Gulat na gulat pa rin si Celestine na niyaya siyang mag-stay ni Benjamin para kumain ng breakfast. Hindi niya pa rin gusto kumain doon dahil baka pumunta nga si Diana.Wala siyang balak makipag-away kay Diana dahil umagang-umaga pa lang."Hindi na, masyado na kitang naabala simula pa kagabi , Mr. Peters.”Umiling si Celestine, itinulak ang kamay ni Benjamin at tumanggi.Bumagsak ang kamay ni Benjamin, at nang makita niyang papalabas si Celestine, hindi niya napigilang sundan ito."Celestine, alam kong marami kang tiniis sa nakaraang tatlong taon. Pagkatapos ng divorce natin, sana ay maging maayos tayo sa isa't isa. Hindi kailangang maging strangers tayo at hindi na muling magkita."Maganda sa pandinig ni Celestine ang mga salitang iyon.Sa loob ng tatlong taon, wala siyang ibinigay, at hindi niya nalaman kung ano ang pakiramdam ng sakit na dinulot niya sa puso ni Celestine.Siyempre, kaya niyang magpanggap na maayos ang lahat. Kaya niyang harapin siya na para bang wala lang nangyari s
Medyo nagulat si Celestine sa inasta ni Benjamin. Hindi niya alam kung masasaktan siya o matatawa sa sarili dahil muntik na siyang maniwala sa kabaitang pinakita ni Benjamin kanina sa kanya.Sa birthday ni Lola Belen, sa harap ng napakaraming kilalang tao sa industriya, ang magbigay siya ng pekeng snow lotus grass, hindi ba big issue iyon?Tumingin si Celestine kay Diana at biglang naintindihan kung ano ang ibig sabihin ng "ang batang umiiyak ang siyang nakakakuha ng candy.”Marahil, ang mga paboritong bata ay walang kinatatakutan."Aalis na ako." Tamad na sabi ni Celestine."Celestine-" Tinawag siya ni Benjamin at di sinasadyang gustong sundan siya, pero mas mahigpit siyang niyakap ni Diana, "Benj, lahat ng tao sa birthday party kagabi ay nagtatanong sa akin. Talagang napahiya ako ni Celestine.”Hindi man lang lumingon si Celestine at umalis nang diretsahan at malamig.Kumunot ang noo ni Benjamin pero pinigilan siya ni Diana, kaya napilitan siyang sumuko sa pagsunod niya kay Celestin
Sa Blackmoon Tea Pavillion.Pumasok sina Celestine at Shiela sa isang private room sa Blackmoon Tea Pavillion. Tinanong ni Shiela, "Ano ang pinili mo?""Siyempre pumunta ako sa ospital! Hindi ko naman sila pwedeng hindian! Isa pa, hindi pa kami pwedeng mag-divorce ni Benjamin agad. Binabantayan kami ni Lola Belen eh!”napabuntong-hininga si Celestine."Ayaw ko na naroon ka girl, kakahiwalay mo pa lang kay Benjamin, tapos magtatrabaho ka naman ngayon? Hindi ka ba napapagod? may pag-aalalang tanong ni Shiela sa kaibigan.Isinara ni Celestine ang pinto at tumikhim. Bigla siyang nagmukhang matanda, ngumiti, at kinuha ang maliit na medical bag sa kanyang kamay. "Halika rito, superstar! Huwag kang mag-alala, aalagaan kitang mabuti. Ano ba ang kailangan mo?”"Eh! Ang kadiri mo! Hindi bagay sayo! Hindi ako sanay ha!” sagot ni Shiela.Kagagaling lang ni Shiela mula sa shooting sa film at TV set. Reklamo niya, masakit ang kanyang likod, bewang, at binti at may cramps pa siya, kaya sobrang hindi
