Share

Kabanata 3

Author: Plaissance
last update Last Updated: 2021-05-20 21:38:26

Sybil Park

“H-heneral, patawad! Patawad! Nadala lamang ako sa aking damdamin! Kung maaari nawa ay ako'y inyong patawarin!” Ngayon lamang nakita ng mga tao rito na nagmakaawa ang Baron dahil kadalasan ay kami ang nagmamakaawa sa kaniya.

“Kung hihingi ka ng tawad dapat alam mong pinagsisihan mo na. Pero mukhang hindi, at dahil diyan dadagdagan ko ang iyong parusa, ibabalik mo ang mga perang kinuha mo sa kanila at ipapaayos ang pinasunog mong tahanan. Naintindihan mo?!” Kaniyang hinablot ang buhok ng baron at iningudngod ito sa lupa.

“O-opo, Heneral. Masusunod,” nanginginig na aniya. Kung ang baron ay takot na, malamang takot na rin ang kanyang mga lingkod. At dahil sa takot, nanginginig silang tumayo sa pagkakaluhod at sabay-sabay na dumeretso sa kanilang mga kabayo.

Hindi na ako nag-aksaya ng panahon bagkus ay lumapit na ako sa aking anak na ngayon ay pinagkakaguluhan ng madla. Maraming papuri ang natanggap nito ngunit siya ay parang hindi kuntento. Tipid lamang ang ngiti nito at hindi katulad nung dati, makatanggap lamang siya ng isang magandang salita sa sinuman ay abot langit na ang kaniyang ngiti.

Maze . . .

Hindi, hindi ako dapat malungkot bagkus ay kailangan kong maging matatag. Ngunit ang kaniyang mga mata ay mayroong sinasabi. Sa isang ihip ng hangin, biglang nag-iba ang paligid. Ang nakita ko lamang ay liwanag at talsik ng isang likido, pagkatapos ay bumalik na sa dati. Namamalik-mata lamang ata ako kung kayaʼt iyon ay aking binalewala.

Hindi na ako nag-atubili pang binuhat siyang pauwi ngunit may biglang humawak sa aking braso. “Sybil, salamat at muli tayong nagkita.” Ngumiti ang heneral sa akin. Nangunot ang aking noo. Pamilyar siya ngunit hindi ko ito matandaan.

“Heneral, anong maipaglilingkod ko?” Sa halip na sumagot ang heneral ay ipinasok niya kami sa loob ng aming siheyuan. Hindi naman ako nadismaya sapagkat maginoo niya kaming pinasok sa aming tahanan.

“Heneral ano pong maipa—” Agad niyang pinutol ang aking pananalita sa pamamagitan ng paglagay niya ng kaniuang daliri sa tapat ng aking bibig.

“Hindi mo na ako kailangang tawagin pang heneral sapagkat ako ay . . . “ Kaniyang tinanggal ang takip sa kaniyang mukha na dahilan ng pagkagulat ko “ . . . ang iyong kaibigan, si Cladius Won.” Nanlaki ang aking mga mata sa nakita. Si Claudius ang isa naming pinakamatalik na kaibigan. Ilang taon na ang nakakalipas nang kami ay magkahiwalay sa kadahilanang nais nitong unahin ang kaniyang ambisyon. Sa aming magkakaibigan, siya ang mayroong marangyang pamumuhay. Ngayong nagkita muli kami, masasabi kong marami itong pinagbago.

“Isa ka nang heneral?” paniniguro ko. Hindi sa pamamaliit ngunit nang kami ay mga bata pa ay siya ang pinakamahina. Ayaw nito sa gulo kung kaya't ganito na lamang ako magulat.

“Oo, Sybil. Bakit ayaw mong maniwala? Hindi na ito ang duwag na Cladius na iyong kilala. Aking sinisiguro sa iyo na ako ang pinakamagaling na heneral sa ating rehiyon.” Natawa na lamang ako. Hanggang ngayon ay mayabang pa rin siya.

