Ngumiti ang clerk at sinabi, "Ma’am, magaling ang mga mata ninyo. Ito ay isang bagong model na kakarating lang ngayong araw. Bawat physical store po namin ay may isang piraso lang!” Nang papahawakan na ni Celestine ang item para tingnan ito, may narinig siyang boses ng isang babae mula sa likuran, "Bagong model ba kamo? Patingin nga!" Sabay na tumingin sina Celestine at Shiela sa likod nila. Nagulat ang babae nang makita kung sino iyon. "Miss Celestine Yllana?" Sandaling nanigas ang ngiti ni Celestine. Ang taong nasa harapan niya ay walang iba kundi si Mary Valdez, ang ina ni Diana! "Mrs. Valdez," magalang na bati ni Celestine. Saglit na tiningnan siya ni Mary bago lumapit. "Napakabata pa ni Miss Yllana pero mahilig na sa mga lumang bagay tulad nito?" may bahagyang pang-aasar sa tono ni Mary. Mahinang sumagot si Celestine, "Tinitingnan ko lang naman po.” "Oh, tinitingnan mo lang pala? Sabi ko na nga ba, kayong mga kabataan ay walang interes sa mga ganitong bagay. Aba, dapat a
Nagising si Celestine sa tawag ni Vernard kinaumagahan. Halatang balisa ang tono ni Vernard, "Boss, delikado na ang sitwasyon natin!” Nakapikit pa rin si Celestine habang bumaligtad sa higaan, itinupi ang kumot sa ilalim ng kanyang mga binti, at kalmadong sinabi sa malabong boses na hindi pa lubusang gising, "Ano iyon? Sabihin mo na.” "Nalaman ni Benjamin kahapon na hinack ng base ang security system ng D’Belinda.” Kumunot ang noo ni Celestine. Sa isip-isip niya, hindi ba't nasabi na sa kanya kahapon? Bakit inuulit ito sa kanya ngayon? “Hmm, hindi naman na bago iyon. Alam ko na ang tungkol doon, ah.” "Hindi. Iba na kasi ngayon. Ngayon, nalaman niya na ako ang naglagay ng virus sa cellphone niya.” Sa narinig, biglang bumangon si Celestine mula sa kama. "Ano?! Paano nangyari iyon?!" "Vernard, anong nangyari sa'yo?" Kailan pa siya naging ganito kapabaya sa tauhan niya? Paano siya natuklasan ang tungkol doon? "Pero!" Mahinang umubo si Vernard at bumulong, "Ligtas pa rin ako ngay
Ang lila na Pagani ay talagang kapansin-pansin sa daan, at hindi niya magawang ipagwalang-bahala ito.Twenty minutes na ang lumipas, at nakatayo na si Celestine sa tapat ni Benjamin.Isang lalaki ang eleganteng kumakain ng breakfast, at ang kanyang kilos ay marangal. Palihim na pumulandit ng mata si Celestine sa kanya sa kanyang isipan.Nakatayo sa tabi ni Benjamin si Veronica at tumango kay Celestine, "Mrs. Peters, maupo po kayo."Pinagdikit ni Celestine ang kanyang mga labi at nag-aalangan nang maupo. Pero narinig niyang malamig na nagsalita si Benjamin, "Sino ang nagsabing pwede siyang umupo sa tabi ko?”Nagkatinginan sina Celestine at Veronica, at bahagyang humingi ng sorry si Veronica kay Celestine, "I'm very sorry for that, maghihintay na lang po ako sa labas, Mr. Peters.”Mas mabuting hindi manatili roon si Veronica dahil ayaw niyang madamay sa awayan nila ni Celestine. Paraan na rin iyon para mabigyan ng privacy ang dalawa.Pinanood ni Celestine si Veronica na lumabas, pagkata
