Sybil Park
“Kakain na! Paunahan sa kubo!” kumaripas ng takbo si Cladius at ganoon na rin si Vishton. Hindi na ako tumakbo at baka ako'y madapa.
“Hoy! Bilisan mo, Sybil! Dahil ang mahuhuli ay manglilibre ng ramen!” wala na akong ibang magawa kundi ang tumakbo. Ayaw ko pa namang manglibre at isa pa, wala akong dalang pera.
“Oo, naalala ko pa . . . ” humihina ang aking boses. Nakangiti at nakatingin sa kawalan. Gusto kong bumalik sa mga pagkakataong iyon. “ . . . pati ang taktika ng Fuji ay naalala ko pa. Ang dami nating kalokohan sa ating kabataan.”
“Haha. Aking inaalala lamang, Sybil, naaandon pa kaya ang ating mga kagamitan para sa taktika ng Fuji?” tanong ni Heneral.
“Hindi ko alam. Maaaring naandoon pa. Sa tagal ba naman ng panahong hindi natin iyon nagamit. Baka nga ay nakuha na iyon ng mga bata.”
“Kung gayon ay hahanapin ko iyon at ipamamana ko sa iyong anak—aray! Bakit mo ako hinampas?!”
“Siguradong pagtatawanan lamang ako ng aking anak kapag ibinigay mo ang mga iyon sa kaniya!”
“Tsk, tsk, tsk, tsk. Sana ay hindi namana si Maze sa ugali mong iyan. Mahilig manghampas nang wala ka namang ginagawa!”
“Huh, ako nga ay hiniling na huwag magmana sa kaniyang tiyo ngunit nangyari padin!”
“Oh, anong katangian ko naman ang sinasabi mo! Maayos kaya ako.”
“Ang pagiging matakaw. Daig n`yo pa ang taong hindi nakakain ng isang taon!”
“H-h-hoy! Anong matakaw? Ako'y nagugutom lang!”
“Ahh, kaya pala kain ka ng kain noon. Mga tipong isang oras pa lamang lumilipas ay gutom ka na.”
“Tumahimik ka. May makarinig sa iyo!”
“May nakarinig na.” Akin siyang piningot aa tainga. Ilang taon na ang lumilipas ngunit hindi pa rin nagbabago ang pagiging matakaw niya.
Umalingawngaw ang tawanan sa paligid. Lumingon si Heneral sa paligid at tumahimik. “B-bilang parusa. I-ipaggahanda n`yo ako ng i-isang magandang hanbok! Bibigyan ko lamang kayo ng isang buwan para gawin iyon!” Agad na nagsipagbulungan ang mga estudyante. Nagsisisi at tumawa pa sila.
“T-tara na . . . ” Gusto kong tumawa ngunit hindi ko magawa. Masyadong mainitin ang ulo ng heneral.
Habang naglalakad, bumalik sa aking isipan ang nangyari noon. Pagkatapos naming kumain ng ramen, kinausap kami ng matandang iyon at tinanong kung ayos lang daw ba kami. Naging mabait sa amin si Zhu Julio sa maikling panahon lamang at iyon ang hindi ko makakalimutan.
“Zhu, bakit po ba mayroong mga taong sakim sa mundong ito? Hindi po ba sila nakokonsensiya?” tanong ni Vishton habang kinakain ang ramen na binili niyang muli kahit kakatapos pa lamang namin kumain.
Si Zhu ay tumango lamang. “Lahat tayo ay sakim sa sarili nating mga paraan. Sa mundong ito, mayroon lamang tayong dalawang pagpipilian. Maaaring karahasan . . . o `di kaya'y kapayapaan.” Huminga ito nang malalim at saka tumingin sa kalangitan. “Ngunit ating pinili ang karahasan kahit na puwede tayong manatiling payapa at tahimik sa kadahilanang matatapos ang lahat kapag tayo ay lumaban habang nagbubuwis ng dugo o buhay.”