Ang rehiyong kaniyang sinasabi ay ang nasyong aming tinitirhan. Sa mundong ito na kung tawagin ay Gaia ay mayroong apat na rehiyon: Defrecia, Normous, Bandalia Cifalia, at isla ng anino.

Normous ang rehiyong aming tinitirhan. Sa nasyong ito ay may iba't ibang uri ng antas. Kami ay nasa uri ng pinakamababang antas sa sibilisasyong ito, mga alipin lamang. Ang mga nasa pinakamataas na antas ay karaniwang mga gobernador, ministro, o parte ng Imperial Family.

Akoʼy napahigikgik. “ Claudius, anong sadya mo rito sa aming bario?” deretsahan kong tanong dito.

“Ang totoo niyan ay may hinahanap akong bata, nakita ko siya sa Palasyo ng Xida ngunit nabalitaan ko na dito sa inyong bario siya nakatira.”Kinamot niya ang kaniyang batok.

“Anong mayroon sa batang iyon at bakit mo siya hinahanap?” Nagkaroon ako ng kaunting interes sa pinag-uusapan namin. Sa totoo lang, kapag si Claudius ang nagbahagi ng mga bagay-bagay ay magkakainteres Depende nalang sa iyo yan kung makikinig ka.

“Nabalitaan ko kasi na ang batang iyon daw ay may angking katalinuhan. Magalang din ito't may pusong mamon. Kaya nagkaroon ako ng interes dito at may gustong ialok sa batang iyon.” nakangiti nitong wika

“Kamangha-mangha naman iyang batang iyan! Sino ba iyan at gusto kong makilala.” Kung sinuman ang kaniyang magulang ay dapat nilang ipagmalaki ang kanilang anak. Bibihira na lamang ang mga mababait na tao, at akoʼy hanga sa kanila sa pagpapaalaki ng kanilang anak sa tamang paraan.

“Kilala mo na siya.” Nangunot ang aking noo. Sa aming barrio, wala akong masyadong kakilalang bata. Akoʼy abala sa mga gawaing bahay at sa pagbabantay sa aking anak. Wala namang masyadong kaibigan si Maze.

“Uhuh? Sino naman Cladius?” Ngumiti ako, wala talaga akong ideya sa kaniyang timutukoy.

“Ang iyong anak.” Hindi ko mawari na ang batang tinutukoy niyang matalino, magalang, at may pusong mamon ay ang aking anak. Bagaman sinabi na niya ang katangian ng bata ay hindi parin ako makapaniwala sa sinabi niya. Anong klaseng alok ang kaniyang sinasabi?

“Nakakatawa ang iyong naging reaksiyon, Sybil.” Ganoon ba ako kahalata? Tiningnan ko ang aking anak na nakaupo nasa upuan at walang reaksiyon. Anong nangyayari sa batang ito? Sinaniban ba ito ng demonyo?

“Noong una ay hindi ko alam na anak mo siya kaya patuloy ko siyang sinundan nang makita ko ang Baron na sinasaktan ang kaniyang mga alipin, at umakto na lamang ako noong ang anak mo na ang sasaktan niya, ngunit nang makita kita na lumapit sa kaniya—nagtaka ako. Akin na lamang ikinagulat nang malamang siya pala ay ang iyong anak,” kuwento niya. Bumuntong-hininga ako, papaano na lamang kung masamang tao ang sumunod sa aking anak?

Tumango-tango ako.”Kung gayon, ano pala ang sadya mo sa aking anak? Anong alok ang ibibigay mo sa kanya?” Tinaasan ko siya ng kilay.

“Halika muna.” Inaya niya akong umupo sa silya kasama ng aking anak. Mukhang seryoso ang aming pag-uusapan.

“Sa totoo lang ay hanga ako sa talino ng iyong anak. Nakita ko rin ang kaniyang katapangan kanina noong iniligtas niya ang sanggol na nasa loob ng bahay na nasusunog. Malakas siyang bata Sybil.” Sa kaniyang pagkakasabi ay mukhang mayroon siyang gustong sabihin sa akin.

“Cladius, ano ba talaga ang pakay mo sa aking anak?”

