Share

Chapter 159

Author: Athengstersxx
last update Last Updated: 2025-03-23 11:39:07

Ngumiti nang bahagya si Lola Belen at direktang nagsabi, "Ikaw ay bisita rito, at ang pagdala mo ng regalo ay isang patunay na maganda ang pagpapalaki sa iyo ng mga magulang mo.”

Ang pangungusap na "Ikaw ay bisita rito" ay ang nagpasya na hindi kailanman makakapasok si Diana sa pamilya Peters sa buong buhay niya.

Biglang dumilim ang mukha ni Diana. Ngumiti si Celestine habang kumakain nang payapa kaya lalo siyang naasar.

Dahil may proteksyon siya mula kay Lola Belen, hindi na niya kailangang harapin si Diana. Iinggitin na lang niya ito gamit ang mga titig niya.

"Miss Valdez, hindi ka pa ba kumakain ng dinner? Halika at sumabay ka na sa amin," sabi ni Lola Belen, habang kinakawayan si Diana.

Nagulat si Diana na pinayagan siya ng matandang ginang na sumabay sa dinner nila.

Siyempre, hindi na siya mahihiya. Hindi niya hahayaang lumampas ang pagkakataong ito para makuha ang pabor ng matandang ginang, kahit naroon pa si Celestine.

Biglang naging kakaiba ang atmospera sa hapagkainan nang s
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Arlene Landicho
Wow gnda thank you po sa update...️...️...️
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 160

    Agad na tumayo si Benjamin para ipagtanggol si Diana. Hindi na niya kasi kinakaya ang mga narinig niya."Grandma, tama na po! Sumusobra na po yata kayo sa mga sinasabi niyo kay Diana."Kahit natatakot na mapagalitan ng kanyang Lola Belen ay nagsalita pa rin siya para ipagtanggol si Diana, malamig ang kanyang boses. Nagulat ang lahat ng tao sa hapagkainan.Tiningnan siya nang masama ni Lola Belen,"Ano? Gusto mo pang ipagtanggol ang ahas na ‘yan? Seryoso ka ba, Benjamin?""Hindi mo naman po kasi kailangang kausapin ng ganoon si Diana. Hindi ba pwedeng mahinahon lang po kayo?" Binabaan ni Benjamin ang kanyang boses at sinubukang makipag-usap kay Lola Belen.Naningkit ang mga mata ni Lola Belen at mahigpit na sinabi, "May mas masasakit pa akong sasabihin, gusto mo bang marinig? Hindi pa ako tapos!”"Grandma! Sabi ko nga, huwag niyo na siyang sabihan ng kung anu-ano, ‘di ba?" Kumunot ang noo ni Benjamin,halatang nawalan na siya ng pasensya sa kanyang Lola Belen.Tinulak ni Lola Belen ang m

    Last Updated : 2025-03-23
  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 161

    Mahal lang niya si Benjamin at gusto niyang makasama ito. Ano ang naging kasalanan niya?Ang tatlong taon na ito ay napakahirap para sa kanya.Narinig niyang pinapakalma ni Benjamin si Diana, bawat salita ay mas banayad kaysa sa huli, para itong mga karayom na tumutusok sa puso ni Celestine.Ilang beses niyang nilingon si Benjamin.Napakabait niya, sobrang bait na parang hindi na totoo para kay Celestine.Ibinaling ni Celestine ang kanyang paningin pababa at mapait na ngumiti. ‘Benjamin, nandito pa ako sa sasakyan… Sana man lang, mamaya ns kayo nag-usap.’Nang pumasok ang sasakyan sa city, sa wakas ay nagsalita si Celestine, "Ihinto mo na lang sa tabi ng kalsada, magta-taxi na lang ako pauwi."Tiningnan siya ni Benjamin na noon ay natanggal na ang seatbelt. "Salamat at sinabay mo ko.”"Ihahatid kita pauwi," aniya sa mababang tinig.Umiling si Celestine. "Hindi na. Okay na ako. Ibaba mo na lang ako sa isang tabi dyan.”Pakiramdam niya ay masisikipan siya sa paghinga kung mananatili pa

