Share

Chapter 39

Penulis: Athengstersxx
last update Terakhir Diperbarui: 2025-03-01 12:51:51

Sinabi ng matandang ginang, "Aba, ibig sabihin ay may space na kayo para ilagay ang wedding photo niyo rito. Ipa-frame niyo tapos ilagay niyo riyan. Sigurado akong mas gaganda ang bahay niyo.”

Ngumiti si Celestine "Sige, kapag may oras po kami, gagawin po namin ‘yan.”

Pagkatapos noon, umupo siya para kumain.

"Lola, huwag ka na pong madalas pumunta rito in the future ha? Kung nami-miss mo ako, tawagan mo na lang ako at ako na po ang pupunta sa'yo. Lalo na kapag wala po akong ginagawa.”

Pagkasabi noon ay ngumiti siya.

Para maiwasan ang nangyari ngayon, kinailangan na siya ang bumisita sa matanda.

Bukod pa rito, lahat ng may kinalaman sa kanya ay inalis na mula sa mansion na ito. Matalino si Lola Belen kahit matanda na, kung patuloy itong pupunta roon ay siguradong malalaman niya rin ang totoo balang araw.

"Busy naman kasi kayong lahat. Kaya, hayaan niyo na lang akong pumunta kahit saan ko gusto. Isa pa, mag-iingat naman ako. Huwag kayong mag-alala sa akin.”

Tumingin si Celestine kay Be
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terkait

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 40

    Nararamdaman niyang pumayag na lang si Benjamin sa iniisip na isa siyang tuso at kasuklam-suklam na babae.Galit at hinanakit ang bumalot sa puso ni Celestine ng mga oras na iyon.Kahit pa wala na siyang pakialam sa tingin sa kanya ni Benjamin, ang paulit-ulit nitong pagtatanong ay nakakasira pa rin sa kanyang dignidad.Bahagyang ngumiti si Celestine, may pait sa kanyang tinig, "Dahil napakababa ng tingin mo sa akin, bakit hindi mo na lang sabihin kay lola na hiwalay na tayo? Para matapos na ang mga problema natin.""Subukan mo lang!" Sumigaw si Benjamin pagkatapos ay lumapit kay Celestine.Mula sa kilos ng matanda kanina, halata kung gaano niya pinahahalagahan ang pagsasama noong dalawa.Kung sasabihin nila ngayon na maghihiwalay sila, hindi ba't para na rin nilang sinadya na pahirapan ang matanda? Mahirap na, baka kung ano pa ang mangyari kay Lola Belen.Bago ang birthday ni

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-01
  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 41

    Nang bumalik si Celestine sa bahay, nakaupo ang buong pamilya sa sofa na naghihintay sa kanya.Tumayo si Celestine sa harapan nila nang maayos at tahimik na naghintay ng sasabihin."Lolo, hindi naman effective ang necklace na ito..." Tahimik niyang inilapag ang necklace sa mesa.Nagulat ang matanda. Paano nangyari iyon? Gumastos siya ng malaki para ipa-bless ang necklace na iyon tapos walang bisa?Nang marinig ito ni Manuel, alam niyang hindi nagtagumpay ang proseso ng divorce ni Celestine. Iniangat niya ang kanyang mga binti at umakyat sa itaas, punong-puno ng galit ang kanyang puso.Naiiyak si Celestine, "Lola..."Gusto rin niyang makipaghiwalay na pero may hindi inaasahang nangyari."Ay! Sabi ko na nga ba, siguradong nagdalawang-isip siya kung itutuloy niya iyon!" Napailing si Bekkah  hinila si Jolo paakyat habang sinasabing."Pag-aralan natin ito, o kumuha ulit ng isa? Baka may mali lang!

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-01
  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 42

    Hindi kailanman nagsalita nang malakas si Jolo sa kanya, pero ngayon ay puno ito ng paninindigan.Mukhang nainis si Jolo dahil hindi natuloy ang processing ng divorce nila Celestine kaya gagawa na lang ito ng paraan para matulungan ang kanyang kapatid.“Kuya, pwede bang hindi ako pumunta? Pangako ko sa iyo, magpa-file talaga kami ni Benjamin ng divorce.” Ibinaba ni Celestine ang kanyang tono.Alam niya na kung hindi sumagot si Jo, ang ibig sabihin nito ay hindi siya pumapayag.“Kuya, alam mo naman.. Mahirap na, baka magalit sa akin si Benjamin kapag nalaman niyang gagawin ko iyan. Kahit paano naman siguro ay may pake siya sa akin, ‘di ba?" Tanong ni Celestine na may lungkot sa kanyang mukha.“Wala siyang pakialam simula noong pinili niya ang Diana na iyon, wala na dapat siyang pakialam sa iyo!” Sagot ni Jolo nang buong tapang.Napangiti nang pilit si Celestine. Sa isip-isip niya, pwede kayang katulad

