Share

Chapter 172

Author: Athengstersxx
last update Last Updated: 2025-03-26 11:40:33

Hinigpitan ni Benjamin ang hawak niya sa kanyang cellphone, at biglang sumagi sa isip niya ang imahe ng lalaking nakita niya kanina. Talagang kamukha niya si Eduard.

Kaya ibig sabihin, umabot na sa puntong nagkikita na sa hotel sina Celestine at Eduard?

Paano nagawang sumabay ni Celestine sa parehong elevator kagabi para makipagkita kay Eduard nang hindi man lang namumula o kinakabahan?

Nagyakapan pa silang dalawa. Hindi ba ito isang harapang panloloko sa kanya?

Sa pag-iisip nito, nakaramdam si Benjamin ng hindi maipaliwanag na pagkabalisa at panlulumo. Gusto niyang bumalik at harapin si Celestine para tanungin kung ano ang nangyayari at kung sino ba talaga ang lalaking iyon.

Hinack na niya ang kanyang cellphone at ang kumpanya, tapos biglang nakipag-date sa ibang lalaki sa hotel? Nababaliw na ba siya?

Mula nang hilingin ni Celestine ang divorce, paulit-ulit siyang nagugulat sa mga ginagawa nito, para bang muli niya itong nakikilala.

Samantala, biglang bumahing si Celestine habang pa
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 173

    Ahente siya ng kotse? Kailan pa?Huminga nang malalim si Benjamin, inayos ang kanyang isip, at napagtanto kung gaano katanga ang kanyang ginagawa. Bakit nga ba siya nandito? Kung anuman ang nangyayari sa pagitan nina Celestine at Eduard ay wala na dapat siyang pakialam doon.Inatras ni Benjamin ang kanyang kamay, tumingin sa pintuan ng private room, at tumalikod para umalis. Hindi dapat nakatuon ang isip niya kay Celestine, dapat ay kay Diana.Pagkaalis ni Benjamin, lumabas sina Celestine at ang lalaki mula sa private room."Gusto kong kumain ngayon ng hotpot, ikaw ang taya," malambing ang boses ng lalaki.Tumango si Celestine, "Sige, sige, kahit anong gusto mong kainin, ililibre kita.""Pinag-isipan mo ba nang mabuti ang sinabi ko sa'yo?" tanong ng lalaki.Napangiti nang pilit si Celestine, hindi niya pa ito isinasaalang-alang...Napairap ang lalaki at tinapik siya sa noo...Pagdating ni Benjamin sa ospital, sa kwarto ni Diana, nakatanggap siya ng text message mula kay Sean.“Ah, Be

    Last Updated : 2025-03-26
  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 174

    Sa sumunod na araw..Tinitingnan ni Celestine ang medical book nang marinig niyang tinanong ni Shiela sa kanyang headset, "Alam mo ba ang tungkol sa cruise party sa susunod na buwan?""Oo. Bakit?" Yumuko si Celestine. Naka-puting coat siya na may pink na pangloob, at bagay na bagay ito sa kanya. Kitang-kita ang ganda niya.Sabi ni Shiela, "Sumama ako sa isang organizer sa cruise party noong nakaraang taon, at masasabi ko lang... sobrang dumi nila. Alam mo ‘yon? Ang daming issues."Ngumiti si Celestine. Paano ba magiging malinis ang mundo ng mayayaman? Parang kahit kailan, hindi naman.Pero para sa mga tao labas, isa lang itong pagkakataon para maging magkakaibigan ang lahat."Yung boss ng isa sa mga brand na ineendorse ko, gusto akong samahan ngayong taon, pero nag-aalangan akong tanggapin." Nag-inat si Shiela at napabuntong-hininga."Ah, kung ako ang tatanungin mo? Pupunta ako." Sagot ni Celestine.Nagulat si Shiela. "Diyos ko, tama ba ang narinig ko? Ikaw mismo, pupunta ka roon?”Si

