Share

Kabanata 16

Author: Plaissance
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Maximaze Park

Pumasok kami sa loob at nakitang napakaganda ng bahay. Ito ay gawa sa isang puno na sobrang tibay at sementong hindi basta-basta magigiba sabi ni Kuya Darius. Dinagdagan din ito ng mga dekorasyon gaya ng mga halaman, mga batong malilinis na mula pa yata sa pinakamalaking minahan dito sa Normous, mga obra maestra ng sikat na mga tagapinta, at malalambot na basahan na sa tingin ko na gawa sa gintong sinulid at magandang tela.

“Maganda ang bahay, hindi ba?”

Napalingon ako kay Tiyo. “Opo, Heneral,” sagot ko.

“Kung gayon ay sumunod ka sa akin.”   naglakad siya papalayo at sinundan ko ito. Dinala niya ako sa harapan ng isang pintuan at binuksan iyon. Bumungad sa akin ang isang napakaganda at napakaayos na silid.

“Nasa harapan mo ngayon ang iyong bagong silid. Ang iyong bagong kwarto.” 

Isang bagong silid, isang bagong tahanan kung saan hindi ko kasama si Ina sa unang pagk

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • Death Judge Noble Park   Kabanata 17

    Maximaze ParkBinuksan ko ang aking mga mata dahilan para masilaw ako ng liwanag. Kahit sa bagong tahanan ay nakakasilaw pa rin ang liwanag. Kung alam ko lamang na mayroon kaming panibagong tahanan ni ina ay hindi na ako nagpalagay ng bintana!“Maze, Anak. Bumangon ka na at mayroon tayong pupuntahan.” Bumukas ang pinto at iniluwal nito si ina.Ako’y lumingon sa kaniya. “Saan po, Ina?” At ito na naman ang pakiramdam at pag-asang pupuntahan namin si Ama kahit hindi naman talaga. Gusto kong pigilan ang pag-asang ito dahil ayaw ko nang masaktan.Kagabi ay nanaginip ako ng mag-amang nasa isang maalikabok at medyo madilim na lugar. Ang ama ng babae ay patay na at ang babae naman ay yakap-yakap siya habang sumisigaw at umiiwak sa sakit.Nagpakawala si Ina ng isang buntonghininga. “Naalala mo ba ang sinabi ng Emperor? Sinabi niya na pupunta tayo sa kaniyang palasyo at ngayon na tayo pupunta.” 

  • Death Judge Noble Park   Kabanata 18

    Maximaze Park“Maze, gising na.” Binuksan ko ang aking mga mata at kinusot ito, una kong natanaw ang aking ina.“I-ina . . . “Sinsero siyang ngumiti. “Masyado ka atang napagod kakasakay ng kabayo,” wika nito, “hinihintay na tayo ng Mahal na Emperor. Inaya niya tayong kumain dito sa kaniyang palasyo.” Tumayo siya at nagsimulang maglakad papalayo. Akin naman siyang sinundan.Nang aming marating ang kusina, nakita ko ang isang malaking hapag-kainan. Wala namang okasyon ngunit ang dating nito ay napakaengrande. Ang mga baso ay gawa sa ginto at ang mga platito naman ay babasagin. Ang telang bumabalot dito ay napakaganda. “Umupo na kayo,” aya sa amin ng kamahalan.Napansin ko na nakaupo na si tiyo. Bukod sa kanilang dalawa, ay wala nang nakaupo pa. Napakalaki ng lamesa ngunit aapat lamang kaming kakain.“Ang Empress ay nasa Xida Palacios. Kaniyang kinakausap

  • Death Judge Noble Park   Kabanata 19

    Maximaze Park“Maze, ito ang tinapay at ang gatas. Magpakabusog ka.” Bumungad sa akin ang napakalambing na tinig at mukha ni Ina. Inilapag niya sa hapag-kainan ang gatas at tinapay. Halatang pagod ito ngunit nagawa pa rin akong asikasuhin.“Salamat, Ina.” Ngumiti rin ako.“Walang anuman, Anak. Oh sya, ihahanda ko na ang iyong mga damit. Maiwan muna kita.” Naglakad ito papalayo at iniwan ako rito sa hapag-kainan.Ilang araw nadin ang lumipas noong nagpunta kami sa palasyo ng Mahal naming Emperor. Masasabi kong napakasaya ng araw na iyon sapagkat ako'y nahandugan ng isang kabayo. Napakabait nito at pinoprotektahan ako. May itinatago itong lakas sa kaniyang katawan at hindi ko iyon nakita noong una.Biglang tumatak sa aking isipan ang pag-aalaga sa akin ni Ina. Bahagya akong napangiti at naisip na napakasuwerte ko sa kaniya. Napakasuwerte ko na nagkaroon ako ng Ina gaya niya at hi

