Share

Kabanata 8

Author: Plaissance
last update Last Updated: 2021-06-22 11:35:17

Sybil Park

Isa lamang itong parte ng taktika ng Fuji. Tanging kaming tatlo lamang ang nakakaalam sa taktika ng Fuji. Ang taktika ay epektibo lalo na't umuulan ng niyebe o sa madaling salita, taglamig ngayon. Hindi nahahalata ang patibong dahil natabunan ito ng niyebe.

Agad na dumating ang mga Imperïal Guard na ngayon ay hingal na hingal na at parang inulanan ng pawis kung sila ay titingnan.

“Ginoo, ang magnanakaw na inyo pong hinahabol ay naririto sa baba. Maaari namin kayong tulungan upang siya'y maiangat at mabigyan ng parusa,” taimtim kong sinabi

Hinayaan na lamang kami ng mga guwardiya na tumulong dahil halata naman na sila'y pagod na.

Naiangat na ang lalaki nang dumating ang eunuch. Saktong sakto lamang ang pagdating nito.

Sumulyap ako kay Cladius at nakitang nag-aayos siya ng sarili. Simula sa damit, buhok, at pagmumukha. Si Vishton naman ay kalmado lamang. Pormal kung pumustura at tuwid kung tumayo. Ako naman ay normal lamang. Normal na kumilos at gumalaw. Aking sinisikap na maging elegante sapagkat baka ako'y pandirian na naman ng mga nakatataas. Katulad katulad pa rin ng dati, maayos ang aking pagmumukha.

Sinisikap naming maging maayos sa publiko kahit na kamiʼy nasa pinakamababang antas lamang ng sibilisasyon. Ang kanilang mga mata ay sa amin nakatingin sa tuwing dadaan kami sa kanilang harapan. Hindi ako nagiging komportable roon kung kayaʼt ganoon ko na lamang kanais na mamuhay nang payapa sa bukid.

Aking sinabi naman ang mga dahilan kung bakit ko nais tumira roon kay Ama ngunit nagalit lamang siya. Simula noon, hindi na ako nagsayang pa ng oras na magkuwento sa kaniya tungkol sa aking nais sapagkat ako'y nangangamba na baka magalit na naman siya.

Papalapit nang papalapit sa amin ang eunuch kasama ang iba pang mga guwardiya. Seryoso ang mukha nito pormal kung pumustura at gumalaw.

Iniisip ko ngayon kung ano na ang nararamdaman ng magnanakaw. Sigurado akong nanginginig na siya sa takot. Hindi ko man makita ngunit aking nararamdaman.

Nang tuluyang makalapit ang eunuch sa nagkasala ay kinausap niya ito. Galit ang awra at kakaunti na lamang ay sasaktan na niya ito.

Ang aking pinagtataka lamang ay kung bakit hindi pa niya ito pinarurusahan.

Gusto ko mang sumingit sa kanila ngunut hindi ko magawa. Magmumukha lamang akong walang galang.

“Eunuch, ako nang bahala maglitis sa salarin.”   Ganoon na lamang ang gulat ko nang nagsalita si Vishton. Siya? Maglilitis? Ano ba ang iniisip niya?

Nanlaki ang aking mga mata nang pumayag ang eunuch na siya'y maglitis sa salarin.

Lumapit si Vishton sa lalaki at inobserbahan. Umikot ito sa paligid na para bang may hinahanap sa salarin. Kinuha nito ng puwersahan ang mga kagamitang ninakaw ng salarin. “Ang mga kagamitang ninakaw mo ay mga pangkaraniwang bagay lamang. Halos wala itong mga halaga! Kahit ni isa sa mga tao rito ay hindi gugustuhing magnakaw ng ganitong mga kamurang kagamitan! Kaya sabihin mo sa akin— Ano ang dahilan mo para nakawin ito?” mabangis na asik ni Vishton.

“W-wala! Wala! Ninakaw ko lang iyan dahil nais ko!” sigaw ng salarin.