    Last Updated : 2025-03-23
  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 162

    Naroon ang saleslady, nakakunot ang noo habang tinitingnan si Celestine na may mata ng hindi makapaniwala. Tinanong niya, "Nananaginip ka ba? Sa tingin mo talaga ay kaya mong bilhin ang lahat ng nandito?”Ito ang unang pagkakataon na tinanong si Celestine ng ganitong tanong. Napagtanto niya, grabe pala sa pakiramdam."Oh, hindi pa nga ako natutulog, nanaginip na agad ako. Bibilhin niya raw ang lahat ng nandito? Nagpapatawa yata ang pulubing ito," Natagpuan din itong nakakatawa ni Kelly.Tumingin siya sa paligid at napabuntong-hininga, "To my equation, aabutin ng sampung milyon para bilhin ko ang buong store na ito, hindi ba?"Napangiwi si Kelly at muling tumingin kay Celestine. ‘Ang pulubing ito, na malamang ay hindi kayang bumili kahit isang bag, ay may kapal ng mukhang sabihing gusto niyang bilhin ang buong store? Seryoso ba siya?’Heh! Kalokohan! May ari ba siya ng isang kumpanya? Mukhang hindi naman!Kelly rolled her eyes, tiniklop ang kanyang mga braso, at sarkastikong sinabi, "

    Last Updated : 2025-03-24
  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 163

    Nanlumo si Kelly. Napakalinaw ng mga mata ni Celestine kaya't nanginig siya at nakaramdam ng pagkakasala sa babaeng nasa harapan niya. Ngumiti si Celestine, kalmado ang tono, at tila walang emosyon. "Ang isang babaeng katulad mo ay bagay na bagay dito sa store na ito. Dapat lagi kang bumisita rito. O di kaya, palitan mo na ang may ari nito.” Nanikip ang lalamunan ni Kelly. Ano ang ibig sabihin ni Celestine? Na bagay siya sa isang low class na store kagaya nito? Hindi ba ito isang pangungutya iyon para kay Kelly? Malamig na huminga si Celestine at palabas na ng store na hindi lumilingon. Ilang minuto pa bago siya tuluyang lumabas, naalala niyang nasa saleslady pa pala ang card niya. Agad niya itong binalikan. “Akin na pala ‘yang card ko. Hindi iyan nababagay dito. Lilipat ako sa ibang store at doon na lang bibili. Cheap ang mga bagay na narito, pati ‘yong saleslady!” Pagkaagaw ni Celestine ng kanyang card ay lumabas na siya ng tuluyan sa store na iyon. Hahabulin sana siya ng sal

    Last Updated : 2025-03-24
  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 164

    Kinaumagahan, nararamdaman ang sariwang hangin sa umaga matapos ang ulan.Dumating si Celestine sa trabaho habang kumakain ng almusal at narinig ang usapan ng ilang nurse, "Narinig niyo na ba ang balita? Nagalit si Diana kagabi at sinubukang magpakamatay!""Totoo ba ang balitang iyan? Kanino mo iyan nalaman?""Talaga! Totoo ang balitang iyon. Nandito nga sa ospital si Diana, at kasama niya buong gabi si Mr. Peters! Inalagaan siya nito!”Bumagal ang hakbang ni Celestine at tumingin sa mga nurse sa station ng mga ito.Sakto namang palabas si Danica mula sa station. Nang makita niya si Celestine, binati niya ito, "Magandang umaga, Dr. Yllana.""Totoo ba? Nagtangkang magpakamatay ni Diana kagabi?" tanong ni Celestine kay Danica.Sumagot si Danica, "Opo, kumalat na ang balita. Totoo daw po iyon.”Hindi makapaniwala si Celestine. Dahil lang ba sa ilang salitang sinabi ni Lola Belen kahapon kay Diana, kaya siya nagtangkang magpakamatay?Habang iniisip ito, nagpunta siya sa inpatient departme