Pinakinggan lamang naming tatlo na magsalita si Zhu Julio. “Walang nagtatagal sa mundong ito kaya kahit piliin natin ngayon na maging tahimik, hindi habangbuhay ay magiging payapa, maaari ring iyon ang maging dahilan ng karahasan . . .” Nagbaba siya ng tingin. “Alin man sa dalawa ang ating piliin, kapayapaan o gulo, hindi natin malalaman ang resulta maliban na lamang kung tayo'y nasa huli na.”
“Pero bakit hindi natin subukan na maging payapa, Zhu?” sumingit si Cladius sa usapan. Nakakunot ang kaniyang noo at ramdam ko na nais niyang makaalis sa malupit na mundong ito.
“Hindi iyon magiging madali, Cladius. Ang kapayapaan ay hindi isang teritoryo na kailangan mo lang makipagdigma upang makamit iyon. Lahat tayo . . . inisip na digmaan ang solusyon—ngunit hindi! Ang kailangan natin ay labanan ang kalaban.” Tumingin siya sa amin.
“Sino po ba ang kalaban?” tanong ni Vishton.
Ngumiti lamang si Zhu at tinuro ang dibdib ni Vishton. “Ang ating mga sarili.”
Aking natanaw si Maze na nakaupo sa upuan ng batibot at halatang naghihintay ng makakain. Pinaglilingkuran at nililibang ito ng mga tagapaglingkod. Halatang takot sila dito.
Nagmana ang angas at talino ni Maze sa kaniyang ama habang ang maamong mukha at mahinhin na galaw at nagmana sa akin. Ang katakawan naman ay namana niya sa kaniyang tiyo, si Heneral Cladius. Hindi naman magkadugo sina Maximaze at Cladius, ngunit mayroon pa rin siyang minana.
“Sybil, ako'y naglibot sandali. Nakita ko kung gaano sila kaproblemado. Wala silang maihandang masarap na pagkain para sa atin. Simpleng pagkain lamang ang naririto,” ika ng heneral
“Kakakain lamang natin ng agahan, Heneral. Hindi naman pwedeng kumain tayo ulit!” Hindi ko na alam ang aking gagawin at mas lalong hindi ko alam kung kailan titigil sa pagkain ang dalawa.
“Ina, maaari namang magmerienda hindi ba?” si Maze.
“Oo nga naman, Sybil. Merienda na lamang ang aming kakainin ngunit dapat marami,” pagsang-ayon ng heneral sa aking anak
“Hinay-hinay lamang sa pagkain mamaya, Heneral. Mamaya ay maanghangan ka na naman.” Napatawa ako ng marahan pagkatapos sabihin iyon.
“Magbigay galang sa mahal na emperor!” umalingawngaw ang tinig ni Eunuch Ru. Naandito na nga ang emperor. Kasama nito ang mga anak niyang prinsipe at ang prinsipeng tagapagmana nito.
Agad kaming dumapa at yumuko. “Malugod na pagbati, mahal na emperor, “ sabay-sabay rin kaming bumati.
“Maaari na kayong tumayo,” wika ng emperor. Umayos kami ng tayo at pormal na pumostura.
“I-ikaw na naman?!” Bigla akong nagulat nang sumigaw ang prinsipeng tagapagmana. Nakaturo ito ngayon sa aming likuran kaya agad akong lumingon doon at nakakita ng isang dalaga. Ang dalagang iyon ay ang pinagkakamalan kanina.
“What?! Ikaw rin ulit?!” maarteng sigaw nito. Siya'y kakaiba. Natuto ito ng ibang lengwahe. Sigurado akong tinuruan siya ng tagaibang rehiyon.
“Eunuch Minsheng!” inis na pagtawag ng prinsipeng tagapagmana sa tagapaglingkod nito.
“A-ano po iyon, Prinsipe Han?” Halatang kabado ito. Hindi niya nagugustuhan ang galit na awra ng prinsipe.