“Lahat ng bagay ay may dahilan. Kaya napakaimposibleng ginusto mo lamang nakawin iyan. At isa pa, ang mga ninakaw mo ay ang pinakamura at hindi natin magagamit pero importante iyan sa may-ari. Sagutin mo lamang ang aking tanong. Ganoon lamang kasimple, ginoo.” 

“Sinabi ko na sa iyo! Gusto ko lang magnakaw! Gusto ko lamang!” wika ng salarin habang nagtaas-baba siya ng kaniyang paningin.

“Mga guwardiya! Latiguhin siya ng limampung beses at kunin ang kaniyang mga kagamitan. Parusahan din ang kaniyang pamilya.”   S-seryoso ba siya?! Hindi niya maaaring parusahan ang kaniyang pamilya lalo naʼt wala naman itong ginagawa sa kaniya!

Tumingin ako sa Cladius ngunit nagkibit-balikat lang ito sa akin.

Papalapit na ang mga guwardiya sa kaniya at hawakan ito sa magkabilang braso. Agad itong kumalas at lumuhod at yumuko kay Vishton.

“M-may nag-utos sa akin! Nagnakaw ako ng mga walang halagang mga kagamitan para matupad ang aming pinaplano!” Mas lalong nakuha ng salarin ang atensiyon naming lahat. Lalo na ang eunuch at si Vishton. Si Cladius ay umaaktong parang walang nangyayari. Naghahanap siguro ng makakain. “Balak naming nakawin ang ilang mga mahahalagang kagamitan sa museo at para hindi agad mahalata, kailangan namin ng kagamitan para maipalit doon at dekurasyonan ito ng sobra-sobra para hindi ito mahalata agad.” 

Tumayo ng tuwid si Vishton ngunit nanatili pa rin sa salarin ang kaniyang paningin. “Sabihin mo sa akin, sino ang puno't dulo ng lahat ng ito?” halos bumulong na sa hangin si Vishton ngunit dama ko pa rin ang angas at pagkaseryoso sa boses nito.

“S-s-si Eunuch Kye ang may pakana! Inutusan niya akong nakawin ang dapat nakawin upang maisagawa na namin ang aming plano! Binantaan niya rin ako, ginoo!” sigaw nito nang hindi pa rin inaangat ang kaniyang paningin kay Vishton. “Saktan n`yo na lamang ako ngunit huwag na huwag ang aking pamilya! Parang awa n`yo na—huwag ang aking pamilya!”

“Kung gayon ay latiguhin siya ng isang daang beses.”   Tumalikod si Vishton.

Tumingin naman ito ng malalim sa eunuch. “Parusahan ang eunuch sa pamamagitan ng paglatigo sa kaniya ng isang daang beses at tanggalan ng trabaho.”   Lahat ay nagulat lalo na ang eunuch. Sumama ang mukha ng eunuch at nilapitan si Vishton.

“Anong karapatan mong parusahan ako ng ganiyan, ginoo?!” panunumbat ng eunuch

“Mayroon akong karapatan lalo na't ika'y nagkasala.”   Mukhang nais ko nang umalis dito. Alam kong pangarap niyang maging isang manananggol o hindi kayaʼy isang tiktik ngunit hindi dapat ganito!

“Nagkasala? Wala kang ebidensiya, ginoo!”

“Tsk, nagsalita na ang testigo, Ginoong Eunuch Kye!”

“Hindi ba't maaari na siya'y magsinungaling? Maraming mga hangal sa mundong ito, ginoo! Testigo lamang siya ngunit walang ebidensiya!”

“Ginoo, nakita ko ang eunuch na kimakausap ang salarin. Sa aking pagkakaobserba ay galit ang awra ng eunuch at halatang pinagbabantaan niya ang salarin!” sumingit ang isang guwardiya.

“Paano ka namang nakakasigurong ako nga iyon?”

Agad namuo ang tensiyon sa pagitan naming lahat. Nararamdaman ko na rin ang malamig na awra ni Vishton. Hindi ko na alam kung anong sasabihin at gagawin. Sinarado lamang namin dalawa ni Cladius ang aming mga bibig. Alam namin na kahit anong gawin namin ay hindi namin siya mapipigilan.