Pero hindi alam ni Benjamin na si Celestine ay isang lihim na mahusay na doktor, lalo na sa traditional medicine. Mayroon siyang kakaibang technique sa acupuncture, isang technique na tanging siya lang ang nakakaalam! Sa isang karayom, kaya niyang pumatay o magligtas ng buhay. Lahat ng nakakita sa kanyang paraan ng acupuncture ay tinawag itong kamangha-mangha. Pero hanggang ngayon, walang sinuman ang nakakaalam na ito ay nagmula kay Celestine. "Okay, tatanggalin ko ang acupuncture mo within 40 minutes. Tinakpan ni Celestine ng manipis na kumot si Shiela at nagtanong. "Nag-shooting ka ba kamakailan? Hindi muna kita i-cu-cupping." "Oo," tumango si Shiela. Tuwing tinuturukan siya ng acupuncture ni Celestine palagi siyang inaantok. Alam niyang sinasadya ito ni Celestine. Alam kasi ni Celestine na hindi siya masyadong nakakapagpahinga, kaya gusto niyang bigyan siya ng pagkakataong makatulog nang mahimbing para mapunan ang kanyang lakas! Sa mata ng ibang tao, si Celestine a
"Mr. Macabuhay, pinupulikat ka ba? Tumawag na kami sa 911! Huwag kang mag-alala..." Pinakalma siya ng mga staff ng teahouse.Sumiksik si Celestine sa karamihan at pumasok. Isang grupo ng tao ang tumitig sa kanya."Bakit ka nanggigigil sa pagsiksik? Sino ka ba?” tanong ng isang lalaki."Tama! Doktor ka ba para sumiksik ka rito?” sabi din ng isa."Gusto mo lang akong pagtawanan, ang bastos mo!""Tingnan mo kung paano niya tinatakpan ang bibig niya... Ano ba 'to? May mabuting tao bang tinatakpan nang ganyan ang bibig niya? Siguro, masamang tao iyan!”Sabay-sabay nilang tinakpan ang kanilang mga bibig, may pangungutya sa kanilang mga mata habang kinukwestyon si Celestine.Tiningnan lang ni Celestine ang mga ito at di napigilang mainis.Napakabagsik na ng mga tao ngayon, hindi na tumitigil sa pang-aasar sa isa't isa!"Ang sakit, sobrang sakit!" kagat-labing sinabi ni Mr. Macabuhay.Nakakaranas nga siya ng pulikat noon, pero masyado siyang busy sa trabaho kaya hindi niya ito pinansin.Karam
Narinig ng lahat ang kanilang sarili na huminga nang malalim—masyadong matapang si Mr. Macabuhay. Maging ang waiter ay nag-aalalang nagsalita, " Sir, hindi namin kilala ang babaeng ito. Baka mapaano po kayo.” Bukod sa kanyang sinabi, hindi naman talaga taga-teahouse nila si Celestine. Kung may mangyaring masama sa ilalim ng kanyang mga kamay, hindi sila mananagot. "Kung may maging problema sa paggamot niya sa akin, ako ang mananagot! Huwag kayong mag-alala," seryosong sagot ni Mr. Macabuhay. Hindi napigilan ni Celestine ang matawa. Talagang may tiwala ang dean na ito sa kanya. Kaya hindi niya ito bibiguin! Matapos sabihin iyon, inihanda ni Celestine ang kanyang mga karayom. Ang kanyang mga karayom ay mukhang awtoritatibo at nakakatakot. Maingat na pinagmasdan ni Mr. Macabuhay ang karayom sa kamay ni Celestine. Ang karayom na ito… bakit parang pamilyar? Tumingin si Celestine kay Mr. Macabuhay, pagkatapos ay dahan-dahang ipinatong ang kamay sa namamagang at nangingitim nito
Si Shiela ay nakahiga sa kama at tinawagan si Celestine, “Celestine? Nandyan ka na ba? Bakit ang tagal mo naman yata?”Pagkabagsak ng kanyang tinig, biglang bumukas ang pinto.Napatingin si Shiela at nakita niyang bumalik na sa private room si Celestine."My super star, bumalik na ko para ayusin ang acupuncture na nilagay ko sa iyo kanina." Lumapit si Celestine at hindi na binanggit ang nangyari sa labas kanina."Asan ang sombrero ko? ‘Di ba, suot mo lang kanina iyon?" tanong ni Shiela."Gusto ko iyon ha. Bilhan mo ko noon, pero iniwan ko na lang sa labas at hindi ko na isusuot. Kung hindi, baka isipin nilang ikaw ako kapag lumabas ako rito!" Gumawa si Celestine ng palusot para makalusot.Hindi na nagtanong pa si Shiela.Matapos ayusin ni Celestine ang acupuncture si Shiels,pakiramdam niya ay lubos siyang nare-relax at hindi na pagod.Habang papaalis, narinig ni Celestine ang lobby manager na nagsabi, "Ang weird talaga, bakit nawala ang surveillance video? Nandito lang ‘yon kanina!”"
