Page 1
Eclair's P.O.VSa buong buhay ko ng pagiging bata ay ako iyong tipong babae na hindi mahilig makisali sa mga babae, gusto ko sa lalaki lang ako sumasama dahil nandoon ang mga gusto kong laruin at gawin. Katulad na lamang no’ng baril-barilan, mga takbuhan o kaya naman ang mga trip nila sa pambabato ng bato sa rooftop ng kapit-bahay namin, o kaya’y ang pagpindut ng doorbell sabay takbo. Mga gawaing ‘di madalas gawin ng mga kababaihan.
Wala rin sa kagustuhan ko ‘yung maglaro ng luto-lutuan o ng mga manika sa mga kapatid ko na babae. Maliban kasi sa mayroon akong Pediophobia ay hindi naman sila kaaya-aya sa paningin ko. Oo, Pediophobia, takot ako sa mga manika kasi pakiramdam ko lilingon sila sa akin kapag hindi ako nakatingin kaya kikilabutan ka na lang.Kung makikipaglaro man ako, sa pangatlong panganay ko lamang na kapatid
Kaya nga madalas din akong sabihan na ‘tomboy’, isama mo pa sa rason na lalaki rin ako pumorma. Gayun din sa sisiga siga kong paglalakad.Nagtataka nga ‘yung nakararami kasi puro babae naman daw ‘yung kapatid ko, kaya bakit daw ako nagkaganito kung ang may malaking potensiyal na bumaluktok ay si Kuya Erick.Hahh… P*tangina. Hindi naman kasi ako lalaki."Hoy! Mga p*tangina n’yo! Hindi ako nakipaglaro sa inyo para matalo lang, ah? Ayusin n’yo-- ano ‘yan, Arvin?! Ang bobo mo! Alam mo na ngang may ambush diyan sa bush-- Gag*! Namatay ako?!" Asar na sabi ko sabay hampas sa mouse. Namatay ‘yung hero ko.
Kyle leaned on the seat while Richard let out a sigh. Ang totoo niyan, may mga kanya-kanya talaga silang gaming computer sa kani-kanilang bahay pero dahil sa gusto rin nila akong samahan ay napa computer shop na rin sila. Amoy putok nga raw ‘yong katabi ni Arvin kanina. "Chill! Lag, eh. Siyempre, matatalo talaga tayo." Tumayo siya mula sa pagkakaupo. “Sino ‘yung nagyo-YouTube diyan?” Tanong ni Arvin habang sinisilip ‘yung ginagawa ng mga tao rito sa computer shop.Hinawakan ni Kyle ang ilalim ng damit ni Arvin pababa para mapaupo siya. Wala naman siyang sinabi at tuloy-tuloy lamang ulit sa paglalaro niya.
”P’re, huwag mo kaming ipahiya rito.” Sabi ni Vince habang hindi inaalis ang tingin sa screen.“Hoy, gag*! Buff ko ‘yon!” Tulak ng nasa tabi kong si Richard kay Vince.Hinintay ko lang ma-resurrect sa game bago ulit ako makapagsimula sa nilalaro namin. Siguro, sa edad ko na ito ay hindi na dapat talaga ako nandito’t naglalaro sa computer shop lalo na’t babae pa ako. But what can I say?I don’t have a female friend who I can hangout with because of the thought na baka magustuhan ko raw sila. Ang foolish, ‘di ba? Kaya hinahayaan ko na lang din kung ano ‘yung gusto nilang isipin sa akin, masaya naman ako kahit itong mga ugok lang na ito ang madalas kong nakakasama. Walang hard feelings, kaysa naman sa mga babae-- pero hindi ko naman nilalahat pero karamihan sa kanila. Napaka balat-sibuyas. “Oy, hindi pa ba kayo hinahanap sa inyo? Mag gagabi na.” Tanong nung nagbabantay sa computer shop.“Hindi naman na kami bata.” si Richard.