“G-ginoo, n-naririto ang sulat na ibinigay sa akin ng eunuch! Sa sulat na iyan, binibigyan ako ng eunuch ng isang malaking halaga kapag aking nagawa ang kaniyang ipinapagawa at manatiling tikom ang bibig sa publiko!” sumingit uli ang salarin. Tiningnan ni Vishton ang sulat na ibinigay ng salarin.

Inagaw ito ng eunuch at ngumisi.”  Nakakasiguro ka bang ito ang aking sulat-kamay? Mukhang hindi,” sarkastikong sambit ng eunuch.

Napapadyak sa inis si Vishton at hinawakan ng mahigpit ang papel. Saka siya tumalikod ngunit hindi ito naglakad.

“Huwag ka nang malungkot at mainis, Ginoong Vishton. Nasulusyonan ko na ang kasong ito. Dala-dala ko na rin ang mga ebidensiya.”   Biglang sumulpot si Zhu Julio.

“Una sa lahat, mayroon akong espiya sa krimeng ito. At nakita niya ang lalaking nagnakaw ng mga kagamitan,” panimula nito. Kaniyang hinawi ang buhok. “Pangalawa, ang sinasabi ng guwardiyang ito ay totoo. Nagkita sila sa hilagang bahagi ng Palasyo ng Xania. Kung saan nakatira si Prinsipe Riyo . . . . At ang hilagang bahagi na iyon ay abandonado. Walang katao-tao ngunit nagkataong napadaan ang guwardiya dahil tumakbo ang aso ng prinsipe sa hilaga. Pangatlo, ang sulat na ito ay hindi sulat-kamay ng eunuch bagkus ito ay sulat-kamay ng isang tagapaglingkod. Halata sa kaligrapiyang ito na hindi marunong ang nagsulat. Sa kadahilanang hindi siya nakapag-aral ng kaligrapiya. Ang aking pinupunto, Ginamit ng eunuch ang tagapaglingkod upang isulat ito at hindi siya mabunyag at ang mapaparusahan ay ang tagapaglingkod.”   Lumagpas sa aking inaasahan ang salaysay ni Zhu Julio. Tunay ngang matalino siya at maaasahan.

“Wala iyang katotohanan, Lord Julio! Hindi totoo iyan! Paano magagawa iyan ng isang eunuch?!” sumbat ng eunuch.

“Hindi ba kayang magsinungaling at gumawa ng pagkakasala ang mga eunuch?” pabalang na tugon ni Zhu Julio “At kahit ano pa ang gawin mo, mayroon akong hawak na matibay na ebidensya at mga testigo!” giit nito “Ginoong Vishton Park, Ikaw ay binibigyan ko ng pagkakataong parusahan siya nang naaayon sa kaniyang kasalanan.” 

Humarap uli si Vishton sa eunuch nang walang anumang reaksiyon.

“Ikaw ay nagkasala kaya dapat kang parusahan! Tatanggalin ka sa pwesto mo bilang eunuch . . . ” Panimula nito ngunit binitin niya. Hindi ba paparusahan ang eunuch sa pamamagitan ng paglatigo? “ . . . At papalayasin kung nasaan ka man nakatira. Ibebenta ang iyong mga kagamitan at ibababa ang pwesto mo bilang isang alipin. Ikukulong kadin ng dalawang taon sa Isla ng Anino” humagulgol ng galit ang eunuch habang siya'y binubuhat papalayo. Ang pagkakakulong sa Isla ng Anino ang hindi niya talaga magugustuhan. Maraming mga bandido roon at malayo sa Rehiyon ng Normous. Delikado ang buhay ng eunuch doon. Himala na lamang kung mabubuhay pa siya.

“Sybil Shima, Cladius Won. Halina kayo at—”

Itutuloy . . . 