"Celestine, tinatakot mo ba ako?" Bahagyang naningkit ang mga mata ni Benjamin, may banta sa kanyang tingin.Tumayo nang tuwid si Celestine at seryosong tumingin kay Benjamin. "Wala akong intensyong takutin ka, swear to God! Sinasabi ko lang naman ang totoo.”Kahit gusto niyang takutin ito, hindi niya aaminin iyon sa harap ni Benjamin.Hindi siya baliw para gawin iyon.Nanlamig ang mukha ni Benjamin, at lalong lumala ang kanyang ekspresyon. Mukhang galit na galit siya."Miss Yllana, ito ang bill para sa pagkalugi ng kumpanya. Tingnan mo para malaman mo kung magkano ang babayaran mo sa akin," tumayo siya at inilagay ang makapal na dokumento sa mesa, malamig ang tono. "Umaasa akong mababayaran mo ito agad-agad, kung hindi, magkikita tayo sa korte dahil magpa-file ako ng kaso sa’yo.”Kumunot ang noo ni Celestine. Walang interes siyang binuklat ang bill at nanlaki ang mga mata. Sobrang laki ng bill na binigay sa kanya.Ayos lang ba si Benjamin? Kailangan niya rin talaga niyang bayaran ang
Dahil sa ginawa ni Benjamin sa kanya, naisip ni Celestine na kailanganin niyang humingi ng tulong kay Wendell. Sa Sherika Hotel. Pumunta si Celestine, sinabi ang impormasyon na nalalaman niya sa front desk, at nagtanong, "Sorry, pero nasaan ang provate room na ito rito?” Sa oras na iyon, s Benjamin ay papasok din mula sa labas. Hawak niya ang kanyang cellphone at mahina niyang sinabi sa kausap, "Nandito na ako." Pumasok siya sa elevator at napansin niyang sumunod sa kanya si Celestine. Kumunot ang noo ni Benjamin at sinipat si Celestine mula ulo hanggang paa. Kahit isang araw lang silang hindi nagkita, pakiramdam nila ay parang magkaaway pa rin sila, at walang gustong magpatawad ni isa sa kanila. "Anong klaseng trabaho meron ang asawa ko? Nagtatrabaho ka yata dati sa hotel," sarkastikong biro ni Celestine. Walang ekspresyon sa mukha ni Benjamin at hindi siya pinansin. Napansin ni Celestine na pareho sila ng palapag na pupuntahan. Hindi niya napigilang tingnan si Be
Hinigpitan ni Benjamin ang hawak niya sa kanyang cellphone, at biglang sumagi sa isip niya ang imahe ng lalaking nakita niya kanina. Talagang kamukha niya si Eduard.Kaya ibig sabihin, umabot na sa puntong nagkikita na sa hotel sina Celestine at Eduard?Paano nagawang sumabay ni Celestine sa parehong elevator kagabi para makipagkita kay Eduard nang hindi man lang namumula o kinakabahan?Nagyakapan pa silang dalawa. Hindi ba ito isang harapang panloloko sa kanya?Sa pag-iisip nito, nakaramdam si Benjamin ng hindi maipaliwanag na pagkabalisa at panlulumo. Gusto niyang bumalik at harapin si Celestine para tanungin kung ano ang nangyayari at kung sino ba talaga ang lalaking iyon.Hinack na niya ang kanyang cellphone at ang kumpanya, tapos biglang nakipag-date sa ibang lalaki sa hotel? Nababaliw na ba siya?Mula nang hilingin ni Celestine ang divorce, paulit-ulit siyang nagugulat sa mga ginagawa nito, para bang muli niya itong nakikilala.Samantala, biglang bumahing si Celestine habang pa
Ahente siya ng kotse? Kailan pa?Huminga nang malalim si Benjamin, inayos ang kanyang isip, at napagtanto kung gaano katanga ang kanyang ginagawa. Bakit nga ba siya nandito? Kung anuman ang nangyayari sa pagitan nina Celestine at Eduard ay wala na dapat siyang pakialam doon.Inatras ni Benjamin ang kanyang kamay, tumingin sa pintuan ng private room, at tumalikod para umalis. Hindi dapat nakatuon ang isip niya kay Celestine, dapat ay kay Diana.Pagkaalis ni Benjamin, lumabas sina Celestine at ang lalaki mula sa private room."Gusto kong kumain ngayon ng hotpot, ikaw ang taya," malambing ang boses ng lalaki.Tumango si Celestine, "Sige, sige, kahit anong gusto mong kainin, ililibre kita.""Pinag-isipan mo ba nang mabuti ang sinabi ko sa'yo?" tanong ng lalaki.Napangiti nang pilit si Celestine, hindi niya pa ito isinasaalang-alang...Napairap ang lalaki at tinapik siya sa noo...Pagdating ni Benjamin sa ospital, sa kwarto ni Diana, nakatanggap siya ng text message mula kay Sean.“Ah, Be
