Sybil Park
Bigla ko na lamang naalala na si Maze ay aalis sa aking piling upang maglakbay. Kinakabahan ako para sa kaniya dahil baka hindi ko na muling makita ang mga ngiti niya pagbalik dito. Akin na lamang hihilingin na sana ay maging ligtas siya at sa kaniyang pagbalik ay mamumuhay kami nang payapa. Ayos lamang sa akin kung hindi siya ang napiling Death Judge. Ang importante ay makabalik siya sa aking piling.
“Halina kayo at ipapakita ko sa inyo ang inyong mga kwarto. Sigurado akong magugustuhan n`yo iyon.” Ang heneral ay ngumiti. “Dito muna kayo mananatili pansamantala habang ginagawa pa ang maliit n`yong palasyo.”
Tinapos namin ang hinanda niyang mga pagkain at saka kami naglibot sa kaniyang palasyo. Masasabi kong ito'y maganda at maayos ang pagkakagawa. Sa tingin ko'y walang bagyo na makakasira rito. Hindi imposibleng magkaroon ng ganito si Cladius sapagkat simula pagkabata ay marangya na ang kaniyang buhay.
“Sybil, narito ang iyong kwarto.” Binuksan nito ang pinto at nakakita ng maraming kagamitan na aking kailangan at gusto. Mga gamit sa pagbuburda, pagluluto, at may mga damit na nakahanda. Maayos na maayos ang kwarto na kaniyang ipinakita. May sapat na lawak at laki.
“Halina kayo. Akin namang ipapakita ang kwarto ng iyong anak, Sybil,” anito at agad na naglakad patungong kabilang kwarto. “Sana ay matuwa ka sa aking mumunting mga regalo, Maze.” wika ng heneral saka niya kami pinagbuksan ng pinto.
Agad na nakahakbang ang aking anak sa loob at namangha sa kaniyang mga nakita. Nasa loob ang limpak-limpak na mga libro, buong kagamitan sa pag-aaral. Kabilang na roon ang mga panulat, papel, at iba pa.
Mayroong mga nakahandang mga damit at hanbok sa kaniyang aparador. Mayroon ding lamesa upang doon siya mag-aral. Isama na ang isang malaking kama na may malalambot na unan at makakapal ngunit kumportableng mga kumot.
Nasa gilid naman ang mga laruan na inihanda ng heneral para sa kaniya. Mga manika't saranggola. Bola't mga lobo. Lahat ng kaniyang mga libangan ay naandon na.
Sa isang gilid naman ay makikita mo ang isang aparador na may mga lamang mga sapatos. Sapatos na sapat lamang sa sukat ng kaniyang mga paa at mga sapatos na sobra sa sukat ng kaniyang paa.
Mayroong pampainit at pampalamig ang kuwarto. Maaari niyang magamit ang mga iyon sa oras na kailangan niya ng init o dikaya ng lamig.
Ilang oras ang lumipas naihanda na namin ni Maze lahat ng aming kailangan. Lahat ng mga natitirang damit at mga kagamitan ay aming inilipat. Inabutan kami ng paglubog ng araw sapagkat malayo ang dati naming tinitirhan na barrio sa palasyo ni Heneral Cladius.
“Sybil! Maze! Tayo'y kakain na!” pagtawag sa amin ni Heneral kaya dali-dali kaming bumaba at pumunta sa hapag-kainan. Masyado akong napagod na paglilipat ng mga kagamitan, gayundin ang aking anak. Ako'y nagpapasalamat at kami ay makakakain na.
Umubo ang heneral. “Pasensiya na. Maupo na kayo.”
“Heneral. Ayos lang po ba kayo?” anang ko sa heneral
“Oo. M-m-medyo makati lamang ang aking lalamunan, Sybil.” Uminom siya sa baso.
“Ina, Mukhang may karamdaman ang heneral. Kailangan nating tumawag ng manggagamot,” suhestiyon ng aking anak. Akin siyang tiningnan.
“'Wag na, Maze. Hindi pa naman malala.” Kaniyang pinapalitan ang tubig sa kaniyang baso. Hindi niya nais uminom ng malamig na tubig ngayon.