    Last Updated : 2025-03-24
  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 165

    Si Diana ay napaluha at sinabing, "Louie, gusto ko talagang pakasalan si Benjamin. Feeling ko, kapag hindi siya ang pinakasalan ko, mas mabuting mamatay na lang ako.”"Ano ka ba? Bakit mo naman sinasabi iyan? Hindi iyon mangyayari, okay?" Malalim na bumuntong-hininga si Louie. "Ikaw lang ang nag-iisang anak na babae ng pamilya Diana. Mahalaga ka sa amin. Anuman ang gusto mo, tutulungan ka ng pamilya Valdez para makuha mo ang gusto mo.”Biglang bumuhos ang luha ni Diana. Niyakap niya si Louie at mahinang sinabi, "Salamat, Louie. Lagi kang nandyan para sa akin.”...Hindi agad umuwi si Benjamin, sa halip ay pumunta siya sa Departament of Cardiac Surgery.Pag-alis niya, si Celestine ay nakatingin sa bintana ng corridor, at mukhang malungkot.Malalim na bumuntong-hininga si Celestine, inayos ang kanyang itsura at kinalma ang kanyang sarili at naglakad pabalik sa departament. Nang siya ay lumingon, nagtagpo ang kanyang mga mata sa madilim na tingin ni Benjamin.Nakatayo si Benjamin ilang m

    Last Updated : 2025-03-24
  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 166

    Sa isip-isip ni Eduard, masyado na silang matanda para magpaligoy-ligoy pa sa kung anong gusto nilang sabihin sa isa’t isa. Kailangan nila ito para maipakita kina Benjamin at Diana na hindi apektado si Celestine sa sitwasyon na meron sila. Inamin din niya na hinahangaan niya nang labis si Celestine. Medyo nagulat si Chu Mian at malamig na nagsabi, “Huh? Tototohanin natin ang mga sinasabi ng tao? Seryoso ka ba? E, hindi pa okay ang divorce ko, hindi ba? Alam mo na ang mangyayari kung totohanin natin ito.” "Alam ko. Pero, okay lang. Kung ikaw naman ang makakarelasyon ko, ayos lang sa akin.” Nanlaki ang mga mata ni Celestine dahil sa narinig. "Mr. Villaroman, gusto mo bang maging isang kabit para lang sa pag-ibig? Aba, kung ako ang nasa posisyon mo, hindi ako papayag eh," Hindi napigilan ni Celestine na sabihin kung anong nasa isip niya. Ang atmospera sa loob ng kotse ay hindi maipaliwanag na masaya. Itinaas ni Eduard ang kanyang kilay at nagsalita, "Hindi naman imposible k

    Last Updated : 2025-03-24
  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 167

    Ngumiti ang clerk at sinabi, "Ma’am, magaling ang mga mata ninyo. Ito ay isang bagong model na kakarating lang ngayong araw. Bawat physical store po namin ay may isang piraso lang!” Nang papahawakan na ni Celestine ang item para tingnan ito, may narinig siyang boses ng isang babae mula sa likuran, "Bagong model ba kamo? Patingin nga!" Sabay na tumingin sina Celestine at Shiela sa likod nila. Nagulat ang babae nang makita kung sino iyon. "Miss Celestine Yllana?" Sandaling nanigas ang ngiti ni Celestine. Ang taong nasa harapan niya ay walang iba kundi si Mary Valdez, ang ina ni Diana! "Mrs. Valdez," magalang na bati ni Celestine. Saglit na tiningnan siya ni Mary bago lumapit. "Napakabata pa ni Miss Yllana pero mahilig na sa mga lumang bagay tulad nito?" may bahagyang pang-aasar sa tono ni Mary. Mahinang sumagot si Celestine, "Tinitingnan ko lang naman po.” "Oh, tinitingnan mo lang pala? Sabi ko na nga ba, kayong mga kabataan ay walang interes sa mga ganitong bagay. Aba, dapat a