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-02
  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 43

    Itinaas ni Benjamin ang kanyang mga mata pagkatapos ay niyakap ni Diana ang kanyang braso at seryosong sinabi, "I know that this time, kailangan kong gawin ang lahat para matanggap na ako ni Lola Belen, ng lahat ng family members mo.”Nakaramdam din ng awa si Benjamin para kay Diana. Wala siyang ginawang mali, ngunit dahil kay Celestine, hindi siya tinanggap ng pamilya Peters."Bihira ang snow lotus grass. Saan kayo maghahanap noon?" may pag-aalalang sabi ni Benjamin."Oo, kaya lahat sa pamilya Valdez ay ginagawa ang lahat para hanapin ito,” sagot ni Diana, puno ng pag-asa ang kanyang mga mata.Tumingin si Diana kay Benjamin, hinaplos niya ang pisngi nito gamit ang kanyang mga daliri at malumanay na sinabi, "Benj, sa loob ng tatlong taon, tiniis ko ang maraming pangungutya dahil mahal kita. Talagang umaasa akong magiging asawa mo ako ngayong taon."Tiningnan ni Benjamin ang kanyang mga mata at tumango. "Sige."

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-02
  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 44

    Kinabukasan ng gabi.Sa Polaris Restaurant, dumating si Celestine sa lugar ng kanyang blind date ayon sa napag-usapan.Nakatayo si Celestine sa harap ng bintana na nakapulupot ang mga braso, pinagmamasdan ang tanawin. Naka-puting short skirt siya na may one-shoulder na disenyo, na nagbigay sa kanya ng napaka-sexy na aura."Miss Yllana?" Isang boses ng lalaki ang nagmula sa likod niya.Ang boses na ito ay pamilyar.Lumingon si Celestine, at nang makita niya ang lalaki, napuno ng gulat ang kanyang mga mata."Mr. Villaroman?" Nanlaki ang mata ni Celestine sa pagkabigla.Ang kanyang blind date pala ay si Eduard Villaroman?Kaya pala sobrang saya ng kanyang Kuya Jolo nang marinig nitong nailigtas niya si Mr. Villaroman noong gabing iyon.Tinitigan siya ng lalaki at marahang ngumiti, ang kanyang mga mata at kilay ay napakaganda. Mahinahon. Payapa."Ak

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-02
  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 45

    "Ano ang ginagawa mo rito?" tanong ni Diana kay Eduard.Tumingin si Eduard kay Benjamin at pagkatapos ay tumingin din kay Celestine.Para bang tinatanong niya si Celestine kung okay lang bang sabihin sa dalawa kung bakit sila nasa Polaris Restaurant.Lubos na na-appreciate ni Celestine ang pag-aalalang iyon ni Eduard para sa nararamdaman niya, kaya tumango siya.Tinitigan ni Benjamin ang palitan ng tingin ng dalawa at nakaramdam ng inis sa kanyang puso. Parang gusto niyang suntukin si Eduard nooon pero hindi niya magawa.Makalipas ang ilang sandali, sinabi ni Eduard,”Ah, nakipag blind date ako with Miss Yllana.”Agad na tumingin si Benjamin kay Eduard, lumamig ang kanyang tingin, at inulit ang sinabi nito, "Nakipag blind date ka with Celestine?”Uminom si Celestine ng isang lagok ng red wine at hindi tumingin kay Benjamin. Pero naramdaman niya ang mainit na titig na bumagsak sa kanya."Kayo? Nag blind date?" Mul

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-03
  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 46