“Heneral Cladius! Mayroon kang karamdaman. Hindi dapat palampasin iyan. Subukan mong uminom ng loquat. Nang sa gayon ay magamot nito ang iyong ubo.” dumating ang isa niyang tagapaglingkod na may bahid ng sarkasmo sa kaniyang bibig. May sarkasmo rin sa kaniyang tono ng pananalita. Hindi ko maiwasang mag-alala sa mangyayari. Tinatakot ako ng boses ng treyhovia o baka ay ganoon lang talaga siya magsalita.
“Hebeias vashda, Leonardo.” Tipid na ngiti lamang ang ibinigay ng heneral dito. Hindi ko maiwas ang aking tingin sa kaniyang tagapaglingkod. Nakikita ko kung gaano ito ngumiti. Isang malaking ngiti na may kasamang sarkasmo. Para bang nasisiyahan ito na iinumin ng heneral ang ibinigay niyang loquat.
“Heneral! Huwag mong inumin iyan!” Biglang nagpakita sa amin ang isang guwardiya. “Heneral, h-hindi iyan loquat! Lason iyan! Huwag mo iyang inumin,” pasigaw na babala ng guwardiya.
Agad na ibinaba ng heneral ang mangkok na ang laman ay loquat. Galit itong tumingin sa kaniyang treyhovia. “Totoo ba ito, Leonardo?!” bakas ang pagkadismaya sa boses ng heneral.
“H-hindi po heneral! Bakit ko naman iyon gagawin sa iyo?” agad na pagtanggi ng tagapaglingkod.
Tiningnan ko ang aking anak. Tuloy-tuloy lamang ito sa pagkain at parang walang pakialam sa mga nangyayari. Isang mangkok ng kanin, isang sipit ng intsik (chopsticks) ng mga bihon, at samahan mo pa ng prinitong manok. Kay rami ng kaniyang kinakain. O kay takaw ng aking anak . . .
“Huwag kang maniwala sa tagapaglingkod na iyan, Heneral! Lason ang ipinapainom niya sa iyo!” babala ng guwardiya. Pawis na pawis ito at hinihingal. Mukhang sinikap niyang tumakbo nang mabilis. Ito'y nanginginig din na parang isang dahon.
“Paano mo naman nasabi iyan? Isa ka lamang hamak na guwardiya. Alam mong nasa batas natin ang bawal magbintang ng kasalanang hindi ginawa! Kay lakas ng loob mong pagsabihan ako niyan!” asik ng tagapaglingkod
“Malakas ang aking loob sapagkat alam kong ako'y tama! Heneral! Huwag kang maniwala sa kaniya!” saad ng guwardiya. Nagbangayan ang dalawa hanggang sa marindi ang heneral.
“Magsitigil kayo!” Hayaan ninyong sabihin ng isang eksperto kung ito ba ay lason o loquat! Mga guwardiya! Pakitawag ang manggagamot na si Yue!” galit na wika ng heneral. Sumulyap ako sa tagapaglingkod at nakita ang kaniyang pagkadismaya. Nanginginig ang kaniyang mga kamay at braso. Nangangantog ang kaniyang mga labi. Pinagpapawisan siya at nakatingin sa kawalan.
Dumating ang eksperto at lumapit sa hapag-kainan. Inasikaso ang eksperto at saka ito umupo. “Nasaan ang mangkok?” Iniabot ng isang tagapaglingkod ang mangkok na may lamang loquat at saka humigop ng kaunti ang eksperto.
“Ito ay . . . “ Tumigil siya saglit. “ . . . loquat.” Nagulat ang guwardiya sa sinabi ng eksperto.
“Hindi maaari! Isa iyang lason!” angal ng guwardiya.
“Eksperto na nagsabi hamak na guwardiya. Isa iyang loquat. Pinahiya mo ako sa harap ng heneral at sa kaniyang mga kamag-anak. Kaya karapatdapat kang parusahan!” Bumalik ang sarkastikong ngiti at tono ng tagapaglingkod. Agad nitong pinadakip ang guwardiya at ipinatapon sa labas ng palasyo.
Sumulyap ako kay Cladius. Nasa baba lamang ang kaniyang tingin. Mahigpit din ang hawak niya sa kubyertos.
“Maaari na kayong umalis, Doktor Yue. At, Leonardo . . . “ Bumuntonghininga ito. “ . . . magpahinga ka na,” malamig na wika ng heneral. Hindi pa rin tumitingin sa amin.
“Kung iyan ang iyong nais, Heneral.” Umalis ang treyhovia. Hindi pa rin mawala-wala ang aking takot. Hindi ko alam kung bakit kakaiba ang kaniyang dating sa akin. Hindi lamang ata ako nasanay.
