“Ohayo! Por Baron vi servancio ca! Ipesanyo ver ca por presyosva!” sigaw ng tagapaglingkod ng baron. Akin nang inihanda ang pambayad sa aming upa. Sumulyap ako sa aking asawa at nakitang inaasikaso niya ang pagtotroso.
Translation: Ohayo! Ang Baron ay naandito na! Ihanda n`yo na ang pambayad!
Lalapit sana ako nang biglang may kumalabit sa akin at naging dahilan ng aking pagkagulat at pangangamba. Ako'y halos mapatalon na. Nilingon ko ito at salamat naman at ang kumalabit sa akin ay ang aking asawa.
“Sybil, hayaan mong ako na ang mag-abot ng presyosva sa tagapaglingkod ng baron. Ako'y nangangamba na baka ikaw at ang ating anak na nasa iyong sinapupunan at mailagay sa kapahamakan,” wika ni Vishton, ang aking asawa. Napakaswerte ko dahil ako'y nagkaroon ng asawang tulad niya. Inuuna ang kaligtasan ko at ang aming anak na ngayon ay nasa aking sinapupunan pa lamang.
“Previlia Park! Nasaan na ang inyong presyosva?! Huwag ninyong sabihin na hindi kayo magbabayad!” galit na wika ng treyhovia. Treyhovia ang tawag sa tagapaglingkod ng baron. Agad na lumapit ang aking asawa sa treyhovia at yumuko bilang pagbibigay ng galang sa mas nakatataas.
Masayang bumalik si Vishton sa aking pwesto, na ngayon ay nakaupo na at namamahinga. Kami ay nananabik nang sobra dahil ang araw ng aking pagsilang ng aming unang anak ay nalalapit na.
“Anak, hindi man namin tiyak ang iyong kasarian ngunit amin nang inihandaang iyong mga kagamitan at kasuotan. Ako'y nananabik na makita kang ginagamit mo iyon, anak, ngunit mas kapanabik-nabik ang makita ang iyong ngiti sa oras na naisilang ka na sa mundong ito.” Kaniyang hinalikan ang aking tiyan at noo. Ako'y nagagalak na makita siyang ganito. Ngunit sa kabilang banda, ako'y nangangamba. Maraming panganib ang maaaring mangyari na posibleng maging dahilan ng aming pagkakawatak-watak.
Kami ay nasa pinakamababang antas lamang o kung aking sabihin ay mga alipin o pagmamay-ari ng baron. Mahirap lamang kami kung kaya't ang pagkakaroon ng anak ay magiging mahirap talaga. Sa ngayon, hangga't hindi ko pa kakayaning magtrabaho ay si Vishton ang kumakayod upang mabayaran ang aming mga bayarin. Kapag ang aming anak ay lumabas na, balak kong bumalik sa aking mga trabaho. Ang totoo niyan ay wala akong regular na trabaho, kahit ano ay pinapasok ko upang kumita ng salapi-basta ay wala akong ginagawang masama. Gayundin si Vishton, ngunit madalas siyang nasa bukid, hilig nito ang magtanim. Hindi na ako magtataka kung mahilig din magtanim ang aming anak.
“Hindi na ako makapaghintay na mailabas siya sa aking sinapupunan at makita niya ang liwanag kasabay ng pagkakilala niya sa atin bilang kaniyang magulang, at aking sisiguraduhin na sa liwanag siya maglalakad at hindi sa kadiliman. Sisikapin ko ring magkaroon siya ng kaalaman at talento sa kabila ng ating kahirapan dahil naniniwala ako na siya ang ating magiging daan patungo sa tagumpay.” Hinahaplos ko ang aking tiyan at ngumiti.
Tumingin si Vishton sa akin. “Habang siya'y musmos pa lamang ay iparamdam na natin sa kanya na mayroon siyang kalayaan. Saka na nating pahintulutan siyang buksan ang kanyang mata sa tamang oras at tamang panahon.” Medyo malalim ngunit akin paring naiintindihan. O kay dami ng aming pangarap sa aming anak. Ang ilan pa roon ay napakataas at napakaimpossible ngunit mangangarap lamang diba? Bakit hindi na natin taasan? Nang sa gayon ay alam natin kung saan tayo aabot pagdating ng panahon.
