Page 2
Eclair's P.O.V
I feel like I have… a very long dream. It is about letting myself drowned in water. Nakatingin lang din ako sa itaas habang bumababa ako paibaba.They said, dreaming about letting yourself drowned is a sign that some circumstances might change you, however you want to protect it because you’re scared and you’re worried because it might go wrong. But what is it that I want to protect?Ramdam ko pa ‘yung paglutang ko sa crystal clear na tubig nang bumalik din ako sa realidad.Binuhusan ako ng demonyita kong kapatid ng malamig na tubig kaya nawala rin sa utak ko ‘yung napanaginipan ko. Kaagad akong napaupo sa pagkakahiga sa kama at asar na tiningnan si Ate Elsie. “Nakakainis ka naman! Bakit mo ginawa 'yon?!" Nanggagalaiti kong tanong sa kanya na ngayon ay nakataas ang kilay. Inilapag niya iyong planggana sa sahig ‘tapos ay tumayo na nang maayos, humalukipkip at medyo lumapit sa akin. "You’re askin’ me why? I’m trying to wake you up for almost 2-3 minutes already. Nilagyan na nga kita ng ipit sa kili-kili mo at sa kung saan ka may kiliti pero hindi ka pa rin magising gising, I thought you were dead.”“Sino may matinong pag-iisip na patay na ‘yung kapatid niya?!” Hindi makapaniwala kong tanong at tumaas ang balahibo noong makaramdam ako nang kaunting lamig. “Maliligo na nga ako, ikaw magpalit ng punda ko, ah?!” Umalis na ako sa kama at kinuha ang tuwalya ko para makaligo na nga.
"Hey evil sister, ilakad mo naman ako kay Vincent!" At kahit hindi ko pa nakikita ‘yung ginagawang mukha ng aking kapatid, sigurado akong nakanguso siya para mag pa-cute sa akin. Bahala siya diyan. Ilang beses ko na siyang pinagbibigyan pero sinasayang niya.
"Eclair!" Tawag niya dahilan para huminto ako sa paglalakad, papunta na kasi ako sa labas ng kwarto. Walang gana ko siyang tiningnan tsaka ngiwing humarap sa kanya.
"Hey, ate? For you, ano ang 143?" Tanong ko pa sa kanya. Tingnan nga natin kung ano ang magiging sagot niya.She put her index finger on her chin and hummed, tila para bang nag-iisip ito. "I miss you?" Umiling ako."I like you? I love you?" Umiling ulit ako. "Ah! Alam ko na!" itinaas ko ang dalawa kong kilay habang naghihintay sa kanyang sagot. "Sige, ano?""I-Hate-You! Kasi hate mo ‘ko" napa-bored look na ako, mga walang kwentang sagot talaga. "Alam ko 'yon evil sistah! Pero masyado akong matalino para tanungin sa mga ganyang bagay" pagmamalaki pa nitong sabi dahilan para mapasapo ako sa sariling mukha. Hindi ko alam na may shunga shunga sa pamilyang Lockwood.
"Ang landi mo, ate... It's One Hundred Fourty Three, duh? Ano pinagsasasabi mo? Kung ‘yan ngang simpleng bagay, hindi mo masagot nang maayos, ano pa kaya kung gawin ko pa ‘yung gusto mo kay Vince? Edi hindi mo nanaman magagawa nang matino. Huwag na, manigas ka diyan.” At lumabas na nga ako sa kwarto, gusto ko na talagang maligo dahil medyo nilalamig na ako.
"Tsk! Tomboy!" Rinig ko pang tawag niya ngunit hindi ko na lamang ito pinansin at bumaba na lamang. ***NATAPOS NA akong maligo at magbihis kaya pumunta ako kung saan nakalagay ang mga nakahandang pagkain. Maliit lang ang dining room namin ngunit sapat na para sa aming magkakapatid.
Kumuha lang ako ng tinapay na nilagyan ko ng Strawberry and Butter, tapos umalis na ako. "Eclair, dito ka na kumain!” si Ate Ericka. Huminto ako sa pagtakbo at lumingon sa kanya. "Late na ako kaya aalis na ‘ko. Bye!" At binuksan ko na ‘yong pinto at lumabas."Eclair! Saglit lang!" Sigaw ni Kuya Erick at nakigaya sa akin. Kumuha lang din siya ng tinapay niya’t kaunting palaman bago sumunod sa akin buhat buhat ang bag niya ng isa niyang balikat.
