Share

Deception
Deception
Author: Altalune

KABANATA 1

"Hi there." Nangunot ang noo ko tsaka ko sandaliang tinignan ang lalaking lumapit sa akin ngayon. Umupo sya sa katabi kong stool tsaka siya bahagyang yumukod upang masilip niya ang mukha ko. "Alone?" Tanong pa nya na ikinaikot ng mga mata ko.

"No, I'm with satan." Sarcastic na sagot ko sabay tungga sa mojito na kanina ko pa iniinom.

A sexy chuckled escape his lips but I just shrugged it off, kahit gaano pa kaakit-akit ang boses niya ay hindi ako mate-tempt! Ang mga katulad niya ang dapat nilalayuan.

Halatang malandi ang isang ito... kapansin-pansin kase ang mapang-akit niyang ngiti at galaw habang pinipilit nya akong kausapin. Mabuti na lang talaga at alam ko kung ano ang kilos ng isang certified playboy na walang ibang alam gawen kung hindi mangolekta ng babae o di naman kaya ay gawing trophy. Ang mga katulad nitong lalaki ang dapat pinuputulan ng kinabukasan.

"Can I buy you a drink?" Nang-aakit na tanong niya kaya inangat ko ang kopita ko para ipakita sa malanding katabi. Pinagmasdan ko ang mukha niya, he has these grey eyes, greek nose, thick eyebrows, long eyelashes, his hair is color brown... lips are in perfect thin shape and his jawline is screaming masculinity. Everything about his face speaks perfection, his body looks dominant and his aura will make every woman beg in their knees for them to be with this kind of man.

"I can buy myself a drink, just go away and back-off." Pagtataboy ko sa kanya.

Ayaw kong maging bastos pero hindi kong mapigilang magsungit sa kanya lalo pa at ang kulit niya. "Woah! I'm sorry, I thought you just need a companion or a friend." Agad syang tumalilis paalis na para bang napahiya ako naman ay napairap na lamang.

Badtrip na badtrip ako at wala akong panahong makipag landian sa kung sino man, I was so stressed at dahil lamang iyun sa isang tao. It's none other than my own Father. Bakit ba kase nagpapasulsol ito doon sa hypocrite na step-mom and sister ko?

Sinusunod ko naman ang mga gusto niya pero bakit hindi parin sapat? Ginagawa ko ang lahat so he can see that I am capable of taking Yee's corporation pero hindi niya makita yon, he treats me like a weak woman. Naiiyak nanaman na inisang tungga ko na ang mojito na hawak ko, nang sumigid ang pait ng alak sa lalamunan ko at makaramdam ng konting pagkahilo ay nagdesisyon na akong umuwe, kinuha ko ang wallet sa purse ko at naglapag ako ng libo sa counter at tumayo na tsaka dumiretso paalis.

Medyo tipsy na ko dahil madami-dami din ang nainom kong alak. Naglalakad na ako patungo sa kotse ko sana ng may dalawang lalaking humarang sa akin.

Naniningkit ang mga matang tinignan ko ang mga ito. "What the both of you want?" Inis na tanong ko.

"How about a blowj*b and s*x babe?" Tanong ng isang blonde ang buhok na ikinangise naman ng isa nitong kasama, umikot ang mga mata ko dahil dun.

"In your dreams assh*les." Itinulak ko ang mga ito para makadaan sana ako ngunit hindi natinag ang dalawa. "Ano ba!" Inis kong tanong sa dalawa. Nginisihan lang nila ako tsaka sila lumapit sakin at hinaplos ang pisngi ko na ikinaigtad ko, yung blonde hair naman ay biglang humaplos naman sa naka expose kong balikat kaya agad akong umatras ngunit hindi naman ako hinayaan ng isa pang kasama niya.

"Come with us babe, we'll gonna let you taste heaven and hell." Hinawakan ako ng dalawa sa magkabilang braso ko kaya nagpumiglas agad ako.

"Help!!!" Sigaw ko ngunit agad din akong nanlumo ng mapansin kong walang tao sa labas. Alanganing oras pa lang kase kaya't hindi pa talaga magsisiuwian ang mga tao sa loob ng bar. "Let me go, jerks!" Pinilit ko paring manlaban pero alam kong talo na ako, they're too strong compare to me.

"Please..." pakiusap ko sa dalawa baka sakaling maawa sila sakin ngunit tinawanan lang nila ako kaya mas lalo akong nanlumo.