Related chapters

  • Death Judge Noble Park   Kabanata 9

    Sybil Park“Kakain na! Paunahan sa kubo!” kumaripas ng takbo si Cladius at ganoon na rin si Vishton. Hindi na ako tumakbo at baka ako'y madapa.“Hoy! Bilisan mo, Sybil! Dahil ang mahuhuli ay manglilibre ng ramen!” wala na akong ibang magawa kundi ang tumakbo. Ayaw ko pa namang manglibre at isa pa, wala akong dalang pera.“Oo, naalala ko pa . . . ” humihina ang aking boses. Nakangiti at nakatingin sa kawalan. Gusto kong bumalik sa mga pagkakataong iyon. “ . . . pati ang taktika ng Fuji ay naalala ko pa. Ang dami nating kalokohan sa ating kabataan.”“Haha. Aking inaalala lamang, Sybil, naaandon pa kaya ang ating mga kagamitan para sa taktika ng Fuji?” tanong ni Heneral.“Hindi ko alam. Maaaring naandoon pa. Sa tagal ba naman ng panahong hindi natin iyon nagamit. Baka nga ay nakuha na iyon ng mga bata.”“Kung gayon ay hahanapin ko iyon at ipamamana ko sa i

    Last Updated : 2021-06-24
  • Death Judge Noble Park   Kabanata 10

    Sybil ParkNapahilamos na lamang ng mukha si Shin. “I'm . . . I'm . . . I'm the map, I'm the map! She—aray! Sino bang bumatok sa . . . a . . . kin Hehe, ikaw pala, Ate. Hehe. Sorry. Ehe.” Napangiti ako sa kaniyang mga kinilos. Ibang-iba ito sa kilos ng mga taga-Normous. Masasabi kong siya ay dayo lamang dito dahil sa kaniyang mga kilos at pananalita.“Tsk, badtrip!” Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses. Siya`yong babaeng dinala ng prinsipeng tagapagmana sa kung saan man.“`Yang bibig mo. Doon na nga tayo. Nakakahiya naman.” Pinanood ko silang maglakad papalayo at aking pinagmasdan ang heneral. Nanlaki ang kaniyang mga mata at gulat na gulat sa isang dahilan na hindi ko alam.Muli kong pinagmasdan ang aking anak na kumain. Nakangiti ito at puno ang bibig. Nakikipagharutan pa ito sa tiyo niyang heneral.Aking inisip, paano kung naandito si Vishton, ang aking asawa—Masaya ba? O

    Last Updated : 2021-06-26
  • Death Judge Noble Park   Kabanata 11

    Maximaze ParkMatapos naming bisitahin ang Twaechon kung saan ako tinuruan ng aking guro ng pagtatahi ay dumeretso na kami sa tahanan ng aking tiyo.Agad na inutos ni tiyo na ihanda na ang aming makakain sa hapunan. Umakyat ako sa aking silid at nagpalit ng damit saka ako bumaba para kumain na.“Oh, Maze, Anak. Umupo kana,” isang malambing na bungad sa akin ni ina. Nakangiti akong sumunod at kumain na.“May gagawin pala tayo bukas, Maze,” ika ni tiyo.“Heneral, ano po ang ating gagawin?” tanong ko.“Simula bukas ay mag-eensayo ka na.”“Ano pong ensayo, Heneral?”“Isang ensayong makakatulong sa iyo, Maze. Isang halimbawa na ang tumakbo ng mabilis.”“I-ibig sabihin po ba ay mag-eensayo tayo para sa isang paligsahan? Maglalaro po tayo, Heneral?” Biglang umibabaw ang tuwa sa aking katawan sa sinabi ng heneral. Ibig sab

    Last Updated : 2021-06-26
  • Death Judge Noble Park   Kabanata 12

    Maximaze ParkTinaasan niya ako ng kilay. “Ah, maaari mo po ba akong patapusin muna? Noble Park?”“P-paumanhin, ginoo.” Nagbaba ako ng tingin.“Gaya ng aking sinabi kanina ay siya'y umalis. Ika'y pinapapunta roon ng heneral,” tuloy nito.“Ngunit paano ako makakapunta roon? Wala siyang sinabi na lugar?”“Wala, Noble Park, ngunit . . . ”Sa kaniyang sinabi ay nabitin ako. Kaya naman ay nagtanong agad ako, “ngunit ano, ginoo?”“Ngunit dahil ikaw nga ay naturuan na, pati pagtingin sa mapa at direksiyon nito ay naituro na sa iyo. Pinaaabot ng heneral ang mapang ito at nais niyang makita ka sa lugar na iyan.” Inilabas niya ang mapa at ibinigay sa akin.Kung gayon ay sinusubok ako ng heneral kung may natutunan talaga ako.Ngumiti ako. “Salama—”

