Page 6
Eclair's P.O.VAraw ng Sabado. Siyempre may pasok kahit Saturday. Akala ko nga kapag nag first year ka sa kolehiyo, petiks ka lang, eh. Hindi pala. Walang pahi-pahinga kapag na sa Hojas University ka. Walang awa mga titser dito, tipong iitim talaga mga eyebags mo sa kapupuyat mo sa modules at homework mo.
Mas importante na ba ang grades kaysa sa mental and physical health mo?Baba ang balikat at mabagal akong naglalakad papasok sa campus. Umagang umaga, wala na akong energy. Gusto ko na lang matulog.Sabi ko sa isip ko at humikab. Mag sinungaling kaya ako sa school nurse namin na masakit ‘yung ulo ko para makatulog ako sa infirmary kahit papaano?Humph. Kaso joke lang. Hindi ko rin ‘yan magagawa dahil knowing that b*tch. Bibigyan lang niya ako ng gamot ‘tapos paalisin sa clinic niya para pabalikin sa classroom. Ganoon ginagawa niya kahit pa tuwingPage 7Eclair's P.O.VPinaikot-ikot ko ‘yong ballpen ko sa daliri ko habang nakikinig ako sa lectures nung professor namin. Nililibang ko ‘yung sarili ko dahil antok na nga ako, aantukin pa ako lalo. Ang seryoso kasi ng guro namin na ‘to at wala talagang ka-humor humor. Ta’s kapag talagang oras niya, tahimik ang lahat. Mabuti na lang at hindi pwedeng buksan ang aircon kaya less ‘yung pagkaantok. Every Saturday kasi, iniiwasan buksan ‘yong aircon. Malay ko rin ba sa school, nagbabayad naman kami rito pero binibitin kami. Saturday na nga lang. Buti pa’ yung aircon, day off at nakakapagpahinga. May nagbato ng crumpled paper sa noo ko at bumagsak sa desk ko kaya bigla akong nabuwisit. Kinuha ko ‘yun at hinanap kung sino ang may gawa niyon, humint
Page 8:Eclair's P.O.VNakahalukipkip akong nakatingin sa apat na narito sa labas ng pintuan. May kanya kanya silang tayo ro’n habang nakasimangot lang din ako. “Ano kailangan n’yo? Ba’t hindi pa kayo umuwi?” Tanong ko.Humawak si Arvin sa likurang ulo niya. “Ah, balak sana naming kumain sa labas bago umuwi kaso iyon nga, pumunta kami rito para ano--” Hindi pa nga niya natatapos ay akma ko na sanang isasara ang pinto ko nang iharang ni Richard ‘yung paa niya kaya hindi ko na maisara.“Hoy, kinakausap ka pa, eh.” Iritable nitong pagkakasabi pero dikit-kilay ko lang siyang tiningnan.“Wala ako sa mood makipag-usap. Uwi!” Pagpapauwi ko sa kanila.“Kain muna tayo sa labas, para medyo lumamig ‘yong ulo m--” Binigyan ko kaagad nang masamang tingin si Kyle kaya hindi na siya nakapagsalita at nagsuot na lamang
Page 9Eclair's P.O.V"In commemoration of the 100 years of life and mission of the..."nakasalong-baba akong nakikinig sa mga reporters namin, pero jusko. Kahit na ano’ng gawin ko ay wala talaga akong maintindihan.Maliwanag na sinabi ng professor naminnai-explain 'yong report. Pero ang ginawa, binasa lang 'yong nasa visual aids!Paano maiintindihan ng iba kung hindi ipapaliwanag 'yan ng reporter? Ta’s itong professor namin, nakikinig lang pero hindi pinage-explain.Hoy, quiz namin bukas. Ano na lang makukuha naming score bukas kung wala naman kaming naiintindihan.Hahh… Bakit ba ako nag college?Binasa lang nila nang binasa 'yong nasabi nilang reporthanggang sa matapos na siya. Nagtanong siya kung may tanong kami ro’n sa report nila. Sa totoo lang, lahat pero tatanungin ko na lang kung ano ‘yung mga pwedeng maging key points. Magtataas sana ako n