"Dude." Nagkaroon ako ng munting pag-asa ng mula sa likod ay may tumawag sa atensyon ng dalawang taong balak na akong dalhin sa kung saan.

"That's my girl." Pagpapatuloy pa nya.

"N-neon." Bigkas ng isa sa may hawak sa kin at agad akong binitawan tsaka sila tumalilis paalis na para bang takot na takot.

Ako naman ay napahaplos na lang sa mga braso kong nananakit, ngayon ko nga lang din napansin ang panginginig ko dahil sa takot.

"You okay?" Nag-iwas ako ng tingin dahil natatakot akong baka katulad din siya ng dalawang lalaking muntik na akong pagsamantalahan. "Hey, it's okay. You're safe now." Nag-angat ako ng tingin at nanlaki ang mga matang tinitigan ko ang lalaking tumulong sa akin, ito yung kaninang binatang itinaboy ko.

"S-salamat..." Wika ko dahil nahihiya ako sa naging asal ko kanina sa kanya.

"Nah, you need to pay for that." Sabi niya kaya agad akong nag-angat ng tingin upang tignan kung seryoso ba siya.

"What?" Bumangon ang inis sa dibdib ko ng sabihin niya iyun ngunit ang lalaki namang kaharap ko ay tinawanan lang ako. "Magkano ba ang gusto mo?" Hamon ko tsaka hinanda ko ng buksan ang purse na dala ko.

"Woah, easy. Hindi ako nagpapabayad ng pera... just pay me with a date." Aniya tsaka niya ako kinindatan na ikinairap ko.

"At bakit naman ako makikipag date sayo? Sino ka ba?" Mataray kong tanong sa kanya.

"Neon Castiel Villamonte." Ngiting-ngiting inilahad niya ang kamay sa harapan ko na ikinataas ng kaliwa kong kilay. Nang hindi ko iyun abutin ay siya na mismo ang kumuha ng kamay ko para mag handshake kami.

Inirapan ko siya ulit ng tuluyan na nyang bitawan ang kamay ko, agad ko siyang tinalikuran na para bang hindi niya ako isinalba mula sa kamay ng dalawang manyak. "Hey!" Sigaw nya sa akin ngunit hindi ako lumingon at nagtuloy-tuloy lang sa paglalakad patungong kotse ko.

"You owe me a date!" Rinig ko pang sigaw niya bago ako tuluyang makapasok sa kotse ko.

I just raised my middle finger and mouthed him the word 'NEVER' I then started the engine of my car and leave that place as fast as I can.

AFTER office hours I decided to go to Dazzle Restobar again at dahil mag-isa lang ako I decided to sit on the high stool on the counter again, nakakakailang shot na ako ng rum upang kahit papano ay pakalmahin ang sarili at hindi ko maisip ang matinding galit ko kay Daddy. Bakit ba hindi niya ako kayang paniwalaan? I will never copy someone's hardwork! I'm doing everything just to make him happy pero bakit hindi parin sapat? Ano pa ba ang kulang at dapat kong gawen? Pagod na akong magpaka perpekto at sunud-sunuran.

"Hello --"

"Just go please..." aniko agad kahit hindi pa man natatapos ng lalaki ang dapat sabihin sa akin.

Ilang beses ng may lumapit akin ngunit hindi ko hinahayaan ang mga itong magsalita at basta tinataboy ko na lang sila. "I want to be alone," mahinang sabi ko pa.

Ngunit hindi siya nakinig sa akin, bagkus ay umupo pa talaga siya sa katabi kong stool.

Hinarap ko na siya ngunit huminto din sa ere ang salitang dapat ay sasabihin ko ng makilala ko sya. "Ikaw nanaman?" Walang buhay na sabi ko ng tuluyan kong mapagmasdan ng mukha niya.

"Yeah." He said grinning.

"Go away." Taboy ko sa kanya na ipinagkibit-balikat niya.

"Hindi ko alam na pagmamay-ari mo pala ang pwestong ito." Aniya na ikinasimangot ko.

"Just go! I want to be alone." Parang batang sabi ko.

"Yeah right, as if I'm gonna leave you here where men can possibly pester you, harm or hurt you. They will take advantage of your weakness and you'll end up being a victim of r*pe." Napasinghap ako sa mga naging turan niya.

"So? You want to be alone again?" Tanong nya pang muli sa akin.

I remembered yesterday. My encounter with those two maniacs, if this guy in front of me didn't show up last night then I'm d*mn sure that the two guy will do bad thing to me.