“Sumunod ka sa akin—at ikaw na babae ka!” Tinuro na naman ng prinsipe ang babaeng nasa aming likod.
“Ako?” Tinuro nito ang sarili
“Oo, ikaw! May iba pa ba—”
“Ako!” sumingit ang isa. Kapatid siguro ng dalagita.
“Argh! Sumunod ka sa akin!” Tumakbo ito papalapit sa dalagita at hinawakan ito sa kamay. Saka ito dinala sa likuran ng Twaechon.
“Naririto ako upang masaksihan ang mga tagapagburda ng dynastiya, ngunit bago iyon, dumeretso muna tayo sa hapag-kainan,” pagwiwika ng emperor.
“A-ahh, kamahalan, dumeretso po muna kayo sa salas at ipaghahanda ng tsaa.” Isang guro ang lumapit sa kamahalan.
“At bakit naman? Ang gusto ng emperor ay dumeretso sa kusina! Kaya hayaan n`yo na siya,” wika ni Eunuch Mataa
Nagkaroon pa ng munting pagtatalo ang dalawa ngunit sumuko rin ang guro. Wala na itong magawa kundi ang patuluyin ang emperor sa kusina.
“Aha! Madam tandang! Madam tandang!” sigaw ng bata. Pamilyar ito at halatang mas matanda kay Maze. Lumapit ito sa isang guro at may ibinulong.
“S-sigurado ka, Shin?! Ang ibig kong sabihin ay—” bumulong siya sa bata.
Agad tumakbo ang batang nagngangalang 'Shin' sa daan patungong kusina. May pinaplano na ang mga ito.
“Ahh, Noble Park, Heneral, at ginang. Halina kayo sa kusina. Amin nang inihanda ang inyong upuan para kayo ay makaupo na. Huwag kayong mag-alala. Tama lamang ang distansiya ninyo sa emperor at sa mga prinsipe kaya huwag po kayong kabahan.” Agad kaming ginabayan ng isang tagapaglingkod patungong kusina at inalalayan sa pag-upo.
“Handa na ang precious merienda, mga Kenntards—wait, correction lang ah. Madtard pala ako.” dumating ang bata—ang aking ibig sabihin ay si Shin na may dala-dalang bandeha na ang nakapatong ay mga bibilog-bilog na kulay puti. Ngayon lamang ako nakakita ng ganitong pagkain!
Agad siyang tinulungan ng iba pang mga tagapaglingkod na ipamahagi ito sa emperor, sa mga prinsipe, at pati na rin sa amin.
Agad tumakham ang emperor sa bibilog-bilog na pagkain at ninguya ito. “Mm! M-masarap ito!” aniya at kumagat uli. “Magpadala kayo ng maraming ganito sa palasyo! Ipamahagi ninyo ito sa iba pang palasyo—sa Xida, sa Xania at sa iba pa. Gusto kong matikman ng mga kaanib sa Imperïal Harem ang masarap na pagkaing ito! Bigyan n`yo pa ako!” Talagang nagustuhan ng emperor ang ibinigay na bibilog-bilog na pagkain ng mga tagapagluto rito.
“Sino ang nagluto nito?” tanong ng heneral.
“Me! Me is luto siopao!” Siya’y humagalpak ng tawa. “Oh my goodness. Ang conyo ko naman. By the way, I'm the—I mean. Ako ang nagluto!” Lumapit si Shin sa amin nang nakangiti.
“A-ang sarap nito, Ate! Anong tawag sa pagkaing ito?” tanong ni Maze. Kumain ito nang kumain hanggang sa mapuno ang kaniyang bunganga.
“Siopao, babi,” sagot ni Shin
“Ah . . . chopao.” si Maze
“Siopao hindi chopaw.”
“Chopaw nga.”
“Sio . . . pao.”
“Cho . . . pao . . . ”
“Hayst. Follow what will I—I mean . . . Sundin mo kung anong sasabihin ko, olats?”
“Uhuh? Opo.”