Maliban sa pagiging malaya at makaangat sa estadong ito, nais din namin ng payapang buhay. Sana naman ay walang umusbong na digmaan dahil kung gayon ay mawawalay si Vishton sa amin. Ang bilang ng mga mandirigma sa military ng rehiyong ito ay paunti-unting nababawasan sa kadalahanang palagi silang nagpapahayag ng labanan.
Kung kapayapaan ang pag-uusapan, imposibleng maibalik iyon dito sa mundo. Payapang buhay? Maaari pa. Nais kong tumira sa isang lugar kung saan malayo sa bayan. Isang lugar kung saan maraming puno at mayroong bukid na pagtataniman para kay Vishton. Bagaman nais ng karamihan na tumira sa bayan para malapit sila sa kaharian ng emperor, mas nanaisin kong tumira sa isang tahimik na lugar.
“Patawad po, Baron! Ako'y patawarin n`yo! Sadyang nagkataon lamang na nagkasakit ang aking ina at lahat ng aking pera na dapat sa presyosva ay aking nagastos. Patawad po talaga, Baron!” Narinig ko ang hagulgol ng kaibigan ni Vishton. Kaawa-awa siya. Gusto ko siyang tulungan ngunit nangangamba din ako sa kaligtasan ng aking anak!
“Alam mo ba ang parusa na hindi pagbayad ng upa?!” galit na asik ng treyhovia sa kaibigan ng aking asawa.”Ang parusa ay pagkakakulong ng isang taon at hanggat hindi makabayad ang iyong mga kamag-anak ay hindi ka makakalabas ng kulungan!”
Aking binaba ang aking tingin, naaawa sa aming kaibigan. Hindi dahil binili nila kami o kami ay nasa pinakamababang antas ay puwede na nila kaming apihin. Mayroon kaming mga kalayaan at mga karapatan! Sa totoo lang ay sumosobra na sila. Nais ko mang tulungan ngunit pinapangunahan ako ng takot. Maaari kaming madamay at malalagay sa panganib ang aming anak.
Ganito naman talaga ang mundo, malupit. Ang mga tao na nagsasabing maganda ang mundo ay maaaring hindi pa namumulat o bulag. Maganda ngunit marahas. Minsan ay hinihiling ko na lamang na hindi ko nakita kung gaano ito karahas. Mas nanaisin kong magbulag-bulagan kaysa sa magdusa sa sakit na dala nito.
“Vishton!” Akin siyang hinawakan nang magtangka itong tumakbo papunta sa kaniyang kaibigan. Hindi, hindi ko siya hahayaan. Ang aming anak ay nangangailangan ng ama, at kung siya ay mapapahamak ay hindi ko na alam ang gagawin pa.
“Sybil, ayaan mo akong tulungan siya. Siya ay aking kaibigan.”
“Pero hahayaan mo nalang ba ang sarili mo na mapahamak?”
“Sybil, ang magkakaibigan ay nagtutulungan. Hindi ko siya dapat pabayaan.”
“Ngunit, Vishton-kapag mayroong mangyari sa iyo ay lalaki ang iyong anak na walang ama. Nais mob a iyon? Ang iparamdam sa kaniya ang iyong naranasan noon? Kailangan mong mamili, Vishton.” Tumagal ng ilang sigundo bago siya makasagot. Nagmamakaawa ako Vishton, kami ang piliin mo.
“Pasensya na, Sybil. Ingatan mo ang ating anak at palakihin siya nang maayos. Mag-iingat kayo.” Hinalikan niya ang aking noo. Ako'y natigilan at naiwnag tulala sa aking harapan. Kita ko ang alitang nagaganap at nararamdaman ko rin ang tensyon. Hanggang sa, latiguhin sila ng maraming ilang beses at napagdesisyunan na ipatapon siya sa kulungan. Hindi ako makapaniwala. Hindi ako makapaniwala
“A-ahhh!” Bigla akong nakaramdam ng sakit sa kung saan mang parte ng aking katawan. Hindi ko masasabi kung saan ang masakit na parte. Basta ang alam ko lang, sobrang sakit niya
“A-ahhh!! Tulong! T-tulong! Manganganak na y-yata ako!” pag-alerto ko sa aking mga kasama sa bario. Agad na nagsilabasan ang mga kababaihan para tulungan ako at pinahiga. Namimilipit na ako sa sakit.
