Celestine.
Nagulat sina Eduard at Celestine sa nakita. Ano ang ginagawa niya? Binitiwan niya si Diana nang makita niya itong pumasok?"Ah, oo Eduard. Nahanap ko na, tara na." Ngumiti si Celestine at sumunod sa mga hakbang ni Eduard.Napansin ni Diana na wala sa sarili si Benjamin. May takot siyang nararamdaman pero hindi na niya iyon pinansin dahil tinatamad na siyang makipagtalo pa."C’mon Benj,tara na." Tumayo si Diana at lumabas, bakas sa mukha niya ang pagkainis sa nakita niyang reaksyon ni Benjamin.Napansin ni Benjamin ang nararamdaman ni Diana at sumunod siya, "Diana, please let me explain.”Tinulak siya ni Diana nang galit, may hinanakit sa mga mata niya. Naluluha pa nga siya.Ang maganda sana nilang sandali ay nasira pa. Litong-lito na si Diana kung ano ang nangyayari kay Benjamin.Simula kasi nang lagi nitong nakikita si Celestine ay palagi. nang natingin si Benjamin sa kanya. Binitiwan niya si Diana nang makita si Celestine na pumasok.Alam niya na madalas, ang mga kilos na hindi sin
Nang makita niyang hindi ito alam, agad na kinuha ni Sean ang kanyang cellphone.Maaga pa lang ay nakita na niya ito at agad na nag-screenshot para kapag nagkita silang dalawa ni Benjamin ay agad niya iyong mapakita.Kaya binasa niya ito nang malakas kay Benjamin "Bumisita sina Eduard Villaroman at ang kanyang ama sa pamilya Yllana, pinaghihinalaang matagal nang divorced sina Benjamin Peters at Celestine Yllana."Kumunot ang noo ni Benjamin at bumagsak ang tingin niya kay Sean.Umubo si Sean at ipinagpatuloy ang pagbasa ng susunod na balita, "Bumisita sina Eduard Villaroman at Henry Villaroman sa pamilya Yllana dahil nalalapit na ang petsa ng kasal nilang dalawa!”Nang sabihin niya ito, medyo nag-alinlangan si Sean.Masasabi talagang napakabold ng media na ito sa kanilang mga sinusulat. Magsisimula sa isang picture, tapos ang natitira ay imbento na lang? Paano nila masasabing malapit na ang kasal?Tiningnan niya si Benjamin nang palihim. Madilim ang ilaw sa loob ng private bar, at ang
Inis na tumingin si Benjamin kay Sean. Sabay sabi, “Anong engagement ang sinasabi mo dyan? Tumigil ka nga!”"Pare, nang ikasal kasi kayo ni Celestine noon, hindi man lang ako nakatikim ng alak! Kawawa talaga si Celestine eh. Pinakasalan ka niya, pero hindi mo siya kinilala bilang asawa mo, at wala pa rin kayong anak!”Gulong-gulo na si Benjamin. Samantala, si Sean ay daldal nang daldal sa tabi niya, parang isang matandang monghe, kaya lalo siyang nainis. Kinuha ni Benjamin ang kanyang jacket at tumayo para lumabas.Nang mahimasmasan si Sean, agad siyang sumigaw, "Mr. Peters, saan ka pupunta?"Hindi sinagot ni Benjamin ang tanong niya. Lumabas siya ng private bar.Sa loob ng kotse ni Benjamin.Si Veronica ay busy sa pag-aasikaso ng mga balita tungkol kay Celestine sa internet."Mr. Peters, paano natin haharapin ang balita tungkol kina Miss Yllana at Mr. Villaroman?" tanong ni Veronica habang nakaharap kay Benjamin.Hinila ni Benjamin ang kanyang kurbata gamit ang kanyang mga daliri at