Pero lumapit siya para magbigay ng sermon kay Diana.Biglang lumamig ang guwapong mukha ni Benjamin, at ibinaba niya ang kanyang boses, "Shiela! Ano ba? Sabi ko, tama na hindi ba? Bakit hindi ka pa rin tumitigil?"Hindi si Shiela si Celestine, at hindi niya kailanman kinukunsinti ang masasamang ugali ng kahit na sino. Tinitigan niya si Benjamin at diretsong sinabi, "Bakit ka ka ba sumisigaw? Para kang aso, ah?”Kumunot ang noo ni Benjamin, at ang madilim niyang mga mata ay biglang lumamig.Lumingon agad ang mga tao sa teahouse. Nang makita na si Benjamin iyon, dali-daling inutusan ng lobby manager ang mga tauhan na paalisin ang mga usisero para hindi masyadong dumami ang tao.Nang makita ang sitwasyon, agad na humarap si Diana kay Benjamin, "Tama na nga iyan! Shiela, kung may problema ka sa akin, ako ang harapin mo! Bakit mo inaaway si Benj? Wala kang karapatan na gawin iyan sa kanya!”"Sa tingin mo ba hindi kita haharapin? Kahit sigawan din kita, kaya kong gawin iyon! Hindi ako takot
Iniisip ni Celestine na siguradong nakita ni Nancy si Benjamin na isinama si Diana roon sa press conference.Nakaramdam siya ng awa para sa pamilya Yllana dahil kahit hindi man nila sabihin, alam ni Celestine na napahiya sila.Talagang sumobra si Benjamin sa pagkakataong ito at hindi na niya pinahalagahan ang pamilya Yllana bilang pamilya ng kanyang asawa.Napangiwi si Celestine noon at hindi napigilang tumingin kay Nancy. Naglilinis si Nancy habang pinapagalitan si Celestine, "Hindi mo man lang malinis nang maayos ang bahay na ito!"Nagdilim ang mga mata ni Celestine pagkarinig noon, alam niyang may iba pang ibig sabihin ang mga salita nito. Kaya ngumiti siya at nagbiro, "Nagpa-kalkula na naman ba si Lolo Manuel sa mga nabasa niya tungkol sa general cleaning?"Kumaway si Nancy bilang tugon sw anak, "Ay hindi ‘no! Hindi na tayo maniniwala sa Lolo Manuel mo. Maghugas ka na ng kamay, sabay tayong kakain, nandito na rin naman ang Tito Axl mo ngayon.”Kumurap si Celestine nang marinig ang
Napunta tuloy kay Diana ang atensyon ng media. Siya na ang tinatanong ng mga ito ng kung anu-ano."Miss Valdez! Ano ang masasabi mo sa sinabi ni Mrs. Belen Peters kanina? May katotohanan ba ito?"Hindi pa man nasasagot ni Diana ang tanong ay may isa na namang reporter ang kanyang narinig."Miss Valdez, ano ang relasyon mo kay Mr. Peters? Kayo ba ay palihim na nagde-date at niloloko niyo si Mrs. Peters?"Hindi pa roon nagtatapos, may nagtanong pang ibang reporter kay Diana."Bakit namutla ka Miss Valdez nang marinig mo na gusto kang ampunin ni Mrs. Belen Peters bilang anak-anakan ng pamilya Peters?”Sa reception area, dinala si Benjamin ni Lola Belen at nakaramdam ng awa si Diana para sa kanya.Pinalibutan si Diana ng mga reporter na sunod-sunod ang tanong, at hindi siya makaalis."Miss Valdez, totoo bang magdi-divorce na sina Mr. and Mrs. Peters? Dahil ba ito sa'yo? Tuluyan na ba kayong nagkaroon ng relasyon?""Miss Valdez, pakiusap, sagutin mo ang mga tanong namin! Kanina pa namin gu
