Death Judge Noble Park

Death Judge Noble Park

last updateLast Updated : 2021-08-06
By:  Plaissance  Completed
Language: English_tagalog
goodnovel16goodnovel
9.7
14 ratings. 14 reviews
36Chapters
2.7Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Maganda ang mundo, ngunit malupit din ito. Sa mundo ng Gaia, mayroong apat na rehiyon. Iyon ay ang Normous, Defracia, Bandalia Cifalia, at Isla ng Anino. Sa bawat rehiyon ay mayroong Death Judge, ang pag-asa ng bayan, ngunit ang Rehiyon ng Normous lamang ang walang Death Judge at ang umako sa posisyon nito ay ang emperor mismo. *~* Si Maximaze Lativitus Park ay isang mamamayan ng Normous at nasa pinakamababang-antas lamang ng sibilisasyon sa rehiyon. Sa ibang salita, siya ay isang alipin ng nakatataas. Nang siya ay hindi pa ipinapanganak ay nawalan na ito ng ama dahil sa kabayanihang ginawa. Nang dumating ang kaibigan ng kaniyang magulang, nagbago ang kaniyang buhay. Siyaʼy binigyan ng pagkakataon na makapag-aral at makalaya sa pagkakaalipin, ngunit sa isang kondisyon. Kailangan niyang maging isang kandidato sa paglalakbay at maging Death Judge ng Normous sapagkat ang emperor ay nanghihina na. Ang tahimik niyang buhay kasama ang kaniyang ina ay naging magulo—mas malala sa pagkakaalipin. Marami siyang inaasahan sa mundo ngunit nang kaniyang malaman ang katotohanan, ang kaniyang pangarap ay nawasak sa pira-piraso. Sa araw na iyon, nakatanggap siya ng isang masamang paalala.

View More

Latest chapter

Free Preview

Prologo

“Ohayo! Por Baron vi servancio ca! Ipesanyo ver ca por presyosva!” sigaw ng tagapaglingkod ng baron. Akin nang inihanda ang pambayad sa aming upa. Sumulyap ako sa aking asawa at nakitang inaasikaso niya ang pagtotroso.Translation: Ohayo! Ang Baron ay naandito na! Ihanda n`yo na ang pambayad!Lalapit sana ako nang biglang may kumalabit sa akin at naging dahilan ng aking pagkagulat at pangangamba. Ako'y halos mapatalon na. Nilingon ko ito at salamat naman at ang kumalabit sa akin ay ang aking asawa.“Sybil, hayaan mong ako na ang mag-abot ng presyosva sa tagapaglingkod ng baron. Ako'y nangangamba na baka ikaw at ang ating anak na nasa iyong sinapupunan at mailagay sa kapahamakan,” wika ni Vishton, ang aking asawa. Napakaswerte ko dahil ako'y nagkaroon ng asawang tulad niya. Inuuna ang kaligtasan ko at ang aming anak na ngayon ay nasa aking sinapupunan pa lamang.“Previlia Park! Nasaan na ang inyong presyosva?! Huwag ninyong sa

Interesting books of the same period

Comments

user avatar
talesofher
ang ganda ng pagkakasulat! < 3
2022-03-24 19:37:18
0
user avatar
Seilenophiles
love ittt. ganda rin ng narration!!!
2022-03-22 21:46:35
0
user avatar
Miss A.
Superb! kudos sa author <3
2022-02-10 17:09:22
0
user avatar
Miss A.
ganda ng story!
2022-02-10 17:08:49
0
user avatar
SweetDevilishAngel
I'm loving thiiiis!!!
2021-12-04 17:49:20
0
user avatar
acronuxx
balang araw masisimulan ko ring basahin 'to, keep it up, plai ...️
2021-11-19 10:14:47
1
user avatar
talesofher
an amazing masterpiece! keep up the good work, Plai! ...
2021-11-19 09:45:34
1
user avatar
SGirl
Great story. I love it!
2021-11-19 03:34:26
1
user avatar
Avii
It is very well written!
2021-11-18 23:54:45
1
user avatar
CarLyric
ang unique po ng story. At napaka ganda ng daloy nya.. Kudos writernim ......
2021-11-18 23:47:30
1
user avatar
C. Creeps
the story is good
2021-11-18 23:12:36
1
user avatar
SereinV
Great story!
2021-11-18 22:57:15
1
user avatar
LilacCurl
Ang ganda ng pagkakasulat. More chapters plsss..
2021-11-18 22:52:04
1
user avatar
Mooie Dame
this is good
2021-11-20 16:33:21
1
36 Chapters