    Last Updated : 2021-06-28
  • Death Judge Noble Park   Kabanata 13

    Maximaze ParkPagkakuha at pagkakuha ko sa mapa ay agad na akong umalis papunta sa aking dapat na puntahan. Dapat ay kakain pa ako ngunit naisip ko na maraming mga hangal sa gilid-gilid at agawan ako ng pagkain. Mas makakabuti kapag ako ay kumain pagkarating ko sa lugar.Tumigil ako sa paglalakad nang aking makita ang isang tarangkahan. Mukhang ako’y naririto na kaya naman kumatok ako sa tarangkahan.Maya’t maya pa ay may nagbukas nito. Nakita ko si Heneral. “Magandang tanghali, Maze!” bungad niya sa akin. Itinaas ko na lamang ang aking kaliwang kamay at hindi na nagsayang ng panahon upang lumingon dito bagkus ay tinuloy ko na lamang ang paglalakad papasok.“Masyado ka yatang matrabaho sa paglalakbay, Maze. Umupo ka muna at mayroon akong sasabihin sa iyo.” Ipinakita niya ang isang lamesa at mga upuan. Agad naman akong sumunod sa kaniyang ipinag-uutos.Nilapag ko muna sa lamesa ang aking dala-dalang ba

    Last Updated : 2021-06-30
  • Death Judge Noble Park   Kabanata 14

    Maximaze Park“Ang ituturo ko sa iyo ngayon ay ang paggamit ng arnis. Una, hawakan mo ang arnis,” panimula nito. Hinawakan ko ang arnis gaya ng sabi niya. “Mali ang iyong pagkahawak, Maze. Huwag mong hawakan ang arnis sa pinakadulo. Itaas mo nang kaunti.” Itinaas ko nang kaunti ang pagkahawak ko sa arnis. “Ngayon, ganito ang simpleng pag-atake. Umatake ka sa taas sa bandang kanan tapos sa taas muli ngunit sa bandang kaliwa naman.” Sinunod ko ang kaniyang sinasabi. “Tapos umatake na naman sa babang kanan at saka sa babang kaliwa. Kanan, kaliwa, kanan, kaliwa lamang iyan. Taas, taas, baba, baba. Ulit-ulitin mo iyon.”Taas, taas, baba, baba. Iyan ang aking ginawa sa pag-aarnis. Inulit-ulit ko iyon hanggang sa aking makabisado.“Kapag sinabi kong sugod ay gumalaw ka na para bang mananaksak ka. At hampas . . . Sa ulo! Taas, taas, baba, baba, sugod, hampas sa ulo! Gawin mo at uli

    Last Updated : 2021-07-02
  • Death Judge Noble Park   Kabanata 15

    Maximaze ParkMuling nandilim ang aking paningin, nawawalan na naman ako ng pakiramdam. Naandito na naman ako sa isang madilim na lugar kung saan ang nakikita ko lamang ay ang puno. Bumagal ang tibok ng aking puso, malalakas ang mga pintig nito at rinig na rinig ko, ngunit hindi ako nagpasindak. Tatlong palaso ang aking pinakawalan. Rinig na rinig ko ang matulis tunog ng mga ito habang lumilipad patungo sa puno. Lahat ng panang aking pinakawalan ay tumama sa gitna, ngunit iisa nalamang ang nasa gitna dahil nasira ng isang palaso ang dalawa.“Magaling, magaling!” papuri sa akin ng heneral.Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko ang kamay ng heneral na sobrang lapit sa mukha ko. Muntikan na niya akong matamaan. “Dapat ay alerto ka palagi, Maze, nang sa gayon ay maprotektahan o madepensahan mo rin ang iyong sarili,” turo niya. Hula ko ay tuturuan niya akong dumepensa. Hula ko lang naman. “Tuturuan kitang dumepensa ngunit bago ang pa