    Narinig ito ni Celestine at tiningnan ang madilim na mukha ni Benjamin, at bigla siyang natuwa.Inangat niya ang gilid ng kanyang labi at biglang lumapit kay Eduard, sabay yakap sa braso nito.Itinaas ni Celestine ang kanyang mukha at ngumiti kay Eduard. Ang kanyang mga mata na maganda ay kumikislap ng maliliit na ilaw, at para siyang isang kaakit-akit na na diwata. Tinanong niya, Mr. Villaroman, dahil sinabi ni Miss Valdez na bagay tayo, pwede ba nating subukang mag-date?"Pinikit ni Eduard ang kanyang mga mata at tiningnan sina Benjamin at Diana.Hindi na pwedeng maging mas madilim pa ang mukha ni Benjamin noong mga oras na iyon.Mukhang naintindihan naman ni Eduard ang ibig sabihin ni Celestine sa sinabi nito.Kung ganoon, sasabayan niya lang ang laro na sinimulan ni Celestine.Iniunat ni Eduard ang kanyang kamay para yakapin ang payat na baywang ni Celestine at hinila siya papalapit

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-03
  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 47

    Nang naghihintay si Benjamin sa elevator sa hindi kalayuan, ay nasaksihan niya ang buong eksena. Ang dalawa ay nag-uusap at nagtatawanan, tila naglalambingan pa nga."You know what? I'm happy for Celestine, finally. She found the love of her life," ani Diana na may ngiti sa labi.Narinig ni Benjamin ang sinabi ni Diana kaya mas lalong lumamig ang kanyang tingin. Love of her life? Agad niyang iniwas ang paningin at pumasok na lang sa elevator nang walang ekspresyon, halatang hindi natutuwa.Napansin ni Diana ang pagbabago sa  aura ni Benjamin. Pakiramdam niya ay hindi maganda ang timpla nito, may di maipaliwanag na bigat sa kanyang presensya na nagpatahimik kay Diana. Simula noong gusto na ni Benjamin na mag-file ng divorce kay Celestine, palagi na siyang nagiging maagagalitin tuwing may kinalaman ang mga bagay kay Celestine. Hindi ito nagbigay ng magandang pakiramdam kay Diana. Feeling niya ay may mas malalim pang dahilan kung

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-03

Bab terbaru

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 194

    "Shiela." Mahinang tinawag ni Celestine si Shiela, ang kanyang boses ay puno ng paghikbi.Marahang hinaplos ni Shiela ang buhok sa tabi ng kanyang tenga at tumango, "Celestine, nandito lang ako para sa iyo. Kung ano man ang dahilan ng pag-iyak mo, sige iiyak mo lang."Hinawakan ni Celestine ang kanyang dibdib, namumula ang kanyang mga mata, at nakaramdam ng hindi maipaliwanag na sakit sa kanyang puso."Maghihiwalay na kami at napagdesisyunan na naming bumitaw sa isa't isa, pero bakit parang ang sakit pa rin? Hindi ba pwedeng madali na lang ang proseso nito?" Bahagyang kunot-noo si Celestine habang hinihintay ang sagot ni Shiela.Nang makita sa isip niyang yakap-yakap ni Diana si Benjamin at naglalambing ito sa kanya, naramdaman niya ang tila alon ng sakit na bumalot sa kanyang katawan. Maiintindihan pa rin kaya siya ni Shiela kung iyon ang iniiyak niya?"Celestine, kailangan mo lang ng oras para tanggapin ang lahat. Na hindi na talaga kayo para sa isa’t isa. Hindi madali ang proseso p

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 193

    Naroon at biglang lumingon ang lalaki at nakita siya.Nagningning ang kanilang mga mata.Malinaw na nakita ni Celestine na tumatakbo papalapit sa kanya ang lalaki."Celestine, what a coincidence. Nakita kita rito. Mag isa ka lang ba?" tanong ni Sean sa masiglang tono habang lumilinga-linga.Pinagdikit ni Chu Mian ang kanyang mga labi, bahagyang walang magawa. Kahit na saan siya magpunta o kahit sumasayaw lang siya, nakakatagpo pa rin siya ng kakilala na ayaw naman niyang makita. Talagang maliit lang ang Nueva Ecija."Kasama ko si Shiela." Itinuro ni Celestine ang babae sa isang booth sa gilid.Tumingin si Sean sa booth at nakita si Shiela na nakayuko habang nakatutok sa kanyang cellphone, mukhang payat pero maganda. Kahit marami pang tao sa bar, sapat na siya para maakit ang pansin ng iba sa isang tingin.Ang ugali ni Shiela ay talagang kakaiba, isang bagay na hindi madaling gayahin ng iba. Kaya niya nga naging kaibigan si Celestine.Itinaas ni Sean ang kanyang kilay at bahagyang nags