“Ginang, ang ulo ng iyong anak ay lumabas ngunit ang balikat ay nananatili sa loob.” Siya'y natataranta ngunit hindi ko namagawang tumugon dahil napakasakit!
“Ginang Rosa, kung baguhin mo na lamang po ang kaniyang posisyon?” suhestiyon ng isang dalaga. Sa aking hula, isa siyang mag-aaral ng medisina sapagkat may kakayahanang kanyang pamilya na pag-aralin siya.
“Ating subukan.”
Ilang oras ang lumipas, kanilang ginawa ang kanilang dapat gawin. Ako'y nagpapasalamat dahil sa wakas, lumabas na ang aking anak. “B-buhay ang bata! Isa siyang babae!! Mga kapatid, siya ang bagong pag-asa ng bayan!” Wala nang mas sasaya pa sa akin lalo na at nalaman kong buhay ito at isa pa itong babae! Umaasa din ako na siya ang magiging pag-asa namin para makabangon sa kahirapan.
Galak na lumingon sa gawi ko ang babaeng doktor. “Ginang, ano ang ipapangalan mo sa iyong babaeng anak?”
Naghabol ako ng hininga sa sobrang pagod ngunut sinikap ko paring sumagot, “M-maximaze, Maximaze Lativitus Park . . . “
Ako'y nagagalak at ika'y naipanganak na sa mundo, aking anak . . .
Itutuloy . . .
Sybil ParkIlang taon na ang lumipas at namuhay naman kami nang mapayapa ng anak kong si Maximaze. Walong taong gulang na siya ngayon. Isang napakamasiyahing bata at may inosenteng pagkatao. Ako'y nagagalak sa kanya kaya bibigyan ko siya ng regalong alam kong magugustuhan niya.“Ina! Ina! Ina!” Aking narinig ang aking anak na nagmumula sa labas ng aming bahay. Awtomatiko akong lumabas upang salubungin siya. Ito'y hingal na hingal at halatang todo ito sa paglaro. “I-ina . . . “ nauutal niyang sambit dahil sa paghahabol ng hininga.“Oh, anak? Halatang ikaw ay nagbuhos ng lakas sa iyong paglaro. Hingal na hingal ka,” natatawa kong wika sa anak. Pinunasan ko ang kaniyang likod dahil talagang pawisan ito.“I-ina, hindi po ako naglaro.” Ano ang ibig sabihin ng aking anak? Ang ibig sabihin ba nito ay nagpahabol siya sa mga aso? Itong bata talagang ito.“Nagpahabol ka sa mga aso ano? Ikaw
Sybil Park“Kung gayon, ginang. Ano ang inyong pakiusap? Ang bigyan ka ng pagkakataong makapag-aral? Hindi ko maibibigay sa iyo iyan.” Hindi ko man ibinahagi ang aking pakiusap ngunit tinanggihan agad ako ng Baron.“Baron, hindi n`yo po kailangang ibigay sa akin sapagkat ang aking hinihiling ay maibigay iyon sa aking musmos na anak.” Kagaya ng sinabi ko, lahat ay aking gagawin basta para sa aking anak. Ito ang nais ni Mazimaze, ang makapag-aral kaya't ibibigay ko sa kaniya ito.“Sa ngayon pa lamang ay humihingi agad ako ng pasensya, ginang, ngunit hindi ko iyan bibigyan ng pahintulot.” Ang kaniyang isinaad ay nakapagdismaya sa akin nang lubos.Ano pa nga ba ang aking aasahan? Maliit lamang ang tiyansang pumayag ang baron ngunit akin pa ring sinubukan para sa aking anak. Ito na ang aking inaasahan ngunit hindi ako makakapayag!“Baron! Ako'y nagsusumao sa inyo. Para lamang sa aking anak. Baron, pagbigyan n`yo
Sybil Park“H-heneral, patawad! Patawad! Nadala lamang ako sa aking damdamin! Kung maaari nawa ay ako'y inyong patawarin!” Ngayon lamang nakita ng mga tao rito na nagmakaawa ang Baron dahil kadalasan ay kami ang nagmamakaawa sa kaniya.“Kung hihingi ka ng tawad dapat alam mong pinagsisihan mo na. Pero mukhang hindi, at dahil diyan dadagdagan ko ang iyong parusa, ibabalik mo ang mga perang kinuha mo sa kanila at ipapaayos ang pinasunog mong tahanan. Naintindihan mo?!” Kaniyang hinablot ang buhok ng baron at iningudngod ito sa lupa.“O-opo, Heneral. Masusunod,” nanginginig na aniya. Kung ang baron ay takot na, malamang takot na rin ang kanyang mga lingkod. At dahil sa takot, nanginginig silang tumayo sa pagkakaluhod at sabay-sabay na dumeretso sa kanilang mga kabayo.Hindi na ako nag-aksaya ng panahon bagkus ay lumapit na ako sa aking anak na ngayon ay pinagkakaguluhan ng madla. Maraming papuri ang natanggap nito ngunit s