"Oh my gosh, you two! Don't tell me patatakbuhin n’yo nanaman ako? Goodness!" Maarteng daing ni Ate Elsie pero sumunod na nga lang sa amin. Kumuha kaming tatlo ng tricycle. Papunta pa lang ako sa may likuran ng tricycle ay inunahan na ako ni Kuya Erick. Doon daw ako sa loob dahil baka masilipan daw ako lalo na’t naka skirt ako.Hello? Nakasuot nga ako ng jersey short. Ano masisilip nila ro’n? Pero ‘yung pang volleyball na shorts ‘yung suot ko, hindi 'yong pang basketball. Pero kahit na! “Huwag ka na makipagtalo, male-late na tayo.” si Kuya.Sumimangot ako at umiling iling para sabihin kay kuya Erick na ayoko sa loob, ngunit sumenyas pa siya na pumasok na ako roon kaya wala naman akong nagawa kundi ang sumunod. Hindi na ako nagmatigas.
Hindi naman na ako p’wedeng makipagtalo sa lalaking ito dahil naghihintay rin si manong driver. Kaso ang malas ko dahil makakatabi ko pa 'tong maarte kong kapatid. Ayoko sa mga maaarte pero mayroon akong kapatid na napaka ARTE. ‘Tapos kapag aasarin mo, iiyak. Oo, siya ‘yung tinutukoy ko nung nakaraan na balat-sibuyas. Kaya nakakabuwisit kasama.Nakarating na kami sa H.U o ang tinatawag sa Hojas University.
"Hojas" ang apilyedo ng may-ari ng skwelahan na ito at ang espanyol ng "Sheet of Paper" or "Leafs". Bagay naman sa school na ito dahil wala ka ring ibang makikita kundi puro papel. Paper works diyan, dito at doon. Kilala rin ang unibersidad na ito bilang Forest school dahil sa dami ng mga halaman at puno pagkapasok mo pa lang sa loob ng campus kaya hindi na ako magtataka.Nakarating na kami sa loob at nandoon na naghihintay ang mga kaibigan ko sa bench katapat ng finance. Nagkukwentuhan sila at mukhang hindi pa ako napapansin kaya siniko ko si Ate Elsie sa tabi ko na hawak-hawak ang kanyang pisngi’t titig na titig kay Vince. “Try mong bumati sa kanya.”
“T-Teka, okay lang ba ‘yung mukha ko? Hindi naman ba pangit?” Sabay harap sa akin. Nakatingin lang ako sa mukha niya at bumuntong-hininga.“You’re good. Kaya bumati ka na sa kanya.” Parang napapagod kong wika.Nakangiti lang na nasa tabi namin si Kuya Erick nang tapikin niya ang balikat namin ni Ate Elsie. “Kayo na ang bahala diyan, ah? Mauuna na ako.” Paalam niya at naglakad na nga kaya napansin na siya nung apat naming kaibigan at binati siya. Lumingon sila sa gawi namin pagkatapos kaya tinamaan nanaman ng hiya itong si Ate Elsie.Tumayo si Vince at lumapit sa amin. He was about to greet ate Elsie pero mataray niyang nilagpasan si Vince. Ugh.Pasimple akong napahawak sa noo ko. Kaya walang progress kasi ganyan ka palagi! Nakasunod lang ang tingin ni Vince kay Ate Elsie nang iharap niya ang tingin sa akin at ngumiti nang pilit. “Sigurado ka talagang hindi siya galit sa akin?” Paninigurado niya na nagpamulsa sa akin sa suot suot kong jacket.