“Loquat, loquat, loquat . . . “ umibabaw ang tinig ng aking anak. Kung ano-ano ang kaniyang sinasabi. “ . . . Ang loquat ay nakakapanggamot dahil may taglay itong potasyo, kalstyum, fiber at iba pang bitamina . . . “ wika nito na para bang mayroon siyang pinupunto. “ . . , ngunit sa kabilang banda, ang loquat ay nakakalason din . . . ” Natigilan kaming dalawa ni Cladius sa sinabi ng aking anak. Paano niya nalaman iyon?
“Ano ang ibig mong sabihin Maze? Maaaring may lason ang loquat na binigay ni Leonardo kanina?” Nakatingin ang heneral kay Maximaze. Nanlaki ang aking mga mata sa kaniyang sinabi.
“Opo, Heneral. Maaaring may lason ang loquat na binigay kanina ng tagapaglingkod.” Kanilang kinamot ang kaniyang batok at nagpatuloy sa pagkain. Tumigil ito at nagsalita,”ang mga murang dahon ng loquat ay nakakalason. Katulad na rin sa ibang mga murang dahon, ngunit ang matandang dahon ng loquat naman ay hindi.” Sumubo siya ng pagkain.
“Kung gayon, bakit hindi nalaman iyon ng eksperto?” tanong ng heneral.
“Sa aking pagkakaalam, Heneral. Magkaparehas lamang ng lasa ang murang dahon at matandang dahon ng loquat. Saka mo nalamang po ito malalaman kung kailan huli na.”
“Ano naman ang mangyayari kapag nakainom ako kanina?”
“Magsusuka ka lang po ata heneral. Hindi naman iyon nakamamatay, pero pwede kang manghina o `di kaya sa kabaligtaran, ikaw pa ay lumakas.”
“Anak, saan mo iyan nalaman?” tanong ko rito.
“Nagbasa basa po ako kanina. Aking binasa ang tungkol sa medisina sapagkat hindi pa ako marunong magsalita ng wikang Normesian upang basahin ang kakaunting nilalaman ng batas.” Siya'y tumingin sa akin.
“Ang swerte ko at nagkaroon ako ng anak na kagaya mo. Matalino at masipag!” papuri ko.
Natigilan ito sa kaniyang sinabi. Itinaas niya nang bahagya ang mga dulo ng kaniyang labi at nag-iwas ng tingin.
Itutuloy . . .Sybil Park “Ina, sigurado ka bang pupunta tayo sa mga mananahi?” Hinawakan niya ang aking suot-suot na damit habang nakatingin sa akin. “Oo, Maze. Nang sa gayon ay malaman mo ang mga dapat gawin sa pagbuburda kahit sa simpleng paraan lamang.” Aking inilapag ang mangkok sa aming harapan upang magsimula nang kumain. Hihintayin na lamang namin ang mga tagapaglingkod para sa pagkain. Nilagyan na ng mga tagapaglingkod ang aming mga mangkok. Inihanda na rin nila ang aming mga baso at nilagyan ng katas ng dalandan. Isang masarap na ramen ang aking nalalasap. Sabik na sabik na kumain ngunit parang mas sabik ang dalawa ko pang mga kasama. Mga matatakaw. Sumubo agad ng isang sipit ng intsik ng ramen ang heneral. Kung kumain ito, para bang hindi siya nakakain ng ilang taon. Tuloy tuloy ang kaniyang pagsubo at paghigop hanggang sa kumuha siya ng panibagong ramen na kakainin. Sumulyap ako sa aking anak. Simple lamang kumain pero puno ang kaniya