    Last Updated : 2025-03-24

Latest chapter

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 199

    Sa kabilang banda, magkausap pa rin sina Benjamin at Celestine."Bilang isang sex worker sa service industry,kailangan mong maging magalang. Bakit ka naninigaw ng mga tao? Nakakainis! Specially, sakin pa ha? Di ba, unang customer mo ako?"Hinawi ni Celestine ang kanyang buhok, sabay pinagalitan si Benjamin at nagsusuka.Pakiramdam ni Benjamin na abala siya ng husto. Nakakadiri na nga si Celestine, pero siya pa ang nagtuturo kung paano magtrabaho bilang isang sex worker. Seryoso ba? Siya si Benjamin Peters at napagkakamalan pa siyang sex worker ng sariling asawa?Sa estado ni Celestine, hindi niya ito kayang alagaan sa ngayon. Sobrang lasing kasi siya at kung anu-ano na ang ginagawa.Paulit-ulit na bumabagsak ang buhok niya sa kanyang tainga, na talagang nakaiinis kay Celestine. Habang tumatagal, tila gusto na niyang makipaglaban sa sarili niya."Puputulin ko na ang buhok ko bukas! Nakakainis! Panira ka masyado eh!”Hindi makasagot ng ayos si Celestine noong mga oras na iyon.Tinitig

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 198

    “Anong sinasabi mo? Mahal na ni Benjamin si Celestine? Kalokohan! Kahit yata sa panaginip, hindi mangyayari iyon!” sabi ni Shiela, inis na inis na ang mukha niya.“Totoo, mahal niya si Celestine. Hindi naman sila tatagal ng tatlong taon kung hindi,” sagot ni Sean, pinagtatanggol pa rin ang kanyang kaibigan kahit na alam niyang hindi naman totoo iyon.“Alam mo, nagkamali ako na sumakay ako sa kotse mo. Dapat pala ay humindi na agad ako kanina. Iinisin mo lang pala ko!” sigaw ni Shiela.Naisip ni Sean na wrong mo nga ang ginawa niya. Kaya naman, agad siyang nag-sorry kay Shiela.“Sorry na, sorry na! Nagsasabi lang naman ako ng totoo! Hayaan mo, hindi na ko magsasalita ng tungkol doon!” sagot ni Sean.Tumingin si Shiela sa daan, para bang gusto na niyang tumalon sa labas kung pwede lang. Ilang minuto pa ay nagpasya na siya.“Sean, ibaba mo na lang ako dyan sa tabi. Maglalakad na lang ako pauwi. Malapit naman na ang bahay namin dito. Okay na ko,” mahinahon ang kanyang tono pero malinaw an

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 197

    Nasa kotse pa lang sina Shiela at Sean noon pero gusto nang bumaba ni Shiela dahil usap nang usap ang lalaking kasama niya. .Rinding-rindi na siya rito, feeling close kasi at akala mo hindi pinabayaan ng kaibigan niya si Celestine.“So, kamusta pala ang pagiging artista mo, Miss Shiela? Siguro, marami kang manliligaw ‘no? Alam mo, pangarap ko ring maging artista noon. Kaya lang, naisip ko, ayaw kong magulo ang buhay ko. Alam ko namang gwapo ako pero-” hindi na natapos ni Sean ang kanyang sasabihin dahil sumagot agad si Shiela sa kanya.“Alam mo, kung gusto mo talagang maging isang artista, matutunan mo man lang muna sana na huwag maging mayabang. Ikaw, gwapo? Saang banda?” mataray na sagot ni Shiela.Tiningnan ni Sean si Shiela nang matagal. Hindi makapaniwala na ganoon siya kung kausapin ng dalaga. Siya si Sean Vallejo at wala pa ni isa ang gumawa noon sa kanya.“Saan banda? Miss Shiela, bulag ka na yata? Kung gusto mo, idederetso kita sa ospital para maging malinaw na ang paningin