“Nanghihina na ang Emperor. Kailangan na ng Death Judge ng Normous.” Ibinaba niya ang kaniyang tingin.

Ang Death Judge ang pinakamataas na posisyon na maaaring makamtan ng isang tao sa isang rehiyon. Bawat rehiyon ay may Death Judge maliban nga lang sa Normous sapagkat wala ni isa ang nagnais na maupo sa posisyon na iyon kung kaya't ang emperor ang umako ng posisyon.

Maraming nagagawa ang isang Death Judge. Mas malawak pa nga ang kapangyarihan nito kaysa sa emperor. Marami ang magagawa sa oras na makaupo ang isang tao sa posisyon na iyon, ngunit ang mga hakbang patungo sa puwestong iyon ay kalianman hindi magiging madali. Marami ang namatay, marami ang sumuko, kung kaya't ang iba ay hindi na nagsayang pa ng oras para maabot iyon.

Hindi ko nanaising umabot sa puntong halos mamatay na ang aking anak sa murang edad pa lamang. Alam ko namang bibigyan siya ng sapat na ensayo ng heneral bago isubok sa paglalakbay ngunit hindi ako naniniwala sa kaniyang kakayanin niya iyon. Masyadong mahina ang kaniyang katawan at siya'y musmos pa lamang.

“A-ang ibig sabihin ba nito ay—”

“Oo, Sybil. Isa siya sa mga nais kong maging kandidato upang maging isang Death Judge.” Bumilis ang tibok ng aking puso. Parang hindi ko yata kakayaning makita siyang nasasaktan.

“N-ngunit hindi ako makakapayag diyan, Cladius! P-papaano kung mamatay siya habang nasa pagsubok siya?! Paano ako mabubuhay kapag wala na siya, Cladius—papaano?!” Hindi ko maiwasang sigawan ito. Ngayon pa lamang ay naiisip ko na ang maaaring mangyari. Isa lamang siyang bata, maaari niyang ikamatay ang paglalakbay.

“Sybil, kumalma ka! Magtiwala ka lamang sa iyong anak. Ako ang bahala.” May inabot sa akin si Maze na tubig, saka siya bumalik sa pagkakaupo at nanatiling tahimik. Hindi siya kagaya kanina na para bang sinaniban ng kabayanihan, naaalala ko ang kaniyang ama sa kaniya.

“Bago ko siya turuan ng mga depensa at pag-atake . . . “ Bumuntong-hininga ang heneral. “ . . . balak kong turuan siyang magbasa't magsula—”

“T-talaga po? Tuturuan n`yo po akong magbasa at saka magsulat, ginoong heneral?!” Agad na nabuhayan ang aking anak pagkatapos marinig ang sinabi ni Cladius. Nakabalik na siguro ito sa realidad, masyadong malalim ang kaniyang iniisip kanina.

“Haha. Oo naman, Maze. Tuturuan kita hanggang sa mahasa ka.” Lumapit ang heneral kay Maze at ginulo ang buhok nito.

Ako'y nagagalak na matututo siyang magbasa't magsulat at hindi na ako makapaghintay namatupad ang kaniyang mga pangarap. Sa kabilang banda, hindi ko alam kung makakapayag ba ako sapagkat ang kapalit ng kaniyang libreng pag-aaral ay paghihirap. Nais ko lamang bigyan siya ng pagkakataong makapag-aral sapagkat kahit kalian ay hindi ako nabigyan ng pagkakataon.

Itutuloy . . .

Related chapters

  • Death Judge Noble Park   Kabanata 4

    Sybil ParkSiguro ay kailangan ko nang magtiwala sa aking anak. Mayroon itong mga pangarap o naisin sa buhay na siyang makakatulong sa kaniya upang magpatuloy sa kaniyang tinatahak. Ako'y magtitiwala na. Hihilingin ko na sana ay magtagumpay ito sa paglalakbay kahit na matagal pa naman iyon. Alam kong pagkatapos nito ay mamumuhay na kami nang payapa. Maaari nang bumalik sa amin si Vishton.“S-salamat po, Heneral! Ang ibig ko pong sabihin ay vashda, Heneral! Hebeias vashda, Heneral!” Nanlaki ang aking mga mata nang sabihin niya ang salitang Hebeias vashda na ang ibig sabihin ay 'maraming salamat'. Salamat lamang ang aking itinuro—saan naman niya nakuha ang salitang iyon?“Saan mo naman natutunan ang hebeias vashda, aking anak?” Lumapit ako kay Maze at inobserbahan siya.“Aking naririnig sa mga mamamayan ng Xida Palacios ang salitang hebeias vashda. Aking nalaman sa inyo ina na ang vashda ay salamat. Kaya napagtanto ko na