    Last Updated : 2025-03-26
  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 175

    "Celestine, kailan mo ipapadala sa akin ang kabayaran sa mga nalugi sa kumpanya ko?" Sinimulan na niyang pag-usapan ang tungkol sa negosyo.Gusto sanang pagalitan ni Celestine si Benjamin sa pagiging baliw at sa palaging pagtawag sa kanya.Pero nang marinig niya ito, bahagyang bumaba ang tono ng kanyang boses, "Kailangan ko ng oras para makapag-ipon ng ibabayad ko sa iyo. Hindi mo ba alam na may proseso iyon? Hindi naman pwedeng bigla na lang akong magbigay ng pera sa iyo, ‘no.”"Tawagan mo ako mamayang gabi. Pag-uusapan natin ito nang mabuti.”Malamig ang tono ni Benjamin. Halatang seryoso sa kanyang sinasabi.Hindi nakasagot si Celestine noon.Nanaginip ba si Benjamin? Paano niya ipapadala ni Celestine ang pera sa gitna ng gabi?! Sarado na ang bangko at siguradong kahit ang online banking ay hindi kakayanin na bayaran iyon."Hinihintay kita sa Metropolis, pumunta ka na ngayon." Ang tono niya ay parang nag-uutos kaya lalong nainis si Celestine.Nang marinig ito, bahagyang nanginig an

    Last Updated : 2025-03-26
  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 176

    "Benjamin? Bakit ka nandito?"Nagulat si Benjamin nang makita niyang si Wendell ang naroon. Sa isip-isip niya, baka kaya kasama ni Celestine ang kanyang pamilya ay dahil namamabhikan na si Eduard sa kanila.Tiningnan ni Wendell si Benjamin mula ulo hanggang paa. Pagkatapos, lumingon siya kay Celestine at nagtanong, "Ikaw ba ang nag-invite sa kanya na pumunta rito?”"Hindi niya po ako ininvite. Ako po mismo ang pumunta," sagot ni Benjamin habang nilampasan si Wendell papunta sa loob ng kwarto.Nagulat si Wendell dahil tila wala sa lugar ang kilos ni Benjamin. Kahit hindi gusto ni Benjamin si Celestine, lagi naman siyang maayos ang asal tuwing nakikita niya ito at si Nancy nitong mga nakaraang taon.Pero ngayon, halatang hindi niya napigilan ang kanyang emosyon at walang paki sa mag-asawa.Pagpasok ni Benjamin sa kwarto, napansin niyang dalawa lang ang naroon, si Wendell at si Nancy. Nang makita siya ng dalawa, bahagyang lumitaw ang pagkalito sa kanilang mga mata, at tumayo silang pare

    Last Updated : 2025-03-27
  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 177

    Si Axl Yllana ang nag-iisang anak na iniwan sa kanyang ama noong may edad na ito, kaya naman lumaki siyang spoiled. Mayroon siyang masayahin at prangka na personalidad. Ang pakikitungo niya kay Celestine ay parang magkaedad lang sila, parang magkaibigan.Madalas niyang pilitin si Celestine na sumali sa entertainment industry, pero palaging tumatanggi ito at mas pinipili ang tahimik na buhay kasama si Benjamin Peters.Nang marinig niyang gusto nang makipaghiwalay ni Celestine kay Benjamin ay nagulat siya. Akala niya, nagbibiro lang si Celestine dahil hindi naman nito kayang iwan si Benjamin.Pero nang makita niya ang pakikitungo ni Celestine kay Benjamin kanina, napagtanto niyang seryoso ito.Mukhang handa na talaga siyang bumitaw... hindi na niya mahal si Benjamin...Pagkatapos mag-isip, hinila ni Axl ang isang upuan para kay Benjamin at ngumiti, "Nandito ka na rin lang, bakit hindi ka na muna kumain bago umalis? C’mon, join us.”Iginigiit ni Axl na manatili si Benjamin, kaya hindi na