Page 10 Eclair's Point of ViewMalakas kong narinig ang pagtilaok ng manok kaya tumayo na ako sa kama at umalis na roon para makapaghanda.Bumaba ako ng hagdan matapos kong maligo para pumunta sa hapag kainan kung saan kumakain na 'yung mga kapatid ko. Ngunit imbes na umupo ako para sumabay sa kanilang kumain, kumuha lang ako ng toasted bread. Aalis din kasi ako kaagad."Hmm..." mahilig akong magpalaman ng Butter and Strawberry Jam sa tinapay ko pero dahil sa wala namang ganoong flavor ngayon ay naghanap na lang ako ng iba. Buti nga may chocolate, eh.Inangat ni kuya Erick 'yung tingin niya sa akin. "Oy, hindi ka sasabay kumain sa amin, Eclair?" Tanong nito sa akin sabay tusok ng hotdog.“Hindi. Ayoko kayong kasabay.” Pagmamaldita ko at kinuha ang tumblr ko kung saan ito nakalagay para lagyan ng tubig. Ang babagal nilang kumilos. Kasi ba naman, itong si
Page 11 Eclair's P.O.V Na sa kalagitnaan ako ng aking pagtulog nang makarinig ako ng kung anong weird na tunog na nagmumula sa cellphone dahilan para magising ako.Slowly, I glared at my phone that keeps on ringing at the side table. Mahahalata rin sa pagmumukha ko ang inis dahil sa naglulukot na rin ito. "Mahal na mahal ko si Richard baby! Mahal na mahal ko Richard baby! Mahal na mahal ko si Richard baby!”paulit-ulit na ringtone na naririnig ko sa phone ko.Tarantad*talaga 'yung pesteng Arvin na 'yan! Siguro nung habang wala ako kahapon at na sa banyo ako, nai-record niya ‘yan ng wala akong kaalam-alam. Kaya pala ganoon ‘yong itsura ni Richard kahapon? Parang may gustong sabihin na hindi mo maintindihan. Ba’t kasi hindi niyas sinabi sa akin?Umupo ako sa pagkakahiga ko at inis na sinagot '
Page 12 Eclair's P.O.V Pumasok na kami sa sasakyan niya, pero imbes na umupo ako sa passenger seat ay umupo lang ako sa pinakalikod kung saan malayo ako sa kanya.Sinarado niya ang pinto at tumingin sapassenger seatkung saan dapat doon ako uupo. Inilipat niya ang tingin sa akin pagkatapos. Busangot akong tumingin pabalik sa kanya habang nakataas ang kaliwa kong kilay. "Ano? Ano tinitingin tingin mo?” Maangas kong tanong."Why are you there?" Taka n'yang wika."Hindi ako driver para umupo ka d'yan" Dagdag niya pero nagpumilit lang ako na rito umupo para makahiga ako kasi siguradong traffic nanaman mamaya. Baka mamaya antukin pa ‘ko sa biyahe. “Hihiga ako rito.” Sagot ko. “Pwede ka namang humiga rito, eh. Na-adjust ‘tong upuan.” Tukoy ni Richard sa passenger seat at napakamot
Page 13 Eclair’s P.O.V “Wow.” Simpleng kumento ko nang marating namin ‘yong tinutukoy niyang store. Hindi naman ganoon karami ang tao pero hindi ko lang inaasahan na pumunta kami para lang doon sa sinasabi niyang item. Lumapit ako sa naka-display na laruan. “Don’t tell me itong laruan na ‘to ang gusto mong makuha?” “Hindi ‘yan laruan! Figurine ‘yan! Collection ko ‘yan!” Bulyaw niya sa akin dahilan para mapa-bored look ako. Figurine? Tumitig pa ako ro’n sa sinasabi niyang figurine. “Hindi ba’t si Goku ‘to?” Tukoy ko sa naka-display ro’n sa glass box. “Tanga. Hindi. Si Naruto ‘yan!” Paglalaban niya na siya namang nagpaurong sa akin. “I get it, I get it! T*ng ina mo,
Page 14Eclair's P.O.VTiningnan tingnan ko ang paligid ko, nagtataka kung nasaan ako ngayon. Tanging‘yungbermuda grassat ulaplang ang aking nakikita.Maliwanag din masyado ‘yong nakikita ko sa paligid at tanging ko lamang ang nandito sa area at nag gagagala. Where am I?Palingon-lingon lang ako nang manginig ang lupa tapos at biglang nag collide, nahulog akomulasa bermuda grass pababa, ngayon para akong nahuhulog mula sa kalangitan. Nanlaki ang mata nang may sumalo sa akin. Hindi lang isa kundi apat. Kita sa kanilang mga labi ang ngiti ngunit ‘di makita kung ano ang itsura ng mga mukha.Sino 'tong mga 'to?"Eclair! Gumising ka na! Ngayon ‘yung punta natin kay Lola, hoy!” Huh?Pumikit ako tsaka ako nagising sa realidad.Dinilat ko ang mata ko at bum