Malamig na napasinghal si Lola Belen at sinermonan si Benjamin, "Mukha talagang nalilito ka na! Wala ka na sa sarili mo, ‘no?" Kumunot ang noo ni Benjamin, halatang medyo galit na siya sa sitwasyon, "Grandma, pwede ba huwag ka nang makialam sa mga bagay na inaayos namin? Hayaan niyo na lang po kami. Kaya naman po namin iyon." "Ito ay tungkol sa reputasyon ng pamilya Peters, kaya kailangan kong makialam! Naiintindihan mo ba iyon?" Hindi umurong si Lola Belen kahit na nakiusap na si Benjamin sa kanya. Nagkatensyon sila sa gitna ng stage.At ang masaklap pa, si Lola Belen mismo ang nakaharang sa harap ni Benjamin, dahilan para lalo siyang mabuwisit. Tumingin si Lola Belen sa lahat ng mga tao at seryosong sinabi, "Maraming salamat sa inyong pag-aalala sa mga usapin ng apo kong si Benjamin at asawa niyang si Celestine. Sana ay maintindihan niyo kami.""Aaminin ko sa inyo ngayon, sa inyong lahat na hindi pa annulled o divorced sina Benjamin at Ce
Biglang hinawakan ni Diana ang kamay ni Benjamin. Sinulyapan niya ang gilid ng mukha ni Benjamin, umaasang sasabihin nito sa reporter na oo, hiwalay na sila ni Celestine at sila na ni Diana ang ikakasal very soon. Napansin ng reporter ang kilos ni Diana at agad na inilapit ang camera sa kanya. Akala ni Celestine na sa pagkakita sa dalawa na ganyan ang kilos, hindi na siya maaapektuhan. Pero sa sandaling iyon, may kaunting galit pa rin pala sa kanyang puso na hindi matanggal-tanggal. Ang dahilan ng kanyang galit ay hindi ba't pareho nilang itinago ito sa ibang tao? Isa itong press conference, at naka-livestream pa sa buong bansa. Nakakahiya sa lahat ng makakakita. Kung makita ito ng mga magulang at Lolo Manuel at Lola Celia niya, siguradong magagalit na naman sila at kung anu-ano na naman ang sasabihin nila kay Celestine. "Si Celestine at ako ay talaga namang..." Hindi pa tapos si Benjamin sa pa
Pakiramdam ni Danica ay nawawalan na siya ng hininga.Parang lumilihis na ng landas ang mga pangyayari sa harapan niya. Kagabi ay nag-aalala si Mr. Peters tungkol kay Dr. Yllana at pinuntahan pa siya sa gabi.Bakit ngayong tungkol kay Diana ang usapan, agad-agad niyang hinarap si Dr. Yllana? Hindi man lang niya tinanong kung ano ang nangyari, basta na lang siya sinisi.Ibinaba ni Celestine ang kanyang ulo, naupo sa silya at napabuntong-hininga.“Dr. Yllana…” tawag ni Danica kay Celestine.Tumingala si Celestine, “Ha? Bakit?”“Hindi mo narinig ang tanong ko. Sabi ko, ayos ka lang ba?” may pag-aalalang tanong ni Danica.Napa-nguso si Celestine, ano bang masama ang pwedeng mangyari sa kanya? Tiningnan niya ang sarili. Okay naman siya.Hindi na ito ang una o pangalawang beses na siya’y hindi nauunawaan ni Benjamin, matagal na siyang manhid sa mga ganito. Hindi na iyon bago sa kanya.Dumating si Dr. Feliciano ng huli, tinawag siya, “Dr. Yllana.”Tiningnan siya ni Celestine, at nagtanong si
Pakiramdam ni Danica ay nawawalan na siya ng hininga.Parang lumilihis na ng landas ang mga pangyayari sa harapan niya. Kagabi ay nag-aalala si Mr. Peters tungkol kay Dr. Yllana at pinuntahan pa siya sa gabi.Bakit ngayong tungkol kay Diana ang usapan, agad-agad niyang hinarap si Dr. Yllana? Hindi man lang niya tinanong kung ano ang nangyari, basta na lang siya sinisi.Ibinaba ni Celestine ang kanyang ulo, naupo sa silya at napabuntong-hininga.“Dr. Yllana…” tawag ni Danica kay Celestine.Tumingala si Celestine, “Ha? Bakit?”“Hindi mo narinig ang tanong ko. Sabi ko, ayos ka lang ba?” may pag-aalalang tanong ni Danica.Napa-nguso si Celestine, ano bang masama ang pwedeng mangyari sa kanya? Tiningnan niya ang sarili. Okay naman siya.Hindi na ito ang una o pangalawang beses na siya’y hindi nauunawaan ni Benjamin, matagal na siyang manhid sa mga ganito. Hindi na iyon bago sa kanya.Dumating si Dr. Feliciano ng huli, tinawag siya, “Dr. Yllana.”Tiningnan siya ni Celestine, at nagtanong si