“Sio . . . “
“Sio . . . “
“Pao . . . “
“Pao . . . “
“Siopao!”
“Dyopaw!”
Itutuloy . . .Sybil ParkNapahilamos na lamang ng mukha si Shin. “I'm . . . I'm . . . I'm the map, I'm the map! She—aray! Sino bang bumatok sa . . . a . . . kin Hehe, ikaw pala, Ate. Hehe. Sorry. Ehe.” Napangiti ako sa kaniyang mga kinilos. Ibang-iba ito sa kilos ng mga taga-Normous. Masasabi kong siya ay dayo lamang dito dahil sa kaniyang mga kilos at pananalita.“Tsk, badtrip!” Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses. Siya`yong babaeng dinala ng prinsipeng tagapagmana sa kung saan man.“`Yang bibig mo. Doon na nga tayo. Nakakahiya naman.” Pinanood ko silang maglakad papalayo at aking pinagmasdan ang heneral. Nanlaki ang kaniyang mga mata at gulat na gulat sa isang dahilan na hindi ko alam.Muli kong pinagmasdan ang aking anak na kumain. Nakangiti ito at puno ang bibig. Nakikipagharutan pa ito sa tiyo niyang heneral.Aking inisip, paano kung naandito si Vishton, ang aking asawa—Masaya ba? O
Maximaze ParkMatapos naming bisitahin ang Twaechon kung saan ako tinuruan ng aking guro ng pagtatahi ay dumeretso na kami sa tahanan ng aking tiyo.Agad na inutos ni tiyo na ihanda na ang aming makakain sa hapunan. Umakyat ako sa aking silid at nagpalit ng damit saka ako bumaba para kumain na.“Oh, Maze, Anak. Umupo kana,” isang malambing na bungad sa akin ni ina. Nakangiti akong sumunod at kumain na.“May gagawin pala tayo bukas, Maze,” ika ni tiyo.“Heneral, ano po ang ating gagawin?” tanong ko.“Simula bukas ay mag-eensayo ka na.”“Ano pong ensayo, Heneral?”“Isang ensayong makakatulong sa iyo, Maze. Isang halimbawa na ang tumakbo ng mabilis.”“I-ibig sabihin po ba ay mag-eensayo tayo para sa isang paligsahan? Maglalaro po tayo, Heneral?” Biglang umibabaw ang tuwa sa aking katawan sa sinabi ng heneral. Ibig sab
Maximaze ParkTinaasan niya ako ng kilay. “Ah, maaari mo po ba akong patapusin muna? Noble Park?”“P-paumanhin, ginoo.” Nagbaba ako ng tingin.“Gaya ng aking sinabi kanina ay siya'y umalis. Ika'y pinapapunta roon ng heneral,” tuloy nito.“Ngunit paano ako makakapunta roon? Wala siyang sinabi na lugar?”“Wala, Noble Park, ngunit . . . ”Sa kaniyang sinabi ay nabitin ako. Kaya naman ay nagtanong agad ako, “ngunit ano, ginoo?”“Ngunit dahil ikaw nga ay naturuan na, pati pagtingin sa mapa at direksiyon nito ay naituro na sa iyo. Pinaaabot ng heneral ang mapang ito at nais niyang makita ka sa lugar na iyan.” Inilabas niya ang mapa at ibinigay sa akin.Kung gayon ay sinusubok ako ng heneral kung may natutunan talaga ako.Ngumiti ako. “Salama—”
Maximaze ParkPagkakuha at pagkakuha ko sa mapa ay agad na akong umalis papunta sa aking dapat na puntahan. Dapat ay kakain pa ako ngunit naisip ko na maraming mga hangal sa gilid-gilid at agawan ako ng pagkain. Mas makakabuti kapag ako ay kumain pagkarating ko sa lugar.Tumigil ako sa paglalakad nang aking makita ang isang tarangkahan. Mukhang ako’y naririto na kaya naman kumatok ako sa tarangkahan.Maya’t maya pa ay may nagbukas nito. Nakita ko si Heneral. “Magandang tanghali, Maze!” bungad niya sa akin. Itinaas ko na lamang ang aking kaliwang kamay at hindi na nagsayang ng panahon upang lumingon dito bagkus ay tinuloy ko na lamang ang paglalakad papasok.“Masyado ka yatang matrabaho sa paglalakbay, Maze. Umupo ka muna at mayroon akong sasabihin sa iyo.” Ipinakita niya ang isang lamesa at mga upuan. Agad naman akong sumunod sa kaniyang ipinag-uutos.Nilapag ko muna sa lamesa ang aking dala-dalang ba