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 192

    Unti-unting lumayo ang itim na Ferrari.Si Celestine ay nakaupo sa passenger’s seat at nakatingin lang sa harapan, hindi maipaliwanag ang lungkot na nadarama.Nagawa talagang baguhin ni Diana ang sitwasyon, kanina ay siya ang talunan pero sa huli ay naging mabuti pa rin si Benjamin sa kanya.Sa isip-isip niya, baka ito na ang panahon kung kailan ipapakilala na ng tuluyan ni Diana si Benjamin sa kanyang pamilya. Siguro ay doon na rin talaga papunta ang relasyon nila.Hindi niya mapigilang maalala ang panahon kung kailan bagong kasal pa lang sila ni Benjamin.Gusto rin niyang dalhin si Benjamin sa kanilang bahay, gusto niyang sabihin sa kanyang ama na tama ang naging desisyon niya, at gusto niyang mapanatag ang loob nito.Pero ipinagpaliban niya ito nang paulit-ulit, hanggang sa ngayon, ang bilang ng beses na nakita ng kanyang ama si Benjamin ay mabibilang lang sa daliri.O pag-ibig nga naman, kung minsan ay hindi malinaw ang mga sagot nang bagay-bagay.Kinuha ni Celestine ang kanyang c

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 191

    Tatlong beses nang tumawag si Diana kay Benjamin pero hindi niya ito sinagot dahil sa sobrang busy.Ilang minuto pa ay biglang nag-ring ang cellphone ni Veronica. Iyon pala, si Diana ang tumatawag sa kanya.Agad naman niya iyong sinagot at nilagay ang cellphone sa bandang tainga.“Hello, Veronica. Where is Benjamin? Kailangan ko siyang makausap!” sigaw ni Diana sa kabilang linya.Tinakpan ni Veronica ang kanyang tainga dahil sa sigaw na narinig niya.“Miss Diana, sobrang busy po ni Mr. Peters ngayon. Baka po hindi niya na kayo makausap. Pasensya -” hindi natapos ni Veronica ang kanyang sasabihin dahil sumagot agad si Diana sa kanya.“No! I want to talk to Benj! Give it to him!” sigaw ni Diana ulit.“Miss Diana, hindi nga po pwede-” natigilan na naman si Veronica sa kanyang pagsasalita dahil napansin ni Benjamin ang pagbulong ng kanyang secretary sa cellphone nito.“Veronica, sino iyan? Bakit bumubulong ka?” tanong ni Benjamin, labis ang kanyang pagtataka.“Mr. Peters, si Miss Diana po

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 190

    Agad na lumayo si Celestine sa lahat para tawagan si Shiela. Aalamin niya kung bakit nagawa iyon ng kanyang kaibigan at kung may iba pa ba itong plano kay Diana.Sinagot naman ni Shiela ang tawag “Yes? Nakita mo na ba ang kinalat kong picture? Sige, sabihin mo sa akin kung ano ang reaksyon ng babaeng iyon sa ginawa ko. I want to hear it!”Napailing na lang si Celestine sa narinig. Yes, she is thankful sa pagtulong ng kaibigan niya sa kanya pero may guilt pa rin siyang nararamdaman.“Satisfied naman ako sa pagkabalisa niya, pero kailangan ba talagang umabot sa ganito, Shiela? Na gagamit tayo ng iba para lang makaganti sa kanya? Hindi ba masyadong komplikado ‘yon?”“Hey, ikaw ba talaga ang kaibigan kong si Celestine o nasapian ka na ng masamang espiritu? Alam mo, bagay lang sa kanya iyon. Kulang pa nga eh. Iisip pa ko ng igaganti natin sa kanya!”“Ikaw ang bahala. Ang akin lang naman, ayaw kong madamay ka pa rito. Kaya ko naman si Diana kahit ako lang ang umaway sa kanya,” may pag-aalal