Hinawakan ni Celestine ang braso ni Diana gamit ang likod ng kanyang kamay at itinulak siya pabalik. Nakakunot ang noo ni Celestine, at may mabigat na ekspresyon sa kanyang magandang mukha habang sumigaw, “Tama na!” Agad na natahimik ang buong departament.Hindi sinasadyang natumba si Diana sa sahig, namula ang buong mukha niya, at dalawang butones ng kanyang blouse ang napigtas. Itinaas niya ang ulo at tiningnan si Celestine, biglang tumulo ang kanyang mga luha. “Celestine, kinakaya-kaya mo na lang ako?”“Bakit, masama bang saktan ka? Hindi ba dapat lang? Palengkera ka kasi!” malamig na sabi ni Celestine habang nakasigaw pa rin.Itinuro siya ni Diana, habol-hininga at umiiyak. Kinuha niya ang kanyang cellphone at agad na tinawagan si Benjamin at umiiyak, “Benj, sinaktan ako ni Celestine, bilisan mo! Pumunta ka rito! Baka mamaya ay patayin niya na ako eh!”May pag-aalalang sumagot si Benjamin, “Ha? Ikaw? Papatayin ni Celestine?”Nainis pa si Diana dahil parang hindi naman naniwala s
Sa Cardiac Surgery Department..Pagkabukas na pagkabukas ni Celestine ng pintuan ng kanyang opisina, agad niyang narinig si Dr. Feliciano na nagrereklamo, "Nakakahiya talaga ang pamilya Valdez ngayon. Maaga pa lang sinabi na nila sa media na magpapadala sila ng snow lotus grass, pero peke naman pala ang pinadala! Ginawa nilang tanga si Mrs. Belen Peters!"Tumango ang isa pang doktor, "Oo nga, parang sila pa mismo ang bumaril sa sarili nila. Sila ang tanga.""Uy, Dr. Yllana!" Kumaway si Dr. Feliciano kay Celestine, "Ayos ka na ba? Nakalabas ka na pala ng ospital.”Tumango si Celestine at hindi na nagsalita pa.Sumunod si Dr. Feliciano at nagtanong habang nanlalaki ang mga mata, "Dr. Yllana, paano mo nga pala nakuha ang snow lotus grass?"Binuksan ni Celestine ang kanyang bibig, pero paano niya sasagutin ang tanong na iyon?Sasabihin ba niyang isa siyang boss ng base na kahit anong gusto niya ay nakukuha niya? Hindi naman pwede siguro iyon?Habang nag-iisip pa si Celestine ng isasagot,
Palabas na sana siya ng kanyang cellphone, pero napansin niyang nagbabasa rin si Celestine ng balita sa kanyang cellphone. Agad niyang inagaw ang cellphone ni Celestine at itinuro ang nilalaman nito, "Hindi ba't ikaw ang may gawa nito? Aminin mo na kasi!” "Celestine, napaka-despicable mo! Gaano katagal na ba mula nang nangyari ang insidente sa snow lotus grass? Bakit mo ito muling binuhay? Dahil ba gusto ka nang hiwalayan ni Benjamin kaya gusto mong gumanti sa pamilya Valdez? Ganoon ba?” Tiningnan ni Celestine si Diana at naunawaan kung bakit ganoon na lang ang galit niya ngayon. Lumabas na siya pala ang pinaghihinalaan ni Diana na nagpakalat ng issue tungkol sa snow lotus grass. Tumayo si Celestine noong mga oras na iyon at akmang itutulak na naman siya ni Diana pagkatayo niya. Inalis ni Celestine ang kamay ni Diana, kaya napaatras ito ng dalawang hakbang. Nakapagkunot-noo si Diana habang tinititigan si Celestine. Maayos na inayos ni Celestine ang kanyang damit, isinuk