Sybil ParkSiguro ay kailangan ko nang magtiwala sa aking anak. Mayroon itong mga pangarap o naisin sa buhay na siyang makakatulong sa kaniya upang magpatuloy sa kaniyang tinatahak. Ako'y magtitiwala na. Hihilingin ko na sana ay magtagumpay ito sa paglalakbay kahit na matagal pa naman iyon. Alam kong pagkatapos nito ay mamumuhay na kami nang payapa. Maaari nang bumalik sa amin si Vishton.“S-salamat po, Heneral! Ang ibig ko pong sabihin ay vashda, Heneral! Hebeias vashda, Heneral!” Nanlaki ang aking mga mata nang sabihin niya ang salitang Hebeias vashda na ang ibig sabihin ay 'maraming salamat'. Salamat lamang ang aking itinuro—saan naman niya nakuha ang salitang iyon?“Saan mo naman natutunan ang hebeias vashda, aking anak?” Lumapit ako kay Maze at inobserbahan siya.“Aking naririnig sa mga mamamayan ng Xida Palacios ang salitang hebeias vashda. Aking nalaman sa inyo ina na ang vashda ay salamat. Kaya napagtanto ko na
Sybil Park Bigla ko na lamang naalala na si Maze ay aalis sa aking piling upang maglakbay. Kinakabahan ako para sa kaniya dahil baka hindi ko na muling makita ang mga ngiti niya pagbalik dito. Akin na lamang hihilingin na sana ay maging ligtas siya at sa kaniyang pagbalik ay mamumuhay kami nang payapa. Ayos lamang sa akin kung hindi siya ang napiling Death Judge. Ang importante ay makabalik siya sa aking piling. “Halina kayo at ipapakita ko sa inyo ang inyong mga kwarto. Sigurado akong magugustuhan n`yo iyon.” Ang heneral ay ngumiti. “Dito muna kayo mananatili pansamantala habang ginagawa pa ang maliit n`yong palasyo.” Tinapos namin ang hinanda niyang mga pagkain at saka kami naglibot sa kaniyang palasyo. Masasabi kong ito'y maganda at maayos ang pagkakagawa. Sa tingin ko'y walang bagyo na makakasira rito. Hindi imposibleng magkaroon ng ganito si Cladius sapagkat simula pagkabata ay marangya na ang kaniyang buhay. “Sybil, narito ang
Sybil Park “Ina, sigurado ka bang pupunta tayo sa mga mananahi?” Hinawakan niya ang aking suot-suot na damit habang nakatingin sa akin. “Oo, Maze. Nang sa gayon ay malaman mo ang mga dapat gawin sa pagbuburda kahit sa simpleng paraan lamang.” Aking inilapag ang mangkok sa aming harapan upang magsimula nang kumain. Hihintayin na lamang namin ang mga tagapaglingkod para sa pagkain. Nilagyan na ng mga tagapaglingkod ang aming mga mangkok. Inihanda na rin nila ang aming mga baso at nilagyan ng katas ng dalandan. Isang masarap na ramen ang aking nalalasap. Sabik na sabik na kumain ngunit parang mas sabik ang dalawa ko pang mga kasama. Mga matatakaw. Sumubo agad ng isang sipit ng intsik ng ramen ang heneral. Kung kumain ito, para bang hindi siya nakakain ng ilang taon. Tuloy tuloy ang kaniyang pagsubo at paghigop hanggang sa kumuha siya ng panibagong ramen na kakainin. Sumulyap ako sa aking anak. Simple lamang kumain pero puno ang kaniya