    Last Updated : 2021-06-10
  • Death Judge Noble Park   Kabanata 5

    Sybil Park Bigla ko na lamang naalala na si Maze ay aalis sa aking piling upang maglakbay. Kinakabahan ako para sa kaniya dahil baka hindi ko na muling makita ang mga ngiti niya pagbalik dito. Akin na lamang hihilingin na sana ay maging ligtas siya at sa kaniyang pagbalik ay mamumuhay kami nang payapa. Ayos lamang sa akin kung hindi siya ang napiling Death Judge. Ang importante ay makabalik siya sa aking piling. “Halina kayo at ipapakita ko sa inyo ang inyong mga kwarto. Sigurado akong magugustuhan n`yo iyon.” Ang heneral ay ngumiti. “Dito muna kayo mananatili pansamantala habang ginagawa pa ang maliit n`yong palasyo.” Tinapos namin ang hinanda niyang mga pagkain at saka kami naglibot sa kaniyang palasyo. Masasabi kong ito'y maganda at maayos ang pagkakagawa. Sa tingin ko'y walang bagyo na makakasira rito. Hindi imposibleng magkaroon ng ganito si Cladius sapagkat simula pagkabata ay marangya na ang kaniyang buhay. “Sybil, narito ang

    Last Updated : 2021-06-16
  • Death Judge Noble Park   Kabanata 6

    Sybil Park “Ina, sigurado ka bang pupunta tayo sa mga mananahi?” Hinawakan niya ang aking suot-suot na damit habang nakatingin sa akin. “Oo, Maze. Nang sa gayon ay malaman mo ang mga dapat gawin sa pagbuburda kahit sa simpleng paraan lamang.” Aking inilapag ang mangkok sa aming harapan upang magsimula nang kumain. Hihintayin na lamang namin ang mga tagapaglingkod para sa pagkain. Nilagyan na ng mga tagapaglingkod ang aming mga mangkok. Inihanda na rin nila ang aming mga baso at nilagyan ng katas ng dalandan. Isang masarap na ramen ang aking nalalasap. Sabik na sabik na kumain ngunit parang mas sabik ang dalawa ko pang mga kasama. Mga matatakaw. Sumubo agad ng isang sipit ng intsik ng ramen ang heneral. Kung kumain ito, para bang hindi siya nakakain ng ilang taon. Tuloy tuloy ang kaniyang pagsubo at paghigop hanggang sa kumuha siya ng panibagong ramen na kakainin. Sumulyap ako sa aking anak. Simple lamang kumain pero puno ang kaniya

    Last Updated : 2021-06-18
  • Death Judge Noble Park   Kabanata 7

    Sybil ParkTiningnan niya ang kaniyang mga kuko. “Nakita kong dala-dala niya ang isang mangkok. Itoʼy kaniyang ininom. Hindi ito agad umalis sa kinaroroonan niya, ngunit patuloy ko siyang pinanood—umaasang siya ang makikipaglaro sa akin. Mayaʼt maya ay sumuka ito. Ako ay lumapit sa kaniya upang tulungan ito at saka ko na lamang nabalitaan na itoʼy loquat . . . ” Tumingin siya kay Leonardo. “Nang kami ay naghahapunan ay binigyan mo ang heneral ng loquat na sinasabi mo.”Bumuntonghininga ako. Mas hindi ako makapaniwala dahil hindi man lang siya nagpaalam sa akin na siyaʼy maglalaro!“Ngayon, sabihin mo sa amin. Bakit mo balak lasunin ang heneral?” Bakas na ang panggigigil sa boses ni Maze ngunit wala pa ring epekto kay Leonardo. Hindi ito nagsalita pero nakangisi.“Paano kung hindi ko sabihin?” Lumapit siya kay Maze at pinantayan ito. Siyaʼy ngumisi nang nakakaloko, sinusubukang takutin ang aking a

