Synopsis The only rose among the thorns ang peg ni Eclair Lockwood-- Limang magkakaibigan ngunit nag-iisang babae. Madalas na tuksuin at husgahan ng nakararami dahil sa kilos at kanyang pananamit. Alam ni Eclair na wala siyang kontrol sa iniisip ng iba pero hindi iyon ang kumukuha sa atensiyon niya... ...Eclair made a vow with her four best friends that they won't ever fall in love with her and they will stay as COMPANIONS. However, this oath is meant to be broken by Kyle-- who confessed his feelings towards her that made everything changed. Dumagdag lang iyon nang malaman niyang may lihim ding hindi mailabas-labas si Vince, Arvin, at Richard.How will she choose a guy if she doesn't want to open her heart to anyone else? Does she have to choose? Who will she choose? Paano na ang kasunduan nila?
Page 1 Eclair's P.O.V Sa buong buhay ko ng pagiging bata ay ako iyong tipong babae na hindi mahilig makisali sa mga babae, gusto ko sa lalaki lang ako sumasama dahil nandoon ang mga gusto kong laruinat gawin. Katulad na lamang no’ng baril-barilan, mga takbuhan o kaya naman ang mga trip nila sa pambabato ng bato sa rooftop ng kapit-bahay namin, o kaya’y ang pagpindut ng doorbell sabay takbo. Mga gawaing ‘di madalas gawin ng mga kababaihan. Wala rin sa kagustuhan ko ‘yung maglaro ng luto-lutuano ng mga manika sa mga kapatid ko na babae.Maliban kasi sa mayroon akong Pediophobia ay hindi naman sila kaaya-aya sa paningin ko. Oo, Pediophobia, takot ako sa mga manika kasi pakiramdam ko lilingon sila sa akin kapag hindi ako nakatingin kaya kikilabutan ka na lang. Kung makikipaglaro man ako, sa pangatlong panganay ko lamang na kapatid Kaya nga m
Page 2Eclair's P.O.V I feel like I have… a very long dream. It is about letting myself drowned in water. Nakatingin lang din ako sa itaas habang bumababa ako paibaba. They said, dreaming about letting yourself drowned is a sign that some circumstances might change you, however you want to protect it because you’re scared and you’re worried because it might go wrong. But what is it that I want to protect? Ramdam ko pa ‘yung paglutang ko sa crystal clear na tubig nang bumalik din ako sa realidad.Binuhusan ako ng demonyita kong kapatid ng malamig na tubigkaya nawala rin sa utak ko ‘yung napanaginipan ko.Kaagadakong napaupo sa pagkakahiga sa kama at asar na tiningnan si Ate Elsie. “Nakakainis ka naman!Bakit mo ginawa 'yon?!" Nanggagalaiti kong tanong sa kanya na ngayon
Page 3Eclair's P.O.VNarating na namin 'yung classroom at bilang nakasanayan but at the same time, hindi.Na sa akin 'yung tingin ng mga kababaihan-- hindi dahil sa maganda ako. Pero dahil kasama ko 'yung gustong-gusto nilang makasama o makausap.Na sa kanan ko si Richard, na sa kaliwa ko naman si Kyle, at na sa likuran ko naman si ArvinKumbaga nagliliwanag sila sa paningin ng iba samantalang parang panira lang ako sa kumikislap nilang prinsipe. Kung ihahalimbawa ako sa isang nilalang,sa paningin nilapara akong bangaw na dikit nang dikit sa apat kahit ang totoo, ako nga ‘yung panay layo. Naglabas ako ng hangin sa ilong.Talaga nga namang nabubulag tayo sa katotohanan kapag tinitingnan lang natin 'yung bagay na gustong makita ng mata.Dumiretsyo na nga ako sa upuan ko pero hindi ibig sabihin ay natatapos na ‘yung pambabato nila sa akin ng masasamang