Prologo

“Ohayo! Por Baron vi servancio ca! Ipesanyo ver ca por presyosva!” sigaw ng tagapaglingkod ng baron. Akin nang inihanda ang pambayad sa aming upa. Sumulyap ako sa aking asawa at nakitang inaasikaso niya ang pagtotroso.Translation: Ohayo! Ang Baron ay naandito na! Ihanda n`yo na ang pambayad!Lalapit sana ako nang biglang may kumalabit sa akin at naging dahilan ng aking pagkagulat at pangangamba. Ako'y halos mapatalon na. Nilingon ko ito at salamat naman at ang kumalabit sa akin ay ang aking asawa.“Sybil, hayaan mong ako na ang mag-abot ng presyosva sa tagapaglingkod ng baron. Ako'y nangangamba na baka ikaw at ang ating anak na nasa iyong sinapupunan at mailagay sa kapahamakan,” wika ni Vishton, ang aking asawa. Napakaswerte ko dahil ako'y nagkaroon ng asawang tulad niya. Inuuna ang kaligtasan ko at ang aming anak na ngayon ay nasa aking sinapupunan pa lamang.“Previlia Park! Nasaan na ang inyong presyosva?! Huwag ninyong sa
Read more

Kabanata 1

Sybil Park Ilang taon na ang lumipas at namuhay naman kami nang mapayapa ng anak kong si Maximaze. Walong taong gulang na siya ngayon. Isang napakamasiyahing bata at may inosenteng pagkatao. Ako'y nagagalak sa kanya kaya bibigyan ko siya ng regalong alam kong magugustuhan niya.“Ina! Ina! Ina!” Aking narinig ang aking anak na nagmumula sa labas ng aming bahay. Awtomatiko akong lumabas upang salubungin siya. Ito'y hingal na hingal at halatang todo ito sa paglaro. “I-ina . . . “ nauutal niyang sambit dahil sa paghahabol ng hininga.“Oh, anak? Halatang ikaw ay nagbuhos ng lakas sa iyong paglaro. Hingal na hingal ka,” natatawa kong wika sa anak. Pinunasan ko ang kaniyang likod dahil talagang pawisan ito.“I-ina, hindi po ako naglaro.” Ano ang ibig sabihin ng aking anak? Ang ibig sabihin ba nito ay nagpahabol siya sa mga aso? Itong bata talagang ito.“Nagpahabol ka sa mga aso ano? Ikaw
Read more

Kabanata 2

Sybil Park“Kung gayon, ginang. Ano ang inyong pakiusap? Ang bigyan ka ng pagkakataong makapag-aral? Hindi ko maibibigay sa iyo iyan.” Hindi ko man ibinahagi ang aking pakiusap ngunit tinanggihan agad ako ng Baron.“Baron, hindi n`yo po kailangang ibigay sa akin sapagkat ang aking hinihiling ay maibigay iyon sa aking musmos na anak.” Kagaya ng sinabi ko, lahat ay aking gagawin basta para sa aking anak. Ito ang nais ni Mazimaze, ang makapag-aral kaya't ibibigay ko sa kaniya ito.“Sa ngayon pa lamang ay humihingi agad ako ng pasensya, ginang, ngunit hindi ko iyan bibigyan ng pahintulot.” Ang kaniyang isinaad ay nakapagdismaya sa akin nang lubos.Ano pa nga ba ang aking aasahan? Maliit lamang ang tiyansang pumayag ang baron ngunit akin pa ring sinubukan para sa aking anak. Ito na ang aking inaasahan ngunit hindi ako makakapayag!“Baron! Ako'y nagsusumao sa inyo. Para lamang sa aking anak. Baron, pagbigyan n`yo
Read more