Sybil ParkTiningnan niya ang kaniyang mga kuko. “Nakita kong dala-dala niya ang isang mangkok. Itoʼy kaniyang ininom. Hindi ito agad umalis sa kinaroroonan niya, ngunit patuloy ko siyang pinanood—umaasang siya ang makikipaglaro sa akin. Mayaʼt maya ay sumuka ito. Ako ay lumapit sa kaniya upang tulungan ito at saka ko na lamang nabalitaan na itoʼy loquat . . . ” Tumingin siya kay Leonardo. “Nang kami ay naghahapunan ay binigyan mo ang heneral ng loquat na sinasabi mo.”Bumuntonghininga ako. Mas hindi ako makapaniwala dahil hindi man lang siya nagpaalam sa akin na siyaʼy maglalaro!“Ngayon, sabihin mo sa amin. Bakit mo balak lasunin ang heneral?” Bakas na ang panggigigil sa boses ni Maze ngunit wala pa ring epekto kay Leonardo. Hindi ito nagsalita pero nakangisi.“Paano kung hindi ko sabihin?” Lumapit siya kay Maze at pinantayan ito. Siyaʼy ngumisi nang nakakaloko, sinusubukang takutin ang aking a
Sybil Park Isa lamang itong parte ng taktika ng Fuji. Tanging kaming tatlo lamang ang nakakaalam sa taktika ng Fuji. Ang taktika ay epektibo lalo na't umuulan ng niyebe o sa madaling salita, taglamig ngayon. Hindi nahahalata ang patibong dahil natabunan ito ng niyebe. Agad na dumating ang mga Imperïal Guard na ngayon ay hingal na hingal na at parang inulanan ng pawis kung sila ay titingnan. “Ginoo, ang magnanakaw na inyo pong hinahabol ay naririto sa baba. Maaari namin kayong tulungan upang siya'y maiangat at mabigyan ng parusa,” taimtim kong sinabi Hinayaan na lamang kami ng mga guwardiya na tumulong dahil halata naman na sila'y pagod na. Naiangat na ang lalaki nang dumating ang eunuch. Saktong sakto lamang ang pagdating nito. Sumulyap ako kay Cladius at nakitang nag-aayos siya ng sarili. Simula sa damit, buhok, at pagmumukha. Si Vishton naman ay kalmado lamang. Pormal kung pumustura at tuwid kung tumayo. Ako naman ay normal lamang. N
Sybil Park“Kakain na! Paunahan sa kubo!” kumaripas ng takbo si Cladius at ganoon na rin si Vishton. Hindi na ako tumakbo at baka ako'y madapa.“Hoy! Bilisan mo, Sybil! Dahil ang mahuhuli ay manglilibre ng ramen!” wala na akong ibang magawa kundi ang tumakbo. Ayaw ko pa namang manglibre at isa pa, wala akong dalang pera.“Oo, naalala ko pa . . . ” humihina ang aking boses. Nakangiti at nakatingin sa kawalan. Gusto kong bumalik sa mga pagkakataong iyon. “ . . . pati ang taktika ng Fuji ay naalala ko pa. Ang dami nating kalokohan sa ating kabataan.”“Haha. Aking inaalala lamang, Sybil, naaandon pa kaya ang ating mga kagamitan para sa taktika ng Fuji?” tanong ni Heneral.“Hindi ko alam. Maaaring naandoon pa. Sa tagal ba naman ng panahong hindi natin iyon nagamit. Baka nga ay nakuha na iyon ng mga bata.”“Kung gayon ay hahanapin ko iyon at ipamamana ko sa i
Sybil ParkNapahilamos na lamang ng mukha si Shin. “I'm . . . I'm . . . I'm the map, I'm the map! She—aray! Sino bang bumatok sa . . . a . . . kin Hehe, ikaw pala, Ate. Hehe. Sorry. Ehe.” Napangiti ako sa kaniyang mga kinilos. Ibang-iba ito sa kilos ng mga taga-Normous. Masasabi kong siya ay dayo lamang dito dahil sa kaniyang mga kilos at pananalita.“Tsk, badtrip!” Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses. Siya`yong babaeng dinala ng prinsipeng tagapagmana sa kung saan man.“`Yang bibig mo. Doon na nga tayo. Nakakahiya naman.” Pinanood ko silang maglakad papalayo at aking pinagmasdan ang heneral. Nanlaki ang kaniyang mga mata at gulat na gulat sa isang dahilan na hindi ko alam.Muli kong pinagmasdan ang aking anak na kumain. Nakangiti ito at puno ang bibig. Nakikipagharutan pa ito sa tiyo niyang heneral.Aking inisip, paano kung naandito si Vishton, ang aking asawa—Masaya ba? O