Sybil ParkTiningnan niya ang kaniyang mga kuko. “Nakita kong dala-dala niya ang isang mangkok. Itoʼy kaniyang ininom. Hindi ito agad umalis sa kinaroroonan niya, ngunit patuloy ko siyang pinanood—umaasang siya ang makikipaglaro sa akin. Mayaʼt maya ay sumuka ito. Ako ay lumapit sa kaniya upang tulungan ito at saka ko na lamang nabalitaan na itoʼy loquat . . . ” Tumingin siya kay Leonardo. “Nang kami ay naghahapunan ay binigyan mo ang heneral ng loquat na sinasabi mo.”Bumuntonghininga ako. Mas hindi ako makapaniwala dahil hindi man lang siya nagpaalam sa akin na siyaʼy maglalaro!“Ngayon, sabihin mo sa amin. Bakit mo balak lasunin ang heneral?” Bakas na ang panggigigil sa boses ni Maze ngunit wala pa ring epekto kay Leonardo. Hindi ito nagsalita pero nakangisi.“Paano kung hindi ko sabihin?” Lumapit siya kay Maze at pinantayan ito. Siyaʼy ngumisi nang nakakaloko, sinusubukang takutin ang aking a
Sybil Park Isa lamang itong parte ng taktika ng Fuji. Tanging kaming tatlo lamang ang nakakaalam sa taktika ng Fuji. Ang taktika ay epektibo lalo na't umuulan ng niyebe o sa madaling salita, taglamig ngayon. Hindi nahahalata ang patibong dahil natabunan ito ng niyebe. Agad na dumating ang mga Imperïal Guard na ngayon ay hingal na hingal na at parang inulanan ng pawis kung sila ay titingnan. “Ginoo, ang magnanakaw na inyo pong hinahabol ay naririto sa baba. Maaari namin kayong tulungan upang siya'y maiangat at mabigyan ng parusa,” taimtim kong sinabi Hinayaan na lamang kami ng mga guwardiya na tumulong dahil halata naman na sila'y pagod na. Naiangat na ang lalaki nang dumating ang eunuch. Saktong sakto lamang ang pagdating nito. Sumulyap ako kay Cladius at nakitang nag-aayos siya ng sarili. Simula sa damit, buhok, at pagmumukha. Si Vishton naman ay kalmado lamang. Pormal kung pumustura at tuwid kung tumayo. Ako naman ay normal lamang. N
Maximaze Lativitus ParkIlang taon na ang nakakalipas. Nanatiling tahimik at mapayapang muli ang Normous pagkatapos ng digmaan ngunit hindi pa rin maiwasan ang karahasan sa Gaia. Ako naman ay mukhang habang buhay nang magiging magulo. Hindi ko na nahanap ang kapayapaan sa sarili, paulit-ulit na bumabalik sa akin ang mga alaalang iyon.Pagkatapos ng digmaan, ninais kong bumaba sa pwesto bilang Death Judge. Nawawalan na ako ng pag-asa noong mga oras na iyon. Nais kong sumuko ngunit nang tingnan kong muli ang paligid, kailangan ako ng Normous. Kung mawawala ako, paano na sila?Ang mga panahong akma ko na sanang isusuko ang posisyon, unti-unting nagsilabasan ang mga mamamayan hindi lamang ng Normous kundi mamamayan na rin ng ibang rehiyon at ng Atolon. Sila'y isa-isang nagpasalamat sa akin at sinikap na mahawakan ang aking kamay.Sa paghawak ko sa kanilang mga kamay, bumalik sa akin ang mga alaala ko—alaalang kung saan kasama ko pa ang aking mga mahal s
Maximaze ParkIsa sa mga bagay na aking pinagsasalamatan ay ang ligtas ang emperor sa kaniyang palasyo. Hindi ko na nga lang alam kay Isa. Ang balita ko ay nag-aagaw buhay siya dahil sa nangyaring pagsabog. Ang heneral . . . ay wala na. Tanging ang kaniyang kamay at ulo lamang ang nakuha sa pagsaog. Hindi ko na hihilinging buhay pa siya sapagkat nakita ko na ang ebidensiya.Kahit na aming napuksa na ang Madreign dito sa aming lupain, hindi kami maaaring lumabas sa kadahilanang masyadong mausok at baka magkasakit ang isa sa amin. Nanatili kaming nakakulong dito sa aking manor. Hinayaan ko silang kumuha ng makakain, matulog sa mga kuwarto, at maglaro rito sa aking manor upang hindi sila mabagot.Sa totoo lang ay nakukulangan na kami sa mga pagkain. Limitado na lamang ito para sa isang linggong pananatili. Kung sila ay kukuha nang kukuha ng makakain, mauubusan kaagad kami ng pagkain kahit wala pang isang lingo. Aking sinikap, sa tulong ni Riana at Redo Fierro, na p