Kabanata 3

Sybil Park“H-heneral, patawad! Patawad! Nadala lamang ako sa aking damdamin! Kung maaari nawa ay ako'y inyong patawarin!” Ngayon lamang nakita ng mga tao rito na nagmakaawa ang Baron dahil kadalasan ay kami ang nagmamakaawa sa kaniya.“Kung hihingi ka ng tawad dapat alam mong pinagsisihan mo na. Pero mukhang hindi, at dahil diyan dadagdagan ko ang iyong parusa, ibabalik mo ang mga perang kinuha mo sa kanila at ipapaayos ang pinasunog mong tahanan. Naintindihan mo?!” Kaniyang hinablot ang buhok ng baron at iningudngod ito sa lupa.“O-opo, Heneral. Masusunod,” nanginginig na aniya. Kung ang baron ay takot na, malamang takot na rin ang kanyang mga lingkod. At dahil sa takot, nanginginig silang tumayo sa pagkakaluhod at sabay-sabay na dumeretso sa kanilang mga kabayo.Hindi na ako nag-aksaya ng panahon bagkus ay lumapit na ako sa aking anak na ngayon ay pinagkakaguluhan ng madla. Maraming papuri ang natanggap nito ngunit s
Read more

Kabanata 4

Sybil ParkSiguro ay kailangan ko nang magtiwala sa aking anak. Mayroon itong mga pangarap o naisin sa buhay na siyang makakatulong sa kaniya upang magpatuloy sa kaniyang tinatahak. Ako'y magtitiwala na. Hihilingin ko na sana ay magtagumpay ito sa paglalakbay kahit na matagal pa naman iyon. Alam kong pagkatapos nito ay mamumuhay na kami nang payapa. Maaari nang bumalik sa amin si Vishton.“S-salamat po, Heneral! Ang ibig ko pong sabihin ay vashda, Heneral! Hebeias vashda, Heneral!” Nanlaki ang aking mga mata nang sabihin niya ang salitang Hebeias vashda na ang ibig sabihin ay 'maraming salamat'. Salamat lamang ang aking itinuro—saan naman niya nakuha ang salitang iyon?“Saan mo naman natutunan ang hebeias vashda, aking anak?” Lumapit ako kay Maze at inobserbahan siya.“Aking naririnig sa mga mamamayan ng Xida Palacios ang salitang hebeias vashda. Aking nalaman sa inyo ina na ang vashda ay salamat. Kaya napagtanto ko na
Read more

Kabanata 5

Sybil Park Bigla ko na lamang naalala na si Maze ay aalis sa aking piling upang maglakbay. Kinakabahan ako para sa kaniya dahil baka hindi ko na muling makita ang mga ngiti niya pagbalik dito. Akin na lamang hihilingin na sana ay maging ligtas siya at sa kaniyang pagbalik ay mamumuhay kami nang payapa. Ayos lamang sa akin kung hindi siya ang napiling Death Judge. Ang importante ay makabalik siya sa aking piling. “Halina kayo at ipapakita ko sa inyo ang inyong mga kwarto. Sigurado akong magugustuhan n`yo iyon.”   Ang heneral ay ngumiti. “Dito muna kayo mananatili pansamantala habang ginagawa pa ang maliit n`yong palasyo.”  Tinapos namin ang hinanda niyang mga pagkain at saka kami naglibot sa kaniyang palasyo. Masasabi kong ito'y maganda at maayos ang pagkakagawa. Sa tingin ko'y walang bagyo na makakasira rito. Hindi imposibleng magkaroon ng ganito si Cladius sapagkat simula pagkabata ay marangya na ang kaniyang buhay. “Sybil, narito ang
Read more

Kabanata 6

Sybil Park “Ina, sigurado ka bang pupunta tayo sa mga mananahi?” Hinawakan niya ang aking suot-suot na damit habang nakatingin sa akin. “Oo, Maze. Nang sa gayon ay malaman mo ang mga dapat gawin sa pagbuburda kahit sa simpleng paraan lamang.”   Aking inilapag ang mangkok sa aming harapan upang magsimula nang kumain. Hihintayin na lamang namin ang mga tagapaglingkod para sa pagkain. Nilagyan na ng mga tagapaglingkod ang aming mga mangkok. Inihanda na rin nila ang aming mga baso at nilagyan ng katas ng dalandan. Isang masarap na ramen ang aking nalalasap. Sabik na sabik na kumain ngunit parang mas sabik ang dalawa ko pang mga kasama. Mga matatakaw. Sumubo agad ng isang sipit ng intsik ng ramen ang heneral. Kung kumain ito, para bang hindi siya nakakain ng ilang taon. Tuloy tuloy ang kaniyang pagsubo at paghigop hanggang sa kumuha siya ng panibagong ramen na kakainin. Sumulyap ako sa aking anak. Simple lamang kumain pero puno ang kaniya
Read more