    Last Updated : 2021-06-20
  • Death Judge Noble Park   Kabanata 8

    Sybil Park Isa lamang itong parte ng taktika ng Fuji. Tanging kaming tatlo lamang ang nakakaalam sa taktika ng Fuji. Ang taktika ay epektibo lalo na't umuulan ng niyebe o sa madaling salita, taglamig ngayon. Hindi nahahalata ang patibong dahil natabunan ito ng niyebe. Agad na dumating ang mga Imperïal Guard na ngayon ay hingal na hingal na at parang inulanan ng pawis kung sila ay titingnan. “Ginoo, ang magnanakaw na inyo pong hinahabol ay naririto sa baba. Maaari namin kayong tulungan upang siya'y maiangat at mabigyan ng parusa,” taimtim kong sinabi Hinayaan na lamang kami ng mga guwardiya na tumulong dahil halata naman na sila'y pagod na. Naiangat na ang lalaki nang dumating ang eunuch. Saktong sakto lamang ang pagdating nito. Sumulyap ako kay Cladius at nakitang nag-aayos siya ng sarili. Simula sa damit, buhok, at pagmumukha. Si Vishton naman ay kalmado lamang. Pormal kung pumustura at tuwid kung tumayo. Ako naman ay normal lamang. N

    Last Updated : 2021-06-22
  • Death Judge Noble Park   Kabanata 9

    Sybil Park“Kakain na! Paunahan sa kubo!” kumaripas ng takbo si Cladius at ganoon na rin si Vishton. Hindi na ako tumakbo at baka ako'y madapa.“Hoy! Bilisan mo, Sybil! Dahil ang mahuhuli ay manglilibre ng ramen!” wala na akong ibang magawa kundi ang tumakbo. Ayaw ko pa namang manglibre at isa pa, wala akong dalang pera.“Oo, naalala ko pa . . . ” humihina ang aking boses. Nakangiti at nakatingin sa kawalan. Gusto kong bumalik sa mga pagkakataong iyon. “ . . . pati ang taktika ng Fuji ay naalala ko pa. Ang dami nating kalokohan sa ating kabataan.”“Haha. Aking inaalala lamang, Sybil, naaandon pa kaya ang ating mga kagamitan para sa taktika ng Fuji?” tanong ni Heneral.“Hindi ko alam. Maaaring naandoon pa. Sa tagal ba naman ng panahong hindi natin iyon nagamit. Baka nga ay nakuha na iyon ng mga bata.”“Kung gayon ay hahanapin ko iyon at ipamamana ko sa i

    Last Updated : 2021-06-24
  • Death Judge Noble Park   Kabanata 10

    Sybil ParkNapahilamos na lamang ng mukha si Shin. “I'm . . . I'm . . . I'm the map, I'm the map! She—aray! Sino bang bumatok sa . . . a . . . kin Hehe, ikaw pala, Ate. Hehe. Sorry. Ehe.” Napangiti ako sa kaniyang mga kinilos. Ibang-iba ito sa kilos ng mga taga-Normous. Masasabi kong siya ay dayo lamang dito dahil sa kaniyang mga kilos at pananalita.“Tsk, badtrip!” Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses. Siya`yong babaeng dinala ng prinsipeng tagapagmana sa kung saan man.“`Yang bibig mo. Doon na nga tayo. Nakakahiya naman.” Pinanood ko silang maglakad papalayo at aking pinagmasdan ang heneral. Nanlaki ang kaniyang mga mata at gulat na gulat sa isang dahilan na hindi ko alam.Muli kong pinagmasdan ang aking anak na kumain. Nakangiti ito at puno ang bibig. Nakikipagharutan pa ito sa tiyo niyang heneral.Aking inisip, paano kung naandito si Vishton, ang aking asawa—Masaya ba? O