Sa tapat ng bahay ng bahay ng mga Yllana.Nagpaalam na si Eduard kay Celestine pero pinigilan siya ng babae.“Mauna na ako, Celestine ha? Good night,” sabi ni Eduard.“Ay, teka lang. May gusto sana akong sabihin sa’yo, Eduard,” sagot ni Celestine.“Ha? Anong gusto mong sabihin?” may pagtatakang sabi ni Eduard."Ah, maraming salamat pala sa araw na ito. Dahil sa iyo, kahit paano ay may natutunan ako sa golf. May kaunti lang akong pagkakamali kanina. Alam mo na, ‘yong hindi ko naipasok ‘yong mga bola kanina,” napayuko pa dahil sa hiya na sagot ni Celestine.“Saka, lalo na ‘yong panggugulo rin ni Benjamin kanina. Hindi ko akalain na mangyayari iyon,” dagdag pa ni Celestine.Sa pintuan ng pamilya Yllana labis na humihingi ng sorry si Celestine.Nakasandal si Eduard sa sasakyan noon, tinaas ang kanyang kilay, at mukhang walang pakialam. "Basta okay ka at masaya, hindi na importante ang ang mga iyon."Ngumiti si Celestine bahagyang nakaarko ang mga kilay, "Basta, salamat sa iyo.""Walang an
"Shiela." Mahinang tinawag ni Celestine si Shiela, ang kanyang boses ay puno ng paghikbi.Marahang hinaplos ni Shiela ang buhok sa tabi ng kanyang tenga at tumango, "Celestine, nandito lang ako para sa iyo. Kung ano man ang dahilan ng pag-iyak mo, sige iiyak mo lang."Hinawakan ni Celestine ang kanyang dibdib, namumula ang kanyang mga mata, at nakaramdam ng hindi maipaliwanag na sakit sa kanyang puso."Maghihiwalay na kami at napagdesisyunan na naming bumitaw sa isa't isa, pero bakit parang ang sakit pa rin? Hindi ba pwedeng madali na lang ang proseso nito?" Bahagyang kunot-noo si Celestine habang hinihintay ang sagot ni Shiela.Nang makita sa isip niyang yakap-yakap ni Diana si Benjamin at naglalambing ito sa kanya, naramdaman niya ang tila alon ng sakit na bumalot sa kanyang katawan. Maiintindihan pa rin kaya siya ni Shiela kung iyon ang iniiyak niya?"Celestine, kailangan mo lang ng oras para tanggapin ang lahat. Na hindi na talaga kayo para sa isa’t isa. Hindi madali ang proseso p
Naroon at biglang lumingon ang lalaki at nakita siya.Nagningning ang kanilang mga mata.Malinaw na nakita ni Celestine na tumatakbo papalapit sa kanya ang lalaki."Celestine, what a coincidence. Nakita kita rito. Mag isa ka lang ba?" tanong ni Sean sa masiglang tono habang lumilinga-linga.Pinagdikit ni Chu Mian ang kanyang mga labi, bahagyang walang magawa. Kahit na saan siya magpunta o kahit sumasayaw lang siya, nakakatagpo pa rin siya ng kakilala na ayaw naman niyang makita. Talagang maliit lang ang Nueva Ecija."Kasama ko si Shiela." Itinuro ni Celestine ang babae sa isang booth sa gilid.Tumingin si Sean sa booth at nakita si Shiela na nakayuko habang nakatutok sa kanyang cellphone, mukhang payat pero maganda. Kahit marami pang tao sa bar, sapat na siya para maakit ang pansin ng iba sa isang tingin.Ang ugali ni Shiela ay talagang kakaiba, isang bagay na hindi madaling gayahin ng iba. Kaya niya nga naging kaibigan si Celestine.Itinaas ni Sean ang kanyang kilay at bahagyang nags