  • Death Judge Noble Park   Kabanata 20

    Maximaze ParkNgumiti ako. “Huwag po kayong mag-alala. Kaya ko po ang aking sarili.” Marahan akong napatawa dahil sa aking tinuran. Hindi ko dala ang aking arnis o kahit ang aking palaso at pana kaya maliit ang tiyansang maprotektahan ko ang sarili kapag wala si Liene. Aasa na lamang ako sa mga itinuro ni Heneral, ang pag-atake at pagdepensa. Sigurado naman akong mayroon akong natutunan.Ginulo niya ang aking buhok. “Kumain ka na. Huwag mo ring kakalimutan ang aking pagkain. Ako’y may kakausapin lamang.”Tumawa ako. “Opo, Tiyo!” Tumalikod ako sa kaniya at tumakbo papalayo kasama ni Liene.“Mag-iingat kayo!” pahabol na sigaw ni Tiyo.Dumeretso kami sa bayan. Kabisado ni Liene ang daan. Nang kami ay makarating sa tindahan ng mga pagkain, masasabi kong marami ngang masasarap na pagkain dito. Sa tingin at amoy pa lamang ay nakakabusog na ngunit iisa lamang ang aking hinahanap, ang

  • Death Judge Noble Park   Kabanata 21

    Maximaze ParkMabilis na natapos ang unang pagtutuos at ikinabigla ko iyon nang sobra. Hindi ako makapaniwala na hinampas lamang si makisig sa batok at hindi na ito nakabangon pa. Tulog na tulog kung kaya't nahihirapang ilabas ngcirculosi makisig. Sa kabilang panig, si payat ay bumalik sa puwesto nito. Nagpapahinga siya at muling ibinabalik ang lakas na sinayang nito.Akin lamang naisip, paano nalaman ni payat ang kahinaan nito sa napakaikling panahon? Hindi ko mawari kung paano, at dahil doon, ako ay nausisa kung paano iyon gawin. Malamang sa malamang, kailangang mabilis ka mag-isip at malawak ang iyong pagkakaunawa.Pagkatapos manood ng unang laban ay hindi na ako nakaimik. Ako ay nakulong sa malalim na pagmumuni-muni. Lumalakbay ang barko ng aking isipan habang gustong kumawala ng aking puso sa kaba.Ramdam na ramdam ko na may mangyayaring hindi kaaya-aya at ang aking tanging hiling, na sana ay hindi kasama si Ina sa kutob na iyon.

  • Death Judge Noble Park   Kabanata 22

    Maximaze ParkMayaʼt maya pa ay tumunog na ang gong, hudyat na magsisimula na ang laban. Unti-unti silang lumapit sa isaʼt isa nang mapansin kong si Liene ay nakatutok sa lalaking nagboluntaryo.“Liene, may nararamdaman ka bang kakaiba sa lalaking iyon?” Tinuro ko ang lalaking nagboluntaryo. Sa tuwing tumitingin si Liene nang ganoon sa isang bagay o sa isang tao ay may kakaiba. Kaya ganito na lang ako kung magtaka.Tiningnan niya ako sa mata kaya tiningnan ko rin ito sa mata, naghihintay ng sagot niya. Bumuntonghininga ito at nagsalita, “siya ang aking kapatid, Maze. Pumunta siya rito upang sumubok muli nang makasama siya sa isang grupong iniidolo niya. Kapag nanalo siya sa labang ito, magkakaroon siya ng tiyansang lumabas ng Normous at libutin ang mundo . . .” Huminga siya nang malalim at tiningnan ang kniyang kapatid. “. . . Ilang beses na siyang natalo—ilang beses na rin siyang nasaktan ngunit kahit ilang beses