“Ayaw mo ng may customer?” si Arvin“Bakit, kuya? Magsasara ka na?” si Vince Nandito kami madalas kapagka wala talagang gagawin. Hindi naman ako pabaya sa pag-aaral ko dahil may hiya rin naman ako sa nag-papaaral sa akin. At ang ate ko iyon. Nagta-trabaho siya sa napakagandang kumpanya kaya napag-aaral niya kaming tatlong magkakapatid, si Ate Ella. Iyong isa naman, siya naman ang nagbabayad ng kuryente, si Ate Ericka.May laman naman ang banko na iniwan sa amin ng late mother ko. Pero ginagastos na lang namin iyon para sa pagkain o sa emergency para hindi kami mahirapan kung magka problema man.“Ikaw, Eclair? Hindi ka pa ba uuwi?” Tanong nung tagabantay.Hindi kaagad ako nakasagot. Sa totoo lang ngayon ko lang talaga napansin na mag gagabi na. Masyado akong nawili sa paglalaro kaya pati oras, ‘di ko na namalayan.Napatingin na ang mga kaibigan ko sa akin gamit ang kanilang gilid ng mata. “Hindi ka nagpaalam, ‘no?” Hinala ni Vince.Sumimangot ako. “Shut it. Kapag sinabi ko namang kayo ang kasama ko, okay lang ‘yon sa kanila--” Tumunog bigla ang phone ko na nakapatong lang din sa ilalim nung monitor.“Luh ~ Iyan na! Hinahanap na!” Sabay-sabay talaga silang nagsabi niyan.Umismid si Richard para asarin ako. “Uwi na, Little Gurl, este bo--” Inapakan ko kaagad ‘yung paa niya kaya hindi na niya natuloy ‘yung sinasabi niya. Kinuha ko na lang ang phone ko’t sinagot ang tawag ni Ate Ella.Ibig sabihin, na sa bahay na siya at kailangan ko ng umuwi."A-Ate?" Nauutal kong tawag sa kanya.“Where are you? Why are you not here yet?” Napa-english na ‘tong si Ate Ella. She’s not in a mood. Mas lalo akong malalagot nito.
Kumamot ako sa pisngi ko gamit ang hinliliit kong daliri at sasagot na sana noong sumigaw bigla ‘yung apat. “Na sa computer shop ka nanaman?!” Mabilis kong inalis sa tainga ko ‘yung phone dahil sa biglaan niyang pagsigaw pero ibinalik ko rin pagkatapos.“Uuwi na nga ako, eh…”“Do it right now. Malilintikan ka talaga sa akin kapag nagtagal ka pa diyan!” Galit na galit niyang sermon sa akin kaya bumagsak ‘yung mga balikat ko. Akala mo talaga nanay ko, eh.
"Ito na nga, uuwi na ako." at in-end ko na ang call. Balak ko sanang hindi magpaalam sa mga kasama ko at aalis na sana nang may humawak sa likod ng kwelyo ko, asar kong tiningnan ang may gawa niyon.
“Hintayin mo na kami, samahan ka namin umuwi.” sabi ni Richard at lumingon sa akin.Inalis ko ‘yung kamay niya. “Hindi ko na kayo hihintayin. T*ngina, baka bulyawan na ako, eh. Bahala na kayo diyan.” Kinuha ko na ‘yung gamit ko’t isinabit sa aking balikat sabay alis. “Pabayad na lang nung sa akin. Bukas ko bayaran!” Sigaw ko bago ako makalabas ng shop.***PAGKAUWI KO PA lang sa bahay at nang makapasok sa loob ay kaagad akong piningutan ni ate Ella se tainga. Napaka sensitive pa naman nung tainga, hindi ba niya alam 'yon?Inalis na niya ang pagkakapingot sa akin kaya humawak na ako sa namumula kong tainga.Nagpameywang siya at sinimangutan ako. “Palagi ka na lang nababarkada, hindi ka na lang dito sa bahay, kababae mong tao. ‘Di ba sabi ko sa’yo 6PM ang curfew mo maliban na lang kung may importante kang pupuntahan na related sa school? Eh, anong oras na aber.” Pagpapakita niya sa akin nung wrist watch niya.