Page 4 Eclair's P.O.V Mabilis lamang na natapos ang klase at dahil may vacant ang iba sa amin, lumabas ang iba sa mga blockmates ko samantalang nanatili naman ang iba, malamang may iba sa kanila ang naghihintay sa susunod nilang subject. Hindi naman kami pare-pareho ng schedule. "Tara! Labas na tayo, punta tayo sa bar ni Vince." Aya sa amin ni Arvin na ngayon ay nakapamulsana naghihintay sa amin sa pintuan. Isinabit ko na sa magkabilaan kong balikat ang backpack ko. Ano tingin n’yo sa akin? Magsho-shoulder bag? Siyempre, hindi. “Talagang ikaw pa ‘yung nag-aya, eh ‘no?” si Richard. Bumungisngis si Arvin. “Gusto ko mag-isang shot.” Labas ngipin na sabi nito tsaka ako tiningnan. “Kapagka knockout ako, hatid mo ‘ko sa ‘min, Eclair.” Nilagpasan ko siya. “Neknek mo.” Lumabas
Page 5Eclair's P.O.VBinuksan ko 'yong pinto ng bahay at naabutan si ate Ella na umiinum ng alak.Tiningnan ko ang paligid. Wala pa sina kuya Erick dahil malamang ay nasa skwelahan pa ang mga 'yon. Inilagay ko ang bag sa couch at tiningnan ang paligid. Kung saan-saan nakakalat ‘yung beer in a can gayun din ang mga nasingahang tissue. Maglilinis nanaman tuloy ako imbes na makapagpahinga sa kwarto ko. Inilipat ko ang tingin kay Ate Ella na wasted na roon sa pahabang sofa pero sinusubukan pa ring abutin ‘yung natitira niyang alak. Nakuha niya pero nabitawan din niya kaya natapon din ang laman sa carpet. “Ate, tama na nga ‘yan!” Suway ko atkinuha ang kamay ni ate paramaiakbay sa akin, bubuhatin ko siya dahilmukhang hindi na niya magagawang makabalik sa kwarto niyang mag-isa. Sinilip ko ang mukha niya at
Page 6 Eclair's P.O.V Araw ng Sabado. Siyempre may pasok kahit Saturday. Akala ko nga kapag nag first year ka sa kolehiyo, petiks ka lang, eh. Hindi pala. Walang pahi-pahinga kapag na sa Hojas University ka. Walang awa mga titser dito, tipong iitim talaga mga eyebags mo sa kapupuyat mo sa modules at homework mo. Mas importante na ba ang grades kaysa sa mental and physical health mo? Baba ang balikat at mabagal akong naglalakad papasok sa campus. Umagang umaga, wala na akong energy. Gusto ko na lang matulog. Sabi ko sa isip ko at humikab. Mag sinungaling kaya ako sa school nurse namin na masakit ‘yung ulo ko para makatulog ako sa infirmary kahit papaano? Humph. Kaso joke lang. Hindi ko rin ‘yan magagawa dahil knowing that b*tch. Bibigyan lang niya ako ng gamot ‘tapos paalisin sa clinic niya para pabalikin sa classroom. Ganoon ginagawa niya kahit pa tuwing
Page 7Eclair's P.O.VPinaikot-ikot ko ‘yong ballpen ko sa daliri ko habang nakikinig ako sa lectures nung professor namin. Nililibang ko ‘yung sarili ko dahil antok na nga ako, aantukin pa ako lalo. Ang seryoso kasi ng guro namin na ‘to at wala talagang ka-humor humor. Ta’s kapag talagang oras niya, tahimik ang lahat. Mabuti na lang at hindi pwedeng buksan ang aircon kaya less ‘yung pagkaantok. Every Saturday kasi, iniiwasan buksan ‘yong aircon. Malay ko rin ba sa school, nagbabayad naman kami rito pero binibitin kami. Saturday na nga lang. Buti pa’ yung aircon, day off at nakakapagpahinga. May nagbato ng crumpled paper sa noo ko at bumagsak sa desk ko kaya bigla akong nabuwisit. Kinuha ko ‘yun at hinanap kung sino ang may gawa niyon, humint