Maximaze ParkAkin namang hiniwa ang neek ng taong nasa aking harapan. Nagsimula kaming makipagbakbakan at mukhang tatagal pa dahil medyo marami sila.Aking iwinagayway nang malakas ang aking katana sa hangin. Atake, atake—iyan lamang ang aking nasa isip habang sa bawat hampas ng kanilang mga espada ay sumisipol ito.Ako'y nagulat nang may tinirang palaso si Riana sa aking direksiyon. Nang ito ay lumagpas sa akin ay lumingon ako sa aking likuran. Iniligtas niya ang buhay ko, mayroong aatake sa akin mula sa aking likuran.Aking dinepensahan ang sarili gamit ang katana nang may magtangkang saktan ako gamit ang kaniyang espada. Lumingon ako kay Redo fIerro at tumango.; Ang toto niyan ay gumawa muna kami ng saglit na pagpaplano. Sina Gertude at Riana ang magpoprotekta sa mga sugatan at mga sibilyan habang si Redo Fierro naman ang gagabay sa kanila papunta sa aking manor habang kami ay nakikipaglaban.Malakas na puwersa ang aking ibinigay sa pag-a
Maximaze ParkAking tiningnan si Fritz. “Sorry for the sudden visit.” Ako ay tumango. Sa totoo lang ay nagsisimula na akong magduda. Wala akong pinatawag sa kanila, basta-basta na lamang sila tumutungo rito. “Intruders ambushed Atolon and shot Commander Manuel dead. He entrusted Revi to take charge of Ahouzran. It's his order before he died.”Ibinaba ko ang aking tingin. Ito ay isang malaking problema. “New Order, our ministry, gave Revi the authority to use the military to help us in the war,” nanginginig na aniya. Namatayan sila ng kumander, balita ko ay isa siyang magaling na kumander. Kung totoo ngang siya'y patay na, ipinapahayag ko ang aking makikiramay sa Atolon.Ako'y bumuntonghininga at tumingin kay Redo Fierro. Seryosong-seryoso siya, namomroblema, ngunit kahit namatay ang kumander, kailangan naming magpatuloy. Hindi ko hahayaang mapunta lamang sa wala ang isang taong paghahanda para sa digmaan ito.
Maximaze Park Kaniyang nabanggit ang tungkol sa kapangyarihang mayroon siya. Tunay siyang malakas at sa isang pitik lamang ay kayang-kaya na niyang talunin ang Madreign. Ako'y nagtaka noong una, bakit pa nila kailangang humingi ng tulong kung mayroon silang lakas na higit pa sa lakas ng isang libong mandirigma? Nang akin siyang pinakinggan, nalaman ko ang dahilan. Malakas nga siya ngunit kapag ito'y kaniyang ginamit ay agad na mababawasan ang kaniyang lakas sa katawan o sa ibang salita, paikli nang paikli ang kaniyang buhay. Hindi ko naman siya masisisi kung gusto niya pa mabuhay nang matagal. Mayroon siyang mga mahal sa buhay na maiiwan. Nang una ko iyong marinig, makasarili, siya'y makasarili ang una kong naisip. Makasarili nga kung pakikinggan na gusto niyang mabuhay pa nang mahaba kaya hindi niya ginagamit ang kapangyarihang mayroon siya ngunit kung iintindihin ay para na rin ito sa kaniyang bayan. Isa siya sa mga pinakamagaling na kapitan sa Atolon, isa rin sa p
