Share

KABANATA 2

"SO his is really a date huh? Finally mababayaran mo na rin ako." Nakangise at nasa tono ni Neon ang pagbibiro ng sabihin nya yon sakin.

Two weeks na rin kaming magkakilala at wala namang masama kung babayaran ko na nga siya ngayon sa 'utang' ko daw sa kanya.

"Yeah..." sagot ko kay Neon na ngayon ay inuumpisahan ng i-start ang kotseng lulan namin.

Pagkatapos kong ikwento sa kanya ang mga problema ko two weeks ago ay unti-unti ay mas lalo pa kaming naging close. Nalaman kong nagte-training na pala siya sa company ng family niya for being the next CEO just like me, although hindi naman daw talaga yun ang gusto niya pero sinunod na lang niya ang may sakit na ama... He dreamed of being a pilot but he chose to forget his dream and be the man his parents wanted him to be.

Mabait naman si Neon at oo, nalaman ko ring he's a certified playboy. Hindi lang isang babae ang umaway sa akin nitong mga nakaraang araw ng makita kaming magkasama ni Neon. Marami pala talaga ang babae nya na ikinaiinis ko sa hindi malamang kadahilanan.

Being with him means knowing him even more...

Malandi talaga ang binata, walang araw na magkasama kami sa bar na hindi niya ako ginamitan ng kalandian although hindi naman siya nagco-cross the line, hindi siya katulad ng ibang lalaking nakilala ko na pasimple kung manghipo.

"San mo pala ako balak i-date?" Tanong ko kay Neon ng maalala kong wala pala akong kaide-ideya sa lugar na pupuntahan namin ngayon.

"Secret." Sabi niya na ikinairap ko na lamang.

Pinokus ko ang mga mata sa labas ng bintana. Wala namang kaaya-aya sa tanawin sa labas dahil puro post lamp lang at ilaw ng buildings ang nakikita ko. May panaka-nakang puno din na tinanim ng government sa mga sidewalks.

"The heck?" Gulat kong bulalas ng bigla na lang buksan ni Neon ang stereo sa loob ng kotse niya na talagang nagpaigtad sakin.

"What?" Inosente niyang tanong sakin. "Silence is killing me." Tumawa siya tsaka niya paulit-ulit na binang ang kanyang ulo, sadyang sinasabayan nito ang maingay na musika.

Natatawang tinitigan ko siya dahil talagang sumasabay pa sya sa pagkanta yun nga lang, wala talaga ito sa tono. "Wala ka na sa tono." Komento ko.

"It's okay. It's just you and me." Aniya sabay kanta ulit and this time ay sumisigaw na talaga siya kaya nailagay ko na lang ang dalawang palad ko sa gilid ng tenga ko dahil nakakabingi ang ginagawa niyang pagkanta este pagsigaw pala.

"Stop screaming Neon, nakakabinge." Awat ko sa kanya pero hindi siya nakinig at basta kumanta lang ng kumanta.

Natapos ang music kasabay ng pagkahinto ng kotse niya sa harap ng isang napakalaki at exclusive na building.

"Why did we stop in here?" Gulat kong tanong.

Hindi siya sumagot sa akin at basta pinatay lamang niya ang makina. Lumabas siya habang ako naman ay nanatiling nakaupo lang, naguguluhan ako kung bakit sa ganitong lugar kami nagpunta.

Naramdaman ko ang pagbukas ng pinto sa side, yumukod si Neon para silipin ako. Ngising-ngising inaya niya ako palabas ng kotse.

"Come on Cast." Yakag niya sa akin tsaka inilahad ang sariling palad sa harapan ko.

Alangan ang kilos ko ng tanggapin ko iyun. "Bakit tayo nandito?" Tanong ko pa ulit ngunit tanging ngiti lang ang isinagot niya sa akin.

Inalalayan niya akong umakyat, magalang naman na yumukod ang gwardiyang bantay doon sa building tsaka kami pinagbuksan ng glass door.

Hila-hila lang ako ni Neon patungong elevator habang ako naman ay nagpatianod na lang sa kakaibang trip nya kahit medyo naguguluhan. He then pressed the top button making me confused. "Bakit?" Gulat na tanong ko.