Sa sumunod na araw..Tinitingnan ni Celestine ang medical book nang marinig niyang tinanong ni Shiela sa kanyang headset, "Alam mo ba ang tungkol sa cruise party sa susunod na buwan?""Oo. Bakit?" Yumuko si Celestine. Naka-puting coat siya na may pink na pangloob, at bagay na bagay ito sa kanya. Kitang-kita ang ganda niya.Sabi ni Shiela, "Sumama ako sa isang organizer sa cruise party noong nakaraang taon, at masasabi ko lang... sobrang dumi nila. Alam mo ‘yon? Ang daming issues."Ngumiti si Celestine. Paano ba magiging malinis ang mundo ng mayayaman? Parang kahit kailan, hindi naman.Pero para sa mga tao labas, isa lang itong pagkakataon para maging magkakaibigan ang lahat."Yung boss ng isa sa mga brand na ineendorse ko, gusto akong samahan ngayong taon, pero nag-aalangan akong tanggapin." Nag-inat si Shiela at napabuntong-hininga."Ah, kung ako ang tatanungin mo? Pupunta ako." Sagot ni Celestine.Nagulat si Shiela. "Diyos ko, tama ba ang narinig ko? Ikaw mismo, pupunta ka roon?”Si
Tiningnan ni Benjamin si Diana noon. Napakunot-noo naman si Philip, halatang hindi natuwa sa pagdating ni Diana.“Ano'ng meron? Bakit ganun makatingin sa akin ang ama mo?” tanong ni Diana kay Benjamin.Ipinasa ni Benjamin sa kanyang ina ang mga gamit para kay Lola Belen pagkatapos ay hinila si Diana at sinabing, “Sa labas na lang tayo mag-usap.”Tumango si Diana, hindi niya nakalimutang silipin si Celestine. Nakita niyang kino-comfort ni Celestine si Zsa Zsa na noon ay naluluha na.Sa isang bench sa likod ng garden ng inpatient department sila nag-usap na dalawa, tinanong ni Benjamin si Diana, “Nabasa mo o nakita mo na ba sa TV ang balita?”Umupo si Diana sa bench at lumapit kay Benjamin, sandaling natigilan, saka tumango, “Oo. Alam ko na ang tungkol sa balita na sinasabi mo.”“Maraming masamang komento tungkol sa iyo, sana ay huwag mong dibdibin masyado. Hindi 'yun mahalaga para sa ating dalawa, naiintindihan mo ba?” Nakakunot-noo si Benjamin noon habang kinakalma si Diana. Natatako
Sabay na tumingin sina Zsa Zsa at Lola Belen kay Benjamin, hinihintay ang kanyang sagot.Yumuko si Benjamin pero nanatiling tuwid ang pagkakaluhod niya.Gumalaw na ang kanyang labi at handa na sanang magsalita nang bigla niyang narinig ang reporter sa TV na nagsabi, "Gumastos din ng malaking pera si Benjamin Peters para bilhin ang lupa malapit sa airport para kay Diana Valdez at nagtayo siya roon ng isang hacienda para sa nasabing dalaga.”Halos sumabog sa galit si Philip dahil sa narinig, "Hindi mo inalintana na masasaktan mo ang pamilya Villaroman makuha lang ang lupa, para lang mapasaya si Diana? Benjamin, nababaliw ka na ba talaga dahil sa babaeng iyan?""Hindi po, Dad." Agad na paliwanag ni Benjamin sa kanyang ama, "May sarili akong plano sa lupang iyon, hindi iyon para kay Diana."Napasinghap si Lola Belen, "Ang bilis mong linawin ang bagay na ‘yan. Pero kanina, hindi mo sinagot ang tanong ng ama mo."Masyadong agresibo si Lola Belen sa mga salita niya. Halata na galit na galit
