“Opo, dederetso na nga po ako papunta roon pagkatapos ko rito,” nahihiyang sabi ni Celestine. Wala na siyang pakialam kung tanungin pa siya ni Benjamin tungkol doon.Nang makapagpaalam na sila sa doktor ay lumabas na si Celestine ay kasunod pa rin niya si Benjamin. Tatanungin na sana siya ni Benjamin tungkol sa pagtatrabaho niya sa ospital nang biglang kinuha ni Celestine ang kanyang cellphone sa bag.“Sino naman ang ite-text mo? Si Eduard ba?” tanong ni Benjamin.“Oo, sino pa ba? Kailangan ko siyang kamustahin dahil sa ginawa mong pagkuha sa akin kanina,” sagot ni Celestine.“Iniintindi mo pa talaga ang nararamdaman ng lalaking iyon?” may selos sa boses ni Benjamin.“Oo, iintindihin ko ang nararamdaman niya dahil-” natigilan si Celestine.“Dahil ano?” tanong ulit ni Benjamin.“Dahil mahalaga siya sa akin. Naiintindihan mo?” Biglang natawa si Celestine pagkatapos ay nagsalita ulit.“Ah, oo nga pala. Hindi mo alam ang tungkol doon dahil wala kang pakialam sa mga taong nasa paligid mo.
Tinitigan ni Diana si Benjamin at unti-unting hinigpitan ang pagkakahawak sa kanyang tasa ng kape. Kinagat niya ang kanyang labi, at halos mamula na ang kanyang mga mata."Benj, kung totoo ang sinabi ni Celestine, aalis na ako." At pagkatapos noon, tumalikod siya at umalis.Walang masagot si Benjamin.Talagang mahilig si Celestine sa gulo! Gusto niya ya talaga na mag-away sina Benjamin at Diana.Kinuha niya ang kanyang cellphone at nagpadala ng mensahe kay Celestine: "Ang galing mo talaga! Bakit mo ginawa ‘yon ha?"Nasa elevator na si Celestine nang makita niya ang text ni Benjamin, at hindi niya napigilang matawa.Nag-text agad siya? Mukhang kakaalis lang ni Diana matapos niyang sabihin iyon.Kung hindi, paano pa magkakaroon ng oras si Benjamin para magpadala ng message?Celestine: "Mr. Peters, tinutulungan lang kitang maging maayos ang relationship niyo ni Miss Valdez. Ayaw mo ba noon?Benjamin: "Celestine, alam mo? Nasisiraan ka na ng ulo!‘Tinatawag niya itong pagtulong sa relasyo
"Ang ating bagong makakasama sa ospital, si Celestine Yllana. Magkakilala ka na sa lahat." Sabi ni Georgia sa buong departamento, uminom ng tubig si Georgia, ibinaba ang baso, at pagkatapos ay tumingin kay Celestine. Ang buhok ni Celestine ay nakatali gamit ang isang clip. Naka-light pink na blusa siya sa loob at may puting coat sa labas. Ang kanyang kasuotan ay simple at malinis. Nagpalakpakan ang lahat sa departamento para salubungin pero tinignan lang siya ni Caroline Dimagiba at nagsabi, "Lagi na lang naglalagay ang head natin ng mga dekorasyon lang sa departament. Hindi ba sapat ang isa lang?" Pagkasabi niya nito, biglang bumukas ang pinto at lumitaw si Diana Valdez sa may pintuan. Tumingin si Caroline kay Diana at hinaplos ang kanyang sentido, mukhang sumasakit ang ulo. Ayos lang sana ang isang dekorasyon, pero may isa na namang dumagdag! Wala bang quota ang ospital nila para sa mga doktor? “Oh, kumalma ka lang. Okay lang iyan. Paglabas mo naman dito ay hindi mo na ‘yan