Maximaze Park“Ang ituturo ko sa iyo ngayon ay ang paggamit ng arnis. Una, hawakan mo ang arnis,” panimula nito. Hinawakan ko ang arnis gaya ng sabi niya. “Mali ang iyong pagkahawak, Maze. Huwag mong hawakan ang arnis sa pinakadulo. Itaas mo nang kaunti.” Itinaas ko nang kaunti ang pagkahawak ko sa arnis. “Ngayon, ganito ang simpleng pag-atake. Umatake ka sa taas sa bandang kanan tapos sa taas muli ngunit sa bandang kaliwa naman.” Sinunod ko ang kaniyang sinasabi. “Tapos umatake na naman sa babang kanan at saka sa babang kaliwa. Kanan, kaliwa, kanan, kaliwa lamang iyan. Taas, taas, baba, baba. Ulit-ulitin mo iyon.”Taas, taas, baba, baba. Iyan ang aking ginawa sa pag-aarnis. Inulit-ulit ko iyon hanggang sa aking makabisado.“Kapag sinabi kong sugod ay gumalaw ka na para bang mananaksak ka. At hampas . . . Sa ulo! Taas, taas, baba, baba, sugod, hampas sa ulo! Gawin mo at uli
Maximaze ParkMuling nandilim ang aking paningin, nawawalan na naman ako ng pakiramdam. Naandito na naman ako sa isang madilim na lugar kung saan ang nakikita ko lamang ay ang puno. Bumagal ang tibok ng aking puso, malalakas ang mga pintig nito at rinig na rinig ko, ngunit hindi ako nagpasindak. Tatlong palaso ang aking pinakawalan. Rinig na rinig ko ang matulis tunog ng mga ito habang lumilipad patungo sa puno. Lahat ng panang aking pinakawalan ay tumama sa gitna, ngunit iisa nalamang ang nasa gitna dahil nasira ng isang palaso ang dalawa.“Magaling, magaling!” papuri sa akin ng heneral.Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko ang kamay ng heneral na sobrang lapit sa mukha ko. Muntikan na niya akong matamaan. “Dapat ay alerto ka palagi, Maze, nang sa gayon ay maprotektahan o madepensahan mo rin ang iyong sarili,” turo niya. Hula ko ay tuturuan niya akong dumepensa. Hula ko lang naman. “Tuturuan kitang dumepensa ngunit bago ang pa
Maximaze ParkPumasok kami sa loob at nakitang napakaganda ng bahay. Ito ay gawa sa isang puno na sobrang tibay at sementong hindi basta-basta magigiba sabi ni Kuya Darius. Dinagdagan din ito ng mga dekorasyon gaya ng mga halaman, mga batong malilinis na mula pa yata sa pinakamalaking minahan dito sa Normous, mga obra maestra ng sikat na mga tagapinta, at malalambot na basahan na sa tingin ko na gawa sa gintong sinulid at magandang tela.“Maganda ang bahay, hindi ba?”Napalingon ako kay Tiyo. “Opo, Heneral,” sagot ko.“Kung gayon ay sumunod ka sa akin.” naglakad siya papalayo at sinundan ko ito. Dinala niya ako sa harapan ng isang pintuan at binuksan iyon. Bumungad sa akin ang isang napakaganda at napakaayos na silid.“Nasa harapan mo ngayon ang iyong bagong silid. Ang iyong bagong kwarto.”Isang bagong silid, isang bagong tahanan kung saan hindi ko kasama si Ina sa unang pagk