Unti-unting lumayo ang itim na Ferrari.Si Celestine ay nakaupo sa passenger’s seat at nakatingin lang sa harapan, hindi maipaliwanag ang lungkot na nadarama.Nagawa talagang baguhin ni Diana ang sitwasyon, kanina ay siya ang talunan pero sa huli ay naging mabuti pa rin si Benjamin sa kanya.Sa isip-isip niya, baka ito na ang panahon kung kailan ipapakilala na ng tuluyan ni Diana si Benjamin sa kanyang pamilya. Siguro ay doon na rin talaga papunta ang relasyon nila.Hindi niya mapigilang maalala ang panahon kung kailan bagong kasal pa lang sila ni Benjamin.Gusto rin niyang dalhin si Benjamin sa kanilang bahay, gusto niyang sabihin sa kanyang ama na tama ang naging desisyon niya, at gusto niyang mapanatag ang loob nito.Pero ipinagpaliban niya ito nang paulit-ulit, hanggang sa ngayon, ang bilang ng beses na nakita ng kanyang ama si Benjamin ay mabibilang lang sa daliri.O pag-ibig nga naman, kung minsan ay hindi malinaw ang mga sagot nang bagay-bagay.Kinuha ni Celestine ang kanyang c
Tatlong beses nang tumawag si Diana kay Benjamin pero hindi niya ito sinagot dahil sa sobrang busy.Ilang minuto pa ay biglang nag-ring ang cellphone ni Veronica. Iyon pala, si Diana ang tumatawag sa kanya.Agad naman niya iyong sinagot at nilagay ang cellphone sa bandang tainga.“Hello, Veronica. Where is Benjamin? Kailangan ko siyang makausap!” sigaw ni Diana sa kabilang linya.Tinakpan ni Veronica ang kanyang tainga dahil sa sigaw na narinig niya.“Miss Diana, sobrang busy po ni Mr. Peters ngayon. Baka po hindi niya na kayo makausap. Pasensya -” hindi natapos ni Veronica ang kanyang sasabihin dahil sumagot agad si Diana sa kanya.“No! I want to talk to Benj! Give it to him!” sigaw ni Diana ulit.“Miss Diana, hindi nga po pwede-” natigilan na naman si Veronica sa kanyang pagsasalita dahil napansin ni Benjamin ang pagbulong ng kanyang secretary sa cellphone nito.“Veronica, sino iyan? Bakit bumubulong ka?” tanong ni Benjamin, labis ang kanyang pagtataka.“Mr. Peters, si Miss Diana po
Agad na lumayo si Celestine sa lahat para tawagan si Shiela. Aalamin niya kung bakit nagawa iyon ng kanyang kaibigan at kung may iba pa ba itong plano kay Diana.Sinagot naman ni Shiela ang tawag “Yes? Nakita mo na ba ang kinalat kong picture? Sige, sabihin mo sa akin kung ano ang reaksyon ng babaeng iyon sa ginawa ko. I want to hear it!”Napailing na lang si Celestine sa narinig. Yes, she is thankful sa pagtulong ng kaibigan niya sa kanya pero may guilt pa rin siyang nararamdaman.“Satisfied naman ako sa pagkabalisa niya, pero kailangan ba talagang umabot sa ganito, Shiela? Na gagamit tayo ng iba para lang makaganti sa kanya? Hindi ba masyadong komplikado ‘yon?”“Hey, ikaw ba talaga ang kaibigan kong si Celestine o nasapian ka na ng masamang espiritu? Alam mo, bagay lang sa kanya iyon. Kulang pa nga eh. Iisip pa ko ng igaganti natin sa kanya!”“Ikaw ang bahala. Ang akin lang naman, ayaw kong madamay ka pa rito. Kaya ko naman si Diana kahit ako lang ang umaway sa kanya,” may pag-aalal
Nakita ni Celestine ang picture na kinunan ni Shiela sa restaurant. It was posted online at viral na ito.Iyon pala ang sinasabi ni Shiela sa kanya na purpose kaya niya pinapunta si Gilbert sa ospital.“Thank you, Danica. Ito na phone mo,” iyon na lang ang nasabi ni Celestine dahil sa gulat.Habang naglalakad ay naririnig niya ang bawat komento ng mga ilang doktor at nurses na naroon. Pati nga ang mga pasyente ay may komento na rin.“Akala ko ba ay si Mr. Benjamin Peters ang gusto niya? Bakit iba naman ang kasama niya rito sa picture?”“Oo nga eh, sweet na sweet pa sila. Alam na kaya ‘to ni Mr. Peters?” “Siguro. Kalat na kalat na eh. ‘Yong niloko, niloko na rin. Hay, ano ba namang pag-ibig ‘yan. Kung minsan ay nakakaloka eh.”Samantala, sa kwarto kung nasaan si Diana ay nagkatinginan ang nurse at si Gilbert pagkatapos nilang makita ang viral photo sa social media.Agad na