Ngumiti si Georgia. Nasa ospital na siya buong umaga, at ito ang unang beses na ngumiti siya. Muling tumingin si Celestine sa paligid nang may paumanhin, gusto niyang sabihin na nakakaabala siya. Pero napansin niyang nagniningning ang mga mata ng lahat dahil sa saya.Pagkatapos ng lahat,maganda din pala kahit papaano na kahit minsan ay may matanggap na regalo ang mga katrabaho. Nakakatulong ito para maging masaya ang samahan nila."Dr. Yllana, salamat!" sabi ni Dr. Feliciano."Dr. Yllana, kung may mga tanong ka in the future, huwag kang mahiyang magtanong sa akin ha! Sabi ko naman sa iyo, best friend mo na ako simula ngayon!” sabi rin ni Danica."Oo nga, kung kailangan mo ng tulong, sabihin mo lang, huwag kang mahihiya sa kahit na sino sa amin!"Masayang binati si Celestine ng kanyang mga kasamahan. Ngunit hindi ito dahil lang sa mga regalong ipinadala ng kanyang Lola Celia, likas din kasi sila talagang masiyahin sa pakikitungo.Sa gitna ng masayang pag-uusap, isang matalas na boses
Nakita agad ni Celia ang message ni Celestine sa group chat.Celia: “Natanggap mo na ba ang lahat ng mga gamit sa ospital? Mag-aral kang mabuti sa ospital at huwag mo akong ipahiya sa kanila, matanda na ako para mapahiya pa!”Celestine: “Huwag kang mag-alala Lola Celia, nakuha ko na po lahat! Hindi kita ipapahiya! Promise po! Pero, bakit naman po kayo nagpadala ng mga regalo?”Kahit si Wendell ay nakita na rin ang message niya sa group chat.Wendell: “Kahit hindi mo kinuha ang kumpanya ko, saan man pumunta ang anak ko, dapat may ipagmamalaki! Magtrabaho ka nang maayos dyan, at kung hindi ka masaya, umuwi ka na lang at manahin ang ari-arian ng pamilya! Pwede naman iyon, anak!”Napangiti si Celestine habang nakatingin sa message ng kanyang ama, kahit medyo walang magawa, masaya siya. Masaya siyang makita na mahal na mahal siya ng kanyang pamilya.Sumagot din si Nancy.Nancy: “Mahal kong anak, magtrabaho kang mabuti dyan ha, mahal kita! Mahal na mahal! Hayaan mo na ang mga regalo namin.
Matalim na tumingin si Celestine kay Diana, ano ang gusto niyang gawin? Tinitigan ni Diana si Celestine, seryoso ang kanyang mukha at mukhang gusto niyang bumawi sa babaeng nasa harapan niya! Pinabili siya ni Celestine ng napakaraming inumin sa bar, at hindi pa rin niya iyon nakakalimutan! ‘Anong akala ni Celestine? Ganoon ko na lang kadaling kalimutan ang lahat ng iyon? Aba, hindi! Gaganti ako!’ sabi ni Diana sa kanyang isip. "Miss Valdez ako na ang bahala sa kahit anong gusto mong kainin. Um-order ka lang dyan,” seryosong sabi ni Celestine. Napatingin ang lahat sa kanilang dalawa at hindi maiwasang maramdaman ang tensyon sa paligid. Gusto nilang pigilan iyon pero minabuti nilang kumain na lang. Tinawag ni Diana ang waiter at diretsong nagtanong, "Ano ang pinakamahal na pagkain niyo dito?" "Miss Valdez, may dumating kaming limang de-kalidad na lobster mula sa Australia ngayong araw, at ang bawat isa ay worth 200,000 pesos po," sagot ng waiter. Napasinghap ang lahat sa
Napakaganda ng kanyang tinig, may magnetic force. Lalo na kapag binibigkas niya ang salitang "suyo” punong-puno ito ng lambing para kay Diana.Narinig ito ni Celestins at nakaramdam ng kirot sa kanyang puso.Tinitigan niya ito nang malalim, pagkatapos ay bahagyang ngumiti, walang sinabi, at bumalik sa box ng counter.Kung nalaman ni Benjamin na umorder si Diana ng limang pinakamahal na lobster para lokohin siya, pero sa huli si Benjamin ang nagbayad ng bayarin, malamang na magagalit siya nang husto.Tinitigan ni Benjamin ang papalayong likuran ni Celestine may halong komplikadong emosyon sa kanyang mga mata.Kung dati, siguradong gagawa ng eksena si Celestine kapag narinig niyang gusto niyang lambingin si Diana.Pero ngayon, tiningnan lang siya nito at saka tumalikod at umalis. Walang pakialam.Talaga bang dahil hindi na siya mahal nito, kaya ganoon ang kilos niya? O dahil mahal na mahal siya nito kaya nagkukunwaring walang pakialam at binigay na lang kung saan siya masaya?Bumalik si