“Huwag ka mag-alala, p’re. Hindi. Nahihiya lang talaga siya.” Paliwanag ko.“Sa akin lang siya ganyan.” Sambit ni Vince na pilit kong tinawanan. Nilapitan na ‘ko ng iba kong kaibigan."Saan tayo gagala pagkatapos ng klase?" Bungad ni Arvin. Ni hindi pa nga kami nakakapagklase, gala kaagad na sa utak. Pero kung gala ang hilig nila, bakit hindi na lang din sila nag take ng tourism bilang course nila, ‘no?"Gusto n’yo mag karaoke?” Dagdag tanong pa ni Arvin.Ibinaba ni Kyle ang suot-suot niyang headphone. “Kahit saan.”“Walang kahit na saan na lugar.” si Richard. “Tama na nga ‘yan, mamaya n’yo na pag-usapan kasi male-late na tayo--” Napatigil ako kasi bigla akong inakbayan ni Vince. Aalisin ko sana ‘yung kamay niya sa akin kasi baka makita ni Ate Elsie pero may binulong siya.“Bumaba ‘yung zipper ng skirt mo. Tinatakpan ko kaya isara mo na baka may makakita.” Kinilabutan ako sa boses ni Vince pero nataranta rin ako dahil sa nasabi niyang pagbaba nung zipper ng skirt ko. Tumataba ba ‘ko?! Nakatingin lang din si Vince sa ginagawa ko kaya iniangat ko ang tingin sa kanya, tiningnan din naman niya ako pabalik. “Ano’ng tinitingin tingin mo diyan?”Kumurap-kurap siya. “Hindi, naisip ko lang kasi na baka nag-aalala ka na baka tumaba ka.” He’s not wrong pero ano’ng connect niyon sa pagbabantay sa pagtaas ko ng zipper ng skirt ko?“Hoy! Ang lapit n’yong dalawa masyado! Na sa skwelahan kayo!” Sabay tulak palayo ni Richard sa aming dalawa. Buti naayos ko na ‘yung skirt ko.Tiningnan ni Vince ang relo niya. "Vacant time ko mamayang 10 o'clock, kayo ba?" Tanong nito at inilipat ang tingin sa amin, tiningnan ko naman ang iba ko pang kasama. Blockmate ko kasi si Kyle, Richard at Arvin sa course ko. At si Vince lang ang nahiwalay. Upperclassman namin siya, kaklase ni Ate Elsie.
"Wala kaming vacant time mamaya, tuloy tuloy na 'yon" Sagot ni Kyle na walang suot suot na kahit na anong ekspresiyon. Mukha lang siyang inaantok.
Muli siyang nagsuot ng headphone na kanina’y nakasabit lang sa kanyang leeg.That means, don’t dare to talk to him. Kahit na ano pa ang gawin mo, hindi ka rin niyan kakausapin kahit naririnig ka nito."Ako nanaman mag-isa?" Para namang bago kay Vince na mag-isa siya.Nakatingin lang ako sa kanya nang pumasok si ate Elsie sa utak ko."Ilakad mo naman ako kay Vincent.” Naalala kong pabor ni ate Elsie sa akin kanina.
Animo’y nagkaroon ng light bulb ang tuktok ng ulo ko dahil sa aking iniisip, ito na siguro ang pagkakataon ni ate Elsie na magkaroon ng kakaunting development between her and Vince.Vince is a nice guy, so I won’t worry if that sister of mine will end up with him.Tumango-tango ako. "Edi sumama ka na lang sa kapatid ko." Inilipat niya ang tingin sa akin, tapos napahawak sa batok makalipas ang ilang segundo. Para siyang nag-alanganin bigla."Hmm… May kasama ‘yon.”