Umiwas ako ng tingin. “Wala akong orasan para malaman ko ‘yung sagot--” Muli nanaman niya akong piningutan. “Aray! Ate! Masakit!”“2:30 PM ang uwi mo, ‘di ba?” Tanong niya sa akin.“O-Oo, pero kasama ko naman sina Richard.” Inalis na niya ‘yung pagkakapingot niya sa akin.“Eclair, kahit na ba kaibigan mo mga ‘yan. Eh, lalaki pa rin ‘yang mga ‘yan.” Suway niya.Nag gesture ako. “Eh, ano namang gagawin nila sa akin? Ang tingin nga nila mas lalaki pa ‘ko sa kanila.” Nilagpasan ko si Ate Ella na napabuntong-hininga.“Hindi ko malaman kung dina-down mo sarili mo o talagang fact na ‘yan para sa ‘yo para maging kampante ka.” Sabi niya na labas sa ilong kong ikinangiti. “May mainit ka ng tubig sa banyo, ipinaghanda na kita kaya maligo ka na.”Humawak ako sa frame nung pintuan pagkatigil ko. ‘Tapos ay lumingon sa kanya. “Thank you.” Pagpapa-salamat ko at napatingin sa harap kung nasaan pababa ngayon si Ate Elsie ng hagdan at humihikab pa. Mas matanda siya sa akin ng isang taon.Kamot kamot din niya ‘yung dibdib niya kaya binigyan ko siya ng walang ganang tingin.Nang makababa siya ng hagdan ay napatingin siya sa akin. “OMG. Yuck, sis. Why so haggard?” Nagsalita ‘yung mas haggard pa sa akin. Pero nakakapanibago naman yatang hindi siya nag-ayos ngayon?May ganoon siyang ugali. Nagpapaganda pa sa gabi kahit matutulog na lang at nandito lang sa bahay. Akala mo naman may makakakita sa kanyang ibang tao. Eh, kami kami lang naman dito.Inirapan ko na lamang siya at hindi siya pinansin, naglakad na lang din ako paakyat sa kwarto ko para makapagpahinga ng kaunti’t makaligo. "Ang maldita mo, ah? Why are you ignoring me? I'm just going to ask you if you were with--" Bago ako humakbang sa hagdan ay humarap na ako sa kanya.
"Vince? Oo, kasama ko siy--" Mabilis kong tinakpan ang dalawa kong tainga nang makita ko na kumukuha siya nang hangin.Pagka ganyan na kasi 'yan... Ibig sabihin ay titili siya o kaya naman sisigaw.Ang totoo niyan, crush na crush niya si Vince, blockmates sila pero hindi sila masyadong nagpapansinan kaya sa akin tinatanong nitong kapatid ko. Ang labo rin kasi ni Ate Elsie. Nakikita ko ‘yan minsan sa corridor, kakausapin siya minsan ni Vince, pero dine-deadma niya.
‘Tapos maririnig mo na lang sa kwarto niya na sumisigaw siya kasi baka galit na sa kanya si Vince sa hindi niya pagpansin dito at kaayawan siya.Narinig namin ang boses ni Ate Ericka, nakauwi na rin pala siya kasama ang pangit niyang boyfriend kaya sinilip naming pareho ni Ate Elsie. Katatapos lang yata nila sa date nila.
“Bakit hindi pa break-an ‘yan ni Ate?” Iritable kong tanong.“Who knows, love can make you blind ika nga nila. Pero naisip mo ba na baka mapaaga tayong maging Tita?”Huminga ako nang malalim. “No, stop. Don’t put too much thought into it.” Pag-iling ko. Hindi namin gusto ‘yung lalaking ka-relasyon ngayon ni Ate Ericka dahil sa cheating issue nito once. Although medyo matagal-tagal na rin naman ‘yon, but who knows? Paano kung ulitin? Ni hindi man lang siya gumawa ng effort to give back our trust.Kausap na ngayon ni Ate Ella si Ate Ericka nang mapatingin siya sa akin. Lumapad ang ngiti niya. "Hi, Eclair! Nandito ka na pala!" Tukoy niya sa akin pero ‘di ko siya binati pabalik at binigyan lang ng masamang tingin ‘yung boyfriend niya. Bigla siyang nagtago sa likuran ni Ate Ericka kaya umakyat na nga lang talaga ako para hindi siya makita.