    Last Updated : 2021-07-04
  • Death Judge Noble Park   Kabanata 16

    Maximaze ParkPumasok kami sa loob at nakitang napakaganda ng bahay. Ito ay gawa sa isang puno na sobrang tibay at sementong hindi basta-basta magigiba sabi ni Kuya Darius. Dinagdagan din ito ng mga dekorasyon gaya ng mga halaman, mga batong malilinis na mula pa yata sa pinakamalaking minahan dito sa Normous, mga obra maestra ng sikat na mga tagapinta, at malalambot na basahan na sa tingin ko na gawa sa gintong sinulid at magandang tela.“Maganda ang bahay, hindi ba?”Napalingon ako kay Tiyo. “Opo, Heneral,” sagot ko.“Kung gayon ay sumunod ka sa akin.” naglakad siya papalayo at sinundan ko ito. Dinala niya ako sa harapan ng isang pintuan at binuksan iyon. Bumungad sa akin ang isang napakaganda at napakaayos na silid.“Nasa harapan mo ngayon ang iyong bagong silid. Ang iyong bagong kwarto.”Isang bagong silid, isang bagong tahanan kung saan hindi ko kasama si Ina sa unang pagk

    Last Updated : 2021-07-06

Latest chapter

  • Death Judge Noble Park   Death Judge Noble Park: Wakas

    Maximaze Lativitus ParkIlang taon na ang nakakalipas. Nanatiling tahimik at mapayapang muli ang Normous pagkatapos ng digmaan ngunit hindi pa rin maiwasan ang karahasan sa Gaia. Ako naman ay mukhang habang buhay nang magiging magulo. Hindi ko na nahanap ang kapayapaan sa sarili, paulit-ulit na bumabalik sa akin ang mga alaalang iyon.Pagkatapos ng digmaan, ninais kong bumaba sa pwesto bilang Death Judge. Nawawalan na ako ng pag-asa noong mga oras na iyon. Nais kong sumuko ngunit nang tingnan kong muli ang paligid, kailangan ako ng Normous. Kung mawawala ako, paano na sila?Ang mga panahong akma ko na sanang isusuko ang posisyon, unti-unting nagsilabasan ang mga mamamayan hindi lamang ng Normous kundi mamamayan na rin ng ibang rehiyon at ng Atolon. Sila'y isa-isang nagpasalamat sa akin at sinikap na mahawakan ang aking kamay.Sa paghawak ko sa kanilang mga kamay, bumalik sa akin ang mga alaala ko—alaalang kung saan kasama ko pa ang aking mga mahal s

  • Death Judge Noble Park   Kabanata 34

    Maximaze ParkIsa sa mga bagay na aking pinagsasalamatan ay ang ligtas ang emperor sa kaniyang palasyo. Hindi ko na nga lang alam kay Isa. Ang balita ko ay nag-aagaw buhay siya dahil sa nangyaring pagsabog. Ang heneral . . . ay wala na. Tanging ang kaniyang kamay at ulo lamang ang nakuha sa pagsaog. Hindi ko na hihilinging buhay pa siya sapagkat nakita ko na ang ebidensiya.Kahit na aming napuksa na ang Madreign dito sa aming lupain, hindi kami maaaring lumabas sa kadahilanang masyadong mausok at baka magkasakit ang isa sa amin. Nanatili kaming nakakulong dito sa aking manor. Hinayaan ko silang kumuha ng makakain, matulog sa mga kuwarto, at maglaro rito sa aking manor upang hindi sila mabagot.Sa totoo lang ay nakukulangan na kami sa mga pagkain. Limitado na lamang ito para sa isang linggong pananatili. Kung sila ay kukuha nang kukuha ng makakain, mauubusan kaagad kami ng pagkain kahit wala pang isang lingo. Aking sinikap, sa tulong ni Riana at Redo Fierro, na p