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 189

    Nakita ni Celestine ang picture na kinunan ni Shiela sa restaurant. It was posted online at viral na ito.Iyon pala ang sinasabi ni Shiela sa kanya na purpose kaya niya pinapunta si Gilbert sa ospital.“Thank you, Danica. Ito na phone mo,” iyon na lang ang nasabi ni Celestine dahil sa gulat.Habang naglalakad ay naririnig niya ang bawat komento ng mga ilang doktor at nurses na naroon. Pati nga ang mga pasyente ay may komento na rin.“Akala ko ba ay si Mr. Benjamin Peters ang gusto niya? Bakit iba naman ang kasama niya rito sa picture?”“Oo nga eh, sweet na sweet pa sila. Alam na kaya ‘to ni Mr. Peters?” “Siguro. Kalat na kalat na eh. ‘Yong niloko, niloko na rin. Hay, ano ba namang pag-ibig ‘yan. Kung minsan ay nakakaloka eh.”Samantala, sa kwarto kung nasaan si Diana ay nagkatinginan ang nurse at si Gilbert pagkatapos nilang makita ang viral photo sa social media.Agad na

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 188

    Kinaumagahan, expected na ni Celestine na naroon si Benjamin sa ospital at binabantayan si Diana dahil sa allergy na nakuha niya.Pero laking gulat niya at pagtataka nang marinig niya ang kwentuhan ng mga nurse sa kanilang station.“Oo, akala ko talaga naroon si Mr. Peters sa kwarto ni Diana. Pero, wala! ‘Di ba, noong naospital din ito ay naroon siya? Pero ngayon, wala eh.”“Bakit kaya? Naku, feeling ko ay may tampuhan sila. Ganun ‘yan, ‘di ba? Hindi mo lang naman sisiputin ang karelasyon mo kapag may tampuhan kayo,” sagot ni Danica.“Ang sabihin mo, si Ms. Yllana naman ang kasama ni Mr. Peters kagabi kaya hindi niya naalagaan si Ms. Valdez. Kasi naman si Mr. Peters, dalawa ang karelasyon. Hindi pumili ng isa lang!”Agad na pinatahimik ni Danica ang isa sa mga nurses dahil nangangamba siyang baka marinig sila ni Celestine pero ang hindi nila alam ay huli na sila. Narinig na ni Celestine ang tsismisa

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 187

    Ilang minuto pa pagkatapos kumagat ni Diana sa sandwich ay bigla na lang siyang hindi makahinga. Tuens out, she’s allergic to it kaya pala tawa nang tawa si Shiela nang makita iyon. Nagulat si Celestine at muntik pa niya itong tulungan, pinigilan lang siya ni Shiela kaya natigil iyon. “Hey, alam mo ba ang tungkol dito? I mean, that she's allergic to peanuts?” tanong ni Celestine ng may pag-aalala kay Diana. “Yeah, alam ko. At noong may pagkakataon ako para makaganti, iyan ang naisip ko. I'm so brilliant, right?” natatawa pa ring sagot ni Shiela. Agad na lumapit ang staff ng restaurant para tumulong. May iba naman na gusto lang makiusyoso sa nangyayari. Nakita pa nilang tumayo ang kaibigan ni Diana na si Janette para lapitan ang lalaking nagbigay sa kanya ng sandwich at drink. Inaway pa iyon ni Janette. “Are you crazy? Hindi ka man lang nag-research about Diana befo

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 186

    Kinabukasan..Pauwi na si Celestine sa bahay nila nang biglang tumawag sa kanya si Shiela. Pagkasagot na pagkasagot pa lang ng tawag ay ramdam na agad ni Celestine ang inis na nararamdaman ng kanyang kaibigan.“Girl, nasaan ka? Nasa Macabuhay Medical Hospital ka pa ba? Susunduin kita. May nakita akong hindi dapat makita rito sa restaurant na kinakainan ko ngayon.”Agad na kumunot ang noo ni Celestine dahil sa sinabi ni Shiela.“Sino? ‘Yong kalaban mo sa isang role na gusto mong mapasa iyo kamakailan?” tanong ni Celestine, clueless pa rin kung sino ang tinutukoy ni Shiela.“Hindi! Pero sa nararamdaman ko ngayon, parang gusto ko siyang sabunutan katulad nang pagsabunot ko sa isa sa mga kontrabida sa isang TV show ko!”Hindi pinansin ni Celestine ang sinabi ni Shiela, “Kung sino man iyan, kaya mo na siyang harapin mag-isa. Sige na, ibababa ko na ang tawag dahil uuwi na ako.”Agad na pinigilan ni Shiela si Celestine.“Oh, no. Hindi pwede! Ipapasundo kita sa driver ko. Kailangan ay gumanti

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status