  • Death Judge Noble Park   Kabanata 23

    Sybil ParkDinala ako ni Cladius sa isang kuwarto. Sa kuwartong iyo ay nakakita ako ng isang batang babae, nakaupo sa gitna ng silid at nakasuot ng isang itim nahanfuat balabal. Hindi ko siya nakilala sapagkat ang kaniyang mukha ay tinatakpan ng balabal na kaniyang suot.“Noble, kami'y narito na,” wika ni Cladius. Unti-unti nitong itinaas ang kaniyang ulo at inalis ang kaniyang kapuisa upang kami ay tingnan. Ang aking nakita ay . . . si Maze, ang aking anak.Nanlaki ang aking mata sa nakita. Ito ba ay totoo o nananaginip lamang ako?Ang aking puso ay parang natamaan ng isang maliit na karayom nang makita ang kaniyang pagmumukha. Ito ay hindi na gaya ng dati. Tatlong taon na ang nakakalipas nang siya ay umalis upang maglakbay. Hindi ko aakalaing magiging ganito kalaki ang pinagbago niya.Kalmado lamang ang kaniyang ekspresiyon, hindi ngumingiti. May mga pilat din sa baba ng kaniyang mga mata. Ang kaniyang mga lente a

  • Death Judge Noble Park   Kabanata 24

    Sybil ParkAking tinikman ang aking niluto. Pinaglutuan ko si Maze ng kaniyang tanghalian dahil baka malipasan na naman siya ng pagkain.Ilang araw na ang lumilipas ngunit bibihira lamang kami mag-usap ni Maze dahil mahigpit ang kaniyang oras. Isa na din ang dahilan na magkaiba kami ng tahanan. Mas pinili niyang tumira sa isang manor upang malapit lamang sa palasyo ng emperor. Naiwan naman ako dito sa lugar kung saan malapit lamang sa Ilog ng Deshqua ang bahay na aking tinitirhan. Mas pipiliin kong mamuhay nang tahimik sa liblib na lugar na ito. Payapa lamang at masarap tanawin ang kalikasan.Naandito naman si Darius upang ako'y bantayan kaya't wala nang dapat ipag-alala si Maze ngunit hindi ako sigurado kung nag-aalala pa ba siya. Bihira lamang kami mag-usap at magkita, nasasaktan ako sapagkat pakiramdam ko na kahit naandito na siya, parang hindi ko pa rin ramdam ang kaniyang presensya. Minsan naisip ko, na ayos ba talaga siya? Sa isang beses na tinanong ko siy

Latest chapter

  • Death Judge Noble Park   Death Judge Noble Park: Wakas

    Maximaze Lativitus ParkIlang taon na ang nakakalipas. Nanatiling tahimik at mapayapang muli ang Normous pagkatapos ng digmaan ngunit hindi pa rin maiwasan ang karahasan sa Gaia. Ako naman ay mukhang habang buhay nang magiging magulo. Hindi ko na nahanap ang kapayapaan sa sarili, paulit-ulit na bumabalik sa akin ang mga alaalang iyon.Pagkatapos ng digmaan, ninais kong bumaba sa pwesto bilang Death Judge. Nawawalan na ako ng pag-asa noong mga oras na iyon. Nais kong sumuko ngunit nang tingnan kong muli ang paligid, kailangan ako ng Normous. Kung mawawala ako, paano na sila?Ang mga panahong akma ko na sanang isusuko ang posisyon, unti-unting nagsilabasan ang mga mamamayan hindi lamang ng Normous kundi mamamayan na rin ng ibang rehiyon at ng Atolon. Sila'y isa-isang nagpasalamat sa akin at sinikap na mahawakan ang aking kamay.Sa paghawak ko sa kanilang mga kamay, bumalik sa akin ang mga alaala ko—alaalang kung saan kasama ko pa ang aking mga mahal s

  • Death Judge Noble Park   Kabanata 34

    Maximaze ParkIsa sa mga bagay na aking pinagsasalamatan ay ang ligtas ang emperor sa kaniyang palasyo. Hindi ko na nga lang alam kay Isa. Ang balita ko ay nag-aagaw buhay siya dahil sa nangyaring pagsabog. Ang heneral . . . ay wala na. Tanging ang kaniyang kamay at ulo lamang ang nakuha sa pagsaog. Hindi ko na hihilinging buhay pa siya sapagkat nakita ko na ang ebidensiya.Kahit na aming napuksa na ang Madreign dito sa aming lupain, hindi kami maaaring lumabas sa kadahilanang masyadong mausok at baka magkasakit ang isa sa amin. Nanatili kaming nakakulong dito sa aking manor. Hinayaan ko silang kumuha ng makakain, matulog sa mga kuwarto, at maglaro rito sa aking manor upang hindi sila mabagot.Sa totoo lang ay nakukulangan na kami sa mga pagkain. Limitado na lamang ito para sa isang linggong pananatili. Kung sila ay kukuha nang kukuha ng makakain, mauubusan kaagad kami ng pagkain kahit wala pang isang lingo. Aking sinikap, sa tulong ni Riana at Redo Fierro, na p