Maximaze ParkMatapos naming bisitahin ang Twaechon kung saan ako tinuruan ng aking guro ng pagtatahi ay dumeretso na kami sa tahanan ng aking tiyo.Agad na inutos ni tiyo na ihanda na ang aming makakain sa hapunan. Umakyat ako sa aking silid at nagpalit ng damit saka ako bumaba para kumain na.“Oh, Maze, Anak. Umupo kana,” isang malambing na bungad sa akin ni ina. Nakangiti akong sumunod at kumain na.“May gagawin pala tayo bukas, Maze,” ika ni tiyo.“Heneral, ano po ang ating gagawin?” tanong ko.“Simula bukas ay mag-eensayo ka na.”“Ano pong ensayo, Heneral?”“Isang ensayong makakatulong sa iyo, Maze. Isang halimbawa na ang tumakbo ng mabilis.”“I-ibig sabihin po ba ay mag-eensayo tayo para sa isang paligsahan? Maglalaro po tayo, Heneral?” Biglang umibabaw ang tuwa sa aking katawan sa sinabi ng heneral. Ibig sab
Maximaze ParkTinaasan niya ako ng kilay. “Ah, maaari mo po ba akong patapusin muna? Noble Park?”“P-paumanhin, ginoo.” Nagbaba ako ng tingin.“Gaya ng aking sinabi kanina ay siya'y umalis. Ika'y pinapapunta roon ng heneral,” tuloy nito.“Ngunit paano ako makakapunta roon? Wala siyang sinabi na lugar?”“Wala, Noble Park, ngunit . . . ”Sa kaniyang sinabi ay nabitin ako. Kaya naman ay nagtanong agad ako, “ngunit ano, ginoo?”“Ngunit dahil ikaw nga ay naturuan na, pati pagtingin sa mapa at direksiyon nito ay naituro na sa iyo. Pinaaabot ng heneral ang mapang ito at nais niyang makita ka sa lugar na iyan.” Inilabas niya ang mapa at ibinigay sa akin.Kung gayon ay sinusubok ako ng heneral kung may natutunan talaga ako.Ngumiti ako. “Salama—”
Maximaze ParkPagkakuha at pagkakuha ko sa mapa ay agad na akong umalis papunta sa aking dapat na puntahan. Dapat ay kakain pa ako ngunit naisip ko na maraming mga hangal sa gilid-gilid at agawan ako ng pagkain. Mas makakabuti kapag ako ay kumain pagkarating ko sa lugar.Tumigil ako sa paglalakad nang aking makita ang isang tarangkahan. Mukhang ako’y naririto na kaya naman kumatok ako sa tarangkahan.Maya’t maya pa ay may nagbukas nito. Nakita ko si Heneral. “Magandang tanghali, Maze!” bungad niya sa akin. Itinaas ko na lamang ang aking kaliwang kamay at hindi na nagsayang ng panahon upang lumingon dito bagkus ay tinuloy ko na lamang ang paglalakad papasok.“Masyado ka yatang matrabaho sa paglalakbay, Maze. Umupo ka muna at mayroon akong sasabihin sa iyo.” Ipinakita niya ang isang lamesa at mga upuan. Agad naman akong sumunod sa kaniyang ipinag-uutos.Nilapag ko muna sa lamesa ang aking dala-dalang ba
Maximaze Lativitus ParkIlang taon na ang nakakalipas. Nanatiling tahimik at mapayapang muli ang Normous pagkatapos ng digmaan ngunit hindi pa rin maiwasan ang karahasan sa Gaia. Ako naman ay mukhang habang buhay nang magiging magulo. Hindi ko na nahanap ang kapayapaan sa sarili, paulit-ulit na bumabalik sa akin ang mga alaalang iyon.Pagkatapos ng digmaan, ninais kong bumaba sa pwesto bilang Death Judge. Nawawalan na ako ng pag-asa noong mga oras na iyon. Nais kong sumuko ngunit nang tingnan kong muli ang paligid, kailangan ako ng Normous. Kung mawawala ako, paano na sila?Ang mga panahong akma ko na sanang isusuko ang posisyon, unti-unting nagsilabasan ang mga mamamayan hindi lamang ng Normous kundi mamamayan na rin ng ibang rehiyon at ng Atolon. Sila'y isa-isang nagpasalamat sa akin at sinikap na mahawakan ang aking kamay.Sa paghawak ko sa kanilang mga kamay, bumalik sa akin ang mga alaala ko—alaalang kung saan kasama ko pa ang aking mga mahal s