Ilang minuto pa ay tinawag ulit ni Benjamin si Veronica bago pa ito makaalis.“Veronica!”Agad na huminto si Veronica nang marinig iyon at tumingin kay Benjamin.Marahil dahil masyadong mabilis at biglaan ang balita, siya’y nag-aalala. Ang guwapong mukha niya ay puno ng takot at pangamba.Itinuro ni Benjamin si Veronica, binuka ang bibig, tila may gustong sabihin, pero nag-alinlangan ito.Dati-rati, si Veronica ang pinakabihasa sa pag-unawa kay Benjamin, ngunit sa sandaling ito, hindi niya ito mawari.Biglang tumunog ang cellphone sa mesa. Si Mrs. Belen Peters ang tumatawag.Namutla ang mukha ni Benjamin nang malaman na si Lola Belen ang tumatawag sa kanya. Napakunot-noo siya at mahina niyang sinabi kay Veronica, "Sige na, hanapin mo muna ang taong nagpakalat ng balita."Tumango si Veronica.Kinuha ni Benjamin ang kanyang cellphone, inihanda ang sarili, at pinindot ang answer button.Sabi agad ni Lola Belen, "Benjamin, umuwi ka agad! Kailangan nating mag-usap!”Sa isang utos pa lamang
Isang malaking pulang title na ang nakalagay ay, "Divorce of Benjamin Peters and Celestine Peters” ang nakalagay sa itaas ng listahan ng mga trending na balita sa internet.Pagkatapos pindutin ito, kitang-kita ang isang marketing account na naglabas ng balita: "Isang hindi nagpakilalang tao ang nagsubmit ng ulat na si Benjamin Peters, ang presidente ng D’Belinda, ay pumirma na sa divorce papers kasama ang kanyang asawang si Celestine Yllana Peters at kasalukuyang pinag-uusapan ang mga detalye ng kanilang paghihiwalay."Habang nagpapatuloy ang pag-scroll, puno ng balita tungkol kay Benjamin at Celestine ang nasa screen, at ilan dito ay hindi kanais-nais na mabasa."Dahil sa hindi pagkakasunduan sa kanilang emosyon, nagpasya na mag-divorce sina Benjamin at Celestine. May kumuha pa ng litrato nito noong pumunta sila sa Civil Affairs Bureau. Ilang beses ding sinamahan ni Benjamin si Diana habang kasal pa sila kaya kumpirmadong wala na talaga silang mag-asawa.”"Sinamahan ni Benjamin si Di
Ngumiti si Lola Belen at bahagyang yumuko, na itinuturing na niyang isang pagbati sa lahat ng nasa party na iyon.Makalipas ang ilang sandali, sumunod si Lola Belen sa loob.Hindi niya alam na may isang itim na sasakyan na nakaparada hindi kalayuan, dahan-dahang ibinaba ang bintana. Matarik ang labi ng driver habang nagsalita, "Miss, pumasok na kayo."Paglitaw ni Lola Belen, agad siyang naging sentro ng atensyon ng buong lugar. Grabe kung pag-usapan siya ng mga tao roon.Alam ng lahat na ang pamilya Peters ang may pinakamalaking kapangyarihan sa buong Nueva Ecija.Matapos pumanaw ang asawa niya nq si Gaustavo Peters, si Lola Belen, isang babae, ang siyang nagtaguyod na sa buong pamilya. Bagaman parehong mahusay sina Benjamin at ang kanyang ama, nanatili pa rin sa kamay ni Lola Belen ang kapangyarihan ng pamilya Peters."Mrs. Belen Peters!" may lumapit sa matanda at magalang siyang binati.Bahagyang tumango si Lola Belen nang may napakalamig na anyo.Sa isang mundong puno ng katanyagan
Kumakain si Celestine ng kanyang dinner nang bigla siyang makatanggap siya ng tawag mula kay Lola Belen."Celestine, makikipag-afternoon tea ako sa isang matagal ko ng kaibigan bukas ng gabi. Gusto mo bang sumama sa akin? Huwag kang mag-alala sa susuotin mo, ako na ang bahala roon." Malambing ang boses ni Lola Belen noong mga oras na iyon kaya mahirap tumanggi.Nakita ni Wendell na may kausap sa cellphone si Celestine kaya agad siyang nagtanong sa kanyang anak, "Sino 'yan?"Tumingala si Celestine sa kanyang ama at mahinahong tumanggi agad sa kanyang kausap, "Lola Belen, may gagawin po akong importante bukas kaya baka hindi po ako makasama sa inyo."Ilang segundo ng katahimikan ang lumipas sa kabilang linya bago napabuntong-hininga si Lola Belen, "Sige na nga. Wag ka nang sumama sa akin. Kung anuman ang gagawin mo bukas ay gawin mo na."Ibinaling ni Celestine ang tingin at mahina niyang sinabi, "Lola Belen, may kailangan po talaga kasi akong tapusin sa ospital. Ilang araw po akong hin