May mga katanungan akong hindi maalis-alis sa utak ko. Worth it ba talagang magbigay ng second chance sa isang tao na binigyan ka ng matinding sakit?In the first place, why did he chose to do it? Why did he CHEAT? You can’t tell a person it’s unintentional or accident if there’s an options.That’s why I can’t forgive him, ‘di ko rin naman nakikitang sincere siya.Para lang siyang tulad ng taong ‘yon. Kaya bakit ‘di ka pa nadala, Ate? ***TAPOS NA akong makaligo at napatuyo ko na rin ang buhok ko kaya ibinagsak ko na ang katawan ko sa kama para naman ma-relax na ako, hindi na ako sumabay kina Ate Ella kumain sa baba dahil wala naman na akong gana.Kinuha ko ang phone na nasa gilid ko at binuksan ito para tingnan ang message ng apat kong kaibigan. Sila lang naman ang madalas na nasa inbox ko.
Kung hindi sila magte-text ng matino, magku-kwento sila sa mga nangyayari sa buhay nila. Detail by detail. Eh, nakakatamad magbasa ng mga text nila, akala mo naman bebe ako. Nakakadiri.Sinarado ko na lang ‘yung phone at inilagay ulit ito sa side. Tine-text nila ako kahit alam naman nilang ‘di ko hilig mag reply. Pero sa kadahilanang may isa sa kanila ang nagpapa-load sa akin, nawawalan ako ng choice na mag text rin sa kanila pabalik. Pero not right now, not in the mood.Pinalobo ko ‘yung pisnge ko habang nakatuon lamang ang tingin sa kisame. Tumunog ang phone na nasa tabi ko kaya lumingon ako roon.Madaling saguting ‘yung call, pero at the same time hindi. Pero baka kasi importante kaya sagutin ko na.Dumapa ako at tiningnan ang caller, unknown number ito kaya tumaas ang kaliwa kong kilay. Nung nakaraang araw, may tawag din talaga ang tawag sa akin, kaso nawala na sa utak ko ‘yung number. Siya nanaman siguro ‘to.Sinagot ko ‘yung tawag. "Hoy! Kung ikaw ‘tong tawag nang tawag, huwag kang nangungulit, ah?! Gusto mong ipatulfo kita?!” Maangas kong bungad sa kanya.“Eclair?” Nanlaki ang mata ko at mabilis na napaupo sa kama, sh*t! Si lola pala 'to. Hindi ko na-save ‘yong number niya rito dahil nag reformat ako ng phone.Nataranta ako. "L-Lola! Pasensya na po akala ko po kasi kung sino." At napakagat ako sa hinlalaki kong daliri. Ano ba ‘yan, Eclair. Kapag hindi mo alam, huwag ka kaagad aarat.
Napahawak ako sa mukha ko lalo pa noong natawa si Lola mula sa kabilang linya. Nakakahiya! Baka iba isipin ni Lola! “Bakit apo? May nanliligaw ba sayo at naaasar ka?” Pang-aasar niya sa akin na inilingan ko bilang sagot. Kahit hindi naman niya nakikita.“W-Wala po” Nauutal kong sagot. “Wala pong nanliligaw.” Sabay tingin sa kanang bahagi. Kapag niligawan ako, sasapakin ko.
“Sus, kunwari ka pa... Ang ganda kasi ng apo ko na 'yan, eh... Mana ka kaya sa akin” Gusto kong ma-flatter but at the same time, hindi. Nabobola lang talaga ako.