    Last Updated : 2021-06-26
  • Death Judge Noble Park   Kabanata 11

    Maximaze ParkMatapos naming bisitahin ang Twaechon kung saan ako tinuruan ng aking guro ng pagtatahi ay dumeretso na kami sa tahanan ng aking tiyo.Agad na inutos ni tiyo na ihanda na ang aming makakain sa hapunan. Umakyat ako sa aking silid at nagpalit ng damit saka ako bumaba para kumain na.“Oh, Maze, Anak. Umupo kana,” isang malambing na bungad sa akin ni ina. Nakangiti akong sumunod at kumain na.“May gagawin pala tayo bukas, Maze,” ika ni tiyo.“Heneral, ano po ang ating gagawin?” tanong ko.“Simula bukas ay mag-eensayo ka na.”“Ano pong ensayo, Heneral?”“Isang ensayong makakatulong sa iyo, Maze. Isang halimbawa na ang tumakbo ng mabilis.”“I-ibig sabihin po ba ay mag-eensayo tayo para sa isang paligsahan? Maglalaro po tayo, Heneral?” Biglang umibabaw ang tuwa sa aking katawan sa sinabi ng heneral. Ibig sab

    Last Updated : 2021-06-26

Latest chapter

  • Death Judge Noble Park   Death Judge Noble Park: Wakas

    Maximaze Lativitus ParkIlang taon na ang nakakalipas. Nanatiling tahimik at mapayapang muli ang Normous pagkatapos ng digmaan ngunit hindi pa rin maiwasan ang karahasan sa Gaia. Ako naman ay mukhang habang buhay nang magiging magulo. Hindi ko na nahanap ang kapayapaan sa sarili, paulit-ulit na bumabalik sa akin ang mga alaalang iyon.Pagkatapos ng digmaan, ninais kong bumaba sa pwesto bilang Death Judge. Nawawalan na ako ng pag-asa noong mga oras na iyon. Nais kong sumuko ngunit nang tingnan kong muli ang paligid, kailangan ako ng Normous. Kung mawawala ako, paano na sila?Ang mga panahong akma ko na sanang isusuko ang posisyon, unti-unting nagsilabasan ang mga mamamayan hindi lamang ng Normous kundi mamamayan na rin ng ibang rehiyon at ng Atolon. Sila'y isa-isang nagpasalamat sa akin at sinikap na mahawakan ang aking kamay.Sa paghawak ko sa kanilang mga kamay, bumalik sa akin ang mga alaala ko—alaalang kung saan kasama ko pa ang aking mga mahal s

  • Death Judge Noble Park   Kabanata 34

    Maximaze ParkIsa sa mga bagay na aking pinagsasalamatan ay ang ligtas ang emperor sa kaniyang palasyo. Hindi ko na nga lang alam kay Isa. Ang balita ko ay nag-aagaw buhay siya dahil sa nangyaring pagsabog. Ang heneral . . . ay wala na. Tanging ang kaniyang kamay at ulo lamang ang nakuha sa pagsaog. Hindi ko na hihilinging buhay pa siya sapagkat nakita ko na ang ebidensiya.Kahit na aming napuksa na ang Madreign dito sa aming lupain, hindi kami maaaring lumabas sa kadahilanang masyadong mausok at baka magkasakit ang isa sa amin. Nanatili kaming nakakulong dito sa aking manor. Hinayaan ko silang kumuha ng makakain, matulog sa mga kuwarto, at maglaro rito sa aking manor upang hindi sila mabagot.Sa totoo lang ay nakukulangan na kami sa mga pagkain. Limitado na lamang ito para sa isang linggong pananatili. Kung sila ay kukuha nang kukuha ng makakain, mauubusan kaagad kami ng pagkain kahit wala pang isang lingo. Aking sinikap, sa tulong ni Riana at Redo Fierro, na p