  • Death Judge Noble Park   Kabanata 33

    Maximaze ParkAkin namang hiniwa ang neek ng taong nasa aking harapan. Nagsimula kaming makipagbakbakan at mukhang tatagal pa dahil medyo marami sila.Aking iwinagayway nang malakas ang aking katana sa hangin. Atake, atake—iyan lamang ang aking nasa isip habang sa bawat hampas ng kanilang mga espada ay sumisipol ito.Ako'y nagulat nang may tinirang palaso si Riana sa aking direksiyon. Nang ito ay lumagpas sa akin ay lumingon ako sa aking likuran. Iniligtas niya ang buhay ko, mayroong aatake sa akin mula sa aking likuran.Aking dinepensahan ang sarili gamit ang katana nang may magtangkang saktan ako gamit ang kaniyang espada. Lumingon ako kay Redo fIerro at tumango.; Ang toto niyan ay gumawa muna kami ng saglit na pagpaplano. Sina Gertude at Riana ang magpoprotekta sa mga sugatan at mga sibilyan habang si Redo Fierro naman ang gagabay sa kanila papunta sa aking manor habang kami ay nakikipaglaban.Malakas na puwersa ang aking ibinigay sa pag-a

  • Death Judge Noble Park   Kabanata 32

    Maximaze ParkAking tiningnan si Fritz. “Sorry for the sudden visit.” Ako ay tumango. Sa totoo lang ay nagsisimula na akong magduda. Wala akong pinatawag sa kanila, basta-basta na lamang sila tumutungo rito. “Intruders ambushed Atolon and shot Commander Manuel dead. He entrusted Revi to take charge of Ahouzran. It's his order before he died.”Ibinaba ko ang aking tingin. Ito ay isang malaking problema. “New Order, our ministry, gave Revi the authority to use the military to help us in the war,” nanginginig na aniya. Namatayan sila ng kumander, balita ko ay isa siyang magaling na kumander. Kung totoo ngang siya'y patay na, ipinapahayag ko ang aking makikiramay sa Atolon.Ako'y bumuntonghininga at tumingin kay Redo Fierro. Seryosong-seryoso siya, namomroblema, ngunit kahit namatay ang kumander, kailangan naming magpatuloy. Hindi ko hahayaang mapunta lamang sa wala ang isang taong paghahanda para sa digmaan ito.

  • Death Judge Noble Park   Kabanata 31

    Maximaze Park Kaniyang nabanggit ang tungkol sa kapangyarihang mayroon siya. Tunay siyang malakas at sa isang pitik lamang ay kayang-kaya na niyang talunin ang Madreign. Ako'y nagtaka noong una, bakit pa nila kailangang humingi ng tulong kung mayroon silang lakas na higit pa sa lakas ng isang libong mandirigma? Nang akin siyang pinakinggan, nalaman ko ang dahilan. Malakas nga siya ngunit kapag ito'y kaniyang ginamit ay agad na mababawasan ang kaniyang lakas sa katawan o sa ibang salita, paikli nang paikli ang kaniyang buhay. Hindi ko naman siya masisisi kung gusto niya pa mabuhay nang matagal. Mayroon siyang mga mahal sa buhay na maiiwan. Nang una ko iyong marinig, makasarili, siya'y makasarili ang una kong naisip. Makasarili nga kung pakikinggan na gusto niyang mabuhay pa nang mahaba kaya hindi niya ginagamit ang kapangyarihang mayroon siya ngunit kung iintindihin ay para na rin ito sa kaniyang bayan. Isa siya sa mga pinakamagaling na kapitan sa Atolon, isa rin sa p

  • Death Judge Noble Park   Kabanata 30

    Maximaze ParkKinausap ko ang emperor tungkol sa tulong na hinihingi ng Atolon. Aking inisa-isa ang mga maaaring mangyari at ang mga bagay na pakikinabangan namin. Upang makumbinsi ito, ginamit ko ang seguridad ng Normous. Kung hindi namin tutulungan ang Atolon, maaaring ang Normous naman ang sugurin ng Madreign. Maaaring sumugod muli sila rito sa hindi inaasahang pagkakataon.Hindi naging madali ang pakikipag-usap sa emperor sapagkat kakapanaw lamang ng mahal na empress. Aking napag-alaman na ang empress ay ang nakakatandang kapatid ng isang taong binigyan ako ng makakain. Sa aking pagkakatanda, chopao ang pagkaing iyon. Kay tagal ko nang hindi nakakakain ng chopao, gusto ko mang kumain ngunit hindi ko alam kung paano iyon lutuin.“Kamahalan, ano sa tingin niyo ang dapat na gawing hakbang ng Normous?” Nagpakawala ako ng isang buntonghininga. Ang tibok ng aking puso ay palakas nang palakas, pabilis nang pabilis.“Tanungin mo ang iyong sa