"Ayaw mong sabihing pogi, La?” Tanong ko’t humagikhik.“Ikaw talagang bata ka. Napatawag din ako para ayain ka na pumunta dito ‘pag wala kang ginagawa.” Gumapang ako papunta sa may headboard para sumandal doon."Palagi akong may free time."Muli itong tumawa.“Mabuti naman kung ganoon, punta naman kayo ditong magkakapatid, nalulungkot na ako rito, eh.” Naglabas ako nang hangin sa ilong at tumingin sa may pinto. "Hindi ko lang po sigurado kasi baka may gawin pa sila sa school, lalo na sina Ate Ella, may mga trabaho sila.” Paliwanag ko.“Ah, ikaw lang ang free? Bakit pala palagi kang free, apo?” Tanong nito.
Bumaba ang tingin ko sa aking hita. Iniisip ko kung bakit nga ba. Mga kaibigan ko, madalas ding busy dahil sa mga businesses nila maliban sa academics. Ako naman, pagkatapos ko lang gawin ‘yung mga gawain sa school, tambay lang ako. Hindi naman ako pinagpa-part time nila Ate Ella kasi gusto nilang mag focus na lang muna ako sa pag-aaral. Pilit akong natawa. “Ginagawa ko po kasi kaagad ‘yung mga gawain.” Sa mga groupings naman sa school. They don’t usually include me. Pinapagawa nila madalas sa akin sa bahay.“Hmm.” Rinig kong paggawa niya ng tunog, mukha ring ayaw maniwala sa akin. “As long as you’re okay, apo. Hindi ako mag-aalala, but if something’s up. Don’t forget to call me, okeh?” Natawa ako bigla sa naging accent niya kaya pumayag ako.Nag-usap lang kami nang kaunti bago ko pinatay ang call, magpapahinga na raw kasi siya. Inilagay ko na ang cellular phone ko sa tabi ng aking unan, nag-unat ‘tapos tinitigan ‘yung picture frame na nasa kabilang side ng table ko kung saan nandoon kaming magkakapatid at si Mama. “I saw your post earlier pala, Apo. Naalala ko nanaman tuloy sa’yo ‘yung Mama n’yo. Sa inyong magkakapatid, ikaw ‘yung mas kamukha niya.” Naalala kong sabi ni Lola kanina na naging dahilan para ibaba ko nang kaunti ang talukap ng mata ko hanggang sa ipikit ko.Nakarinig ako ng pagbangga ng sasakyan sa utak ko kaya napadilat kaagad ako kasabay ang pagkatok sa pinto ko. Hindi ko namalayan na nakatulog ako ng ganoon kaikli.Napangiwi ako at umupo mula sa pagkakahiga. "Hoy, bruhildang malditang tomboy!” Tawag ni Ate Elsie kaya may pumitik na kung ano sa sintido ko. “Ano? Nag e-emote ka riyan? Kumain ka na, ang taba mo na!” Pang-aasar nung bruhang ‘yon kaya nagsalubong ang kilay ko sa inis.
"Tingnan mo sarili mo, ah! Bilbel mo, two layers!” Pang-aasar ko pabalik kaya nabuwisit din siya. “Ayoko nga kasing kumain, umalis ka na nga rito!” Pagpapalayas ko sa kanya."Humph! Edi huwag, magutom ka riyan! Pakielam ko!” At narinig ko na ang mga yabag ng paa niya paalis. Tumayo ako para i-lock ‘yung pinto. Pagka-lock ay pumunta ako sa cabinet ko kung saan nakalagay iyong Brown long dress na binigay ni Mama sa akin noon. Kinuha ko iyon tapos pumunta sa harapan ng salamin, ipinatong ko ang dress sa harapan ko para makita kung ano ang itsura ko.Titig titig ko lang din ang sarili’t itsura ko sa salamin nang mapait akong mapangiti. "Hindi naman bagay sa akin 'to, eh? Tutuksuhin lang nila ako" Ibinalik ko ulit ‘yong bestida sa cabinet at sinarado.