Hindi kumain si Celestine sa buong pag-stay nila sa japanese restaurant. Kung ano ang nasa plato ngayon, ganoon pa rin ito nang matapos.Nang malapit nang matapos, pinaalis ni Benjamin si Diana.Si Celestine ang huling umalis. Bago siya umalis, balak niyang pumunta sa front desk para bayaran ang bill dahil umorder siya ng dagdag na pagkain. Pero sinabi sa kanya na binayaran na iyon ni Benjamin.Kahit alam niyang hindi para sa kanya ang kabaitang iyon ni Benjamin, hindi pa rin niya maiwasang makaramdam ng panghihinayang.Sa sandaling ito, mas lalo niyang kinainggitan si Diana. Napapasaya niya si Benjamin nang ganoon katindi. Kung ano ang gusto ni Diana ay basta-basta na lang niyang nakukuha.Tiningnan ni Celestine ang oras. Alas-diyes na ng gabi. Sa hindi malamang dahilan, pakiramdam niya ay sobrang pagod siya ngayon. Unang araw pa lang pero ang dami nang nangyari.Marahil dahil iyon sa unang araw niya sa trabaho. Pakiramdam niya ay parang naubos ang kanyang energy sa dami ng nakilala
"Nasa tamang edad na siya, may asawa at malapit na ngang makipag-divorce, at bata pa rin daw siya? Sa tingin ko, nasanay lang siya sa layaw at wala siyang alam kung ano ang ginagawa niya!”Naka-nguso noon si Celestine. Kahit hindi niya narinig ang naunang sinabi, alam niyang siya ang pinapagalitan ng mga magulang niya.Lasing siyang umuwi kagabi, at siguradong abala na naman ang kanyang mga magulang sa pag-aalaga sa kanya kaya nila nasabi iyon.Pumunta si Celestine sa sala. Agad siyang napansin ni Wendell.Napasinghal ito nang malamig, at pagkatapos makasigurong maayos na si Celestine, kinuha niya ang kanyang briefcase at umalis papuntang trabaho.“Daddy, mag-ingat ka sa daan!” pa-halong pa-puri na paalala ni Celestine dahil alam niyang may kasalanan siya rito.Hindi man lang lumingon si Wendell kahit na narinig niya ang boses ng kanyang anak, tuluyan na siyang umalis.Napangiwi si Celestine at tumingin sa kanyang ina.Nakangunot ang noo ni Nancy habang nakatingin sa kanyang anak. “Ce
Ang atmosphere sa loob ng kotse ay hindi malinaw. Hindi nila alam kung tama ba ang kanilang ginagawa o hindi.Ang mga dulo ng daliri ni Celestine ay hindi sinasadyang dumaplis sa leeg ni Benjamin, at ang mga bakas ng kuko niya ay kitang-kita.Nang halos mapunit na ang kanyang damit, biglang tumunog ang cellphone ni Benjamin sa gitna ng katahimikan.Sandaling natigilan ang kilos ng lalaki, at nanatili ang kanyang mga daliri sa hook ng bra ni Celestine.Napakalinaw ng ringtone kaya't sinumang makarinig nito ay agad na matatauhan.Tumingala si Celestine, at nagtagpo ang kanyang namumulang mga mata sa mga matang puno ng pagpipigil at pagkalito ni Benjamin.Pumikit si Celestine at may bahagyang dugo sa sulok ng kanyang labi dahil nakagat niya ito. Nakita niya ang pangalan na naka-display sa screen ng cellphone, si Diana.Si Diana ang tumatawag kay Benjamin.Kumunot ang noo ni Celestine, at unti-unting luminaw ang kanyang isipan. Hindi niya napigilan ang sarili na asarin si Benjamin, "Tayo