Maximaze ParkBinuksan ko ang aking mga mata dahilan para masilaw ako ng liwanag. Kahit sa bagong tahanan ay nakakasilaw pa rin ang liwanag. Kung alam ko lamang na mayroon kaming panibagong tahanan ni ina ay hindi na ako nagpalagay ng bintana!“Maze, Anak. Bumangon ka na at mayroon tayong pupuntahan.” Bumukas ang pinto at iniluwal nito si ina.Ako’y lumingon sa kaniya. “Saan po, Ina?” At ito na naman ang pakiramdam at pag-asang pupuntahan namin si Ama kahit hindi naman talaga. Gusto kong pigilan ang pag-asang ito dahil ayaw ko nang masaktan.Kagabi ay nanaginip ako ng mag-amang nasa isang maalikabok at medyo madilim na lugar. Ang ama ng babae ay patay na at ang babae naman ay yakap-yakap siya habang sumisigaw at umiiwak sa sakit.Nagpakawala si Ina ng isang buntonghininga. “Naalala mo ba ang sinabi ng Emperor? Sinabi niya na pupunta tayo sa kaniyang palasyo at ngayon na tayo pupunta.” 
Maximaze Lativitus ParkIlang taon na ang nakakalipas. Nanatiling tahimik at mapayapang muli ang Normous pagkatapos ng digmaan ngunit hindi pa rin maiwasan ang karahasan sa Gaia. Ako naman ay mukhang habang buhay nang magiging magulo. Hindi ko na nahanap ang kapayapaan sa sarili, paulit-ulit na bumabalik sa akin ang mga alaalang iyon.Pagkatapos ng digmaan, ninais kong bumaba sa pwesto bilang Death Judge. Nawawalan na ako ng pag-asa noong mga oras na iyon. Nais kong sumuko ngunit nang tingnan kong muli ang paligid, kailangan ako ng Normous. Kung mawawala ako, paano na sila?Ang mga panahong akma ko na sanang isusuko ang posisyon, unti-unting nagsilabasan ang mga mamamayan hindi lamang ng Normous kundi mamamayan na rin ng ibang rehiyon at ng Atolon. Sila'y isa-isang nagpasalamat sa akin at sinikap na mahawakan ang aking kamay.Sa paghawak ko sa kanilang mga kamay, bumalik sa akin ang mga alaala ko—alaalang kung saan kasama ko pa ang aking mga mahal s
Maximaze ParkIsa sa mga bagay na aking pinagsasalamatan ay ang ligtas ang emperor sa kaniyang palasyo. Hindi ko na nga lang alam kay Isa. Ang balita ko ay nag-aagaw buhay siya dahil sa nangyaring pagsabog. Ang heneral . . . ay wala na. Tanging ang kaniyang kamay at ulo lamang ang nakuha sa pagsaog. Hindi ko na hihilinging buhay pa siya sapagkat nakita ko na ang ebidensiya.Kahit na aming napuksa na ang Madreign dito sa aming lupain, hindi kami maaaring lumabas sa kadahilanang masyadong mausok at baka magkasakit ang isa sa amin. Nanatili kaming nakakulong dito sa aking manor. Hinayaan ko silang kumuha ng makakain, matulog sa mga kuwarto, at maglaro rito sa aking manor upang hindi sila mabagot.Sa totoo lang ay nakukulangan na kami sa mga pagkain. Limitado na lamang ito para sa isang linggong pananatili. Kung sila ay kukuha nang kukuha ng makakain, mauubusan kaagad kami ng pagkain kahit wala pang isang lingo. Aking sinikap, sa tulong ni Riana at Redo Fierro, na p