Kabanata 7

Sybil ParkTiningnan niya ang kaniyang mga kuko. “Nakita kong dala-dala niya ang isang mangkok. Itoʼy kaniyang ininom. Hindi ito agad umalis sa kinaroroonan niya, ngunit patuloy ko siyang pinanood—umaasang siya ang makikipaglaro sa akin. Mayaʼt maya ay sumuka ito. Ako ay lumapit sa kaniya upang tulungan ito at saka ko na lamang nabalitaan na itoʼy loquat . . . ” Tumingin siya kay Leonardo. “Nang kami ay naghahapunan ay binigyan mo ang heneral ng loquat na sinasabi mo.” Bumuntonghininga ako. Mas hindi ako makapaniwala dahil hindi man lang siya nagpaalam sa akin na siyaʼy maglalaro!“Ngayon, sabihin mo sa amin. Bakit mo balak lasunin ang heneral?” Bakas na ang panggigigil sa boses ni Maze ngunit wala pa ring epekto kay Leonardo. Hindi ito nagsalita pero nakangisi.“Paano kung hindi ko sabihin?” Lumapit siya kay Maze at pinantayan ito. Siyaʼy ngumisi nang nakakaloko, sinusubukang takutin ang aking a
Read more

Kabanata 8

Sybil Park Isa lamang itong parte ng taktika ng Fuji. Tanging kaming tatlo lamang ang nakakaalam sa taktika ng Fuji. Ang taktika ay epektibo lalo na't umuulan ng niyebe o sa madaling salita, taglamig ngayon. Hindi nahahalata ang patibong dahil natabunan ito ng niyebe. Agad na dumating ang mga Imperïal Guard na ngayon ay hingal na hingal na at parang inulanan ng pawis kung sila ay titingnan. “Ginoo, ang magnanakaw na inyo pong hinahabol ay naririto sa baba. Maaari namin kayong tulungan upang siya'y maiangat at mabigyan ng parusa,” taimtim kong sinabi Hinayaan na lamang kami ng mga guwardiya na tumulong dahil halata naman na sila'y pagod na. Naiangat na ang lalaki nang dumating ang eunuch. Saktong sakto lamang ang pagdating nito. Sumulyap ako kay Cladius at nakitang nag-aayos siya ng sarili. Simula sa damit, buhok, at pagmumukha. Si Vishton naman ay kalmado lamang. Pormal kung pumustura at tuwid kung tumayo. Ako naman ay normal lamang. N
Read more

Kabanata 9

Sybil Park“Kakain na! Paunahan sa kubo!” kumaripas ng takbo si Cladius at ganoon na rin si Vishton. Hindi na ako tumakbo at baka ako'y madapa.“Hoy! Bilisan mo, Sybil! Dahil ang mahuhuli ay manglilibre ng ramen!” wala na akong ibang magawa kundi ang tumakbo. Ayaw ko pa namang manglibre at isa pa, wala akong dalang pera.“Oo, naalala ko pa . . . ” humihina ang aking boses. Nakangiti at nakatingin sa kawalan. Gusto kong bumalik sa mga pagkakataong iyon. “ . . . pati ang taktika ng Fuji ay naalala ko pa. Ang dami nating kalokohan sa ating kabataan.” “Haha. Aking inaalala lamang, Sybil, naaandon pa kaya ang ating mga kagamitan para sa taktika ng Fuji?” tanong ni Heneral.“Hindi ko alam. Maaaring naandoon pa. Sa tagal ba naman ng panahong hindi natin iyon nagamit. Baka nga ay nakuha na iyon ng mga bata.” “Kung gayon ay hahanapin ko iyon at ipamamana ko sa i
Read more
DMCA.com Protection Status