  • Death Judge Noble Park   Kabanata 29

    Maximaze Park“Matagal na panahon na rin . . . “ Siya'y bumuntonghininga muli. Isinarado nito ang kaniyang mga mata na para bang may inaalala. Ibinaba niya ang kaniyang ulo. “ . . , ngunit sariwa pa rin ito sa aking isipan.”Parehas lamang kaming dalawa. Ang aking mga alaala sa paglalakbay ay parang kahapon lamang nangyari. Sariwang-sariwa, walang balak na umalis sa aking isipan. Iyon ang unang pagkakataon na dinumihan ko ang aking mga kamay para mailigtas ang aking sarili pati na rin si Liene.“Isang gabi sa aming kampo, sinugod kami ng mga dayuhan. Karamihan sa ami'y napatay at iilan na lamang kaming natira,” panimula nito. Inayos ko ang aking pagkakaupo at sinikap na marinig ang lahat ng kaniyang sasabihin sa kabila ng mahina nitong boses. “Gumawa sila ng kasunduan, kailangan naming patayin ang isa't isa at ang natira ay mayroong gantimpala. Nagpatayan sila sa harapan ko at wala man lang akong magawa kundi manoo

  • Death Judge Noble Park   Kabanata 28

    Maximaze ParkBumuntonghininga siya at tumingin sa kaliwa, kung saan makikita ang imaheng aking ipinaguhit. Ang imahe ni Ina kasama ako. Akin iyon ipinagawa nang sa gayon ay palagi ko siyang maalala. “Children lost their parents, parents lost their children . . . “ Malungkot niyang tiningnan ang imahe at para bang may inaalala ito. “ . . . Madreign destroyed everything—friendship, family, dreams, trust, and peace. They even took our freedom.” Ako'y kaniyang nilingon at malamig na tiningnan. Tumingin naman siya sa taas kung saan makikita ang makulay na larawan. “What they did in the past two decades is worse than what they did more than 400 years ago, wherein they discriminated, tortured, and slaughtered our ancestors before trapping them under Mount Colossus.” Pilit niyang pinapakalma ang sarili. Huminga ito nang malalim at kalmado akong tiningnan.“What will you feel if you lost your parents? What

  • Death Judge Noble Park   Kabanata 27

    Maximaze Park Nanatili kaming tahimik sa silid na ito. Ang Revi na tumungo dito ay pamilyar ngunit ang kaniyang kasamang babae ay hindi. Wala ni isa sa amin ang umimik nang siya ay dumating. Tumingin ako kay Fierro at sinenyasan itong umalis sa silid kasama ni Gertude. Gayundin si Revi, sinenyasan ang kaniyang kasama na umalis sa silid. Si Revi ay parang kasing-edad ko lamang, pamilyar din ang wangis nito. Maaaring nakita ko lamang siya sa mga karatig bayan kaya ito'y pamilyar. Maaari ring isa siya sa mga naglakbay sapagkat isa siyang kapitan—pinakamalakas na kapitan ayon sa kaniya. Hindi ko siya inaasahang pumunta rito, ni hindi ko nga siya kilala. Pamilyar lamang siya ngunit wala akong balak na pagkatiwalaan ang taong ito. Hindi siya mukhang taga-rito. Wala akong naaalalang kahit ano mang rehiyon sa kaniyang kasuotan. Gaya nga ng kaniyang winika, siya ay nanggaling sa isang isla. Maaaring mayroon silang sariling kultura at hindi ginaya ang kultura n

DMCA.com Protection Status