Si Vince lang kasi ‘yung nag-iisang lalaki sa course nila kaya wala talaga siyang makakasama sa batch niya. Palagi siyang mag-isa-- kung hindi lang din niya tinatanggihan mga alok nung mga kaklase niyang babae. “Tsaka nahihiya rin ako. Baka kasi tarayan ulit ako.” Iyan, kita mo ang ginawa mo, Ate Elsie? Ganito ang nagiging epekto kapag iba ang ipinapakita mo sa totoo mong nararamdaman.Tinapik ko ang likod niya. "Hindi naman siya mangangain, para rin kasi makapag-usap kayo kahit papaano’t makilala mo.” Ngiti ko. Nag react si Richard. “Oy, oy! Nirereto mo na ba si Vince sa kapatid mo?” Ngisi niya na sinimangutan ko.“Siraulo, hindi. Hindi ko siya irereto sa inyong mga unggoy kayo.Hindi rin naman sa nirereto ko si Ate Elsie, nagkataon lang na may gusto siya kay Vince kaya ko ‘to ginagawa pero kung wala naman siyang something sa kaibigan ko, wala rin talaga akong balak gumawa ng ganitong klase bagay para lang magkalapit sila.Nag-aasaran lang kami nang mapatingin ako kay Vince na biglang tumahimik at nakatitig lang sa mukha ko. Kumunot ang noo ko dahil doon kaya tinawag ko ‘yung pangalan niya. “Sorry, may naalala lang ako.” Naglakad na siya’t nilagpasan ako. “Tara, baka ma-late pa.” Dagdag niya.Nakasunod lang ang tingin ko sa kanya nang tabihan ako ni Richard. “Ang weird no’n ngayon, napansin mo?” Kumento niya ‘tapos ibinaba ang tingin sa akin. “At ang pangit ng suot mo, ang laki laki. Hindi ka ba nabibigatan diyan sa jacket mo?”“Pakielam mo, ha?” Maangas kong tanong. “Ikaw ba nagsusuot?” Tanong ko pa sa kanya saka ko sinuntok ‘yung braso niya na nagpahawak sa kanya roon. “Aray ko, ah! Kapag ako nanapak!” Babala pa niya kaya ako naman itong napahinto para humarap sa kanya. Halos magkadikit na ‘yung katawan namin dahil sa sobrang lapit namin sa isa’t isa. Napatigil naman si Richard samantalang diretsyo lang ang tingin ko sa kanya. Nakababa ang tingin niya habang nakatingala naman ako sa kanya.“Pakiulit nga ‘yung sinabi mo.” Pagpapaulit ko sa kanya pero umatras lang siya. Nakita ko ‘yung pagbaba ng adams apple niya kaya naisip ko na baka kinakabahan siya’t biglang natakot sa akin kaya ako naman itong sinuntok siya sa tiyan dahilan para mapayuko siya habang hawak-hawak ang tiyan. Tumalikod na nga ako’t naglakad sabay pasok ng dalawa kong kamay sa bulsa ng jacket. Lumapad din ang ngiti sa labi ko dahil pakiramdam ko, boss ako.“T*ngina, 1v1 tayo!” Rinig ko pang sabi ni Richard pero hindi ko na lang siya pinansin.Nakarating na kami sa building na pupuntahan namin, pero humiwalay na si Vince dahil nga sa magkaiba kami ng department.BS Management ang kinuha niyang course na sakto talaga para sa family business nila gayun din sa tatlong mokong. Ako lang ang naiiba, Literature naman ‘yung sa akin. Nagkataon lang na magkakaklase pa rin kami nila Kyle sa dahilang karamihan sa subject namin ay pare-pareho.“Bakit kaya hindi gawing 8:30 ng umaga ang klase ‘no?” Tanong ni Arvin na naglalakad sa unahan namin habang hawak ang likurang ulo.“Itanong mo sa school, huwag sa akin.” Tugon ni Kyle.“Hindi, nagtataka lang talaga ako kung bakit ganoon karamihan sa skwelahan.” Nagtatakang sabi pa ni Arvin. Tahimik lang akong na sa likuran nilang tatlo nang makarinig nanaman ako ng mga usap-usapan ng mga estudyante rito. Nandoon nanaman ‘yung tingin sa mga mata nila na hanggang ngayon, hindi ko magawang makasanayan. Although I told myself to ignore them, it still bothers me. Umaakto lang akong walang pakielam kasi ano ang magagawa ko, ‘di ba? Hindi naman pare-parehong mag-isip ang tao. Huminga ako nang malalim bago ko iangat ang noo ko na naging dahilan para magmukha akong lalaki sa kanila lalo pa nung itabingi ko nang kaunti ang ulo ko.Hindi mo rin mako-kontrol kung ano ‘yung gusto nilang isipin nila sa ‘yo. Kung ano lang ang nakita ng mga mata nila, iyon na ‘yon. Maliban na lang siguro kung may gagawin ka para mabago ang pananaw nila sa ‘yo.