Maximaze ParkIsa sa mga bagay na aking pinagsasalamatan ay ang ligtas ang emperor sa kaniyang palasyo. Hindi ko na nga lang alam kay Isa. Ang balita ko ay nag-aagaw buhay siya dahil sa nangyaring pagsabog. Ang heneral . . . ay wala na. Tanging ang kaniyang kamay at ulo lamang ang nakuha sa pagsaog. Hindi ko na hihilinging buhay pa siya sapagkat nakita ko na ang ebidensiya.Kahit na aming napuksa na ang Madreign dito sa aming lupain, hindi kami maaaring lumabas sa kadahilanang masyadong mausok at baka magkasakit ang isa sa amin. Nanatili kaming nakakulong dito sa aking manor. Hinayaan ko silang kumuha ng makakain, matulog sa mga kuwarto, at maglaro rito sa aking manor upang hindi sila mabagot.Sa totoo lang ay nakukulangan na kami sa mga pagkain. Limitado na lamang ito para sa isang linggong pananatili. Kung sila ay kukuha nang kukuha ng makakain, mauubusan kaagad kami ng pagkain kahit wala pang isang lingo. Aking sinikap, sa tulong ni Riana at Redo Fierro, na p
Maximaze ParkAkin namang hiniwa ang neek ng taong nasa aking harapan. Nagsimula kaming makipagbakbakan at mukhang tatagal pa dahil medyo marami sila.Aking iwinagayway nang malakas ang aking katana sa hangin. Atake, atake—iyan lamang ang aking nasa isip habang sa bawat hampas ng kanilang mga espada ay sumisipol ito.Ako'y nagulat nang may tinirang palaso si Riana sa aking direksiyon. Nang ito ay lumagpas sa akin ay lumingon ako sa aking likuran. Iniligtas niya ang buhay ko, mayroong aatake sa akin mula sa aking likuran.Aking dinepensahan ang sarili gamit ang katana nang may magtangkang saktan ako gamit ang kaniyang espada. Lumingon ako kay Redo fIerro at tumango.; Ang toto niyan ay gumawa muna kami ng saglit na pagpaplano. Sina Gertude at Riana ang magpoprotekta sa mga sugatan at mga sibilyan habang si Redo Fierro naman ang gagabay sa kanila papunta sa aking manor habang kami ay nakikipaglaban.Malakas na puwersa ang aking ibinigay sa pag-a
Maximaze ParkAking tiningnan si Fritz. “Sorry for the sudden visit.” Ako ay tumango. Sa totoo lang ay nagsisimula na akong magduda. Wala akong pinatawag sa kanila, basta-basta na lamang sila tumutungo rito. “Intruders ambushed Atolon and shot Commander Manuel dead. He entrusted Revi to take charge of Ahouzran. It's his order before he died.”Ibinaba ko ang aking tingin. Ito ay isang malaking problema. “New Order, our ministry, gave Revi the authority to use the military to help us in the war,” nanginginig na aniya. Namatayan sila ng kumander, balita ko ay isa siyang magaling na kumander. Kung totoo ngang siya'y patay na, ipinapahayag ko ang aking makikiramay sa Atolon.Ako'y bumuntonghininga at tumingin kay Redo Fierro. Seryosong-seryoso siya, namomroblema, ngunit kahit namatay ang kumander, kailangan naming magpatuloy. Hindi ko hahayaang mapunta lamang sa wala ang isang taong paghahanda para sa digmaan ito.