"Secret." Sagot nanaman nya na ikinasimangot ko dahil hindi ko makuha ang sagot na gusto ko mula sa kanya.

When the elevator opened to the floor Neon pulled me again and brought me to the nearest fire exit, sumalubong sa amin ang hagdan at habang tinitignan ko yon ay nakakaramdam na agad ako ng pago.

Hindi ko na din mapigilan ang pagsusungit kaya patuloy akong nagsalita.

"Ano ba talaga to? Maglalaro ba tayo ng akyat baba dito?" Hindi ko mapigilang tanong at reklamo na ikinatawa lang naman niya.

Walang ganang sumunod ako kay Neon na nauuna na sa akin sa pag-akyat. Naguguluhan talaga ako, I thought he wanted to date me? Is this some kind of joke? Nahihirapan akong basahin kung kalokohan ba ito o hindi dahil mukha naman siyang seryoso ngayon.

"We're here." Walang emosyong nakasunod parin ako kay Neon hanggang sa buksan nito ang pinto palabas sa pinaka rooftop ng building.

"What do you think?" Nakangiting sinulyapan niya ako, agad sumigid ang lamig ng hangin sa balat ko ng tuluyan akong makalapit sa kanya.

Halos lumuwa ang mga mata ko ng sumalubong sa akin ang red carpet na sinadyang kalatan ng puting petals at sa palibot nun ay puro kandila na sa unang tingin ay aakalain mong totoo pero hindi pala dahil gawa yon sa plastic.

"What the," napanganga ako ng makita kong may isang kama sa pinakagitnan nitong rooftop.

"Surprise, that should be real candles but the wind is blowing the light so I replace it with plastic candles." Alangan ang pag ngiti niya sa akin ng titigan niya ako na para bang sinusuri ang magiging reaction ko. "So what do you think? Is it okay if we do our first date here?" Tanong nya sa akin.

"H-here? I-in bed?" Hindi maiwasan ang kakaibang takbo ng isip ko habang utal kong sinasabi yon sa kanya.

Bakit naman kase may kama dito? Ano namang gagawen namin sa kama? Sa kama kami magde-date?

Tumawa sya na ikinakunut-noo ko. "You're overthinking, Castidy." Aniya sa reaksyon ko.

"Bakit naman kase may kama? Date sa kama?" Inirapan ko siya pero ngisi lang naman ang sinukli nya sa akin bago niya ako sinenyasang lumapit. Kahit alangan ay sinunod ko parin sya, maingat na itinulak niya ako sa kama dahilan para mapaupo ako doon. Nagulat ako kaya't hindi agad ako nakahuma sa ginawa nya, basta't nanlaki lang ang mga mata ko ng makita kong inalis niya ang suot na coat habang titig na titig parin sa akin.

"You're overthinking again." Humagalpak siya ng tawa bago humiga sa tabi ko. "Look at the sky, Cast...." utos niya sa akin.

Nakahinga ako ng maluwag ng wala naman pala siyang masamang balak sa akin, sinunod ko ang utos nya na tumingala para lang mapanganga sa mga bituin na kumikinang sa kalangitan.

"This is what I dreamed..." bulong nya. "Ganitong date ang gusto ko. Lying on the same bed beside the girl I like." Anito.

Unti-unti akong humiga tsaka ko binusog ang mga mata ko sa mga bituin sa kalangitan. Hindi ko masyadong pinagtutuunan ng pansin ang mga bituin noon, wala lang hindi ko lang feel na tumingala sa kalangitan para lang silipin ang kagandahan daw 'niyun' pero ngayon na nakahiga ako sa tabi ni Neon habang pinagmamasdan ko ang mga bituin ay bigla akong nakuntento. Nakakaaliw lang, walang kahit anong espesyal ngunit naging extraordinary ang date na ito ngayon.

Peacefulness is surrounding us....

The cold breeze...

The silent night...

The stars and moonlight....

And him beside me....

I experienced dating someone before pero madalas sa mga expensive restaurant ang mga iyun, but today was different. This wasn't I expected but who have thought that I would like this kind of date.