  • Death Judge Noble Park   Kabanata 33

    Maximaze ParkAkin namang hiniwa ang neek ng taong nasa aking harapan. Nagsimula kaming makipagbakbakan at mukhang tatagal pa dahil medyo marami sila.Aking iwinagayway nang malakas ang aking katana sa hangin. Atake, atake—iyan lamang ang aking nasa isip habang sa bawat hampas ng kanilang mga espada ay sumisipol ito.Ako'y nagulat nang may tinirang palaso si Riana sa aking direksiyon. Nang ito ay lumagpas sa akin ay lumingon ako sa aking likuran. Iniligtas niya ang buhay ko, mayroong aatake sa akin mula sa aking likuran.Aking dinepensahan ang sarili gamit ang katana nang may magtangkang saktan ako gamit ang kaniyang espada. Lumingon ako kay Redo fIerro at tumango.; Ang toto niyan ay gumawa muna kami ng saglit na pagpaplano. Sina Gertude at Riana ang magpoprotekta sa mga sugatan at mga sibilyan habang si Redo Fierro naman ang gagabay sa kanila papunta sa aking manor habang kami ay nakikipaglaban.Malakas na puwersa ang aking ibinigay sa pag-a

  • Death Judge Noble Park   Kabanata 32

    Maximaze ParkAking tiningnan si Fritz. “Sorry for the sudden visit.” Ako ay tumango. Sa totoo lang ay nagsisimula na akong magduda. Wala akong pinatawag sa kanila, basta-basta na lamang sila tumutungo rito. “Intruders ambushed Atolon and shot Commander Manuel dead. He entrusted Revi to take charge of Ahouzran. It's his order before he died.”Ibinaba ko ang aking tingin. Ito ay isang malaking problema. “New Order, our ministry, gave Revi the authority to use the military to help us in the war,” nanginginig na aniya. Namatayan sila ng kumander, balita ko ay isa siyang magaling na kumander. Kung totoo ngang siya'y patay na, ipinapahayag ko ang aking makikiramay sa Atolon.Ako'y bumuntonghininga at tumingin kay Redo Fierro. Seryosong-seryoso siya, namomroblema, ngunit kahit namatay ang kumander, kailangan naming magpatuloy. Hindi ko hahayaang mapunta lamang sa wala ang isang taong paghahanda para sa digmaan ito.

  • Death Judge Noble Park   Kabanata 31

    Maximaze Park Kaniyang nabanggit ang tungkol sa kapangyarihang mayroon siya. Tunay siyang malakas at sa isang pitik lamang ay kayang-kaya na niyang talunin ang Madreign. Ako'y nagtaka noong una, bakit pa nila kailangang humingi ng tulong kung mayroon silang lakas na higit pa sa lakas ng isang libong mandirigma? Nang akin siyang pinakinggan, nalaman ko ang dahilan. Malakas nga siya ngunit kapag ito'y kaniyang ginamit ay agad na mababawasan ang kaniyang lakas sa katawan o sa ibang salita, paikli nang paikli ang kaniyang buhay. Hindi ko naman siya masisisi kung gusto niya pa mabuhay nang matagal. Mayroon siyang mga mahal sa buhay na maiiwan. Nang una ko iyong marinig, makasarili, siya'y makasarili ang una kong naisip. Makasarili nga kung pakikinggan na gusto niyang mabuhay pa nang mahaba kaya hindi niya ginagamit ang kapangyarihang mayroon siya ngunit kung iintindihin ay para na rin ito sa kaniyang bayan. Isa siya sa mga pinakamagaling na kapitan sa Atolon, isa rin sa p