Maximaze Park Kaniyang nabanggit ang tungkol sa kapangyarihang mayroon siya. Tunay siyang malakas at sa isang pitik lamang ay kayang-kaya na niyang talunin ang Madreign. Ako'y nagtaka noong una, bakit pa nila kailangang humingi ng tulong kung mayroon silang lakas na higit pa sa lakas ng isang libong mandirigma? Nang akin siyang pinakinggan, nalaman ko ang dahilan. Malakas nga siya ngunit kapag ito'y kaniyang ginamit ay agad na mababawasan ang kaniyang lakas sa katawan o sa ibang salita, paikli nang paikli ang kaniyang buhay. Hindi ko naman siya masisisi kung gusto niya pa mabuhay nang matagal. Mayroon siyang mga mahal sa buhay na maiiwan. Nang una ko iyong marinig, makasarili, siya'y makasarili ang una kong naisip. Makasarili nga kung pakikinggan na gusto niyang mabuhay pa nang mahaba kaya hindi niya ginagamit ang kapangyarihang mayroon siya ngunit kung iintindihin ay para na rin ito sa kaniyang bayan. Isa siya sa mga pinakamagaling na kapitan sa Atolon, isa rin sa p
Maximaze ParkKinausap ko ang emperor tungkol sa tulong na hinihingi ng Atolon. Aking inisa-isa ang mga maaaring mangyari at ang mga bagay na pakikinabangan namin. Upang makumbinsi ito, ginamit ko ang seguridad ng Normous. Kung hindi namin tutulungan ang Atolon, maaaring ang Normous naman ang sugurin ng Madreign. Maaaring sumugod muli sila rito sa hindi inaasahang pagkakataon.Hindi naging madali ang pakikipag-usap sa emperor sapagkat kakapanaw lamang ng mahal na empress. Aking napag-alaman na ang empress ay ang nakakatandang kapatid ng isang taong binigyan ako ng makakain. Sa aking pagkakatanda, chopao ang pagkaing iyon. Kay tagal ko nang hindi nakakakain ng chopao, gusto ko mang kumain ngunit hindi ko alam kung paano iyon lutuin.“Kamahalan, ano sa tingin niyo ang dapat na gawing hakbang ng Normous?” Nagpakawala ako ng isang buntonghininga. Ang tibok ng aking puso ay palakas nang palakas, pabilis nang pabilis.“Tanungin mo ang iyong sa
Maximaze Park“Matagal na panahon na rin . . . “ Siya'y bumuntonghininga muli. Isinarado nito ang kaniyang mga mata na para bang may inaalala. Ibinaba niya ang kaniyang ulo. “ . . , ngunit sariwa pa rin ito sa aking isipan.”Parehas lamang kaming dalawa. Ang aking mga alaala sa paglalakbay ay parang kahapon lamang nangyari. Sariwang-sariwa, walang balak na umalis sa aking isipan. Iyon ang unang pagkakataon na dinumihan ko ang aking mga kamay para mailigtas ang aking sarili pati na rin si Liene.“Isang gabi sa aming kampo, sinugod kami ng mga dayuhan. Karamihan sa ami'y napatay at iilan na lamang kaming natira,” panimula nito. Inayos ko ang aking pagkakaupo at sinikap na marinig ang lahat ng kaniyang sasabihin sa kabila ng mahina nitong boses. “Gumawa sila ng kasunduan, kailangan naming patayin ang isa't isa at ang natira ay mayroong gantimpala. Nagpatayan sila sa harapan ko at wala man lang akong magawa kundi manoo
Maximaze ParkBumuntonghininga siya at tumingin sa kaliwa, kung saan makikita ang imaheng aking ipinaguhit. Ang imahe ni Ina kasama ako. Akin iyon ipinagawa nang sa gayon ay palagi ko siyang maalala. “Children lost their parents, parents lost their children . . . “ Malungkot niyang tiningnan ang imahe at para bang may inaalala ito. “ . . . Madreign destroyed everything—friendship, family, dreams, trust, and peace. They even took our freedom.” Ako'y kaniyang nilingon at malamig na tiningnan. Tumingin naman siya sa taas kung saan makikita ang makulay na larawan. “What they did in the past two decades is worse than what they did more than 400 years ago, wherein they discriminated, tortured, and slaughtered our ancestors before trapping them under Mount Colossus.” Pilit niyang pinapakalma ang sarili. Huminga ito nang malalim at kalmado akong tiningnan.“What will you feel if you lost your parents? What
Maximaze Park Nanatili kaming tahimik sa silid na ito. Ang Revi na tumungo dito ay pamilyar ngunit ang kaniyang kasamang babae ay hindi. Wala ni isa sa amin ang umimik nang siya ay dumating. Tumingin ako kay Fierro at sinenyasan itong umalis sa silid kasama ni Gertude. Gayundin si Revi, sinenyasan ang kaniyang kasama na umalis sa silid. Si Revi ay parang kasing-edad ko lamang, pamilyar din ang wangis nito. Maaaring nakita ko lamang siya sa mga karatig bayan kaya ito'y pamilyar. Maaari ring isa siya sa mga naglakbay sapagkat isa siyang kapitan—pinakamalakas na kapitan ayon sa kaniya. Hindi ko siya inaasahang pumunta rito, ni hindi ko nga siya kilala. Pamilyar lamang siya ngunit wala akong balak na pagkatiwalaan ang taong ito. Hindi siya mukhang taga-rito. Wala akong naaalalang kahit ano mang rehiyon sa kaniyang kasuotan. Gaya nga ng kaniyang winika, siya ay nanggaling sa isang isla. Maaaring mayroon silang sariling kultura at hindi ginaya ang kultura n