  • Death Judge Noble Park   Kabanata 33

    Maximaze ParkAkin namang hiniwa ang neek ng taong nasa aking harapan. Nagsimula kaming makipagbakbakan at mukhang tatagal pa dahil medyo marami sila.Aking iwinagayway nang malakas ang aking katana sa hangin. Atake, atake—iyan lamang ang aking nasa isip habang sa bawat hampas ng kanilang mga espada ay sumisipol ito.Ako'y nagulat nang may tinirang palaso si Riana sa aking direksiyon. Nang ito ay lumagpas sa akin ay lumingon ako sa aking likuran. Iniligtas niya ang buhay ko, mayroong aatake sa akin mula sa aking likuran.Aking dinepensahan ang sarili gamit ang katana nang may magtangkang saktan ako gamit ang kaniyang espada. Lumingon ako kay Redo fIerro at tumango.; Ang toto niyan ay gumawa muna kami ng saglit na pagpaplano. Sina Gertude at Riana ang magpoprotekta sa mga sugatan at mga sibilyan habang si Redo Fierro naman ang gagabay sa kanila papunta sa aking manor habang kami ay nakikipaglaban.Malakas na puwersa ang aking ibinigay sa pag-a

  • Death Judge Noble Park   Kabanata 32

    Maximaze ParkAking tiningnan si Fritz. “Sorry for the sudden visit.” Ako ay tumango. Sa totoo lang ay nagsisimula na akong magduda. Wala akong pinatawag sa kanila, basta-basta na lamang sila tumutungo rito. “Intruders ambushed Atolon and shot Commander Manuel dead. He entrusted Revi to take charge of Ahouzran. It's his order before he died.”Ibinaba ko ang aking tingin. Ito ay isang malaking problema. “New Order, our ministry, gave Revi the authority to use the military to help us in the war,” nanginginig na aniya. Namatayan sila ng kumander, balita ko ay isa siyang magaling na kumander. Kung totoo ngang siya'y patay na, ipinapahayag ko ang aking makikiramay sa Atolon.Ako'y bumuntonghininga at tumingin kay Redo Fierro. Seryosong-seryoso siya, namomroblema, ngunit kahit namatay ang kumander, kailangan naming magpatuloy. Hindi ko hahayaang mapunta lamang sa wala ang isang taong paghahanda para sa digmaan ito.

  • Death Judge Noble Park   Kabanata 31

    Maximaze Park Kaniyang nabanggit ang tungkol sa kapangyarihang mayroon siya. Tunay siyang malakas at sa isang pitik lamang ay kayang-kaya na niyang talunin ang Madreign. Ako'y nagtaka noong una, bakit pa nila kailangang humingi ng tulong kung mayroon silang lakas na higit pa sa lakas ng isang libong mandirigma? Nang akin siyang pinakinggan, nalaman ko ang dahilan. Malakas nga siya ngunit kapag ito'y kaniyang ginamit ay agad na mababawasan ang kaniyang lakas sa katawan o sa ibang salita, paikli nang paikli ang kaniyang buhay. Hindi ko naman siya masisisi kung gusto niya pa mabuhay nang matagal. Mayroon siyang mga mahal sa buhay na maiiwan. Nang una ko iyong marinig, makasarili, siya'y makasarili ang una kong naisip. Makasarili nga kung pakikinggan na gusto niyang mabuhay pa nang mahaba kaya hindi niya ginagamit ang kapangyarihang mayroon siya ngunit kung iintindihin ay para na rin ito sa kaniyang bayan. Isa siya sa mga pinakamagaling na kapitan sa Atolon, isa rin sa p

  • Death Judge Noble Park   Kabanata 30

    Maximaze ParkKinausap ko ang emperor tungkol sa tulong na hinihingi ng Atolon. Aking inisa-isa ang mga maaaring mangyari at ang mga bagay na pakikinabangan namin. Upang makumbinsi ito, ginamit ko ang seguridad ng Normous. Kung hindi namin tutulungan ang Atolon, maaaring ang Normous naman ang sugurin ng Madreign. Maaaring sumugod muli sila rito sa hindi inaasahang pagkakataon.Hindi naging madali ang pakikipag-usap sa emperor sapagkat kakapanaw lamang ng mahal na empress. Aking napag-alaman na ang empress ay ang nakakatandang kapatid ng isang taong binigyan ako ng makakain. Sa aking pagkakatanda, chopao ang pagkaing iyon. Kay tagal ko nang hindi nakakakain ng chopao, gusto ko mang kumain ngunit hindi ko alam kung paano iyon lutuin.“Kamahalan, ano sa tingin niyo ang dapat na gawing hakbang ng Normous?” Nagpakawala ako ng isang buntonghininga. Ang tibok ng aking puso ay palakas nang palakas, pabilis nang pabilis.“Tanungin mo ang iyong sa