  • Death Judge Noble Park   Kabanata 30

    Maximaze ParkKinausap ko ang emperor tungkol sa tulong na hinihingi ng Atolon. Aking inisa-isa ang mga maaaring mangyari at ang mga bagay na pakikinabangan namin. Upang makumbinsi ito, ginamit ko ang seguridad ng Normous. Kung hindi namin tutulungan ang Atolon, maaaring ang Normous naman ang sugurin ng Madreign. Maaaring sumugod muli sila rito sa hindi inaasahang pagkakataon.Hindi naging madali ang pakikipag-usap sa emperor sapagkat kakapanaw lamang ng mahal na empress. Aking napag-alaman na ang empress ay ang nakakatandang kapatid ng isang taong binigyan ako ng makakain. Sa aking pagkakatanda, chopao ang pagkaing iyon. Kay tagal ko nang hindi nakakakain ng chopao, gusto ko mang kumain ngunit hindi ko alam kung paano iyon lutuin.“Kamahalan, ano sa tingin niyo ang dapat na gawing hakbang ng Normous?” Nagpakawala ako ng isang buntonghininga. Ang tibok ng aking puso ay palakas nang palakas, pabilis nang pabilis.“Tanungin mo ang iyong sa

  • Death Judge Noble Park   Kabanata 29

    Maximaze Park“Matagal na panahon na rin . . . “ Siya'y bumuntonghininga muli. Isinarado nito ang kaniyang mga mata na para bang may inaalala. Ibinaba niya ang kaniyang ulo. “ . . , ngunit sariwa pa rin ito sa aking isipan.”Parehas lamang kaming dalawa. Ang aking mga alaala sa paglalakbay ay parang kahapon lamang nangyari. Sariwang-sariwa, walang balak na umalis sa aking isipan. Iyon ang unang pagkakataon na dinumihan ko ang aking mga kamay para mailigtas ang aking sarili pati na rin si Liene.“Isang gabi sa aming kampo, sinugod kami ng mga dayuhan. Karamihan sa ami'y napatay at iilan na lamang kaming natira,” panimula nito. Inayos ko ang aking pagkakaupo at sinikap na marinig ang lahat ng kaniyang sasabihin sa kabila ng mahina nitong boses. “Gumawa sila ng kasunduan, kailangan naming patayin ang isa't isa at ang natira ay mayroong gantimpala. Nagpatayan sila sa harapan ko at wala man lang akong magawa kundi manoo

  • Death Judge Noble Park   Kabanata 28

    Maximaze ParkBumuntonghininga siya at tumingin sa kaliwa, kung saan makikita ang imaheng aking ipinaguhit. Ang imahe ni Ina kasama ako. Akin iyon ipinagawa nang sa gayon ay palagi ko siyang maalala. “Children lost their parents, parents lost their children . . . “ Malungkot niyang tiningnan ang imahe at para bang may inaalala ito. “ . . . Madreign destroyed everything—friendship, family, dreams, trust, and peace. They even took our freedom.” Ako'y kaniyang nilingon at malamig na tiningnan. Tumingin naman siya sa taas kung saan makikita ang makulay na larawan. “What they did in the past two decades is worse than what they did more than 400 years ago, wherein they discriminated, tortured, and slaughtered our ancestors before trapping them under Mount Colossus.” Pilit niyang pinapakalma ang sarili. Huminga ito nang malalim at kalmado akong tiningnan.“What will you feel if you lost your parents? What

  • Death Judge Noble Park   Kabanata 27

    Maximaze Park Nanatili kaming tahimik sa silid na ito. Ang Revi na tumungo dito ay pamilyar ngunit ang kaniyang kasamang babae ay hindi. Wala ni isa sa amin ang umimik nang siya ay dumating. Tumingin ako kay Fierro at sinenyasan itong umalis sa silid kasama ni Gertude. Gayundin si Revi, sinenyasan ang kaniyang kasama na umalis sa silid. Si Revi ay parang kasing-edad ko lamang, pamilyar din ang wangis nito. Maaaring nakita ko lamang siya sa mga karatig bayan kaya ito'y pamilyar. Maaari ring isa siya sa mga naglakbay sapagkat isa siyang kapitan—pinakamalakas na kapitan ayon sa kaniya. Hindi ko siya inaasahang pumunta rito, ni hindi ko nga siya kilala. Pamilyar lamang siya ngunit wala akong balak na pagkatiwalaan ang taong ito. Hindi siya mukhang taga-rito. Wala akong naaalalang kahit ano mang rehiyon sa kaniyang kasuotan. Gaya nga ng kaniyang winika, siya ay nanggaling sa isang isla. Maaaring mayroon silang sariling kultura at hindi ginaya ang kultura n

DMCA.com Protection Status