"NANDITO ka nanaman?" Hindi ko maiwasang magulat nang sa paglabas ko ng building ay mukha muli ni Neon ang makikita ko.

Nakaramdam ako ng kakaibang kaba ng magtama ang mga mata namin, pinasadahan ko siya ng tingin dahil sa unang pagkakataon ay hindi siya nakasuot ng formal attire, he looks ravishing on his simple white polo shirt and maong shorts then a slip-on sneakers. Hindi man lang nabawasan ang kakisigan at kagwapuhan nya sa simpleng suot kaya siguro kakaiba ang kabog ng dibdib ko ngayon.

Something is off with my heart and I'm not that stupid to not know what is happening to me

"Date?" He gave me a boyish smile and my heart thumped like a fool because of that, pasimple ang ginawa kong paghinga upang kalmahin ang tibok ng puso ko. I'm afraid that Neon could hear my heart beat

"Parang nasasanay ata tayo Sir." Sarkastikong saad ko ng tuluyan kong mapakalma ang sarili ko.

Dating Neon is not a bad idea but not good either... Masyado pang komplikado ang buhay ko para hayaan kong may pumasok sa mundo ko ngayon.

"You don't want to go on a date with me?" Sa hindi malamang dahilan ay bigla akong nakaramdam ng habag, Neon's voice sounds sad even though there's a smile drawn on his lips.

"It's not that....." Mabilis kong tugon, ayaw ko man but I don't want him to feel like I was refusing him kaya kahit hindi naman talaga totoo ang rason na sasabihin ko ay sinabi ko padin iyun. "B-baka lang kase may bigla nanamang sumugod sakin."

Neon's face lightened up when he heard what I said, it makes me feel at ease when I saw how his smile grew bigger. "I will take you somewhere that no one knows me, I promise." Mabilis siyang tumayo ng tuwid tsaka itinaas ang kanang kamay na agad kong ikinatawa.

He acts like a kid who's telling his Mom that he will behave para lang isama.

"And my apologies for being too handsome." Umikot ang mga mata ko sa naging pahabol na tugon niya. Hindi na talaga mawawala kay Neon ang kahanginan at mukhang kailangan ko nang masanay.

Binuksan ni Neon ang passenger seat kaya napapabuntong-hiningang pumasok ako sa kotse niya, a part of me is refusing but a big part of me is celebrating to the presence of Neon.

Ilang buwan na din ng makapag palagayang loob ko si Neon, sa isang linggo ay tatlong beses siya akong pinupuntahan, yeah I was counting. At sa linggo ngang ito ay ang pangatlong pagsundo niya sa akin.

Kunware lang din naman ang pagsususngit ko sa kanya kanina, it's a defense mechanism in fact dahil ang totoo naman ay may parte sa pagkatao ko na inaabangan na ang pagpunta niya dito.

Sa bawat linggo si Neon ang nagiging stress reliever ko, my Daddy is training me to be the next CEO for the past months and Neon's sudden appearance gives me a positive vibe.

Tinignan ko si Neon na maingat na inaayos ang seatbelt sa akin. "In my hands you'll be safe." Anitong ikinatawa ko dahil pamilyar sa akin ang salitang ginamit niya, parang sa kanta lang kase yun nga lang ay medyo iba ang ginamit na words.

Lagi namang pinaparamdam ni Neon sa akin na importante ako, my guard is slowly going down because of Neon's treatment. Kakaiba na din ang nararamdaman ko sa kanya, I never felt this way before. Mataas ang pader na binuo ko sa paligid ko, walang ni isang nakapasok tanging si Neon lang.

"Castidy...." Napakurap ako ng mapansing kong gahibla na lang pala ang layo namin sa isa't-isa, I can even see his adam's apple moving up and down. "I'm sorry." Naguluhan ako sa naging saad niya pero agad ko ding napagtanto ang sinabi niya nang bigla nyang sakupin ang labi ko.

Ilang segundo lang ang damping ginawad niya sa akin pero nag-iwan iyun ng libu-libong boltahe sa kaibuturan ko. I tried to stop myself but my impulsive thoughts won, I cupped Neon's cheeks and kissed him fully.