Maximaze ParkAkin namang hiniwa ang neek ng taong nasa aking harapan. Nagsimula kaming makipagbakbakan at mukhang tatagal pa dahil medyo marami sila.Aking iwinagayway nang malakas ang aking katana sa hangin. Atake, atake—iyan lamang ang aking nasa isip habang sa bawat hampas ng kanilang mga espada ay sumisipol ito.Ako'y nagulat nang may tinirang palaso si Riana sa aking direksiyon. Nang ito ay lumagpas sa akin ay lumingon ako sa aking likuran. Iniligtas niya ang buhay ko, mayroong aatake sa akin mula sa aking likuran.Aking dinepensahan ang sarili gamit ang katana nang may magtangkang saktan ako gamit ang kaniyang espada. Lumingon ako kay Redo fIerro at tumango.; Ang toto niyan ay gumawa muna kami ng saglit na pagpaplano. Sina Gertude at Riana ang magpoprotekta sa mga sugatan at mga sibilyan habang si Redo Fierro naman ang gagabay sa kanila papunta sa aking manor habang kami ay nakikipaglaban.Malakas na puwersa ang aking ibinigay sa pag-a
Maximaze ParkAking tiningnan si Fritz. “Sorry for the sudden visit.” Ako ay tumango. Sa totoo lang ay nagsisimula na akong magduda. Wala akong pinatawag sa kanila, basta-basta na lamang sila tumutungo rito. “Intruders ambushed Atolon and shot Commander Manuel dead. He entrusted Revi to take charge of Ahouzran. It's his order before he died.”Ibinaba ko ang aking tingin. Ito ay isang malaking problema. “New Order, our ministry, gave Revi the authority to use the military to help us in the war,” nanginginig na aniya. Namatayan sila ng kumander, balita ko ay isa siyang magaling na kumander. Kung totoo ngang siya'y patay na, ipinapahayag ko ang aking makikiramay sa Atolon.Ako'y bumuntonghininga at tumingin kay Redo Fierro. Seryosong-seryoso siya, namomroblema, ngunit kahit namatay ang kumander, kailangan naming magpatuloy. Hindi ko hahayaang mapunta lamang sa wala ang isang taong paghahanda para sa digmaan ito.
Maximaze Park Kaniyang nabanggit ang tungkol sa kapangyarihang mayroon siya. Tunay siyang malakas at sa isang pitik lamang ay kayang-kaya na niyang talunin ang Madreign. Ako'y nagtaka noong una, bakit pa nila kailangang humingi ng tulong kung mayroon silang lakas na higit pa sa lakas ng isang libong mandirigma? Nang akin siyang pinakinggan, nalaman ko ang dahilan. Malakas nga siya ngunit kapag ito'y kaniyang ginamit ay agad na mababawasan ang kaniyang lakas sa katawan o sa ibang salita, paikli nang paikli ang kaniyang buhay. Hindi ko naman siya masisisi kung gusto niya pa mabuhay nang matagal. Mayroon siyang mga mahal sa buhay na maiiwan. Nang una ko iyong marinig, makasarili, siya'y makasarili ang una kong naisip. Makasarili nga kung pakikinggan na gusto niyang mabuhay pa nang mahaba kaya hindi niya ginagamit ang kapangyarihang mayroon siya ngunit kung iintindihin ay para na rin ito sa kaniyang bayan. Isa siya sa mga pinakamagaling na kapitan sa Atolon, isa rin sa p
Maximaze ParkKinausap ko ang emperor tungkol sa tulong na hinihingi ng Atolon. Aking inisa-isa ang mga maaaring mangyari at ang mga bagay na pakikinabangan namin. Upang makumbinsi ito, ginamit ko ang seguridad ng Normous. Kung hindi namin tutulungan ang Atolon, maaaring ang Normous naman ang sugurin ng Madreign. Maaaring sumugod muli sila rito sa hindi inaasahang pagkakataon.Hindi naging madali ang pakikipag-usap sa emperor sapagkat kakapanaw lamang ng mahal na empress. Aking napag-alaman na ang empress ay ang nakakatandang kapatid ng isang taong binigyan ako ng makakain. Sa aking pagkakatanda, chopao ang pagkaing iyon. Kay tagal ko nang hindi nakakakain ng chopao, gusto ko mang kumain ngunit hindi ko alam kung paano iyon lutuin.“Kamahalan, ano sa tingin niyo ang dapat na gawing hakbang ng Normous?” Nagpakawala ako ng isang buntonghininga. Ang tibok ng aking puso ay palakas nang palakas, pabilis nang pabilis.“Tanungin mo ang iyong sa