Kinaumagahan, expected na ni Celestine na naroon si Benjamin sa ospital at binabantayan si Diana dahil sa allergy na nakuha niya.Pero laking gulat niya at pagtataka nang marinig niya ang kwentuhan ng mga nurse sa kanilang station.“Oo, akala ko talaga naroon si Mr. Peters sa kwarto ni Diana. Pero, wala! ‘Di ba, noong naospital din ito ay naroon siya? Pero ngayon, wala eh.”“Bakit kaya? Naku, feeling ko ay may tampuhan sila. Ganun ‘yan, ‘di ba? Hindi mo lang naman sisiputin ang karelasyon mo kapag may tampuhan kayo,” sagot ni Danica.“Ang sabihin mo, si Ms. Yllana naman ang kasama ni Mr. Peters kagabi kaya hindi niya naalagaan si Ms. Valdez. Kasi naman si Mr. Peters, dalawa ang karelasyon. Hindi pumili ng isa lang!”Agad na pinatahimik ni Danica ang isa sa mga nurses dahil nangangamba siyang baka marinig sila ni Celestine pero ang hindi nila alam ay huli na sila. Narinig na ni Celestine ang tsismisa
Ilang minuto pa pagkatapos kumagat ni Diana sa sandwich ay bigla na lang siyang hindi makahinga. Tuens out, she’s allergic to it kaya pala tawa nang tawa si Shiela nang makita iyon. Nagulat si Celestine at muntik pa niya itong tulungan, pinigilan lang siya ni Shiela kaya natigil iyon. “Hey, alam mo ba ang tungkol dito? I mean, that she's allergic to peanuts?” tanong ni Celestine ng may pag-aalala kay Diana. “Yeah, alam ko. At noong may pagkakataon ako para makaganti, iyan ang naisip ko. I'm so brilliant, right?” natatawa pa ring sagot ni Shiela. Agad na lumapit ang staff ng restaurant para tumulong. May iba naman na gusto lang makiusyoso sa nangyayari. Nakita pa nilang tumayo ang kaibigan ni Diana na si Janette para lapitan ang lalaking nagbigay sa kanya ng sandwich at drink. Inaway pa iyon ni Janette. “Are you crazy? Hindi ka man lang nag-research about Diana befo
Kinabukasan..Pauwi na si Celestine sa bahay nila nang biglang tumawag sa kanya si Shiela. Pagkasagot na pagkasagot pa lang ng tawag ay ramdam na agad ni Celestine ang inis na nararamdaman ng kanyang kaibigan.“Girl, nasaan ka? Nasa Macabuhay Medical Hospital ka pa ba? Susunduin kita. May nakita akong hindi dapat makita rito sa restaurant na kinakainan ko ngayon.”Agad na kumunot ang noo ni Celestine dahil sa sinabi ni Shiela.“Sino? ‘Yong kalaban mo sa isang role na gusto mong mapasa iyo kamakailan?” tanong ni Celestine, clueless pa rin kung sino ang tinutukoy ni Shiela.“Hindi! Pero sa nararamdaman ko ngayon, parang gusto ko siyang sabunutan katulad nang pagsabunot ko sa isa sa mga kontrabida sa isang TV show ko!”Hindi pinansin ni Celestine ang sinabi ni Shiela, “Kung sino man iyan, kaya mo na siyang harapin mag-isa. Sige na, ibababa ko na ang tawag dahil uuwi na ako.”Agad na pinigilan ni Shiela si Celestine.“Oh, no. Hindi pwede! Ipapasundo kita sa driver ko. Kailangan ay gumanti