Pero noong lumapit siya, agad hinila ni Celestine ang kanyang kurbata.Sandaling natigilan si Benjamin, at sa kanyang paningin ay lumitaw ang kakaibang mukha ni Celestine. Hindi niya alam kung hindi niya na lang iyon papansinin o matatawa siya.Si Celestine? Maganda? Paanong nangyari iyon? Mayroon siyang dalawang itim sa mata na parang mata ng panda. Nagkalat na kasi ang eyeliner sa mata niya.Kapag sinabi mo namang pangit siya, parang hindi naman. Ang kanyang pares ng mapupulang mata ay napakapayak at kaawa-awa.Pinagdikit ni Benjamin ang kanyang mga labi at narinig niyang mahina niyang tanong, "Talaga bang hindi ka naaakit sa akin? Hindi ba ko maganda sa paningin mo?"‘Talaga bang hindi ka naaakit sa akin? Hindi ba ko maganda sa paningin mo?’ Ilang beses umulit sa isipan ni Benjamin iyon.Dahan-dahang bumaba ang tingin ni Benjamin mula sa kanyang mga kilay at huminto sa kanyang mapulang labi. Natigilan siya, hindi niya alam kung bakit sumagi sa isip niyang masarap halikan ang mga la
Sa kabilang banda, magkausap pa rin sina Benjamin at Celestine."Bilang isang sex worker sa service industry,kailangan mong maging magalang. Bakit ka naninigaw ng mga tao? Nakakainis! Specially, sakin pa ha? Di ba, unang customer mo ako?"Hinawi ni Celestine ang kanyang buhok, sabay pinagalitan si Benjamin at nagsusuka.Pakiramdam ni Benjamin na abala siya ng husto. Nakakadiri na nga si Celestine, pero siya pa ang nagtuturo kung paano magtrabaho bilang isang sex worker. Seryoso ba? Siya si Benjamin Peters at napagkakamalan pa siyang sex worker ng sariling asawa?Sa estado ni Celestine, hindi niya ito kayang alagaan sa ngayon. Sobrang lasing kasi siya at kung anu-ano na ang ginagawa.Paulit-ulit na bumabagsak ang buhok niya sa kanyang tainga, na talagang nakaiinis kay Celestine. Habang tumatagal, tila gusto na niyang makipaglaban sa sarili niya."Puputulin ko na ang buhok ko bukas! Nakakainis! Panira ka masyado eh!”Hindi makasagot ng ayos si Celestine noong mga oras na iyon.Tinitig
“Anong sinasabi mo? Mahal na ni Benjamin si Celestine? Kalokohan! Kahit yata sa panaginip, hindi mangyayari iyon!” sabi ni Shiela, inis na inis na ang mukha niya.“Totoo, mahal niya si Celestine. Hindi naman sila tatagal ng tatlong taon kung hindi,” sagot ni Sean, pinagtatanggol pa rin ang kanyang kaibigan kahit na alam niyang hindi naman totoo iyon.“Alam mo, nagkamali ako na sumakay ako sa kotse mo. Dapat pala ay humindi na agad ako kanina. Iinisin mo lang pala ko!” sigaw ni Shiela.Naisip ni Sean na wrong mo nga ang ginawa niya. Kaya naman, agad siyang nag-sorry kay Shiela.“Sorry na, sorry na! Nagsasabi lang naman ako ng totoo! Hayaan mo, hindi na ko magsasalita ng tungkol doon!” sagot ni Sean.Tumingin si Shiela sa daan, para bang gusto na niyang tumalon sa labas kung pwede lang. Ilang minuto pa ay nagpasya na siya.“Sean, ibaba mo na lang ako dyan sa tabi. Maglalakad na lang ako pauwi. Malapit naman na ang bahay namin dito. Okay na ko,” mahinahon ang kanyang tono pero malinaw an
Nasa kotse pa lang sina Shiela at Sean noon pero gusto nang bumaba ni Shiela dahil usap nang usap ang lalaking kasama niya. .Rinding-rindi na siya rito, feeling close kasi at akala mo hindi pinabayaan ng kaibigan niya si Celestine.“So, kamusta pala ang pagiging artista mo, Miss Shiela? Siguro, marami kang manliligaw ‘no? Alam mo, pangarap ko ring maging artista noon. Kaya lang, naisip ko, ayaw kong magulo ang buhay ko. Alam ko namang gwapo ako pero-” hindi na natapos ni Sean ang kanyang sasabihin dahil sumagot agad si Shiela sa kanya.“Alam mo, kung gusto mo talagang maging isang artista, matutunan mo man lang muna sana na huwag maging mayabang. Ikaw, gwapo? Saang banda?” mataray na sagot ni Shiela.Tiningnan ni Sean si Shiela nang matagal. Hindi makapaniwala na ganoon siya kung kausapin ng dalaga. Siya si Sean Vallejo at wala pa ni isa ang gumawa noon sa kanya.“Saan banda? Miss Shiela, bulag ka na yata? Kung gusto mo, idederetso kita sa ospital para maging malinaw na ang paningin