If someone gave me chance to change something about myself, maybe I will allow it. *****Page 2Eclair's P.O.V I feel like I have… a very long dream. It is about letting myself drowned in water. Nakatingin lang din ako sa itaas habang bumababa ako paibaba. They said, dreaming about letting yourself drowned is a sign that some circumstances might change you, however you want to protect it because you’re scared and you’re worried because it might go wrong. But what is it that I want to protect? Ramdam ko pa ‘yung paglutang ko sa crystal clear na tubig nang bumalik din ako sa realidad.Binuhusan ako ng demonyita kong kapatid ng malamig na tubigkaya nawala rin sa utak ko ‘yung napanaginipan ko.Kaagadakong napaupo sa pagkakahiga sa kama at asar na tiningnan si Ate Elsie. “Nakakainis ka naman!Bakit mo ginawa 'yon?!" Nanggagalaiti kong tanong sa kanya na ngayon
Page 3Eclair's P.O.VNarating na namin 'yung classroom at bilang nakasanayan but at the same time, hindi.Na sa akin 'yung tingin ng mga kababaihan-- hindi dahil sa maganda ako. Pero dahil kasama ko 'yung gustong-gusto nilang makasama o makausap.Na sa kanan ko si Richard, na sa kaliwa ko naman si Kyle, at na sa likuran ko naman si ArvinKumbaga nagliliwanag sila sa paningin ng iba samantalang parang panira lang ako sa kumikislap nilang prinsipe. Kung ihahalimbawa ako sa isang nilalang,sa paningin nilapara akong bangaw na dikit nang dikit sa apat kahit ang totoo, ako nga ‘yung panay layo. Naglabas ako ng hangin sa ilong.Talaga nga namang nabubulag tayo sa katotohanan kapag tinitingnan lang natin 'yung bagay na gustong makita ng mata.Dumiretsyo na nga ako sa upuan ko pero hindi ibig sabihin ay natatapos na ‘yung pambabato nila sa akin ng masasamang
Page 4 Eclair's P.O.V Mabilis lamang na natapos ang klase at dahil may vacant ang iba sa amin, lumabas ang iba sa mga blockmates ko samantalang nanatili naman ang iba, malamang may iba sa kanila ang naghihintay sa susunod nilang subject. Hindi naman kami pare-pareho ng schedule. "Tara! Labas na tayo, punta tayo sa bar ni Vince." Aya sa amin ni Arvin na ngayon ay nakapamulsana naghihintay sa amin sa pintuan. Isinabit ko na sa magkabilaan kong balikat ang backpack ko. Ano tingin n’yo sa akin? Magsho-shoulder bag? Siyempre, hindi. “Talagang ikaw pa ‘yung nag-aya, eh ‘no?” si Richard. Bumungisngis si Arvin. “Gusto ko mag-isang shot.” Labas ngipin na sabi nito tsaka ako tiningnan. “Kapagka knockout ako, hatid mo ‘ko sa ‘min, Eclair.” Nilagpasan ko siya. “Neknek mo.” Lumabas
Page 5Eclair's P.O.VBinuksan ko 'yong pinto ng bahay at naabutan si ate Ella na umiinum ng alak.Tiningnan ko ang paligid. Wala pa sina kuya Erick dahil malamang ay nasa skwelahan pa ang mga 'yon. Inilagay ko ang bag sa couch at tiningnan ang paligid. Kung saan-saan nakakalat ‘yung beer in a can gayun din ang mga nasingahang tissue. Maglilinis nanaman tuloy ako imbes na makapagpahinga sa kwarto ko. Inilipat ko ang tingin kay Ate Ella na wasted na roon sa pahabang sofa pero sinusubukan pa ring abutin ‘yung natitira niyang alak. Nakuha niya pero nabitawan din niya kaya natapon din ang laman sa carpet. “Ate, tama na nga ‘yan!” Suway ko atkinuha ang kamay ni ate paramaiakbay sa akin, bubuhatin ko siya dahilmukhang hindi na niya magagawang makabalik sa kwarto niyang mag-isa. Sinilip ko ang mukha niya at