  • Death Judge Noble Park   Kabanata 29

    Maximaze Park“Matagal na panahon na rin . . . “ Siya'y bumuntonghininga muli. Isinarado nito ang kaniyang mga mata na para bang may inaalala. Ibinaba niya ang kaniyang ulo. “ . . , ngunit sariwa pa rin ito sa aking isipan.”Parehas lamang kaming dalawa. Ang aking mga alaala sa paglalakbay ay parang kahapon lamang nangyari. Sariwang-sariwa, walang balak na umalis sa aking isipan. Iyon ang unang pagkakataon na dinumihan ko ang aking mga kamay para mailigtas ang aking sarili pati na rin si Liene.“Isang gabi sa aming kampo, sinugod kami ng mga dayuhan. Karamihan sa ami'y napatay at iilan na lamang kaming natira,” panimula nito. Inayos ko ang aking pagkakaupo at sinikap na marinig ang lahat ng kaniyang sasabihin sa kabila ng mahina nitong boses. “Gumawa sila ng kasunduan, kailangan naming patayin ang isa't isa at ang natira ay mayroong gantimpala. Nagpatayan sila sa harapan ko at wala man lang akong magawa kundi manoo

  • Death Judge Noble Park   Kabanata 28

    Maximaze ParkBumuntonghininga siya at tumingin sa kaliwa, kung saan makikita ang imaheng aking ipinaguhit. Ang imahe ni Ina kasama ako. Akin iyon ipinagawa nang sa gayon ay palagi ko siyang maalala. “Children lost their parents, parents lost their children . . . “ Malungkot niyang tiningnan ang imahe at para bang may inaalala ito. “ . . . Madreign destroyed everything—friendship, family, dreams, trust, and peace. They even took our freedom.” Ako'y kaniyang nilingon at malamig na tiningnan. Tumingin naman siya sa taas kung saan makikita ang makulay na larawan. “What they did in the past two decades is worse than what they did more than 400 years ago, wherein they discriminated, tortured, and slaughtered our ancestors before trapping them under Mount Colossus.” Pilit niyang pinapakalma ang sarili. Huminga ito nang malalim at kalmado akong tiningnan.“What will you feel if you lost your parents? What

  • Death Judge Noble Park   Kabanata 27

    Maximaze Park Nanatili kaming tahimik sa silid na ito. Ang Revi na tumungo dito ay pamilyar ngunit ang kaniyang kasamang babae ay hindi. Wala ni isa sa amin ang umimik nang siya ay dumating. Tumingin ako kay Fierro at sinenyasan itong umalis sa silid kasama ni Gertude. Gayundin si Revi, sinenyasan ang kaniyang kasama na umalis sa silid. Si Revi ay parang kasing-edad ko lamang, pamilyar din ang wangis nito. Maaaring nakita ko lamang siya sa mga karatig bayan kaya ito'y pamilyar. Maaari ring isa siya sa mga naglakbay sapagkat isa siyang kapitan—pinakamalakas na kapitan ayon sa kaniya. Hindi ko siya inaasahang pumunta rito, ni hindi ko nga siya kilala. Pamilyar lamang siya ngunit wala akong balak na pagkatiwalaan ang taong ito. Hindi siya mukhang taga-rito. Wala akong naaalalang kahit ano mang rehiyon sa kaniyang kasuotan. Gaya nga ng kaniyang winika, siya ay nanggaling sa isang isla. Maaaring mayroon silang sariling kultura at hindi ginaya ang kultura n

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status