Maximaze ParkKinausap ko ang emperor tungkol sa tulong na hinihingi ng Atolon. Aking inisa-isa ang mga maaaring mangyari at ang mga bagay na pakikinabangan namin. Upang makumbinsi ito, ginamit ko ang seguridad ng Normous. Kung hindi namin tutulungan ang Atolon, maaaring ang Normous naman ang sugurin ng Madreign. Maaaring sumugod muli sila rito sa hindi inaasahang pagkakataon.Hindi naging madali ang pakikipag-usap sa emperor sapagkat kakapanaw lamang ng mahal na empress. Aking napag-alaman na ang empress ay ang nakakatandang kapatid ng isang taong binigyan ako ng makakain. Sa aking pagkakatanda, chopao ang pagkaing iyon. Kay tagal ko nang hindi nakakakain ng chopao, gusto ko mang kumain ngunit hindi ko alam kung paano iyon lutuin.“Kamahalan, ano sa tingin niyo ang dapat na gawing hakbang ng Normous?” Nagpakawala ako ng isang buntonghininga. Ang tibok ng aking puso ay palakas nang palakas, pabilis nang pabilis.“Tanungin mo ang iyong sa
Maximaze Park“Matagal na panahon na rin . . . “ Siya'y bumuntonghininga muli. Isinarado nito ang kaniyang mga mata na para bang may inaalala. Ibinaba niya ang kaniyang ulo. “ . . , ngunit sariwa pa rin ito sa aking isipan.”Parehas lamang kaming dalawa. Ang aking mga alaala sa paglalakbay ay parang kahapon lamang nangyari. Sariwang-sariwa, walang balak na umalis sa aking isipan. Iyon ang unang pagkakataon na dinumihan ko ang aking mga kamay para mailigtas ang aking sarili pati na rin si Liene.“Isang gabi sa aming kampo, sinugod kami ng mga dayuhan. Karamihan sa ami'y napatay at iilan na lamang kaming natira,” panimula nito. Inayos ko ang aking pagkakaupo at sinikap na marinig ang lahat ng kaniyang sasabihin sa kabila ng mahina nitong boses. “Gumawa sila ng kasunduan, kailangan naming patayin ang isa't isa at ang natira ay mayroong gantimpala. Nagpatayan sila sa harapan ko at wala man lang akong magawa kundi manoo
Maximaze ParkBumuntonghininga siya at tumingin sa kaliwa, kung saan makikita ang imaheng aking ipinaguhit. Ang imahe ni Ina kasama ako. Akin iyon ipinagawa nang sa gayon ay palagi ko siyang maalala. “Children lost their parents, parents lost their children . . . “ Malungkot niyang tiningnan ang imahe at para bang may inaalala ito. “ . . . Madreign destroyed everything—friendship, family, dreams, trust, and peace. They even took our freedom.” Ako'y kaniyang nilingon at malamig na tiningnan. Tumingin naman siya sa taas kung saan makikita ang makulay na larawan. “What they did in the past two decades is worse than what they did more than 400 years ago, wherein they discriminated, tortured, and slaughtered our ancestors before trapping them under Mount Colossus.” Pilit niyang pinapakalma ang sarili. Huminga ito nang malalim at kalmado akong tiningnan.“What will you feel if you lost your parents? What
Maximaze Park Nanatili kaming tahimik sa silid na ito. Ang Revi na tumungo dito ay pamilyar ngunit ang kaniyang kasamang babae ay hindi. Wala ni isa sa amin ang umimik nang siya ay dumating. Tumingin ako kay Fierro at sinenyasan itong umalis sa silid kasama ni Gertude. Gayundin si Revi, sinenyasan ang kaniyang kasama na umalis sa silid. Si Revi ay parang kasing-edad ko lamang, pamilyar din ang wangis nito. Maaaring nakita ko lamang siya sa mga karatig bayan kaya ito'y pamilyar. Maaari ring isa siya sa mga naglakbay sapagkat isa siyang kapitan—pinakamalakas na kapitan ayon sa kaniya. Hindi ko siya inaasahang pumunta rito, ni hindi ko nga siya kilala. Pamilyar lamang siya ngunit wala akong balak na pagkatiwalaan ang taong ito. Hindi siya mukhang taga-rito. Wala akong naaalalang kahit ano mang rehiyon sa kaniyang kasuotan. Gaya nga ng kaniyang winika, siya ay nanggaling sa isang isla. Maaaring mayroon silang sariling kultura at hindi ginaya ang kultura n