    Last Updated : 2025-03-27
  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 178

    "Tito Axl, huwag mo na siyang tanungin tungkol doon," ibinaba ni Celestine ang kanyang tasa, tumingin sa oras, at nagsalita, "Benjamin, lumabas ka sandali."Pagkatapos nito, tumayo si Celestine at lumabas mula sa kwarto.Tiningnan ni Benjamin ang likuran ni Celestine, nagpaalam kina Wendell at iba pa, at sumunod palabas.Pagkalabas niya, bigla niyang naramdaman ang kamay ni Celestine na mahigpit na humawak sa kanyang braso.Hinila siya ni Celestine sa isang lugar na walang tao.Tiningnan ni Benjamin ang kamay niyang mahigpit na hawak ni Celestine, pagkatapos ay tumingin sa matigas na likuran ng dalaga. Hindi niya mapigilang makaramdam ng ginhawa.Matagal na mula nang huli siyang hinila ng ganito.Lumingon si Celestine sa kanya, may halong komplikasyon at pagkainis sa kanyang mga mata.Itinulak niya si Benjamin sa isang sulok, itinukod ang kanyang mga braso, at tinitigan ito, "Ano bang ibig mong sabihin?"Nagdilim ang mga mata ni Benjamin. Ang lambing ng nakaraang segundo ay tila nakak

    Last Updated : 2025-03-27
  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 179

    "Celestine, hindi mo ba nararamdaman na mapagkunwari ka sa paulit-ulit mong pagpapamanhid sa sarili mo?" Hinawakan ni Benjamin ang braso ni Celestine gamit ang isang kamay, unti-unting lumilinaw ang kanyang mga mata. Ayaw pa rin niyang maniwala na ang babaeng dating sumusunod lang sa kanya at sa kanya lang nakatuon ang atensyon, ay may gusto nang iba ngayon.Hindi niya alam kung ito ba ay dahil sa kanyang pagiging mayabang o epekto ng alak, pero naging mabilis ang tibok ng kanyang puso at hindi siya mapakali. Samantalang si Celestine ay tila walang pakialam. Ngumiti siya at mahinang sinabi, "Benjamin, ano ang gusto mong gawin?"Lalong humigpit ang hawak ni Benjamin sa kanya. Ngumiti si Celestine at muling nagtanong, "Bitawan mo ako. ‘Di ba, iyon ang gusto mong gawin noon pa?”Kumirot ang lalamunan ni Benjamin, at mas lumalim ang kanyang tingin sa kanya. Oo. Hindi ba ito ang gusto niya? Pero ngayong talagang wala nang pakialam si Celestine sa kanya, bakit parang bigla siyang nakaramd

    Last Updated : 2025-03-28
  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 180

    "Ang itsura ni Miss Yllana ay talagang hindi naman pahuhuli sa mga nangungunang babaeng artista! Sobrang ganda niya!"“Akala ko, anghel siyang bumaba sa lupa! Grabe!”"Axl, matapos ang napakaraming taon, kaya mo bang hintayin hanggang sa makumbinsi mo si Miss Yllana na pumasok sa entertainment industry?”“Oo nga, kumbinsihin mo na pumasok si Miss Yllana sa industriya natin! Sigurado ako, kahit saan natin siya ilagay ay magiging hit ang movie na iyon!”Nag-usap-usap ang lahat nang sabay-sabay, may ngiti sa kanilang mga mata, at tinukso pa sina Axl at Celestine.Tumingin nang masama si Axl sa kanila, lumapit kay Celestine, at sinabi sa lahat, "Hindi ko naman na siya kailangang ipakilala sa inyo, tama?"Tumawa ang lahat at sinabing, "Sino ba naman ang hindi nakakakilala kay Miss Yllana?!"Ngumiti si Celestine at malumanay na sinabi, "Magandang gabi po sa inyong lahat. Pasensya na po sa biglaang pagbisita namin ngayon dito.""Hindi, hindi, walang problema! Halika, umupo tayo!" sabi ng isa