*****Page 3Eclair's P.O.VNarating na namin 'yung classroom at bilang nakasanayan but at the same time, hindi.Na sa akin 'yung tingin ng mga kababaihan-- hindi dahil sa maganda ako. Pero dahil kasama ko 'yung gustong-gusto nilang makasama o makausap.Na sa kanan ko si Richard, na sa kaliwa ko naman si Kyle, at na sa likuran ko naman si ArvinKumbaga nagliliwanag sila sa paningin ng iba samantalang parang panira lang ako sa kumikislap nilang prinsipe. Kung ihahalimbawa ako sa isang nilalang,sa paningin nilapara akong bangaw na dikit nang dikit sa apat kahit ang totoo, ako nga ‘yung panay layo. Naglabas ako ng hangin sa ilong.Talaga nga namang nabubulag tayo sa katotohanan kapag tinitingnan lang natin 'yung bagay na gustong makita ng mata.Dumiretsyo na nga ako sa upuan ko pero hindi ibig sabihin ay natatapos na ‘yung pambabato nila sa akin ng masasamang
Page 4 Eclair's P.O.V Mabilis lamang na natapos ang klase at dahil may vacant ang iba sa amin, lumabas ang iba sa mga blockmates ko samantalang nanatili naman ang iba, malamang may iba sa kanila ang naghihintay sa susunod nilang subject. Hindi naman kami pare-pareho ng schedule. "Tara! Labas na tayo, punta tayo sa bar ni Vince." Aya sa amin ni Arvin na ngayon ay nakapamulsana naghihintay sa amin sa pintuan. Isinabit ko na sa magkabilaan kong balikat ang backpack ko. Ano tingin n’yo sa akin? Magsho-shoulder bag? Siyempre, hindi. “Talagang ikaw pa ‘yung nag-aya, eh ‘no?” si Richard. Bumungisngis si Arvin. “Gusto ko mag-isang shot.” Labas ngipin na sabi nito tsaka ako tiningnan. “Kapagka knockout ako, hatid mo ‘ko sa ‘min, Eclair.” Nilagpasan ko siya. “Neknek mo.” Lumabas
Page 5Eclair's P.O.VBinuksan ko 'yong pinto ng bahay at naabutan si ate Ella na umiinum ng alak.Tiningnan ko ang paligid. Wala pa sina kuya Erick dahil malamang ay nasa skwelahan pa ang mga 'yon. Inilagay ko ang bag sa couch at tiningnan ang paligid. Kung saan-saan nakakalat ‘yung beer in a can gayun din ang mga nasingahang tissue. Maglilinis nanaman tuloy ako imbes na makapagpahinga sa kwarto ko. Inilipat ko ang tingin kay Ate Ella na wasted na roon sa pahabang sofa pero sinusubukan pa ring abutin ‘yung natitira niyang alak. Nakuha niya pero nabitawan din niya kaya natapon din ang laman sa carpet. “Ate, tama na nga ‘yan!” Suway ko atkinuha ang kamay ni ate paramaiakbay sa akin, bubuhatin ko siya dahilmukhang hindi na niya magagawang makabalik sa kwarto niyang mag-isa. Sinilip ko ang mukha niya at
Page 6 Eclair's P.O.V Araw ng Sabado. Siyempre may pasok kahit Saturday. Akala ko nga kapag nag first year ka sa kolehiyo, petiks ka lang, eh. Hindi pala. Walang pahi-pahinga kapag na sa Hojas University ka. Walang awa mga titser dito, tipong iitim talaga mga eyebags mo sa kapupuyat mo sa modules at homework mo. Mas importante na ba ang grades kaysa sa mental and physical health mo? Baba ang balikat at mabagal akong naglalakad papasok sa campus. Umagang umaga, wala na akong energy. Gusto ko na lang matulog. Sabi ko sa isip ko at humikab. Mag sinungaling kaya ako sa school nurse namin na masakit ‘yung ulo ko para makatulog ako sa infirmary kahit papaano? Humph. Kaso joke lang. Hindi ko rin ‘yan magagawa dahil knowing that b*tch. Bibigyan lang niya ako ng gamot ‘tapos paalisin sa clinic niya para pabalikin sa classroom. Ganoon ginagawa niya kahit pa tuwing