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 196

    Nagulat si Sean sa inasal ni Shiela, "Miss Sheila, hindi naman ganito ang personalidad mo online, di ba? You are praised. Akala ko ay maayos kang uri ng babae.”Ang maalamat na celebrity na si Shiela ay maganda, mabait, kaakit-akit, at maalalahanin.Paano siya magiging maalalahanin? Sa sitwasyon nila ngayon, para siyang isang maliit na bomba! Na kahit anong oras, puputok na!"Ikaw na mismo ang nagsabi, iyon ang personalidad ko online. Ibig sabihin, online lang. Hindi sa personal. Diretsahang sagot ni Shiela.Nagulat si Sean sa sagot ni Shiela. Tama nga naman! Iba rin naman ang ugali ng isang Sean Vallejo online, iba rin sa personal.Napatunayan niya, iba talaga ang mga celebrity sa stage at sa totoong buhay."Saan ka nakatira si Miss Shiela? Tulad nga ng sabi ni Benjamin, ihahatid kita pauwi." Ngumiti si Sean.Nainis si Shiela sa narinig, "May kamay at paa ako, kaya kong umuwi mag-isa. Hindi ko na kailangan sabihan ng isang kagaya mo.”"Kailangan kong sundin ang utos ni Benjamin. Baka

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 195

    Si Celestine ay napakunot-noo, at ang kanyang maganda at marupok na mukha ay halos magkadikit sa kulubot."Celestine, masyado ka nang nakainom. Itigil mo na iyan.Malinaw at may bahagyang lamig ang tinig ng lalaki.Nasa ulap si Celestine. Para bang hindi niya naririnig kung ano ang sinabi ng lalaki sa kanya.Itinaas niya ang kanyang mukha at sinubukang makita nang malinaw ang lalaki sa kanyang harapan. Pero dahil sa malabong makeup niya, nalagas na pilikmata, at madilim na ilaw, hindi niya maaninag nang maayos ang mukha nito.Malabo, sobrang labo.Katulad ng nararamdaman nito para para kay Benjamin,hindi kailanman naging malinaw. At hindi na magiging malinaw pa.Tinitigan siya ni Benjamin, may madilim na bilog sa ilalim ng kanyang mga mata, at may halong komplikasyon sa kanyang tingin.Paano mo nagawang maging ganito? Hindi pa niya nakitang ganito kalasing ang dati niyang asawa. "Ako na ang maghahatid sa iyo pauwi." Hinawakan ni Benjamin ang pulso ni Celestine at sinubukang alalayan s

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 194

    "Shiela." Mahinang tinawag ni Celestine si Shiela, ang kanyang boses ay puno ng paghikbi.Marahang hinaplos ni Shiela ang buhok sa tabi ng kanyang tenga at tumango, "Celestine, nandito lang ako para sa iyo. Kung ano man ang dahilan ng pag-iyak mo, sige iiyak mo lang."Hinawakan ni Celestine ang kanyang dibdib, namumula ang kanyang mga mata, at nakaramdam ng hindi maipaliwanag na sakit sa kanyang puso."Maghihiwalay na kami at napagdesisyunan na naming bumitaw sa isa't isa, pero bakit parang ang sakit pa rin? Hindi ba pwedeng madali na lang ang proseso nito?" Bahagyang kunot-noo si Celestine habang hinihintay ang sagot ni Shiela.Nang makita sa isip niyang yakap-yakap ni Diana si Benjamin at naglalambing ito sa kanya, naramdaman niya ang tila alon ng sakit na bumalot sa kanyang katawan. Maiintindihan pa rin kaya siya ni Shiela kung iyon ang iniiyak niya?"Celestine, kailangan mo lang ng oras para tanggapin ang lahat. Na hindi na talaga kayo para sa isa’t isa. Hindi madali ang proseso p