    Last Updated : 2025-03-28

Latest chapter

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 272

    Tiningnan ni Benjamin si Diana noon. Napakunot-noo naman si Philip, halatang hindi natuwa sa pagdating ni Diana.“Ano'ng meron? Bakit ganun makatingin sa akin ang ama mo?” tanong ni Diana kay Benjamin.Ipinasa ni Benjamin sa kanyang ina ang mga gamit para kay Lola Belen pagkatapos ay hinila si Diana at sinabing, “Sa labas na lang tayo mag-usap.”Tumango si Diana, hindi niya nakalimutang silipin si Celestine. Nakita niyang kino-comfort ni Celestine si Zsa Zsa na noon ay naluluha na.Sa isang bench sa likod ng garden ng inpatient department sila nag-usap na dalawa, tinanong ni Benjamin si Diana, “Nabasa mo o nakita mo na ba sa TV ang balita?”Umupo si Diana sa bench at lumapit kay Benjamin, sandaling natigilan, saka tumango, “Oo. Alam ko na ang tungkol sa balita na sinasabi mo.”“Maraming masamang komento tungkol sa iyo, sana ay huwag mong dibdibin masyado. Hindi 'yun mahalaga para sa ating dalawa, naiintindihan mo ba?” Nakakunot-noo si Benjamin noon habang kinakalma si Diana. Natatako

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 271

    Sabay na tumingin sina Zsa Zsa at Lola Belen kay Benjamin, hinihintay ang kanyang sagot.Yumuko si Benjamin pero nanatiling tuwid ang pagkakaluhod niya.Gumalaw na ang kanyang labi at handa na sanang magsalita nang bigla niyang narinig ang reporter sa TV na nagsabi, "Gumastos din ng malaking pera si Benjamin Peters para bilhin ang lupa malapit sa airport para kay Diana Valdez at nagtayo siya roon ng isang hacienda para sa nasabing dalaga.”Halos sumabog sa galit si Philip dahil sa narinig, "Hindi mo inalintana na masasaktan mo ang pamilya Villaroman makuha lang ang lupa, para lang mapasaya si Diana? Benjamin, nababaliw ka na ba talaga dahil sa babaeng iyan?""Hindi po, Dad." Agad na paliwanag ni Benjamin sa kanyang ama, "May sarili akong plano sa lupang iyon, hindi iyon para kay Diana."Napasinghap si Lola Belen, "Ang bilis mong linawin ang bagay na ‘yan. Pero kanina, hindi mo sinagot ang tanong ng ama mo."Masyadong agresibo si Lola Belen sa mga salita niya. Halata na galit na galit

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 270

    Ilang minuto pa ay tinawag ulit ni Benjamin si Veronica bago pa ito makaalis.“Veronica!”Agad na huminto si Veronica nang marinig iyon at tumingin kay Benjamin.Marahil dahil masyadong mabilis at biglaan ang balita, siya’y nag-aalala. Ang guwapong mukha niya ay puno ng takot at pangamba.Itinuro ni Benjamin si Veronica, binuka ang bibig, tila may gustong sabihin, pero nag-alinlangan ito.Dati-rati, si Veronica ang pinakabihasa sa pag-unawa kay Benjamin, ngunit sa sandaling ito, hindi niya ito mawari.Biglang tumunog ang cellphone sa mesa. Si Mrs. Belen Peters ang tumatawag.Namutla ang mukha ni Benjamin nang malaman na si Lola Belen ang tumatawag sa kanya. Napakunot-noo siya at mahina niyang sinabi kay Veronica, "Sige na, hanapin mo muna ang taong nagpakalat ng balita."Tumango si Veronica.Kinuha ni Benjamin ang kanyang cellphone, inihanda ang sarili, at pinindot ang answer button.Sabi agad ni Lola Belen, "Benjamin, umuwi ka agad! Kailangan nating mag-usap!”Sa isang utos pa lamang