Page 7Eclair's P.O.VPinaikot-ikot ko ‘yong ballpen ko sa daliri ko habang nakikinig ako sa lectures nung professor namin. Nililibang ko ‘yung sarili ko dahil antok na nga ako, aantukin pa ako lalo. Ang seryoso kasi ng guro namin na ‘to at wala talagang ka-humor humor. Ta’s kapag talagang oras niya, tahimik ang lahat. Mabuti na lang at hindi pwedeng buksan ang aircon kaya less ‘yung pagkaantok. Every Saturday kasi, iniiwasan buksan ‘yong aircon. Malay ko rin ba sa school, nagbabayad naman kami rito pero binibitin kami. Saturday na nga lang. Buti pa’ yung aircon, day off at nakakapagpahinga. May nagbato ng crumpled paper sa noo ko at bumagsak sa desk ko kaya bigla akong nabuwisit. Kinuha ko ‘yun at hinanap kung sino ang may gawa niyon, humint
Page 8:Eclair's P.O.VNakahalukipkip akong nakatingin sa apat na narito sa labas ng pintuan. May kanya kanya silang tayo ro’n habang nakasimangot lang din ako. “Ano kailangan n’yo? Ba’t hindi pa kayo umuwi?” Tanong ko.Humawak si Arvin sa likurang ulo niya. “Ah, balak sana naming kumain sa labas bago umuwi kaso iyon nga, pumunta kami rito para ano--” Hindi pa nga niya natatapos ay akma ko na sanang isasara ang pinto ko nang iharang ni Richard ‘yung paa niya kaya hindi ko na maisara.“Hoy, kinakausap ka pa, eh.” Iritable nitong pagkakasabi pero dikit-kilay ko lang siyang tiningnan.“Wala ako sa mood makipag-usap. Uwi!” Pagpapauwi ko sa kanila.“Kain muna tayo sa labas, para medyo lumamig ‘yong ulo m--” Binigyan ko kaagad nang masamang tingin si Kyle kaya hindi na siya nakapagsalita at nagsuot na lamang
Page 9Eclair's P.O.V"In commemoration of the 100 years of life and mission of the..."nakasalong-baba akong nakikinig sa mga reporters namin, pero jusko. Kahit na ano’ng gawin ko ay wala talaga akong maintindihan.Maliwanag na sinabi ng professor naminnai-explain 'yong report. Pero ang ginawa, binasa lang 'yong nasa visual aids!Paano maiintindihan ng iba kung hindi ipapaliwanag 'yan ng reporter? Ta’s itong professor namin, nakikinig lang pero hindi pinage-explain.Hoy, quiz namin bukas. Ano na lang makukuha naming score bukas kung wala naman kaming naiintindihan.Hahh… Bakit ba ako nag college?Binasa lang nila nang binasa 'yong nasabi nilang reporthanggang sa matapos na siya. Nagtanong siya kung may tanong kami ro’n sa report nila. Sa totoo lang, lahat pero tatanungin ko na lang kung ano ‘yung mga pwedeng maging key points. Magtataas sana ako n
Page 10 Eclair's Point of ViewMalakas kong narinig ang pagtilaok ng manok kaya tumayo na ako sa kama at umalis na roon para makapaghanda.Bumaba ako ng hagdan matapos kong maligo para pumunta sa hapag kainan kung saan kumakain na 'yung mga kapatid ko. Ngunit imbes na umupo ako para sumabay sa kanilang kumain, kumuha lang ako ng toasted bread. Aalis din kasi ako kaagad."Hmm..." mahilig akong magpalaman ng Butter and Strawberry Jam sa tinapay ko pero dahil sa wala namang ganoong flavor ngayon ay naghanap na lang ako ng iba. Buti nga may chocolate, eh.Inangat ni kuya Erick 'yung tingin niya sa akin. "Oy, hindi ka sasabay kumain sa amin, Eclair?" Tanong nito sa akin sabay tusok ng hotdog.“Hindi. Ayoko kayong kasabay.” Pagmamaldita ko at kinuha ang tumblr ko kung saan ito nakalagay para lagyan ng tubig. Ang babagal nilang kumilos. Kasi ba naman, itong si