Nung una ay nagulat pa si Neon sa ginawa ko pero ilang sandali lang ay agad niyang tinugon ang halik ko, I don't know how to kiss because this is the first time I let a man near me but to hell I care. Pumikit ako tsaka ko inalala ang napapanuod ko sa mga romantic movies, I slowly moved my lips, hinawakan ni Neon ang pisngi at baba ko tsaka ito ang nagmistulang guide ko. Ginaya ko kung paano niya halikan ang labi ko, kakaibang kiliti ang nararamdaman ko dahil don. Pakiramdam ko ay may kung anong insekto ang nagliliparan sa sikmura ko dahil sa pinagsasaluhan naming halik. Tumagal nang ilang minuto ang halikan naming iyun bago kami tuluyang naghiwalay, Neon placed his forehead on mine, kapwa kami habol nang hininga. Neon is smiling habang ako naman ay ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi at katawan ko dahil sa nangyare.

"Thank you." Sabi niya.

"S-aan?" Habol ang hiningang tanong ko habang magkalapat pa din ang mga noo namin.

"For the kiss." Sagot niya.

"W-welcome?" Alanganing sagot ko naman na ikinatawa niya. Ako na din ang marahang lumayo kay Neon dahil nakaramdam ako ng hiya at konting pagkailang.

Matapos ang pinagsaluhan namin ay agad din namang pinaandar ni Neon ang sasakyan nya and him being playful tease me for the whole ride.

"This is my favorite place when I want to unwind." Sabi ni Neon ng ihinto nito ang kotse sa isang cafe. Mabilis niyang tinanggal ang seatbelt na suot nya matapos nun ay ang seatbelt ko naman ang in unbuckle niya. Agad lumiwanag ang mukha ko nang makita ko sa bintana ng kotse ang magandang tanawin.

"Wow." Hindi maiwaang bulalas ko ng makalabas ako ng kotse.

Dinala nya ako sa isang maliit na café... Blath Cafe and Pastry, it's a small yet expensive looking cafè, halos tagong lugar ang pinuntahan namin kaya hindi na nakakapagtakang pagpasok namin ay dalawa o tatlong customer lang ang nasa loob which is good. Kakaibang style ang nasa loob ng cafe, sa labas ay isa itong isang simpleng cafe pero sa loob ay para kaming ipinasok sa isang enchanted forest.

Kung sa labas ay maliit itong tignan sa loob ay halos hindi ako makapaniwala kung paano ito naging ganto kalaki, may sariling fountain sa loob na naglalaman ng ibat'-ibang klase at makukulay na isda, sa paligid ay puro disenyo ng bulaklak at puno na para bang nasa isang forest talaga.

Halata kay Neon na madalas ito dito, eto na din ang nag order ng kakainin namin kaya ng dumating ang orders ay halos lumuwa ang mga mata ko dahil tag iisang slice iyun ng iba't-ibang flavor ng cake.

"Seriously Neon?"

"What?" He innocently asked while chuckling. "I want you to try it all."

"Ikaw ang umubos niyang baliw ka!" Asik ko sa kanya na katulad kanina ay tinawanan lang ako.

Binilang ko ang nasa harapan ko at ngayon pa lang ay parang magkaka tootchache na ako dahil don, kinuha ko ang cake fork tsaka inuna kong tikman ang nakaagaw ng atensyon ko. Agad kumalat ang lasa ng cake sa bibig ko at parang isang cotton candy na kusang nagmelt iyun sa bibig ko dahil sa sobrang lambot nun, binabawe ko na din ang sinabi kong magkaka toothache ako dahil hindi pala gaanong katamisan ang cake nila.

"Ang sarap diba?"

"Uh hmm."

"Of all the foods I like cake is my top priority."

"You like sweets?" Tanong ko habang pinapahidan ng napkin ang gilid ng labi ko.

"A lot." Parang batang aniya before he digs into his cake.

I gazed at him and my heart flattered to the sight of him, he looks like a kid while eating his cake-- a happy and contented kid. I wished I could be this happy, kung nabibili lang ang happiness matagal ko ng binili yon pero hindi eh, ang lungkot lang kung iisiping maige dahil libre na nga lang maging masaya pero hindi pa din afford ng karamihan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status