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 269

    Isang malaking pulang title na ang nakalagay ay, "Divorce of Benjamin Peters and Celestine Peters” ang nakalagay sa itaas ng listahan ng mga trending na balita sa internet.Pagkatapos pindutin ito, kitang-kita ang isang marketing account na naglabas ng balita: "Isang hindi nagpakilalang tao ang nagsubmit ng ulat na si Benjamin Peters, ang presidente ng D’Belinda, ay pumirma na sa divorce papers kasama ang kanyang asawang si Celestine Yllana Peters at kasalukuyang pinag-uusapan ang mga detalye ng kanilang paghihiwalay."Habang nagpapatuloy ang pag-scroll, puno ng balita tungkol kay Benjamin at Celestine ang nasa screen, at ilan dito ay hindi kanais-nais na mabasa."Dahil sa hindi pagkakasunduan sa kanilang emosyon, nagpasya na mag-divorce sina Benjamin at Celestine. May kumuha pa ng litrato nito noong pumunta sila sa Civil Affairs Bureau. Ilang beses ding sinamahan ni Benjamin si Diana habang kasal pa sila kaya kumpirmadong wala na talaga silang mag-asawa.”"Sinamahan ni Benjamin si Di

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 268

    Ngumiti si Lola Belen at bahagyang yumuko, na itinuturing na niyang isang pagbati sa lahat ng nasa party na iyon.Makalipas ang ilang sandali, sumunod si Lola Belen sa loob.Hindi niya alam na may isang itim na sasakyan na nakaparada hindi kalayuan, dahan-dahang ibinaba ang bintana. Matarik ang labi ng driver habang nagsalita, "Miss, pumasok na kayo."Paglitaw ni Lola Belen, agad siyang naging sentro ng atensyon ng buong lugar. Grabe kung pag-usapan siya ng mga tao roon.Alam ng lahat na ang pamilya Peters ang may pinakamalaking kapangyarihan sa buong Nueva Ecija.Matapos pumanaw ang asawa niya nq si Gaustavo Peters, si Lola Belen, isang babae, ang siyang nagtaguyod na sa buong pamilya. Bagaman parehong mahusay sina Benjamin at ang kanyang ama, nanatili pa rin sa kamay ni Lola Belen ang kapangyarihan ng pamilya Peters."Mrs. Belen Peters!" may lumapit sa matanda at magalang siyang binati.Bahagyang tumango si Lola Belen nang may napakalamig na anyo.Sa isang mundong puno ng katanyagan

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 267

    Kumakain si Celestine ng kanyang dinner nang bigla siyang makatanggap siya ng tawag mula kay Lola Belen."Celestine, makikipag-afternoon tea ako sa isang matagal ko ng kaibigan bukas ng gabi. Gusto mo bang sumama sa akin? Huwag kang mag-alala sa susuotin mo, ako na ang bahala roon." Malambing ang boses ni Lola Belen noong mga oras na iyon kaya mahirap tumanggi.Nakita ni Wendell na may kausap sa cellphone si Celestine kaya agad siyang nagtanong sa kanyang anak, "Sino 'yan?"Tumingala si Celestine sa kanyang ama at mahinahong tumanggi agad sa kanyang kausap, "Lola Belen, may gagawin po akong importante bukas kaya baka hindi po ako makasama sa inyo."Ilang segundo ng katahimikan ang lumipas sa kabilang linya bago napabuntong-hininga si Lola Belen, "Sige na nga. Wag ka nang sumama sa akin. Kung anuman ang gagawin mo bukas ay gawin mo na."Ibinaling ni Celestine ang tingin at mahina niyang sinabi, "Lola Belen, may kailangan po talaga kasi akong tapusin sa ospital. Ilang araw po akong hin