Bakit ngayon lang nag sink in sa akin ang mga iyun? My mind is really occupied with the hatred to my own father. Ni hindi ko naisip na muntikan na nga pala akong mapahamak.

"No! Stay with me." Aniko agad dahil agad akong nakaramdam ng takot sa isiping baka nga ma-r*pe ako.

Bakit ba hindi ako nadala last night? Masyado kong pinagtuunan ng pansin si Daddy na hindi ko na naisip na muntik na nga pala akong mapahamak kahapon masyado na din kaseng napapadalas ang pagbabar ko these past few weeks.

"Sure." Ngising-ngisi siya sa kin tsaka siya bahagyang yumukod para magpantay ang mga mukha namin. "Oh by the way... your debt?"

"What debt? I don't remember I had one." Umiling pa ako, pilit ipinagkakaila na wala akong utang sa binatang kaharap ko na tinawanan lang naman ako.

"Ipapaalala ko sayo." Halos mahulog ang panga ko ng ngumise siya sa akin he intentionally smiled widely so I can see his two deep dimples. "Last night I save you from those bastard who tried to take you somewhere. There? You remember now?"

"Nope." I still said popping the 'p'

Of course I do remember it. Hindi naman ako makakalimutin para hindi maalala ang naganap kagabi at ang kabayarang gusto niya sa akin "Sure?" He asked grinning.

"Yeah and can you please stop grinning like a f*cking pervert!" Inis kong bulyaw sa kanya.

Naiinis ako na unti-unti akong naaakit ng pag ngise niya.

"Grinning is my way of seducing the women I like." Nangunot ang noo niya at napasinghap na para bang may napagtanto. "You're not attracted with the way I grinned? No way....." bulong na lang ang huling dalawang salitang sinabi niya.

Natatawa naman ako habang pinagmamasdan ang reaksyon nya, he looks so frustrated just because I am not attracted to his 'famous' grin.

Certified Playboy....

"How about my dimples?" Itinuro niya ang dalawang biloy sa magkabilang pisngi. He looks so desperate over something. Na-curious tuloy ako, gaano ba ka-importante sa ganitong uri ng lalaki ang ma-impress ang mga kagaya ko?

"Well I kinda like your dimples." Pag-amin ko.

There's no use of lying.

"Really?" I giggled on his reaction. "You're funny." Aniko sabay lagok sa alak na hawak ko.

"No, I'm f*ckable." Muntik na akong masamid sa pag-inom ng alak sa narinig mula sa kanya.

"What?" Hiyaw ko dahil nabastusan ako sa sinabi niya. Ipinakita ko talaga ang pagsimangot ko dahil hindi ko nagustuhan ang sinabi niya.

"Sorry." Hingi agad nito ng paumanhin. "That's how I flirt."

"Stop using your 'flirtable words' on me dahil talagang sasapakin kita." Banta ko sa kanya na ikinatango niya.

"Sorry again." Halata namang sincere siya sa paghingi ng tawad kaya napatango na rin ako.

"Forgiven." Aniko. "By the way I am Castidy and you are?" Inilahad ko ang kamay sa harapan niya.

Tinignan nya ako na para bang napugutan ako ng ulo or anything na nakakasindak.

"What?" Taka kong tanong sa kanya.

"Ouch! You don't remember my name. That pains me, I just told it to you last night e." Umarte syang para talagang nasasaktan tsaka pa niya hinawakan ang ibabaw ng dibdib.

"Stop acting like crazy and tell me your name." Pamimilit ko sa kanya.

"Tsk." Tinanggap nya ang kamay kong nakalahad tsaka niya ako tinitigan sa mga mata. "I'm Neon Castiel Villamonte."

Bigla akong nailang sa kakaibang titig niya kaya nag-iwas agad ako ng tingin at tumikhim.

"Nice name." Agad kong binawe ang kamay ko ng makaramdam ako ng kakaiba sa pagdadaiti ng mga balat namin.

"Thanks." Tumahimik siya sandali tsaka nagtanong. "If you don't mind, can I ask you why are you here again?"

Nag-aalangan akong sabihin kung ano ba ang problema ko at kung bakit nga ba ako nandito dahil unang-una ay kakakilala pa lamang namin at pangalawa ay ayaw kong bumuhos ang emosyon kong tinatago-tago but after a seconds of thinking and battling with my own mind I just found myself telling the full details on why I'm in here again...

I told him everything and he just listened to every words I said, slowly nodding in every complaint and pain I mentioned.

And that's how our friendship starts...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status