Page 6 Eclair's P.O.V Araw ng Sabado. Siyempre may pasok kahit Saturday. Akala ko nga kapag nag first year ka sa kolehiyo, petiks ka lang, eh. Hindi pala. Walang pahi-pahinga kapag na sa Hojas University ka. Walang awa mga titser dito, tipong iitim talaga mga eyebags mo sa kapupuyat mo sa modules at homework mo. Mas importante na ba ang grades kaysa sa mental and physical health mo? Baba ang balikat at mabagal akong naglalakad papasok sa campus. Umagang umaga, wala na akong energy. Gusto ko na lang matulog. Sabi ko sa isip ko at humikab. Mag sinungaling kaya ako sa school nurse namin na masakit ‘yung ulo ko para makatulog ako sa infirmary kahit papaano? Humph. Kaso joke lang. Hindi ko rin ‘yan magagawa dahil knowing that b*tch. Bibigyan lang niya ako ng gamot ‘tapos paalisin sa clinic niya para pabalikin sa classroom. Ganoon ginagawa niya kahit pa tuwing
Page 7Eclair's P.O.VPinaikot-ikot ko ‘yong ballpen ko sa daliri ko habang nakikinig ako sa lectures nung professor namin. Nililibang ko ‘yung sarili ko dahil antok na nga ako, aantukin pa ako lalo. Ang seryoso kasi ng guro namin na ‘to at wala talagang ka-humor humor. Ta’s kapag talagang oras niya, tahimik ang lahat. Mabuti na lang at hindi pwedeng buksan ang aircon kaya less ‘yung pagkaantok. Every Saturday kasi, iniiwasan buksan ‘yong aircon. Malay ko rin ba sa school, nagbabayad naman kami rito pero binibitin kami. Saturday na nga lang. Buti pa’ yung aircon, day off at nakakapagpahinga. May nagbato ng crumpled paper sa noo ko at bumagsak sa desk ko kaya bigla akong nabuwisit. Kinuha ko ‘yun at hinanap kung sino ang may gawa niyon, humint
Page 8:Eclair's P.O.VNakahalukipkip akong nakatingin sa apat na narito sa labas ng pintuan. May kanya kanya silang tayo ro’n habang nakasimangot lang din ako. “Ano kailangan n’yo? Ba’t hindi pa kayo umuwi?” Tanong ko.Humawak si Arvin sa likurang ulo niya. “Ah, balak sana naming kumain sa labas bago umuwi kaso iyon nga, pumunta kami rito para ano--” Hindi pa nga niya natatapos ay akma ko na sanang isasara ang pinto ko nang iharang ni Richard ‘yung paa niya kaya hindi ko na maisara.“Hoy, kinakausap ka pa, eh.” Iritable nitong pagkakasabi pero dikit-kilay ko lang siyang tiningnan.“Wala ako sa mood makipag-usap. Uwi!” Pagpapauwi ko sa kanila.“Kain muna tayo sa labas, para medyo lumamig ‘yong ulo m--” Binigyan ko kaagad nang masamang tingin si Kyle kaya hindi na siya nakapagsalita at nagsuot na lamang
Page 9Eclair's P.O.V"In commemoration of the 100 years of life and mission of the..."nakasalong-baba akong nakikinig sa mga reporters namin, pero jusko. Kahit na ano’ng gawin ko ay wala talaga akong maintindihan.Maliwanag na sinabi ng professor naminnai-explain 'yong report. Pero ang ginawa, binasa lang 'yong nasa visual aids!Paano maiintindihan ng iba kung hindi ipapaliwanag 'yan ng reporter? Ta’s itong professor namin, nakikinig lang pero hindi pinage-explain.Hoy, quiz namin bukas. Ano na lang makukuha naming score bukas kung wala naman kaming naiintindihan.Hahh… Bakit ba ako nag college?Binasa lang nila nang binasa 'yong nasabi nilang reporthanggang sa matapos na siya. Nagtanong siya kung may tanong kami ro’n sa report nila. Sa totoo lang, lahat pero tatanungin ko na lang kung ano ‘yung mga pwedeng maging key points. Magtataas sana ako n