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 193

    Naroon at biglang lumingon ang lalaki at nakita siya.Nagningning ang kanilang mga mata.Malinaw na nakita ni Celestine na tumatakbo papalapit sa kanya ang lalaki."Celestine, what a coincidence. Nakita kita rito. Mag isa ka lang ba?" tanong ni Sean sa masiglang tono habang lumilinga-linga.Pinagdikit ni Chu Mian ang kanyang mga labi, bahagyang walang magawa. Kahit na saan siya magpunta o kahit sumasayaw lang siya, nakakatagpo pa rin siya ng kakilala na ayaw naman niyang makita. Talagang maliit lang ang Nueva Ecija."Kasama ko si Shiela." Itinuro ni Celestine ang babae sa isang booth sa gilid.Tumingin si Sean sa booth at nakita si Shiela na nakayuko habang nakatutok sa kanyang cellphone, mukhang payat pero maganda. Kahit marami pang tao sa bar, sapat na siya para maakit ang pansin ng iba sa isang tingin.Ang ugali ni Shiela ay talagang kakaiba, isang bagay na hindi madaling gayahin ng iba. Kaya niya nga naging kaibigan si Celestine.Itinaas ni Sean ang kanyang kilay at bahagyang nags

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 192

    Unti-unting lumayo ang itim na Ferrari.Si Celestine ay nakaupo sa passenger’s seat at nakatingin lang sa harapan, hindi maipaliwanag ang lungkot na nadarama.Nagawa talagang baguhin ni Diana ang sitwasyon, kanina ay siya ang talunan pero sa huli ay naging mabuti pa rin si Benjamin sa kanya.Sa isip-isip niya, baka ito na ang panahon kung kailan ipapakilala na ng tuluyan ni Diana si Benjamin sa kanyang pamilya. Siguro ay doon na rin talaga papunta ang relasyon nila.Hindi niya mapigilang maalala ang panahon kung kailan bagong kasal pa lang sila ni Benjamin.Gusto rin niyang dalhin si Benjamin sa kanilang bahay, gusto niyang sabihin sa kanyang ama na tama ang naging desisyon niya, at gusto niyang mapanatag ang loob nito.Pero ipinagpaliban niya ito nang paulit-ulit, hanggang sa ngayon, ang bilang ng beses na nakita ng kanyang ama si Benjamin ay mabibilang lang sa daliri.O pag-ibig nga naman, kung minsan ay hindi malinaw ang mga sagot nang bagay-bagay.Kinuha ni Celestine ang kanyang c

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 191

    Tatlong beses nang tumawag si Diana kay Benjamin pero hindi niya ito sinagot dahil sa sobrang busy.Ilang minuto pa ay biglang nag-ring ang cellphone ni Veronica. Iyon pala, si Diana ang tumatawag sa kanya.Agad naman niya iyong sinagot at nilagay ang cellphone sa bandang tainga.“Hello, Veronica. Where is Benjamin? Kailangan ko siyang makausap!” sigaw ni Diana sa kabilang linya.Tinakpan ni Veronica ang kanyang tainga dahil sa sigaw na narinig niya.“Miss Diana, sobrang busy po ni Mr. Peters ngayon. Baka po hindi niya na kayo makausap. Pasensya -” hindi natapos ni Veronica ang kanyang sasabihin dahil sumagot agad si Diana sa kanya.“No! I want to talk to Benj! Give it to him!” sigaw ni Diana ulit.“Miss Diana, hindi nga po pwede-” natigilan na naman si Veronica sa kanyang pagsasalita dahil napansin ni Benjamin ang pagbulong ng kanyang secretary sa cellphone nito.“Veronica, sino iyan? Bakit bumubulong ka?” tanong ni Benjamin, labis ang kanyang pagtataka.“Mr. Peters, si Miss Diana po

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status