Iniisip ni Celestine na siguradong nakita ni Nancy si Benjamin na isinama si Diana roon sa press conference.Nakaramdam siya ng awa para sa pamilya Yllana dahil kahit hindi man nila sabihin, alam ni Celestine na napahiya sila.Talagang sumobra si Benjamin sa pagkakataong ito at hindi na niya pinahalagahan ang pamilya Yllana bilang pamilya ng kanyang asawa.Napangiwi si Celestine noon at hindi napigilang tumingin kay Nancy. Naglilinis si Nancy habang pinapagalitan si Celestine, "Hindi mo man lang malinis nang maayos ang bahay na ito!"Nagdilim ang mga mata ni Celestine pagkarinig noon, alam niyang may iba pang ibig sabihin ang mga salita nito. Kaya ngumiti siya at nagbiro, "Nagpa-kalkula na naman ba si Lolo Manuel sa mga nabasa niya tungkol sa general cleaning?"Kumaway si Nancy bilang tugon sw anak, "Ay hindi ‘no! Hindi na tayo maniniwala sa Lolo Manuel mo. Maghugas ka na ng kamay, sabay tayong kakain, nandito na rin naman ang Tito Axl mo ngayon.”Kumurap si Celestine nang marinig ang
Napunta tuloy kay Diana ang atensyon ng media. Siya na ang tinatanong ng mga ito ng kung anu-ano."Miss Valdez! Ano ang masasabi mo sa sinabi ni Mrs. Belen Peters kanina? May katotohanan ba ito?"Hindi pa man nasasagot ni Diana ang tanong ay may isa na namang reporter ang kanyang narinig."Miss Valdez, ano ang relasyon mo kay Mr. Peters? Kayo ba ay palihim na nagde-date at niloloko niyo si Mrs. Peters?"Hindi pa roon nagtatapos, may nagtanong pang ibang reporter kay Diana."Bakit namutla ka Miss Valdez nang marinig mo na gusto kang ampunin ni Mrs. Belen Peters bilang anak-anakan ng pamilya Peters?”Sa reception area, dinala si Benjamin ni Lola Belen at nakaramdam ng awa si Diana para sa kanya.Pinalibutan si Diana ng mga reporter na sunod-sunod ang tanong, at hindi siya makaalis."Miss Valdez, totoo bang magdi-divorce na sina Mr. and Mrs. Peters? Dahil ba ito sa'yo? Tuluyan na ba kayong nagkaroon ng relasyon?""Miss Valdez, pakiusap, sagutin mo ang mga tanong namin! Kanina pa namin gu
Malamig na napasinghal si Lola Belen at sinermonan si Benjamin, "Mukha talagang nalilito ka na! Wala ka na sa sarili mo, ‘no?" Kumunot ang noo ni Benjamin, halatang medyo galit na siya sa sitwasyon, "Grandma, pwede ba huwag ka nang makialam sa mga bagay na inaayos namin? Hayaan niyo na lang po kami. Kaya naman po namin iyon." "Ito ay tungkol sa reputasyon ng pamilya Peters, kaya kailangan kong makialam! Naiintindihan mo ba iyon?" Hindi umurong si Lola Belen kahit na nakiusap na si Benjamin sa kanya. Nagkatensyon sila sa gitna ng stage.At ang masaklap pa, si Lola Belen mismo ang nakaharang sa harap ni Benjamin, dahilan para lalo siyang mabuwisit. Tumingin si Lola Belen sa lahat ng mga tao at seryosong sinabi, "Maraming salamat sa inyong pag-aalala sa mga usapin ng apo kong si Benjamin at asawa niyang si Celestine. Sana ay maintindihan niyo kami.""Aaminin ko sa inyo ngayon, sa inyong lahat na hindi pa annulled o divorced sina Benjamin at Ce