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 266

    Iniisip ni Celestine na siguradong nakita ni Nancy si Benjamin na isinama si Diana roon sa press conference.Nakaramdam siya ng awa para sa pamilya Yllana dahil kahit hindi man nila sabihin, alam ni Celestine na napahiya sila.Talagang sumobra si Benjamin sa pagkakataong ito at hindi na niya pinahalagahan ang pamilya Yllana bilang pamilya ng kanyang asawa.Napangiwi si Celestine noon at hindi napigilang tumingin kay Nancy. Naglilinis si Nancy habang pinapagalitan si Celestine, "Hindi mo man lang malinis nang maayos ang bahay na ito!"Nagdilim ang mga mata ni Celestine pagkarinig noon, alam niyang may iba pang ibig sabihin ang mga salita nito. Kaya ngumiti siya at nagbiro, "Nagpa-kalkula na naman ba si Lolo Manuel sa mga nabasa niya tungkol sa general cleaning?"Kumaway si Nancy bilang tugon sw anak, "Ay hindi ‘no! Hindi na tayo maniniwala sa Lolo Manuel mo. Maghugas ka na ng kamay, sabay tayong kakain, nandito na rin naman ang Tito Axl mo ngayon.”Kumurap si Celestine nang marinig ang

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 265

    Napunta tuloy kay Diana ang atensyon ng media. Siya na ang tinatanong ng mga ito ng kung anu-ano."Miss Valdez! Ano ang masasabi mo sa sinabi ni Mrs. Belen Peters kanina? May katotohanan ba ito?"Hindi pa man nasasagot ni Diana ang tanong ay may isa na namang reporter ang kanyang narinig."Miss Valdez, ano ang relasyon mo kay Mr. Peters? Kayo ba ay palihim na nagde-date at niloloko niyo si Mrs. Peters?"Hindi pa roon nagtatapos, may nagtanong pang ibang reporter kay Diana."Bakit namutla ka Miss Valdez nang marinig mo na gusto kang ampunin ni Mrs. Belen Peters bilang anak-anakan ng pamilya Peters?”Sa reception area, dinala si Benjamin ni Lola Belen at nakaramdam ng awa si Diana para sa kanya.Pinalibutan si Diana ng mga reporter na sunod-sunod ang tanong, at hindi siya makaalis."Miss Valdez, totoo bang magdi-divorce na sina Mr. and Mrs. Peters? Dahil ba ito sa'yo? Tuluyan na ba kayong nagkaroon ng relasyon?""Miss Valdez, pakiusap, sagutin mo ang mga tanong namin! Kanina pa namin gu

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 264

    Malamig na napasinghal si Lola Belen at sinermonan si Benjamin, "Mukha talagang nalilito ka na! Wala ka na sa sarili mo, ‘no?" Kumunot ang noo ni Benjamin, halatang medyo galit na siya sa sitwasyon, "Grandma, pwede ba huwag ka nang makialam sa mga bagay na inaayos namin? Hayaan niyo na lang po kami. Kaya naman po namin iyon." "Ito ay tungkol sa reputasyon ng pamilya Peters, kaya kailangan kong makialam! Naiintindihan mo ba iyon?" Hindi umurong si Lola Belen kahit na nakiusap na si Benjamin sa kanya. Nagkatensyon sila sa gitna ng stage.At ang masaklap pa, si Lola Belen mismo ang nakaharang sa harap ni Benjamin, dahilan para lalo siyang mabuwisit. Tumingin si Lola Belen sa lahat ng mga tao at seryosong sinabi, "Maraming salamat sa inyong pag-aalala sa mga usapin ng apo kong si Benjamin at asawa niyang si Celestine. Sana ay maintindihan niyo kami.""Aaminin ko sa inyo ngayon, sa inyong lahat na hindi pa annulled o divorced sina Benjamin at Ce

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status