Nagulat si Sean sa inasal ni Shiela, "Miss Sheila, hindi naman ganito ang personalidad mo online, di ba? You are praised. Akala ko ay maayos kang uri ng babae.”Ang maalamat na celebrity na si Shiela ay maganda, mabait, kaakit-akit, at maalalahanin.Paano siya magiging maalalahanin? Sa sitwasyon nila ngayon, para siyang isang maliit na bomba! Na kahit anong oras, puputok na!"Ikaw na mismo ang nagsabi, iyon ang personalidad ko online. Ibig sabihin, online lang. Hindi sa personal. Diretsahang sagot ni Shiela.Nagulat si Sean sa sagot ni Shiela. Tama nga naman! Iba rin naman ang ugali ng isang Sean Vallejo online, iba rin sa personal.Napatunayan niya, iba talaga ang mga celebrity sa stage at sa totoong buhay."Saan ka nakatira si Miss Shiela? Tulad nga ng sabi ni Benjamin, ihahatid kita pauwi." Ngumiti si Sean.Nainis si Shiela sa narinig, "May kamay at paa ako, kaya kong umuwi mag-isa. Hindi ko na kailangan sabihan ng isang kagaya mo.”"Kailangan kong sundin ang utos ni Benjamin. Baka
Si Celestine ay napakunot-noo, at ang kanyang maganda at marupok na mukha ay halos magkadikit sa kulubot."Celestine, masyado ka nang nakainom. Itigil mo na iyan.Malinaw at may bahagyang lamig ang tinig ng lalaki.Nasa ulap si Celestine. Para bang hindi niya naririnig kung ano ang sinabi ng lalaki sa kanya.Itinaas niya ang kanyang mukha at sinubukang makita nang malinaw ang lalaki sa kanyang harapan. Pero dahil sa malabong makeup niya, nalagas na pilikmata, at madilim na ilaw, hindi niya maaninag nang maayos ang mukha nito.Malabo, sobrang labo.Katulad ng nararamdaman nito para para kay Benjamin,hindi kailanman naging malinaw. At hindi na magiging malinaw pa.Tinitigan siya ni Benjamin, may madilim na bilog sa ilalim ng kanyang mga mata, at may halong komplikasyon sa kanyang tingin.Paano mo nagawang maging ganito? Hindi pa niya nakitang ganito kalasing ang dati niyang asawa. "Ako na ang maghahatid sa iyo pauwi." Hinawakan ni Benjamin ang pulso ni Celestine at sinubukang alalayan s
"Shiela." Mahinang tinawag ni Celestine si Shiela, ang kanyang boses ay puno ng paghikbi.Marahang hinaplos ni Shiela ang buhok sa tabi ng kanyang tenga at tumango, "Celestine, nandito lang ako para sa iyo. Kung ano man ang dahilan ng pag-iyak mo, sige iiyak mo lang."Hinawakan ni Celestine ang kanyang dibdib, namumula ang kanyang mga mata, at nakaramdam ng hindi maipaliwanag na sakit sa kanyang puso."Maghihiwalay na kami at napagdesisyunan na naming bumitaw sa isa't isa, pero bakit parang ang sakit pa rin? Hindi ba pwedeng madali na lang ang proseso nito?" Bahagyang kunot-noo si Celestine habang hinihintay ang sagot ni Shiela.Nang makita sa isip niyang yakap-yakap ni Diana si Benjamin at naglalambing ito sa kanya, naramdaman niya ang tila alon ng sakit na bumalot sa kanyang katawan. Maiintindihan pa rin kaya siya ni Shiela kung iyon ang iniiyak niya?"Celestine, kailangan mo lang ng oras para tanggapin ang lahat. Na hindi na talaga kayo para sa isa’t isa. Hindi madali ang proseso p