Maximaze Park“Matagal na panahon na rin . . . “ Siya'y bumuntonghininga muli. Isinarado nito ang kaniyang mga mata na para bang may inaalala. Ibinaba niya ang kaniyang ulo. “ . . , ngunit sariwa pa rin ito sa aking isipan.”Parehas lamang kaming dalawa. Ang aking mga alaala sa paglalakbay ay parang kahapon lamang nangyari. Sariwang-sariwa, walang balak na umalis sa aking isipan. Iyon ang unang pagkakataon na dinumihan ko ang aking mga kamay para mailigtas ang aking sarili pati na rin si Liene.“Isang gabi sa aming kampo, sinugod kami ng mga dayuhan. Karamihan sa ami'y napatay at iilan na lamang kaming natira,” panimula nito. Inayos ko ang aking pagkakaupo at sinikap na marinig ang lahat ng kaniyang sasabihin sa kabila ng mahina nitong boses. “Gumawa sila ng kasunduan, kailangan naming patayin ang isa't isa at ang natira ay mayroong gantimpala. Nagpatayan sila sa harapan ko at wala man lang akong magawa kundi manoo
Maximaze ParkBumuntonghininga siya at tumingin sa kaliwa, kung saan makikita ang imaheng aking ipinaguhit. Ang imahe ni Ina kasama ako. Akin iyon ipinagawa nang sa gayon ay palagi ko siyang maalala. “Children lost their parents, parents lost their children . . . “ Malungkot niyang tiningnan ang imahe at para bang may inaalala ito. “ . . . Madreign destroyed everything—friendship, family, dreams, trust, and peace. They even took our freedom.” Ako'y kaniyang nilingon at malamig na tiningnan. Tumingin naman siya sa taas kung saan makikita ang makulay na larawan. “What they did in the past two decades is worse than what they did more than 400 years ago, wherein they discriminated, tortured, and slaughtered our ancestors before trapping them under Mount Colossus.” Pilit niyang pinapakalma ang sarili. Huminga ito nang malalim at kalmado akong tiningnan.“What will you feel if you lost your parents? What
Maximaze Park Nanatili kaming tahimik sa silid na ito. Ang Revi na tumungo dito ay pamilyar ngunit ang kaniyang kasamang babae ay hindi. Wala ni isa sa amin ang umimik nang siya ay dumating. Tumingin ako kay Fierro at sinenyasan itong umalis sa silid kasama ni Gertude. Gayundin si Revi, sinenyasan ang kaniyang kasama na umalis sa silid. Si Revi ay parang kasing-edad ko lamang, pamilyar din ang wangis nito. Maaaring nakita ko lamang siya sa mga karatig bayan kaya ito'y pamilyar. Maaari ring isa siya sa mga naglakbay sapagkat isa siyang kapitan—pinakamalakas na kapitan ayon sa kaniya. Hindi ko siya inaasahang pumunta rito, ni hindi ko nga siya kilala. Pamilyar lamang siya ngunit wala akong balak na pagkatiwalaan ang taong ito. Hindi siya mukhang taga-rito. Wala akong naaalalang kahit ano mang rehiyon sa kaniyang kasuotan. Gaya nga ng kaniyang winika, siya ay nanggaling sa isang isla. Maaaring mayroon silang sariling kultura at hindi ginaya ang kultura n